modyul sa filipino

February 22, 2017 | Author: Jeffrey Flores | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download modyul sa filipino...

Description

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III SANGAY NG PAMPANGA

MODYUL SA FILIPINO IV Inihanda ni: JANET Y. PARAS Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino ng Sto. Tomas

Modyul sa Filipino IV I. Pamagat: Pandiwa II. Mag-aaral: Ikaapat na Baitang III. Lagom – Pananaw: Ang modyul na ito ay sadyang nakalaan para sa iyo. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil makakatulong ito sa iyo sa pag-aaral ng mga pandiwa. Nakapaloob dito ang tatlong aspekto ng pandiwa sa pamamagitan ng mga gawain sa pagkatuto. May mga pagsasanay kang sasagutin upang masukat mo ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.

IV. Mga Layunin Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makilala ang mga pandiwa. 2. Matukoy ang salitang-ugat at panlapi sa pawatas ng pandiwa. 3. Matukoy ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap.

V. Panuto sa mga Mag-aaral 1. Sagutin ang unang pagtatayang pagsusulit pagkatapos sagutin, iwasto ito. 2. Basahin at unawaing mabuti ang mga gawain sa pagkatuto at sagutin ang mga pagsasanay at iwasto rin ang mga ito. Kung handa ka nang sagutin ang pangkalahatang pagsusulit. Kung hindi naman, muli mong balikan ang mga gawain sa pagkatuto at sagutin muli ang pagsasanay. 3. Iwasto ang mga gawain sa pagkatuto at ang kasagutan sa pangkalahatang pagsusulit o pagsasanay. 4. Maaari mo nang kunin ang susunod na modyul kung matapos maunawaan nang lubos ang mga gawain.

VI. Mga Kakailanganing Kahandaan Gawi: Bago mo simulan ang modyul na ito, nararapat na alam mong pumili at kumilala ng mga pandiwa.

VII. Unang Pagtatayang Pagsusulit Ikahon ang mga pandiwa sa sumusunod na pangungusap 1. Nanood ng sine si Rey kahit malakas ang ulan. 2. Malakas na sumigaw ang natakot na babae. 3. Susulat ako sa iyo sa isang Linggo. 4. Si Vina ay naghiram ng aklat sa kanyang guro. 5. Kailangan ang pag-iingat lalo na kapag bumabagyo. 6. Nagdasal si Marian sa Mahal na Birhen. 7. Magalang na sumasagot sa nakatatanda ang mga batang iyon. 8. Iinom ako ng gatas mamaya. 9. Sasali ka ba sa paligsahan sa pag-awit? 10. Ang inahin ay hinabol ng tandang.

VIII. Mga Sagot sa Unang Pagsusulit 1. nanood 2. sumigaw 3. susulat 4. nanghiram 5. pag-iingat 6. nagdasal 7. sumasagot 8. iinom 9. sasali 10. hinabol

IX. Mga Gawain sa Pagkatuto Aralin I Pandiwa Ang pandiwa ay salitang nagpapakita ng kilos o galaw. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng salitang ugat at panlapi. Ang pinagtambal na salitangugat at panlapi ay tinatawag na pawatas. Sa pawatas makukuha ang mga pandiwa. Hal. Salitang-ugat

panlapi

pawatas

pandiwa

Aral

mag

mag-aral

mag-aral mag-aaral mag-aaral

Kain

um

kumain

kumain kumakain kakain

Pagsasanay 1 Ikahon ang pandiwang ginamit sa pangungusap. 1. Nagtawag ng miting si tatay. 2. Sasabihin ng nanay ang balak niya. 3. Ang buong pamilya ay aakyat ng Baguio. 4. Pumalakpak ang mga anak. 5. Natuwa sila sa magandang balita. 6. Magsisimula nang maghanda ang lahat, 7. Dadalhin ng tatay ang kotse sa talyer. 8. Nag-usap ang nanay at mga anak tungkol sa mga pagkain at gamit na kailangan nila. 9. Ang dalawang anak na lalaki ay manghihiram ng tent sa kanilang lolo. 10. Napalukso sa tuwa ang magkakapatid sa kanilang pag-alis.

Pagsasanay 2 Lagyan ng ekis ang pandiwa sa pangungusap. Sabihin ang salitang-ugat at tukuyin ang panlaping ginamit dito. ________ ________ ________ ________ ________

_______ 1. Si Mang Edgar ay nagpahinga sa duyan. ________ 2. Kumain na si Rose ng almusal. ________ 3. Bukas ay sasamahan kita sa kilala kong denstista. ________ 4. Kahapon ay binigyan ng parangal ang aming punungguro. ________ 5. Mahusay sumayaw si Sarah.

Mga Sagot sa pagsasanay 1

Mga Sagot sa pagsasanay 2

1. nagtawag 2. Sasabihin 3. Aakyat 4. Pumalakpak 5. Natuwa 6. Maghanda 7. Dadalhin 8. nag-usap 9. Manghihiram 10. Napalukso

Salitang-ugat/panlapi 1. Pahinga 2. Kain 3. Sama 4. Bigyan 5. Sayaw

mag um han in um

Aralin 2 Pandiwa sa Aspektong Naganap May iba’t-ibang panahon ng paggawa ng kilos o pandiwa. Ang panahon ng paggawa ng kilos o pandiwa ay tinatawag na panahunan o aspekto. Ang mga pandiwang naapula, nasunog, nakinig, natupok, kumalat at tumuntong ay mga kilos na tapos na o nangyari na. Ang mga pandiwang tapos na o nangyari na ay nasa aspektong naganap. Ang mga salitang pampanahong kanina, kahapon, kagabi, noon at iba pa ay nagpapahiwatig na tapos na ang kilos kaya ginagamit ang mga ito sa aspektong naganap.

Narito ang paraan sa pagbubuo ng pandiwa sa aspektong naganap na. 1. Ang pawatas na may panlaping um at ang panahunang pangnagdaan o aspektong naganap ay pareho.

Hal. S. U. inom kain

+ panlapi + um + um

= = =

pawatas = uminom = kumain =

naganap uminom kumain

2. Ang panlaping mag, ma, mang, sa isang pawatas ay magiging na, nag, nang sa aspektong naganap Hal. S. U. dapa suklay hingi

+ panlapi + na + mag + mang

= = = =

pawatas = nadapa = magsuklay= manghingi=

naganap nadapa magsuklay manghingi

3. Ang panlaping in sa isang pawatas ay magiging unlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig at magiging gitlapi kung ang salitangugat ay nagsisimula sa katinig. Hal. S. U. + panlapi= pawatas alis + in = alisin mahal + in = mahalin

= = =

naganap inalis minahal

Pagsasanay 3 Lagyan ng ekis ang pandiwang nasa aspektong naganap. 1. Ang mag-anak ay sama-samang nagdasal. 2. Sumama ba si Bantay sa bukid? 3. Tinupad ba ni Pang. Noynoy Aquino ang kanyang pangako? 4. Naglaro sa tubig-baha si Kisha kaya siya napalo. 5. Ako’y naghiram ng mga aklat sa silid-aralan 6. Naku, tinangay ng aso ang mga isda! 7. Mabuti’t huminto na ang ulan. 8. Nagluto ng sinigang si Crisostomo Ibarra. 9. Tinahi ni Aling Dodeng ang mga damit. 10. Ang Diyos ang nagligtas sa mga biktima ng kalamidad.

Mga Sagot sa pagsasanay 3 1. nagdasal 2. Sumama 3. Tinupad 4. naglaro/napalo 5. Nanghiram 6. Tinangay 7. Huminto 8. Nagluto 9. Tinahi 10. Nagligtas

Aralin 3 Pandiwa sa Aspektong Nagaganap Ang pandiwa ay nagaganap din sa panahong pangkasalukuyan

o ngayon. Ang kilos sa aspektong nagaganap ay hindi pa tapos, bagkus nangyayari ngayon o ginagawa sa kasalukuyan. Ang mga pandiwang tinatapos, nagsisimula, dumarating at nagmamadali ay nasa aspektong nagaganap.

Nakikilala ang mga pandiwang nasa aspektong nagaganap sa tulong ng mga salitang araw-araw, palagi, tuwing, taun-taon at iba pa. Ang pagbubuo ng pandiwa sa aspektong naganap ay ganito. 1. Alamin ang salitang-ugat at panlapi sa isang pawatas 2. Alamin ang unang pantig o unang dalawang titik sa salitangugat. 3. Kung ang pawatas ay may panlaping um, ulitin lamang ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. pawatas nagaganap uminom umiinom

4. Kapag ang panlapi ng pawatas ay ma, mag o mang, gawing na, mag at mang at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal.

pawatas mahilo magdasal manghingi

nagaganap nahihilo nagdadasal nanghihingi

5. Kung ang pawatas ay may panlaping in . a). Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig, ilagay ang panlaping in sa unahan at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. Alis + in

= alisin = inalis

b). Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig, gawing gitlapi ang in at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. Mahal + in = mahalin = minamahal

Pagsasanay 4 Bilugan ang pandiwang nasa aspektong nagaganap. 1. Ang mga manlalaro ay (nagsanay, nagsasanay) araw-araw. 2. (Natuwa, Natutuwa) ang mga mamamayan sa kinalabasan ng eleksyon. 3. Tuwing umaga, ang nanay ay (nanggising, nanggigising) ng mga kasambahay. 4. (Sumunod, Sumusunod) ka ba sa tuwina sa mga magulang mo? 5. (Tinutupad, Tinupad) ni Clara ang bawat pangako niya. 6. Ngayon, (mamamalas, namalas) ninyo ang pinakabagong imbensyon ni Dr. Joseph Dy.. 7. (Inalis, Inaalis) ni Tony ang kanyang sapatos tuwing pumapasok sa bahay. 8. (Nahilo, Nahihilo) si Aling Emy ngayon. 9. Palaging (sumusunod, sinunod) sa utos ng ina si Kate. 10. Kasalukuyang (gamutin, ginagamot) si Aling Madel.

Mga Sagot sa pagsasanay 4 1. nagsasanay 2. natutuwa 3. nanggigising 4. sumusunod 5. tinutupad 6. namamalas 7. inaalis 8. nahilo 9. sumusunod 10. ginagamot

Aralin 4 Pandiwa sa Aspektong Magaganap

May mga kilos na mangyayari o magaganap pa lamang. Ang mga kilos na gagawin pa lamang ay nasa aspektong magaganap. Ang mga pandiwang isusuot, bibili, pupunta at magluluto ay nasa aspektong magaganap. Ang mga salitang mamaya, bukas, sa isang Linggo, sa susunod na bakasyon ay mga hudyat na ang pandiwa ay nasa panahunang panghinaharap o magaganap. 1. Kapag ang pawatas ay may panlaping um, alisin ang um at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal.

Pawatas umiyak tumayo

magaganap iiyak tatayo

2. Kapag ang pawatas ay may panlaping ma, mag o mang, mananatili ang ma, mag o mang at uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. Pawatas maupo magdala manghingi

magaganap mauupo magdadala manghihingi

3. Kapag ang pawatas ay may panlaping in, ulitin lamang ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. Pawatas yakapin inumin

magaganap yayakapin iinumin

Pagsasanay 5

Isulat sa patlang ang aspektong magaganap ng pandiwang nasa loob ng panaklong. (sumiklab) 1. Lumayo ka riyan at mukhang _____ na ang apoy sa siga. ( maghagis) 2. ________ ako ng barya sa mga batang Igorot. (ganapin) 3. Sa aming bayan ____ ang popular na programa sa telebisyon. (umindak) 4. Sabay-sabay tayong _____________ sa pagtugtog ng banda. (makita) 5. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil _________ rin natin ang kanilang bahay. ( mangharana)6. Ang mga lalaki sa baryo ay __________ sa mga dalaga bukas ng gabi. (gayahin) 7. Hinding-hindi ko ___________ ang masamang ugali niya. (magturo) 8. Si Gng. Santos ay ______________ ng pagbasa sa mga mag-aaral. (punitin) 9. _______ ko ang mga papeles na ito kung hindi mo ibibigy sa akon ang batang iyan! (maguton) 10. Pag hindi ka kumain, tiyak na ____________ ka sa biyahe.

Mga Sagot sa Pagsasanay 5 1. sisiklab 2. Maghahagis 3. Gaganapin 4. Makikita 5. Iindak 6. Manghaharana 7. Gagayahin 8. Magtuturo 9. Pupunitin 10. Magugutom

X. Panukatang Sangguniang Pagsusulit Ilagay ang aspektong nawawala sa hanay upang mabuo ang anyo nito.

Salitangugat 1. 2. 3.

4. 5. Kandirit 6. 7. Awit 8. 9. 10.

Naganap

Nagaganap

Magaganap

Aalis Tumalon

Sumigaw lumuluha Kumaway kikilos sinalin

Mga Sagot para sa Panukatang Pagsusulit Salitang-ugat 1. tuka 2. alis 3. talon 4. sigaw 5. kandirit

6. luha 7. awit 8. kaway 9. kilos 10. salin

Naganap Tumuka Umalis

Nagaganap Tumutuka Umaalis

Magaganap Tutuka Aalis

Tumalon Sumigaw Kumandirit

Tumatalon Sumisigaw Kumakandirit

Tatalon Sisigaw Kakandirit

Lumuha Umawit Kumaway Kumilos sinalin

Lumuluha Umaawit Kumakaway Kumikilos sinasalin

Luluha Aawit Kakaway Kikilos sasalin

XI. Pagpapahalaga Natatandaan mo ba ang iyong napag-aralan sa modyul na ito? Naging matiyaga ka ba at naging masigasig sa iyong pagsagot sa mga pagsasanay? Nauunawaan mo bang mabuti ang mga aralin? Kung oo, binabati kita dahil natapos mo ang modyul na ito nang may kasiyahan at puno ng kaalaman. Sana ay maging kapaki-pakinabang ang susunod na modyul na katulad nito sa patuloy mong pagkatuto.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF