Noli Me Tangere (Kabanata 1-10)

January 23, 2017 | Author: Jasper John Segismundo | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Buod ng Kabanata 1-10 ng Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tangere ay isa sa mga Obra Maestra ni Dr. Jose Rizal....

Description

KABANATA 2 Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang-galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon. KABANATA 3 Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Binatikos naman ito ni Padre Damaso, ngunit magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga ala-ala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta si Padre Damaso sa binata. KABANATA 4 Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plaza ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang kanyang bayan. Mababakas na wala man lang pinag-unlad ang bayang iyon. Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. KABANATA 5 Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda de Lala. Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tiyago. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. KABANATA 6 Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala si Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag bilang pinakamayaman kayat sila ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan. KABANATA 7 Dumating ang araw ng pagkikita ni Maria Clara at Ibarra, at siya ay hindi mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta. Napagpasyahan na siya ay magbakasyon sa San Diego sapagkat nalalapit na ang pista doon.

Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel. Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati. KABANATA 8 Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila. Maganda ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala. Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan- kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon. KABANATA 9 Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. KABANATA 10 Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas, matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga dayuhang tsino. Kung pagmamasdan ang buong bayan mula sa ituktok ng simbahan, kapansin pansin dito ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran. Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong sinupin ang mga naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila. Dito rin sila nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni Ibarra. Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap nito, ang San Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon. Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF