Download Masusing Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan I...
Description
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I I.
Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy kung paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano b. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Digmaang PilipinoAmerikano c. Natatalakay kung ano ang naging bunga ng Digmaang Pilipino-Amerikano d. Aktibong nakakalahok sa mga Gawain II.
Pagsang-Aralin
A. Paksa: Ang Digmaang Pilipino - Amerikano B. Sanggunian: Teaching Guide A.P.K-12 Curriculum C. Kagamitan: Graphic organizer, strips, pentel pen III.
Pamaraan: Pabuod
A. Panimulang Gawain Gawaing Guro 1. Balik-aral
Gawaing mag-aaral
Klas, Sa nakaraang miting ay tinalakay natin ang tungkol sa saligang batas ng Malolos. Ano ba ang mga nakapaloob sa Saligang Batas ng Malolos?
Ano pa?
Ma’am! Pagkilala sa mga karapatan ng bawat tao. Ma’am! Ang paghihiwalay ng tungkulin ng simbahan at estado.
Tama! Isa lamang iyan sa mga batas na nakapaloob sa saligang batas ng Malolos
2. Pagganyak Klas may mga graphic organizer ako dito. Bibigyan ko kayo ng mga strips, ang inyong gagawin ay idikit ang mga strips sa tapat ng graphic organizer. Maliwanag ba klas? Ngayon klas ano-anung pangyayari ang naganap na nakasulat sa graphic organizer?
Tama! Ano pa?
Magaling! At yan ating tatalakayin ngayon.
Opo ma’am!
Ma’am! Ang mga pangyayaring iyan na naganap ay mga dahilan ng pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Americano.
Ma’am! Mga mahahalagang pangyayari po na naganap sa Digmaang PilipinoAmericano.
B. Paglalahad Klas noong sinakop tayo ng mga Amerikano may mga mahahalagang pangyayari na naganap ito ay ang mga sumu-sunod. 1. Disyembrte 10, 1898 – Naganap sa pagitan ng United States at Spain ang kasunduan sa Paris (Treaty of Paris) 2. Agosto 14, 1898 – Hudyat ng simula ng digmaang Pilipino-Amerikano 3. Pebrero 4, 1899 – Hudyat ng simula ng digmaang Pilipino-Amerikano. 4. Pepbero 5, 1899 – Ipinag-utos ni Heneral MacArthur na umatake at ipagtabuyan ang mga Pilipino. 5. Marso 31, 1899 – Bumagsak sa kamay ni Heneral MacArthur ang Malolos, ang capital ng Republika 6. Agosto 20, 1899 – Itinakda ang kasunduang tinawag na Batas Treaty. 7. Hunyo 5, 1899 – Pinaslang si Heneral Antonio Luna ng kanyang kapwa Pilipino 8. Marso 23, 1901 – Nabihag si Pangulong Aguinaldo na naging daan upang magwakas ang unang Republika ng Pilipinas C. Paglinang ng Aralin Klas ngayon naman ay magkakaroon kayo ng pangkatang gawain. Papangkatin ko kayo sa tatlo. Ang unang hanay ang magiging unang grupo na mag-uulat sa mga sanhi at bunga ng digmaang Pilipino-Amerikano. Ang pangalawang hanay ang magiging pangalawang grupo na mag-uulat ng kahulugan ng Digmaan at ang pangatlong hanay naman ang magiging pangatlong grupo na mag-uulat sa mga dahilan ng pananakop ng Amerika sa Pilipinas. Naintindihan ba klas?
Opo Ma’am Unang Grupo Sanhi at bunga n g digmaang PilipinoAmerikano Sanhi 1. Pagbaril at pagpatay ng isang Amerikanong sundalo sa isang kawal na Pilipino. 2. Pinagtabuyan at sinanlakay ng mga Amerikano ang mga Pilipino.
Magaling! Bigyan natin ang unang grupo ng Yes Clap!
Bunga Lumaganap ang labanan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Pagkatalo ng puwersang Pilipino at pagkahuli kay Emilio Aguinaldo.
Pangalawang grupo Kahulugan ng Digmaan ayon sa inyong sariling pagpapakahulugan kaguluhan Pagkakamatay ng maraming sundalo
Bagsak kabuhayan
Digmaan
Labanan sa pagitan ng dalawang bansa
Pakikipagaway
Pakikipaglaba nan sa mga karapatan
Mahusay! Bigyan naman natin ang pangalawang grupo ng magaling clap!
Pangatlong grupo Dahilan ng Pananakop ng Amerika sa Pilipinas
Mapagkukunan ng mga hilaw na materyales
Mapagdadalhan ng sobrang produkto at kapital
Magsisilbing base sa pagpapalawak ng kanyang kapangyarihan sa Asia Pacific
Mahusay! Bigyan naman natin ang pangatlong grupo ng wow clap!
D. Pagbubuod Batay sa paksang ating tinalakay magbigay nga kayo ng buod ukol sa ating paksa.
Maam! Ang Estados Unidos ay nakipagkasundo sa Espanya na ibibigay ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang $20,000,000. Pinaniwala ng mga Amerikano ang mga Pilipino na puspusan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol para mapalaya ang mga Pilipino sa pamamahala ng Espanyol. Ngunit nalaman ng mga Pilipino ang tunay na dahilan at layunin ng mga Amerikano sa
Pilipinas na hudyat at simula ng digmaang Pilipino-Amerikano. Natalo ang puwersa ng mga Pilipino na dahilan ng pagkakahuli kay Emilio Aguinaldo na daan upang magwakas ang unang Republika ng Pilipinas. E. Pagpapahalaga Klas! Mahalaga ba ang ginawang pakikidigma ng mga Pilipino sa mga Amerikano? Bakit?
Opo Ma’am! Upang magkaroon tayo ng sariling pamahalaan na Pilipino ang namumuno sa atin.
Tama! Bilang mag-aaral anong mga aral ang matatamo ninyo sa pakikidigma?
Ma’am! Pagtutulungan at pagkakaisa.
Magaling! Meron pa ba klas?
Katapatan sa bawat isa
Tama! Kung ganon, maglabas ng kalahating papel at maghanda para sa maikling pagsusulit.
IV.
Ebalwasyon
Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap. X kung mali. 1. Kailan man ay walang mabuting digmaan. 2. Sinang-ayunan ng mga Pilipino ang pananako png Amerikano sa bansa. 3. Nagtagumpay ang mga Pilipino sa kanilang pagkikipaglaban sa mga Amerikano. 4. Nadakip si Aguinaldo ng mga Amerikano. 5. Ang mga Amerikano ay nagtatag ng pamahalaang military sa Pilipinas. 6. Sa loob ng pamahalaang military itinatag ang katas-taasang hukuman. 7. Ang pagdadala ng sobrang produkto at capital ay dahilan ng pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. 8. Ang pagpapaputok ni Grayson sa mga Pilipino ang nagpasiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano. 9. Pagtatag ng Asemblea ng Pilipinas. 10. Pagsang-ayon sa mga mungkahi ng mga Pilipino. V. Takdang Aralin 1. Sa loob ng 3-5 pangungusap, ilahad ang naging reaksyon sa pagpapatupad ng Amerika ng tinatawag na Benevolent Assimilation. 2. Saliksikin ang papel na ginampanan ni Apolinario Mabini noong panahon ng himagsikan. Bakit siya tinanggal bilang Pangulo ng Gabinete? Sanggunian:
Teaching Guide A.P. K-12 Curriculum Pana-panahon, Kasaysayan ng Daigdig ni Teofista L. Vivar
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.