Noli Me Tangere Deciphered-kab041

April 22, 2017 | Author: Daniel Mendoza-Anciano | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Noli Me Tangere Deciphered-kab041...

Description

KABANATA 41 DALAWANG DALAW

Si Ibarra dahilan sa gulo ng isipan ay hindi makatulog; kaya upang malibang at mapalayo ang malulungkot na pag-iisip na lalong lumalaki sa gabi ay pumasok sa ulila niyang gabinete  at hinarap ang paggawa. paggawa. Inabot siya ng pagliliwanag na naghalo ng ilang gamot at inilalagay niya sa ilang putol na kawayan at iba pang bagay, na pagkatapos ay inilalagay sa mga botelyang tinatakpan ng lacre at lacre at nilalagyan ng panandang bilang. 1 Pumasok ang isang katulong at sinabi sa ang pagdating ng isang taga-bukid. ´Magtuloy!µ ang sabi, na hindi man lumingon. Pumasok si Elias, na tahimik na nakatayo. ´Ah! Kayo pala!µ ang ang bulalas ni ni Ibarra sa wikang Tagalog Tagalog nang siya ay makilala, ´ipatawad ninyong pinapag-hintay ko kayo, hindi ko napuna: napuna: mayroon akong ginagawang ginagawang isang mahalagang experimento«µ ´Ayokong kayo ay abalahin!µ ang tugon ng batang piloto, ´naparito ako, unang-una, upang itanong sa inyo kung mayroon kayong nais na ipagbibilin sa Batangas sapagkat pupunta ako roon ngayon, at pangalawa ay upang sabihin ko sa inyo ang isang masamang balita«µ  Tinanong  Tinanong ni Ibarra ang piloto sa pamamagitan p amamagitan ng tingin. ´Maysakit ang anak ni Kapitan Tiyago,µ2 ang dugtong ni Elias, ´hindi naman malubha.µ ´Iyan na ang kinatatakutan kong iyon ang mangyari!µ bulong ni Ibarra, ´alam ba ninyo kung ano ang karamdaman?µ ´Lagnat po! At ngayon, kung wala kayong ipag-uutos«µ ipag-uutos«µ ´Salamat, kaibigan; hinahangad kong kayo ay magkaroon ng isang mabuting paglalakbay« subalit ipahintulot muna ninyo sa akin ang isang katanungan; kung inaakala ninyong dikailangang tugunin ay huwag ninyong sagutin.µ Si Elias ay yumuko. MGA PALIWANAG

1 Nagpapakita ng pagiging sistematiko ni Ibarra sa pag-aaral ² isa siyang alagad ng agham. Siya ay gumagawa ng gamot ² kung anuman ang simbolismo ng gamot na kaniyang ginagawa, kung ito man ay para sa gamot para sa bayan, naandoon pa rin ang pangangailangan na maging sistematiko ang paghahanda nito. 2 Mapapansin na mayroong kaalaman si Elias sa pagkuha ng mga inpormasyong nagaganap sa buhay ng mga tao sa bayan. 481

´Paano ninyo napigil ang gulo kagabi?µ ang tanong ni Ibarra na itinitig ang mata sa kausap. ´Madali lamang!µ ang tugon ni Elias nang buong kapanatagan, ´ang mga namumuno namumuno sa kilusan ki lusan ay ang magkapatid, na ang ama ay napatay sa pambugbugbog ng guwardiya sibil; isang araw ay nagkapalad akong iligtas sila sa kapalaran na kinasapitan ng kanilang ama, at kapwa kumikilala sa akin ng utang na loob. loob. Sila ang kinausap kinausap ko kagabi at at sila na ang ang pumayapa sa iba.µ ´At ang magkapatid na iyan na ang ama ay namatay sa bugbog ay«µ ´Magtatapos ding kagaya ng ama,µ ang marahang sagot ni Elias, ´kapag tinakdaan na ng kasawian ang isang mag-aanak ay  mauubos na silang lahat; kapag ang isang puno ay tinamaan ng kidlat ay magiging abong lahat.µ lahat.µ3 At nang makita ni Elias na si Ibarra ay hindi umiimik ay  nagpaalam na. Nang makita ni Ibarra na nag-iisa na siya ay nawala sa kanya ang anyong tiwasay na ipinapakita niya kanina sa piloto, at ang sakit ay nalarawan sa kanyang mukha. ´Ako, ako ang dahilan ng pagkakasakit niya,µ ang bulong.4 Madaling nagbihis at pumanaog. Isang munting lalakeng nakaluksa, na may isang peklat sa kaliwang pisngi, ang bumati sa kanya nang buong galang at pinigil siya sa paglakad. ´Ano ang gusto ninyo?µ ang tanong ni Ibarra. ´Ginoo, ang pangalan ko po ay Lucas, ako ang kapatid ng namatay kahapon.µ ´Ah! Dinadamayan ko kayo sa sa kapighatian« at ano ngayon?µ ´Ginoo, ibig ko pong malaman, magkakano ang ibabayad ninyo sa pamilya ng aking kapatid.µ 3 Tamaan ng kidlat ² sa orihinal sa salita ni Patricio Mariano ay  tinamaan ng lintik at maging sa ating panahon ay naririnig ang isang masakit na hanay ng salitang tinamaan ka ng lintik o kaya ay tamaan ka ng lintik. Ang mga salitang iyon sa katotohanan ay hindi isang anyo ng pag-alimura kundi isang sumpa. Na ang tunay na kahulugan ng ´tinamaan ka ng lintikµ ² talagang minalas ka na talaga o kaya ay  tamaan ka ng kamalasan hanggang sa iyong kaapu-apuhan, na gaya ng paliwanag ni Elias ² alam ni Elias ang kahulugan ng salitang ito, dahilan sa ito ang kaniyang naging buhay. 4 Sinisisi ni Ibarra ang sarili sa pagkakasakit ni Maria Clara. Alam niya na ang pag-aaway nila ni Pray Damaso ang dahilan ² pagkat ninong ni Maria Clara ang nasabing pari. 482

´Ibabayad?µ ang ulit ng binata na hindi napigil ang pagkamuhi,5 ´saka na natin pag-usapan iyan. Magbalik kayo mamayang hapon sapagka·t nagmamadali ako ngayon.µ ´Sabihin lamang ninyo kung magkano ang ibig ninyong ibayad,µ ang ulit ni Lucas.6 ´Sinabi ko na sa inyong sa ibang araw na tayo mag-usap, ngayon ay wala akong panahon!µ ang sabing yamot ni Ibarra. ´Wala kayong panahon ngayon, ginoo?µ ang tanong na mapait ang loob ni Lucas na humarap sa kaniya, ´wala kayong panahon upang mapag-usapan ang ukol sa mga patay?µ ´Parito kayo mamayang hapon,µ ang ulit ni Ibarra na nagpigil, ´ngayon ay mayroon akong paroroonang isang taong may  sakit.µ7 ´Ah«at dahil sa isang maysakit ay pababayaan na ninyo ang namatay? Inaakala ba ninyong sa dahilang kami·y  mahihirap«?µ ´Huwag ninyong piliting ako·y mamuhi!µ ang sabi, at nagpatuloy ng lakad. lakad. Si Lucas ay naiwang minamalas siya na nakangiting puspos ng pagkagalit. ´Napagkikilalang ikaw ang apo ng nagbilad sa araw sa aking ama!µ ang bulong, ´may taglay ka pa ring dugo noon!µ At matapos makapag-iba ng pagsasalita ay idinugtong: ´Subalit kung mabuti ang ibabayad mo« ay magkaibigan tayo!µ8

5 Ang pagkamuhi ni Ibarra sa paghingi ni Lucas ng bayad ay dahilan sa alam niya (mula kay Elias) na ang nasawing kapatid nito (taong dilaw) ay  nagbalak siyang patayin. 6 Mukhang salapi ang lalaki, ang agad inalam ay kung magkakano ang ibabayad sa namatay. 7 Ipinapaalam na sa kapanahunan bago maganap ang Pag-aalsa sa Cavite ay nagkasakit ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Padre Burgos na si Padre Laza. Ang katotohanan sa bahay ng maysakit na pari inabutan si Padre Burgos nang kaguluhan sa Cavite noong 1872 at sa nasabing bahay din siya dinakip sa salang ´kasangkotµ siya sa pagaalsa. 8 Mapansin sana na ang pananalitang binibitiwan ni Lucas na ´Subalit kung mabuti ang ibabayad mo«ay magkaibigan tayo!µ ay isang lihim na kondisyon na ibinibigay niya sa kaniyang sarili. Parang nais na ipahiwatid ni Lucas na ´Kung magbabayad ka ng malaki ay mayroon kang malalaman.µ Itulad ito sa mga talababa sa Kabanata 43. 483

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF