Mga Uri Ng Pagtatanong

November 25, 2017 | Author: Joya Sugue Alforque | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

pagtatanong...

Description

Mga Uri ng Pagtatanong Pagtatanong ito ay isang sining sapagkat naipapakikita dito ng guro ang kanyang istratehiya kung paano niya magaganyak ang kanyang mga mag-aaral na lumahok o makibahagi sa isang talakayan. Katulad ng isang pagsusulit, ito ay isang mabisang pagtataya sa mga kaalaman at kasanayang dapat matamo ng mga mag-aaral. Mga Dahilan ng isang guro kung bakit kailangan ang pagtatanong sa kanyang mga mag-aaral: Ibig ng gurong maging masigla ang talakayan sa kanyang klase. Nais ng gurong makatiyak kung naging mabisa ang kanyang pagkakalahad sa kanyang aralin. Ibig ng gurong makatiyak kung natamo niya ang layunin ng pagtuturo. Nais matuklasan ng guro kung anong damdamin ang namamayani sa dibdib ng kanyang mga mag-aaral matapos matalakay ang aralin . Iba’t Ibang Uri ng Pagtatanong 1. TANONG NA ANG SAGOT AY “OO” o ”HINDI” - ito ang pinakamalimit gamitin ng guro sa pagtatanong.  Ang sagot dito ay mabilis na naipupukol sa guro sa dahilang hindi ito nangangailangan ng pagbubuo ng mga pangungusap. Tinatawag itong “OneFinger Question” sa Ingles. 2. TANONG NA ANG SAGOT AY MAY DALAWANG PAGPIPILIAN- Ang kasagutang sa katanungang ito ay malimit na magkasalungat. Ang mga mag-aaral ay mag-iisip ng malalim at makatwiran upang maipaliwanag o mai-depensa ang kani-kanilang panig. Maaaring pangkatin ng guro ang kanyang klase at magkaroon ng isang ehersisyo gaya ng “debate”. 3. TANONG TUNGKOL SA MGA TAO, BAGAY, LUNAN o PANGYAYARI- Ang mga tanong ay nagsisimula sa Sino, Ano, Alin, Saan o Kailan. Sa mga katanungang ito ay mahahasa o magagamit ng mga mag-aaral ang kasanayang umunawa ng paksang tinalakay. 4. TANONG NA BAKIT - Sa pagtatanong na ito ang mga mag-aaral ay nagagamit ang kasanayang magpaliwanag. Sa pagpapaliwanag, nagagamit ng mga mag-aaral ang kani-kanilang wasto at malalim na pagkukuro o pagpapaliwanag batay sa kanilang naunawaan sa paksang tinalakay ng isang guro. Karaniwang nagsisimula sa kasi, dahil sa, mangyari, paano, kung hindi ko gagawin ‘yon e ‘di… 5. TANONG NA PAGTITIMBANG - Sa katanungang ito ay nagangailangan ng pagkukuro’t pag-iisa-isa sa mga bagay na magpapaliwanag kung ano ang magiging kapasyahan. Sinasanay dito ang mag-aaral na mangatwiran ayon sa mga impormasyong alam niya at batay na rin sa pansarili niyang kaalaman.

6. TANONG NA HUMIHINGI NG PALAGAY Ito’y nasasagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng kuro-kuro batay sa nakita, nabasa o naranasan ng sumasagot. Dito mahihinuha ng guro kung malinaw o hindi ang pagkakatalakay sa kanyang aralin. Ang Pagtatanong: Tungo sa Pagpapataas ng Kaisipan ng Mag-aaral Sa pagtatanong ng guro ay nais lamang niyang matutukoy hindi lamang ang mga kaalamang natutuhan ng kanyang mga mag-aaral kundi maging ang mga kasanayan at kakayahang pangkognitib ng mga ito. Coronel, (1990) mga salik na makatutukoy sa ipagkatututo ng mga mag-aaral na kung saan ay may malaking bahagi tungo sa ipagkatututo ng mga ito: Ang mga katangian ng mga-aaral. Ang mga katangian at resorses ng paaralan. Ang mga katangian at resorses ng komunidad. dahil dito ay naging malaganap ang “ CLASSROOM-CENTERED RESEARCH” na ang pokus ay ang mga nagaganap sa loob ng klasrum habang isinasagawa ang pagaaral gaya ng: Paksang pinag-aaralan; Interaksyong pangklase; Estilo ng partisipasyon ng mga mag-aaral; Estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral atbp… Ang mga sumusunod naman pagtatanong ay napatunayang may mababang antas sa pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat layunin lamang nito na makapagpalabas o makapagbigay ng konsepto ang mga mag-aaral mula sa dati nilang natutuhan:  pangmemorya  restricted  kognitib/pangmemorya,  komberdyent  paktwal  display Mga Tanong na may mataas na antas sapagkat nangangailangan ito ng mas mataas na kakayahan sa pag-iisip upang masagot ang mga katanungan ng isang guro:  pampukaw pag-iisip;  ekspanded o pinalawak  dayberdyent, pang-ebalwasyon  reperensyal  sa antas ding ito ay mahalagang mapag-ugnay-ugnay ang mga dati nang natutuhan (stock knowledge) upang makapagbigay ng panibago at pansariling ideya. TAKSONOMIYANG PANGKOGNITIBO NI BLOOM (1956) ANTAS NG TANONG KAKAYAHAN/ GAWAIN 1.Kaalaman  Nanghihingi ng isang tiyak na impormasyon.  Nagpapaulit ng dati nang natutuhan o naranasan. 2. Pang-unawa- Nagpapabigay-kahulugan saa isang bagay na natutunan sa pamamagitan ng:  Pagsasalin sa ibang porma o anyo  Pagpapahayag sa sariling paraan o pananalita  Pagbibigay-kahulugan sa nabasa o narinig  Paghahambing

3. Aplikasyon - Nagpapagamit ng natutuhang impormasyon upang malunasan ang isang suliranin. 4. Pagsusuri Nangangailangan ng kakayahan:  Matukoy ang mga dahilan ng isang pangyayari  Masusuri ang mga impormasyon upang makagawa ng isang konklusyon o inperensya  Masuri ang isang konklusyon para makapagbigay ng ebidensya na umaayon o sumasalungat dito. 5. Sintesis Nangangailangan ng kakayahang gumawa ng orihinal at malikhaing pagiisip sa pamamagitan ng:  Pagbuo ng orihinal na komunikasyon o komposisiyon  Paggawa ng prediksyon  Pagsagot sa mga suliranin na ginagamitan ng iba’t ibang kaparaanan. 6. Ebalwasyon  Nanghihingi ng sariling kuro-kuro, pagpapahalaga o pagpapasya batay sa isang kraytirya o sukatan o pansariling sistema ng paniniwala o kahalagahan.

Ang Kahulugan ng Ebalwasyon: Ang ebalwasyon ay ang proseso ng paghuhusga ng halagang naidulot ng proyekto o programa kaugnay sa mga naplanong aktibidades at pangkalahatang layunin. Bahagi ng ebalwasyon ang paghuhusga ng kahalagahan ng isang bagay, kaya naman ito ay naiiba sa pagsubaybay (ang pagsubaybay ay pagoobserba at paguulat ng oberbasyon). Kahalagahan ng Ebalwasyon: Ang ebalwasyon ay mahalaga upang matukoy ang mga kakulangan o mga isyung nagsisilbing balakid sa pagkamit ng mga layunin ng proyekto. Dahil dito, ang mga solusyon sa mga problema at balakid ay maaaring matukoy at maisagawa. Ang ebalwasyon ay nakakatulong sa mga taga-pamahala o taga-pagplano ng proyekto na tayahin ang benepisyo at problemang maidudulot ng proyekto sa mga hinahangad na direkta at indirektang pinag-uukulan ng benepisyo. Halimbawa, kung ang proyektong isinasagawa ay ang pagbibigay proteksyon sa bukal o balon, makikita sa ebalwasyon ang benepisyo nito sa mga taong kumukuha at gumagamit ng tubig sa bukal. Gayundin, makikita sa ebalwasyon na nagdudulot din ito ng problema sa mga tao dahil nasasayang ang kanilang lupain at nasisira ang kanilang pananim dulot ng proseso ng pagkolekta ng tubig.

Mahalaga ang ebalwasyon dahil makakakuha tayo dito ng mga leksyon o aral mula sa ating mga karanasan sa pag-iimplementa ng proyekto. Ang mga leksyon o aral na ito ay maaaring magamit sa iba pang proyekto. Panghuli, ang ebalwasyon ay dapat magbigay-linaw kung gaano nakamit ang hinangad na layunin ng mga aktibidades at kung naisakatuparan ang proyekto. Ang Proseso ng Ebalwasyon: Ang ebalwasyon at maaari at dapat isinasagawa: (a) bago, (b) habang, at (c) pagkatapos ng implementasyon. Bago isagawa ang proyekto, ang ebalwasyon ay kinakailangan upang: Matantiya ang posibleng epekto ng pinaplanong proyekto sa mga tao sa komunidad Makagawa ng huling desisyon ukol sa alternatibong proyekto na dapat maisagawa Makatulong sa pagbuo ng desisyon ukol sa kung paano isasagawa ang proyekto. Habang isinasagawa ang proyekto: Ang ebalwasyon ay isang walang patid na proseso at dapat maisagawa sa lahat ng aktibidades ng proyekto. Nakakatulong ito sa mga taga-pagplano na progresibong masuri ang mga stratehiya ng proyekto ayon sa pabagu-bagong kalagayan o sitwasyon. Sa pamamagitan nito, maisasagawa ang ninanais na aktibidades at layunin ng proyekto. Pagkatapos maisagawa ang proyekto: Ito ay upang makita at mabalikan ang proseso ng pagpaplano at implementasyon ng proyekto, gayundin ang resulta matapos maisagawa ang mismong proyekto. Ito ay makakatulong pa sa: Pagtutukoy ng mga problema o balakid na naranasan noong isinagawa ang proyekto Paghuhusga ng aktuwal na benepisyo at ang bilang ng mga taong nakinabang Pagbibigay ng mga ideya ukol sa kalakasan ng proyekto, para na rin ito ay magaya sa mga susunod pang proyekto Pagbibigay-linaw kung nakamit ba ang hinahangad na layunin ng proyekto at kung gaano ito nakamit

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF