Mtbmle Ikatlong Markahang Pagsusulit Grade 1 and 2, 3
December 26, 2016 | Author: IamCcj | Category: N/A
Short Description
Download Mtbmle Ikatlong Markahang Pagsusulit Grade 1 and 2, 3...
Description
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE BAITANG I Pangalan:___________________________________Marka:______ Guro: ____________________________ Baitang at Pangkat:_____ Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. ____ 1. Si Cheng ay matulungin. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit? A. maalam C. matapat B. matatakutin D. mapagkawanggawa ____ 2. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita ang magkasingkahulugan? A. malinis-marumi C. makupad-mabilis B. maligaya-masaya D. mainit-malamig ____3. Matulin ang takbo ng kotse samantalang ang kalesa naman ay A. mabilis C. mabagal B. mahaba D. magulo ____ 4. Alin sa mga larawan ang may pangalan na jacket? A.
B.
C.
D.
____ 5. Alin sa mga larawan ang may pangalan na Zebra? A.
B.
C.
D.
____ 6. Alin sa mga sumusunod ang tiyak na ngalan ng pook? A. Leyte B. Bola C. Lalaki D. Bayan ____ 7. Alin sa mga sumusunod ang di- tiyak na ngalan ng tao? A. Dr. Cabral B. Gng. Alvarez C. Kgg.Tiago D. Kap. ____ 8.”Naku! malakas na naman ang ulan.”, wika ni Alberto sa kanyang ina. Anong katangian ang ipinakita ng pahayag? A.natutuwa B. nayayamot C. nag-aalala D. nagtataka ____ 9. Alin sa mga sumusunod ang angkop na daglat para sa Ginoo? A. Gng. B. Gin. C. G. D. Gn. ____ 10. Alin ang wastong pinaikling salita para sa kutsara at tinidor?
A. kutsara’t tinidor B. kutsara’y tinidor
C. kutsarat’ tinidor D. kutsarattinidor
____11. Nauuhaw ka na ngunit hindi mo maabot ang pitsel ng tubig. Ano ang iyong sasabihin? A. Akin na ang pitsel. B. Pakiabot po ang pitsel ng tubig. C. Iabot mo nga ang pitsel ng tubig. D. Bilisan mo .Iabot mo ang pitsel ng tubig. Bilugan ang angkop na pandiwa para sa bawat pangungusap. 12. Ang araw ay (sumasayaw, sumisikat, tumatawa). 13. Ang puno ay (natutulog, namumunga, namumukadkad). 14. Ang ilog ay (tumatakbo lumalakad, umaagos). 15. (Kumuha, Kumukuha, Kukuha) ng pagsusulit si Nena kahapon. 16. (Nagbasa, Nagbabasa, Magbabasa) ng aralin si Adel bukas. Kulayan ng pula ang angkop na panuto para sa bawat larawan. 17. Tumawid sa tamang tawiran. Tumakbo sa pagtawid. Magkwentuhan habang tumatawid. Makipag-away sa tawiran. 18. Tumawid sa tamang tawiran Pakigalang ang iyong lola. Pansinin ang iyong lola. Akin na po ang kamay niyo lola. Ugaliing maging magalang sa iyong lola. Basahin ang sumusunod. Piliin ang tamang hinuha batay sa sitwasyon. 19. Unang araw ng pasukan. Masayang inihanda ni Anita ang kaniyang bag. Siya ay ___________. A. mag-aaral B. mamamalengke C. mamamasyal D.magsisimba 20. Madilim ang kalangitan. Makakapal din ang mga ulap. Dala ni Joy ang kanyang payong. Ang ibig sabihin nito ay __________. A. sisikat ang araw C. hahangin ng malakas B. uulan ng malakas D.liliwanag ang ulap
Pag-aralan ang mga larawan. Ikahon ang angkop na panghalip sa bawat isa.
21. Si Melissa ay mag-aaral na. ( Siya , Sila ) ay masaya.
22.
Siya si kuya Mervin. (Kami,kayo) ay magkapitbahay.
23. ( Ito, Iyan ) ay bimpo.
24.
(
( Iyan, Iyon ) ang mesa.
25. (Iyon, Iyan ) ang upuan mo. Sumulat ng tiyak na ngalan para sa mga sumusunod. 26. bayani ________________________________ 27. pook
________________________________
Batay sa larawan, sumulat ng pangungusap gamit ang pandiwa o salitang kilos.
28._______________________________________
29.________________________________
30.______________________________________
Ikatlong Markarhang Pagsusulit Grade 1 Test I 1. D 2. B 3. C 4. A 5. B 6. A 7. C 8. C 9. C 10. A
21. 22. 23. 24. 25. 26. 27. 28. 29. 30.
siya kami ito iyon iyan
11. B 12. sumisikat 13. namumunga 14. umaagos 15. kumukuha 16. magbabasa 17. Tumawid sa tamang tawiran 18. Ugaliing maging magalang sa iyong lola. 19. A 20. B
Ikatlong Markahang Pagsusulit Mother Tongue Baitang 2 Pangalan:_______________________________________ Petsa:_________ Baitang at Pangkat:_______________________________ Iskor:__________
Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. ____1. Alin sa mga salita ang may wastong baybay ng ? A. torampo B. trumpo C. trompu D. trompo ____2. Ang mga paraan upang maiwasan ang dengue ay mahigpit na sinusubaybayan ng Kagawaran ng Kalusugan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit? A. tinatanaw B. tinitingnan C. tinutukoy D. tinatawanan ____3. Anong magalang na pananalita ang gagamitin mo sa pakikipag-usap sa telepono? A. Hello, sino ito? B. Hello, bakit ka tumawag? C. Hello, anong kailangan mo? D. Hello, magandang araw po. Sino po ang kailangan nila? ____4. Ang guro ay nagbibigay ng gantimpala sa pinakamabilis bumasang mag-aaral sa ikalawang baitang. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit? A. alay B. tulong C. premyo D. donasyon ____5. Kumaripas nang takbo ang mga bata nang marinig nila ang kahol ng aso. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakakahon? A. mabagal B. mabilis C. paunti-unti D. dahan-dahan ____6. Ang biniling regalo ni nanay ay para kay tatay. Alin ang ginamit na pangukol sa pangungusap? A. ang binili B. nanay ay C. para D. biniling regalo ____7. Ayon kay Lola, malinis ang paligid at hangin noong araw. Ang salitang may salungguhit ay tinatawag na _____? A. pandiwa B. panghalip C. pang-ukol D. pangngalan ____8. Sa akdang “Alamat ng Pinya”, Sino sina Pina at ang kaniyang ina? A. tauhan B. tagpuan C. katapusan D. pangyayari ____9. Nakakita ng tumubong halaman ang nanay ni Pina sa kanilang likod-bahay. Ang salitang may salungguhit ay A. tauhan B. tagpuan C. katapusan D. pangyayari ____10. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat sundin sa pagsulat ng patalastas o anunsiyo? A. Tiyakin ang paksa na susulatin. B. Gawing mahaba ang patalastas. C. Isulat nang maayos ang patalastas. D. Ilagay lamang ang mahahalagang impormasyon.
____11. Alin ang salitang-ugat sa salitang nagdilig? A. nag B. nagdi C. dilig
D. nadilig
____12. Sa salitang kumain, ano ang salitang-ugat? A. kum B. kain C. kuma
D. main
____13. Alin ang salitang nagsasaad ng kinalalagyan o lokasyon? A. palengke B. palaruan C. paaralan D. nasa harap ____14. Ang nakatayo sa gilid ng bahay ay isang mataas na gusali. Aling parirala ang nagsasaad ng lokasyon? A. ang nakatayo C. mataas na gusali B. sa gilid ng bahay D. isang mataas ____15. Ang alaga kong pusa ay nakaupo sa ilalim ng mesa. Ano ang tinutukoy ng salitang may salungguhit? A. lokasyon C. salitang naglalarawan B. salitang-kilos D. panghalip na panao ____16. Pumunta si nanay sa palengke kaninang umaga. Anong salita ang tumutukoy sa lugar? A. pumunta C. sa palengke B. si nanay D. kaninang umaga Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong. Magpipiknik sa Luntiang Paraiso Resort ang mga kabataan sa kanilang pook. Hindi pinayagan si Renato ng kanyang nanay kaya umiyak siya. Nagtampo siya kaya hindi siya kumain. Kinahapunan, nagkagulo sa kanilang pook. Nagkaroon ng aksidente sa dinaanan ng jeepney na sinakyan ng mga nagpiknik. Mabuti na lamang at walang nasaktan. ____17. Ano ang simula ng kuwento? A. Mabuti na lamang at walang nasaktan. B. Hindi pinayagan si Renato ng kanyang nanay. C. Nagtampo siya kaya hindi siya kumain. D. Magpipiknik sa Luntiang Paraiso Resort ang mga kabataan. ____18. Ano ang naging wakas ng kuwento? A. Nagpasalamat siya. C. Nagtampo siya. B. Napaiyak siya. D. Nagalit siya. ____19. Saan nagpiknik ang mga kabataan? A. sa batis B. sa dagat C. sa talon
D. sa resort
____20. Kung sumama si Renato, ano kaya ang mangyayari sa kaniya? A. Siya ay maaaksidente. C. Siya ay magtatampo. B. Siya ay matutuwa. D. Siya ay maliligaw. Nag-iisip ang mga magulang nina Joy at Charles ng paraan upang maging malusog ang dalawang anak. Nagplano sila kung paano makakapagehersisyo ang mga anak. Niregaluhan si Joy ng panluksong lubid at bisikleta naman ang kay Charles. ____21. Ano ang posibleng mangyari sa magkapatid? A. gaganda sila B. lulusog sila C. papayat sila
D. lahat ay tama
____22. Ano ang unang hakbang na ginawa ng mga magulang nina Joy at Charles upang sila ay maging malusog? A. Naglista ng paraan kung paano sila gaganda. B. Nag-isip ng paraan kung paano sila lulusog. C. Nanghula ng paraan kung paano sila papayat. D. Nagtanong ng paraan kung paano sila tatalino. ____23. Ano ang ikalawang hakbang na ginawa nila? A. Hinikayat silang mag-aral mabuti. B. Hinikayat silang mag-ehersisyo. C. Hinikayat silang sumali sa paligsahan. D. Hinikayat silang sumayaw. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa patlang. Si Tagpi ay isang matakaw na aso. Pinakikialaman niya ang lahat ng pagkain na kaniyang nakikita. Isang umaga, nakaramdam siya ng gutom. Pumunta siya sa ( 24)_____________Nakakita siya ng isang tumpok ng karne sa ibabaw ng mesa. Dali-dali niya itong ( 25)_______________. Hinabol siya ng galit na galit na tindero. itinakbo
paaralan
palengke
Pagtapatin sa pamamagitan ng guhit ang mga bahagi ng liham . 26. Pag-asa St., Brgy. Karuhatan, Lungsod ng Valenzuela
A. Katawan ng liham
27. Ang iyong kaibigan,
B. Lagda
29. Alexa
D.Bating Pangwakas
30. Mahal kong Lani,
E. Bating Panimula
28. Humihingi ako ng paumanhin sa hindi ko pagdalo sa iyong kaarawan noong ika – 13 ng Agosto sa kadahilanang ako ay nagkasakit. Sana’y maunawaan mo ako.
C. Pamuhatan
Ikatlong Markarhang Pagsusulit Grade 2 Test I 1. B 2. B 3. D
16. C 17. D 18. C
F. Patunguhan
4. C 5. B 6. C 7. C 8. A 9. B 10. B 11. C 12. B 13. D 14. B 15. A
19. 20. 21. 22. 23. 24. 25.
D A D B B palengke kinagat 26. C 27. D 28. B 29. E 30. A
View more...
Comments