Mga Uri Ng Tayutay

March 6, 2018 | Author: Risty Tuballas Adarayan | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Filipino...

Description

 Mga Uri ng Tayutay:

1. Pagtutulad (simile) - ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis, atbp 2. Pagwawangis (metaphor) - katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga salita gaya ng sa pagtutulad. 3. Pagmamalabis (hyperbole) - lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay at halaman 4. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - maaari dito banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo 5. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. 6. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. 7. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. 8. Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. 9. Pagbibigay katauhan (Personipikasyon) - Pagsasalin ng mga katangian ng Tao sa mga karaniwang bagay. 10. Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri 11. pagsalungat o epigram - ang mga salitang pinaguugnay nito ay pinagsasalungatan sa kahulugan. 12. Pagpapalit tawag - Ito'y ang paggamit ng isang salita sa halip ng ibang salitang kaugnay nito 13. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. 14. Pagtatambis - ang tayutay na itoy bumabanggit ng mga bagay na magkakasalungat upang mapabisa at mangibabaw ang isang kaisipan. 15. Pag uulit - Ang pag-uulit ng salita o parilala ay nakalilikha ng musika o ng isang padron na maganda ang dating sa tenga. Maaaring makatulong ito sa pagkakabisa sa tula o sa pagbibigay-diin sa isang konsepto o aksyon. 16. Pagdaramdam (Exclamation) – ay nagsasaad ng dipangkaraniwang damdamin, ginagamitan ng damdam (!) sa dulo ng pangugusap.

1. Pagtutulad : *sasakyang parang ipu-ipo sa bilis *babaeng parang pagong sa bagal 2. Pagwawangis : *Siya'y langit na di kayang abutin nino man. *Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Pagmamalabis : *Pilit na binuhat ang sandaigdigan Upang ang tagumpay ay kanyang makamtan. 4. Pagpapalit saklaw : *Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak *Ayaw kong makita ang mukha niya! 5. Paghihimig : *Ang busina ng bus ang nangingibabaw sa kalye *Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong 6. Pag-uyam : *Kung anong iginanda mo siya namang ikinapangit ng ugali mo. *Bagay na bagay sa iyo ang damit na iyan, nagmumukha kang suman sa ibus. 7. Pasukdol : *Tumilapon na sa pagkakalaglag ang dilim *Humagis na sa pagkakabagsak ang takipsilim 8. Pagtanggi : *Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van. *Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan. 9. Pagbibigay katauhan : *Tik-tak na orasan ay naghahabulan *Masayang umihip ang hanging amihan 10. Paglilipat wika : *Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy. *Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor. 11. Pagsalungat : *Ang iyong kalakasan ang iyong kahinaan. 12. Pagpapalit Tawag : *Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. 13. Pagtawag : * O tukso! Layuan mo ako! 14. Pagtatambis : * Nalulungkot ako sa pananalo mo Sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo. 15. Pag uulit : * ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy hiningang mapatid 16. Pagdaramdam : * Aking nadarama ang kapighatian Sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF