MAGNIFICO(Suring Pelikula)
January 19, 2019 | Author: Cristina Vergel de Dios | Category: N/A
Short Description
Download MAGNIFICO(Suring Pelikula)...
Description
Suring Pelikula (Filipino IV) Ipinasa nila: Ma. Cristina Vergel de Dios Hanny Jade Dadea Richard Maranan Ryan Ramirez
(IV-Coral) Ipinasa kay: Ginoong. Aruta
Jiro Manio - Magnifico; Pikoy Albert Martinez - Geraldo; Tatay ni Magnifico Lorna Tolentino - Edna; Ina ni Magnifico Gloria Romero - Lola ni Magnifico Danilo Barrios - Miong; Kuya ni Magnifico Cecilia Rodriguez - Mrs. Doring Isabel de Leon - Helen; Kapatid ni Magnifico Girlie Sevilla- Isang Joseph Robles – Carlo ; Kaibigan ni Magnifico Mark Gil- Domeng Cherry Pie Picache- Cristy Amy Austria- Tessie Tonton Gutierrez- Mr. Romy Susan Africa – Pracing Dindin Liarina- Ria Allyson Gonzales- Makoy
a.
Magnifico – Isang bata na namulat sa kahirapan, mahal siya ng marami dahil siya ay kakaiba. Nang minsang magkasakit ang kanyang lola ay gumawa siya kaagad ng aksyon para sa maaring mangyari. Alam niyang mahirap lamang sila kaya naghanda siya sa posibleng pagkamatay nito. Ginawan niya ng ataul ang kanyang lola at nagtinda siya ng inumin sa perya para magkapera’t maibili ng bulaklak para sa burol ang kanyang lola at kung anu ano pa. Siya ay isang masunurin, magalang at mapagmahal na bata.
b.
Carlo – kaibigan ni Magnifico na nakakaalam ng lahat ng kanyang plano. Araw araw niya itong kausap at kasama lalo na ng magkasakit ang kanyang lola dahil katulong niya ito sa paggawa ng ataul.
Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay tinutulungan niya ang mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya tulad ng pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, naging malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang lola. May taning na rin ang buha y ng kanyang lola,kaya sa pagnanais niyang makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol ng kanyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siyaang naghanda ng kasuotan kapag namatay na ang kanyang lola na may taning na ang buhay. Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tuladng kanyang kapatid na babae na pin apasan niya sa likod at ang nakatatandangkapatid na natanggalan ng iskolarship. Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nilaKa Doring na galit na galit sa mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhanngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno ng kabutihan si Magnifico. Ngunit sakasawiang-palad ay nahagip siya ng isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya kayDomeng. Ito ang naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang paghahandang bu rol para sa kanyang lola ay ginamit para sa kanyang pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang natulungan at nakasama.
A. Pamagat
M
AGNIFICO
B. Genre Drama
Ang drama ay isang spesipikong moda ng kathang-isip na kinakatawan ang pagkakaganap.Hango ito sa Griyego na nangangahulugang "aksyon. Ginaganap ang mga drama sa iba't ibang media: teatro, radyo, pelikula, at telebisyon. Kadalasang may kasamang musika at sayaw: inaawit sa buong katagalan ang drama sa opera; kabilang sa mga musikal ang sinasalitang usapan (dialogue) at mga awitin; at ilang mga anyo ng drama na may instrumentong musikal (halimbawa, melodrama at Nō ng mga Hapon). Sa ilang panahon ng kasaysayan (ang lumang Romano at bagong Romantiko), sinulat ang mga drama upang basahin sa halip na ginaganap. Sa improvisation (pagsasagawa ng kusa), wala pa sa simula ang mga sandali ng pagkakaganap ng drama; gumagawa ang mga gumaganap ng isang dramatikong script ng kusa sa mga manonood.
C. Sinematograpiya Sa eksperimental na paraan ginawa ang sinematograpiya nito, kaya’t talagang makatotohanan ang labas ng pelikula. Lahat ng anggulo sa pelikula ay binigyan ng diin at wala silang pinalampas, sa paraan na hindi lamang sa pananaw na isang karakter ito binase ngunit mula sa iba’t ibang pananaw ng bawat tauhan. Kakaiba ang pangunahing angulon g kanilang kinunan sapagkat ito ay base sa pananaw ng isang bata patungkol sa mundo Sa buong pelikula ay simple lamang ang mga kasangkapang ginamit, kung saan ay hindi napakamahal ng mga kagamitan at ito ay ginagamit sa tunay na buhay. Maging ang lugar at tanawing napili para sa pelikula ay simple lamang sapagkat ang pelikula ay naganap sa isang baryo kung saan a y maraming naghihirap na mga tao. Ang bahay ng mga tauhan ay pangkaraniwan at maging ang uri ng kanilang pamumuhay.
D. Pagaganap at Karaktirisasyon Jiro Maño- Siya si Magnifico ang pangunahing tauhan sa pelikula. Isang bata na magalang, masunurin at mapagmahal ngunit mahina sa pag-aaral. Danilo Barrios- Kapatid na panganay ni Magnifico. Isang matalinong anak ngunit nasira ang pag-aaral dahil sa barkada. Albert Martinez- Ang ama sa pelikula. Isang contractual. Lorna Tolentino- Ang ina sa pelikula. Gloria Romero- Ang lola nina Magnifico. Cherry Pie Pecache- Ang kaibigan ng pamilya nina Albert at Lorna. Mark Gil- Bus driver na lihim na minamahal ni Cherry Pie. Ton-Ton Gutierez- Ang may-ari ng paggawaan ng muebles na pinagtatrabahuhan ni Albert at ama ng kalaguyo ni Danilo. 1. Silang lahat ay makatotohanan sa pagganap ng kanilang rule sa pelikula. Nakikita ko mula sa pelikula na may katulad ako nang ugali sa ilang tauhan na gumanap. 2. Madaling masakyan ang bawat eksena dahil litaw na litaw ang tunay na ugali ng pinoy sa isang partikular na sitwasyon. 3. Ang sitwasyon ng pamilya nina Magnifico ay isang maralita ngunit nagsusumikap na makaahon sa kahirapan. Ang bawat Pilipino na nakapanood nito ay madaling maaantig ang damdamin sa nais ipahatid ng bawat eksena. 4. Ipinapakita ng bawat tauhan sa pelikula ang iba’t ibang larawan nang buhay ng mga Pilipino at ang iba’t ibang mukha ng tao sa lipunan.
E. Pagsasalaysay Ang pelikulang ito ay patungkol sa buhay ng isang batang nagngangalang Magnifico at ang mga dakilang bagay na nagawa niya para sa kanyang kapwa. Kung saan ang kanyang pag – ibig, pagtitiwala, pananampalataya at lakas ng loob ang nagbigay ng pag – asa sa mga taong nakapalibot sa kanya. Binigyan niya ng kulay at liwanag ang mga buhay na dating nakasadlak sa dilim at dusa. Ipinapakita sa pelikulang ito ang mga responsibilidad na inako ng isang bata kahit musmos pa lamang siya. Pati ang pagsalo niya sa mga suliraning dapat ay sa mga matatanda na lamang. Ang pelikulang ito ay nagbukas sa bagong pananaw ukol sa buhay at sa ating mundo….ito ay sa mata ng isang bata na nagsisimula pa lamang mabuksan ang isip sa tunay na kahulugan ng buhay.
F. Musika o Tunog Ang musikang ginamit ay kaaya-aya at akmang-akma sa mga pangyayari. Mayroong masaya ang pinapatugtog, mayroong malungkot ang tugtog, at mayroon ding musika para sa pag -asa. Ang mga pinatugtog ay ang “Aking Munting Bituin" na iniawit ni Gary Valenciano, at ang “Anghel na Sugo” na iniawit ng UP Singing Ambassadors. Ang mga kantang ito at mga tugtog ang nagpalitaw ng kahulugan ng tagpo o damdamin, at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.
G. Disenyong Pamproduksiyon Naisakatuparan sa malikhaing paraan ang lugar, na sa Laguna, at tagpuan. Akma ang mga itsura ng mga tagapagganap, kanilang kasuotan at kagamitan na nagpalitaw ng panahon, kapaligiran at katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula.
H. Pag-eedit Naipakita sa pelikula ang natural o makinis na daloy ng mgapangyayari. Sa mga nasaksihang pangyayari, mapapansin ang mahusay na pagkaka -edit sapagkat hindi halata ang pagputol ng mga bahagi mula sa simula hanggang sa wakas ng pelikula na nagbigay daan upang makita ng mga manonood ang tunay na nilalaman nito. Ang pag-eedit ay tunay na nakatulong upang matuklasan at ganap na maunawaan ang paksa, banghay, at iba pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga bahaging hindi ganoong kahalaga sa daloy ng istorya, mas madali itong maunawaan. Isa pa, mas gumaganda ang nilalaman ng pelikula kung ang kabuuang pagpapalabas sa mga bahagi nito ay detalyado at walang nakasasagabal sa daloy ng bawat pangyayari
IV. Tema o Aral Ang aral sa pelikulang ito ay ang kamulatan sa mga totoong nangyayari sa buhay ng isang tao. Mayaman man o mahirap, bata man o matanda. Pati narin ang kabusilakan ng puso sa pagtulong at mamagandang loob ay hindi natatawaran ng anuman bagay.
V. Konklusyon at Repleksiyon Naunawaan ko sa pelikulang ito ang pag-asa sa buhay. Kahit Mahirap ka hindi mo kailangang mawalan ng pag-asa mas masaya ang mamuhay ng simple at nakakaya ng bawat isa. Si Magnifico ang naging modelo ng isang pag-asa. Hindi mo kailangang magalit sa mundo o tadhana kung ipinagkait nito ang mga bagay na inaasahan mo. Sa buhay ng bawat isa dapat lang na matutunan nating maging kontento sa buhay na ating tinatamasa ngayon. Hindi kailangan ang karangyaan upang maging masaya ang isang tao. Ang tunay na ikasasaya ng tao ay ang pagiging kuntento sa kung ano ang mayroon siya.
View more...
Comments