mga uri ng pagsulat

February 27, 2017 | Author: Nikko Angub Reyes | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

filipino 1...

Description

› Maraming uri ang pagsulat,maari ito ayon sa iba’t ibang

pangangailangan ng mga tao sa lipunan. Ang isang manunulat ay maaring magbigay-impormasyon ukol sa isang paksa o isyu. Maari rin naman siyang tumalakay sa kasaysayan ng isang bagay,pangyayari o pook o kaya’y magsulat ng isang simpleng akdang nagbibigay aliw sa mga mambabasa. Ang mga ito ay tinuturing na mga batayan at mahahalagang dahilan kung bakit nagsulat ang isang tao.

› Sa bahaging ito ng pag-aaral,tatalakayin ang mga uri ng

pagsulat na madalas na kailanganin sa pag-aaral.



Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.



Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.



Narito ang mga katangian ng akademikong pagsulat:



Pormal › Sa pagsulat ng sanaysay, iwasan ang mga kolokyal na salita at mga ekspresyon Obhetibo › Ang pagsulat dito ay obhetibo at hindi personal o pansarili. Kaunti lamang ang salitang tumutukoy sa manunulat at sa mambabasa › Binibigyang-diin ang impormasyon na gustong ibigay



Akademikong sanaysay  Pamanahong papel  Konseptong papel  Tesis  Disertasyon  Abstrak  Book report  Pagsasaling-wika  Aklat  Rebyu 

  

Eksplikasyon Artikulo Bibliograpiya







Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t –ibang uri ng mambabasa Ito ay naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa, ng kompyuter o anumang bagay na may kalikasang teknikal.

Halimbawa ng teknikal na pagsulat ay liham na papasukan

Ang isang balitang pamperyodiko ay sumasagot sa lahat ng mga tanong ng pangjornalistik na sino, ano, saan, kailan at bakit.  Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at hindi paliguy-ligoy.  Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang iba pang impormasyon ay isinisiwalat mula sa pinakamahalaga patungo sa di-gaanong mahalaga  Pinipili nang maingat ang mga salita at pinanatiling simple at tuwiran ang istilo ng pagsulat 

Ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist.  Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazine. 

Ang referensyal na pagsulat ay may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa.  Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri.  Ang layunin ng referensyal na pagsulat ay maiharap ang impormasyong batay sa katotohanan o kaya’y makabuo ng kongklusyon batay sa katotohanang ito.  Ang anyo ng impormasyon ay kailangang totoo o tunay, tamang-tama, obhetibo at komprehensibo  Halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat panlaboratoryo, manwal at pagsusuring pangkasaysayan 

Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa.  Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes.  Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.  Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards. 



Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon.Bagama’t propesyon nga.Itinuturo na rin ito sa paaralan bilang paghahanda sa isang propesyon na napili ng mag-aaral.



Saklaw nito ang mga sumusunod: 1. police report – pulis 2. investigative report – imbestigador 3. legal forms, briefs at pleadings – abogado 4. patient’s journal – doktor at nurse

Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.  Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.  Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.  Hihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay. 

Ginagamit ng manunulat ang imahinasyon upang lumikha ng karakter, senaryo o pangyayari upang bumuo ng kuwento o tumalakay sa isang senteal na isyu o paksa  Sa malikhaing pagsulat, sariling-sarili ng manunulat ang format, lengguwahe, organisasyon ng kanyang sulatin. 

Halibawa ng malikhain na pagsulat 1. Editoryal 2. Lesson plan 3. Konseptong papel 4. Marketing plan 5. Pamanahong Papel 6. Feasibility study 7. Sanaysay 8. Bibliographi 9. Tula 10. Balita 

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF