New Ideolohiya

February 24, 2019 | Author: Marie Michelle Dellatan Laspiñas | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

IMs...

Description

Banghay Aralin sa Grade 8 Araling Panlipunan

I.

Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Layunin: Sa 1. Makakikilala sa mga kategorya ng ideolohiya at ang iba’t ibang uri nito ; 2. Makasusuri sa katangian ng mga kategorya ng ideolohiya at ang iba’t ibang uri nito; at 3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng ideolohiya sa isang bansa.

II. Paksang Aralin: Ang Aralin:  Ang Kahulugan ng Ideolohiya Sangunian: Kasaysayan ng Daigdig pages 497-499 Kagamitan: marker, manila paper, ginupit-gupit na papel, kompyuter, L CD projector, sagutang papel III. Pamamaraan/Estratehiya: A. Panimula 1. Pambungad na Panalangin 2. Pagsasaayos ng silid 3. Pagganyak Panuto: Ang buong klase ay hahatiin ko sa tatlong (3) grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ko ng ginupit-gupit na papel na inyong bubuuin at ididikit sa manila paper. Kapag nabuo ninyo na ang larawan at ididikit ninyo ito sa pisara at isisigaw ninyo ang pangalan ng inyong grupo. Mayroon lamang kayong dalawang (2) minuto upang gawin ito.

B. Panlinang na Gawain (Pangkatang Gawain): Ngayong gabi ay ating tatalakayin at iintindihin ang kahulugan ng ideolohiya pati na rin ang mga kategorya at mga halimbawa nito. Manatili lamang kayo sa grupong ginawa natin kanina sapagkat magkakaroon tayo ng mga gawain mamaya. 1. Makakikilala sa mga kategorya ng ideolohiya at ang iba’t ibang uri nito a. Pamantayan Bago ang lahat, ano ang kailangang gawin ng isang mabuting mag-aaral habang ang guro ay nagsasalita sa harapan? Ano pa?

b. Pagtatalakay ng kahulugan ng ideolohiya IDEOLOHIYA  Isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.  Mula sa salitang ideya o kaisipan Desttutt de Tracy 

Nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang agham ng mga kaisipan o ideya.

c. Pagtatalakay ng mga kategorya ng ideolohiya Kategorya ng Ideolohiya: 1. Ideolohiyang Pangkabuhayan  Nakasentro sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mamamayan 2. Ideolohiyang Pampolitika 

Nakasentro sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala.

3. Ideolohiyang Panlipunan 

Tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.

d. Pagtatalakay ng iba ’t ibang ideolohiya Iba’t Ibang Ideolohiya 1. Kapitalismo  ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan. 2. Demokrasya 

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.  Maaaring makilahok ang mamamayan nang: Direct o tuwiran  – ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Di-tuwiran  – ibinoboto ng mamamayan ang kinatawan nila sa pamahalaan na siya namang pipili ng mga pinuno sa pamahalaan.  Nagiging diktadura kapag ang inatasan ng mga tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng kapangyarihan at isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao. •



3. Awtoritaryanismo 

Ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan.  Konstitusyonal na Awtoritaryanismo  – Ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang-Batas

4. Totalitaryanismo

Pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan  Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan.  Sistemang Diktatoryal  – ginagamit noon tuwing may kagipitan o labanan at may pangagailangang magtakda ng isang punong militar na may kapangyarihang diktatoryal. 

5. Sosyalismo 

ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao. - ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksiyon.

e. Pagbibigay ng aktibidad Panuto: Sa parehong grupo na ginawa natin kanina ay bubuuin ninyo ang puzzle na aking inihanda. Isulat ninyo ang bawat letra sa bawat kahon upang mabuo ang isang salita ayon sa nakalagay na mga batayan para sa bawat bilang. Pagkatapos ninyo itong masagutan ay idikit ninyo ito sa pader at sisigaw kayo ng “Hooray!”. Ang unang grupong makatapos na tama ang lahat ng kasagutan ay madadagdagan ng limang (5) puntos. Bibigyan ko lamang kayo ng limang (5) minuto upang ito ay matapos. 7 1 P N I P N N 8 D K 2 D M K A S A O 3 T O A L I T R Y N S T

9 S S Y

4

A

P

L

I

T

K

A

L

Y

5

P

A

K

A

B

H

A

I Y

A

N

I M

6

A

W

O

I

T

A

A

N

I

S

M

M

BATAYAN:

1. Tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas. 2. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. 3. Pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. 4. Nakasentro sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. 5. Nakasentro sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mamamayan. 6. Ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan. 7. Mula sa salitang ideya o kaisipan. 8. Ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal. 9. Ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.

2. Makasusuri sa katangi an ng mga kategorya ng ideolohiya at ang iba’t ibang uri nito. Panuto: Isulat ninyo sa loob ng bawat hugis ang inyong kasagutan. Basahin ang legend na nakalagay sa ibaba ng inyong papel upang kayo ay magabayan. Mayroon lamang kayong sampung (10) minuto upang ito ay inyong matapos. 3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng ideolohiya sa isang bansa. a. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng ideolohiya sa isang bansa? IV. Aplikasyon: 1. Bilang isang mag-aaral, ano ang mas nais mong maging ideolohiya ng ating bansa? Bakit? V. Pagkilatis: Panuto: Piliin ang katangian ng ideolohiya na nasa hanay A mula sa hanay B. Isulat ang titik ng inyong kasagutan sa ¼ na papel. A B 1. Awtoritaryanismo a. Ang pamamalakad ng pamahalaan ay 2. Demokrasya nasa kamay ng isang pangkat ng tao. 3. Totalitaryanismo b. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay 4. Kapitalismo nasa kamay ng tao. 5. Sosyalismo c. Ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan. d. Ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador. e. Ito ay isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.

VI. Takdang-Aralin: Basahin ninyo ang susunod na paksa ng “Mga Puwersang Pangkabuhayan sa Politika ng Bansa”  at sagutin ang sumusunod na katanungan sa ¼ na papel: 1. Bakit bumagsak ang Dinastiyang Romanov?

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF