Mga Tula Ng Panahon Ng Mga Amerikano

July 30, 2017 | Author: John Christopher Cadiao | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Mga Tula Ng Panahon Ng Mga Amerikano...

Description

Danica Joy G. Collarga 2nd Year – Ipil - Ipil

Bb. Maunahan June 18, 2012

Kabayanihan ni Lope K. Santos

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod na walang paupa sa hirap at pagod; minsang sa anyaya, minsang kusang-loob, pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos. Natatalastas mong sa iyong pananim iba ang aani’t iba ang kakain; datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw ang magpakasakit nang sa iba dahil. Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay… pinupuhunan mo at iniaalay, kapagka ibig mong sa kaalipinan ay makatubos ka ng aliping bayan. Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha, sa turo mo’y naging mulat ang mulala, tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t ang kamatayan mo ay buhay ng madla. Tikis na nga lamang na ang mga tao’y mapagwalang-turing sa mga tulong mo; ang kadalasan pang iganti sa iyo ay ang pagkalimot, kung di paglililo

Danica Joy G. Collarga 2nd Year – Ipil - Ipil

Bb. Maunahan June 18, 2012

Buhay ni Amado V. Hernandez

Ang mundo ay lipos ng kababalaghan, ang buhay ay ilog na galing kung saan, malayo ang puno kaysa katapusan. Ang buhay ay tila isang paru-paro na ang hinahanap ay sariwang bango, sa kabanguhan din laging nalalango. Munting alitaptap ang nakakahambing, ilaw na malamlam ang baon sa dilim, at tinatanglawan ang sariling libing. Wari’y saranggolang pagkatayug-tayog, ngunit sa bahagyang tantang ay sumubsob at sa pusalian tuluyang nahulog. Kawangis ng ulap, pumantay sa langit, subalit ang hangin nang biglang umihip, ulang bumabagsak sa bundok at batis. Isang bulalakaw na tila tala rin, sa kinalagpaka’y nang aking hanapin, ay pangit na batong sing-itim ng uling. Habang nagsisikap at nag-aadhika, dahil sa pangarap na ligaya’t tuwa, lalong sinisiil ng pagdaralita. Ang bawat maganda’y dagling nagwawakas,

Danica Joy G. Collarga 2nd Year – Ipil - Ipil

Bb. Maunahan June 18, 2012 kaya mamaghapon lamang ang bulaklak, kaya ang bitui’y iisang magdamag. Ang buhay ay sadyang malalim na bugtong, kung saan ka mula’y ipinagtatanong at di mo rin alam kung saan paparon. Dakila ang buhay na parang bulaklak, bangong sa maghapo’y nasamyo ng lahat, at pinaligaya bawat nakalanghap.

Like The Molave ni Rafael Zulueta De Costa

Not yet, rizal, not yet. Sleep not in peace: There are a thousand waters to be spanned; There are a thousand mountains to be crossed; There are a thousand crosses to be borne. Our shoulders are not strong; our sinews are Grown flaccid with dependence, smug with ease Under another’s wing. Rest not in peace; Not yet, Rizal, not yet. The land has need Of young blood-and, what younger than your own, Forever spilled in the great name of freedom, Forever oblate on the altar of The free? Not you alone, Rizal. O souls And spirits of the martyred brave, arise! Arise and scour the land! Shed once again Your willing blood! Infuse the vibrant red Into our thin anaemic veins; until We pick up your Promethean tools and, strong, Out of the depthless matrix of your of your faith In us, and on the silent cliffs of freedom, We carve for all time your marmoreal dream! Until our people, seeing, are become Like the molave, firm, resilent, staunch, Rising on the hillside, unafraid, Strong in its own fibre, yes, like the molave!

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF