Mga Pista ng Pilipinas

September 21, 2017 | Author: Joan Nepomuceno | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Mga Pista ng Pilipinas...

Description

Buwa n ng

Ener

o Bagong Taon Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong mga

pagdidiriwang ng Bagong Taon ang lahat ng mga kultura na sinusukat ang taonang mga kalendaryo. Kasaysayan Ang New Year's Day o Bagong Taon ang pinakamatandang pista sa kasaysayan ng tao. Sa katunayan, ang pinagmulan nito ay matatalunton at maiuugat pa natin sa malayong taon ng lumang Babylon. Ito ay apatnapung daang taon na ang nakararaan. Ngunit alam ba ninyo na noong unang panahon, ang New Year's Day o ang Bagong Taon ay hindi isinisilebreyt sa buwan ng Enero? Base sa kasaysayan, wala pa noong kalendaryo at ang New Year's Day ay ipinagdiriwang tuwing sumasapit ang tag-sibol o spring. Kung itutugma natin ito sa kalendaryo natin ngayon, katumbas ng panahong ito ang huling linggo ng Marso. Sa madaling salita, ang bagong taon ay ibinabase ng mga Romano sa kondisyong pangagrikultura. Kadalasan, nagtatagal ang kanilang selebrasyon ng labing-isang araw. Maraming dinaanang kasaysayan bago naitalaga na ang unang araw ng Enero o January 1 ay taguriang New Year's Day.

Pista ng Itim na Nazareno Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800

ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda. Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade. Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas. Kasaysayan Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay dinala sa Maynila ng mga pari mula sa Augustinian Recollect noong Mayo 31, 1606. Ang imahe nito ay inilagak sa unang simbahan ng Recollect sa Bagumbayan (na ngayon ay parte na ng Rizal Park), at pinasiyahan noong Setyembre 10, 1606. Noong 1608, ang pangalawang pinakamalaking simbahang Recollect na inihandog kay San Nicolas de Tolentino (Saint Nicholas of Tolentine) na natapos sa loob ng Intramuros (kung saan nakalagak ngayon ang gusali ng Manila Bulletin) at ang imahe ng Nuestro Padre Jesús Nazareno ay inilipat dito. Ang mga pari ng Recollect ay patuloy na isinulong ang debosyon sa Paghihirap ni Hesus sa pamamagitan ng nasabing imahe. Abril 20, 1650 mula kay Pope Innocent X.

Pagdiriwang ng Sinulog Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig

ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos ng tubig." Itinutukoy dito ang sulongurong na lakdaw padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang mga mananayaw ay kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa tiyempo ng tambol. Kasaysayan Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Sinulog ay sinasayaw na ng mga Filipino sa Cebu sa kanilang pagbibigaybunyi sa kanilang mga anito. Noong dumating Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 mga katutubo ang ninais na mabinyagan bilang Katoliko. Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Niño sa asawa ni Rajah Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Niño sa mga taga-Cebu kundi ito din ay naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Niño na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.

Pista ng Ati-atihan Pinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol

na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.

Kasaysayan Noong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging kahawig ang mga Ati. Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot na buhok, at ang salitang "Ati-atihan" ay may ibig sabihin na "Maging katulad ng isang Ati." Ang kapistahang ito, tulad din ng Sinulog sa Cebu, ay itinuturing na "Ina ng mga Pista sa buong Pilipinas" kung saan ginaya ang selebrasyon na ito sa ibang parte ng Pilipinas. Ang Ati-atihan dati ay isang pagan festival at ito ay unti-unting nagkaroonng kahulugang pang-Kristiyano noong dumating ang mga misyonaryo. Sa ngayon, ang ati-atihan ay ipinagdiriwang sa pagbibigay bunyi kay Santo Nino.

Pista ng Halamanan

Idinadaos ito tuwing Enero 22 hangang 23 sa Guiguinto, Bulacan. Sinasagawa ito para bigyang halaga ang kalinisan, Paghahalaman at Pagunlad. Ipinapakita dito ang parade ng mga magagandang bulaklak lalonglalo na ng mga may-ari ng mga ito.

Kasaysayan Ang Pista ng Halamanan ay nagsimula noong taong 2000.

Pista ng Dinagyang Ang Pista ng Dinagyang ay ipinagdiriwang tuwing ikaapat na linggo ng Enero kada taon upang ipagbunyi ang pagbibinyag ng mga dayo sa mga katutubo na maging Kristiyano at nang maparangalan ang Santo Niño. Tampok sa nasabing pista ang makukulay na

parada, ang matapat na pagsamba, ang nakayayanig na pagtambol at sayawan sa kalye, at ang halos walang katapusang kainan at inuman. Sumisigaw ang mga tao ng “Viva Señor Santo Niño,” na sasaliwan naman ng indayog ng “Hala, Bira!” Bom-bom! “Hala, Bira!” Bom-booom!

Kasaysayan Noong 1977, Si Ferdinand Marco ay nag-utos sa mga rehiyon ng Pilipinas na Palakasin ang Turismo at ito ang resulta ng pagkakadeklara

nito.

Ang Pagdiriwang sa Pagkamatay ng GOMBURZA Ang Pagdiriwang na ito ay nagpapaalala sa pagkamatay ng 120 na mga Pilipino sa Bagumbayan (Ngayon ay Rizal Park) Nagpapaalala rin ito sa pagpatay ng walang

kalaban-laban na mga Martyr sa kamay ng mga Kastila.

Kasaysayan Ang salitang Gomburza ay nabuo mula sa pangalan ng tatlong pari, na sina Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez, na binitay noong 17 Pebrero 1873 ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa Cavite noong 1872. Dahil sa kanilang hindi makatarungang kamatayan, sumiklab ang damdamin ng mga Pilipino at nag-iwan ito ng matinding epekto, lalong-lalo na kay Jose Rizal. At dahil dito, inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa kanila.

Buwa n ng

Pebrer o Candelaria Sinasagawa ito tuwing Ika-2 ng Pebrero, ang pagdiriwang na ito ay idinadaos sa Jara, Iloilo City. Ang pagdiriwang na ito ay isa sa pinakamalaking gawain sa Western Visayas.

Sa prosesyon ng Nuestra Senora de Candelaria na patungo sa mga kalsada ng Jaro sa Bayan ng Iloilo.

Kasaysayan Isinagawa ito para pagpalain ang sinumang sumama sa prosesyon.

Pista ng Paraw Regatta Ang Pista ng Paraw Regatta ay binubuo ng tatlong mahahalagang aktibidad tulad ng mga sumusunod: Subiran Regatta - karera ng bangkang may layag na ginaganap sa bukanan nang silangang bahagi ng San Juanico Strait. Ang mga kalahok sa karerang ito ay hindi pinahihintulutang gumamit ng sagwan at umaasa lamang sa abilidad at estratihiya sa pagmamaneobra nang bangka sa palibot ng mga bataw gamit ang layag.

Balyuan - isang pagtatanghal na nagsasadula ng makasaysayang imahe ng Basey, Samar at Lungsod Tacloban. Ang rituwal na ito ay pataanan ng pagkakakaugnay-ugnay ng mga tao at kung paano nagkakatulungan ang bawat isa. Ang imahe ay dinadala sa simbahan ng Sto. Nino kung saan isang misa ang iniaalay bago ang katanghalian. Pista ng Pintados - ang buong katawan ng mga kalahok ay may pintura at sumasayaw sa indayog ng kawayan. Idinadaos ang pistang ito taon-taon at nagiging atraksyon sa mga lokal at banyagang

turista.

Pista ng Tinagba

Ipinagdiriwang ito tuwing ika-11 ng Pebrero. Itong Pagdiriwang na ito

ay alay at pagbibigay respeto kay Lady of Lourdes

sa masaganang ani. Pista ng Kawayan

Ang pagdiriwang ito ay may sampung araw at ang ginagamit nilang instrumentong pangmusika ay ang kawayan.

Kasaysayan Noong 1816, Fr. Diego Cera de la Virgen del Carmen ay

nagumpisang gumawa ng instrumentong pangmusika gawa sa Kawayan na karamihang nakikita sa Pilipinas. Natapos ang instrumentong ginawa niya noong 1864.

Panagbenga Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

Kasaysayan

Noong taong 1995, ang abugadong si Damaso Bangaoet, Jr., ang dating Direktor ng John Hay Management Corporation (JHMC) ay bumuo ng ideya na magtatag ng isang kapistahan upang ipagmalaki ang masaganang bulaklak na matatagpuan sa Baguio. Sumang-ayon naman si Victor A. Lim, Tagapamahala ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at si Rogelio L. Singson. Itinatag ang proyektong ito upang tulungan ang lungsod na maka-ahon muli sa pagkakalugmok noong 1990 Luzon earthquake. Sa pagutulungan ng iba't-ibang organisasyon tulad ng John Hay Poro Point Development Corporation (JPDC), dating JHMC at mga boluntaryo na mahilig sa bulaklak, nabuo ang Baguio Flower Festival (BFF). Bahagi ng kapistahang ito ang pagbubunyi ng kasaysayan at kultura ng Lungsod Baguio at ng Cordillera.

Pista ng Suman Tuwing ikalawang linggo ng Pebrero, ipinagdiriwang naman sa Baler, Aurora, Quezon ang tinawag na Suman Festival na dinarayo ng daan-daang tao mula sa iba't ibang lalawigan at bansa. Lahat ng uri ng suman ay matatagpuan sa nasabing pista. Ibinibitin din sa mga bahay at poste ang mga suman upang gawing palamuti at nang makahigop ng suwerte mula sa kalikasan. Nagpatimpalak din ang mga taga-Aurora sa paglikha ng pinakamalaking suman. Ang suman dito ay hindi dapat bababa sa apat na talampakan ang haba. Maligat at malinis din dapat ang kakanin. At higit sa lahat,

maingat ang pagkakabalot ng kakanin. Bukod sa nasabing paligsahan ay may timpalak din sa pinakamabilis kumain ng suman, pinakamagandang disenyong suman, at pinakamagandang arkong napalalamutian ng suman.

Kasaysayan Nagsimula ang pista ng suman sa Aurora noong 1997, nang mapagkasunduan ng mga tao na gawin yaong taunang pagdiriwang. Bahagi na umano ng buhay ng mga taga-Aurora ang suman mulang agahan hanggang meryenda hanggang pasalubong sa mga minamahal.

Araw ng Rebolusyong EDSA Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero. Kasaysayan

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution), na tinatawag ding EDSA Rebolusyon ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napatay si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito--mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.

Buwa n ng

Mars o Pistang Saranggola Ang pagdiriwang ito ay ginaganap sa ibang bansa kasama rin doon ang Pilipinas. Ang tungkulin ng

pagdiriwang ito ay para Makita ang husay sa paggawa ng mga saranggola at sa pagpapalipad nito.

Kasaysayan

Unang nauso ito sa bansang Indonesia.

Anibersaryo ng Hukbong Sandatahan

Sa pagdiriwang ito na ginaganap tuwing ika-22 ng Marso sa Rosario, Cavite para muling balikan ang nakaraang nagging parte ito ng kalayaan ng Pilipinas.

Kasaysayan Noong ika-22 ng Marso taong 1897 napagkasunduan sa Kumbensiyong Tejeros na palitan ang Katipunan ng isang rebolusyonaryong pamahalaan. pawalang-bisa ni Bonifacio ang resulta ng halaan nang usisain ni Daniel Tirona ang kanyang pagkakahahal bilang direktor ng panloob.

Buwa n ng Abril

Mahal na Araw Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Filipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas na kinakatawan ni Hesuristo. Taon-taon, ipinagdiriwang ito ng mga Filipino upang palalimin ang kanilang pananampalataya, habang binubuhay ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at pamamanata. Nakikiisa ang mga Filipino sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa kaligtasan ng buong daigdig. Naniniwala sila na muling nabuhay si Hesukristo at magbabalik bilang patotoo sa mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya. Ang Mahal na Araw ay nagsisimula pagsapit ng Miyerkoles ng Abo, ang araw na kinukrusan ng abo sa noo ang mga deboto bilang tanda ng kanilang pagsisisi. Paalaala rin iyon na "sa abo nagmula ang lahat, at sa abo rin magbabalik pagsapit ng wakas." Miyerkoles ng Abo ang naghuhudyat ng pagbubukas ng panahon ng pagsisisi, pag-aayuno, at pangungumpisal, na pawang paghahanda sa malagim na pasyon ni Hesukristo sa kamay ng kaniyang mga tagausig. Tumatagal nang 40 araw ang taunang tradisyon, at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo na ginaganap pagsapit ng Linggo. Kilala ang mga Filipino sa paggunita ng Mahal na Araw. Ito ang kanilang paraan upang magbalik-loob sa Diyos at talikuran ang kanilang mga maling pamumuhay.

Pagdiriwang ng Moriones Magiliw sa pagtanggap ng bisita ang mga tagaMarinduque. Tinatawag na putong ang kaugaliang ito. Ang bisita ay pinauupo at sinusuotan ng koronang yari sa bulaklak at aalayan ng sayaw at awit ng mga babaeng taga-Marinduque. Tuwing sasapit ang buwan ng Abril ay ipinagdiriwang ang Moriones. Ginaganap sa lansangan ang iba’t ibang parada at kasiyahan. Isinasabuhay ng mga taga-Boac ang pangyayari noong sandaling tinusok ng sibat ni Longhino ang tadyang ni Hesus at ang dugong tumalsik sa mukha ng naturang bulag na kawal ang mahimalang nagpanumbalik ng kaniyang paningin. Kasaysayan Noong 1942, Ang pagsakop ng mga sundalong Hapones sa bayan ng Mogpog, Marinduque. Noong 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagpapalaya sa bayan ng Mogpog, Marinduque na ang pumapasok sa mga tropang Pilipino at Amerikano lumaban sa mga pwersa ng Imperyong Hapon sa panahon ng Labanan sa Marinduque. Sinasabi ng kasaysayan at napatunayan na ang

kilalang Moriones Festival ay nagmula sa Mogpog.

Pagdiriwang ng Centurion Ito ay ginaganap tuwing Mahal na Araw sa General Luna, Quezon at ito ang pinaniniwalaang pinagmulan nang Mariones Festival sa Marinduque. Kasama dito ang pagpapako ni Kristo sa Krus ng Kalbaryo. May mga nakasuot nang mga baluti na animo’y sundalong romano.

Kasaysayan Pinaniniwalaang ito ang pinagmulan ng Mariones Festival sa Marinduque.

Araw ng Kagitingan Ang Araw ng Kagitingan, na ipinagdiriwang tuwing 9 ng Abril, ay isang taunang pista opisyal sa Pilipinas na gumugunita sa katapangan at katatagang ipinakita ng mga sundalong Filipino at Amerikano na nakipaglaban sa Imperyong Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Sa araw ding ito ay tuluyang isinuko ni Heneral Jonathan Mayhew Wainwright IV sa puwersa ng Hapon ang tangway ng Bataan sa makasaysayang Pagbagsak ng Bataan. Dahil sa pagsukong naganap, ang mga itinuring na bilanggo ng digmaan o prisoners of war ay pinagmartsa ng mahigit isandaang milya sa tinatawag na Bataan Death March. Kasaysayan Ang Bataan Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 bilanggo ng digmaan (prisoners of war o POW) na binubuo ng mga Filipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang ito ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang Capas, Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang matunton ang

Himpilang O'Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw.

Pista ng Turumba Ito ang pitong araw na pagdiriwang para irespeto si La Nuestra Senora de los Dolores (Our Lady of Sorrows). Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng prosesyon at mga pagsayaw. Kasaysayan

Noong 1640, nang makita ng local na mangingisda ang lumulutang na statuwa nang isang Birhen sa lawa.

Pista ng Lami-Lamihan

Ito ay pinagdiriwang para sa pag-unlad ng Munisipalidad ng Lamitan. Ipinapakita dito ang tradisyonal na Yakan ang mga tradisyon nito, mga tugtugin at mga sayaw, at mga traditional na mga gamit na kanilang iniingatan. Ang mga tao ay nakasuot ng mga makukulay damit at samasali sila sa mga karerahan ng kabayo,

mga parada at marami pang iba.

Pista ng Manaoag

Ito ay isang krusada hanggang sa Shrine of our Lady of Manaoag sa Pangasinana at idindaos ito tuwing ika-2 lingo ng Abril. Ang pangunahing atraksyon ay ang imahe ng Birhen ng Manaoag. Tuwing sabado sa buwan na ito ang mga sasakyan nito ay babasbasan.

Buwa n ng Mayo

Araw ng mga Mangagawa

Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain arawaraw, maayos na tirahan,

iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.

Flores de Mayo Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng Mayo sa pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay paghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan.

Kasaysayan Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang nag umpisa noong 1854 nang ang Vatican ay nag proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulakan na

nung maglaon ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga.

Pista ng Tapusan Ang Pagdiriwang ito ay ginaganap tuwing ika-30 ng Mayo, ito ang parade ng mga makikinang na bulaklak para sa pagrespeto sa Mahal na Birhen. Mayroon din ditong partisipasyon ng mga pinakamagagandang dalaga sa lugar. Ang mga dalaga ay nagsisimbulo ng kalinisan at kabaitan ng Mahal na Birhen.

Pista ng Kalabaw Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang tuwing 15-16 ng Mayo, kasabay sa araw ng paggunita ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng kalabaw, ang pambansang hayop na Pilipinas at ang mga nagagawa nitong malaking tulong sa sakahan ng Angono, Rizal; San Isidro, Nueva Ecija at sa Pulilan, Bulacan.

Kasaysayan Ayon sa talaan ng kasaysayan, si San Isidro ay isang manggagawang (laborer) nagtatrabaho bilang magsasaka. Ang kaniyang amo ay nagtaka kung bakit si Isidro ay madaling nakakatapos ng kaniyang gawain sa kabila ng kaniyang tanghaling pagpasok. Sa kaniyang pagusisa, nabigla na lamang siya nang makita niyang ang nag-aararo ng bukid ay isang anghel. Napaluhod siya sa harap ni San Isidro at mula noon ay iniugnay na ang imahe ng isang taong nakaluhod kay San Isidro. Mula noon , ang pista ng San Isidro ay bumalangkas bilang Pista ng Kalabaw dahil ang kalabaw ay mahalagang hayop na katuwang sa pag-aararo ng kabukiran at nakakatulong sa pagtamo nang magandang ani.

Pista ng Pahiyas Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga tagaQuezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay. Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kanikanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo. Kasaysayan Ang salitang “Pahiyas” ay galling sa salitang-ugat na “hiyas” na ang ibig sabihin ay ang pag-ulan ng pagpapala o kayamanan.

Rituwal ng Pertilidad ng Obando Ang Rituwal ng Pertilidad ng Obando ay ang tatlong araw na pista na nagbibigay parangal sa tatlong santo ng Obando, Bulakan: Mayo 17 para kay San Pascual de Baylon, mayo 18 para kay Santa Clara at Mayo 19 para kay Nuestra Senora de Salambao. Ang selebrasyong ito ay kilala din bilang Pista ng Kasilonawan.

Kasaysayan Noong panahon ng mga ninuno ng mga Filipino, ang rituwal na sayaw na ito ay tinatawag ding Kasilonawan. Ito ay pinumumunuan nang isang katalonan o pinunong babaylan. Ang rituwal na ito ay may kasabay na inuman, kantahan at sayawan na kalimitang idinadaos sa bahay ng isang datu. Mahalaga ang sayaw ng pertilidad noong unang panahon, ito ay upang ang mga kababaihan ay maging kapaki-pakinabang sa komunidad. Ang pagiging kapaki-pakinabang ng mga kababaihan ay ang kakayanang magpadami ng lahi. Linga, isang bathala ng kalikasan ay ang sentro ng rituwal ng Kasilonawan. Nang dumating ang mga Pransiskanong misyonaryo sa Filipinas, ipinalaganap nila ang Kristiyaninsmo sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga santo at magpapatayo ng mga simbahan. Tatlo sa ipiankilala nilang santo ay sila Santa Clara, San Pascual Baylon at Nuestra Senora de Salambao. Ang kasalukuyang mga imahe na nasa altar ng simbahan ng Obando ay replika ng orihinal, inukit sa tulong ng mga

mamamayan ng Obando. Ang mga orihinal na imahe ay nasira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Buwa n ng Huny o

Araw ng Kalayaan Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nabigyang kaganapan noong Hunyo 12, 1898 kung saan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagsasarili ng Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa naganap na Sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika. Samantalang ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan tuwing ikalabindalawa ng Hunyo, ang sinasabing tunay nitong kalayaan ay kinilala lamang ng bansang Amerika noong ikaapat ng Hulyo, 1946. Magmula noon, ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 4, alang-alang sa nasyonalismo o pagkamakabansa at ayon na rin sa sangguni ng mga mananalaysay. Ang Republic Act.No. 4166 ay nilagdaan upang maging batas ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964. Isinasaad sa batas na ito na ang petsang Hunyo 12,mula pa sa panahong kinikilala ito bilang Araw ng Watawat ay siya ring Araw ng Kalayaan. Kasaysayan Pinangunahan ni Emilio Aguinaldo ang pormal na proklamasyon ng Araw ng Kalayaan sa kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Siyamnapu at walong tao ang lumagda sa naturang proklamasyon kabilang na ang isang opisyal na amerikano, si L.M.Johnson. Kilala bilang Acta de la proclamacion de independencia del pueblo Filipino, ang proklamasyon ng Araw ng Kalayaan ay ginawan ng balangkas at binasa sa naturang pagdiriwang ni Ambrosio Rianzares Bautista. Isinasaad sa Acta na ang Pilipinas ay malaya na mula sa pang-aalipin ng Espanya. Ang bansang Espanya ay dumating sa Pilipinas noong 1521 at itinuring ang Pilipinas na lupang kanyang nasasakupan sa loob halos ng apat na siglo.

Rodeo Filipino Ang Rodeo Filipino ay ginaganap tuwing ika-3 lingo ng Hunyo. Ang nasabing pagdiriwang sa Masbate ay may kompetisyon sa pagsakay sa kalabaw, pakikipagpalakasan sa kalabaw, karerahan ng kalabaw at marami pang iba. Kasaysayan Unang nauso ang Rodeo sa mga bansang Mexico at Estados Unidos. Ito ay para malaman ang kanilang mga kakayahan at pagkamadiskarte sa ganitong larangan ng kompetisyon.

Parada ng Lechon Ang Parada ng lechon ay ginaganap tuwing ika-24 ng Hunyo. Ito ang sumisimbolo sa pagdiriwang ni St. John the Baptist. Ipinaparada ito sa Balayan, Batangas bago sila malagay sa mga plato. Ang Lechon o Roasted/Suckling pig sa Ingles ay isa sa mga paboritong putahe na inihahain sa mga handaan, salu-salo, mga okasyon tulad ng kaarawan, binyag, kasal at lalong-lalo na sa mga pista. Ito ay madalas na inihahanda sa gitna ng hapag-kainan na nakakapanghalina sa mga bisita. Ang baboy na ginagamit upang gawing lechon ay kadalasang may timbang mula 4-5 kilo. Kasaysayan Ang salitang “Lechon” ay nangaling pala sa wikang Portugues na “Leitão” (lay-ton kung bibigkasin ng mga taga-Portugal) at hindi sa wikang Espanyol, dahil “cochinillo” ang kanilang tawag dito.

Buwa n ng Hulyo

Pistang Sandugo Ang Pistang Sandugo (Blood Compact Commemoration), itong pagdiriwang ay nagpapaalala sa pagkakaibigan nina Datu Sikatuna at ni Miguel Lopez de Legazpi. Ito ay ginaganap tuwing isang taon ng Hulyo sa Bohol. Kasaysayan Ang “Sandugo” o “One Blood” ay ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Spanyol. Pinagtibay ito noong Marso 16, 1565.

Pista ng Bocaue Pagoda Ang pagdiriwang na ito ay nagiging atraksyon ng mga turista ang makukulay na bangka lalong-lalo na ang malaking Bangka na punong-puno nang mga makukulay na dekorasyon. Nagsisilbi itong pagrespeto sa Banal na Krus ng Wawa kung saan ay maraming himilang nangyayari. Kasaysayan May kulang-kulang sa 300 katao ang nalunod noong Hulyo 2, 1993 sa paglubog ng sinasakyang Pagoda sa pagdiriwang ng mga Katolikong deboto ng kapistahan ng Banal na Krus sa Bulacan. Nangyari ito habang binabagtas ang ilog ng Bocaue. Ito ay tinaguriang Bocaue Pagoda Festival. Sa gitna ng sayawan, kantahan, kainan, at kasiyahan ng mga deboto ay unti-unti itong lumubog. Higit sa nararapat na bilang ng tao ang sakay ng Pagoda. Ang hindi pantay na bigat sa magkabilang bahagi nito kasabay ang pagdagsa ng mga tao ang nakikitang dahilan nito. Dahil sa pangyayari, sinimulan ng pamahalaan ang taunang pagsisiyasat sa Pagoda at iba pang materyales na gagamitin upang masigurado ang katiwasayan ng pagdiriwang. Ang grupong pinangunahan ni Richard Gordon ang unang nagbigay pansin at tulong sa pangyayari. Pansamantalang natigil ang pagdaos ng okasyon mula 1994 hanggang 1999 at sinimulan muli noong 2000. Sa kabila nito, may natatanging parangal ang iginawad kay Sajid Bulig, isang mag-aaral sa elementarya, na namatay matapos iligtas ang apat na bata sa pagkakalunod. Ang kanyang katapangan at kabayanihan ay kinilala at naging laman ng aklat na "Ang Lahing Pilipino Sa Nagbabagong Panahon" na akda nina Rose Sablaon and Lazelle Rose Pelingo. Siya ay itinuring na isang Makabagong Bayani. Ito ay nailathala noong Pebrero 2007 at ginagamit na sa pribado at pampublikong paaralan. Ang Bocaue Pagoda Festival ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng buwan ng Hulyo.

Buwa n ng Agost o

Pista ng Kadayawan Ang Pista ng Kadayawan ay isa sa popular na pagdiriwang sa ating bansa. Idinadaos ito tuwing ika-3 lingo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. May mga pagsasayaw, pagandahan, tribunal na mga drama at marami pang iba. Tatlong simbolo ang ipinaiiral ditto ang Mt. Apo, walingwaling (isang uri ng bulaklak) at Durian (isang uri ng prutas).

Kasaysayan Ang tema ng salitang “kadayawan” ay galing sa sinaunang salita na madayaw na ang ibig sabihin ay ang mainit na pagtanggap.

Araw ng mga Bayani

Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 tauntaon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.

Buwan ng Setyemb re

Pista ng Kaamulan

Ang Pista ng Kaamulan ay isang orihinal na pagdiriwang sa Pilipinas dahil nagpapakita ito ng tunay na mga tribong pangsayaw at mga ritwal habang ang mga kalahok ay ikinukwento dito ang mga giyera, pagmamahalan, pag-aani at mga ginagawang ritwal sa mga kalsa-kalsada ng Lungsod ng Malaybay, ang capital ng Bukidnon. Sinasabi itong kakaiba dahil ipinapakita ng mga taong ito ang Lumad o katutubong dugo.

Ang Pista ni Nueva Señora Peñafrancia Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na nasa isang kasko. Kasaysayan Noong 1712, ang Gobyerno ng Spanya galling Peñafrancia, Spain ay nanirahan sa Cavite kasama ng kanyang pamilya. Ang Kanyang anak na babae ay nagkasakit at ang tanging pag-asa na lamang ay ang magkaroon ng milagro. Ang pamilya ay taimtim na nalalangin sa Madonna

ng Peñafrancia at unti-unting gumagaling ang sakit ng kanilang anak na babae.

Pista ng Lem-lunay Ang Pista ng Lem-lunay ay ang taunang pasasalamat ng tribong T'boli sa kanilang paniniwala sa Lem-lunay, isang paraiso na nais nilang itaguyod muli para sa buong angkan ng tribo. Ito ay idinaraos tuwing Setyembre 16 hanggang 18 o ikatlong Linggo ng Setyembre sa Lake Sebu, Timog Cotabato. Kasaysayan Ang Pista ng Lem-lunay ay nagmula sa isang maliit lamang na pagdiriwang na may layong magbigay pasasalamat kay Santa Cruz. Ngunit noong dekada 70, isinama na sa pistang ito ang mga tampok na rituwal ng pasasalamat ng mga T'boli na tinatawag nilang Mo-inum. Ang komemoratib na misa na idinaraos sa huling araw ng selebrasyon ay mas nagkaroon ng kulay at kahulugan dahil sa pagsasanib ng pang etnikong rituwal at pamamaraang Katiliko. Ayon sa mga T'boli, ang pista ng Lem-lunay ay nag-ugat sa kanilang paniniwala sa pagkakaroon ng isang Lem-lunay, isang paraiso noong panahon ng kanilang ninuno na nais nilang makamit at itaguyod muli para sa buong angkan ng T'boli. Ang pagiriwang ng pista ito ay nakakadulot ng lakas at nakakapagpatibay ng kanilang panatang paghusayain at pagbutihin ang kanilang trabaho. Ang anim na malalaking tribo mula sa Timog Coatabato na lumalahok dito ay ang T'boli, Ubo, Manobo, Kalagan, Maguindanao, at Tasaday.

Kasama rin dito ang iba't-ibang tribo sa Lungsod Davao tulad ng Tirurays at Mandaya pati na rin ang mga tribo sa Lungsod Surigao tulad ng Langilan, Bilaan, Bagog, at Mansaka.

Buwan ng Oktubr e

Pista ng La Naval de Manila Ang Pista ng La Naval de Manila ay ginaganap tuwing Oktubre sa Simbahan ng Sto. Domingo. Ang pagdiriwang ito ay nagpapahayag ng mga himalang naidudulot ni Patrong Nuestra Señora de Santissimo Rosario. Kasaysayan Noong Oktubre 4, 1646 ay nanalo sa giyerang pangdagat ang mga Pilipino laban sa mga Kastila dahil kasama ng mga Pilipino sa labanan ang Patrong si Nuestra Señora de Santissmo Rosario.

Pista ng Inug-og

Ang Pista ng Inug-og ay ginaganap tuwing ika14 hanggang 15 ng Oktubre sa mga tao ng Oroquieta, Misamis Occidental. Nagpapakita ito ng mga katutubong sayaw para sa pagpapasalamat para kay Our Lady of the Most Holy Rosary.

Pista ng Lanzones Ang Pista ng Lanzones ay pinagdiriwang tuwing Oktubre kada taon sa baryo ng Mambajao. May mga sayawan, pagdedekorasyon ng barangay, mga palaro at mga parade. Ang pinaka matamis na mga lanzones ay makikita sa probinsya ng Camiguin. Ang prutas na ito ay humihinog tuwing ika-3 lingo ng Oktubre. Kasaysayan Pinaniniwalaang nagsimula ang pagdiriwang ito sa kwento ng mag-asawa na walang anak na humiling ng anak sa diwata ng lanzones. Pinagbigyan ng diwata ang hiling ng mag-asawa ng isang malusog na sanggol na lalaki pero nalimutan ng mag-asawa na pasalamatan ang diwata. Isang araw may di-kilalang babae na lumapit sa bata habang ito ay naglalaro at ito’y hinimatay. Nalaman ito ng mag-asawa at hinihinala nilang kagagawan ito ng diwata ng lanzones. Kaya nag-desisyon silang gumawa ng ritwal para humingi ng tawad sa diwata at ang bata ay gumaling.

Pista ng Masskara Ang Pista ng Masskara ay isang pagdiriwang tuwing unang dalawang lingo ng Octubre, sa Lungsod ng Bacolod sa probinsya ng Negros Occidental. Ang pistang ito ay ulitulit ng naipresenta sa ating bansa sa maraming pagdiriwang sa Asia.

Kasaysayan Noong 1979, ang sasakyang “Negros Navigation’s luxury liner MS Don Juan” ay bumangga sa tangke at maraming namatay na taga-Negros. Dahil sa nangyaring insidente nagkaroon ng crisis sa ekonomiya ang lungsod ng Negros dahil sa pagbagsak ng Industriyang Asukal. Ang Bacolod ay tinatawag na “Sugar Bowl of the Philippines” at ang mga tao doon ay umaasa sa industriya ng asukal dahil ito ang kanilang pangunahing agrikultura. Noong 1980, dahil ditto nagpasya ang Gobyerno ng Negros na magkaroon ng pagdiriwang para maibsan ang paghihirap ng mga tao. Kaya ang Lungsod ng Bacolod ay tinawag na “City of Smiles”.

Buwan ng Nobyemb re

Araw ng mga Patay Ang Undas (na kilala din sa tawag na Todos los Santos, Araw ng mga Patay at Holloween), ay isang pista opisyal na malawakang ipinagdiriwang sa Pilipinas upang magbigay galang at pugay sa mga yumaong kamag-anak. Libu-libong mga Pinoy ang dumadayo sa mga libingan at memorial parks tuwing Nobyembre 1 hanggang 2 upang magsama-sama at alalahanin ang kanilang namayapang kamag-anak at mag-alay ng bulaklak at magtirik ng kandila. Ang okasyon na ito ay kadalasang itinuturing na isang reunion ng mga kamag-anak kung saan sila ay nagdadala ng mga pagkain at inumin upang pagsalu-saluhan, at kung minsan ay doon namamaligi ng buong araw o di kaya ay doon sila natutulog ng magdamag.

Kasaysayan Ang Halloween o Undas ay nagmula sa sinaunang Celtic na pagdiriwang tinatawag din na Samhain.

Pista ng mga Higante Ipinagdiriwang ang Pista ng mga Higante tuwing ika-23 ng Nobyembre kada taon sa bayan ng Angono, Rizal, bilang paggunita kay San Clemente, ang patron ng mga mangingisda. Itinatampok sa pista ang matatangkad na tao na yari sa papel na dinamitan at pinalamutian ng kung anoanong bagay upang maging kaakit-akit sa madla. Ang mga "higante" ay karaniwang may taas na apat hanggang limang talampakan o kaya'y sampu hanggang labindalawang talampakan. Itinatanghal at inililibot iyon sa mga bahayan, samantalang ang mga deboto'y nakasuot ng damitmangingisda. Ang makulay na selebrasyon na ito ay bahagi ng tradisyonal na pasasalamat ng mga residente ng Angono dahil sa masaganang ani ng mga isda mula sa Lawa Laguna. Kasaysayan Nagsimula ang Pista ng mga Higante nang asyenda pa lamang ang Angono, (kilala bilang Art Capital of the Philippines) at ang mga panginooong maylupa ay nangangamba sa labis na mahal ng pagdiriwang ng pista. Inisip naman ng mga tao na ipagpatuloy ang pista kahit kulang sa salapi. Lumikha sila ng mga karikatura ng mga frayle at panginoong maylupa, at kinasangkapan ang mga pulang lupa (clay) para makagawa ng malalaking maskara. Noong 1987, iminungkahi ng yumaong Perdigon Vocalan, na isang tanyag na pintor at artist ng Angono, ang paglikha ng apat na higante kada barangay upang sumagisag iyon sa sipag, tatag, at kaakuhan ng naturang mga barangay.

Araw ni Bonifacio Ang Araw ni Bonifacio ay pinagdiriwang tuwing ika-30 ng Nobyembre kada taon. Ang Araw ni Bonifacio ay nagging usapan din dahil natapat ito sa Araw ng mga bayani. Dahil dito ilalagay ang Araw ng mga Bayani sa huling linggo ng Agosto. Kasaysayan Si Andrés Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa. Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.

Buwan ng Disyemb re

Pagdidiwata

Ang Pagdidiwata ay isang pagbibigay pasasalamat ng mga Tagbanua ng Palawan. Ginaganap tuwing ika-8 na araw ng December sa Puerto Princesa, Palawan. Sa pagdiriwang ito nag-aalay sila ng mga ritwal na mga sayaw at pag-aalay ng pagkain para sa kanilang

kaligtasan mula sa kapahamakan.

Pista ng Shariff Kabunsuan Ang Pista ng Shariff Kabunsuan ay isang makulay parade na ginaganap tuwing ika-19 ng Disyembre sa Maguindanao para ipagdiwang ang pagdating ni Shariff Kabunsuan sa Rio Grande de Mindanao para ipangaral ang Islam.

Kasaysayan Si Mohammed Kabungsuwan ay isang Malayong tagapang-aral mula sa Johor na unang nagdala ng Islam sa gitnang Mindanaw. Doon, nagpakasal siya sa isang lokal na prinsesa at itinatag ang Sultanato ng Magindanaw noong ika-16 dantaon. Nakasentro sa kadalasan ang sultanato sa

lambak ng Cotabato. Ipinangalan sa kaniya ang dating-lalawigan ng Shariff Kabunsuan sa Pilipinas.

Pista ng mga Higanteng Parol Malalaking parol ang nagniningning gawa ng mga tao ng San Fernando, Pampanga ay pinapakita para sa publiko ang kahalagahan ng simbang gabi para ihanda ang mga tao para sa simbang gabi. Ang Parol o star lantern sa wikang Ingles ay isa sa mga pamosong Pamaskong tradisyon sa Pilipinas. Ito ay isinasabit sa labas ng mga bahay at nagsisilbing dekorasyon tuwing Kapaskuhan. Ang parol ay sumasagisag sa bituin ng Bethlehem, ang ilaw na gumabay sa tatlong hari noong ipananganak si Hesus. At dahil ang Pilipinas lamang ang may pinakamadaming bilang ng Katoliko, ang parol ay naging simbolo ng selebrasyon sa kapanganakan ni Hesus para sa mga Filipino. Ito din ay tinuturing na

pinakamahalagang simbolo ng Kapaskuhan sa Pilipinas. Kasaysayan Ang Pista ng mga Higanteng Parol ay galling sa tradisyong Pampango ng lubenas, isang malamparang prosisyon ginagawa gabi-gabi ng Simbang Gabi noong 1830.

Ang Pasko Ang Pasko o Pasko ng Pagkabuhay ay ang araw na ginugunita ng mga Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ito ang sentro ng kaganapan sa pananampalataya ng mga Kristiyano. Naniniwala ang mga Kristiyano sa nakasulat sa bibliya, na nagbalik si Hesuskristo o bumangon mula sa kamatayan, tatlong araw makaraang mamatay sa krus, upang pagbayaran ang mga kasalanan, at matubos ang lahat ng mga naniniwala sa kaniya. Ang Pasko ng pagkabuhay din ang sumasagisag nang pagtatapos ng Kuwaresma. Ginaganap ang Pasko ng Pagkabuhay sa araw ng Linggo. Kasaysayan

Ikatlong araw matapos ilibing si Hesukristo ay dumalaw sa libingan si Maria Magdalena kasama ang ilang mga kababaihan. Nadiskubre nilang wala na ang katawan ni Hesukristo sa libingan. Nagulat sila nang magpakita sa kanila ang anghel at sinabing bumangon na si Heskristo mula sa kamatayan. Inutusan ng anghel sina Maria Magdalena na ipagbigay alam sa mga disipulo ang pangyayari, ngunit nakasalubong nila si Hesukristo sa daan at sumamba sila sa kaniya. Marami pang pagkakataon na nagpakita si Hesukristo sa kaniyang mga alagad. Nangako si Hesukristo sa kanila na ipadadala niya ang kaniyang banal na espiritu upang malaman ng mga ito na hindi niya sila iiwan.

Araw ni Rizal Ang Araw ni Rizal ay ginaganap tuwing ika-30 na araw ng Disyembre kada taon, ito ang isa sa mga regular na holiday sa ating bansa. Ito ay nagpapaalala sa pagka martyr n gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Kasaysayan Noong ika-30 ng Disyembre taong 1896, si Rizal ay pinatay ng “Firing Squad” ng Bagumbayan (ngayon ay Luneta) s autos ng Gobyerno ng Spanya. Sa pangyayaring ito naghiganti ang mga Revolusyonaryong Pilipino laban sa mga Kastila.

Proye kto Sa

Pilipin o Ipinasa Nina: InpinasaKay: Marvin P. Bautista Elisa Mendoza Iris Ivan N. Marcelino Keyvin P. Villanueva Jennifer N. Domingo John Ansell T. Ramos

Mrs.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF