Nena at Neneng
February 19, 2017 | Author: Mhaine Aletre | Category: N/A
Short Description
Download Nena at Neneng...
Description
Nena at Neneng Valeriano Hernandez at Peña Matalik na magkaibagan si Nena at Neneng kapwa mannahi ang knailang hanapbuhay. Nagkaroon ng kasintahan ang dalawang dalga. Unang nagging kasintahan ni Nena si Miguel ngunit di nagtagal ang pagsibol ng kanilang relasyon sa kadahalianan tutol ang ate ni Nena. Kaya nanligaw si Miguel kay Chayong kasintahan naman ng pinsan si Narciso o Sochong. . Ginahasa at ang puri’y inilugso. Si Miguel ay sugapa sa sugal , bukod sa singungaling at nabilanggo dahil sa kasamaan hanggang mabulok saka namatay sa bilibid. Nagkaanak si Chayong at si Narciso ang naging ninong. Isang araw na dinalaw ni Narciso ang inaanak, nakabangga niya si Neneng na maghahatid ng tahi para kay Chayong. Ito ang simula ng pagkakilala ng dalawa na humantong sa pagiging magkasintahan. Si Nena ay umuwi sa kanilang nayon dahilan ng pagkamatay ng kaniulang amain. Dito niya nikta muli ang kababatang si Deogracias, nagkaibigan sila at di nagtagal ay nagpakasal. Ininmbitahan ni Nena ang magkasintahang Neneng at Narciso. Sa kasalan, ditto nakita ni Isko si Neneg na sa unang tingin pa lang ay sumibol ang pag-ibig ni Isko para kay Neneng, na agad naming tinutulan ni Neneng dahil mayroon siyang kasintahan. Nagpakasal sina Neneng at Narciso. Hindi pa rin tumugil sa panunuyo si Isko, lumuluwas pa rin siya sa Maynial para ligawan si Neneg na taliwas sa kaalaman ni Narciso. Dahil sa isang liham ni Isko para kay Neneng n anabas ni Narciso, at minsang umuwi si Narciso sa tahanan nila nakita niyang tumalon mula sa bintana si Isko. Dahil sa pagkaseloso’y humahangga sa kawalan ng bait. Inakala ni Narciso na nagtataksil sa kanya si Neneg kaya nilayasan niya ang asawa. Dianamdam ni Neneng ang pag-iwan ng asawa. Umuwi siya kina Nena , at sa likod ng pag aliw ng kaibigan, nagkasakit si Neneng at tuluyang namatay. Si Narciso ay di mapalagay kaya bumalik siya sa kanilang tahanan. Ngunit huli na ang lahat, nabatid na yumao na si Neneg dahil sa pagkasipayo sa pag-ibig. Nang malaman niya mula kay Nena na patay na ang asawa at mabasa ang liham ni Neneng na nagpapaliwanag na wala itong kasalanan sa bintang nito sa kanya. Nagmamadaling nanaog ng bahay si Narciso upang magtungo sa libingan ni Neneng para humingi ng tawad , sa kanyang pagmamadali nadulas siya sa hagdan at sa pagkakahulog tumama ang kanyang ulo sa bato upang maging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Lunsod, nayon at dagat-dagatan N.V. M. Gonzales Mula sa lungsod, lumuwas sa nayaon si Antonio at sa kanyang paglalakbay saka’y ng karitela’y naaninag niya ang kagandahan ng nayon at namumulaklak na mga puno ng mangga sa tabing-daan, matatabang kalabaw na nagsisipanginain sa mag bukiring hindi pa inaararo at sa mga lalaki at babaing nagisisgawa sa kanilang mga itikan. Sa dagat-dagatan ay kinasasalaminana ng arw na papalubog. Sa kanyang pagmamasid nadama niya ang lalang ng kalikasan. Takipsilim na nag dumating si Antonio sa bahay ni Nena na agad naming tinanggap ng mga magulang ni Nena, si G. Gomez o “tatang”. Sinundan ng kanilang paghahapunan. Sa pagkukuwentuhan nila sa beranda, nalibang sila palibhasa’y napakaraming tanong ni tatang. Napag usapan nila ang paglalakbay ni Antonio galling sa lungsod, di naglaon napag usapan nila ang pagkakaiba ng paninirahan sa lungsod at nayon. Nahimigan ni Antonio si Nena na taking taka dahil sa pagsasalita ng kanyang ama. Si G. Gomez ay paiba iba ng isip patungko, sa pagluwas sa siyudad, na agad sinundan ng matang nag aalab na kalian man hindi malilimutan ang pook na kanyang nilakhan. Ang pagkakaroon ng itikan at palayan sa pook nay un, s tagpong iyon sila ay natahimik sa winika ng matanda. Na agad pinag-usapan ng magkasintahan. Inialok ni Nena na siya ang kakausap sa kanyang mga magulang patungkol sa pakay ni Antonio. Na agad naming tinanggihan ni Antonio dail sa kanyang pangambang nadarama. Hindi makatulog ng gabing iyon si Antonio, malalim ang kanyang iniisip. Alam niyang iniibig siya ni Nena at siya’y nagtungo roon upang magtapat sa kanyang mag magulang. Sa kanyang pag- iisip nalaman niya ang lahat ng dahilan kung bakit hindi napapanahon ngayon ang pag-aasawa na nagsasabi na kailangan niyang ito ngayon o lailanman ay huwag na. Na lulutas sa kanya kung may pagtitiwala sia sa kanyang sarili o wala. Kung natutumpak ang katandaan o kabataan. Maaga pa lanag, naulanigan niyang may nanaog sa may halamanan. Saka niya nagunita ang dagat-dagatan. At ang gunitaing iyo’y biglang nagging isang bagay na walang katututran. Kung ihahambing sa halimbawa, itinatanghal kung sino, upang Makita ng kaniyang sarling mga mata sa halamanan sa ibaba. Iniliban nila ni Nena ang pagpunta sa dagat-dagatan upang masabi ang mahalang pakay.
Lupang tinubuan Narciso g. reyes Narinig niya ang pag usad ng tren naiwan sa likuran nina Danding ang takip silim ng tutuban, at sila’y napaginta sa malayang hangin at sa luwang ng umaga. Huminga ng malalim ang kaniyang Tiya Juanan na nagpagising sa kamalayan ni Danding. Napawi tila ulap sa isip niya ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig, upang dumalaw sa namatay na kamag-anak ang kanyang Tata Inong. Nakadam ng lungkot si Danding bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na tiyuhin. Sa Malawig, ipinanganak ang kanyang ama, doon lumaki at nagka isip at nadama niya ang pag usbong sa kanyang puso ang isang pambihirang pananabik. Pagdating sa Malawig sari-saring pakilala, kumustahan na kanyang malalapit at malalayong kamag-anak. Sa isang banda nakadama ng pasasalamat si Danding na sarat ang kaniyang ilong, kundi hindi ay pulpol na marahil siya ngayon. Napako sa kanila ang pansin ng lahat. Isang manipis na dingding na sawali ang tanging nakapaginta sa bulwagan at sa pinakaloob na bahay na siyang kinabuburulan ng patay. Sa pagpasok ni Danding ay nag iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kaniyang pandinig ang alingawngaw sa labas at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Nabakas niya ang bahagyang pagkakawangis sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot. Pumuta sia ng bukid sa may likuran ng bahay. Hindi kalayuan ay natanaw niya si Lolo Tasyo . Madami siyang nalaman tungkol sa kanyang ama ang pagkakaparis nila sa pagsasalita at ang nagging buhay kabataan ng kanyang ama. Handa na ang hukay, nasa gild ng simbahan ang libingan bagay na nagpagunita kay Danading ng sumpa ng Dioys.Wala ng nalalabi kundi paghuhulog at pagtatabon ng kabaong.Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang ngunit sa kaniyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangigilid ang luha sa kanyang mga mata. Balisa at nagsisikip ang dibdib sa damdamin nadarama. Si Danding ay lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay. Ang kapayapaan ng bukid, unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at ligamgam at natiwasa’y ang pagod niyang katawan, sa kapirasong lupa dito
isinilang ang ama niya. Napanatag ang kanyang puso sa sandaling iyon at tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na. Kagat na ang dilim sa lahat ng dako, wlang buwan at may kadiliman ang langit. Nababanaag pa niya sa kalayuan ang paglikha ng tula ng kanyang ama at aandap-andap na bituing naging saksi sa unang pag-ibig nito.
Uhaw ang tigang na lupa Liwayway a. arceo Ilang araw na niyang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal niya. Bilugang mukha, malapad na noo, hati sa kaliwang buhok, singkit na mga mata,, hawas na mukha niya, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at manipis na labi na kay Ina. Ang kaniyang ina ay hindi palakibo. Bihira siyang magalit at nagkakagayon ay maikli ang kaniyang oananlita. Ito rin ang katumbas ng kiyang mariing huwag kung mayroo siyang ipingbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw. Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw. Kung gabi ay hinahanap ko ang kaluluwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay ukol sa mga kapre at nuno at ukol sa magagandang ada at prinsesa, ng isang nagmamasid at nakangiting ina, ng isang pulutong ng nakikinig ng magaganda at masaganang dula. Ngunit sa halip niyon ay minamalas ko si ama sa kanyang pagsusulat, sa kanyang pagmamakinilya, sa knyang pagbabasa. Si ina ay isang magandang tanawin kung manunulsi ng mga punit na damit, natutughan ko ang isang kapana-panabik na kuwento ngunit ang pananabik na ito’y napapawi. Sakali mang hindi ngkakagalit si Ina at si Ama, o magkagalit man ay sadyang hindi pinamamalay sa akin, hinahanap ko rin ang masiliw na palitan ng titig ng mga biruan. Ilang taon na ang nakakaraan ng minsang may ibinalik na maliit na aklat ang aming tagapaglaba. Nukaha niya mula sa lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko kay ina at ito raw ay talaarawan ni ama. Kinabukasan nabakas ko sa mga mata ni ina ang mga luha at di niya pagkibo. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin. Lasing na lasing si ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si ama ngunit, kakaiba ang kalasingan niya ngayon gabi. Hinilamusan siya ni ina ng maligagam na tsaa. Isang panyolitong basa na malamig na tubigang itinali ko sa ulo ni ama. Wala
siyang tutol sa aking ginawa. Kinulob ko siya sa makapal na kumot matapos inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi. Nakangiti si ama habang ginagawa ko iyon nawika niya mangagamot pala ang aking dalaga. Ilang araw na nakaratay si ama at nawika ng manggagamot gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ipinalinis ni ama ang kanyang hapag ng kanyang silid, sa pang ilalim na kahon ng kanyang hapag nagbigay ng pansin ang isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng liham. Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro,may maninipis na labi sa likod niyon ay nasusulat sa maliit at bilugang titik sa bughaw na tinta. “Sapagka’t ako’y nakalimot”. Nakadama ako ng pagkapoot at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit sa kay ama. Hiningi ni ama ang panulat sa aklatan at aniya’y isang dalubhasang kamay ang uukit non sa itim na marmol, na lailanma’y hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri. Kinatatakutan ko ang pagkawala ng diwa ni ama. Si ina ay patuloy sa kanyang pagluha kung walang maaring makakita sa kanya. Nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo. Natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa.
ISANG DIPANG LANGIT AMADO V. HERNANDEZ Sa kanyang pagkakapiIt sa kulungan, mababanaag sa kanyang mga mata ang pighati at malupit na buhay. Ikinulong sa kasalanang hindi naman niya pagaari. Pagbabayad na walang naming siyang inutang. Pagkakataong nasayang sa kasalanan hindi naman niya ginawa.Isang kulungan na magiging tahanan, malupit na bato bakal, buwayang bantay. Isang lugar sa mundong itinuring niyang buhay na patay. Mga tanong sa kaniyang mga salita na bingi sa katotohan. Hanggang kalian siya magtitiis sa lugar na walang hanggan kundi ang kamatayan.Kay talim ng mga mapanuring mata na kung tumingin ay sandata ng kidlat . Mga hiyaw na mga kapwa bilanggo na kulambong sa luksa na wari nagtatago sa lungga ng hustisiya. Gustong maaning ang pag-asa mula sa Bathala. Nagtatanong nasaan ang maykapa alam niya di natutulog ang Diyos at pantay ang hustisiya pagdating sa kanya. Hindi habang buhay ang mga api ay api salat naman sa kahirapan madamarama rin ang kaginhawaan sa kanyang kugar sapagkat sa kniya’y pantaypantay. Humihingi ng bukas na liwanag mula sa sandipang langit, na walang pighati at pagdurusa. Sisikatan ng pag-asa sa kanyang napipintong paglaya. Mula sa paglaya naaaninag ang tagumpay. Dilim man ang pinagdaan laging sa liwanag ang dulo ng dilim.
WALANG SUGAT SEVERINO REYES Kuwento ng pag-ibig ni Julia para kay Tenyong. Na nagpapamalas sa panunuyo at tuksuhan ng dalawang nag iibigan. Sumisimbolo sa pag-ibig na tulak mong kabigin bibigay rin.Noon panahon ng mga Frayle pinahihirapan ang mga Pilipino, mahigpit na ipinagbabawal ang aklat na filibusterismo o kaya ay miyembro ng Mason. Pagaaklas ang turing ng mga fryale sa ganitong gawain. Kaya isa sa naakusaha nito ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo. Sa pagkukunwari ng mga frayle, nilinlang nila ang mga dalaw ng mga bilanggo, isa na rito ang ina ni Tenyong. Pinaniwala nila ang mga Pilipino na nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunt kabaligtaran ang nagyayari. Pinagmamalupitan nila ang mga bilanggo at pinahihirapan. Bagay na nalaman ng ina ni Tneyong. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan ni Putin (ina) ang nangyari at hinimatay. Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Upang maibalik ang kalayaan sa pagkakabihag ng tatlong taon sa kamay ng mga frayle ang minamahal nilang inang bayan. Sinugod ng mga katipunero ang estacion Guiguinto.
Pinagkakasundo ng ina (Juana) ni Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo. Na mahigpit na tinututulan ni Julia. Kaya gumawa siya ng paraan para malaman ni Tenyong ang nais ng kaniyang ina. Inutusan niya si Lucas na ipagsabi kay Tneyong na ipinagkakasundo siya kay Miguel, at naitkda na ang kanilang petsa ng kasal. Maging man ang taumbayan ay nakisentimyento sa mga kolonisador, kundi mga paring Pilipino tulad ni Pari Teban. Upang mailigtas sa kamay ng mga frayle sumasakop s inang bayan. Ang pagkakasundo ng bawat Pilipino laban sa mga dayuhan. Ipinaglalaban ang karapatan ng bawat at ang pagiging malaya n gating bayan. Bago makapunta si Lucas sa lugar ni Tenyong. Pinagmalupitan siya ng dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya, ang taksil ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga katipunero. Ikinalungkot ni Tneyong ang natanggap niyang balita mula kay Lucas. Labis na nasaktan si Tenyong nang malaman niyang ikakasal na si Julia. Kaya gumawa ng para hindi matuloy ang kasala. Kasama ang mga Katipunero, bumaba sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia. Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila.Sila rin sa huli, nasukat man ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa hindi naman sugatan ang kanilang pag-iibigan.
TANIKALANG GINTO JUAN ABAD Si Liwanag na may edad na 16 taong gulang ay umiibig kay K’Ulayaw isang binatang mahinhin na 18 taong gulang. Na mahigpit na tinututulan ni Maimbot ang tiyuhin ni Liwanag. Isang mabagsik at magaspang na pag uugali. Panginoon ni Nagtapon, binatang magaslaw at kapatid sa ina ni K’Ulayaw, sunod sunuran sa gusto ng kaniyang panginoon. Ang kanilang ina ay si D’Alita, na maramdamin. Si Manunulo, dukhang mangingilaw ng palaka na may katamtamang gulang. Bat (Diosa), kumakatawan sa katwiran. Si Diwa kumakalarawan ng pananalig. Kaluluwa ni Dalita ang demonyo at Kamatayan. Dahil sa kalupitan ni Maimbot nagtanan si Liwanag at K’Ulayaw. Na agad naman ipinahanap ni Maimbot kay Nag-tapon. Nagkunwari si Nag-tapon sa
kaniyang kapatid na si K’Ulayaw, upang mahanap sila ni Maimbot. Napatay si K’Ulayaw sa kadahilanan pinagkanulo siya ni Nag-tapon. Labis na ikisama ng loob ni K’Ulyaw ang pangyayaring iyon, na hindi niya matanggap na iiwanan niya ang mahal niyang si Liwanag at kataksila ng kaniyang kapatid. Na kabailgtaran naman sa nadaramang tagumpay ni Maimbot. Sa likod ng nasabing bahay ay may loobang sagana sa pananim at sa mga ito’y natatangi ang isang punong balite na nakaupo sa bato na nalilihim sa biglang tanaw nang nagmamalas madilim na gabi, tahimik at walang makabubulahaw kundi ang dagundong ng kulog at kislap ng kidlat na manaka-naka’y siyang nakarangalo. Huling tanyag ang kalahatan dumaragsa ang Demonyo at magsususngbong si Nag-tapos, si maimbot ay inaakalang kakalitin ni kamatayan ang kaluluwa’y lalabs may dalang sagisag mg bulaklak at puputungan si K’Ulayaw, pagkatapos ng kanyang talumpati. Si Maimbot at sina Liwanag ay pasa himpapawid.
View more...
Comments