Mga Lumabas Na Katanungan Sa September 2013 (1)

September 6, 2017 | Author: Maria Myrma Reyes | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Mga Lumabas Na Katanungan Sa September 2013 (1)...

Description

MGA LUMABAS NA KATANUNGAN SA SEPTEMBER 2013 (LET) >>> COACH PEDE PO BA AKONG TUMULONG GUMAWA NG MGA KATANUNGAN SA MAJORSHIP NATIN WILLING PO AKO NA TULUNGAN KAYONG GUMAWA… KUNG ALAM KO LANG PO NA MORE ON ASIGNATURA SA COLLEGE ANG ITA2NUNG SANA PO NAREVIEW KO PO YUNG TESIS NAMIN KASI MARAMING TAON AT TAO PO SA WIKANG FILIPINO ANG LUMABAS TAPOS MERON DIN PO PAMAHAYAGAN, PANANALIKSIK, MABISANG KOMUNIKASYON, PAGBASA AT PAGSULAT, KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO, KAGAMITANG PAMPAGTUTURO AT BIHIRA LANG PO ANG LUMABAS SA WIKA AT PANITIKAN…I THINK ITS 80 PERCENT MOSTLY MORE ON COLLEGE SUBJECTS AND 20 PERCENT IN WIKA AT PANITIKAN… MARAMI DIN PONG ITEM NA DI Q NA TANDA SA KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO… KEY POINTS…. 1. BAHAGI NG TESIS 2. PANANALIKSIK 3. MABISANG KOMUNIKASYON 4. PAGBASA AT PAGSULAT 5. PAKIKINIG 6. KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPIN0 (MGA TAO AT TAON) 7. PAGSASALING WIKA ANG DI KO PO MAK2LIMUTAN NA TANONG AY : ANO SA WIKANG KASTILA ANG SALIN NG SENAKULO? TAPOS PARANG ANG NAPILI KO PO D2 YUNG SOUND LIKE SPANISH TERM 8. MGA AWIT (MATANDANG PANITIKAN) Heto po ung nursery rhyme po ba yun ALE ALE NAMAMANGKA

PASUKUBIN YARING BATA PAGDATING SA MAYNILA IPAGPALIT NG MANIKA HEHE…SIMPLENG TANONG LANG PO PERO NAGKAMALI PO AKO ANG NASAGOT KO BAGOONG…SA HULI PO PALA ITO NG KANTA DOCTRINA CRISTIANA.. 9. TEORYA NG WIKA (POOH POOH) 10. POKUS NG PANDIWA (TAGAGANAP AT TAGATANGGAP…SANHI AT DIREKSYUNAL) 11. PONOLOHIYA,MORPOLOHIYA,SINTAKS,SEMANTIKA,PARES MINIMAL, KLASTER,DIPTONGGO 12. PANITIKAN ROGELIO MANGAHAS-DUGUANG PLAKARD KATANUNGAN: 1. Ang mga prayleng misyonero ang mga unang gumawa ng mga pag-aaral sa wika na binubuo ng dalawang ito. A. palabaybayan at palapantigan B. balarila at talasalitaan C. pangungusap at talatinigan D. bokabularyo at palapantigan 2. Sa pagsusuri ng maikling kwento at nobela ay hindi lamang mahalagang talakayin ang paksa kundi ang lahat ng mga katangiang napapaloob dito. A. simbolo

C. istilo ng may-akda

B. element

D. tauhan

3. Ito ang tulang sinulat niya sa Kastila na pinamagatang “ A La Patria “ na ipinalagay ng marami na kanyang obra maetra. A. Apolinario Mabini

C. Emilio Jacinto

B. Jose Rizal

D. Andres Bonifacio

4. Sino ang makatang kapampangan na katumbas ni Francisco Balagtas sa panulaang Tagalog? A. Juan Crisostomo Sotto B. Aurelio Tolentino C. Jose Corazon de Jesus D. Florentino Collantes 5. Ang pahayagan ay hindi dapat maglathala ng anumang uri ng pagbibintang na makasisira sa reputasyon nang di muna nagbibigay ng pagkakataon sa nasasakdal na marinig ang kanyang panig. Ito ay __________________________. A. magandang kaasalan B. makatarungang pakikitungo C. kalayaan sa pagpapahayag D. walang kinikilingan 6. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na may paksa? A. Mainit ngayon. B. May pasok ba bukas? C. Kay ganda ng paglubog ng araw. D. Nagbabasa sila sa aklatan. 7. “You cannot count on me”. Ang pinakamalapit na salin nito ay __________________________. A. Bilangin mo kami. B. Maaasahan mo ako. C. Maaasahan mo siya. D. Ibilang mo ako. 8. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito, “ Ang kabutihan mo sa buhay ang magiging hakbang sa pag-unlad.” A. pagwawangis B. pagpapalit-tawag C. pagtutulad D. personipikasyon 9. Anong bahagi ng ng pag-aaral ng wika pinag-aaralan ang kayarian ng panguri at ng paksa? A. Ponolohiya (Ponoloji) B. Sintaksis C. Semantika D. Morpolohiya (Morpoloji)

10. Ano ang katawagan sa mga pang-ugnay at mga pananda bilang bahagi ng pananalita sa Filipino? A. Nominal B. Panuring C. Pangkayarian D. Pangnilalaman 11. Ito ang katawagan sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasamasama ng mga morpema. A. Ponolohiya (Ponoloji) B. Sintaks C. Semantika D. Morpolohiya (Morpoloji) 12. Alin sa sumusunod ang tinatawag na nominal? A. Pananda at pang-ukol B. Pang-abay pang-uri C. Pangngalan at pangatnig D. Pantukoy at pangatnig 13. Pinalitan ang Surian ng Wika sa katawagang ito sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan noong Enero 1987. A. Linangan ng mga Wika B. Komisyon ng Wika C. Linangan ng mga Diyalekto D. Linangan ng mga Wikain 14. Batay sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng wikang pambansa ng Pilipinas ay ito at dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga wikang umiiral sa Pilipinas at iba pang mga wika. A. Tagalog B. Filipino C. Wikang Pambansa D. Pilipino 15. Anong taon nagbigay ng pahintulot sa pagpapalimbag ng diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa at kasabay itinuro sa paaralan ang wikang pambansa? A. Mayo 12, 1940 B. Abril 1, 1940 C. Abril 12, 1942 D. Mayo 1, 1940

16. Ito ang kuro-kuro ng patnugot hinggil sa mahalaga at napapanahong isyu ng araw na iyon. A. editoryal B. isports C. lathalain D. balita 17. Ang patakarang ito ang ipinatupad ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 taong 1974. A. Patakaran sa Pakikinig B. Patakaran sa Pagsulat C. Patakaran sa Pagbasa D. Patakaran sa Bilinggwal 18. Ito ay nagbigay diin sa opinion tungkol sa isang napapanahong isyu sa pamamagitan ng larawan. A. larawan sa huling pahina B. kartong pang-editoryal C. larawan sa pangmukhang pahina D. ilustrasyon 19. Ibigay ang kayarian ng pangungusap na ito? “Kung aalis ka sana iwan mo ang dadalhin ko sapagkat umaaraw ngayon kaya ako ay tutuloy sa pagpunta sa Mega Mall.” A. Payak B. Langkapan C. Hugnayan D. Tambalan 20. Kung ang Ingles ang gamit sa daigdig ngayon, ano naman ang wikang gamitin sa mundo ng panahon ng Kastila? A. Tagalog B. Kastila C. Latin D. Malay 21. Ang karaniwang iisahing pantig lamang at walang katuturang maibigay kung nag-iisa. Kabilang dito ang mga panghalip, pangatnig at pantukoy. A. salita B. sugnay C. parirala D. kataga

22. Siya ang pangulo ng Komonwelt na nagnais na magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas. A. Pangulong Marcos B. Pangulong Ramos C. Pangulong Quezon D. Pangulong Laurel 23. Ang unang alpabeto ng Pilipinas na alibata ay binubuo ng bilang na ito. A. 17 B. 29 C. 20 D. 31 24. Nagsimulang ipatupad ang Patakarang Bilingguwal ng taong aralang ito. A. 1965-1966 B. 1964-1965 C. 1975-1976 D. 1974-1975 25. Ano ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salitang may salungguhit? “Nasa mesa ang mga kagamitan sa PANAHI at PANLINIS.” A. Pagkakaltas B. Paglilipat-diin C. Asimilasyon D. Metatesis 26. Ang kasalukuyang bilang n gating alpabeto. A. 31 B. 28 C. 20 D. 30 27. Ito ang salita o lipon ng mga salita na ang kahulugan ay iba sa kahulugan ng mga salitang binubuo. A. ekspresyong idyomatiko B. tayutay C. salitang eupemistiko D. pahayag

28. Kung ang mga panandang SI, NI at KAY ay ginagamit sa pangngalang pantangi at ang ANG, NG at SA sa pangngalang pambalana, ano ang tawag sa gamit ng pananda katulad ng ANG DIYOS, ANG PANGULO at ANG NOLI ME TANGERE? A. Taliwas ang gamit B. Pagbabagong gamit C. Maling gamit D. Iwasang gamitin 29. Ito ay isang sanaysay na batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng salitang impormasyon at impresyon ng sumulat. A. editoryal B. kuro-kurong tudling C. balita D. tanging lathalain 30. Ang paggamit ng istratehiyang role play ay kontrolado ng mga dayalogong mayroon nito. A. May pangganyak B. Istratehiya C. Teknik D. Due at impormasyon 31. Ito ang katawagan sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. A. Pangganyak B. Pamaraan C. Teknik D. Pinagsanib 32. Ang plano kung ano ang ituturo at paano ito ituturo ay napapaloob sa ____________________. A. Aklat B. Portfolio C. Kagamitan D. Silabus

33. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pamaraang pasaklaw?

A. Pagpapaliwanag ng tuntunin B. Panimula C. Pagbibigay ng tuntunin D. Pagsubok E. Pagbibigay ng halimbawa A. A B C E D B. B C A E D C. D E B C A D. C E D A B 34. Ang pagdulog na ito ay pagtuturo ng sabay ng mga magkasamang gawain sa pakikinig, pagbasa at pagsulat. A. Karaniwang pangwika B. Tuwiran C. Grammar salin D. Komunikatibo 35. Ito ang mga tiyak na gawain na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan. A. Simulain B. Istratehiya C. Hakbang D. Teknik 36. Mahalaga sa pagtuturong komunikatibo ang paggamit ng ____________________ na kagamitan. A. Binili B. Awtentiko C. Nilikha D. Semi-awtentiko 37. Ang mga sumusunod ang mga hakbang ng pamaraang pabalak. Isaayos ito. A. Paglalayon B. Pagpapasya C. Pagbabalak D. Pagsasagawa

38. Ito ang mga tiyak na hakbang sa pagtuturo. A. Prinsipyo B. Pamaraan

C. Istratehiya D. Teknik 39. Naniniwala ang pamaraang ito sa pagtuturo ng wika na maipahahatid ang mga mensahe sa pamamagitan ng aksyon. Inuunawa ang wikang pinagaaralan bago ang pagsasalita nito. A. Suggestopedia B. Total physical response C. Grammar salin D. Komunikatibo 40. Ang pamaraang ito ay ginagamit ng guro sa pagbubuo ng mga dayalogo o usapan sa isang particular na sitwasyon. A. Tuwiran B. Sitwasyunal C. Komunikatibo D. Grammar salin 41. Aling hakbang ang magbibigay-daan sa pagsusuri ng iba’t-ibang pokus ng pandiwa mula sa lunsarang ginamit sa pagtuturo ng wika? A. Paggamit B. Paglalahat C. Pagtataya D. Paghahambing at paghalaw 42. Ang biyolohikal na pagbabago sa isang tao habang lumalaki ay mabisang maituturo sa pamaraang ito. A. Functional B. Sitwasyunal C. Proseso D. Patuklas 43. Sa pagdulog komunikatibo ay pinahahalagahan ang kayariang panglinggwistika pati ang _____________________ ng pakikipagtalastasan. A. Katangian B. Bilang C. Paraan D. Uri 44. Aling teknik ang hindi umaayon sa komunikatibong Pagtuturo ng Wika? A. Panggagaya sa pahayag na narinig B. Larong Pangwika

C. Pagbibigay-reaksyon sa balita D. Pagsasakilos ng isang sitwasyon 45. Ang pamaraang ito ay naniniwala na mapabibilis ang pagkatuto ng wika at inaalis ang mga sikolohikal na hadlang sa pagkatuto. A. Suggestopedia B. Grammar salin C. Total physical response D. Awdyo-linggwal 46. Ito ay set ng paniniwala at mga lagay tungkol sa wika, pagkatuto at ang pagtuturo nito. A. Pamaraan B. Teorya C. Simulain D. Prinsipyo 47. Sa pagpili ng estratehiya sa pagtuturo ay dapat isaalang-alang ang mga sumusunod katulad ng gulang, interes, kakayahan at karanasan at ng mga ito. A. Pisikal na kalagayan B. Halaga ng kagamitan C. Uri ng balik-aral D. Kasanayang nililinang 48. Angkop sa pamamaraang ito kung ang guro ay magpapagawa ng poster sa mga bata. A. Pasaklaw B. Patuklas C. Pabalak D. Pabuod 49. Sa paghahanda ng guro ng pagsusulit saan makikita ang lawak ng nilalaman, bilang ng aytem, porsyento ng aytem at uri ng pagsusulit na gagawin? A. Modyul B. Talahanayan ng ispesipikasyon o Talahanayan C. Manwal ng pagtuturo D. Banghay ng pagtuturo 50. Ito ang katawagan sa epekto ng pagsusulit sa pagtuturo ng pagkatuto ng mag-aaral. A. Placement

B. Backwash C. Diagnostic D. Admission 51. Ang tawag sa pagbuo ng mga aytem sa pagsusulit na inihahanda ng higit sa kailangang bilang. A. Bahagdan B. Talahanayan C. Aytem pool D. Layunin pangkagawian 52. Ang katangian ng pagsusulit na inihanda ang nais malaman o masukat. A. Relayabiliti B. Baliditi C. Praktikalidad D. Kahirapan 53. Alin sa mga sumusunod na makabagong kagamitan ang hindi maituturo ng makabago bunga ng teknolohiya? A. V.H.S B. O.H.P C. Telebisyon D. Kompyuter 54. Nakauri sa pagsusulit na ito ang pasanaysay at pagsasalin na kadalasan ay binubuo lamang ng kaunting bilang ng tanong. A. Productive test B. Subjective test C. Objective test D. Receptive test 55. Ang katangian ng pagsusulit na ginagawa upang maging matagumpay at hindi gaanong nakapapagod at matipid gamitin. A. Relayabiliti B. Baliditi C. Backwash D. Praktikalidad 56. Ang pagsusulit na ito ay ginawa upang sukatin ang kakayahan sa wika at hindi ang nilalaman nito. A. Achievement test B. Diagnostic C. Proficiency

D. Aptitude test E. 57. Ito ay mga salitang tumutukoy sa mga binanggit sa unahan ng teksto. A. Komunikatibong pahayag B. Katapora C. Eliptikal na pahayag D. Anaphora 58. Ang dating abakada ay binubuo ng ilang titik. A. 26 B. 22 C. 20 D. 28 59. Taon kung saan muling sumigla ang panitikan. Ito’y matapos ding matamo ang kalayaan. A. 1944 B. 1945 C. 1947 D. 1946 60. Anong taon ipinatupad ang Patakarang Bilingguwal. A. 1984-1985 B. 1975-1976 C. 1960-1965 D. 1974-1975 61. Saan matatagpuan ang mga sumusunod na pahayag? “Huwag mong kikilalanin sa iyong bayan ang kapangyarihan ng sino mang hindi halal ng bayan mo at ng iyong mga kababayan sapagkat ang kapangyarihan ay galling sa Diyos at Diyos ay nagsasalita sa budhi ng bawat tao.” A. Verdadero Decalogo B. El Porvenir C. Diaryong Tagalog D. Kartilya ng Katipunan 62. Alin sa mga sumusunod na tanaw-dinig ang tinatawag na may “therapeutic valve”? A. Role playing B. Sosyodrama C. Saykodrama

D. Tableau 63. Ito ay pagbibigay katuturan batay sa kayarian at gamit. A. Linggwistika B. Linggwistikang theoretical C. Linggwistikang historical D. Linggwistikang istruktural 64. Ito ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. A. Kuwit B. Tuldik C. Kudlit D. Pantig 65. Batayan sa pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig A. Mahabarata B. Koran C. Canterburry tales D. Bibliya 66. Ang hinggil sa linggwistika at sa kasaysayan ay hindi pa tinatalakay sa pulong. Ang pangungusap ay nauuri sa anong simuno. A. Simunong tambalang pangngalan B. Simunong tambalang salita C. Simunong tambalang parirala D. Simunong tambalang sugnay 67. Ito ay paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. A. Pinagsanib B. Pamaraan C. Pangganyak D. Teknik 68. Ano ang tawag sa agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang pagkakaugnay-ugnay. A. Panitikan B. Retorika C. Linggwistika D. Balarila

69. Ang 1987 alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino ay ayon sa anong kautusan? A. Kautusang Blg. 81 S. 1987 B. Kautusang Blg. 84 S. 1987 C. Kautusang Blg. 83 S. 1987 D. Kautusang Blg. 82 S. 1987 70. Mula sa tanaga ni Jose Panganiban Ang yelo ay malamig Ang apoy ay mainit Ang silakbo ng galit, May init at lamig. Ano ang nais ipahiwatig ng tanaga? A. Ang yelo ay malamig B. Ang uri ng damdamin C. Ang galit ay mainit D. Ang galit ay malamig 71. Alin ang dulang batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na nahulog sa dagat at may hangaring mapangasawa ang kasintahang mahirap? A. Senakulo B. Karagatan C. Duplo D. Tibag 72. Alin sa mga ito ang pangyayaring nagbukas sa isipan ng mga tao at nagtatag ng kilusang propaganda at naging simula ng mga panitik na mapaghimagsik? A. Ang pagbuo ng panitik B. Ang pagpatay sa tatlong pari C. Ang pagsira ng sedula D. Ang pagbuo ng Katipunan 73. Ano ang naganap sa muling pagkikita ng mag-ina sa tula? SA BISIG NG INA, ANAK AY NAGBALIK KATULAD NG ISANG NALAYONG PAG-IBIG SA BISIG NA YAON, ANG WASAK NA DIBDIB PARA LANG HUMANAP NG SANDALING LANGIT HUMIMLAY NANG UPANG GANAP NA UMIDLIP. A. Namatay ang ina B. Nawasak ang dibdib ng anak

C. Lumigaya ang mag-ina D. Namatay ang anak 74. Mula sa sanaysay ni Emilio Jacinto. ANG NINGNING AY NAKASISILAW AT NAKASISIRA NG PANINGIN. ANG LIWANAG AY KAILANGAN NATING MATA UPANG MAKITA ANG BUONG KATUNAYAN NG BAGAY. HUWAG PADADALA SA NINGNING; MAY KASABIHAN NA, HINDI LAHAT NG KUMIKINANG AY GINTO. Ano ang ibig sabihin nito? A. Kung may dilim may liwanag. B. Huwag humatol sa panlabas na anyo. C. Maningning ang bagay-bagay. D. Lahat ng kumikinang ay ginto. 75. Saan dito matatagpuan ang pangunahing tauhan na si Amanda Bartolome na isinulat ni Luwalhati Bautista? A. Gapo B. Ficcion C. Bata Bata Paano Ka Ginawa D. Dekada 70 76. Anong damdamin ang ipinapahayag nito? KUNG SA LANGIT AY NABUBUHAY ANG SA LUPA’Y NAMAMATAY ANO’T KINAKATAKUTAN ANG ORAS NG KAMATAYAN A. Maging matatag sa buhay B. Maging mapagbigay C. Maging mapagpasensya D. Maging matapang 77. Sino ang sumulat ng tula sa Palanca na pinamagatang Duguang Plakard? A. Ruth Elynia Mabanglo B. Rolando Tinio C. Rosauro Almario D. Rogelio Mangahas 78. Alin sa mga sumusunod ang akdang hindi sinulat ni Francisco Balagtas? A. Orosma at Zapira B. Florante at Laura C. La India Elegante y el Nigrito Amante D. Noche Buena

79. Ang damdamin na ipinapahayag nito ay ____________________. NARIRITO NA NAMAN ANG ULOL NA ITO, BABANGGITIN NA NAMAN NITO ANG MGA BUWAN, BITUIN AT ARAW, PAGKATAPOS AY ISUSUNOD ANG HAMOG AT PARANG ANG ULAN AT ANG HUNI NG MGA IBON. A. Tumutula B. Naglalarawan C. Nagkukwento D. Nanliligaw 80. Alin ang epikong romansang Malay na may paniniwala na mapapatagal ang buhay kung ang kaluluwa ay paiingatan sa hayop o halaman? A. Darangan B. Hudhud C. Bidasari D. Bugtong 81. Alin sa babasahing ito ang pinaglathalaan ng mga maikling kwento at tula ng 1922 at nagpaunlad sa panitikan upang makilala ang mga bantog na manunulat ng panahong nabanggit? A. Ilang-ilang B. Bulaklak C. Malaya D. LIwayway 82. Ang panitikan noong Panahon ng Kastila ay nahahati sa tatlong panrelihiyon, pangwika at ano ang ikatlo? A. Akdang panghandaan B. Akdang pangkasalan C. Akdang panlibangan D. Akdang panliligaw 83. Mula sa Verdadero Decalogo HUWAG MONG KILALANIN ANG IYONG KAPANGYARIHAN NINUMAN NA HINDI HALAL NG BAYAN MO AT NG IYONG MGA KABABAYAN, SAPAGKAT ANG KAPANGYARIHAN AY GALING SA DIYOS AT ANG DIYOS AY NAGSASALITA SA BUDHI NG BAWAT TAO. Ito ay nangangahulugan ng ________________. A. Ang Diyos ay boses ng tao B. Makapangyarihan ang mga tao. C. Ang Diyos ay Makapangyarihan D. Ang boses ng tao ay boses ng Diyos. 84. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang gintong panahon ng panitikan bagamat ang mga manunulat ay lumipat sa pagsulat sa Tagalog at sa wikang katutubo? A. Panahon ng Bagong Lipunan B. Panahon ng Hapon

C. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Aktibismo 85. Ipinag-utos nito noong Disyembre 19, 1963 na awitin ang Pambansang Awit sa titik nito sa Filipino. A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 C. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 50

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF