Nat Reviewer Filipino i i

October 1, 2017 | Author: Mclarens Laguerta | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

sample data about in filipino 1...

Description

National Achievement Test Reviewer sa Filipino II

Iba’t ibang uri ng Teksto 1. Informative o pagpapabatid ng kaalaman – hal. Balita, Announcements 2. Narrative o pagsasalaysay – hal. Maikling Kwento 3. Expository o paglalahad o paglalabas ng katotohanan – hal. Lathalain 4. Descriptive o paglalarawan – hal. Travel Brochures 5. Argumentative o pakikipagtalo – hal. Debate, Editoryal 6. Persuasive o paghihikayat – hal. Ads 7. Procedural o prosidyural – hal. Manual Iba’t ibang Bahagi ng Pahayagan Pangmungkahing Pahina (Front page) - nakalimbag sa pahinang ito ang pinakamahahalagng balita. Pahinang Editoryal (Editoryal page) - natutunghayan dito ang pangunahing pangulong tudling, kolum ng mga komentarista/ pitak, karikaturang editoryal, mga liham sa patnugot at talaan ng patnugutan. Tanging Lathalain - itinatampok dito ang katangi-tanging artikulo na maaaring tao, pook, pangyayari, bagay, lunan at kakaibang paniniwala o panuntunan sa buhay. Isports/Pampalakasan (Sports page) - nababasa sa pahinang ito ang mga tampok na paligsaghan ng laro tulad ng basketball atbp. Itinatampok din dito ang mga pitak pang-isports. Movie Guide - Dito makikita ang mga pelikulang ipapalabas sa sinehan. Tv Guide - Dito makikita ang mga palabas sa telebisiyon. Klasipikadong Anunsyo (Classified Ads) - Sa pahinang ito makikita ang mga trabaho, ang mga house and lot na ipinagbibili atbp. Obituary - Dito makikita ang mga namatay na tao. Pahinang Panlibangan (Entertainment page) - Dito makikita ang mga Komiks, puzzle atbp. Lifestyle - Dito makikita ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng mga sikat na tao. Business page - Dito makikita ang mga bagay na may kaugnay sa negosyo. Balita Uri ng Balita BALITANG PANLOKAL - tumatalakay sa mahahlagang pangyayaring naganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa. BALITANG PAMBASA - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa BALITANG PANDAIGDIG - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa iba't ibang bansa sa daigdig Bahagi ng Balita 1. Pang-edukasyon 2. Pampulitika 3. Pampalakasan 4. Pantahanan 5. Pangkabuhayan 6. Panlibangan 7. Pangkapaligiran Editoryal Mga uri ng editoryal:

a.) Pagsasalaysay. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya. b.) Paglalahad. Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari. c.) Pangangatwiran Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago. d.) Paglalarawan. Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangitanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan. e.) Pagtutol. Dito ang awtor ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa. f.) Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang naglalahad ng katotohanan.pag bibigay ng opinion ng isang awtor.,walang pinapanigan ang isang awtor kundi antay pantay lahat g.) Espesyal na okasyon Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng isang okasyon. Wika Depinisyon ng Wika Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao. Wika ay paraan ng pananagisag sa pamamagitan ng mga tunog na ginagawa sa pamamagitan ng mga sangkap ng katawan sa pagsasalita upang ang isang tao ay maunawaan at makaunawa naman ng ibang tao. Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle) Ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang Sining ng Pakikipagtalastasan (A.M.Bagon) arbitrary upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason) Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra) Katangian ng Wika 1. May sistematik na balangkas 2. Binibigkas na tunog 3. Pinipili at isinasaayos 4. Kapantay ng kultura 5. Patuloy na ginagamit 6. Daynamik o nagbabago Mahalaga ba ang Wika? 1. Kahalagahang Pansarili 2. Kahalagang Panlipunan 3. Kahalagahang Global/Internasyonal Ang mga Varayti ng Wika 1. Dayalek 2. Idyolek 3. Sosyolek

Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa. Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa. Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao. Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language. Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran. Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible. Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika Karagdagan sa teorya ng wika mula kay Myan ng TristanCafe Pinoy Forum: Teoryang YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon. Teoryang Musiko. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon. Teorya ng Pakikisalamuha. ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa. Teoryang Muestra. pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sa pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay Tayutay (Figures of Speech) Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Pag-uulit Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay. Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.

Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag. Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles. Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin. Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o dipagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. Kanyuan ng Salita Payak - isang salita o isang salitang-ugat (Root word). Maylapi - isang salita na may isinasama o idinudugtong sa Salitang-ugat na tinatawag na Panlapi (Prefix/Affix). Kabilaan - Panlapi na inilalapat sa Unahan, Loob o sa Hulihan. Unlapi - (Inunlapian) Uri ng panlapi na inilalapat sa unahan ng salitang ugat. Gitlapi - (Ginitlapian) Panlapi na inilalagay sa loob ng salitang ugat. Hulapi - (Hinuhunlapian) Panlapi na idinurugtong sa hulihan ng salitang ugat. Inuulit - isang salita na inuulit para magkaroon ng iba pang kahulugan. Tambalan - Isang salita na binubuo ng dalawang salitang may magkaibang kahulugan. Ito ay maaaring gawin upang ipagsama ang kahulugan ng dalawang salitang pinag-ugatan o para makalikha ng salitang may panibagong kahulugan.

Pangngalan (Noun) Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol.

Pagkahati-hati ng pangngalan Maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian, kailanan, kaanyuan, kalikasan, at katungkulan.

Ayon sa Katangian

Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi. Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Jose Rizal, Luneta, Gloria Macapagal-Arroyo, Bathala Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: bayani, aso, katamisan ,pagdiriwang, pusa Ayon sa kayarian Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangalan. Maaari itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga. Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal. Halimbawa: tubig, bundok, pagkain Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika, yaman, buhay Lansak - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan Hango - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. Halimbawa: kaisipan, salawikain, katapangan Patalinghaga - pangalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang. Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan) Ayon sa kasarian Masasabing walang partikular na babae o lalaki sa mga pangngalan. Ngunit matutukoy ang kasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang "lalaki" o "babae" bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki, lalaking aso, babaing pusa Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangan lagyan ng mga salitang "lalaki" o "babae" kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang matutukoy din ang kasarian sa pangalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki ang mga pangalang tunog "o" at babae naman kapag tunog "a". Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa: Panlalaki - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking kalabaw) Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa nanganganak na babaing hayop) Di tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki

Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay Ang Kailanan ng Pangngalan Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng pangngalan. Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na si, ni, o kay kapag mga tao ang tinutukoy, at ang, ng (nang), o sa kapag mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang pamilang isang o sang, sam, at son na mga hangong salita nito. Halimbawa: Ang burol ay isang anyong lupa. Maramihan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sina, nina, kina, at ang mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa. Halimbawa: Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad. Lansakan - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han". Halimbawa: kabahayan, kabukiran, Kabisayaan

Ayon sa kalikasan Maaaring iuri ang pangngalan sa kalikasan o pinagmulan nito. Likas - pangngalang taal na sa sarili nito at kadalasang hango sa kalikasan. Halimbawa: apoy, lindol, ligaya Likha - pangangalang hinango ng mga dalubhasa dahil sa pangangailangan. Maaaring bagong likha at lumang salita na may bagong kahulugan ang pangngalan na ito. Halimbawa: agham, talatinigan, sining Ligaw - pangngalang hiniram o hinango mula sa mga salitang banyaga. Halimbawa: demokrasya, relihiyon, butones

Ayon sa kaanyuan Tungkol paglalapi ang kaanyuan ng pangngalan. Payak - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal. Halimbawa: talumpati, watawat, ligalig Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila. Halimbawa: sinigang, inihaw, tindahan, palakasan Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang. Halimbawa: tautauhan, bagay-bagay, bali-balita Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito. Halimbawa: kisap-mata, bahay-kubo, bantay-salakay Ayon sa katungkulan

Sa karaniwang katungkulan sa pangungusap, nagiging simuno o layunin ang isang pangngalan. Subalit maaaring gumanap din ang pangngalan bilang pagka-pandiwa, pagka-pandiwari, pagkapang-uri, pagka-pang-abay at iba pa sa tulong ng ilang panlapi o pananalita. Nasa sumusunod ang ilang mga halimbawa: Pangngalang malapang-uri - nagbibigay ng tiyak na kaurian kapag pinagsama sa kapuwa pangngalan. Halimbawa: Andres Bonifacio, Kay Huseng Batute, dalagang anak, baboy-ramo Pangngalang malapandiwa - gumaganap bilang isang pandiwa na nagsisimula sa "pa", "pag", "pang", "paki" o mga iba't ibang anyo nito at may kasamang "an" o "han". Halimbawa: Ang pahayag (ipinahayag) ng Senador ay mahalaga sa bayan. Pangngalang malapandiwari - kung ang pagganap ay alangang pandiwa at alangang pang-uri. Matitiyak kung malapandiwari ang pangngalan sa pagtatanong ng "ano ang...?" Halimbawa: Ano ang dala (dinala) mo? Ang dala ko ay... Pangngalang malapang-abay - kadalasang nauukol sa panahon na bahagi ng isang araw o gabi. Halimbawa: Nilalagnat sa hapon ang may tuberkolosis Pandiwa (verb) Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan Payak Ito ay ipinalalagay na ang simuno. Halimbawa: Lubos na malasin, mahirapan, at masaktan ang nambababoy ng wiking ito. Katawanin Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. Halimbawa: Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay. Ito ay may simuno at tuwirang layon. Halimbawa: Naglinis ng silid si kobe bryant. Tahasan Ito ay ginaganap ng simuno ang isinasaad na pandiwa. Halimbawa: Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan noong 1892. Balintayak Ito ay hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa. Halimbawa: Ang pagtatatag ng katipunan ay pinasimulan ni Andres Bonifacio. Kailanan ng Pandiwa Isahan Ito ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo. Halimbawa: Ang aso ay nagbabantay ng bahay tuwing gabi. Maramihan Ito ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.

Halimbawa: Ang mga aso ay nagsisipagbantay ng bahay tuwing hatinggabi. Mga Aspekto ng Pandiwa Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na. Halimbawa: Nagluto ng lechong tuyo ang nanay ko. Pangkasalukuyan/Imperpektibo Ito ay ang pagkilos na nasimulan na pero hindi pa tapos. Halimbawa: Natutunaw' ang sipon ko. Panghinaharap/Gaganapin o kontemplatibo Ito ay ang kilos ay mangyayari pa lamang. Halimbawa: Kakain si bebang ng tsokolate. Pang-abay (adverb) Mga uri ng Pang-abay Pamanahon - (Adverb of Time) nagsasaad kung kailan ginanap ang kilos. Halimbawa: Kami ay nagsisimba tuwing linggo. Panlunan - (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung saan naganap ang kilos Halimbawa: Pumunta sa palengke ang nanay kanina. Pamaraan - (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano naganap ang kilos ng pandiwa Halimbawa: Si ate ay umiyak nang malakas dahil pinalo ni ama. Pang-agam - pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng isang kilos Halimbawa: Hindi yata uulan mamaya dahil napakainit ng panahon ngayon. Panang-ayon- (Adverb of Affirmation) pang-abay na nagsasaad ng pangsangayon. Ito ay katumbas ng "affirmation" sa Ingles. Halimbawa: Tunay na napakaganda ng iyong damit. Pananggi - (Adverb of Negation) pang-abay na nagsasaad ng hindi pagsangayon Halimbawa: Hindi pwede na isama ang mga alagang hayop sa party ko. Panggaano - nagsasaad ng dami, halaga o timbang Halimbawa: Limang kilong baboy ang binili niya sa palengke. Panghalip (pronoun) Panao ang tawag sa panghalip na pamalit o panghalili sa pangngalang tao. Ang panghalip na panao ay ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan. Ito ay maaring isahan o maramihan Panauhan

Isahan

Dalawahan

Maramihan

Una

ako, ko, akin, kata

kita, amin, natin, atin

tayo, kami, naming, atin

Ikalawa

iyo, mo, ka, ikaw

kayo, inyo, ninyo

kayo, inyo, ninyo

Ikatlo

kaniya, siya, niya

nila, sila, kanila

nila, sila, kanila

Kung saan ang: Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita. Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap. Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan. Pamatlig panghalip na ipinapalit o ihinahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo. Halimbawa, Ang ito, iyan at iyon ay mga panghalip na pamatlig na pambagay. Ang dito, diyan at doon ay mga panghalip na pamatlig na panlunan. Ginagamit ang: Ito – kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo Iyan – kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo Iyon – kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita Diyan – kung malapit sa kinakausap ang lugar na itinuturo. Doon –kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap Ang dito, diyan at doon ay nagiging rito, riyan at roon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig sa mala-patinig na w at y. Halimbawa: parke roon; bahay rito Kinalalagyan

Paturol

Paari

Patulad

Pahimaton

Malapit sa nagsasalita

ito,ire,dito

nito, nire

ganito,ganire

eto, heto

Malapit sa kausap

iyan

niyan

ganyan

hayan, ayan

Malayo sa kausap

iyon

niyon

ganoon

hayun, ayun

Panaklaw Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan. anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba Nakahilig na pantitik Halimbawa:Lahat tayo ay magtutulungan. Panghalip na kaukulan Palagyo Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno. Panauhan

Una

Ikalawa

Ikatlo

Unang Panauhan

ako

kata

kami

Ikalawang Panauhan

ka

ikaw

kayo

Ikatlong Panauhan Halimbawa: Ako ang magluluto. Ikaw ang magluluto. Siya ang magluluto.

siya

sila

Paari Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay. Unang Panauhan

akin, ko, amin, atin, naming, natin

Ikalawang Panauhan

mo, iyo, ninyo, inyo

Ikatlong Panauhan Halimbawa: (Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na. (Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.

niya, kaniya, nila, kanila

Palayon Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak. Halimbawa: Si Jenny ay nakasakay ko. Pinakain nila ang mga tuta. Mga Gamit ng Panghalip Panaguri ng Pangungusap Halimbawa: Ang pera ay kanya. Ang bola ay kanila. Panuring Pangngalan Halimbawa: Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda. Ginagamit bilang Pantawag Halimbawa: Ikaw, umalis ka na. Kayo, hindi ba kayo sasama? Sila , hindi pa ba sila kakain? Bilang Kaganapang Pansimuno Halimbawa: Tayo ay kakain na. Iyan ang gagawin mo. Pang-angkop Ang mga salita ay ginagamitan ng mga pang-ugnay upang maging madulas ang pagbigkas. Ang mga pang-ugnay na ito ay tinatawg na "pang-angkop". Ginagamit ang pang-angkop bilang pangugnay ng salita sa kapwa salita. May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita: at ito ay ang : -ng halimbawa: balik ng balik -g halimbawa: pagkaing baboy -na halimbawa: pangit na pangit Klaster Ang klaster ay isang salitang may dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang pantig. Halimbawa: kard, plantsa, plato, braso, eksperto Diptonggo Ang diptonggo ay isang salitang may patinig at malapatinig (y at w) sa isang pantig. Halimbawa: kahoy, kalabaw

Hindi itinuturing na diptonggo ang mga salitang tulad ng ngipin sapagkat ang ng ay iisang titik lamang sa alpabetong Filipino. Pang-uri Ang Pang-uri ay ang salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Ito ay tinatawag na Adjective sa wikang Ingles. Uri ng Pang-uri Panlarawan Ito ay naglalarawan ng katangian ukol sa laki, kulay, hugis o kalagayan ng pangngalan o panghalip. Pamilang Ito ay nagsasaad ng bilang ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: marami kaunti Patakaran o Kardinal Ito ay gamit sa bilang o dami Halimbawa: lima, anim,; sandaan, sanlibo Panunuran Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang. Halimbawa: una, ikalima/ika-5, pangalawa, ikasiyam/ika-9 Pamahagi Ito ay pamilang na bahagi ng isang buo o mahigit sa isang buo. Halimbawa: kalahati (½) bahagdan (1/100) kaapat (¼) Pamilang Ito ay iniuukol sa dalawa o higit pang tao o bagay. Halimbawa: tig-apat na piso tig-aanim na mansanas Palansak Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasama-sama ng mga tao o bagay. Halimbawa: dala-dalawang bata pito-pitong dahon Kailanan ng Pang-uri Isahan Ito ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan. Halimbawa:

Kaibigan ko siya. Dalawahan Ito ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan. Halimbawa: Magkasimpangit ang magkaibigan. Maramihan Ito ay ginagamit sa tatlo o higit pa. Halimbawa: Si carmen ay matalino na bata Kayarian ng Pang-uri Payak Ito ay kapag ang anyo ng pang-uri ay salitang ugat. Halimbawa: basang trapo sariwang gatas puting sapin Maylapi Ito ay pang-uring likas na may panlaping ma, maka at iba pa. Halimbawa: masikip na daan makataong asal Inuulit Pang-uring inuulit ang salitang ugat. Hal. Magandang-maganda Tambalan Ito ay binubuo ng dalawang salita na pinagtambal Halimbawa: balat-sibuyas kapit-bisig tulog-mantika Kaantasan ng Pang-uri Lantay ito ay ang pang-uring nag lalarawan sa isa o 1 pangkat ng tao,bagay,pangyayari Halimbawa: mainit malakas payapa Pahambing Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari. Magkatulad Ito ay kung nagtataglay ng magkatulad na katangian, kagamitan ng panlaping: sing, kasing at magkasing Halimbawa:

kasingpalad singganda magkasinggaling Kung ang pang-uring uulapian ay nagsisimula sa d, l, o, r, s, t ay alisin ang titik g sa palaping: sing, kasing, masing at magkasing. Halimbawa: Ang lupa nila Ding ay kasinlaki ng kina Dang. Kung ang pang-uring uunlapian ay nagsisimula sa b, p, alisin ang titik n sa panlapi at palitan ng m. Halimbawa: Ang kotse ni Noel ay kasimbilis ng kay Mark. Di-magkatulad Ito ay kung hindi magkapantay sa katangian, gumamit sa salitang di-gaano, higit o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ng: tulad, gaya o kaysa. Halimbawa: Si Joy ay higit na magaling kaysa kay Jane. Pinasidhi Ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat. Gamitin ang sumusunod na paraan: halimbawa:maganda si anarose.ang may salungguhit ay maganda Paggamit ng panlaping nag, napaka, pinaka, an at han. Halimbawa: nagtataasan napakabait pinakamabait Paggamit ng salitang gaya ng: masyado, lubha, talaga, at tunay. Halimbawa: masyadong malaki lubhang mainit talagang mabait Paggamit ng mga pariralang: ubod ng, reyna ng, at hari ng hari ng yabang ubod ng sipag reyna ng kagandahan Pagbabagong Morpoponemiko Asimilasyon - pagbabagong nagaganap sa (n) dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. Asimilasyong di ganap - pagbabago sa unang morpema Halimbawa: pang + bansa = pambansa, sing + bait = simbait, mang + batas = mambabatas Asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat. Halimbawa: mang + tahi = manahi, pang + palo = pamalo, pang + takot = panakot Pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng ponemang "r". Halimbawa: ma + damot = maramot, ma + dunong = marunong

Paglilipat (Metatesis)=-paglilipat ng posisiyon ng panlaping "-in" kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l, y) Halimbawa: lipadin-nilipad, yakapin-niyakap Pagkakaltas ng ponema - mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema. Halimbawa: takip + an = takpan, sara + han= sarhan, labahan = labhan, dalahin = dalhin

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF