Mga Awiting Pansamba 2

September 4, 2017 | Author: MarkAlcazar | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

music sheets...

Description

MGA AWITING PANG SAMBA VOLUME II PARA SA KWARESMA, MGA MAHAL NA ARAW AT PASKO NG MULING PAGKABUHAY

“MISA NG ARSOBISPO” Ferdinand M. Bautista Composer

MANILA CATHEDRAL-BASILICA OF THE IMMACULATE CONCEPTION 2011

PUBLISHED BY : THE VERY REVEREND MONSIGNOR NESTOR CERBO

PAUNANG SALITA Maraming mga Awiting Pangsamba na ang naisulat para sa Kwaresma, mga Mahal na Araw at Pasko ng Muling Pagkabuhay, subalit sa paglipas ng panahon ang magagandang himig na ito’y nangawala na at mahirap nang hanapin pa. Dahil dito, gumawa ako ng mga bagong awitin na sumusunod sa tradisyunal na istilong naririnig sa mga isinulat nila Padre Eduardo Hontiveros, S.J. at Padre Timoteo Ofrasio, S.J.; Maestro Lucio San Pedro, Eduardo Parungao, Padre Rey Amente, Dom Benildus Maria Maramba,O.S.B. at iba pa. Ang mga Salmong Tugunan at karamihan sa mga teksto ng mga awiting pansambang narito ay hinango ko mula sa SALITA NG DIYOS at AKLAT NG PAG MIMISA SA ROMA na inilathala ng Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Litruhiya at ng Ministry for Liturgical Affairs (Manila) 2006. Nais ko ngayong ihandog sa mga Kaparian, mga mang-aawit at organista sa simbahan ang koleksyon na ito. Nawa’y makatulong (ang aklat na ito) sa kanilang pangngailangan sa Liturhiya sa mga Mahal na Araw. Sa kagandahang loob ng Kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, ang Arsobispo ng Maynila sa pamamagitan ni Monsignor Nestor Cerbo, ang Rector ng Manila-Cathedral Basilica of the Immaculate Conception, ay nailathala ang mga awiting ito. Nais nilang makatulong din ang Katedral sa mga liturhiyang ipinagdiriwang sa mga parokya at sa lahat ng mga gumagamit ng wikang Filipino sa kanilang mga pagdiriwang. Ang unang layunin ko ay ang pagbibigay ng mga alternatibong awitin sa mga pagdiriwang ng mga Mahal na Araw na gumagamit ng tekstong hinango sa mga aklat pangmisa. Ikalawa ay nais kong maging madali sa mga mang-aawit at organista ng simbahan ang kanilang paghahanda higit pa sa mga pagdiriwang ng mga Mahal na Araw na binigyang-diin ng Simbahan na dapat na ipinagdiriwang nang mayroong angkop na pag-awit at pagtugtog. Sa paglalathala nito ay magkakaroon sila ng mga Salmong Tugunan at iba pang naaangkop na awitin sa mga natatanging pagdiriwang. Sa pag-awit at pagtugtog natin sa Misa, mapapurihan nawa ang Panginoon at mapabanal ang kanyang bayan. Magpatuloy tayo sa ating “pag-awit ng may kagalakan sa Panginoon!”

Ferdinand M. Bautista Kompositor 11 February 2011 Pag-gunita sa Mahal na Birhen Ng Lourdes

PASASALAMAT (last page) Salamat sa aking mga guro sa larangan ng Musika at Liturhiya na sila Dom Benildus Maria P. Maramba, O.S.B. at Padre Leonilo Mangussad; gayun din sa mga guro ko sa Paul VI Institute of Liturgy lalo na kay Dom Anscar J. Chupungco, O.S.B., Padre Genaro Diwa, Padre Gil Hernandez at Padre Timoteo Ofrasio, S.J.; kasama din si Dr. Josefina Manabat na nagbigay ng mga mungkahi at nakatutulong na komento sa aking mga gawa; Sa mga kaklase at naging kaibigan ko sa Paul VI Institute of Liturgy na nagbigay inspirasyon sa akin para gumawa ng mga bagong awiting pangsamba lalo na kay Reb. Ros Dela Cruz, Luis Francis Tan, Randy Bayaua, Dave dela Cruz, Rev. Bernice Rio at Geronimo Serrano; Kay Dennis Van Grospe, para sa pag-sasaayos ng wikang Tagalog; sa mga Pari at Seminarista ng Diocese of Malolos; sa mga Missionary Catechists of Saint Therese, Pious Disciples of the Divine Master at Benedictine Nuns. Nais kong pasalamatan si Bishop Antonio Tobias, ang Obispo ng Novaliches; Monsignor Anselmo Pamintuan, Padre Victor Emmanuel Clemen, ang direktor ng Liturhiya sa Diocese of Novaliches; Padre Noel Azupardo at Mrs. Maura Roque sa kanilang walang sawang pakikinig at pagsuporta; Sa HIMIG CORO SERAFICO na pinamumunuan ni Rizalito Mallari at Marvin Gonzalez ng Parokya ng San Bartolome; ang koro ng SANCTA MARIA STELLA ORIENTIS ORATORY sa University of Asia and the Pacific at ang MANILA CATHEDRAL-BASILICA CHOIR. Sa huli salamat sa panalangin at gabay espiritwal ng mga pari at kasapi sa Prelatura ng Opus Dei lalo na kay Padre Antonio Bermejo at Mr. Nick Alviar ng Banahaw Cultural Center.

IUBILATE DEO OMNIS TERRA, SERVITE DOMINO IN LAETITIA -Ps.100

I. MGA SALMONG TUGUNAN AT AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

A Bawa’t taong makakita’y umiiling, nanunukso B Palibak na nagtatawana’t sinasabi ang ganito: C “Nagtiwala siya sa Diyos, ngunit hindi siya pansin, D Kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin?” A May pangkat ng mga buhong na sa aki’y pumaligid, B Para akong nasa gitna niyong asong mababangis, C Mga kamay ko at paa’y butas sa pakong matulis, D Ang buto ng katawan ko ay mabibilang sa masid. A Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan, B Ang hubad na tunika’y dinaan sa sapalaran. C H’wag mo akong ulilahin, h’wag talikdan, Panginoon, D O aking tagapagligtas, bilisan mo ang pagtulong. A Ang lahat ng ginawa mo’y ihahayag ko sa lahat, B Sa gitna ng kapulunga’y pupurihin kitang ganap. C Purihin ang Panginoon ng lahat ng kanyang lingkod, Siya’y inyong dakilain, kayong angkan ni Jacob D Ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod.

Salmong Tugunan Huwebes Santo: Pagmimisang may Pagbabasbas ng Langis Salmo 88 Tugon: Salmo 88:2a

a Ang piniling lingkod na ito’y si David b aking pinahiran ng banal na langis c Kaya’t palagi ko siyang aakbayan d at siya’y lalakas sa aking patnubay. a Ang pagtatapat ko’t pag-ibig na wagas, b ay iuukol ko’t aking igagawad, c at magtatagumpay siya oras-oras. d Ako’y tatawaging Ama niya’t Diyos, tagapagsanggalang niya’t Manunubos.

A Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog B Sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob? C Ang handog ko sa dambana ay inumin na masarap D Bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas. A Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw, B Kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam, C Katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos D Yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos. A Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat B Ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak. C Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay D Ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

Salmong Tugunan Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon Ferdz M. Bautista b.1978

A Sa Iyo Poon, ako’y lumalapit B Upang ingatan mo, ng hindi malupig; C Sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko D Tagapagligtas kong tapat at totoo. A Lahat kong kaaway ay humahalakhak, B Pati kapitbahay ako’y hinahamak; Dating kakilala ay nagsisiilag, C Kung masalubong ko ay nagsisiiwas. Nilimot na akong tulad ng namatay, D Di na pinapansin, parang yagit lamang. A Subali’t, O Poon ang aking tiwala B Ay nasasaiyo, Diyos na dakila! C Sa Iyong kalinga, umaasa ako, D Laban sa kaaway ay ipagtatanggol Mo; At sa umuusig na sinumang tao. A Itong iyong lingkod, sana ay lingapin, B Ingatan mo ako’t iyong pagpalain; Iligtas mo ako at iyong sagipin, C Tanda ng pag-ibig na di magmamaliw! D O magpakatatag ang mga nilikha, Lahat ng sa Poon ay nagtitiwala.

+ AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA Pagmimisang may Pagbabasbas ng Langis Ferdz M. Bautista b.1978

a Espiritu ng Poong Diyos sa aking ay lumulukob b Ako’y sugo niyang lingkod c Nang sa dukha’y maidulot d Ang balita ng pagtubos.

+

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA LINGGO NG PALASPAS AT PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON AT LITURHIYA NG BIYERNES SANTO

Salmong Aleluya Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Ferdz M. Bautista b.1978

A O Pasalamatan ang Diyos na Panginoon, pagka’t siya’y mabuti; B Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili. C Ang taga-Israel bayaang sabihi’t kanilang ihayag, D “Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.” A Ang lakas ng Poon ang siyang magdudulot ng ating tagumpay B Sa pakikibaka sa ating kaaway. C Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako upang isalaysay D Ang gawa ng Diyos na Panginoon ko. A Ang batong natakwil ng nagtayo ng tirahang-bahay, B Sa lahat ng bato’y higit na mahusay. C Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos. D Kung iyong mamasdan ay kalugod-lugod.

Salmong Tugunan Misa sa Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ferdz M. Bautista b.1978

A O Pasalamatan ang Diyos na Panginoon, pagka’t siya’y mabuti; B Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili. C Ang taga-Israel bayaang sabihi’t kanilang ihayag, D “Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.” A Ang lakas ng Poon ang siyang magdudulot ng ating tagumpay B Sa pakikibaka sa ating kaaway. C Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako upang isalaysay D Ang gawa ng Diyos na Panginoon ko. A Ang batong natakwil ng nagtayo ng tirahang-bahay, B Sa lahat ng bato’y higit na mahusay. C Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos. D Kung iyong mamasdan ay kalugod-lugod.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA Misa sa Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

(SEQUENCIA) Ferdz M. Bautista b.1978 after J.Pachelbel

Awit Tungkol sa Mabuting Balita Misa sa Linggo ng Pentekostes (Sequencia) Ferdz M. Bautista b.1978

a Halina, Espiritu, b Sa sinag buhat sa’yo c Kami’y liwanagan mo. a Ama ng maralita, b Dulot mo’y pagpapala c Upang kami’y magkusa. a Kaibiga’t patnubay, b Sa amin mananahan c Ang tamis ng’yong buhay. a Ginhawang ninanais, b Lilim namin sa init, c Kapiling bawat saglit. a Lubhang banal na ilaw, b Kami’y iyong silayan c Ngayon at araw-araw. a Kapag di ka nanahan b Ay walang kaganapan c Ang buhay nami’t dangal.

a Marumi’y palinisin, b Lanta’y panariwain, c Sakit nami’y gamutin. a Kami’y gawing matapat, b Sa pag-ibig mag-alab, c Lagi sa tamang landas. a Tugunin aming luhog, b Kami’y bigyang malugod c Ng ’yong pitong kaloob. a Gantimpala’y ibigay, b Sa hantungan ng buhay c Ligayang walang hanggan.

II. MGA PILING AWITIN PARA SA KWARESMA, MGA MAHAL NA ARAW AT PASKO NG MULING PAGKABUHAY

Hesukristo Iyong Pakinggan Awit sa Prusisyon ng mga Langis

a Handog mong kapayapaan b nais naming makamtan c pagpapala’t kabanalan d aming inaasahan. a Ang langis na gagawaran b ng iyong kabanalan c nawa ay pakinabangan d ng mga bibinyagan. a Ang langis na lalakipan b ng dakila mong dangal c sa lahat nawa’y magbigay d Espiritu ng paghirang a Ang langis ng ‘yong paghirang b maghatid nawang tunay c ng lakas na kailangan d para sa katapatan.

a Lahat ng mga binyagan b tumanggap nawang tunay c ng langis ng ‘yong paghirang d sa tungkulin mong banal. a Lahat ng mga binyagan b loobin mong magtaglay c ng langis ng kabanguhan d ng iyong kabutihan a Kaisa ng Inang hinirang b na sa ‘yo ay nagsilang c ang paglaya ay makamtan d nawa ng ‘yong Simbahan a Ipahayag nawang tunay b nitong langis na banal c ang pagdiriwang kaylan man d sa iyong kaharian. Hinango mula sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma. Lupon para sa Wikang Tagalog sa Liturhiya.1981

Krus ng Ating Kaligtasan

WHERE CHARITY AND LOVE ARE FOUND Song for the Procession of the Gifts for the Poor

III.

MISA NG ARSOBISPO Panginoon Kaawaan Mo Kami Papuri sa Diyos Santo, Santo o Banal ka Poong Maykapal Ama Namin Kordero ng Diyos Aklamasyon

SANTO Misa ng Arsobispo

Tota pulchra es Maria, et macula originalis non est in te.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF