Mother Tongue Mrch 2

January 23, 2017 | Author: Richard Manongsong | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Mother Tongue Mrch 2...

Description

3. Ipabasa ang bawat talata ng kuwento nang tahimik at may paghinto upang makapagtanong ang guro at bata at tuloy makapagbigay rin ng hinuha. 4. Ipabasa ang kuwento nang lahatan, pangkatan, dalawahan o isahan nang may wastong tono, damdamin, bigkas ng salita at gamit ng bantas. Ikalawang Araw C. Gawain pagkatapos bumasa Ugnayang Gawain: Hikayatin ang mga bata na ikuwentong muli ang binasang kuwento Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Pangkat 1: “Mag-usap Tayo” Gumawa ng stick puppet at maghanda ng isang diyalogo Gumawa ng stick puppet nina Gong Galunggong at isang Kalarong isda gamit ang sumusunod na kagamitan: Dalawang patpat Cartolina Krayola Gunting Pandikit Pagkatapos, gumawa ng diyalogo kasama ang iyong Kamag-aral gamit ang stick puppet na ipinakikilala si Gong Galunggong. Pangkat II: “Sa Ilalim ng Dagat” Gumuhit ng dagat kung saan nakatira si Gong Galunggong at iba pang isda. Kulayan ang inyong ginawa. Ilarawan ang tirahan niya at ng iba pang isda. Pangkat III: “Iangkop ang Kuwento” “Si Gong Galunggong” ay isang kuwentong kathang-isip lamang sapagkat hindi ito maaring sa tunay na buhay. May alam ka din bang kuwento na kathang-isip o hindi makatotohanan o hindi nangyayari sa tunay na buhay? Isulat ang pamagat nito sa angkop na lugar sa Venn Diagram. May alam ka rin bang kuwento na makatotohanan o totoong nangyayari sa buhay ng tao? Isulat ang pamagat nito sa angkop na bahagi ng Venn Diagram. Pagkatapos, isulat sa ibaba ng bawat pamagat ng kuwentong kathang-isip o kuwentong buhay ang pagkakaiba ng bawat isa. Sa gitna ng Venn Diagram isulat ang pagkakapareho ng dalawang uri ng kuwento. (Gabayan ng guro ang pangkat ng mga mag-aaral upang magawa ang pagsasanay nang wasto.) Kathang-isip Makatotohanang kuwento Pangkat IV: “Kung Ako si Gong Galunggong...” Kung ikaw ang isdang si Gong Galunggong, ano ang iyong gagawin kapag nakita mong nasa panganib ang iyong mga magulang? Iguhit ito sa kahon.

Pangkat V: “Pangalagaan ang Dagat” Ang karagatan ay pinagmumulan ng ating mga pagkain. Isulat sa loob ng bangka ang mga paraan kung paano natin mapangangalagaan ang ating karagatan. Talakayan 1. Sin-sino ang tauhan sa kuwento? Ipakilalang mabuti ang mga tauhan sa kuwento. Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I. 2. Ilarawan ang paligid kung saan nakatira si Gong Galunggong at iba pang isda gamit ang mga salitang naglalarawan. Pakinggan natin ang Pangkat II. 3. Nangyayari ba sa totoong buhay ang kuwento ni Gong Galunggong? Ano ang tawag sa kuwentong ito? Kung ang kuwento naman ay nangyayari sa buhay ng tao, ano ang tawag sa kuwentong ito? Ano ang dalawang uri ng kuwento na pinag-usapan natin? Bakit tinatawag ang kuwento na kathang-isip/kuwento na buhay? Anong kuwentong kathang-isip ang alam mo/kuwentong buhay? Pakinggan natin ang sasabihin ng Pangkat III. 4. Bakit nanganib ang mga magulang ni Gong Galunggong. Ano ang nararamdaman niya? Kung ikaw si Gong Galunggong ano ang mararamdaman mo kung makita mong nasa panganib din ang mga magulang mo? Ano ang ginawa ni Gong Galunggong? Kung ikaw naman si Gong Galunggong ano ang gagawin mo? Pakinggan naman natin kung ano ang kasagutan ng Pangkat IV sa tanong na: Kung ikaw si Gong Galunggong, ano ang iyong gagawin. Pagtalakay ng Pangkat IV. 5. Ang karagatan ay isa sa mga biyaya ng Poong Lumikha. Marami ang naitutulong ng karagatan sa atin. Magbigay nga kayo ng halimbawa. Ang mga sinabi ninyo ay kapaki-pakinabang sa ating mga tao. Ano ang dapat nating gawin upang patuloy na magbigay biyaya ang karagatan sa atin? Katulad din kaya ang sagot ng Pangkat V sa mga isinagot ninyo? Pangkat V ilahad ninyo ang inyong sagot. Paglalahad ng Pangkat V. 1. Pagpoproseso ng Gawain (Ang guro ang magpoproseso ng gawain ng Pangkat 1-5. Isusulat niya ang mga sagot sa tsart.) Pangkat Gawain Nakatuong Kakayahan

2. Kaisipang Mabubuo: Gabay na tanong: 1. Anu-ano ang uri ng kuwento? Ipaliwanag. 2. May buti bang naidudulot ang kalikutan? Bakit?

3. May magagawa ba ang magulang sa anak kung ang mga ito ay nasa panganib? May magagawa rin ba ang mga anak kung ang mga magulang naman ang nasa panganib? Ano ang tawag dito? 4. Kung ang karagatan ay nakatutulong sa tao, ano ang dapat gawin ng mga tao? Ikatlong Araw Kasanayang Pangwika: 1. Balik-aral: Pag-usapan ang panahunan ng salitang kilos. 2. Pagganyak: Pagkilos habang umaawit ng Tong-tong-tong Pakitongkitong a. Awit “Tong-tong-tong Pakitongkitong” Tong! Tong! Tong! Tong! Pakitong-kitong Alimango sa dagat Malaki at masarap Mahirap hulihin Sapagkat nangangagat! Tong! Tong! Tong! Tong! b. Tanong: Anong yamang dagat ang tinutukoy sa awit? Ano ang dapat nating gawin sa karagatan. Anong kilos ang ginawa natin? 3. Paglalahad Ipabasa ang tula nang may wastong tono at bigkas ng letra. “Sa ating Kapaligiran” Ni Florita R. Matic Valenzuela City – NCR 4. Pagtalakay Anu-anong salitang naglalarawan ang ginamit sa tula? Basahin ang mga pangungusap at tukuyin ang mga ito. a. Maraming halaman sa ating paligid. b. Sariwa at luntian ang mga tanim. c. Naggagandahan ang mga bulaklak. d. Berde ang mga gulay. e. Matalas ang isip ng batang matalino. Ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap ay mga salitang naglalarawan. Anong salita ang inilalarawan ng bawat isa ayon sa pangungusap? (marami, sariwa, luntian, naggagandahan, berde, matalas, at matalino) 5. Paglalahat Kailan natin ginagamit ang mga salitang naglalarawan? Ano ang salitang naglalarawan? Ang salitang naglalarawan ay mga salitang nagsasabi ng kulay, hugis, laki, bilang, uri ng tao, lugar, bagay at pangyayari.

Ikaapat na Araw 1. Pinatnubayang Pagsasanay a. Ipalarawan sa mga bata ang kanilang nakikita, naririnig o nararamdaman habang sila ay nasa silid-aralan. Ipasulat ang salitang naglalarawang ginamit sa kanilang sagot sa pisara. Gawin ito nang pahanay. (Hanay para sa nakikita, Hanay sa naririnig, Hanay sa nararamdaman) b. Patnubayan ang mga bata upang matukoy ang uri ng mga salitang naglalarawan. c. Magsalita Tayo. Humanap kayo ng kapareha. Tukuyin kung sino ang A at B at sundin ang mga panuto. 1. Tingnan kung anong kulay ang banderitas na itataas ng guro. 2. Kapag asul na banderitas ang nakataas, ang kapareha A ay magbibigay ng pangungusap na may salitang naglalarawan at tutukuyin ng kapareha B kung anong salitang naglalarawan ang ginamit sa pangungusap. 3. Kapag pulang banderitas naman ang nakataas, ang kapareha B ang siyang magbibigay ng pangungusap na may salitang naglalarawan at tutukuyin ng kapareha A kung anong salitang naglalarawan ang kanyang ginamit. 2. Malayang Pagsasanay Bilugan ang salitang naglalarawan na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Malalaki ang mga isda sa dagat. 2. Masipag si Tatay. 3. Ang sariwang prutas ay masarap. 4. Mabango ang bulaklak. 5. Ang paligid ay malinis.

Ikalimang Araw 1. Paglalapat “Kaya Ko Itong Gawin” Basahin at sundin ang mga panuto. 1. Sumulat ng isang sanaysay o kuwento tungkol sa mga pagkaing nakukuha natin sa karagatan o kaya’y galing sa mga halaman o tanim. Maaaring kathang-isip o makatotohanan. 2. Sundin ang mga tuntunin sa paggamit ng wastong bantas, malaking letra, pasok ng pangungusap sa talata at ayos ng talata. 3. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap. 4. Basahin ang iyong sanaysay o kuwento sa klase. 2. Pagtataya Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Sariwa ang isdang uwi ni tatay. 2. Dapat laging malinis ang paligid.

3. Ang masustansiyang pagkain ay mabuti sa katawan. 4. Luntian ang dahon. 5. Mabango ang bulaklak sa hardin ni Nanay. 3. Takdang Aralin Gumawa ng poster-slogan tungkol sa mga yamang-dagat at yamang-lupa gamit ang mga salitang naglalarawan. Halimbawa: “Isda ay kay sarap mula sa malinis na ilog at dagat.” Ika-31 Linggo I. Mga Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita o pangyayari. 2. Nakababasa nang wasto ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa na may mataas na antas ng mga salita at mga salitang dapat pang pag-aralan. 3. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na may kawastuang 95-100 bahagdan 4. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan hanggang limahang parirala nang may wastong tono, damdamin, at bantas 5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan 6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap 7. Nakasusunod sa wastong paggamit ng pagitan sa mga salita, bantas, at gamit ng malaking letra sa sanaysy at pagkukuwento 8. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at kaayusan 9. Nakatutukoy ng mga salitang naglalarawan sa tao, lugar at bagay 10.Nakagagamit ng kontekstong hudyat sa pangungusap upang matukoy ang kahulugan ng mga salita 11.Nakakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging isang tambalang salita 12.Nakakikilala ng antas ng mga salitang naglalarawan (hal. Mas at pinaka) 13.Nakahuhula kung tungkol saan ang kuwento, pangyayaring pamparalan at pampayanan, kalagayan, gawain, alamat, at iba pa batay sa kontekstong kaugnay ng kahulugan nito 14.Nakapagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang-isip 15.Nakapagbibigay nga maaaring maging katapusan ng kuwento, alamat, atbp 16.Nakapagbibigay ng buod ng mga lathalain, usapin, blogs at patalastas na nabasa 17.Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng masusing pakikinig at pagbibigay ng mga puna II. Paksang Aralin A. Tema 1. Pagbigkas na Wika

Paggamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita/pangyayari. 2. Pagkilala ng Salita: Pagbasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa namay matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan. 3. Katatasan: a. Pagbasa ng mga tekstong pang-uang baitang nang may kawastuang 95100 bahagdan. b. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan hanggang limahang parirala na may wastong tono, damdamin, at bantas. 4. Pagbaybay: a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan. b. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap. 5. Pagsulat: Pagsunod sa wastong pagitan ng mga salita, bantas, at gamit ng malaking letra sa sanaysay at pagkukuwento. 6. Komposisyon: Pagsulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan. 7. Kasanayan sa Wika: Pagbaybay nang wasto sa mga salitang naglalarawan tungkol sa tao, lugar, at bagay na ginamit sa pangungusap. 8. Talasalitaan: a. Paggamit ng konteksto sa pangungusap upang matukoy ang kahulugan ng mga salita. b. Pagkilala na ang dalawang salita ay maaaring maging isang tambalang salita. c. Pagkilala ng antas ng mga salitang naglalarawan (hal. Mas at pinaka). 9. Pag-unawa sa Binasa a. Paghula kung ano ang kuwento, pangyayaring pampaaralan at pampamayanan, kalagayan, gawain, alamat, at iba pa batay sa kontekstong kaugnay ng kahulugan nito. b. Pagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang-isip. c. Pagbibigay ng maaaring maging katapusan ng kuwento, alamat at iba pa. d. Pagbibigay ng buod ng mga lathalain, usapin ,blogs at patalastas na nabasa. 10.Saloobin hinggil sa Wika, Literasi, at Panitikan Pagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng masusing pakikinig sa oras ng pagbabasa ng kuwento at pagbibigay ng mga puna.

B. Mga Sanggunian - K to 12 Curriculum - Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) C. Mga Kagamitan: Tsart, sequence map, larawan ng iba’t ibang lokal na produkto, mga bagay tulad ng basket, sombrero, tsinelas at iba pang halimbawa ng lokal na produkto D. Paksa: Mga Mapagkukunan ng Kabuhayan sa Pamayanan/Trabaho/Kalakalan at Industriya (hal. Lokal na produkto at industriya, tiangge) E. Pagpapahalaga: Pagtangkilik sa sariling produkto III. Gawain sa Pagkatuto Unang Araw A. Gawain Bago Bumasa 1. Paghahawan ng Balakid Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap. Produkto Maraming produkto na yari sa aming pamayanan ang ibinebenta sa bayan. Pamayanan Binubo ng pamilya ang isang pamayanan. Materyales Ang materyales na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang produkto ay galing sa aming lugar. 2. Pagganyak Gawain: “Kilalanin Natin” Pangkatin sa apat ang klase. Ibigay sa bawat pangkat ang isang lokal na produkto. Hikayatin ang bawat pangkat na pag-aralan ang ibinigay na produkto. Ipasagot ang sumusunod na tanong: a. Anong materyales ang ginamit sa produktong nasa inyong pangkat? b. Paano ginagamit ang produktong hawak ninyo? Ilagay ang sagot sa loob ng mga hugis. Anong lokal na produkto ang hawak ninyo Bakit ninyo nagustuhan ang produkto? Paano ito ginagamit?

3. Pangganyak na tanong: Anong gawain ang una nating isinasagawa? Tungkol saan ang ating tinalakay? May babasahin tayong artikulo na kaugnay ng ating tinalakay. Ano ang nais ninyong malaman tungkol dito. (Gabayan ng guro upang makabuo nang tamang tanong.) Anong mga produkto sa ating Rehiyon ang nakatutulong upang magkaroon ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang mga mamamayan. B. Gawain habang nagbabasa Paglalahad Ipakita sa mga bata ang tsart na may artikulo tungkol sa mga lokal na produkto ng pamayanan. Pag-usapan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng hinuha sa artikulong babasahin. Pagbasa sa artikulo ng guro nang tuloy-tuloy na may angkop na intonasyon, damdamin, at bantas. Pagbasa ng guro sa artikulo nang may paghinto at pagsagot sa mga tanong ng guro. Tanong: Makatotohanan ba ang artikulo? Bakit? Pagbasa ng mga batang basahin nang may angkop na intonasyon, damdamin, at bantas. Pagbasa ng isahan, dalawahan o lahatan. “ARTIKULO” Ni Agnes G. Rolle Ikalawang Araw C. Gawain pagkatapos bumasa Ipabasang muli ang binasang artikulo Ugnayang Gawain Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Pangkat I: “Sundin Natin” Gumawa ng isang talata tungkol sa produktong nabanggit sa artikulo na makikita rin sa inyong lugar. Sundin natin ang sequence map. Pangalan ng Materyales Produkto

Paano ginawa ang produkto

Paano ito ginagamit

Pangkat II: “Atin Ito!” Sumulat ng isang sanaysay batay sa mga tanong sa ibaba. Isulat sa isang papel at sundin ang pamantayan sa pagsulat ng sanaysay. 1. Anu-ano ang produktong kilala sa inyong lugar? 2. Ano ang inyong naramdaman nang malaman mong mrami palang produkto ang galing sa inyong lugar? 3. Paano ka makatutulong sa inyong pamayanan tungkol sa mga produktong ito? Pangkat III: “Ilarawan Natin” Ano ang masasabi mo sa larawan? Isulat ang sagot sa patlang.

Pangkat IV: “Makatotohanan ba o Kathang-isip lamang?” Sabihin kung ang pangungusap ay makatotohanan o kathang-isip lamang. 1. Ang niyog ay tinatawag na “puno ng buhay.” 2. Maraming nagagawang bagay sa bawat bahagi ng puno ng niyog. 3. Ang puno ng niyog ay tirahan ng mga kapre. 4. Matamis ang sabaw ng buko. 5. May mga mata ang buko. Talakayan 1. Sabihin: Ayon sa artikulong binasa natin, maraming produkto ang makikita lamang sa ating rehiyon. Ano-ano ang mga ito? Alin sa mga produktong nabanggit sa artikulo ang meron sa lugar ninyo? Pakinggan natin ang Pangkat I. Pagpapahayag ng Pangkat I 2. Sabihin: May mga produkto ang mga lalawigan at lungsod na binanggit sa artikulo. Ang mga ito ay doon lamang makikita. Kanila ang mga produktong ito. Anoano ito? Saan-saan ito makikita? Sa mga lugar ninyo ay may ganitong produkto rin. Ang Pangkat II ay magbibigay din ng halimbawa. Pagpapakita ng Pangkat II 3. Sabihin: Alin sa mga produkto na nabanggit sa artikulo ang mayroon kayo? Ilarawan mo ito. Ang Pangkat III ay pumili rin ng produkto na meron sila. Ipaliliwanag sa atin ng Pangkat III. Pagpapaliwanag ng Pangkat III. 4. Sabihin: Natatandaan pa ba ninyo ang kuwento na si Gong Galunggong? Anong uri ng kuwento ito? Ito ba ay makatotohanan o hindi? Bakit? Ang artikulong binasa natin, ito ba ay makatotohanan o hindi? Bakit? May mga pangungusap ang Pangkat IV na sinagutan. Alamin natin kung masasabi nila kung ito ay makatotohanan o hindi. Pangkat IV Ilahad ninyo. Paglalahad ng Pangkat IV. 7. Pagproseso ng Gawain (Ang guro ang siyang magpoproseso ng gawain ng Pangkat 1-5. Isusulat niya ang mga sagot sa tsart.) Pangkat Gawain Nakatuong Kakayahan

Ikatlong Araw Kasanayan sa Wika 1. Pagganyak a. Laro: “Ipasa ang Basket!” 1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. 2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang basket na may lamang mga bagay. 3. Habang umaawit, ipapasa ang basket sa kasama sa pangkat. 4. Kapag huminto ang awit, ay kukuha ng isang bagay mula sa basket ang may hawak nito. 5. Ipakikita ng bata ang bagay na galing sa basket at magsasabi siya ng salitang maglalarawan sa bagay. 6. Uulitin ang proseso hanggang maubos ang laman ng basket. 2. Paglalahad Basahin natin ang diyalogo. Mina: Naku, nagbakasyon kami sa probinsiya ng aking Lola Ensang at Lolo Sendong! Roy: Ano-ano ang nakita mo roon? Mina: Maraming puno ng niyog sa tabi ng kanilang bahay. Uminom kami ng sabaw ng buko. Matamis at masarap ito. May matitibay na gamit din silang gawa sa niyog tulad ng sandok, mangkok, mesa, at upuan. Roy: Ang galing naman! Tiyak na malamig at malinis ang hangin doon. Sana makarating din ako sa lugar ng iyong lolo at lola. Mina: Huwag kang mag-alala. Isasama kita roon sa susunod na bakasyon. Sguradong matutuwa ka sa makikita mo sa magandang lugar nina Lola Ensang at Lolo Sendong. Sagutin ang mga tanong: 1. Saan nagbakasyon si Mina? 2. Ano-ano ang kanyang nakita roon? 3. Anong mga salitang naglalarawan ang tumutukoy sa lugar at bagay ang ginamit sa siyalogo? (Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara at ipababasa ang mga ito sa kanila.) 4. Pagbigayin ng halimbawa ang mga mag-aaral. 3. Paglalahat Ano ang salitang naglalarawan? Ang mga salitang naglalarawan ay mga salitang nagsasabi ng tungkol sa kulay, laki, hugis, bilang, at uri ng tao, bagay, lugar at pangyayari. Halimbawa: maputi, matibay, malamig, masaya Anong mga pang-uri ang maaaring gamitin upang ilarawan ang tao, bagay, lugar at pangyayari?

Mga Salitang Naglalarawan Tao Bagay Lugar Pangyayari Ikaapat na Araw 4. Pinatnubayang Pagsasanay a. “Ilarawan Mo” Pangkatin sa apat ang klase. Hayaan silang sumulat ng pangungusap na may salitang naglalarawan sa litratong ibibigay sa pangkat. b. “Umakyat Tayo” Sundin ang mga panuto. 1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. 2. Kumuha ng kard at gamitin sa pangungusap ang salitang mababasa rito. 3. Upang marating ang itaas ng hagdan, kailangang makapagbigay ng pangungusap ang bawat kasapi ng pangkat gamit ang salitang nakasulat sa kard. 4. Ulitin ang proseso hanggang ang bawat kasapi ay nakapagbibigay ng pangungusap gamit ang nakasulat na pang-uri. 5. Malayang Pagsasanay Tingnan ang larawan. Sumulat ng mga pangungusap na may salitang naglalarawan tungkol dito. Ikalimang Araw Paglalapat “Halinang Gumawa” Sundin ang mga panuto. a. Sumulat ng sanaysay o maikling kuwento na naglalarawan ng paborito mong pagkain. b. Sundin ang mga tuntunin sa paggamit ng wastong bantas, malaking letra, tamang pasok ng pangungusap sa talata at ayos ng talata. c. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan sa paborito mong pagkain. d. Basahin ang iyong sanasay o kuwento sa klase. e. Ipaskil ang iyong ginawa sa silid-aralan. IV.

Pagtataya Piliin sa loob ng kahon ang salita upang mabuo ang pangungusap. Matibay malinis Masaya 1. 2. 3. 4. 5.

V.

mahaba matigas

_____ sila dahil marami ang kanilang naibentang produkto. Laging sinisigurado ni Roy na _____ ang paninda nilang sapatos. _____ ang taling ginamit sa paggawa ng palamuti. _____ ang upuang gawa sa puno ng niyog. Ilagay ang basura sa tamang lalagyan upang mapanatiling _____ ang paligid. Takdang Aralin:

Gumuhit ng iyong paboritong pagkain na gawa sa inyong lugar. Sumulat ng talatang may mga salitang naglalarawan tungkol dito.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF