Nobena sa Mahal na Poong Hesus Nazareno

June 8, 2018 | Author: Mariano Rentomes | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Nobena sa Mahal na Poong Hesus Nazareno...

Description

KALBARYO 

Sa malayong pook, Sa itaas ng bundok Naroon ang isang Lumang Krus Na pinagpakuan sa Anak ng Diyos, Sa sala ng tao'y tumubos Kung kaya ay aming iniaalay ang lahat sa Lumang Krus na iyan Handog nami'y ayuno at dasal, Nang ang hirap niya'y maparam Krus na yan ay tigmak ng dugo at luha

sa Diyos Ama, ngayong kasama ka Niya at ng Espiritu Santo  Amen. P a n a la la n g i n s a P a g h i n g i n g   Tawad 

Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, na gumawa at sumakop sa amin. Pinagsisisihan namin ang lahat ng aming kasalanan. Patawarin mo kami at nawa'y Iyong matulungang makapag-bagong buhay, makapangumpisal at mamalagi sa iyong pagmamahal.  Amen.

Ni Jesus na mahal ng madla Nagtiis ng hirap, namatay ng kusa Nang ang sala nami'y mawala Nananalig kami balang araw na kami'y Kanyang sasamahan Sa langit ng ligaya't buhay, Tahanan ng tapat at banal + Sa Sa n g a l a n n g + A M A , n g + A N A K , at ng +ESPIRIT +ESPIRITU U SANTO.

 Amen. P am a m b u n g a d n a P an an a l an an g i n  

Hesus Nazareno, ang ngalan mong ito ay ipinasulat ni Poncio Pilato sa ulunan ng iyong Krus sa Kalbaryo upang ipagunita ang iyong katapatan sa kalooban ng Diyos  Ama na mamuhay ka sa Nazareth nang masunurin sa Mahal na Inang Maria at masupag na tumulong kay San Jose. Tulungan mo kaming mamuhay tulad ng Iyong ginampanan sa Nazareth, sa buklod ng pag-ibig sa Mahal na Ina at kay San Jose upang sa lahat ng aming ginagawa makasunod kami

P a n a la la n g i n p a r a s a   Pangangailangan 

Hesus Nazareno, sa sinag ng liwanag mula sa Iyong ulo, ang iyong pagkabuhay ay sumilay sa aming pagdarasal. Kaawaan mo kami at nawa'y pagbigyan ang aming kahilingan, sapagkat kami'y lubos na nagtitiwala na Iyong ipagkakaloob ang aming mga ipinakikiusap na mga pangangailangan ng aming katawan at kaluluwa, lalung-lalo na ang biyaya na aming idinadalangin. (Bigkasin ng tahimik ang iyong  kahilingan). kahilingan). Kami lubos na nagtitiwala na inyong ipagkakaloob ang aming mga kahilingan, sapagkat iyong ipinahayag na, " Humingi kami at iyong ipagkakaloob". Sa laki ng aming pananalig, nagpapasalamat na kami ngayon pa lamang, sapagkat ang nananalig sa Iyo ay hindi nabibigo, kaya nga Iyong ninanais na kami ay magtiwala ng lubos sa iyong paglingap, ngayon at magpasawalang hanggan.  Amen.

Panalangin p ara sa Mag-Anak 

Daing: Kristo, Kaawaan mo kami

Hesus Nazareno, sa iyong balikat ay iyong ipinasan ang tanang maganak sa sanlibutan. Mula pa sa Nazareth ang pagpapala sa buhay ng mga mag-anak ay iyong tinitiyak, sapagkat ang paglingap ng Mahal na Inang Maria at ang pagtataguyod ni San Jose ay laging makakamit ng lahat ng nananalig. Patatagin mo sa katapatan, sa pagmamahal at pagtutulungan ang lahat ng mga magulang at mga anak na dumudulog sa iyong kalinga.

Sagot: Kristo, Kaawaan mo kami

 Amen. P ag b a s a Mu l a s a S u l a t n i A p o s t o l   San Pablo s a mga taga-Filipo s  (2:6-11) 

"Si Kristo Hesus bagama't siya'y Diyos, ay hindi nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, Siya'y nagpakababa at naging masunurin hanggang sa kamatayan, OO, hanggang sa kamatayan sa Krus. Kaya naman, Siya'y itinampok ng Diyos at binigyan ng panglang higit sa lahat ng pangalan. Anupa't lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa Kanya. At ipahahayag ng lahat na si Hesukristo ang panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama." Mga Kahilingan sa Poong J esus  Nazareno 

Daing: Panginoon, Kaawaan mo kami Sagot: Panginoon ,Kaawaan mo kami

Daing: Panginoon, Kaawaan mo kami Sagot: Panginoon, Kaawaan mo kami (sa bawat hibik ang ating  itutugon...) "Hesus Nazareno, kami'y pagbigyan Mo." - Hesus Nazareno, liwanagan Mo ng Iyong sinag ng pagkabuhay ang aming isipan at kalooban (tugon) - Hesus Nazareno, patatagin Mo kami sa krus na nakaatang sa amin upang kusang loob naming maisabalikat ang aming paghihirap. (tugon) - Hesus Nazareno, ituon Mo ang aming pananaw upang tulad Mo ay aming mabanaagan ang liwanag ng tagumpay na sa amin ay nakalaan. (tugon) - Hesus Nazareno, Ipaunawa Mo sa amin ang iyong pananahimik sa iyong pinagtiisang hirap at sakit sapagkat ang Iyong Diyos Ama at Espiritu Santo ay laging kapiling ng mga nagigipit. (tugon) - Hesus Nazareno, palakasin Mo ang aming puso upang kahit palagusan ng sibat ay maka-panatili pa rin kami sa Iyong pag-ibig. (tugon) - Hesus Nazareno, tulungan Mo kaming yakapin ang krus ng aming pagsisikap araw-araw. (tugon) - Hesus Nazareno, pagpalain Mo kami sa pag-iwas sa mga taksil at tampalasan. (tugon)

-Hesus Nazareno, igawad Mo ang lakas ng Espiritu Santo upang kami'y maiwas sa hirap at sakit dito sa daigdig. (tugon) - Hesus Nazareno, Pangunahan Mo kami sa paglakad sa daan patungong kalbaryo upang kusang loob naming maihain ang lahat ng Iyong ipinahintulot na mangyari sa aming buhay. (tugon) - Hesus Nazareno, Iyong dinggin kahit ang mga daing na hindi namin mabigkas. (tugon)

sakit. Inang maamo at maibigin, kanlungin mo kami sa iyong mga manta at sa nakahalukipkip mong bisig. Huwag mong ipahintulot na mabagabag o mabalisa ang aming mga puso. Ipakita mo sa amin ang minamahal mong anak na si Hesus, Upang aming matagpuan sa kanya at kasama niya ang amig kaligtasan at ng sanlibutan. Kamahalmahalang Virgen de Guadalupe, Suguin kami, gawin mo kaming tagahatid ng balita sa mundo at ng salita ng Diyos  Amen.

PASASALAMAT  P a n a la n g i n p a r a s a m g a M a y s a k i t  

Diyos Ama sa kalangitan, lakasloob kaming dumudulog sa Iyo sa pangunguna ng Poong Hesus Nazareno at sa buklod ng Espiritu Santo. Sa iyong pagpapala, biyaya at pagbabasbas na aming kinakamit araw-araw, lalo na sa pakikinabang sa Banal na Sakramento, nagpapasalamat kami sa Iyong lubos na paglingap. Tunghayan Mo ang malasakit ng Mahal na Inang Maria at ang pagkupkop ni San Jose sa Iyong anak na nagkatawang-tao na si Hesukristo, na kaugnay naming lahat ngayon at magpasawalanghanggan.  Amen. P an a l a n g i n s a M a h a l n a B i r h e n   n g G u a d al u p e  

Kabanal-banalang Virgen Maria, Ina ng totoong Diyos, kami'y nabubuhay para sa iyo, yamang para sa amin ikaw ay Inang mahabagin. Ikaw ang hinahanap namin at tinatawagan. Maawa ka at iyong bigyang pansin, ang aming mga pag-luha at kalungkutan. Pagalingin mo ang mga nalulumbay, ang mga nagdadalamhati, at ang mga may

Hesus Nazareno, sa Iyong kandungan ay inaruga mo si San Jose sa yugto ng kanyang pagod at pagdaranas ng karamdaman. Gaya ng iyong malasakit sa kanya at sa iyong mga pinagaling, noong ipatong mo ang Iyong kamay, ipagkaloob mo ang Iyong minarapat ibigay sa mga may karamdaman na aming idinudulog sa inyong presencia, sapagkat Ikaw ay maawain at matulungin sa lahat ng nananalangin ngayon at magpasawalang hanggan.  AMEN. +Sa ngalan ng +AMA, ng +ANAK, at n g +ESPIRITU SANTO. HIMNO SA MA HAL NA POONG  JESUS NAZARENO 

Nuestro Padre Jesus Nazareno, Sinasamba Ka namin Pinipintuho Ka namin  Aral Mo ang aming buhay at Kaligtasan Nuestro Padre Jesus Nazareno

Iligtas Mo kami sa Kasalanan  Ang Krus Mong Kinamatayan ay Sagisag ng aming Kaligtasan Chorus: Nuestro Padre Jesus Nazareno Dinarangal Ka namin Nuestro Padre Jesus Nazareno Niluluwalhati Ka namin! (2x)

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF