Mga Tula ni Sir Ordoñez

September 10, 2017 | Author: Shaira Nicole Pelaez | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Mga Tula ni Sir Ordoñez...

Description

P a h i n a |1

Luha Ng Dalamhati Ng Lahi September 28, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa ilang dekada nating paglalakbay sa gubat ng dilim at sagimsim mga anino tayong walang mukha ni pangalan sa aklat ng kasaysayan mga dugo tayong idinilig sa damuhang naninilaw mga kalansay tayong iniukit sa pader ng kaapihan mga nota‘t lirika tayo ng musikang nanunumbat-lumalaban sa karimlan ng ating bayan! ngunit sa bawat pagpatak ng luha ng dalamhati ng lahi sa patuloy na pag-aglahi ng mapagsamantalang uri magdurugtong pa rin babalatay at kikiwal nag-usli nating mga ugat sa dibdib ng bawat sawimpalad habang marahas na umiindak maalab na mga petalya ng apoy sa kumukulo nating utak at mananatiling nanlilisik mga mata nating nakakilala ng mga talulot ng pait at dusa. patuloy pa nga ring naglalandas luha ng dalamhati ng lahi mainit gaya ng nagbabagang asero sa pandayan ng mithiing dakila gumuguhit at nananalunton sa humumpak na pisngi ng magsasaka sa umimpis na dibdib ng manggagawa sa ginibang barungbarong sa eskinita sa nakahandusay na katawan sa bangketa

at patuloy pa nga ring bumabalong sa bawat pusong sumisikdo-nagdurugo sa saksak ng may lasong balaraw ng mapang-aliping mga panginoon ng kalupita‘t inhustisya kailan nga ba lalamunin-tutuyuin ng lagablab ng apoy mga usbong ng luha ng dalamhati ng lahi sa nanlalim na mga mata ng ating pinakasisintang la tierra pobreza? Gunitain October 29, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) gunitain silang binaril sa bunganga silang pinutulan ng dila dahil isiniwalat mga lihim at hiwaga sa palasyo ng mga pinagpala. gunitain silang minaso ang kamay silang pinutulan ng daliri dahil isinatitik nanlilisik na katotohanan sa bulok-inuuod na lipunan. gunitain silang dinukit ang mata silang nilaslas ang tainga dahil nakita mukha ng inhustisya at malinaw na narinig tinig ng pagsasamantala. gunitain silang nilagari ang tuhod mga buto ay dinurog dahil ayaw lumuhod sa altar na maalindog ng diyus-diyosang nabubulok.

P a h i n a |2

gunitain silang kinuryente ang bayag silang nginatngat ang utong silang pinainom ng ihi sa inodoro‘y inginudngod dahil ayaw manikluhod. gunitain silang pinugot ang ulo sinikaran-pinagulong sa dalisdis ng kabundukan dahil utak laging kumukulo laban sa uring gahaman-palalo. gunitain silang isinimento sa dram ipinalamon sa pusod ng karagatan dahil di mapigilan sa pakikilaban para sa isang mapayapa maunlad-demokratikong lipunan. oo, gunitain silang lahat silang nagsipag-alay ng dugo‘t buhay sa panahon ng kanilang paglalakbay silang ―nangabuwal sa dilim ng gabi‖ habang mga alitaptap ay naglalamay at nananaghoy ang gaplatong buwan. gunitain, oo gunitain silang dalisay ang mithiin silang busilak ang layunin silang hagupit ng dusa‘t panimdim at unos at ulos ng dilim at lagim sagradong ninasang ganap na pawiin. lahat sila‘y gunitain mga alaala nila‘y petalya ng apoy malagablab na tatanglawan puso natin at isipan upang brilyanteng magluningning bilyong mga bituin sa landas nating tatahakin hanggang matupok ang kumot ng dilim at iluwal ng araw ang hustisya sosyal progreso‘t demokrasyang tunay

sa niwakwak na tiyan ng mga gahaman sa la tierra pobrezang pinakamamahal! So Cruel To Think Of Adieu August 20, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (A poem not for lovers per se) suddenly, yes, suddenly i know all will end in a fleeting moment of awakening those lingering illusions of love those tempting stares and smiles and tender caresses on the arms are mere pieces of shattered glass scattered on desolate leaves of grass. i know everything will come to pass like footsteps on the sand like flashes of lightning in the sky or the last gasps of a dying man. so cruel to think of adieu for am certain after parting painful memories will scorch my flesh and pierce my mind your shadows will stalk me in every deserted streets together we‘ve strolled in every poetic places we‘ve built our castles of liberating dreams. how can i learn to forget when in every minute memories cascade in the waterfall of my brain? but can you still remember me as time silently passes by especially at dusks when loneliness is as cold as the dewy december dawns? can you still remember me

P a h i n a |3

in the years to come in your world of sacred dreams even faded are the pictures of our struggling togetherness while tenderly, so tenderly the dried leaves of memories begin to fall and kiss the parched earth of despair? can you still remember the old rag you most needed then when your shivering soul feverishly groped for love‘s embrace? when gone you are and wish no more to glimpse at me and behold what can i do but to embrace my solitude and hope forevermore that in this time and space in the rebellious moment of my forsaken life you will again walk by like the solitary music so many, many times am always yearning to hear though violently slashing my heart and continuously paralyzing my meandering tormented soul so cruel, yes, so cruel to always think of goodbye! Your Music I Love August 16, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem) your music i love the sounds of cymbals in the black-weeping night the growling staccato of gunfires in the labyrinths of my mind full of throbbing cadences

striking thunderbolts in my spine with catapultic crescendo of exploding bombs piercing my soul and eardrums. your music i love as it slaps my senses and awakens me more and more it dilates my nostrils and eyes and gnaws the sinews of my heart it hums rebellious notes in my blood and fills the grail of my being with hot streams of cascading courage for you and me for our grieving sons and daughters under the golden-elusive sun so, at last, the red, red roses sown in the garden of eternal hope will triumphantly bloom forevermore. your music i love it rekindles the fire in my loins to thunderously curse and blast the lurking-predator demigods it cleanses my soul to embrace a sacred cause it sharpens my vision to see society‘s abominable contradictions and oozing sores and the miseries of the poor. your music i love it makes me hear the lamentations of the oppressed-downtrodden class its lyrics brewing in the cold wind blowing the dark-rolling clouds in the skyline of discontent the chorus invectives full beheading with scathing words the privileged-exploitative few in rotten-stinking palaces

P a h i n a |4

of rogue kings and centurions of injustices and greed. yes, your music i love it lingers on and on and on the notes of resounding hope the lyrics of continuing struggle of a people long enslaved manacled by tears and grief in a barren-wretched land the forsaken la tierra pobreza of my nightly dreams your music i love with its fiery-liberating revolutionary lines! Silang Nagbabaging Sa Gubat Ng Dilim August 6, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa gubat ng dilim at sagimsim bakulaw silang nagbabaging nakabiti‘t sumisigaw sa hangin silang mga intelektuwal na iniluluwal ng mga toreng-garing silang kinapon ng mga unibersidad silang nakabilanggo sa mga aklat silang binulag ng mga letrang tiwalag sa reyalidad silang pinasakan ng bulak sa ilong at inimbalsamo ng teorya‘t ideya ulong di tiyak direksiyon ng dunong silang ibig nguyai‘y puro pormularyo at bawat salita‘y laging de numero at inililibing ang angking talino sa mundo ni focault, derrida at plato sa baging ba lamang laging nakabitin silang ang totoo‘y malabo sa tingin? silang nagbabaging sa gubat ng dilim ang dagat ng buhay ay ayaw sisirin

gayong hinahanap perlas na maningning sa dampa‘t kubakob ng bukid at bundok ni ayaw pumasok-mangarap-matulog ni ayaw titigan nag-usbong na hamog upang makita luha ng dayukdok ni ayaw yumapak sa lupang maputik ni ayaw lumusong sa linang ng bukid ni ayaw tahakin nagdipang pilapil habang sumasayaw kugon at talahib upang madama ang tibok ng dibdib ng uring dinusta at naghihimagsik kailan isasawsaw sa patis at suka daliring nilandi‘y mga porselana pilak na kutsara‘t kristal na kopita? kailan lalamasin malamig na kanin upang bukalan ng katotohanan bibig na namaga sa pagnguya-pagngata sa inanay at pilas na aklat na ayaw ilahad-ihantad maalingasaw na reyalidad ng lipunang nagnaknak na‘t mga uod ang lumalantak. silang nagbabaging sa gubat ng dilim ni ayaw makita pulandit ng dugo mula sa daliring naputol nginasab-nilunok ng makinang hayok hanggang balat dugo‘t-buto‘t-laman ng hinlalaki‘t hintuturo sa nagiling na karne‘y humalo carne norteng igigisa ipipritong longganisa sa mantika ng lungkot at dusa silang nagbabaging sa gubat ng dilim silang pilosopiya‘t hungkag na ideya pansabaw sa ulam at kanin silang nakikipagpatintero kina hume, heidegger nietzche‘t mga henyo hanggang mga teoryang ibinabando

P a h i n a |5

naging sangkutsado di tuloy matiyak adobo ba o asado at kalimita‘y di malunok ng lalamunang titiguk-tigok ng masang sambayanang parang trumpong pinaikot. kayong nagbabaging sa gubat ng dilim bakit di ninyo talunin ang bangin? bakit ayaw ninyong bitawan ang baging paa ay isudsod sa lupa ng lagim amoy ng pulbura ay inyong langhapin? anghit ng magsasaka ay inyong singhutin habang binubungkal bukiring di kanya bakit di titigan ang mga sakada habang nakaluhod sa imbing asyenda aba ginoong maria ay nililitanya sa mga kabyawan at asukarera? bakit di dinggin hagulhol ng ina sumpa‘t himutok ng galit na ama hinagpis ng nabaog sa inhustisya at plegarya ng sinikil na kaluluwa baka masagot din ng hagupit ng habagat singasing ng punglo‘t sagitsit ng kidlat laksang tanong ng madilat na reyalidad bombang sasambulat din mga tugong di maipaliwanag ng inaamag na mga aklat!

Di Ako Manunulat July 29, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di ako manunulat gaya ng dinadakila sa mga aklat o sinusuob ng papuri‘t pabango sa maluningning na entablado simple lamang akong taga-tala

ng reyalidad ng lipunang balintuna taga-salaysay ng marawal na buhay ng alipin ng kawalang-katarungan ng ibinayubay ng pagsasamantala sa kalbaryo ng luha‘t dusa ng mga karapatan at dignidad pamunas lamang sa puwit at paa sa dambana ng mga hari sa pulitika‘t ekonomiya. di ako makata sadya lamang matabil ang dila pinagtatagni-tagni ang mga salita laban sa imbing mga diyus-diyosang sugapang nandarambong ng pondo ng bayan silang dambuhalang tulisang nakamaskarang makabayan sa palasyo ng kalunsuran laging isinasadlak masang sambayanan sa kahimahimagsik na karalitaan laging ibinibenta‘y kapakanang-bayan mahimod lamang pundilyo‘t tumbong ng dayuhang mga panginoong pakialamero sa pambansang kasarinlan. di ako manunulat kompositor lamang ako ng mga notang naglulunoy sa pandinig hikbi ng mga ina daing ng may pulmonyang amang di makatikim ni aspirina himutok ng naulilang di makabili ni kabaong na palotsina lagunlong ng napilipit na bituka lagutok ng mga buto sa pabrika kalantog ng tinuklap na mga yero kalabog ng ginibang bahay sa gilid ng mabahong estero singasing ng hininga ng pawisang magsasaka sa kabukirang di kanya hagulhol ng mga batang nakalupasay sa bangketa

P a h i n a |6

tagulaylay ng mga sawimpalad saanman naghahari‘y inhustisya. di ako manunulat pintor ako ng mga larawang nagnanaknak sa alaala iginuguhit ng pinsel sa lona sa pamamagitan ng pulang pintura nakasusukang mga eksena sa sinisintang la tierra pobreza inuuod na mga bisig inaanay na mga dibdib nagdurugong mga bituka mga tiyang sinasaksak mga mukhang nilalaplap inaatadong katawang hubo‘t hubad di nahilamusan ng dignidad samantalang nilalaklak dugo ng maralita at pinagpipistahan sa mesa ng kapangyarihan ng iilang pinagpala sinangkutsang buto‘t laman inadobong puso‘t atay sinitsarong bituka‘t balat tinapyas na mga ilong dinukit na mga mata ng sambayanang masa. di ako manunulat di ako makata taga-tala lamang ako taga-salaysay lamang ako kompositor lamang ako pintor lamang ako at mang-aawit lamang ako ng kahimahimagsik na reyalidad sa ninananang lipunang walang urbanidad ni dignidad dahil sa iilang walang hinahangad kundi bulsa‘t sikmura nila ang tanging mabundat!

Naiwan Sa Aki’y Mga Alaala July 26, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa bawat paghihingalo ng takipsilim at pagyakap ng lumuluhang gabi habang palasong humahaginit ang ulan naiwan sa aki‘y mga alaalang nagkukuta sa kamalayan humihiwa sa budhing nadarang ng ningas ng apoy sa karimlan sumusurot iyon sa mga matang nalulunod sa dagat ng lungkot bawat eksena‘y parang granaheng tuluy-tuloy sa pag-ikot nililigis himaymay ng aking puso pinabibilis daloy ng aking dugo nasaan ang paninindigang pinabuway ng pingkian ng bote‘t baso at pagsalakay sa lalamunan ng nag-uunahang mga bula ng likido? oo, naiwan sa aki‘y mga alaala mga gunitang tangayin man ng hangin o ng nagngangalit na delubyo ay muli‘t muling magbabalik sa pasigan ng kaluluwa hindi magugutay ng makinang lumalamon sa laman mga larawang umiindak sa balintataw hindi iyon iginuhit lamang sa buhanginan ng pagsinta kundi marmol iyong lapidang di kayang durugin ng bomba saanman humantong ang pakikibaka ng mga aninong nanunulay sa kamatayan mapasilay lamang luningning ng araw sa lupaing tinakasan ng saya‘t ligaya at mabigyang dangal layang ninanasa. oo, muli‘t muling magbabalik naiwang mga alaala kahit lumalaslas sa puso

P a h i n a |7

lumalaplap sa budhi at lumiligis sa kaluluwa! Maita (Ka Dolor) Gomez July 19, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nang sumilakbo sa iyong ugat dugo ng mga sawimpalad at dumagundong sa iyong puso hagulhol ng mga dukha tinalikuran mo, maita, tanghalan ng balatkayo itinakwil mo, maita, ilusyon ng puting telon mukha mo‘y nahilamusan sa bukal ng katotohanan upang makitang malinaw salungatan sa lipunan. inilantad-nilitanya mo, maita, inhustisya‘t pagsasamantala ng gahamang diyus-diyosan ibinandila di lamang kapakanan ng aping kababaihan kundi maging sagradong mithiin ng nilatigong masang mamamayan nagmartsa ka sa kadensa ng laksa-laksang mga paa tinig mo‘y umalingawngaw sa lansangan ng protesta buong giting na isinigaw: ―ma-ki-ba-ka! hu-wag ma-ta-kot! ―ma-ki-ba-ka! hu-wag ma-ta-kot!‖ niyakap mo, ka dolor, dibdib ng kabundukan nakipagsayaw ka sa talahib ng kumalingang kaparangan perlas mong itinuring mga hamog sa damuhan bininyagan-binanyusan ng matubig na mga linang

ng nagpuputik na kabukiran damdamin mong nag-aapoy at hitik sa pagmamahal sa lupaing umaagos luha ng dalamhati ng inaaliping uri. oo, ka dolor,naging armado kang mandirigma ng bayan laban sa mapanikil-malagim na nagmumultong panahon ng imbi‘t sugapang mga panginoon mga salot pa rin ng lipunang namamayagpag hanggang ngayon ibinilanggo ka man, ka dolor. at dinusta ng diktadura parang brilyanteng di natapyasan o esmeralda pa ring kumikinang matimyas-dakilang hangaring magluningning bilyong bituin sa mukha ng bayan ng dusa‘t hilahil. namaalam ka man, maita, sa la tierra pobrezang pinakamamahal at sa anino ng gabi inilulan ng aliw-iw ng hanging nagdarasal tumakas na hininga ng pagsinta sulo ka pa ring magliliyab sa dibdib ng sawimpalad muhon ka ring di matitibag sa lupain ng pakikitalad kikiwal sa ugat ng mga api‘t dukha alimpuyo ng dugo mong mapanlikha di mapapawi ng panahon magiting mong mga gunita manalasa man ang daluyong sa burol ma‘t kapatagan bahain man ng delubyo kanayuna‘t kalunsuran marmol kang monumento sa puso ng pagbabago. hanggang inhustisya‘y nilulumot diyus-diyosa‘y laging buktot

P a h i n a |8

at tunay na demokrasya‘y binabansot hanggang manggagawa‘y alipin ng grasa‘t makina sa mga pabrika hanggang libingan nitong magsasaka malawak na bukid na di maging kanya saan ka man naroroon si maita ka man o ka dolor ihahatid ng sagitsit ng kidlat at nakagugulantang na kulog himagsik ng tinig mong humihiyaw: ―ma-ki-ba-ka! hu-wag ma-ta-kot! ―ma-ki-ba-ka! hu-wag ma-ta-kot!‖ No Cream Nor Sugar Is My Coffee June 16, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem –modified English version of ―Kape Ko‖y Walang Krema Ni Asukal‖) no cream nor sugar is my coffee black as the grieving night when thick, rolling clouds kiss the saucer moon bitter as the miserable lives of people franz fanon called ―the wretched of the earth‖ what maxim gorky said dwell ―in the lower depths‖ yes, bitter as my coffee their lives oppressed jailed forever under the bridge or genuflecting, dreaming on the putrid shoulders of tripa de gallina and canal de la reina or in murky, cramped slum areas. black is the night like my dark coffee in the narrow streets of despair in the sty and barungbarong beside some forsaken garbage dumps

in the dimly-lighted parks where fallen bodies cling to the eternal elusive hope on the grass black is the night in the breakwater of life as angry waves pound on the heaving, mournful breasts of lingering, everlasting miseries. bitter is life like my coffee, unsugared, uncreamed bitter in the lips of a child whose abdomen swells though in it only air dwells bitter in the black nipples of a praying, emaciated wife bitter in the mouth of a cursing father whose flesh devoured by grease and machine in hungry factories of greed bitter in the hatred-filled eyes of a sad, lonely man whose blood is being sucked by the parched earth not his so the grains of palay in fields of enslaving gloom would glitter like gold in the horizon of discontent and the sugarcanes would vomit sweet, delicious, sticky sap amidst the cries of the working class. when will my coffee be sweet? when will its black color fade? when will cream and water make love and mix? yes, my coffee has no cream nor sugar bitter as the lives of those crucified by tears of grief yes, my coffee tastes like grounded vile

P a h i n a |9

in a rotten society paradise of a chosen few but rebellious shadows in the night will not cease rekindling the fire till the flames engulf the demigods and, yes, at last, our coffee will be sugared and creamy alas, at last, it will then taste like honey! Kape Ko’y Walang Krema Ni Asukal June 16, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) kape ko‘y walang krema ni asukal maitim tulad ng gabing humahalik makapal na ulap sa mata ng gaplatong buwan mapait tulad ng lugaming buhay ng mga nilikhang namahay namuhay sa ilalim ng tulay yumakap-nangarap sa mabahong tiyan at balikat ng gumagapang na tripa de gallina ng nakalupasay na canal de la reina at naglilingkisang mga eskinita. maitim ang gabi tulad ng aking kape sa mga kalyehon ng kalunsuran sa mga kariton at barungbarong sa tabi ng mga basurahan sa mga parkeng himlayan ng mga pagal na katawan maitim ang gabi sa gilid-gilid ng dalampasigan habang binabayo ng mga alon pusod ng lungsod ng karalitaan. mapait ang buhay tulad ng kape kong walang asukal sa labi ng batang mapintog ang tiyan kahit hangin lang ang laman

sa susong natigang-naluoy ng inang laging nagdarasal sa bibig na puno ng ngitngit ng amang laman ay nilamon ng grasa‘t makina sa mga pabrika at dugo‘y nilagok ng lupang di kanya upang maging ginto mga kabukiran at maging asukal ang laksang tubuhan. kailan tatamis itong aking kape? kailan pupusyaw ang itim na kulay? kailan magtatalik ang krema at tubig? oo, kape ko‘y walang krema ni asukal simpait ng buhay ng mga nilikhang ibinayubay sa krus ng luha ng dalita‘t lumbay oo, kape ko‘y dinikdik na apdo ang pait tamis ay sinaid ng mga gahaman krema‘y sinuso ng mga dayuhan ngunit huwag magulumihanan sa lipunang pinaghaharian ng iilang imbing diyus-diyosan mga galit na anino‘y laging naglalamay maglalagablab din sigang sinindihan sa dibdib ng kanayunan sa puklo ng kalunsuran ng la tierra pobrezang pinakamamahal at, sa wakas, kape nati‘y magkakaasukal linamnam ng krema ay malalasahan magiging singtamis ng pulut-pukyutan! Di Na Kita Dadalawing Muli June 7, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di na kita dadalawing muli sa iyong huling mga sandali ng magiting na paghihimagsik sa daigdig ng dalamhati alam kong mamaya o bukas o isang araw ngayong maulang buwan ng hunyo

P a h i n a | 10

bigla mong lilisanin niyakap na larangan ng madugong pakikilaban sa uring naghahari-harian di na kita muling dadalawin kahit nais ko pang masilayan titig na inuusbungan ng sagradong mga lunggati matang dalawang esmeraldang nagniningning sa makabayang mithi at kibot ng labing laging isinisigaw himagsik ng lahi. di na kita dadalawing muli ngayong hininga mo‘y hinihigop ng humahalik na amihan sa humpak na mukhang pinatigas ng di isinukong paninindigan para sa laya‘t ligaya ng bayan at ng masang pinag-ukulan ng buhay sa maraming gabi ng paglalamay alam kong di mo iluluha ang kamatayan manapa‘y labis mong ikararangal na pawis at dugo ng iyong katawan lubusang naidilig sa nanilaw na damuhan ng lupaing binaog-tinigang ng mga kampon ng kadiliman ng mga taliba ng kasakiman ng mga sugapa sa kapangyarihan ng uring diyus-diyosan sa lipunan aawiting pa ngang lagi ng habagat man o amihan lirika‘t melodiya ng madugong buhay upang la tierra pobreza‘y ganap magbanyuhay. di na kita muling dadalawin ngayong alitaptap ni ayaw kumindat sa pananagimpan ngayong balumbon ng ulap yakap-yakap dibdib ng karimlan sapat nang makaniig kita sa naglilingkisang mga alaala

sa pulang bulaklak ng mga gumamela sa nagsalabat na cadena de amor sa mga burol at dalisdis ng pag-asa sa lumuluhang amarillo‘t makahiya sa masukal na kugon at damong ligaw sa sabana ng pagsinta katawan mo ma‘y ganap nang humimlay sa naghihintay na ulilang hukay kahit walang panandang krus ni matingkad na pangalan at mga titik ng kagitingan magtatagpo pa rin ang ating mga titig magsasanib pa rin ang ating mga dugo magdurugtong pa rin ang ating mga ugat sa bawat puso ng mga sawimpalad sa bawat luha‘t hikbi ng mga alipin sa bukid at lungsod ng pighati at aawitin ng madagundong nating tinig lirika ng mahalimuyak na paglaya ng ibinartolinang la tierra pobreza sa kuta ng mga panginoon ng dusa! Mayo’y Di Buwan Ng Mga Bulaklak May 1, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di buwan ng mga bulaklak ang mayo o prusisyon ng malanding reyna elena di rin ito panahon ng marangyang pista para sa kung sinu-sinong santo‘t santa buwan ito ng pagtitigis ng dugo ng mga crisanto evangelista ng partido obrerong marxista paghihimagsik ito ng mga crispin beltran ng maalab na kilusang mayo uno oo, pagbaha ito ng pulang mga bandila ng inaaliping uring manggagawa ito‘y pagdagundong ng libu-libong mga paa sa umaalong kalsada ng mendiola ito‘y pag-ilanlang sa hangin ng sumisingasing na ―internationale‖ ito‘y buwang dinamitang sasambulat

P a h i n a | 11

himagsik ng nakatikom na mga kamao ilululan sa nilalagnat na hangin natipong ngitngit ng mga ama umalagwang hagulhol ng mga ina daing ng napilipit na mga bituka ngunit marinig kaya ng mga panginoon ng dusa dalamhati ng lahi at uring dinusta? oo, mayo‘y di buwan ng mga bulaklak deka-dekada nang pagdidilig ito ng luha sa matimyas na hangaring manariwa binansot-naluoy na mga pag-asa ito‘y buwan ng di matapos na pakikibaka laban sa uring mapagsamantala at mga basalyos ng inhustisya ito‘y pagpapatibay ng hanay para sa pusikit na gabi ng paglalamay ito‘y pagkakawit-bisig ng uring busabos at dayukdok hanggang tahakin ang bundok at isumbong sa mga punglo tagulaylay ng utak na kumukulo dignidad ng uri‘y gagawing palaso itutudla sa balighong puso ng mga diyus-diyosang walang niyayakap kundi bundat na baul ng pilak walang nakikita kundi alindog ng ginto at ni ayaw dinggin ang tibok ng puso ng uring dinusta‘t nilamon ang laman nilagok ang dugo‘t nginasab ang tiyan. oo, di nga buwan ng mga bulaklak ang mayo ito‘y pagsalunga sa madugong kalbaryo at sa ati‘y wala nang mawawala kundi tanikala! Di Na Kami Mananalangin Sa Gethsemane April 2, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di na kami lalakad nang paluhod sa paanan ng bundok ng mga oliba

di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane sa silangang jerusalem sa may sapa ng kedron paulit-ulit na kaming nilatigo ng mga senturyon ng estado nakatihayang dinuran-tinadyakan pinalunok ng ostiya sa maruming inodoro pinalagok ng benditang madilaw mula sa pantog ng berdugo iba sa ami‘y isinimento sa dram ipinakain sa tiyan ng karagatan iba‘y pinugutan ng ulo parang bolang marahas na sinikaran gumulong sa dalisdis ng kabundukan dahil nangaral ng katotohanan sa api‘t dukhang mamamayan at buong timyas na nagmahal sa sagradong kalayaa‘t kaunlaran! di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane payungan man kami‘t liliman ng umiindak na mga dahon ng nagnonobenang mga puno ng olibang di naibuwal ng bagyo di naihapay ng misa‘t ritwal ng mga pariseong mapanlinlang siyam-na-raang taon man mabilis na dumaan sa payapang hardin ng gethsemane di na namin kakausapin mga bituin sa karimlan bautismuhan man kami ng kristal na luha ng kedron paulit-ulit na kaming nagrosaryo sa tiyan ng higanteng mga templo nanikluhod-nagpatirapa sa altar ng kung sinu-sinong santo lumunok ng ostiya linggu-linggo nakipagprusisyon sa mga deboto naghosana sa diyos daw na totoo

P a h i n a | 12

krus pa ring simbigat ng mundo lagi naming pasan-pasan tungo sa mabungong kalbaryo! oo, di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane malapit sa puso ng kedron di na kami sasandal sa punong oliba linggu-linggo man ay semana santa paulit-ulit na kaming ibinayubay ipinako sa krus ng dalita‘t lumbay muli‘t muli na kaming namatay muli‘t muli ring nabuhay dahil pag-asa‘y nagsasayaw sa telon ng balintataw dahil ideolohiya ng pagsinta madagundong ang kadensa inhustisya‘y bibingihin ng bomba ng adhikain lipuna‘y papatagin diyus-diyosang iilan siya namang ililibing sa burol ng mga bungo pupunuin ng kanilang dugo matining na sapa ng kedron lulunurin ng baha golgotha ng dukha! Golgotha Ng Masa April 1, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa burol ng makabagong jerusalem sa tambakan ng inuod na mga bungo itinuturnilyo-minamartilyo mga kamay at paa ng manggagawa sa pabrika buto‘t lama‘y nilalamon ng makina nilalatigo-binubugbog sa asyenda lugaming katawan ng mga sakada

dugo nila‘y ididilig sa damong naluoy-nanilaw at tubong nabansot-namayat sa lupang natigang-nagbitak. sa lungsod ng makabagong jerusalem mulang canal de la reina hanggang tripa de gallina mga ina‘y lumuluhang nakanganga sa utak dinadalit ama nami‘t ave maria sa taberna ng alak ng dalita‘t dusa mga ama‘y naghihintay sa gapisong ostiya naglalaway mga dila‘t ngalangala sa simbahan ng mga pari‘t mongha bawat santo‘y nakaluhod sa sakristiya kalembang ng kampana‘y musika ng pera ngunit mga pulubi‘y naglipana sa kalsada mga bata‘y naglupasay sa bangketa mga magdalena‘y nananangis sa casa de la puta krus nila‘y papasanin hanggang doon sa golgotha. sit laus plena sit sonora sit jucunda sit decora mag-antanda at magdasal ave, ave, pater patrum darating na ang daluyong! sa palasyo ng gahamang panginoon buong lakas na hihipan ni pilato gintong pakakak ng punong ministro senturyon at escribano mahistrado‘t pariseo iindak at hahalakhak habang gumagapang prusisyon ng duguang masa tungo sa burol ng bungo ng nag-aabang na golgotha Di Ko Mahanap Sa Mga Salita March 27, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

P a h i n a | 13

(Tula) di ko mahanap sa mga salita sagot sa laksang mga talinghaga di madakma sa mahabang parirala sa sanaysay ng mga pantas at dakila di mahimas sa metapora ng mga tula ng makatang nabubuhay sa gunita di malamas sa lirika ng musika ng piyanistang dinarasal ay pagsinta di mayakap sa aklat ng mga teorya ng kritikong nagbabaging sa ideya bakit ganoon? bakit ganyan? dinidilaan ng apoy ang talahiban naglalagablab ang kabundukan nag-aalipato ang kabukiran nagngangalit alon sa dalampasigan naghihimagsik sikmurang kumakalam sa lungsod man o kanayunan ngunit mabini pang hinahalikan ng amihan kuta‘t palasyo ng mga gahaman senturyon at pariseo‘y naghahalakhakan habang inililibing ang bangkay ng bayan. bakit ganoon? bakit ganyan? ako ba‘y binulag ng mga ilusyon sa aking pagtahak sa aking panahon? di ko mahanap sa mga salita sagot sa laksang mga talinghaga di yata sapat na sa letra lamang sisirin dagat nitong kasagutan bakit mabunyi silang nagdiriwang tayo‘y nananangis at nananambitan? bakit ganoon? bakit ganyan? tayo ba‘y nilunod sa kamulalaan utak binalsamo sa morgeng hantungan? baka kuwit,tuldok at panandang tanong sumiksik sa rehas nitong kamalayan kung isusudsod sa putik ng linang paang naglagalag at balot ng libag kung uulinigin ingit ng araro habang niwawalwal madamong tiningkal tuwing gagawakin dibdib ng bukirin

gagawing libingan ng mga bituin baka magbanyuhay itong pang-unawa kung pagmamasdan ang luha ng damo habang pinuputol ang tuhod ng tubo kung mga daliri‘y itinuturnilyo laging pinupukpok ng mga martilyo sa pabrikang ataol ng layang sagrado oo, di ko mahanap sa mga salita kung paano babaklasin-lalagutin tanikala ng kumakalam na sikmura kung paano tutuyuin sa mukha ng dukha hilamos ng maalat na luha kung paano palalayain mga timawa sa bilangguan ng dusa‘t dalita. di ko mahanap sa mga salita sagot sa laksang mga talinghaga wala nga yata sa linaw ng mga kataga sagitsit ng kidlat hagupit ng lintik singasing ng punglo silakbo ng dugo atungal ng bomba sa altar ng dusa tanging nakikita lalangoy sa mata eksena ng pelikula ng mahabang pakikibaka sasagutin sa wakas daluhong ng talinghagang di madakma ng lamyos-linaw ng mga kataga at ipipinta ng pinturang pula sa lonang noong nangulubot sa kuwadrong mukhang malungkot maningning na liwanag ng araw kung bakit tayo‘y laging alipin ng uring ganid at balakyot sa lipunang nabubulok! Madaling-Araw Sa Puso Ng La Tierra Pobreza March 24, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

P a h i n a | 14

(Tula) Pasintabi sa ilang linya sa tulang tungkol sa Aprika ni Patrice Emery Lumumba, unang Presidente ng Demokratikong Republika ng Congo na pinatay ng mga kalaban niya sa pulitika sa udyok diumano ng Central Intelligence Agency o CIA ng Amerika. sa loob ng ilang dantaon parang hayop kang nagdusa ikaw, indio, ng aking la tierra pobreza dinurog-giniling ang iyong mga buto hanggang maging abong ipinatangay sa hangin ikinalat sa kagubatan at kabukiran ng puting mga panginoon ng dusa‘t inhustisya nagniningning na mga templo ang itinayo ng iyong mang-aalipin para pangalagaan ang iyong kaluluwa para panatilihin ang iyong pagdurusa. karapatan nilang matindi kang bugbugin karapatan nilang walanghabas kang latiguhin karapatan mong manangis at mamatay walang katapusang gutom walang hanggang tanikala nililok nila sa iyong katawan… sa luntiang kumot ng kasukalan parang dambuhalang ahas na gumagapang palapit sa dinusta mong kabuuan lilingkisin ka ng kamatayan. sa iyong leeg isinabit nila bakal na bola ng karalitaan asawa mo‘y pinagsamantalahan perlas na maningning ng iyong tahanan sinakmal-sinaid di masukat mong yaman. parang tunog ng mga tambol sa karimlan hinagpis ng mga kaluluwang nilapastangan parang lumalagaslas na agos ng ilog luha‘t dugo ng mga biktima ng kalupitan. oo, mula sa banyagang dalampasigan naglakbay sila tungo sa iyong inang-bayan sandata‘y krus at espadang itinarak sa puso mo at isipan upang la tierra pobreza mo‘y pagharian

ginawang kalabaw ang iyong mga anak sa mga lupain nilang kinamkam ginawang turnilyo‘t martilyo bisig ng iyong mga supling sa mga pabrika nilang gilingan ng laman habang ipinangangaral sa sangkalupaan mahabagin ang diyos sa kanyang nilalang ngunit lagi kang nananangis, indio pinaiilanlang sa hangin melodiya ng panambitan habang sa harap ng naglalagablab na apoy nagsayaw ka nang nagsayaw, indio hanggang kumulo ang iyong dugo hanggang sumilakbo ang iyong puso sinindihan mga mitsa ng paghihimagsik ginilitan ng leeg dating mga panginoon ngunit nahalinhan ng bagong diyus-diyosang umaalipin sa iyo hanggang ngayon kasabuwat pa‘y ilang kalahi mong mandarambong! oo, indio, ng aking la tierra pobreza daan-daang taon kang inalipin at inaalipin hanggang ngayon ng mga panginoon ng dusa‘t pagsasamantala ngunit sa lagablab ng apoy ng sigang sinindihan ng mga aninong kalansay na ngayon patuloy na magsasayaw at maglalamay sa karimlan ng gabi sa burol at kagubatan mga kapatid mong magigiting itititik ng kanilang mga dugo sa naninilaw na damuhan ng pag-asa laya mong labis na sinisinta masdan mo ang pagputok ng umaga samyuin ang halimuyak ng ligaya tutuyuin ng amihan sa mukha mo luha ng dalamhati ng lahi kapag tuluyang nag-apoy naglagablab-nag-alipato naghihimagsik na mga talahib sa mga burol at sabana magdiwang ka, indio!

P a h i n a | 15

umindak kang buong sigla sa kadensa ng bagong lirika madaling-araw ay daratal na sa puso ng ating la tierra pobreza! Di Tayo Mandarambong Ng Pondo Ng Bayan March 17, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di tayo mandarambong ng pondo ng bayan di tayo namili o nagpalimos ng kapangyarihan sikmura ma‘y malimit na kumakalam di natin nilulunok ang dignidad o nginangasab ang kahihiyan mga anino tayong naglalamay sa karimlan sa piling ng gaplatong buwan sa mapagkandiling kagubatan ng cadena de amor, makahiya‘t damong-ligaw humahabi tayo ng melodiya ng kalayaan para sa ibinartolinang bayan sa kuta ng mga panginoon ng dusa at mga taliba ng inhustisya. di tayo mandarambong ng pondo ng bayan kaya wala tayo sa pinalamig na silid ng humuhuning elektrisidad manapa‘y hinahaplos ng amihan mapanghimagsik nating kabuuan wala tayong platong porselana wala tayong mamahaling kopita wala tayong sopa de gallina lechon o adobo sa mesa makalyong mga palad tenidor natin at kutsara kaning lamig, hito‘t dalag na nahuli sa sapa saluyot at talbos ng ampalaya sa dahong saging na mesa hinahalikan ng labi nati‘t ngalangala. di tayo mandarambong ng pondo ng bayan kaya lagi tayong nagsasabi ng katotohanan di natin nilulunod sa ilusyong kaunlaran

at tinagni-tagning kasinungalinan masang sambayanang tumitigok ang lalamunan manapa‘y sa puso natin nagmumula dalisay na agos-tubig na dakila sa hininga natin dumaramba ang hangin sa kamay natin nag-aapoy ang mithiin sa utak natin nagngangalit ang layunin bansa‘y mapalaya sa pang-aalipin oo, di tayo mandarambong ng pondo ng bayan di nagsasangla ng kinabukasan manatili lamang sa kapangyarihan tayo‘y mandirigma ng dangal at laya musa nati‘y banal na adhika tanging sinisinta‘y sambayanang masa tanging dinidiyos lipunang maganda! Bahay-Kubo Ko’y Giniba March 8, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) bahay-kubo ko‘y giniba nang nananangis ang hangin sa mga dahon ng punong mangga at nababagabag titig ng araw sa tinuklap na pawid-bumbunan unti-unting ginilit-nilagari buto ng natuyong lalamunan binaklas kawayang kasukasuan nilansag patpat na mga tadyang waring babaing nanambitan nang laslasin-hubarin blusa‘t paldang sawaling nakabalot sa kariktan ng katawan minaso‘t pinalakol hita‘t tuhod na tumutol hanggang tuluyang lumuhod bumukaka‘t nagpaubaya sa sumisikdong tiyan ng lupa saan ngayon maghohosana ang diwa sa minimithing ligaya at laya?

P a h i n a | 16

naglalambitin ngayon sa telon ng mga luha puti-itim-asul-pula ayaw lumisang mga alaala dumadaluhong mga eksena ng mga orasyon ng pagsamba sa katalik na ideolohiya para sa pinakasisintang la tierra pobreza sa kalansay ng kubong giniba naglipana mukhang umiyak-tumawa mga diwang nalasing-nabaliw mga labing sumigaw-nagmura mga dibdib na hitik ng ngitngit butuhang daliring nakikipagniig sa pinsel at baril sa tinta at pluma ng paghihimagsik ngayong kubo ko‘y giba na at gabi‘y maulap-masigwa saan makikipagromansa talisik ng isip at pintig ng puson at dibdib para marating minimithing langit ng dustang kauring alipin ng lintik? oo, bahay-kubo ko‘y giniba katawa‘y nagkalasug-lasog mga buto‘y sumabog-nadurog inatadong laman naagnas-nabulok ngunit pagsinta sa irog ay di mababaog di masasaid ang libog ng pusod di mamamatay ang liyab at alab ng angking pag-ibig sa mga kauring kayakap ng lungkot silang mga buto ay lumalagutok sa inyong asyendang moog ng balakyot silang katawan ay inyong hinuthot sa inyong pabrika sa dibdib ng lungsod habang kayo nama‘y nagpapakabusog sa pawis at dugo ng aming alindog kayong panginoong walang pakundangan

sa aming dignidad at kinabukasan mayroon ding hangganan hanggang sumisibol ang damong luntian sa gubat at bundok hanggang lumilipad ang malayang ibon sa bukid at gulod hanggang dumaramba marahas na alon sa pader ng dagat bahay-kubo namin ay di mapipigil sa pagbabanyuhay tungo sa lunggating pantay na lipunan! Gagamba Ang Mga Gunita February 19, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa nagpulupot na mga baging ng cadena de amor gagambang nakasukot marahas-maulap na mga gunita nagtatanod-nakaabang sa pinto ng kamalayan kumikislot-nagbabantay mabalahibong mga galamay handang silain-saputan pangarap ng diwang naglakbay sa ilang dekada ng pananagimpan. lalaya ka pa ba mahal kong la tierra pobreza sa pagkakasapot ng mga gagamba? mga gunita‘y gagamba sa nagdaop na mga palad ng cadena de amor habang nagpuprusisyon sa gubat ng dilim sa burol at talampas ng mapagkalingang bundok mga aninong naligo sa dugo dahil sa mataos na pagsuyo

P a h i n a | 17

sa mukha mong alipin ng bagabag at sinapupunang niluray-binaog ng nagpista‘t nagrigodong diyus-diyosang mga panginoon! lalaya ka pa ba mahal kong la tierra pobreza sa makapal na sapot ng imbing gagamba? gagamba mang gumagapang umuukilkil na mga gunita sa dibdib ng cadena de amor sinaputan man ng pangamba banal na adhika ng masang inulila ng biyaya didiligin pa rin ng hamog nanilaw na mga damo at di mapipigil mga talahib sa pamumulaklak sa alinmang burol at sabana ng minamahal kong la tierra pobreza di mahahadlangan pagliliyab ng mga layak saanmang kuta ng inhustisya isasabog alipato ng ligaya hanggang bawat luha‘y magiging punglo ng paglaya sa bawat dampa ng mga inalila! oo, pinakasisinta kong la tierra pobreza tutupukin din ng apoy bawat sapot ng gagamba sa wakas lalaya ka gaya ng mabining hangin sa dibdib ng kaparangan gaya ng daloy ng tubig sa tiyan ng kagubatan gaya ng naglalarong langay-langayan sa papawiring nagdiriwang sa matimyas na pagsinta ng mga supling mong kayakap

kaulayaw bawat gabi at umaga banal na adhika ng pakikibaka! Makulimlim Ang Aking Enero January 17, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) enero ko‘y makulimlim puso‘y inaambon ng sagimsim ayaw manlisik ang mga bituin sa gabi ng dahas at lagim di magkulay-ginto ang mga bukirin balumbon ng ulap sa mata ng araw laging nakapiring di ko naririnig ang daing ng tagak o biglang pag-iyak ng uwak walang kumikislot na pugo at tikling sa kasukalang laging naglulunoy mata ng panimdim maging maya-kapra‘t malikot na pipit sa sanga ng mangga‘y di kumakandirit. makulimlim ang aking enero nagliliwaliw ang amihan sa nagsisimulang manilaw na damuhan tumatakas ang mga dahon sa bisig ng punong kabalyero at nangaluluoy mga bulaklak sa hardin ng mga pangarap di ko maunawaan yaring panagimpan mga daliri‘y waring ginalyusan at di maitipa sa mga teklado ng antigong piyano o maikalbit kaya sa mga bagting ng gitarang laon nang nahimbing paano ngayon tutugtugin dumarambang mga nota ng marahas na musika ng pakikibaka para sa pinakasisintang la tierra pobreza? enero ko‘y makulimlim nagliliparan man langkay-langkay ng mga langay-langayan

P a h i n a | 18

sa abuhing papawirin di maaninag ng paningin puno‘t dulo ng mithiin ni ayaw umalab ang dugo sa ugat ni ayaw lumiyab himagsik ng utak gayong lupain ko ng dalita‘t dusa nililinlang lamang pinaglalaruan ng magkakauring gahaman sa yaman itinatanghal tagisan ng dangal ipinipinta sa mata ng bayan karangalan nila ay di nadungisan ni isa mang kudlit ng katiwalian. makulimlim ang aking enero ngunit pasasaan ba‘t hahalikan ako ng init-liwanag ng abril at mayo muling babangon sa karimlan humimlay na mga anino sa nangulubot kong noo tulad ng mga punglong sumingasing sa kasukalan ng dilim maglalagos din maningning na sikat ng araw mga palaso iyong tutudla‘t babaon sa baluti ng huwad na dangal at layon ng mga diyus-diyosan ng lipunan ng mapang-aliping panahon kung malaon, oo, kung malaon di na makulimlim at di na abuhin ang aking enero! Troubadour of Hope December 6, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem) the vapor-laden clouds glide in the horizon of discontent as billion of stars wink at the pale, waning moon the somber night gnaws my tormented soul

as my mind swims in the labyrinths of hope forevermore i will sip the sparkling dewdrops in every blade of swaying grass as the whispering morning wind licks my heaving, revolting breast. yes, strength of spirit i need in my loins i must rekindle the fire of undying faith the flames must be blazing in every day and night to be a troubadour of hope to weave lyrics of joy to hum with the whirling wind melodies of awakening songs for the oppressed-downtrodden faceless-nameless class in my exploited, barren land yes, resolute i must be to continue weaving fiery, liberating lines. my mind now sways back and forth in the rugged terrain of ideologues but crystal-clear purpose shall keep me going swimming, struggling against the rampaging river of injustices and despair and my untrammeled, selfish ego will i drench and cleanse in the torrents of blood of the devoured victims of the ruling class yes, let‘s all be troubadours of hope in this forsaken, wretched land! Di Ako Naiinip November 6, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)

P a h i n a | 19

di ako naiinip hanggang sumisikdo ang puso hanggang kumikiwal ang dugo pumanaw man ang mga dekada ng pakikipagkawit-bisig sa masa di tatakas matingkad na alaala ng namaalam na mukha ng mga kasama ng nagsipag-alay ng buhay at pagsinta sa lugaming la tierra pobreza di ako naiinip hanggang kumukulo ang sentido hanggang pumipiglas ang kamao bawat araw ay dinidilig ng pag-asa sa lagunlong ng mga protesta laban sa naghaharing inhustisya nagsasayaw sa telon ng mga mata eksena ng marahas na pelikula luwalhati‘y hinahabi ng musika di ako naiinip hanggang humihihip ang habagat at amihan hanggang nagkukulay-ginto ang palayan naniniwala akong magbabanyuhay din ang lahat maglumot man mga batong-buhay sa mga ilog magbitak man mga burol at kapatagan kumutan man ng dusa‘t dilim ang kabundukan hagupitin man ng daluyong ang kaparangan natuyong mga dahon ay magluluntian di ako naiinip hanggang sumasagitsit kidlat sa kalawakan hanggang dumadagundong alon sa dalampasigan oo, mga kasama‘t kaibigan huwag mainip ipagpatuloy ang pagtahak sa mabatong daan huwag mainip di lalaging malamlam ang buwan di mananatiling walang bituin sa magdamag na karimlan huwag mainip mahahalikan din mithiing maningning hanggang umaalingawngaw

himno ng mga tungayaw hanggang di maibilanggo sa yungib ng bungo singasing ng mga punglo di ako naiinip huwag kayong mainip nagkikindatan mga alitaptap sa mahalimuyak na daan ng laya‘t katubusang nais nating makamtam papailanlang din sa hangin kalansing ng nilagot na mga tanikala ng pagkaalipin! Ihahasa Namin Ang Itak October 28, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) ihahasa namin ang itak kapag hangin hatid ay sagimsim kapag malamlam ang mga bituin at sikat ng araw ay laging kulimlim ihahasa namin ang itak kapag naluluoy ang mga bulaklak kapag mga layak ayaw maglagablab kapag mga hamog ay ayaw kumislap kapag di makita isang alitaptap. oo, ihahasa namin ang itak kapag kaming maralita magsasaka‘t manggagawa mapalad pang mga daga kaming maghapon sa paggawa laging hungkag ang sikmura ihahasa namin ang itak lalo‘t bunsong mahal nilalagnat kinakabag sa magdamag walang masipsip na gatas sa suso ng inang naluoy sa hirap. ihahasa namin ang itak kapag bigas sa kaldero

P a h i n a | 20

nilamon ng asendero kapag pawis nitong braso nilaklak ng mga amo ihahasa namin ang itak kapag kape‘y maputla na‘t lasang amag habang iyo namang nginangasab grasyang kami ang naghirap ikaw naman laging bundat. ihahasa namin ang itak kapag sobrang buwis iyong pinipiga sa sambayanang nagkakandakuba masandat lamang kayong pinagpala at may madambong ang uring ulikba habang kami nama‘y titinga-tingala sa kung sinong birheng puspos daw ng awa nabingi na yata sa dasal-hinaing ng uring alipin ng dusa‘t dalita. ihahasa namin ang itak kapag hustisya mo‘y sing-ilap ng ulap daig pa ang pagong kung ito‘y umusad sa uring mayaman ay walang kamandag ngunit mapanikil sa uring mahirap sa pusong matapat ang kapara‘y sibat banal na adhika ay dinadapurak hadlang sa pangarap sa laya‘t ligaya naming nagsisikap. ihahasa namin ang itak oo, ihahasa namin ang itak kapag la tierra pobrezang pinakamamahal ipinagagahasa sa mga dayuhan malusog na suso‘y ibinubuyangyang puklong soberanya‘y itinitiwangwang manatili lamang sa kapangyarihan kayong nasa poder ng pagkagahaman ihahasa namin ang itak hanggang mapairal ang hustisya sosyal sinta‘y mapalaya sa gabing madilim bartolina‘y ganap wawasakin

ng dahas ng hangin ng ngitngit ng alon ulan ng bituin! Alay sa Magiting na Mandirigma October 10, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) la tierra pobreza namaalam, lumisan kamakailan supling mong inialay ang buhay sa ngalan ng mataos na pagmamahal walang hanggan siyang maglalakbay sa kalawakan ng mga buntala ngunit maningning na mga tala iniwan niya sa palad ng dusa ng kanyang mga kapatid at kasama kawangis ng ulilang estrelya sa luntian niyang sombrerong ilang dekadang minahal ng masa muhon iyon at sagisag ng prinsipyo sa walang humpay na pakikibaka matubos ka lamang la tierra pobreza sa kamay ng uring mapagsamantala lumisan man siya di naman mamamatay kanyang mga alaala sa magkakarugtong na mga ugat sa nagkakaisang mga utak sa bawat dibdib ng paghihimagsik ng nakikibakang masa di maaampat ang daloy ng nag-aalimpuyong dugo sa sumisikdong mga puso hanggang hari-harian ang iilan sa lupain ng dalita‘t dusa. oo, la tierra pobreza magiting mo siyang mandirigma ng pagsinta at pag-asa kagaya siya ng mga bonifacio

P a h i n a | 21

marti, castro at che guevara magluluningning, hahalimuyak mabulaklak niyang mga alaala sa bawat pagngiti ng umiinit na umaga sa bawat pagtitig ng buwang marikit sa gubat ng dilim at lagim sa bawat hagupit ng dahas ng hangin sa moog ng sagimsim oo, la tierra pobreza huwag kang manimdim lumisan man siya sa iyong piling sisikat pa rin ang mga bituin yayakapin ng init ng araw iba mo pang mga supling magbabanyuhay din ang iyong panimdim mga dugo nila‘y ididilig ng giting sa hardin ng sagrado mong adhikain mamumukadkad din mga gumamela ng laya mo‘t ligaya! sa lumisan mong magiting na mandirigma sinisinta naming la tierra pobreza kaming mandirigma ng papel at pluma iniaalay nami‘y himagsik ng tinta at letra kami‘y supling mo rin na nakikiisa laban sa anumang uri ng pambubusabos-pagsasamantala! Natutulog Pa Rin Ang Negrong Nazareno September 14, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) ilang kahang sigarilyo, lolo hugo sa maghapo‘y kailangang ibenta mo para maibili ng pansit-gisado sa restawran ni be ho sa kanto ng elizondo naghihintay mong bunsong apo sa nakaluhod na barungbarong

sa gilid ng mabahong estero? ostiya na lamang kaya ang iuwi mo sagana sa altar ni padre san pedro sabawan ang kanin ng agua bendita baka maglasang kalderetang tupa sa bibig ng namayat lumuluhang sinta natutulog pa rin ang negrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin. gaygayin mo man, lolo hugo mulang bibig ng r. hidalgo hanggang dibdib ng bilibid viejo wala kang matatalisod ni piso walang pandesal mula sa langit walang lugaw sa pondang maanghit sa paa mo‘y biglang hahaplit sigarilyo ng mga sugapang gaya ko magpapakislap sa mata mo, lolo hugo natutulog pa rin ang negrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin. ilang dekada na ba, lolo hugo nagtitinda ka ng tingi-tinging sigarilyo? nagtagpo na tayo sa plaza miranda sa maalab, madugong mga protesta sa panahon ng malagim na diktadura mabulas ka noong gaya ko sumasabit pa sa mga estribo sa mga sasakya‘y nakikipagpatintero ngayo‘y kapwa lolo na tayo natutulog pa rin ang negrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin. ilang dupikal na ba ng batingaw, lolo hugo sa pandinig mo‘y umalingawngaw? ilang himno‘t salmo na ba ang nagpasayaw sa utak mong humihiyaw? sigarilyo, sigarilyo kayo diyan! bawal mang hithitin sa maraming lugar pero usok ng tambutso ng mga sasakyan di lason sa hungkag na tiyan sa kauri nating laging nagkakalkal ng grasyang mula raw sa poong maykapal paano pakakainin apong naghihintay?

P a h i n a | 22

natutulog pa rin ang negrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin. anong malay natin, lolo hugo baka sa wakas magising din sa pagkakahimlay nazarenong negro sa yakap at halik ng milyong deboto baka biglang bumangon din sa dasal at misa ni padre san pedro espada‘y hawakan putulin ang ulo ng mga ganid sa mga palasyo busbusin ang tiyan ng mga impakto upang grasya nati‘y di nila masolo malay natin, lolo hugo kapag nagising negrong nazareno itataas natin ang kalis ng dugo bendisyon ng tabak at koro ng bomba iparirinig natin sa mga asyenda sa mga empresa at mga pabrika sa naglumot na kuta ng inhustisya prusisyon ng masa‘y agad huhugos palalayain ang uring busabos! oo, lolo hugo kapag nagising negrong nazareno di ka na magtitinda ng sigarilyo litson adobo‘t asado iuuwi mo sa pinakasisintang bunsong apo pero, sa ngayon, lolo hugo natutulog pa rin ang naegrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin. Ayoko Na! September 6, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez {Tula) ayoko nang marinig ritmo ng melodiya ng mga salita sa parirala‘t mahabang talata ayoko nang marinig kalantog ng yero pinukpok hinubog ng mga latero

inihulmang bubong sa lumang sasakyang pupugak-pugak na sa mabatong daan. ayoko na, ayoko nang marinig kadensa ng martsa ng mga lirika sa tinahing piring ng mga taludtod sa mga saknong na uugud-ugod pusong binalsamo ay di na titibok sa himas at hagod ng pantig na bansot utak mawawakwak sa mensaheng bubot bamban ng tainga ay baka madurog sa nakabibinging daing at himutok ng pusong lumangoy sa dagat ng lungkot walang inaawit kundi tagulaylay at nakababaliw na paghihiwalay walang tinutula kundi panagimpan ilusyon ng diwang alipin ng buwan. sa mukha ng papel nais kong makita‘y dahak ng kataga at madugong bisig sa mga talata metaporang buhay sa mga adhika ng masang kahalik maputik na lupa lirikang maapoy sa utak ng madla tayutay ng bala sesura ng bomba sa bawat saknong ng pakikibaka. nais kong marinig sa himnong tinipa sa dibdib ng masa sagitsit ng punglo sa gabing malalim tagupak ng lintik sa pisngi ng dilim atungal ng kulog sa burol na baog bombang pinasabog sa pusod ng lungsod lagunlong ng hiyaw ng diwang marangal laging kaulayaw ng bayang minahal! oo, ayokong makita de kuwadrong larawan ng mga pagsinta

P a h i n a | 23

o paghahalikang di ko rin madama ako‘y nabulag na sa mga milagrong iyong ipininta sa telon ng mata nakahandusay sa silid ng isip mga imaheng dulot ay himagsik mga aliping katalik ng lagim sa bartolina ng mga bituin. kailan mababago itong lahat-lahat? brasong buto‘t balat pisnging nangulubot likod na nahukot katawang natuyot bitukang nalagot habang nagpipista mga panginoon sa mesang sagana sa laman at dugo ng mga utusang tiya‘y kumukulo silang mga diyos sa palasyong ginto nguso‘y nanghahaba sa sarap ng alak at litsong nginasab dilag na nginabngab kailan lilimusan katiting na habag masang sambayanang siyang pinagmulan ng yamang kinamkam? kailan tatapunan ng kaning nagtutong o natirang mumo batang pumintog ang tiyan sa hanging naglunoy sa kanyang katawan? ayoko na ayoko nang maulinig elehiyang malungkot odang nagdarasal epikong matamlay bingaw na kataga pilay na talata

bulol na taludtod saknong na kulubot at mga katagang hindi dumudura walang pagbabanta sa sakim na mukha ng diyos ng sama sa ngayo‘y nais ko nais kong tunghayan sa lukot na papel letrang nag-aapoy sa lupang naluoy tutupok sa moog ng uring bagulbol nais ko‘y talatang matalim lalaslas sa dibdib ng dusa‘t sagimsim. ayoko na oo, ayoko na sa mga katagang di dumaramba di gumigising sa diwa ng masa sana‘y may dagundong ng along malakas may alimpuyo ng bagyong marahas upang galyos ng pambubusabos hustisyang baluktot ganap na madurog bayaang manlisik ang init ng araw bayaang humiyaw ang sanlaksang titik ulan mang naipon sa pisngi ng langit gawing palasong ang taglay ay ngitngit o mga punlo kayang bubutas-lalagos sa pusong maitim ng mga balakyot bibiyak sa bungo ng mga nagtraydor sa ngayon at bukas ng bansang binitay ng diyus-diyosa‘t mga panginoon lagablab ng titik singasing ng lintik siyang papatay naman sa mga limatik!

P a h i n a | 24

Di Kayo Desaparecidos September 1, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di kayo desaparecidos di kayo nawawala kayong nilamon ng lupa kayong mga katawa‘y nilapa kayong kalamna‘y ipinataba sa damong ligaw at makahiya di kayo nawawala kayong isinimento sa dram hinigop ng pusod ng karagatan o binulok sa tagong bilangguan kayong ulong putol malabolang sinikaran pinagulong sa dibdib ng kagubatan kayong nadiskaril ang kalansay buto ng kamay ngayo‘y tangay-tangay ng asong galang nagkalkal sa masukal na talahiban. di kayo desaparecidos di kayo nawawala nagbagong-anyo lamang sinalaulang katawang-lupa sa makulimlim mang umaga o humihilab na katanghalian sa namamaalam mang araw o gabi ng buwang malamlam naroroon kayo sa nag-usbong na hamog sa damuhan sa kumakaway na mga butil ng palay sa himno ng ibon sa kaparangan sa hagupit ng hangin sa lumalangitngit na punong kawayan sa tumakas na alipato ng naglagablab na apoy sa karimlan. di kayo desaparecidos di kayo nawawala naroroon kayo sa uha ng lumayang sanggol sa nagdugong puwerta ng ina

sa gumiting pawis sa noo‘t mukha ng inaliping manggagawa sa halas sa binti‘t alipunga sa paa ng dinustang magsasaka sa himutok ng mga dukha sa bilangguan ng dalita sa singasing ng hininga ng bawat nakikibaka para sa dangal at laya luwalhati‘t ligaya ng bayang pinakasisinta! di kayo desaparecidos di kayo nawawala tubig lamang kayong nilaklak ng uhaw na bibig ng init magiging itim kayong ulap ng langit saka palasong ibibinit ulang kayong hahaginit sa lupang tinigang ng dilim-sagimsim binhi kayo ng pangarap muli‘t muling sisibol din halaman kayong nanilaw kinapon ng dahas at lagim magluluntian din sa gabing madilim oo, di kayo nawawala di kayo desaparecidos sapagkat ugat ninyo‘y karugtong ng aming mga ugat sapagkat dugo ninyo‘y dumadaloy kumikiwal din sa himaymay ng aming puso‘t laman sapagkat diwa ninyo‘y nakikipaglakbay sa mithiin naming ayaw humingalay. oo, di kayo desaparecidos di kayo nawawala nagbanyuhay lamang ang katawang-lupa paulit-ulit nga kayong mabubuhay sa nag-aapoy naming puso‘t isip sa siil ng madamdamin ninyong halik sa yakap ng inyong diwang katalik di masasayang mga dasal-tagulaylay

P a h i n a | 25

ng lumuhang mga mahal sa buhay kaaway man kayong itinuring ng mga kampon ng dilim sa utak namin kayo‘y magluluningning tatanglawan-iilawan landas naming lalakbayin upang tanikala ng pang-aalipin marahas lagutin… baklasin! Maria Magdala: Di Mamamatay na Talahib ng Alaala August 28, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) dinadalaw ka ngayon, maria ng mga aninong walang mukha ng mga nilikhang walang letra mga bibig at mata sa silid ng heringgilya ng medisina at gasa itinaboy ka ng hangin mulang brumm sa belgium hanggang sa lagunlong ng humihiyaw na mga tambol sa lansangan ng rio de janeiro upang muling busbusin ng matalas na kutsilyo sinapupunang pinahirapan ng banta ng kamatayan bituka‘y muling puputulan obaryo‘y inalis na noon pa man upang hininga‘y di ulilahin ng pagaspas ng amihan sa la tierra pobrezang ginutay ang pusong iwanan at ngayon sa sumisikdong kamalayan muli‘t muling binabalikan lupaing lunduyan niyong pagmamahal at kahit sa pangarap man lamang madugtungan ang pakikilaban at matanglawan ng bilyong bituin

banal na laya‘t adhika ng masang alipin ng dusa‘t dalita sa lipunang walang patumangga sa pagsalaula sa buhay ng dukha. nang sabihin mo, maria hanggang nobiyembre na lamang ang lagaslas ng hininga at walang katiyakan kung kinabukasa‘y ngingiti pa o masisilayan pa mabining pagmumumog ng mga damong nakayukayok sa umusbong na mga hamog o masuyong darantayan pa ng naglalagos na sikat ng araw sa ulilang bintanang salamin mukhang nangulimlim at mga matang lumalim sa pagsisid sa dagat ng mga alaala sa pagsalunga sa mga burol at sabana at pagmamartsa sa lansangan ng mendiola sa piling ng masang pinakasisinta o, maria magdala akong itinuring mong ama ngayo‘y pinapalakol ang dibdib nilalaslas ng labaha ang isip nakabilanggo yaring tinig di madakma sa mailap na hangin hinahabol na bawat salita‘t talata maipadama man lamang sa katawan mong lupa tagulaylay ng pagsinta sa magiting na kasama! oo, maria magdala naiparating mo na sa akin sagradong mga mithiin at habilin inilululan sa mga pakpak ng langay-langayan isinisigaw ng ragasa ng alon sa dalampasigan pinaiilanlang ng sipol ng hangin sa kagubatan pakiusap mo‘y huwag na huwag kang kalilimutan

P a h i n a | 26

ng mga nakadaop-palad at kaibigan maglakbay ka man sa kawalang-hanggan paano ka malilimutan ng mga kinalinga‘t dinamayan silang iyong ipinakipaglaban dinudusta nilang kapakanan silang katalik ng puso mong nagmamahal silang mga kayakap sa gabi ng paglalamay? o, maria magdala isa ka sa talahib ng aming mga alaala sunugin man nang sunugin at patayin muling uusbong sa lupain ng inhustisya muli‘t muling iindak at mamumulaklak saanman dumaramba pagsasamantala sa lugaming buhay ng masa oo, tulad mo, maria magdala ang walang kamatayang talahib ng aming mga alaala! Isang Kutsaritang Luha August 21, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di ko maiiwasang alayan ka ng isang kutsaritang luha nang yakapin ka ng amarilyo‘t mahamog na damo koro lamang ng mga kuliglig musikang naghatid sa himlayang dibdib ng katawang-lupang nagtigis ng dugo sa pakikibaka upang maisulong adhika ng masa. oo, isang kutsaritang luha sa iyo‘y pabaon ng pusong simbigat ng mundo muling magbabalik sa higaang papag mga alaala ng pakikitalad habang sinisilip kapirasong langit sa butas na pisngi ng bubong na pawid at ipinipinta sa telon ng isip

hubad na kariktan ng isang lipunang walang tanikala ng dusa‘t dalita hininga‘y mabango tulad ng pinipig sariwang binayo sa mulawing lusong ng layang sagrado. oo, isang kutsaritang luha lamang sa iyong paglisan aking tanging alay ngunit naroroon himagsik ng diwang laging naglalamay at sulak ng dugong laging kumikiwal upang pagngalitin dahas ng habagat at wasaking ganap kuta ng bagabag bulok na imperyo ng mga katalad sa lupaing kanilang niwakwak isang kutsaritang luha‘y magiging perlas ding marilag ng pangarap nating pantay na sosyedad! Magtatanim Ako ng Pula, Pulang mga Rosas August 8, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula — malayang bersiyon ng aking orihinal na ―Will Sow Red, Red Roses‖) magtatanim ako ng pula, pulang mga rosas sa sumisikdong dibdib ng kahabag-habag kong bayan rosas na kasing pula ng papalubog, nangungulilang araw rosas na kasing pula ng dugong pumapatak sa kayumangging kamay ng sakada nalaslas ng machete niya sa pagpuputol ng mga tubo sa asyenda di lamang para may makain siya kundi madantayan ng sinag ng pag-asa madilim, humuhumpak na pisngi ng naghihintay, nagdarasal na asawa sa nakaluhod na kubong

P a h i n a | 27

naiilawan lamang ng gasera yakap-yakap maulap na gulugod ng naghilerang gulod hinihimas, kaulayaw ng pangamba. magtatanim ako ng pula pulang mga rosas rosas na kasing pula ng masidhing galit sa mata ng pawisang manggagawa sa maghapon, mapang-aliping paggawa para may maibili ng isang balot na tinapay ng isang kalderong mais-dilaw ng isang latang pinulbos inasukalang gatas para sa nakalupasay namayat na anak. oo, magtatanim ako ng pula, pulang mga rosas sa nagdurusa‘t umiiyak ulila kong halamanan ng mga pangarap naninilaw dila ng mga damo sa tigang na lupa ng kabiguan pero gagawin kong luntian oo, luntian sa paghahabulan ng mga patak ng nagbabantang ulan o sa pag-agos ng mga luha ng uring alipi‘t dayukdok sa ulap ma‘y pilit hinahablot paraisong laging nilulunok ng uring gahama‘t balakyot. at kapag namukadkad na pula, pula kong mga rosas sa tag-araw ng malagablab kong mga awitin buong ingat kong pipigtalin ang bawat bulaklak buong suyong isa-isang hahalikan sa tanglaw ng araw

ng umagang walang lambong sa mga kaibigan o kaaway man isasabog kong malugod kaluwalhatian ng aking mga rosas pula, pula, pula! Will Sow Red, Red Roses July 31, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem) i will sow red, red roses in the heaving breast of my forsaken land red as the setting, lonely sun red as the dripping blood of a sacada‘s browny hand slashed by his machete cutting cane for someone to earn not only his meal but to rekindle a glimmer of hope on the grimly, sullen face of a waiting, praying wife in a dimly-lighted kneeling hut embracing the dampness of ghastly, cloudy rolling hills will sow red, red roses red as hatred in the worker‘s eyes working in enslaving, endless hours to buy a loaf of bread a pot of yellow corn a can of powdered, sugared milk for his sad, emaciated son. i will plant red, red roses in weeping, tormented ground of the forlorn garden of my dreams yellowish are the blades of grass in the parched earth of despair will paint it green, yes green by the drizzle of the coming rain or by the tears

P a h i n a | 28

of grieving, mournful eyes of the downtrodden, oppressed class forever searching elusive paradise devoured by devilish, greedy souls and when my red, red roses bloom in my summer of triumphant songs tenderly, so tenderly, i will pluck and fervently kiss each flower beneath the morning sun to friends or even foes i will gladly share the ecstatic glory of my roses red, red, red! For Norway July 29, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem) (written when Anders Behring Breivik, afflicted with Islamophobia in support of Zionism and who viewed Islam as ―cultural Marxism‖ and the number one enemy, bombed government buildings in Oslo on July 22, 2011 resulting in eight deaths, and then carried out mass shooting killing 69 people mostly teenagers in the island of Uteya) now flows the river of blood in the land of peace and love gory memories of things past of crusading christian knights flaming swords of volkmar and gottschalk beheading the innocent multitude oh, rampaging fire of peter the hermit roasting rhine valley to regensburg charismatic priests shouting ―deus vult‖ decapitating muslim brothers in dewy, slimy european soil catapulting their heads on wooden pegs in nicea, antioch and tyre now, oh, slumbering norway of my dreams

dismal is your night dismal also in my bleeding heart! Mea Culpa July 18, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) mukha akong tinapa isinawsaw sa bawang at suka sa magarbong piging ng marangal at elitista mukha ring itinayong estatuwa di sanay magbarong-tagalog lalo na ang mag-amerikana na may kamisadentrong de kurbata di rin sanay na walang sumbrero para na ring hinubaran ako ng katsang karsonsilyo at itanghal sa publiko tarugong iniingatan ko. mukha akong katawatawa sa bilog na mesa sa tabi ng mga punyeta di alam unang dadamputin sa naghilerang tenidor kutsara kutsilyo kutsarita alin ba ang baso ko sa kanan ba o kaliwa ko? paano ba sasalukin hihigupin sopa de gallina? paano ngunguyain ensalada de jamon y lengua? paano maarteng hihiwain karneng may palitada ng salsa? o tutusukin ng aling tenidor naglalanding mga prutas sa platitong porselana? hijo de puta ka ng tokwa‘t hinebra! o, diyos ni abraham santa mariang birheng kapita-pitagan anak lamang ako

P a h i n a | 29

ng hito‘t tilapya sa kangkungan suki sa carinderia sa tutuban sanay humigop ng libreng sabaw ng butu-butong ilang ulit inapuyan sa mausok na kalderong bilangguan sanay lumamutak itong mga kamay sa dalawang mala-susong tumpok ng kanin sa platong paraiso ng ligaya sanay maglandi dila‘t ngalangala sa ulo‘t mata ng pinangat man o paksiw na isdang sumisid sa laway ng bungangang nalahiran ng ngiti‘t ligaya. bakit ba ako itinaboy ng hangin na dumalo sa ganitong piging? bakit ako kapiling ng mga crema de leche ng diumano‘y masalapi‘t magigiting tapagtaguyod ng lipunang balimbing habang maalipunga sa bukirin paa ng mga kapatid kong magsasaka at makalyo sa pabrika palad ng obrero kong mga ama? o napilitan akong maging sibilisado naging ipokrito‘t ayaw ibando pagka-barumbado‘t di pakikipagkapwa-tao sa diumano‘y mararangal na ginoo saglit di maiwasang makipiling sa kanilang parang mga santa‘t santito langhapin nakalilibog na pabango ng malalanding dilag sa inuuod nilang alta sosyedad titigan katawang patuwad-tuwad at mapagnasang himasin ng mga mata kutis nilang mala-porselana dantayan ng minamalaryang palad mga daliri nilang kandila ang kapara palamasin kaya ng kamatis at itlog na pula o isawsaw kaya itubog sa luha‘t dugo ng lupa

maging marangal na rin kaya ako kung sila‘y mga kapiling ko o ego‘y nasabik malasing sa parangal na ibinitin-bitin? susuubin daw ng insenso‘t kamanyang naitambak kong mga titik sa basurahan ng mga papel ng kamalayan dumalirot daw sa almoranas ng lipunan at puwertang inaagasan ng dugo ng dusa‘t karalitaan gayong silang mga diyus-diyosan silang iilang hari-harian ang nagpakaganid sa laman gumahasa‘t nagpasasa sa sinapupunan ng pinakasisinta kong bayan nagbulid sa trahedya‘t kaalipinan sa kauri kong masang sambayanan! bakit ngayon mga titik ko‘y papupurihan? ako ba‘y inuuto‘t binobola lamang dila‘y unti-unting pinuputol nang di maghayag ng katotohanan daliri‘y minamartilyo‘t binabalda nang di makasulat ng mapulbura sumisingasing na mga linya laban sa mga senturyon at kardinal ng pambubusabos at pagsasamantala o humabi kaya ng mga nota ng bomba‘t granada upang sa wakas umawit- magsayaw giliw kong la tierra pobreza sa melodiya ng laya‘t ligaya? o, diyos ni abraham santa mariang birheng kapita-pitagan prinsipyo ko‘y di ibinibenta sa mesa ng panlilinlang at inhustisya! kahit kalimitang tiyan ko‘y kinakabag bulsa‘y inulila ng kalansing ng barya lalamunan ma‘y titiguk-tigok sa halimuyak ng mamahaling cognac di itatakwil ng dibdib at isip sagradong pangarap-mithiin

P a h i n a | 30

ng mga kayakap ko sa maputik-masukal na lupain ng hilahil at sagimsim. ngayo‘y alam ko na at inaamin ko nagkamali ako mea culpa, mea culpa mea maxima culpa! patawarin anak mong nagkasala mapait pala‘t mapakla kahit marangya‘t sagana de putaheng pagkain nila mabuti pa sa ponda ni karyo sa lugmok at makulimlim kong baryo kahit parang hayok akong aso lalantakan ko adobong butu-buto saka aawitin himno ng dangal ng mga kauring di patatalo di paloloko sa kaway at hibo sa ningning ng balatkayo ng mga impakto‘t berdugo suubin man kami ng usok ng mga insenso at malugod na mga pangako aakyatin pa rin namin pilit aabutin tuktok ng palo-sebo buong giting kukunin sa dulo korona ng hustisya‘t demokrasya laya‘t ligaya dignidad ng bayan at masa! Sigaw ni Claude McKay* June 26, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) hatid ng hangin ang sigaw ni claude mckay parang taginting ng putok ng mga baril sa kagubatan ng dilim at sagimsim

parang sibat, tumutusok, naglalagos sa pader ng kamalayan bumibiyak sa bungo ng karuwagan! ―tayo ma‘y mamatay,‖ hiyaw ni claude mckay huwag parang mga baboy lamang tinutugis, ikinukulong sa sabsaban sa paligid, hayok na tinatahulan ng mga asong nakabantay hinahamak, marawal na kalagayan tayo ma‘y mamatay mamatay tayong may dangal!‖ ―mamatay tayong may dangal upang mahalagang dugo natin sa pagpatak, di masayang kahit ating mga kalaban mapipilitang tayo‘y parangalan kahit mga bangkay tayong nakatimbuwang!‖ oo, mga kasama‘t kapatid sa ilang dekadang pakikilaban para sa sagradong mithiin ng masang sambayanan sa la tierra pobrezang dibdib nati‘t tiyan ―kahit marami sila‘t talo tayo sa bilang ipakita nating tayo‘y matatapang sa laksa-laksa nilang suntok isang pamatay-dagok lamang ang ating kailangan ano na ang naghihintay na libingan?‖ sumisigaw si claude mckay kahit tayo‘y wala nang maurungan harapin nating buong giting mga berdugo‘t mang-aalipin naghihingalo man at hininga‘y tinatangay ng amihan piliting kumilos pa rin at magiting na ipamukha sa kalaban ang paglaban! —————————————————————–

P a h i n a | 31

Naging katulong na patnugot si Claude McKay , isang Jamaican, ng The Liberator at ng The Masses at nagsulat din ng mga tula at nobela. Napabantog siya nang basahin ni Sir Winston Churchill noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa parlamento ng Bretanya ang kanyang sonetong ―If We Must Die.‖ Intifada! Makibaka! April 15, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nang mag-alimpuyo sa kampo ng jabalia hanggang gaza nang maglagablab sa west bank hanggang east jerusalem unang intifada ng magigiting na palestino sa pananakop ng mga hudyo sa kanilang sagradong teritoryo isang ina ang tumimbuwang sa sumisikdong kalsada sinibasib ng punglo dibdib na malusog at tiyang mapintog kipkip na sanggol biglang nabitiwan parang bolang gumulong sa gilid ng lansangan mayamaya‘y gumapang pausad-usad palapit sa inang duguang nginasab ng kamatayan suso‘y pilit hinawakan nguso‘y idinuldol sa namutlang utong may gatas pa kayang masisipsip ang labi ng sanggol sa katawan ng inang inulila ng pagaspas ng hininga? sa la tierra pobreza gatas ng nestle‘y bumabaha dekadekadang kinatas kinulta‘t pinulbos

mula sa agos ng dugo‘t pawis ng inaliping manggagawa ngunit ngayo‘y mga sanggol pa nila ang timawa di makalasap ng nestle dila nila‘t ngalangala walang gatas na rin naluoy na suso ng ina dahil sa paglamutak ng dalita‘t dusa habang dalisay na gatas panghugas lamang ng puwit at puwerta ng mayayaman at elitista sa imperyo ng mga kapitalista. intifada! makibaka! tulad ng marcha intifada sa bahrain sa kolonyal na pananakop ng bretanya intifada! makibaka! gaya ng zemla intifada sa espanyol na sahara laban sa kolonyalista intifada! makibaka! gaya ng sidi bouzidi intifada sa tunisia intifada! makibaka! sa imperyo ng nestle sa la tierra pobreza palaso man ng mga tula ang sandata dagundong ng tinig man ang siyang bomba kadensa‘t taguktok man ng laksa-laksang paa ang putok ng mga kanyon sa lansangan ng protesta! intifada! makibaka! hanggang milyong manggagawa at uring busabos sa pabrika‘t empresa ganap na matubos at lubos madurog

P a h i n a | 32

moog ng mga diyus-diyosan ng pambubusabos intifada! makibaka! hanggang magluningning liwanag ng bilyong bituin sa lupaing sakbibi ng dilim ng dusa‘t sagimsim duyan ng madugo naming mga alaala kadluan ng aming pagsinta ikaw, ikaw nagdurusang la tierra pobreza! Sa Kumukulong Langis March 25, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa kumukulong langis masarap marahil ilaga katawan ng kapitalistang sa sobrang tubo‘y sugapa pandagdag din mantikang mapipiga mula sa kalamnang tumaba nang tumaba pandagdag din iyon sa grasang ibebenta sa krudo‘t gasolinang ngumangasab, pumipiga sa bitukang walang laman ng masa habang nagpapalo-sebong maabot ang pag-asa. sa kumukulong langis masarap marahil ilublob amerika, bretanya italya at pransiya mga bansang imperyalista ibuhos iyon sa mga bunganga nila nang masunog

mga dila nila nang di na magbandila ng itim na propaganda demokrasya, demokrasya demokrasya, demokrasya hatid pala‘y disgrasya! pakuluin ang mga balon ng langis sa iraq man o afghanistan sa bahrain man, iran at saudi arabia pati na sa libya lunurin silang lahat mapanlinlang at uring mapagsamantala at kami, kaming biktima ng kasuwapangan nila kami, kaming masang isinadlak sa dusa magpipista‘t magdiriwang nang buong sigla sa mesa ng laya‘t ligaya! Sige Na! February 8, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Tula) ―mabuti pang mamatay nang may karangalan kaysa mabuhay sa kahihiyan‖ — jose p. rizal nakangisi bunganga ng baril sa mga namugad sa dibdib budhing inuod ng tusong lunggati sige na, sige na tubong bakal ay isubo itutok kaya sa sentido o itapat sa pusong baligho labing nakangiti ang gatilyo sa daliring nandambong ng ginto ng bansang hilahod sa dusa dekadekadang binaog kinapon ng kampon ni mamon at nagrigodong mga panginoon sige na, sige na

P a h i n a | 33

halikang buong diin bakal na tilin ng baril bayaang marinig ng mga alipin halakhak ng punglo pasabugin ang utak at bungo biyakin ang dibdib at puso ikulapol nang ganap ang dugo sa mukhang kumapal sa suntok at sampal ng pilak at ginto baka sakaling dangal na naglaho muling maibalik ng patak ng dugo sa damong nanilaw nauhaw sa ulan o isabog kaya ng sikat ng araw kahit isang saglit patawad ng libong bulaklak decenario ng mga alitaptap. sige na, sige na siilin ng halik ang labi ng baril himasin landiin kalbitin nakausling tilin bayaang wakasan ng dangal ng lagim kahihiyang namugad sa dilim sige na, sige na huwag nang maglimi pa pagkitil sa buhay magbibigay-dangal sa budhing niluoy ng sakim na hangad orkidyas at rosas aming iaalay sa dibdib ng hukay sa madilim na daigdig ng kabaong na naghihintay. sa mala-niyebe mong bangkay matagal nang nalibing sa hukay ng hirap at dusa namatay naming pag-asa muling bubuhayin ng lagablab ng pakikibaka mithiing banal ng mga kadugo‘t kauri

muling tatanglawan ng bilyong bituin at buwang maningning muling madarama ng pusong sugatan halik at haplos ng hanging amihan buong giting at dangal ipagpapatuloy mga paglalamay nang sa wakas bansa‘y magbanyuhay sige na… sige na isubo malamig na tubo ng baril buong giliw gatilyo‘y kalbitin! Sa Estasyon Ng Paglalakbay January 23, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) naghihilamos ng hamog makulimlim na umaga nginangasab ng abuhing pusa nahuling daga sa basura nakatanghod asong gala sa mangkok ng lugaw sa ponda sa sulok ng mata ko naglalambadang dalawang anino nakausling mga tiyan nagkikiskisang mga katawan umaalong mga dibdib lumalangoy na mga bisig sa dagat ng karimlan anino ko‘y nakahiga sa upuan isip ko‘y naglalakbay sa kawalan pitada ng tren hinihintay bubulaga na ang araw sa silangang hinarangan ng gusaling nakabara sa pananaw. wooo! wooo! wooooo! rikitik… rikitik…rikitik… woooo! mga katawa‘y nagkabuhay mga bagahe‘y nagbanggaan mga paa‘y nag-unahan sa bungangang naghihintay dugo ko‘y kumiwal sa namanhid na mga ugat

P a h i n a | 34

saan ako maglalakbay? patutunguha‘y di alam pira-piraso na mga larawang isinabog ng sumisikdong amihan ngunit naglalagablab pa rin apoy ng pagsinta sa la tierra pobreza habang tinutupok natuyong mga layak at damo saanmang burol at sabana at dinidilaan ng apoy imperyo ng dusa‘t pagsasamantala at ako, akong manlalakbay ng makulimlim na mga dekada ay naiwang nakatunganga‘t nakanganga sa estasyong inulila ng dumagundong na tren sakay ang mga kaluluwang maglalakbay saanman hahantong ang pag-asa at ako, akong manlalakbay sa kawalan ay muli‘t muling hihimig ng awitin ng pakikibaka sa estasyon ng pagsinta! « Di Hinaplos Ng Pasko Ang Puso Sa Estasyon Ng Paglalakbay » Ipinaputol Ko Ang Punong Kabalyero January 10, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) ipinaputol ko ang punong kabalyero isang taong singkad mga pulang bulaklak di naglagablab di dinapuan ni isa mang alitaptap nanumbat lamang sa langit nagsalabat na mga sanga

banayad na humalik lamang sa lupa mga dahong nangalanta. ipinaputol ko ang punong kabalyero parang katawan ni h. romero* tuhod ay pinalakol at minaso nilagari sa may baywang hanggang tuluyang tumimbuwang butuhang mga bisig kumalas sa hugpungan naagnas na laman ikinumot sa damuhan para damo‘y magluntian magbanyuhay yaring buhay! ipinaputol ko na punong kabalyero sa masukal na likod-bahay kailan puputulin puno ng dusa‘t hilahil? kailan lalagariin katawan ng pang-aalipin? kailan tutupukin sa lagablab ng apoy nagsalabat na sanga ng pagsasamantala upang maitanghal saya at ligaya at layang singkislap ng bilyong bituin singbango ng hinog na palay sa bukid na ginintuan singbulas, singputi ng mga talahib sa burol at kapatagan? ___________________________________________________ * h. romero o henry romero — aktibistang peryodista na nawala‘t sukat noong naghahari sa bansa ang batas-militar at di na natagpuan, tulad ng maraming desaparecidos, ni isang buto ng kanyang bangkay. Di Hinaplos Ng Pasko Ang Puso

P a h i n a | 35

December 29, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) di hinaplos ng pasko ang puso kahit nagsayaw mga bituin sa punong akasya pumikit-dumilat man mga alitaptap sa puno ng mangga kahit yumakap lamig ng disyembre sa balat at buto at dumaluhong man sa hibla ng utak at nag-usling ugat melodiya‘t lirikang panghimas sa dusa‘t bagabag ng mga nilikhang laging hinahabol pag-asang mailap singtaas ng ulap. di hinaplos ng pasko ang puso lagi‘t laging malakas ang sikdo rumaragasa ang agos ng dugo tuwing itititig mata ng pagsuyo sa mga larawang ayaw humiwalay sa kamalayang nakikipaglamay sa tadyak at dagok ng lugaming buhay ng mga kauri kadugong dalisay. di hinaplos ng pasko ang puso lalo‘t naglingkisan sa telon ng mata

mga larawang laging nakapinta sa araw at gabi ng pakikibaka mga mukhang iniwan ng habag nakalahad na kinalyong palad mga matang malalim malamlam laging lumalangoy sa dagat ng dilim mga batang mapintog ang tiyan kahit asin-lugaw o hangin ang laman. di hinaplos ng pasko ang puso lalo‘t nakaluhod buhay na kalansay sa basurahang hininga‘y masansang at nagrorosaryo hukot na aninong mukha ni pangalan ay di na malaman sa malawak na tubuhan at bukid na walang hanggan ng mga asenderong walang kabusugan. di hinaplos ng pasko ang puso lalo‘t gumagapang sa estero sa eskinita ng kalunsuran katawang dugo‘t laman ay kinatas ng makina sa bilangguang pabrika ng mga diyos ng dusa di hahaplusin ng pasko ang puso hanggang di nalalagot

P a h i n a | 36

tanikala ng pang-aalipin at pagsasamantala! Magsasayaw Kita December 3, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) magsasayaw kita sa lagablab ng apoy ng sigang sinindihan ng mga aninong kalansay na ngayon magsasanib ang ating mga gunita di mapipigtal ng mga panahon mga bulaklak ng lunggating sa dibdib bumukad mga talulot iyon ng sanlaksang gumamela mga pulang petalya sa pader ng alaala lebadura sa panata ng madugong pakikibaka. magsasayaw kita sa lagablab ng apoy tulad ng mga zulu ng timog aprika tulad ng mga incas ni manco capac sa imperyo ng tahuantinsuyo tulad ng mayan ng chiapas yucatan at tabasco ng sibilisasyong mesoamerikano palasong maglalagos sa ating puso titig ng mga matang inaapawan ng luha ng dalamhati ng lahi maglalandas sa ating mga ugat ngitngit ng butuhang mga bisig himagsik ng impis na mga dibdib. magsasayaw kita sa lagablab ng apoy

at kikiwal sa ating mga dugo nagbabagang mithi ihahatid iyon ng sumisikdong amihan sa burol man o dalampasigan imumulat ang mga alipin sa gabi ng paglalamay ng pumikit-dumilat na mga bituin habang naglalakbay sa kalawakan balumbon ng ulap ng nilumot na mga pangarap. oo, magsasayaw kita sa lagablab ng apoy hanggang isabog ng mga alipato maningning na pag-asa hanggang isakay ng mga dahon matimyas na pagsinta hanggang hinahabol ng sumisingasing na hininga layang ibinartolina ng mga panginoon ng dusa di mamamatay ang apoy di mapipigilan ng daluhong ng mga punglo mula sa kuta ng inhustisya‘t pagsasamantala lagablab ng apoy habang nagsasayaw kita! Tiyo Sam November 19, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula — tugon sa panawagan ni Pia Montalban para sa taludturan ng LRP) naglumot na ang mga dekada, tiyo sam pero hayok ka pa rin sa laman

P a h i n a | 37

ipinapatay sa congo si patrice lumumba ibinilanggo si nelson mandela para masipsip mo suso ng aprika! kinubabawan mo ang puklo ng cuba kaya nag-alipato mahabang tabako supa-supa ni fidel castro bumalikwas ang mga cienfuegos maging si che guevara taga-argentina pinaglagablab apoy ng paglaya mulang sta. clara hanggang sa havana tinadyakan kang parang asong-gala pero ngayo‘y operation mongoose di makataong embargo sa cuba‘y iginapos nagmumulto tuloy sa amerika latina simon bolivar, jose marti, at kauri nila. sinlinaw ng kristal, tiyo sam, sa aking gunita walang habas mong panggagahasa sa angking alindog ng maraming bansa nananambitan tuloy sa kanyang libingan kaluluwa ni ho chi minh ng vietnam iyong nilaklak dugo ng korea dibdib ngayo‘y hati sa dalawa isang saddam hussein iyong ibinagsak bagong babylonia ganap nilamutak. ano pa, tiyo sam, ang pinakahahangad? singit ng seychelles, yemen at chad utong ng albania, laos at grenada puklo ng thailand, timor at angola bibig ng malaysia saka indonesia gustong dalirutin at piga-pigain sa udyok ng libog ng imperyalista! o, tiyo sam, kailan magwawakas iyong pagkahayok sa laman ng iba makahindot ka lang sa tuwi-tuwina? kinalantari mo‘t nilaspag noon pa pinakasisinta kong la tierra pobreza hinubarang ganap laya‘y kinadena. guardia de honor nitong aking bansa ginawang lahat de susing manyika kinasabuwat mo sa mga pakana upang suso‘t puklo nitong aking sinta

iyong magahasang walang patumangga mga kapatid ko‘y kalansay ng dusa kinabukasan ko‘y burak ang kapara pero, tiyo sam, iyong isaisip mayroon ding hindi umiidlip mga bonifacio‘y hahawak ng tabak panggagahasa sadyang wawakasan taling tanikala sa leeg ng madla lalaguting lahat puputul-putulin at itatanghal ang layang maningning! Kapamilya Pala Kami November 18, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa imperyo ng elitista‘t pinagpala mga nilikhang may gintong kutsara sa puwit, puwerta‘t bunganga may kutis porselanang alaga sa palitada ng gatas at krema may panty at brang libo ang halaga may barong na jusi o pinya o tuxedong nanlilisik ang ganda silang may mansiyong nakasisilaw liwanag ng mga aranya at waring hayok na dambuhala nag-aabang ng sinumang masisila sa malawak na asyendang dinilig ng pawis at dugo ng mga sakada kami pala‘y kapamilya. oo, mahabaging diyos ni abraham oo, santa mariang birheng kabanal-banalan kami pala‘y di ninyo pinababayaan kapamilya pala kami ng pinagpala ninyong mga nilalang kaming binabaliw araw-araw sa mga telenobelang hitik sa sigawan o inaagusan ng luha ng kapighatian kaming idinuruyan sa pantasya‘t kababalaghan o pinaglalaruan ang pagkatao‘t karangalan mistulang payaso sa larong kahunghangan

P a h i n a | 38

habang dinudusta ang karalitaan dahil sa balumbon ng perang panlaman sa tiyan. oo, kapamilya kami ng mga diyus-diyosan kaming kalimitang pinalilibog ng nanggigitatang paglalambingan at masabaw na pag-iibigan kaming inaakit ng mapuputing hita sa sayawang walang patumangga o binubulag ng susong nagluwa ng mga artistang parang nagwawala kapamilya pala kami kaya inaaliw araw-araw para di mamulat sa katotohanan sa dahilan ng aming kabusabusan kaming pinipiringan ng balatkayong kawanggawa gayong pondo‘y di naman nagmula sa mismong bulsa nilang pinagpala oo, kami‘y lagi‘t laging aaliwin upang di makita totoong bituin nang di tabak ang himas-himasin di gatilyo ang kalbitin at wakasan ang pang-aalipin! kapamilya pala kami kaming buto‘t laman ang puhunan dugo‘t pawis ang pinagmumulan ng sagad-langit nilang kayamanan kaming ginagawa lahat ng paraan pasanin man ang kamera hanggang kabundukan kaming ipinapain ang buhay saanman may trahedya‘t sagupaan kaming naghahanda ng tanghalan ng kung anu-anong kailangan para maiduyan sa ilusyon ang bayan kaming parang mga langgam nag-iimpok ng pagkaing pagpipistahan nilang likas ang kasuwapangan! kapamilya nga ba kami ngayong kumakatok sa kanilang puso ng dagdag na kanin o mumo?

bakit itinataboy ngayon sa lansangan ibig ipalanghap mga basurahan ayaw ipasamyo kanilang pierre cardin? kapamilya nga ba kami gayong ayaw palagukin ng kanilang alak mula sa hinog na ubas ng aming katawang niligis sa hirap? o, mahabaging diyos ni abraham santa mariang birheng kabanal-banalan kapamilya nga ba kami kinakalinga‘t di pinababayaan ng pinagpala ninyong mga nilalang? o kapamilya lamang kami hanggang pinakikinabangan sa pagdambong nila ng kayamanan para maglublob sa karangyaan? huwag, huwag mga kapatid kong alipin at basahan huwag, huwag humingi ng dagdag na grasya‘t kaluwagan huwag makibahagi sa umaapaw nilang yaman kahit galing iyon sa dugo ninyo‘t laman itatakwil kayo sa pamilya itatapon sa kangkungan itatambak sa pusalian ng dusa‘t karalitaan lumuhod na lamang at magdasal at patuloy na maglamay sa gatilyo ng katubusan!

Ikaw Ang Talahib Ng Mga Alaala October 14, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) namumulaklak na ang mga talahib puting-puting nakakumot sa burol at sabana kumakaway sa sanlaksang mga alaala oktubre ring gaya ngayon nang abuhin ang kalawakan at malamig ang haplos ng hangin

P a h i n a | 39

tumimbuwang ka sa kagubatan sa pagliliwaliw ng mga punglo sa iyong ulo, puso at tiyan nakadilat ka‘t nakatingin sa kalangitan habang inaapuhap ang hininga sa pagaspas ng mga dahon sa pakpak ng mga ibon sa tagulaylay ng rumaragasang agos sa ilog ng kaparangan sa balumbon ng nangingitim na ulap inaaninag wari anino ng kalayaan para sa bayang pinakamamahal pumanaw kang wala ni apdo ng pagsisisi sa mamad na mga labi sa niyakap na pakikibaka laban sa naghaharing inhustisya dahil noon pa man sa pagbabanyuhay ng puso‘t isipan nakapagkit na sa iyong kabuuan kakambal na ng iyong pangarap at layon ligaya at laya ng masang alipin ng dalita‘t dusa. namumulaklak na ang mga talahib nang ika‘y ilibing ng mga kasama walang dinalit na mga ave maria ni inusal na mga ama namin sapat nang papurihan iyong kagitingan parangalan mga karanasan sa paglalahad ng mga katotohanan at pagsamba sa altar ng katarungan sapat nang walang hanggang kilalanin idambana sa puso‘t isipan buhay na inialay sa gabi ng mga paglalamay. oo, ikaw ang talahib ng mga alaala sunugin man nang sunugin sisibol at sisibol pa rin muli‘t muling iindak ang puting bulaklak di luhang mangalalaglag sa masukal na damuhang dinilig ng iyong dugo

mananariwa ang lahat maging naluoy na mga pangarap muli‘t muli kang mamumulaklak sa puso‘t isipan ng bawat sawimpalad ikaw, ikaw na talahib ng aming mga alaala! Ulo Mo’y Gusto Kong Palakulin, Dibdib Ay Laplapin October 11, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) ulo mo‘y gusto kong palakulin parang niyog ang bungo‘y biyakin utak ay himay-himayin gusto ko ring dibdib mo‘y laplapin dukutin ang puso at saka suriin dinalaw ka ba ng awa‘t sagimsim nang maralita‘y lamunin ng dilim? o uring asendero/kapitalista laging iniisip talaksan ng pera? tao ba‘y mayroon pang halaga sukdang busabusin sa iyong pabrika alipining lubos sa iyong asyenda? ulo mo‘y gusto kong palakulin dibdib mo‘y gusto kong laplapin naisip mo ba mga inalipin silang sandakot na kanin at asin ang laman ng tiyan habang ikaw naman ay nabubulunan bundat na‘y ayaw pang tigilan sagana‘t marangyang hapunan gayong dugo nila‘t laman kinatas at iyong pinagpipistahan o likas sa iyo itong kasuwapangan kaya lugaw nila‘y gusto pang lamunin suso ng bagong panganak gatas nais pang sipsipin? kung bungo mo‘y mabiyak sumabog ang utak

P a h i n a | 40

nakaukit ba sa himaymay niyon mga sawimpalad? naisip ba ang walang tahanan habang palasyo mo‘y laging kumikinang? saan ba nanggaling iyong kayamanan kundi sa inaliping masang sambayanan? kung dibdib mo‘y malaplap at puso‘y mahantad nadama mo ba katiting na habag sa mga nilikhang yakap ng bagabag? pinitik ba ng awa ang puso habang manggagawa‘t magsasaka mo sabaw ng sinaing ang ipinasususo sa nagpapalahaw bunsong balat-buto? matapos bungo ay mabiyak dibdib ay malaplap at walang makita sa puso at utak kahit anino ng habag sa mga nilikhang inaliping ganap katawan mo‘y dapat nang tadtarin buto mo‘y dapat nang pulbusin dugo mo‘y dapat nang sairin upang magbanyuhay ang uring alipin! Naririnig Ko Ang Iyong Panambitan September 25, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) naririnig ko ang iyong panambitan la tierra pobreza lupain ng dalita‘t dusa lupaing tinigmak ng dugo ng mandirigma ng masa na dinusta ng inhustisya na inalipin ng pagsasamantala inihahatid ng naglalakbay na amihan sa saliw ng huni ng langay-langayan iyong tagulaylay tumatarak, lumalaslas sa kamalayan kong laging naglalamay naririnig ko ang iyong panambitan

kung mga gabing nagdarasal malungkot na buwan kung mga umagang luhang pumapatak mga butil ng hamog sa damuhan kung mga katanghaliang humihiyaw aspaltadong lansangan ng kalunsuran kung mga dapithapong dumaramba mga alon sa ulilang dalampasigan. oo, naririnig ko ang iyong panaghoy la tierra pobreza sa dagundong ng kulog sa kalawakan sa sagitsit ng kidlat sa karimlan sa lagaslas ng tubig sa kabundukan oo, naririnig ko ang iyong hinagpis la tierra pobreza sa bulong ng mga babaing asawa‘y nalibing sa kung saang talahiban naririnig ko sa taginting ng mga dalangin sa nobena‘t decenario ng mga sisa si crispin ay di na makita ibinaon kung saan ng kampon ng kadiliman o binulok sa mga tagong bilangguan o naagnas sa pusod ng karagatan wala ni anino ng kalansay. oo, naririnig ko ang iyong panambitan la tierra pobreza sa tagaktak ng pawis ng manggagawa‘t magsasaka sa lagunlong ng sikmurang walang laman sa kalantog ng mga lata sa basurahan sa pagtutol ng tinuklap na mga yero sa langitngit ng tinungkab na mga tabla sa lagabog ng ginibang barungbarong sa gilid ng namamahong estero mulang tripa de gallina hanggang canal de la reina naririnig ko ang hinaing mo la tierra pobreza sa binuldoser na mga bahay sa mga lote diumano ng gobyerno na lalong dapat mapunta sa masa

P a h i n a | 41

di sa mga ayala at mga kauri nila na walang sinasamba kundi kuwarta patayin man sa hilahil at dusa gawin mang naglipanang aso‘t pusa milyun-milyong maralita! oo, umuukilkil sa pandinig kopanambitan mo la tierra pobreza saanmang sulok ng planeta ipinadpad ng daluyong ng dalita mga anak mong nagdurusa ikinalat silang parang layak sa banyagang mga bansa dahil kalansay na ang pag-asa at ginutay na ang ligaya sa lupain mong binaog ng uring mapagsamantala oo, la tierra pobreza ―di lahat ay natutulog sa dilim ng gabi‖ at naririnig nila iyong panambitan at panawagan nagliliyab mga mata ng mga anak mong magigiting bartolina mo‘y wawasakin! LIMANG ARAW AT GABI (sa kamatayan ni Lenin) September 8, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Malayang salin ng inyong lingkod sa tula ng makatang Rusong si Vera Ibner na ipinadala ni Ka Dan Borjal bilang alay-parangal kina Ka Alexander Martin Remollino at Ka Medardo Roda na kapwa namayapa kamakailan lamang) Bago siya tuluyang ibinilanggo sa kanyang mausoleo at ulilahin ng sikat ng araw limang araw at gabing singkad siyang nakaburol sa Bulwagan ng mga Columna. Humugos ang mga tao, pumila parang treng walang katapusan

hawak ang nakababa namamahingang mga bandila upang muling masilayan ang naninilaw niyang mukha at medalyang pula sa ibabaw ng dibdib. At sa kalupaan nananalasa‘t sumisikdo ang nagyeyelong kapaligiran waring tuluyan niyang tinangay ang isang bahagi ng init ng aming mga katawan. Limang gabing walang natulog sa Moscow dahil sa pagtulog siya lumisan buong kabanalang nagbabantay ang maputlang buwan. Niligis Na Apdo Lamang Ang Asukal August 31, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) kinatarata na ang mga sakada sa pagsuyod ng mga mata sa katawan ng asyenda pinaglumot na ng mga dekada mga daing nila‘t protesta di na makita mukha ni anino ng tumakas na pag-asa sumanib ba iyon sa balumbon ng mga ulap habang dapithapo‘y namamaalam? yumakap ba iyon sa katawan ng karimlang humahalik sa pisngi ng maputlang buwan habang gabi‘y nagdarasal nakaluhod sa paglalamay? kalansay na lamang ang pag-asa nailibing na sa damuhan ng tubuhang di maabot

P a h i n a | 42

ng mga mata nasipsip na noon pa man ng hayok na mga tubo pawis at dugo ng sakada ngayo‘y parang gatas iyon hinihigop ng asendero mula sa susong malusog ng bagong panganak naglalanding dalagang-ina o, kay tamis niyon sa dila niya singlinamnam ng pulot-gata sa mga birheng kinalantari niya habang binubudburan ng asukal ang puklong matambok ang susong maumbok singtamis ng pulut-pukyutang dumaloy sa galit na utong sa uhaw na singit at gutom na tiyan! singpait naman ng apdong niligis sa dila‘t ngalangala ng sakada asukal na iniluwa ng asukarera di nito mapatamis kapeng walang gatas sa mahalumigmig na umaga di nito mapawi pakla ng bubot na bayabas at alat ng asing iniuulam sa malamig, nanigas nang kanin o kinayod na tutong na humalik sa puwit ng kalderong inulila ng saya‘t ligaya singpait din kaya ng apdong niligis asukal na inihalo‘t tinunaw sa tubig na maligamgam at ipinasususo sa bunsong mapintog ang tiyan kahit hangin lang ang laman? singpait ng apdong niligis sa dila ng sakada mga asukal pang iluluwa ng asukarera

mapait na rin pati pawis niya singlansa rin ng hilaw na apdo dugong itinigis ng mga panahon sa bawat hagkis ng machete sa masukal na damuhan sa bawat taga sa pinutol at kinatas na katawan ng laksa-laksang tubo tatamis pa ba ang asukal kung ni isang dipang lupa‘y di kanya at alipin lamang siya sa malawak na asyenda? niligis na apdo lamang ito sa dila niya‘t ngalangala! Fernandina August 9, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nilalanggam namutla mo nang mukha fernandina habang nakatimbuwang sa masukal na kakahuyan katawang tinadtad ng punglo di nahugasan ng tikatik na ulan fernandina dugong bumulwak sa dibdib sa hita at tiyan humahalik na ang namuong hamog sa gilid ng mga matang nakakilala sa pait at dusa ng buhay ng masa. wala ni isa mang bituin ang gabing nagdaan fernandina nagtago pati mukha ng buwan umiwas sa mga putok ng baril ngunit di ka umurong fernandina di natinag sa pagtatanggol di binitiwan ang gatilyo ng kalayaan

P a h i n a | 43

pinatakas ang nakubkob na mga kasama alang-alang sa bansang pinakasisinta tagulaylay ng hangin ng giniginaw na umaga sa iyo ngayo‘y naghaharana fernandina. mananatili kang monumento sa alaala banayad mang humalik sa lupa mga tuyong dahon ng gunita fernandina muli‘t muling sisibol sa pusod ng bundok o dibdib ng lungsod binhi ng pag-ibig sa layang pinakamimithi habang dinidilig ng dugo ng mga kagaya mo fernandina lupaing binaog ng inhustisya‘t pambubusabos. fernandina muli‘t muli kang mabubuhay sa magkakarugtong na mga ugat ng mga biktima‘t inalipin ng uring mapagsamantala! magniningning din ang mga bituin sa pusikit na karimlan manunumbat ang buwan at aawitin ng marahas na hangin kadensa ng martsa ng milyung-milyong mga paa sa bantayog ng laya… mabuhay ka, fernandina!

Ave, Ave, Pater Patrum! July 30, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Tula — sinulat noong dumalaw sa bansa, Nob. 27, 1970, si Papa Pablo VI o Giovanni Battista Montini. Inilathala ito noong Dis. 7, 1970 sa PILIPINO FREE PRESS. Kasama na ito sa mga piyesa sa plumaatpapel pero nahihirapan daw ang ilang mananaliksik na makita agad sa archives kaya minabuti naming ilagay ito ngayon sa bandang unahan.) giovanni battista montini servus servorum dei nang iluwa ka ng alitalia mga magnanakaw naghaleluya viva! viva! viva il papa! hosanna in excelsis benedictus qui venit in nomine domini diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! patawarin ang anak mong nagkasala mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa nang sa kanto‘y magdaan ang santo papa ako po‘y nasa kubeta nagbebendita‘t nagdaraos ng sariling misa ave, ave, pater patrum inodoro‘y nagkumunyon nangumpisal pa sa poon. ave, ave, birheng maria ipinalangin ang anak mong nagkasala mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa ni hindi ko man lamang nakita ang tiara ng santo papa nang magpunta siya sa luneta at magmisa ako po‘y umiinom ng hinebra sa restawran ni san da wong sa ermita diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! ako po‘y huwag bulagin ng mga kalmen at estampita habang ang kandila‘y bangkay na naaagnas sa bawat kandelabra kahit ako po‘y di lumuhod sa santo papa nakita ko naman ang kanyang anghel de la guardia sa bote ng la tondena michaelem archangelum

P a h i n a | 44

nakaamba kumikislap na espada sa plato ng espagheting piccolinong may bendita ng ketsap papa. ave, ave, pater patrum! ako po‘y nagugutom sitsiritsit alibangbang salaginto‘t salagubang bawat oras, bawat araw kampana‘y kumakalembang sit laus plena, sit sonora sit jucunda, sit decora mag-antanda at magdasal ave, ave, ave maria! ang pari‘y nagbibilang ng pilak sa sakristiya diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! ipinalangin kaluluwa ng anak mong nagkasala mea culpa, mea culpa, mea maxima culpa krusipiho at rosaryo‘y ipinanguya ko sa basura. santo papa, santo papa! puto seko‘t puto maya inuuod ang kumbento‘t mga mongha bawat santo‘y nakanganga sa isusubong ostia ave, ave, pater patrum kalyehon ko‘y inaagiw barungbarong at estero‘y nakatanghod sa kopita‘t kandelabra araro ko‘y nakapangaw sa tumana armalite ay umaawit sa candaba ave, ave, ave maria! quod in carnem transit panis et vinum in sanguinem quod non capis quod non vides animosa firmat fides diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa! kagabi, santo papa ang utak ko‘y talahib na naglagablab at nagsayaw ang mga alitaptap!

Sona Noon At Ngayon Sa Republikang Mamon July 27, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) S A N A! Nang Magpaalam Ka July 19, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nang magpaalam ka walang luhang pumatak sa mahamog na damuhan o isang butil man lamang na sumanib sa tikatik na ulan walang hikbing sumalit sa langitngit ng punong kawayan walang mapait na ngiting sumilay sa labing nakakilala ng mga halik ng dalamhati isinasayaw ng hanging marahas buhok mong hanggang baywang di nagdaop ang ating mga palad di naglapat ang ating mga katawan sa mahigpit na yakap ng pamamaalam ngunit nasa mga titig sa isa‘t isa muhon ng pakikiisa sa matagal nang adhikain ng masa ilang tapik lamang sa balikat ang ipinabaon ko sa iyo kalakip niyon ang laksang mensahe sa iyong paglalakbay patungo sa malayang bundok na naghihintay. nang magpaalam ka di isinaysay ang laman ng puso di ipinaliwanag ang kapasiyahan nakapinid ang labi ng mahalumigmig at lumuluhang madaling-araw ngunit nag-aapoy ang mga mata mo

P a h i n a | 45

para maunawaan ko hagupit ng lintik sa isip daluyong ng dugo sa ugat na di sa katawan mo lamang nagwawakas kundi sa himaymay ng laman ng bawat sawimpalad ng mga itinanikala sa asyenda at malawak na kabukiran ng mga inalipin ng makina saanmang pabrika at empresa o ginutay ng inhustisya ng pambubusabos at pagsasamantala ng di makataong lipunan ng di makatarungang burukrasya oo, di kailangang pabaunan ng agam-agam o dalangin ng kaligtasan ang dakila mong paglalakbay tungo sa mabulaklak na katubusan. nang magpaalam ka sinasaluduhan ko ang iyong paglisan di ko na inaasahang maririnig pa lagunlong ng tinig mo sa mga lansangan ng protesta di ko na makikita kumpas ng mga kamay mo habang idinidiin ang mga punto mo sa paglilinaw sa nilumot nang mga suliranin ng lipunan na humihiyaw ng kalutasan oo, di ka na makakasalo sa kantina ng isang platong kanin at kapirasong ulam oo, amanda de los reyes di ko na inaasahang magbabalik ka pa sa kuta ng pambubusabos hanggang makulimlim ang panahon at di pa sumisilay mapulang sikat ng araw sa silangan tulad nang ikaw ay magpaalam!

Bakit Ganyan? June 25, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) minsan lang akong daraan sa mundong estupido pero karapatan ko ayaw irespeto sinisikil, kinakatay, pinapatay bakit ganyan? di naman ako kriminal di naman ako magnanakaw di naman ako nandarambong ng pondo ng bayan lupa nang may lupa‘y di kinamkam at lalong di nanggahasa ng sinuman ako pa nga ang laging ginagahasa ng lipunang di makatarungan bakit ganyan? bakit ganyan? sobra-sobra ang ipinagbabawal sabi ng mga banal sa simbahan bawal magmura kahit galit na bawal magsalita nang malaswa bakit nagkaroon pa ng gayong mga salita? para saan at paano iyon mailalabas sa bunganga? lintik na ‗yan! ano ba ‗yan! bawal malibugan sa iba maliban sa asawa sila namang mga santo‘t santa puwedeng-puwedeng magnasa magpasasa‘t magpakasawa oras-oras, maya‘t maya sa macho‘t tigasing binatilyo o sa seksi‘t dalagitang mabango. anak ng galunggong at kabayo lintik na ‗yan! hayop na ‗yan! karapatan lang nila ang sagrado‘t mahalaga! bakit ganyan? bakit ganyan?

P a h i n a | 46

ako lang ang laging makasalanan ako ang impakto ako ang demonyo impiyerno ang bagsak ko por dios por santo anong klaseng mundo ito? bawal magsabi nang totoo laban sa mga dorobo sa gobyerno puputulin ang dila mo bawal mithiin ang pagbabago sa layuning lipuna‘y di magago at di dumami ang agrabiyado pero birheng inang mahabagin bubulukin ka pa sa kalaboso! bakit ganyan? bakit ganyan? dahil ba silang nagbabawal ang iilang hari-harian ang pinagpalang diyus-diyosan at kaming maralita‘y tungaw layak lamang ng lipunan? lintik na ‗yan! hayop na ‗yan! bakit ganyan? bakit ganyan? pati katiting kong kaligayahan lagi‘t laging pinakikialaman pobre lamang ako di kaya ang maluhong bisyo di mayamang tulad ninyo puwedeng bumabad sa casino magpakaligaya kaya sa paraiso sa puklong matambok sa susong maumbok ng kinakalantaring kalaguyo ligaya ko‘y simple lamang ang manigarilyo lamang para mapayapa ang damdamin at ligalig na isipan sa hilahil na pasan-pasan makasulat din ng kung anu-ano kapag nababaliw ako pero por dios por santo bawal manigarilyo diyan

bawal manigarilyo kahit saan bawal sa gusaling iyan bawal sa pampublikong sasakyan bawal makaamoy ng usok malulusog, mararangal na nilalang. lintik na ‗yan! hayop na ‗yan! karapatan daw nila iyon pero paano naman ang karapatan ko ang mga kagaya kong naninigarilyo? bakit ganyan? bakit ganyan? bakit nagkaroon pa ng pabrika ng sigarilyo bakit di pa sunugin ang mga ito tupukin pati ang lumikha nito? para di parang ketongin ang mga gaya kong naninigarilyo itinataboy kung saan-saan pinagbabawalan sa maraming lugar parang mundo lang nila ito parang di sila mamamatay kahit di manigarilyo kahit di makaamoy ng usok nito parang kami lang naninigarilyo ang maglalaho agad sa mundo. pero itatanong din ninyo: bakit ganyan? bakit ganyan? tinodas agad ng diabetes ng alta presyon o atake de corazon ng kanser sa atay o lalamunan ng kanser sa baga‘t bituka sa bayag o suso o obaryo siyang kailanma‘y di nanigarilyo o nakasinghot ng usok nito siyang di nanigarilyo ni minsan ay binaril naman, tinambangan o biglang nasagasaan sa daan nagkalasug-lasog ang katawan nauna pang namatay sa impaktong gaya ko apatnapung taon nang naninigarilyo.

P a h i n a | 47

bakit ganyan? bakit ganyan? siyang sigarilyo ang pamatid-gutom ang iniiwasan ng lipunan pati ni kamatayan siyang sigarilyo‘y iniwasan pero nagpakabundat sa katakawan at nagsamantalang lubusan para yumaman nang yumaman pundilyo nila‘y hinahalikan masaklap nga lamang maaga silang kinakain ng libingan at isinusuka ng kasaysayan. bakit ganyan? bakit ganyan? lintik na ‗yan! ano ba ‗yan? hayop na ‗yan! ang mundo ba‘y estupido o ako ang naloloko? basta irespeto na lamang ninyo ang karapatan ko huwag lamang ang inyo anak kayo ng galunggong at kabayo! masarap iyapak ang hubad na paa June 22, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa magkakrus na mga kalye ng via pescara at via firenze mansiyon, tulad sa forbes at alabang-ayala mga bahay na naghilera parang dambuhalang kabaong walang laman pagngiti ng giniginaw na umaga naglakbay ang mga bangkay hinigop ng mga buntala idadahak, iluluwa pagpikit ng matamlay na dapithapon manlilisik malalaking bombilya magpuprusisyong pabalik nagliwaliw na mga bangkay

muling hihimlay sa kabaong na naghihintay! sa teritoryong iyon ng el diablo di ko masalat ang buhay nagkalat na parang layak buhay na tuwinang namamatay kahit muli‘t muling nabubuhay di makahalina sa ilong halimuyak ng pierre cardin o hugo boss at issey miyake gusto pa ring masinghot anghit sa kilikili ng manggagawa‘t magsasaka sa lupang dinilig ng dugo‘t luha ng dantaong magiting na pakikibaka di yakapin ang pandama masangsang na karanasan ng masa manapa‘y robot at plastik sa lansangan bumubulaga sa matang nilalanguyan ng sanlaksang mapapait na alaala! magneto ngayon ang hangin ng ipuipo buong lakas na binabatak paang naglagalag pabalik sa nilisang la tierra pobreza paang pinaglintos ng kuwerong sapatos sa pagtahak sa nagsalabat na kalsada mga lansangang walang simula‘t wakas di gaya ng estupidong buhay na tiyak na mamamatay… paang niluom ng hinulmang goma sa paglusong-ahon sa lupaing matatambok sa mga burol na mauumbok. masarap iyapak ngayon ang hubad na paa pagbalik sa la tierra pobreza sa malagkit na tiningkal ng naararong sangkal sa nagpuputik na pilapil sa kabukirang dinilig ng humagulhol na ulan

P a h i n a | 48

masarap isudsod sa mahamog na damuhan o sa sukal ng tubuhan masarap pa ring iyapak ang hubad na paa paglaruin sa langis at grasa isinuka, ibinuga ng mga makina sa mga pabrika masarap iyapak ang hubad na paa sa humihingang lansangan sa init ng katanghalian sa martsa ng mga protesta laban sa inhustisya‘t dusa masarap iyapak ang hubad na paa sa gubat at bundok sa nayon at lungsod sa lupaing luha‘y bumabalong sa lupaing dinidilig ng dugo itinitigis ng ugat ng mga mandirigma ng laya‘t ligaya para sa dinustang buhay ng masa oo, lagi‘t laging naroroon ang himagsik ng puso sa dibdib ng buhay oo, madarama ng hubad na paa nakaukit na testamento‘t muhon sa saganang minahan ng mga brilyanteng katotohanan! . Sa Pantalan Ng Havana, Isang Gabi Ng Panaginip June 10, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) isang gabi, napanaginipan ko sinisiil ng halik ng mga ulap naghihingalong buwan sa pantalan ng havana lahat magdamag na umiindak sa kadensa ng guiro

ng maracas at marimba sa salon rojo at la cecilia sa gato tuerto at la farandula nagliliyab ang mga katawan sa salsa, mambo at rumba himig ng son mula sa aprika sumisigid sa ilong halimuyak ng tabako ng vultabajo o pinar del rio thompson man o don pepin garcia arturo fuente man o vegas de fonseca hayok na sinisinghot hininga ng bawang, oregano‘t cumia sa paglalandi ng dila sa mga utong ng moros at pagsipsip sa katas ng ropa vieja nagliliwaliw, nababaliw ang utak ko sa espiritu ng rhum at cola gustong humimlay na sa el vedado sa saratoga man o melia cohiba. napanaginipan ko rin, opo namatay, inilibing din ang buwan paghikab ng nagmamadaling umaga sa pantalan ng havana mga barko‘y pumitada at bumulwak rumaragasang tubig ng alaala sa kasaysayang naligo sa dugo sa panahong umagas iyon sa obaryo ng tinawag na isla juana mula nang mayabang na dumaong sa pasigan ng baracoa krus ni columbus na kolonyalista naghari-harian sumulpot na criollos lubos nambusabos sa ngalan ng ginto at diyos inaliping ganap lantay na ciboney at taino pati nakakadenang mga aprikano kinubabawan ang lupang matambok nilamutak ang pisnging maburok

P a h i n a | 49

pinanggigilan dibdib na malusog hanggang masaid ang libog ng pusod. opo, napanaginipan ko isang dekadang paghihimagsik ng lahi ng mga carlos de cepedes kolonyalistang moog di agad nadurog apat na dantaong naghasik ng lungkot saglit, napilitang magkuta sa new york makabayang nagrebelde sosyalistang jose marti placenta ng layang ipinaglihi sa sto. domingo‘y sabik na nagbalik manipesto ng montecristi ay isinatitik pinaglagablab ang naipong ngitngit umangil ang punglo, machete‘y tumalim ngunit siya naman ang sinawing-palad dugo‘y idinilig, buhay inialay sa sagupaang walang puknat sa dos rios lupa‘y nagkulay-pulang parang gumamela sa daluyong ng rebolusyong sumiklab na. opo, napanaginipan ko rin, opo nang asul ang liwanag ng buwan sa pantalan ng havana biglang sumabog ang barkong u.s.s. maine nagliyab, naglagablab mahigit dalawandaang tripulanteng tulog katawa‘y natupok hininga‘y nalagot pakana diumano ng kolonyalista sulsol ng dambuhalang kapitalista para giyera‘y ideklara laban sa espanya tratado ng paris ang naging resulta cuba, guam at tierra pobreza ginawang kolonya cuba‘y pinalaya noong 1902 naging manyika naman ang mga machado grau at socarras naging diktador fulgencio batista nandambong, hinuthot ang cuba sinalaula ang hustisya ipinampunas sa tumbong at paa

soberanyang banal agad ibinenta milyong mamamaya‘y sinagad sa dusa. opo, napanaginipan ko rin, opo pagdaong ng granma habang umiindak tubo sa asyenda sakay ang walumpu‘t dalawa nang tambangan ng militar labindalawa ang natira nagkuta ang mga fidel castro camilo cienfuegos at che guevarra sa pico turquino sa malawak na sierra maestra pinaglagablab ang matanzas hanggang sta. clara ang camaguey hanggang oriente ang las villas hanggang las tunas hanggang mapasok ang havana tutop ang puwit na tumakas mga batista‘t kampon ni satanas! huling napanaginipan ko, opo nagliwanag ang pantalan ng havana nang itayo lipunang sosyalista ari-ariang pribado‘y binura sa mapa inatado naglalawakang asyenda isinakamay ng mga magsasaka dayuhang empresa‘t pabrika negosyong hawak ng imperyalista isinabansa‘t sosyalismo ang gumiya nagwala‘t nagdabog ang imperyalista look ng mga baboy, gustong masakop na ngunit di umurong, estado ng masa sa napabantog la batalla de giron di natinag si fidel hanggang ngayon di lumuhod sa santo ng imperyalismo kahit di makataong embargo sa diplomasya‘t komersiyo tinawag na operation mongoose ang sa cuba‘y iginapos. kailan naman daraong sa pantalan ng la tierra pobreza armada ng granma?

P a h i n a | 50

kailan dudurugin flotilla ni dewey roosevelt at obama? tugtog ng silindro‘t himig ng gitara ng laya‘t ligaya sa panaginip ko, sana‘y maghosana! Sa Jupiter, Mga Daga’y Nawawala June 8, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa jupiter, aywan ko, aywan ko kung kinulaba ang mga mata ko piniringan kaya ng susong nagluwa o binulag ng hitang bukaka? wala akong makita ni isa mang daga. nasaan ang mga daga? walang sumusungaw sa bintana walang gumagapang sa kusina walang tumatawid sa kalsada walang nakasubsob sa basura. nasaan ang mga daga? sa kanal man at imburnal walang kumikiwal-kiwal walang ulong nagdarasal walang paang nagkakalkal. nilason kaya sila ng mga kemikal tulad ng mandirigmang taliban sa kuweba ng afghanistan? o kinanyon ng mga tangke tulad ng gerilyerong iraqi sa modernong babyloniang sinakop ng mga yankee? nasaan ang mga daga? binomba kaya sila‘t nilitson ng napalm gaya ng bayani‘t magiting na vietcong sa ginahasang suso‘t puklo ng saigon? wala, wala akong makitang daga sa jupiter ngayon. o kasama silang naglakbay ni lot sa rumagasang balighong dantaon matapos gunawin gomorrah at sodom?

nagliwaliw kaya sila sa ibang planeta matapos isakay sa barko ni noah nginasab, nilamon ng mga buntala? sa jupiter, mga daga‘y nawawala nasa venus kaya, pluto at saturno o nasa lambak ng mars at merkuryo? pero bakit hahanapin pa? hintayin na lamang ang muling pagyapak paang naglagalag hintayin na lamang pagsiil ng halik paghigpit ng yakap sa musa ng dusa‘t bagabag sa tierra pobrezang luha‘y naglalatak… di na pipiringan ng susong nagluwa di na bubulagin ng hitang bukaka tiyak makikita, dagang naglipana sa nilisan kong patria adorada nagkukumahog, nagkakarera sa bangketa ng carriedo‘t avenida palikwad-likwad sa kanto‘t eskinita nagkakalkal sa nagkalat na basura naglulungga sa ilalim ng mga tulay namamaybay sa mabahong bituka ng tripa de gallina‘t canal de la reina o naglulublob sa langis at grasa dinidilaan granahe‘t makina o pasukut-sukot sa lahat ng pook ng damuhang nilulumot sa gubat ng inhustisya sa maisan, sa tubuhan, sa palayan sa asyendang sementeryo ng pag-asa! sa mga mansiyon at palasyo ng diyus-diyosang pusa‘t aso lahat sila‘y nagbabantay naghihintay, naglalaway dagang madadakma dugo‘y sisipsipin dagang mahuhuli lama‘y kakarnihin gugutay-gutayin ngangasab-ngasabin!

P a h i n a | 51

Sa Beranda Ng Mga Alaala June 5, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) naglalakbay ang maghapon at magdamag sa beranda ng mga alaala lumalangoy sa dagat ng kamalayan mga kuwadrong nanlilisik ang larawan eksena ng pelikulang nagdaraan sa telon ng balintataw binibiyak ang bungo ng kaisipan bakit ganyan? bakit ganyan? nagnaknak na larawa‘y gumigimbal sa mukha kong natulala‘y sumasampal sa dibdib kong sumisikdo‘y tumatambol sa dugo kong kumukulo‘y sumisipol? sa beranda ng mga alaala lagi‘t laging naroroon larawang singlungkot ng hubad na bangkay lansetang matalas sa aking kalamnan lilok sa utak ko ng tusong eskultor obra sa mata ko ng gahamang pintor mga lasog na katawan dugong nilalanggam sumabog na utak brasong buto‘t balat basurang nagkalat matang lumalim na pisnging humumpak na binting hinalas na paang maalipunga palad na naglintos pudpod na sapatos batang nakahiga sa mga bangketa batang nakayapak sa mga kalsada bunsong walang gatas inang umiiyak amang nagdarasal dampang nakaluhod sa mga bakuran bahay sa esterong gumagapang batis ng pawis sa noo‘t katawan butong lumagutok sa kasukasuan

abuhing tanawin sa katanghalian itim na pintura sa mukha ng buwan mga larawan kang ayaw humiwalay sa kamalayan kong laging naglalamay! bakit ganyan? bakit ganyan? sa giniginaw mang umaga o gabi ng mga ave maria sa beranda ng mga alaala lagi‘t laging nakabalandra ang mga larawang ayaw nang makita huwag, huwag na akong dalawin pa huwag, huwag nang itanghal sa mata mga retratong inulila ng ligaya mag-aalimpuyo ang dugo sa ugat magliliyab himaymay ng utak di gitara ang nais kalbitin ng daliring pinitpit ng dusa di kundiman ang nais awitin tinig na namaos sa laksang protesta! sa beranda ng mga alaala ibang larawan na, sana‘y maipinta ng mga pintor ng bagong hustisya sana‘y malilok na, moog ng ligaya sa dibdib ng lungsod sa burol at bundok sa tigang na bukid at lupang nabaog sa beranda ng mga alaala delubyo ang hinihintay daluyong ng dugo sa mga palasyo hagupit ng kidlat sa mga impakto lagablab ng apoy sa mga demonyo saka lamang, saka lamang matutupok, maglalaho sa beranda ng mga alaala ang mga larawang ayaw nang makita! Nasaan Ang Mga Gumamela? June 2, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)

P a h i n a | 52

nasaan ang mga gumamela? sa pader ng mga alaala gumagapang ngayo‘y cadena de amor masukal na bonggabilya nasaan ang mapupulang petalya kakulay ng dahak kung umaga ng inaliping manggagawa‘t magsasaka? kakulay ng dugong bumulwak sa dibdib buong lugod na idinilig ng mandirigma ng pag-ibig sa lupain ng pagsinta at pag-asa na binaog ng dusa‘t inhustisya! nasaan na ang mga gumamela? nasaan na? di na tuloy madampian ng palad bulaklak na namumukadkad di na madapuan ng isa mang alitaptap di na maitapal sa nagdurugong sugat di na masilayan ng langay-langayan o ng maya-kapra sa puno ng mangga tumakas na sa gunita mga aninong walang mukha mga puntod na walang pananda hinahanap kita sa gumagapang na kalsada sa pagtula ng bawat hamog sa paghikab ng umaga hinahanap kita sa hininga ng dapithapon sa paghagok ng karimlan sa maisan at palayan sa pag-indak ng talahib sa burol at kapatagan. nasaan ang mga gumamela? di ko kailangang mamalas korona ng matinik na rosas o kuwintas ng mga orkidyas sa hardin ng burgesyang inaamag… masangsang ang hininga ng sampagita nakapapaso ang lilim ng punong akasya kung naririnig ay laging plegarya!

nasaan ang mga gumamela? bulaklak ng utak na naglalagablab mapulang petalya ng laksang pangarap sulong umaalab sa dugong humilab nasaan na? saan kita makikita? sa singasing ba ng hanging marahas o alipato ng sigang nagliyab? sa halik ba ng mga alon sa isipan o daluhong ng ipuipo sa katawan? sa titig ba ng araw sa katanghalian o kindat ng alitaptap sa karimlan? sa paghihilamos ng dugo ng silangan sana‘y makita ko na sa lambak ng kaluluwa sa gilid ng pader ng mga alaala ang pamumukadkad ng mga bulaklak ng gumamela! inagpala Ang Aso Sa Jupiter May 29, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa jupiter, pinagpala ang mga aso kahit ang iba‘y mukhang estupido ang ilan ay masarap na estopado sa mundong planeta ng mga tao. mahal na mahal nila ang mga aso pinaliliguan, sinasabon, pinababango hinihimas, niyayakap, hinahalikan magdamag na kasiping sa higaan. sariwang gatas ang ipinaiinom makatas na karne ang ipinalalamon ipinapasyal tuwing umaga sa maaliwalas na parke‘t bangketa. pag-ihi‘y sinusubaybayan pagdumi‘y binabantayan pinupulot ibinuga ng puwit isisilid sa supot na plastik kung maaari‘y magiliw na sahurin utot, laway, tumutulong sipon. sa jupiter, pinagpala ang mga aso parang sinusuyong kalaguyo

P a h i n a | 53

pipisil-pisilin makinis na mukha lalo na ang dibdib at hita hihimasin ang singit pati puwit para manatiling masunurin at mabait. ganoon din ba nila kamahal mga tao ng aking planeta lalo na ang dayukdok na masa sa pinakasisintang la tierra pobreza? sa lupain kong inulila ng ligaya anong lungkot, anong pait di lamang aso ang pinapatay, kinakatay pati tao‘y inaatado, inaadobo sa marangyang kusina ng mga dorobo lalo‘t kalaban ng inhustisya lalo‘t nagmimithing mabago na ang lipunang mapagsamantala! sa jupiter, binasbasan ang mga aso ng mapagpalang grasya‘t milagro di gaya ng masang nalunod sa dusa sa sinisintang la tierra pobreza mga robot sa asyenda mga robot sa pabrika mga anak nagbubungkal ng basura mapalad na kung galunggong ilang subong kanin at bagoong ang lantakan ng pamilya sa maghapon. ano, mga nilikhang jupiteriano kami bang tao‘y mahal din ninyo tulad ng inyong mga aso? o baligtad ang utak ninyo ang silangan ay kanluran ang umaga‘y gabi naman ang puso‘y nasa bumbunan ang tao‘y robot lamang? ako po‘y simpleng tao lamang at simple din ang aking buhay hangad ko‘y hustisya sosyal lamang para sa masang sambayanan! o, taong nandayuhan sa jupiter huwag kang hangal, huwag kaming pagsabihan

mga pinuno ninyong kasapakat ng mayaman at gahaman ay amin ding mahal na mahal sila‘y amin ding mga aso sumisinta sa dikta nami‘t gusto ipagkanulo man kayo Magwawakas Din Ang Naghaharing-Uri May 27, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) demonyo! impakto! sa tierra pobreza, madudurog din, magwawakas din ang imperyo at pagiging diyos ng naghaharing-uri… sa sementeryong kabukiran at asyenda sa kabaong na pabrika at empresa sa morgeng simbahan at kapilya demonyo! impakto! santa maria, madre de dios… sa bawat pihit ng granahe sa bawat baon ng turnilyo sa bawat pakong minartilyo sa bawat nilagaring tabla at inihulmang bisagra sa bawat ibinuhos na semento sa bawat gusaling dinisenyo demonyo! impakto! naririnig ko ang langitngit ng mga ngipin ang singasing ng hininga at atungal ng binalumbong bituka naliligis tuloy ang utak ko sa oda ng dalita‘t dusa. diyos ama, diyos anak, diyosa espiritu santa… sa bawat kagat ng araro sa bukid na tinamnan sa bawat hagkis ng machete sa masukal na damuhan at malawak na tubuhan

P a h i n a | 54

sa bawat lupaing binungkal demonyo! impakto! por dios por santo… nakikita ko ang bumubukal na pawis sa noo at pagdausdos sa sentido ang paggapang sa dibdib at tiyan ang paglalandas sa gulugod at paglulundo sa kuyukot o, diyos ni abraham… agua benditang ihihilamos sa singit at bayag ng indio nabubutas tuloy ang puso ko sa ulos at taga ng pang-aabuso! demonyo! impakto! magwawakas din ang naghaharing-uri kuta ng pang-aalipi‘y mapupulbos din… sa di malipad-uwak na asyenda maninikluhod din ang mga don at donya hahagulhol din ang mga panginoon sa mga pabrika at empresa mamumulaklak din ang mga talahib sa dalisdis at talampas ng kabundukan sa tumana‘t sabana ng kapatagan sunugin man nang sunugin at abuhin parang phoenix na mabubuhay at muli‘t muling magbabanyuhay at sa lawiswis ng sumisikdong habagat muli‘t muling iindak ang puting bulaklak di mananatiling bulag ang mga alipin pagpitada ng rumaragasang umaga sa tierra pobreza demonyo! impakto! bibingihin ang mga diyus-diyosan ng lagunlong ng matinis na trumpeta at kalansing ng naputol na kadena! Tapos Na Ang Pista’t Karnabal May 18, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)

natapos na ilang araw na pista sa tierra pobreza pinagpahinga na sa simbahan mga santo at santa nalustay na multi-bilyong piso ng mga juan at juana kailan uli ang susunod na pista? giniba na tanghalan ng kahangalan ng ilusyon at kasinungalingan nagsara na beto-beto sa peryahan itinupi na telong asul ng karnabal hangal na mga payaso‘y wala na mala-tipaklong na sirkero‘y umalis na anino ng salamangkero‘y di na makita nasaan na ba sila? naglakbay ba sa ibang planeta? nagwakas na ang karnabal sa tierra pobreza tsubibo ng panghihilo‘y binaklas na usok na lamang apoy ng buladas naluoy na bulaklak ng palabas gabundok ngayon ang basura tinanggal na banderitas sa kalsada polyeto‘t kartolina sa plasa retratong dikit-dikit sa kuryente paskel na binakbak sa pader at poste kartelon at tarpulinang hinablot ng masa ginawang piring sa mata ng dinding ginawang trapal sa bintanang nakanganga naging palda ng barungbarong at dampa o naging salawal at panty kung katsa ng gusgusing mga hijo y hija de puta sa nakadipa‘t nagsalabat na eskinita. namalikmata bata-batalyong masa sa nagdaang pista sa tierra pobreza muling isinakay sa hangin ang pangarap pinalipad sa balumbon ng alapaap pilit na inahalik sa maputlang buwan at baka marinig na ng diyos ni abraham

P a h i n a | 55

kukumutan na kaya sila ng kaluwalhatian? ilang ulit na silang naglitanya tuwing pista sa tierra pobreza ilang ulit na silang lumunok ng ostiya nagrosaryo‘t nagnobena ilang ulit na silang sumawsaw sa agua bendita ilang ulit na silang naghosana para makalaya sa hirap at dusa. talagang ganyan sa tierra pobreza tuwing pista lamang sinusuyo‘t inaaliw ang masa huwag nang asahan ang laksang ligaya pagkatapos ng multi-bilyong pisong pista balik-pasada sa gubat ng mga kalsada kampon ng mga johnny pantera balik-banat buto manggagawa sa pabrika balik-araro sa bukid na di kanya hukbo ng mga magsasaka balik-hawan ng damo, balik-tabas ng tubo sa malawak na asyenda ang laksang sakada balik-sagwan sa dibdib ng dagat mangingisdang dilim at lamig ang yakap isang kilong bigas, isang latang sardinas listahan ng isang kilometrong utang iaalay sa pamilyang naghihintay. nasaan na ang mga payaso‘t sirkero‘t salamangkero matapos ang pista‘t karnabal sa tierra pobreza? nagdaraos naman sila ng sariling pista sa mansiyon ng saya‘t ligaya nagpapakalunod sa pawis at dugo ng masa nginangasab ang tiyan at dibdib ng bayan sa mesa ng pribilehiyo‘t kapangyarihan kailan naman kaya, o diyos ni abraham, aataduhin ang kanilang mga katawan ng mga biktima ng kanilang panlilinlang? kailan magdaraos ng sariling pista sa tierra pobreza mga alipin ng pagsasamantala? Kabayo ng Asendero April 28, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez

(Tula) tatlumpu‘t walong milyong piso presyo ng kabayo ng babaing anak ng asendero nuwebe pesos at singkuwenta sentimos pawis na idinilig ng sakada‘t magsasaka sa tubuhan at kabyawan ng asyenda nuwebe pesos at singkuwenta sentimos dugo ng brasong naging katas ng talatalaksang tubo sa asukarera sabi nga ni antonio jacinto ng angola: ―sa malawak na lupaing iyon ay bihirang umulan pawis ng aming noo ang nagdidilig sa tubuhan… sa malawak na lupaing iyon matataas na ang mga tubo dugo ng aming katawan ang katas ng mga tubong iyan.‖ nuwebe pesos at singkuwenta sentimos lamang iyon kada araw at milagrong maragdagan pa sa kabila ng nag-aalab na protesta. marinig pa kaya ng kanilang patron sa altar ng dusa ang laksang nobena? maulinigan pa kaya ng diyos ni abraham inusal nilang mga decenario para sa namayapang kapwa sakada na halos hangin lamang at dusa ang nagkarambola sa bituka? milyong ulit na rin silang nagrosaryo pero di narinig maging ng kabayo kyrie eleyson, kristi eleyson kristo pakinggan mo po kami diyos ama sa langit diyos anak na tumubos sa sanglibutan diyos espiritu santo santa maria santang birhen puno ng mga birhenes ina ng grasya ng diyos tone-toneladang asukal

P a h i n a | 56

nalilikha namin para sa asendero gabutil lamang ng hamog ang asukal ng namumutla naming tabo ng kape sa giniginaw at nananangis na umaga sinong diyos ang tatawagin pa maisabaw man lamang sa kanin at malasahan ng gilagid at dila pulot na espesyal na may gatas pa yata para sa kabayo ng babaing pinagpala? tatlumpu‘t walong milyong piso halaga ng kabayo ng babaing anak ng asendero kabayong tinuruang magilas na lumakad magmartsang parang heneral ng hukbo sintulin ng kotseng porsche at ferrari ng asendero kung tumakbo habang uugud-ugod sa tubuhan at kabyawan ang sakadang si pedro kabayong tinuruang lundagin hilera ng mataas na barandilya sa larong pangmilyonaryo‘t elitista equestrian ng mga nakapasak sa nakatatakam na puwit at mapang-akit na bungangang pinakikipot gintong tenidor, kutsara‘t kopita… sa takipsilim pag-uwi ng sakada halos gumagapang na kung umakyat sa nakadipa‘t mababali nang mga baytang ng binubukbok na hagdang kawayan… nakaluhod, nagdarasal ang dampang kugon sumisigaw utak ng sakadang si pedro paano pa nga ba siya mangangabayo sa bagong ligo sa posong bukid ng kasuyo? tatlumpu‘t walong milyong piso presyo ng kabayo ng babaing anak ng asendero kabayong kapag medyo matigas ang ulo umaalma‘t tinatamad sumunod sa amo agad na magiliw na hihimasin susuyui‘t hahalikan pati nguso kapag bahagyang bumahin-bahin

natutuliro‘t nagkukumahog ang beterinaryo kung anu-anong bitamina‘t gamot isasaksak agad at isusupalpal sa kabayo. nuwebe pesos at singkuwenta sentimos presyo ng sakada‘t magsasaka sa asyenda kapag umalma‘t nagprotesta dudukutin, bubugbugin, lalatiguhin kung minsa‘y pauulanan pa ng bala nang malagutan na ng hininga di maibili ng kahit ataul na palotsina… mabuhay man sa kadadasal ng mga kasama o sa paghihilamos ng agua bendita di naman makatikim ng kahit decolgen at aspirina… kyrie eleyson, kristi eleyson kristo pakinggan mo po kami diyos ama sa langit diyos anak na tumubos sa sanglibutan diyos espiritu santo santa maria santang birhen puno ng mga birhenes ina ng grasya ng diyos tubusin mo na po kami sa dusa iligtas mo po kami sa mga disgrasya nang di alayan ng decenario ng mga kasama… o, diyos ni abraham hahawakan na namin ang espada ni san miguel upang di tubuhan lamang ang tabasin at putulin kailan bubutasin ng punglo ang ulo ng tatlumpu‘t walong milyong pisong kabayo ng babaing anak ng asendero para ang espesyal na pulot naman nito isaksak sa lalamunan ng bunso at magliwaliw sa wakas sa bituka ng dayukdok naming pamilya? Rahima Jamal, 19 April 10, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)

P a h i n a | 57

kalansay na nakatingala sa langit ang punong kabalyero wala ang naglalagablab na mga bulaklak berde pa iyon noong enero pero ngayo‘y tinakasan ng mga dahon hinipan at itinaboy sa naninilaw na damuhan ng nilalagnat na marso at abril di na makikita ni rahima jamal ang muling paghihilamos ng dugo ng punong kabalyero di na maririnig ang musika ng dasal sa bawat takipsilim sa lupang binaog ng pambubusabos di na malalasap ang lamukot ng durian ang tamis-asim ng pinya‘t dalandan. tatlong buwan nang nasa morge sa ospital ng saif obaidullah sa ras al-khaimah ang bangkay ni rahima jamal labing-siyam na taong gulang nang lagutan ng buhay matapos alilain ni mohammad sala sultan labis na napinsala ang ulo namuo ang dugo sa nabasag na bungo di malaman kung binambo ng amo o ilang ulit na iniuntog sa semento dahil tumangging maging kabayo. tatlong buwan nang nasa morge sa ospital ng saif obaidullah sa ras al-khaimah ang bangkay ni rahima jamal di maiuwi sa mindanaw maiyakap man lamang sa kalansay ng punong kabalyero mabenditahan man lamang ng sampagita‘t ilang-ilang maalayan man lamang ng galyetas at biskotso bago ihatid sa huling hantungan sa gubat ng amarillo‘t cadena de amor ng makahiya, kugon at damong-ligaw.

nakahimlay pa rin sa morge si rahima mahimbing namang natutulog ang buratserong konsul na pilipino katalik sa pangarap ang birhen ng antipolo sa palasyo naman ng mga indio ngiting-aso ang unano nilalaro sa isip pagkapit-tuko sa puwesto sino ba si rahima jamal? alila lamang mula sa mindanaw di naman anak ng dugong bughaw o apo man lamang ng ―mararangal‖ sa gobyerno bakit pasasakitin ang bumbunan di man maiuwi ang kanyang bangkay? bumulwak sana ang habag sa puso ng emir ni sheik saqr bin mohammad al-qassimi baka siya na lamang ang pag-asa upang makauwi sa wakas si rahima sa tierra pobreza. ilan na ba ang rahima jamal na ikinalat na parang layak ng buhawi ng dalita‘t inhustisya nandayuhan saanmang sulok ng planeta makatakas lamang sa bartolina ng mga pangarap sa tierra pobreza? nagdurugo tuloy ang utak ko tuwing lumalangoy sa mga ugat nito ang lahat ng rahima jamal sa mundo nag-aalimpuyo tuloy ang sirit ng dugo tulad nang agasang walang humpay at mamatay si elham mahdi shuee ang dose anyos na dalagitang yemeni na sapilitang ipinakasal kahit bubot pa ang katawan at puri tatlong araw lamang, tatlong araw lamang makaraan ang marahas na pulot-gata sumabog ang kanyang bahay-bata inulila ng hininga sa ospital ng hajja mapalad si elham mahdi shuee kaysa banyagang mga rahima jamal di na kailangang iuwi pa sa yemen ang parang yelo niyang bangkay

P a h i n a | 58

kailan naman iuuwi ang embalsamadong mga rahima sa tierra pobreza? (Binasa ni Yuri Cipriano, bise-presidente ng Migrante-United Arab Emirates, noong Abril 16, 2010 sa kanilang pangkalahatang asamblea sa Samaya Hotel, Deira, Dubai, at inilathala sa espesyal na edisyon ng Dakilang Migrante, opisyal nilang peryodiko doon.) Hijo y Hija de Puta March 30, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) hijo y hija de puta, caramba! di pa tapos ang panahon ng mga padre salvi, damaso at camorra sa harap ng europeong mga santo at santa humahagulhol ang mga pia alba, juli at maria clara pahintulutang uminom ng pildoras ang mga hija tulad ng mga madre noong dekada sisenta sa giyera-patani sa dating belgian congo upang gahasain man ng mga sundalo di lumobo ang tiyan magkumot man ng abito pero por dios por santo, que barbaridad, caramba! di ka madre at hinulma lamang sa obaryo ni petrang kabayo, anak ng indio… ano ang birtud mo para hadlangang buntisin ka ng banal na espiritu? hija de puta! magagalit ang kabanal-banalang santo papa isusumpa ka ni monsignor sgreccia parang kababaihang kosovar noong dekada nubenta sa kasagsagan ng digmaan laban sa serbia hijo y hija de puta, caramba! huwag pigilan ang pagliliwaliw ng semilya bayaang maglambada sa bahay-bata ng ina hanggang umuha‘t wisikan ng agua bendita hijo de puta, huwag kang magkokondom hija de puta, huwag kang mag-IUD at pildoras ipahid na lamang sa sutana ang likidong pumiglas at tumagas sa puerta

at maglitanya ng sanlaksang rosaryo baka maging tiyanak pa sa kampanaryo at magtawag iyon ng milyong deboto. hijo y hija de puta, caramba! ayokong marinig ngayon sa inyo kundiman ng tagulaylay ng pagsuyo at lirika ng luha ng dalamhati‘t pagkabigo di ko kayang kulungin sa mga palad alon ng karalitaan sa bukid at kanayunan o ang ipuipo ng dusa sa bayan at kalunsuran huwag isampal sa akin ang maputlang buwan o bulagin ako ng bilyong bituin hijo y hija de puta, caramba! kumutan na lamang ng amihan ang buo kong katawan habang naglalamay sa karimlan. hijo y hija de puta, caramba! ayokong marinig ang koro ng ave maria sa pulpito at sakristiya iparinig na lamang sa akin ang kadensa ng martsa ng laksa-laksang mga paa sa sementadong lansangan ng mendiola iparinig sa akin ang singasing ng pulbura sagitsit ng mga punglo at himno ng mga bomba kaluluwa ko‘y matagal nang nakabartolina nagdurugo sa latigo ng inhustisya‘t pagsasamantala alipin pa rin tayo, hijo y hija de puta ng mga padre salvi, damaso at camorra unggoy pa rin tayo, hijo y hija de puta ng mga taft at harrison at obama busabos pa rin tayo, hijo y hija de puta ng mga diyus-diyosan sa hacienda ng mga panginoon sa pabrika at empresa nakabilanggo pa rin tayo, hijo y hija de puta sa bawat kuta ng uring mapagsamantala! hijo y hija de puta sa pamumulaklak ng mga talahib sa kaparangan at nagsalikop na sabana halina, halika… hijo y hija de puta… caramba! kasama ng malayang mga langay-langayan kawit-bisig, magkayakap-diwa nating tatahakin

P a h i n a | 59

sa mahamog mang umaga o pusikit na karimlan sa alimpuyo ng dugo at lagablab ng apoy sa saliw ng musika ng kulog at kidlat lansangan ng ating katubusan at ligaya! Nasaan Si Svetlana Taraskova? March 23, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) Wala na ang Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria wala na ang halimuyak ng mainit na tsaang vanilla wala na ang mesitang naisusulat ko‘y mga linya ng pangungulila at pakikibaka wala na ang siniserang himlayan ng naupos kong mga sigarilyo wala na malaking kuwadro ng ipinintang eksena ng Rebolusyong Bolshevik sa Rusya wala na ang kalantog ng kopita ng vodka nasaan na kaya si Svetlana Taraskova? nasaan na kaya ang malalim niyang mga mata na nilalanguyan ng matulaing mga alaala ng parang bulak na dagat ng niyebe sa mga lansangan ng Moscow doon pinagulong na parang piso pinutol na ulo ng kanyang Lolo ng berdugong sundalo ng mga Romanov sa paglalagablab ng apoy ng paglaya sa maunos at kumikidlat na panahon ng mga Tsar Nicholas at Tsarina Alexandra? Wala na ang Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria pero naroroon pa rin tindahan ng mga traje de boda isa kaya sa mga iyon isinuot na ni Svetlana Taraskova?

o nagbalik siya sa Rusya dahil ayaw palamon sa bituka ng Amerika? di gaya ng maraming Juan at Juana na kulturang Amerikano na at waring di na maalaala kabundukan ng Cordillera kabukiran ng Bulakan at Nueva Ecija karagatan ng Batanes at Sulu at lalong banyaga sa alaala mga Andres Bonifacio mga Lorena Barros o Tanya Domingo o iba pang buhay ay inialay para sariling bansa‘y magbanyuhay at maghari demokrasyang tunay at lantay na hustisya sosyal. Wala na ang Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria nasaan na si Svetlana Taraskova? Sa maraming umagang sinasamyo ko halimuyak ng tsaang vanilla ilang ulit kong narinig sa kanya maalab na pagmamahal at pangungulila sa bansang himlayan ng sanlaksang alaala pinalangoy niya rin sa aking tsaa sa loob ng maraming mahalumigmig na umaga sina Vladimir Ilyich Ulyanov o Lenin at ibang nakaukit na bayani ng Rebolusyong Bolshevik ng Rusya isinaysay mga buhay at obra ng dakilang mga manunulat ng lupang sinilangan mga Tolstoi at Gorky at Dostoevsky mga Chekov at Pasternak at Turgenev di gaya ng mga Juan at Juana doon na walang kilala kundi sina Cristeta at mga sikat na artista sa pelikula gayundin mga nabuntis na o tinorotot ng asawa. Nasaan na si Svetlana Taraskova? kapiling kaya siya ng mga Pancho Villa at Emiliano Zapata

P a h i n a | 60

o katalik nina Simon Bolivar at Che Guevara? o kasamang naglalakbay nina Goyo del Pilar at Jacinto o nakikipagpiging kina Ho Chi Minh at Mao? Wala na ang Russian Tea House sa gilid ng Glendale Galleria pero naroroon pa rin tindahan ng mga traje de boda dumadaluhong sa gunita si La Gloria at malinaw kong nakita sa balintataw naghihimagsik mukha ni Svetlana Taraskova nasaan na nga ba siya? Sa Bayan Ni Juan February 12, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) sa bayan ni juan mortal na kasalanan ang maging makabayan baka pulutin ka sa kangkungan o saanmang basurahan lasug-lasog ang katawan utak at mukha‘y pinagpipistahan ng mga langaw at langgam baka di ka na rin makita kailanman kapag isinilid sa dram sementuhan at ipalamon sa pusod ng karagatan. sa bayan ni juan… pakatandaan huwag kang magsasabi ng katotohanan basta paniwalaang umuunlad ang kabuhayan kahit lugaw at asin ang nagliliwaliw sa bituka ng maraming mamamayan dumarami man nagkakalkal ng basura para magkalaman ang tiyan milyun-milyon man damit ay basahan bata-batalyon man palaboy sa lansangan mga parke‘t damuhan man ang himlayan o nagtitiis paalipin sa banyagang bayan basta isiping mahalimuyak ang buhay sa bawat pagsikat ng araw sa bayan ni juan ugaliing itaas ang mga kamay

maghosana sa kaitaasan maghaleluya sa mga diyus-diyosan laging may glorya daw sa bayan ni juan. sa bayan ni juan huwag mong isasaysay sa sambayanan hokus pokus at kahiwagaan ng kung anu-anong pandarambong sa pondo ng bayan huwag palalabasin sa lalamunan inhustisya‘t kasuwapangan ng iilang hari-harian sa lipunan baka dila mo‘y hiwain mga ngipi‘y lagariin pati mata ay dukitin iturnilyo mga labi‘t pasabugin. . sa bayan ni juan huwag na huwag makipagkaisa sa mapagpalayang adhikain ng manggagawa‘t magsasaka huwag makipagtaling-pusod sa masa sa uring alipin at ibinartolina ng balintunang sistema huwag kang sasama sa kanilang sagad-langit na protesta laban sa uring mapagsamantala babansagan kang subersibo‘t terorista banta sa seguridad ng republika. sa bayan ni juan malupit mga senturyon ng unano kaya huwag matigas ang ulo kapag dinampot ka‘t pinalad na ikalaboso at hindi naging desaparecido bababuyin ka ng mga utak-kurtado paaaminin kang rebelde laban sa estado ingungudngod ang mukha mo sa mataeng inodoro hubo‘t hubad kang pahihigain sa bloke ng yelo pipilitin kang uminom nang uminom ng tubig na naninilaw sa mikrobyo

P a h i n a | 61

hanggang pumintog nang pumintog ang tiyan mo saka biglang tatadyakan ng demonyo di ka titigilan kapag di umaamin sa nilubid na mga kasalanan bayag mo‘y kukuryentihin isasaksak sa titi mo bagong sinding palito ng posporo o bibigtihin ng kuwerdas ng gitara lupaypay na ulo nito o diyos ni abraham malilibog ang senturyon ng unano kung babae kang isinalampak sa kalaboso lalaruin ang suso‘t kiki mo saka kakabayuhin ka nang husto matapos laspagin ang puri mo at hingal-aso ang berdugo iiwan pang nakapasak sa ari mo anumang boteng nakatuwaan nito. talagang ganyan sa bayan ni juan dinuduhagi‘t sinisikil ang mga makabayan ipinagkakait ang demokratikong proseso mapapalad lamang ang basalyos ng unano at kauri nilang salabusab at tuso mga payaso‘t sirkero mga batikang salamangkero nilalaklak nila ang dugo ng bayan nilalamon ang laman ng mamamayan sa paulit-ulit na pagtatanghal sa karnabal ng kasinungalingan isasakay sa ruweda ng panlilinlang hinihilong masang sambayanan iduruyan sa ilusyon ng huwad na kaunlaran at doble-karang katarungan talagang ganyan sa bayan ni juan ang taksil sa pambansang kapakanan at interes ng kumain-diling mamamayan silang mga tulisan sa kalunsuran silang nagpipista sa mesa ng kawalang-hiyaan may lakas ng loob pang mangalandakan na sila‘y lantay na makabayan.

sa bayan ni juan… talagang ganyan mortal na kasalanan ng masang sambayanan ang maging makabayan at maghayag ng sagradong katotohanan pero di habang panahong laging ganyan sa bayan ni juan naglalagablab na ang liwanag sa silangan bumabangon na sa dilim ng nagdaang gabi ang mga alipin upang sa wakas mga sarili‘y palayain! Mula Kay Tanya January 25, 2010 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)*** salamat sa mga oda sa halimuyak ng bungkos ng mga salita salamat sa pumpon ng mga bulaklak ng pangungulila at pakikiisa ng mga fudge tajar at kislap alitaptap ng mga kapusod sa hilahil at dusa ng masa ng mga kadugo sa pakikibaka. salamat mga kasama huwag ikalungkot ang aking paglisan hindi ako nawawala madarama ninyo ang labi ko sa halik ng hangin sa inyong mukha maririnig ninyo ang tinig ko sa dagundong ng mga protesta sa mga lansangan at eskinita laban sa inuuod na sistema. hindi ako nawawala mga kasama huwag itangis ang pagkakalayo sa batis ng mapagpalayang mga layunin mukha ko‘y masasalamin sa bawat pintig ng puso ng mga inalila sa bukid man sa kanayunan o pabrika sa kalunsuran pag-ibig ko‘y madarama sa kalyo sa palad ng manggagawa ako‘y masasalat

P a h i n a | 62

sa anghit sa kilikili ng magsasaka ako‘y malalanghap. lagi‘t lagi akong naririyan sa dibdib ng mga kapanalig sa pakikibaka kasama akong umiindak ng mga talahib na namumulaklak kasama ako ng mga hamog sa damuhan kasama ako ng bawat uhay ng palay kasama ako ng langay-langayan kasama ako sa paglalamay ng nagkakaisang hanay kahit alitaptap ang tanging ilaw sa pusikit na karimlan. magkasama pa rin tayo mga kasama alalahaning di nasasayang ang anumang buhay sa masang sambayana‘y inialay huwag bayaang tupukin ng kidlat ang ating pagmamahal sa bayang dibdib nati‘t tiyan angkinin man ng lupa ang ating laman dugo tayong di titigil sa pananalaytay sa bawat ugat ng paghihimagsik sa inhustisya‘t kabusabusan diwa tayong patuloy na maglalakbay para mapairal ang hustisya sosyal diwa tayong patuloy na kakampay upang bansa‘y magbanyuhay. salamat sa mga oda mga kasama salamat sa mahalimuyak na pag-alaala salamat sa kamanyang ng pagpapahalaga magkalayo man ang ating mga katawan magkakaugnay pa rin ang ating mga ugat magkadugo‘t nagkakaisang-diwa sa paglalagablab ng apoy ng paglaya! ***(pinalitaw ko po lamang na si tanya ang nagsasalita sa tulang ito kahit pumanaw na siya) Ayoko Nang Makita Ang Mga Putang’na! December 26, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)

sana‘y di na magsalubong ang aming landas sa bangketa man ng raon at avenida lalo na sa lansangan ng protesta at liwasan ng progresibong mga ideya sana‘y di na muling magkasalo sa mesa ng ideolohiya at pag-usapan pa ang pambansang katubusan o dignidad ng masang sambayanan ayoko nang makita ang mga putang‘na! ayoko na silang makita silang matapang na mandirigma sa panahon ng diktadura silang nangalandakan ng pagkalinga sa masa silang pambansang pagbabago ang ninasa silang noo‘y nakibaka pero ngayong makaamoy ng limpak-limpak na kuwarta lahat-lahat ay ibinasura naging tagapagtaguyod pa ng inhustisya‘t pagsasamantala sa balintuna‘t inuuod na sistema arogante na kung magsiporma kala‘y mundo‘y kanila na gayong lalamunin din sila ng lupa o sa krematoryo‘y gawing abo na. ayoko nang makita ang mga putang‘na ano pa ang karapatan nila kundi bolahin na lamang ang masa? magkunwaring may paninindigan pa umastang prinsipyo‘y di lumuluhod sa pera? ang mga putang‘na ngayo‘y mandurugas pa tindero ng kasinungalingan sa palengke ng lipunan para makapanlinlang sa busabos na masang sambayanan bentador pa ng pambansang kapakanan sa pasilyo ng kapangyarihan magkamal lamang ng grasya‘t yaman kahit mabuhay sa kahihiyan.

P a h i n a | 63

ayoko nang makita ang mga putang‘na baka tumalim ang dila biyakin mga dibdib nila‘t tiyan tadtarin ang atay at puso paluwain ang bituka dukitin ang mga mata putulin ang mga kamay at paa ataduhin ang mga bangkay ipataba sa palay o isabog sa lupang binaog ng mga alagad ng pambubusabos. ayoko na silang makita, ayoko na… maglalagablab lamang ang utak susulak ang dugo sa mga ugat babaligtad ang sikmura sa alingasaw ng katawan nila di ko sila matatagalang pagmasdan o kahit sulyapan man lamang mga huwad na makabayan mga kampon ng kasakiman mga manlilinlang kuwarta lamang pala ang katapat ng kanilang yabang at paninindigan. ayoko nang makita ang mga putang‘na lalamunin din sila ng lupa o sa krematoryo‘y maging abo na magbabanyuhay pa rin ang pag-asa ng masa sa patuloy na pakikibaka hanggang lipuna‘y mabago na mapairal tunay na hustisya‘t demokrasya mapupulbos din ang uring mapagsamantala ang mga putang‘na! Sa Napakaingat Na Makata August 21, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula — handog ni John Carey sa mga makatang ayaw makisangkot sa lipunan at takot magpalaganap ng katotohanan laban sa inhustisya at pagsasamantala ng iilang diyus-diyosan)

maaari mong isulat ang iyong mga tula sa kurtinang venetian saglit na ipakita-itago sa mundo. balang araw makikita ka mula sa lansangan ng mga lalaking may mga baril at mantekilya, magkukumahog silang aakyat sa hagdan tungo sa iyong silid, bibigtihin ka ng kordon ng iyong kaingatan. pagkatapos, pupurihin ka bilang isang malagim na henyo hahangaan ng iyong mambabasa ang iyong mga tula habang nakabitin ang iyong bangkay sa likod ng kurtinang venetian. Nailibing Na Si Tita Cory August 7, 2009 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala dating presidente ng republika dating asendera ng hacienda luisita asawa ni ninoy na may monumento sa ayala dahil lumaban sa diktadura hanggang patayin ng mga pasista. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala ina diumano ng demokrasya tagapagtanggol ng hustisya ina rin ng artistang si cristeta at amiga ng mga madyungera sa mansiyon ng saya‘t ligaya. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala sa ospital noon pa man umalingawngaw mga dasal

P a h i n a | 64

pumailanlang mga misa tinutukan ng kamera mayayaman at elitista sa mga simbahan at kapilya dumagundong kabi-kabilang nobena ng mga banal at santo santita ―diyos naming mahabagin, buhay ng aming tita‘y pahabain.‖ nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala matapos bumaha ng mga bulaklak sa katedral ng maynila matapos ulanin ng papuri, ng paghanga‘t pagdakila ng kung sinu-sinong nalawitan niya ng grasya sa mabulaklak niyang paglalakbay sa lupa mga alaala‘y madamdamin ngang sinariwa at nangalaglag mga talulot ng luha sumabog sa maamo‘t mabangong mukha ng mga babaing kutis porselana at may tapalodong sutla rin yata mulang puklo hanggang balakang mulang dibdib hanggang baywang may mga daliring hubog-kandila na mahihiyang isawsaw sa suka o ilamas sa maputik na lupa ―o diyos na mahabagin kaluluwa ng aming tita‘y kalingain.‖ nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala di nga nahiyang sumilip sa kanyang bangkay sa mamahaling kabaong sa katedral maging doble-karang mga nilalang na pawang mukhang banal habang gumigiling ang kamera sa mukha nila‘t katawan tumitig din at nakiramay maging mga sagad-buto ang kawalang-hiyaan laban sa pambansang kapakanan nakamaskarang nakidalamhati sa pamilyang namatayan ―o diyos na maawain kaluluwa ng tita nami‘y pagpalain.‖

nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala sa kahabaan ng lansangan hanggang sa huling hantungan inihatid siya ng tanaw ng nagtiis sa ulanan at arawan na masang sambayanan silang noo‘y dumagsa sa edsa para suportahan ang mga bida silang iniwan ang mga labada silang tumakas sa pabrika silang hindi pumasada silang mangingisda‘t magsasaka silang estudyante‘t intelektuwal na nakialam sa lipuna‘t pulitika silang alipin ng burukrasya na pawang nagsakripisyo sa edsa wakasan lamang ang diktadura. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala hanggang ngayo‘y sinusuob siya ng insenso at kamanyang ng papuri at paghanga‘t pagdakila siyang mahinhin at relihiyosa na laging lumulunok noon ng ostiya siyang matulungin at mapagkumbaba siyang mapagpatawad at mapagkalinga siyang batbat ng kabanalan bawat salita sabi tuloy ng mga hunyango pambansang bayani siya sabi ng mga ipokrito‘t ipokrita karapatdapat na santa siya pero sabi ng makatang sumulat ng Gera paano ang mga magsasakang minasaker sa mendiola? paano ang mga napatay sa hacienda luisita? paano rin ang mga magsasaka sa hacienda san antonio sa isabela? paano ang mga isneg sa dumalneg? paano ang mga taga-lupao sa nueva ecija? paano ang mga katutubo sa marag at paco valley? paano rin ang ora pro nobis ni lino brocka?

P a h i n a | 65

paano, higit sa lahat, ang bilyun-bilyong dolyar na pambansang utang na maaari sanang di na bayaran nang itatag niya rebolusyonaryong pamahalaan? ―o diyos na mahabagin, kaluluwa ng aming tita‘y patawarin.‖ nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala mula noon hanggang ngayon sa kabila ng ibinandilang diwa ng edsa nakatunganga‘t dayukdok ang masa nilulunod sa ilusyon ng pag-asa ng iilang hari-harian sa ekonomiya‘t pulitika tuloy ang laban… tuloy ang laban… sigaw maging ng mapagkunwaring mga elitista at tagapagtaguyod ng burges na demokrasya tuloy ang laban hanggang makalaya ang masa sa kabusabusan at inhustisya tuloy ang laban hanggang mapatid ang tanikala ng pang-aalipin at pagsasamantala tuloy ang laban hanggang mapairal ang lantay na hustisya sosyal tuloy ang laban hanggang maghari ang lipunang makatao makabayan, maunlad, progresibo at tunay na demokratiko. nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala ―o diyos na mahabagin, kami naman ang iyong pagpalain.‖ sa bawat madulang eksena kaming masa‘y laging mga ekstra walang mukha ni pangalan mga anino sa karimlan at basura ng mga bida pagkatapos ng pelikula sila ang laging pinagpapala kaming masa ang laging kaawaawa ―o diyos ni abraham, talaga bang mapapalad ang maralita at kukumutan sila ng grasya‘t kaluwalhatian sa paraiso mo sa kalangitan? at di bale nang magpasasa sa lupa ang mayayaman mong nilikha

kahit pawis at dugo at laman ng masang sambayanan ang kanilang pinagpipistahan sa mesa ng grasya at kapangyarihan?‖ nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala tuloy pa rin ang laban… tuloy… kahit kaming masang sambayanan araw-araw nang dinarahas at inililibing sa inhustisya‘t kaalipinan sa gutom at karalitaan sa dusa‘t kapighatian habang magarbong nagsasayaw mga diyus-diyosan sa lipunan at masigabong kumakalembang kampana ng bawat simbahan! nailibing na si tita cory sa sementeryo ng mga pinagpala. Hacienda Magdalena August 23, 2008 by (Tula) (Pasintabi sa mga linya ni Antonio Jacinto ng Angola, Timog Aprika) 1. sa malawak na lupaing iyon ay bihirang umulan pawis ng aming noo ang nagdidilig sa tubuhan. sa malawak na lupaing iyon matataas na ang mga tubo dugo ng aming katawan ang katas ng mga tubong iyon. masdan mo: puputulin na ang mga tubo dudurugin at gigilingin hanggang maging kayumanggi sintingkad na kayumanggi ng mga sakada. 2. tanungin mo ang nagliliparang ibon ang nagluluksuhang agos at malakas na hangin sa kaparangan: sino ang gumigising

P a h i n a | 66

bago magbukang-liwayway? sino ang nagbabanat ng buto hanggang halos sumuka ng dugo? sino ang mga kamay sa paggapas ang sapin-sapin ang kalyo at pilat? sino ang sunog ang balat ng braso‘t mukha sa tindi ng sikat ng araw? sino? 3. sino ang nag-aalaga sa mga tubo sa mga palayan at manggahan? sino? at ano lamang ang kabayaran: alipusta at paghamak panis na lugaw kapirasong galunggong damit na basahan singkuwenta pesos at gulping katakut-takot kapag umangal at nagdabog! 4. sino ang nagkakandakuba sa trabaho may maibili lamang ng kotse mansiyon at babae ang asendero at makapagliwaliw pa sa hongkong, amerika at europa? sino? sino ang nagpapayaman sa mga dayuhan ang nagpapalaki sa malabutete nilang tiyan? sino ang tagaktak ang pawis habang nagkakamot lamang ng bayag ang puting dayuhan? 5. tanungin mo ang nagliliparang ibon ang nagluluksuhang agos at malakas na hangin sa kaparangan… sino? at sila‘y sasagot: putang-ina n‘yoooooooooo hacienda magdalena! nababanaagan na namin ang isang madugong bukang-liwayway!

(Tula) TULAD MO June 18, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez Tulad mo minamahal ko ang pag-ibig, buhay, at halimuyak ng mga bagay, ang bughaw na tanawin ng mga araw ng Enero. At sumisilakbo ang aking dugo tumatawa ako sa pamamagitan ng mga matang nakakilala sa mga usbong ng luha. Naniniwala akong maganda ang daigdig at ang tula, tulad ng tinapay, ay para sa lahat. At hindi nagwawakas ang aking mga ugat sa aking katawan lamang kundi sa nagkakaisang dugo ng mga nakikibaka para sa buhay, pagmamahal, mabubuting mga bagay, tanawin at tinapay, ang tula ng bawat isa. (salin kay Roque Dalton) Merry Christmas, Amerika April 17, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula) hanapin mo ang pasko, amerika sa puso ng isang puting kabayong sinasakyan ni kristo ang pasko, amerika, ay wala sa naglalaway na bunganga ng isang lobo. amerika, amerika, huwag mo nang gahasain ang vietnam huwag mo nang sipsipin ang kanyang suso nagnanaknak pa ang kanyang mga sugat at di pa natutuyo ang mga bakas ng dugong likha

P a h i n a | 67

ng iyong mga pangil sa kanyang tiyan amerika, amerika, sa bawat dapithapon naririnig ko ang kanyang panambitan tumatangis ang mga bulaklak ng vietnam sa pananawagan bumabangon si ho chi minh sa kanyang libingan. amerika, amerika, huwag mo nang kubabawan ang amerika latina nagdarasal ang guatemala at sa bolivia nagmumulto pa ang kaluluwa ni che guevarra huwag mo na ring tangkaing sipingan pa ang cuba ang balbas ni fidel castro ay puno ng mga alipato habang supa-supa niya ang kanyang malaki at nagbabagang tabako. amerika, amerika, matagal mo nang hinihindot ang aprika maawa ka ang kanyang itim at kulot na kulot na bulbol ay huwag mong gawing peluka ng iyong mga aso alalahanin mo, amerika, sa kagubatan ng aprika naglalamay ang mga buhay na kalansay at dumaramba ang nagdurugong anino ng isang patrice lumumba. amerika, amerika, amerika, ang bayan ko‘y matagal nang nagdurusa sa kanyang kandugan nagpapaligaya ka, amerika, putang ‗na, amerika, huwag mong gawing unan ng iyong mga alila ang kanyang kayumangging hita kabahan ka, amerika, sa mga kabundukan at kabukiran naglalamay ang mga bonifacio, aguinaldo, sakay, del pilar at asedillo nagdaraos sila ng sariling kulto binabalaan kita, amerika,

wakas mo‘y malapit na ihanda mo ang iyong kabaong at ililibing ka namin sa impiyerno. amerika, amerika, wala ang pasko sa naglalaway na bunganga ng isang lobo hanapin mo ang pasko, amerika, sa puso ng puting kabayong sinasakyan ni kristo tumatangis sina racquel at magdalena habang nag-uunahan ang mga bolang apoy tungo sa iyong mauseleo. PILIPINO FREE PRESS, Dis. 16, 1970 Sa Mga Intelektuwal Na Walang Pakialam Sa Pulitika April 15, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula — mula kay Otto Rene Castillo) Isang araw, ang mga intelektuwal na walang pakialam sa pulitika ng aking bansa ay uuriratin ng masa ng aming sambayanan. Tatanungin sila kung ano ang ginawa nila nang ang bansa‘y dahan-dahang naghihingalo tulad ng mahalimuyak na apoy munti at nag-iisa. Walang sinumang magtatanong tungkol sa kanilang mga damit mahahabang siesta makapananghalian walang sinumang magnanais malaman tungkol sa mga inutil nilang pakikihamok sa ―ideya ng kawalan‖ walang sinumang magpapahalaga sa kanilang higit na mataas na pinag-aralang pinansiyal. Hindi sila tatanungin tungkol sa mitolohiyang Griyego o tungkol sa pagkamuhi sa sarili kapag sa ubod ng kanilang sarili‘y

P a h i n a | 68

may nagsisimulang mamatay dahil sa karuwagan. Walang itatanong sa kanila tungkol sa walang saysay na mga pangangatwiran na iniluwal sa anino ng ganap na kasinungalingan. Sa araw na iyon darating ang karaniwang mga tao iyong di nagkaroon ng puwang sa mga aklat ng mga tula ng mga intelektuwal na walang pakialam sa pulitika, ngunit iyong araw-araw na nagsipaghatid ng kanilang tinapay at gatas, ng mga tortilla at itlog iyong nagsulsi ng kanilang mga damit iyong nagsipagmaneho ng kanilang mga kotse iyong nagtrabaho para sa kanila at itatanong nila: ―Ano ang ginawa ninyo nang magdusa ang mga maralita nang natupok sa sarili nila ang pagkamasuyo at buhay?‖ Mga intelektuwal na walang pakialam sa pulitika ng aking mahalimuyak na bansa hindi kayo makasasagot lalamunin ng buwitre ng katahimikan ang inyong bituka ngangatngatin ng inyong sariling pagdurusa ang inyong kaluluwa at mapipipi kayo dahil sa kahihiyan.

ISANG MAGDAMAG NG KAWALANG HANGGAN April 13, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (tula) lorena barros… sa bitak ng iyong utak, nakawakawak ang inuuod na bangkay ng paganismo habang sa iyong mga mata nagniningas ang kandila ng rebolusyon dumating ka sa isang yungib sa disyerto taglay ang ilaw ng madaling-araw habang ang nagiginaw na mga anino sa dilim ay naghahabulan tungo sa kamatayan. sa isang magdamag ng kawalanghanggan halikan mo, lorena, ang mga sikmurang nilalangaw dinggin mo ang sigaw ng batingaw habang nagbabanyuhay sa aking paanan ang ilang mumong kanin at inaamag na tinapay rebolusyon, lorena, rebolusyon ang parang itak na susugat sa mga manhid na utak. sa aking yungib sa disyerto, lorena, dumating akong nag-iisa at ulila akong lilisan sa pasigan ng kaluluwa sa isang magdamag ng kawalanghanggan. PILIPINO FREE PRESS, Nob. 19, 1969 DUGO ANG INILULUHA NG MGA BULAKLAK April 4, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez namumulaklak na ang cadena de amor

(Salin kay Otto Rene Castillo)

R

sa lapidang lata ni ka pedrong magsasaka na pumanaw na ang plema‘y kasing pula ng gumamela sa bawat pagdahak kung umaga kulubot ang mukha‘t maalipunga ang paa.

P a h i n a | 69

ilang gabi rin siyang pinaglamayan ng mga alitaptap sa punong akasya tinangisan ng uugud-ugod na kalabaw sa ugat ng punong mangga inalayan siya ng kapeng barako, ng galyetas at biskotso beninditahan ng sampagita‘t ilang-ilang at ng mga luha ng kandila ng kaalipinan. kupasing pantalong maong polong pinaglaruan ng panahon at mga alaala ng abuhing kahapon ang kasama niyang ibinaon sa piling ng itim na daigdig ng palotsinang kabaong. nakaluhod ngayon ang araro sa silong ng bahay-kubo nagdarasal sa pilapil ang talahib at amorseko sa tarundon at tumana ay nalugmok ang pag-asa sa pagyao ni ka pedrong magsasaka agunyas sa karimlan ang awit ng mga maya hininga ng dapithapo‘y kasing sangsang ng pulbura mga buhay na kalansay sa bukiri‘y naglipana mga nota ng araro hinihimig ay plegarya. dugo ang iniluluha ng mga bulaklak sa bawat paghibik ng buong magdamag sa mga bukiring adhika‘y naglatak kalian itititik ng talim ng tabak sa dibdib ng lupa ang laying mailap? kalian aanihin ng lingkaw at karit ang laksang pangarap upang di dugo ang siyang iluha ng mga bulaklak? matagal nang naglalaba‘t naglalampaso ang anak na dalaga ni ka pedro sa mansiyon ng propiyetaryo! SUNDAY INQUIRER, Mayo 14, 1989
View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF