Lupang Tinubuan Ni Narciso G

May 9, 2017 | Author: Reyna Katrina Dela Paz | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Maikling Kwento sa Panahon ng Hapon...

Description

Lupang Tinubuan Ni Narciso G. Reyes Ang tren ay tumulak sa gitna ng Sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos nap o. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal Na Araw na kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulta ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-s-Tsug. Tsug. Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga. Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, ‘Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.’ Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan. Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na’t tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiay Juana, ‘Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.’ Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamaganak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik. Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kallagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at ditto, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit. ‘Walang maganda rito kundi ang langit,’ ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. ’ Hindi po naman,’ ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang

bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid. Kay rami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nagasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. ’Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,’ ang naisaloob niya. ’ Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.’ Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Balana ang nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kanyang pamangkin, at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon sai Danding, na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. Isang manipis na dingding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas na lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtina salo ng pinagbuhol na lasong itim, ay walang tigil ang pagyayaut-yaot dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan, nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot. ’Hindi mo nababati ang Nana Marya mo,’ ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. ’At ang pinsan mong si Bining,’ ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao. Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at namandala ana ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na

naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid. Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita.

’Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya.

’Bakit po?’

’Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.’

’May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.’

’Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.’

’Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?’

’Nasaksihan!’ Napahalakhak si Lolo Tasyo. ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.’

Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. ’Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.’ Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. ’Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang

kauna-unahan niyang tula-isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.’ Napangiti si Danding. ’Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkakaluwas niya sa Maynila?’

’Oo,’ natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. ’Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.’

’Nahuli po?’

’Oo – sa liwanag ng aandap-andap na bituin.’

Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.

’Ano ang pinanood mo sa bukid?’ ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas niyang pinsan. ’Ang araw,’ ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa bahay.

Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat – sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag-ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging ang pinakamaliit na halaman. Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila.

Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping pananangis na higit na makadurog-puso kaysa maingay na pag-iyak. Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikap ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay. Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at leeg. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.

Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso. Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig na mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang

mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti. Sa dako ng baybay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang aandap-andap ng bituing saksi ng unang pag-ibig nito.

Dugo at Utak Ni Cornelio S. Reyes Isang iglap na pagitan ng buhay at kamatayan. Isang iglap mula sa pag-igkas ng mabilis na kableng gabisig at sa paghampas nito sa bungo ni Korbo. Isang iglap ng abot-langit na sigaw ng pagtutol ng kanyang utak na sa loob ng isang iglap ding yaon ay pira-pirasong nakalat sa lapag ng ikiran ng balotbakal n kable. Ang utak ang kalaban ng aking mga pangarap, ang buong aklat ng aking buhay. At doo’y lagi kong iniingatang huwag muling mabuklat ang mga dahon ng aking mga kalungkutan. Ang utak, ang mga matang nakamalas ng iyong kagandahan, ang mga taingang nakarinig ng mga pagtatapat ng iyong pag-ibig, ang mga ilong na nakasamyo ng iyong bango, ang mga labing nakadama ng init ng iyong mga labi. Ang utak ang mga bisig na ng tuturo sa iyo sa sutlang hiligan sa tapat ng aking puso at nagbuhol sa ating dalawang katawan upang tayo’y maging kaisa ng lupa at langit , ng mga bituin at ng santinakpan. Isang iglap, at ang nasambulat na dugo at pira-pirasong malagkit, malambot at abuhing ay mga bagay na wala nang kahulugan. Kalat na wawalisin at itatapon sa tapunan ng mga dumi. Sa isang iglap, mula nang nakita ni Korbo ang pag-igkas ng kableng may dalang kamatayan para sa kanya at hanggang sa yao’y kanyang madama, ay isang kidlat ng pagtututol ng kanyang buong pagkatao ang gumuhit sa kanyang utak. Isang iglap at parang kislap ng gumuhit at nahalo sa kanyang utak ang ligaya, ang lungkot, si Karelia, ang inangkin niyang anak, si Dando, upang magwakas ang lahat sa isang maapiy at nakakabulag na liwanag. Huwag! Hintay, Maginoong Kable. Ito’y hindi nararapat! Ito’y walang katarungan! Hindi malalao’t parururok na ang araw. Napapaso ang init. Walang namamalas kundi ang malayong abot ng karagatan sa bawa’t panig, ang wari’y maninipis na anino ng di-maabot-tanaw na ilang pulo, ang bughaw na langit, ang pilak na alapaap. Mabanayad na nililikom ng babor-kable Apo, ang mga sirang kable sa kailaliman ng dagat upang ayusin yaon at muling itatag, at nang muling magkaugnay ang mga lungsod Maynila, ng Sebu, ng Iloilo, ng Zamboanga, upang muling ihinang ng pag-uunawaan ang mga pulo. At ang kable’y mabanyad na hinihila ng makina sa ibabaw ng kubyerta at inihuhulog sa kailaliman, sa dilim ng tiyan ng bapor.

Dalawampu sila sa dilim ng malalim na balon-tangkeng ikiran ng kable. Dalawampu sila, at isaisa, hali-halili, pagdating ng bawa’t takda ay lumalapit sila na gaya ng isang panata sa walang patid na dating ng gabisig at balot-bakal na kable. At ang bangis nito, ay tigas at bigat, ang matutol sa pag-igkas at paghampas na may dalang kapangyarihang lumuray at magwasak sa bawa’t tamaan ay sinusupil nila ng kanilang dalawang bisig at iniikid hanggang sa yao’y maamong mailapag at mabanayad na maiayos sa ikiran ng kanilang tinatapakan. At ang kanilang isa-isang paglapit sa kable at walang patid na payukod na pagligid sa tangkeng yaon ng kadiliman ay waring isang pagsamba sa isang mahiwagang Bathala. Dalawampu sila,at ang galit na laman ng kanilang mga bisig, katawan at hita ay masakit ay halos pumutok sa walng hintong pagtutol sa hapo. Ang kanilang mga baga ay halos napupunit sa walang humpay na paghingi ng hangin at hanging waring walang kasapatan. Samantala, ang kanilang mga kamay na mahigpit n ikinakapit sa kable ay maga sa dugo ng maraming sugat n ulit-ulit na hinihiwa ng mga talaba sa balat ng kable. At ang mga sugat na yaon ay sumisigaw sa hapdi at kati ng sarisaring lasong nagmumula sa ilalim ng dagat. Pagkatapos ng turno ni Korbo ay sabik na minalas niya ang parisukat na piraso ng langit na nakikita mula sa siwang sa kubyerta na pinagmumulan ng walng patid na dating ng kable. Ang kaluluwa niyang kaluluwa ng isang pintor ay uhaw n umiinom sa piraso ng langit na yaon na siyang tanging kagandahan sa dilim ng libingan ng ikiran. Dalwang lingo nang hndi lumalapit ang bapor-kable Apo sa lupa at dalwang lingo nang si Korbo at ng kanyang mga kasama ay namamahay sa ilalim ng kubyerta. Dalawang lingo sa dilim at sa pagtutol ng katawan at kaluluwa sa pagkaalipin sa kable. Dalawang linggong kasinghaba ng dalawang dantaon. Natatakot ako na baka hindi n marunong gumuhit ang aking kamay. Natatakot akong nalimot ko na ang kulay ng mga halaman at mga bulaklak, ang kulay ng dagat, ang kulay ng lupa. Natatakot akong nalimot ko na ang mga damdam ng init ng araw sa aking katawan, ang damdam ng hanging sa aking mukha at sa aking buhok. Pumitpitlag ang aking puso sa kaba nab aka hindi ko na kilala ang iyong kagandahan, ang dama ng iyong labi sa aking mga labi.

Paano’y kung mawawala ang lahat ng kagandahang ito at mamatay ang kaluluwa at hindi na muling guguhit pa ana aking mga kamay. At ang buhay ay magiging isang tunay na Sa wakas ay dumaong din ang bapor-kable Apo. At aang kalawakan ng langit ay hinigop ng uhaw na kaluluwa ni Korbo na matagl ding nagtiis sa kapirasong dulot ng siwang sa kubyerta. At sa isang tindahan ay maluwat niyang minamalas n nagingiti ang isang kuwintas na may palawitn isang maliit at mahiwagang Bathala na di niya kilala. “Magkano po?” ang tanong sa lumapit na tao ng tindahan. Sinabi sa kanya ang halaga. “Kung may sapat lamang akong ibabayad,” ang sabi ni Korbo. “Iyan po ay hubog sa lantay nag into. Hindi mahal.” Tuluyang natuwa si Korbo. “Kasasabikan po iyan ni Karelia,” ang kanyang sabi. At nang mamalas ang hindi pagkaunawa sa mata ng kausap: “Ang akin pong asawa ay mahilig sa pagtitipon ng maliliit na ikit ng iba’t ibang Bathala. At hindi po ba makikiliti ang madilat ay mahiwagang mga mata ng maliit na Bathalang iyan na wari bagang ibig saklawin sa isang tinig ang lahat nang namamalas sa buong santinakpan?” Ang nagtitinda naman ang napangiti. Nakatatawa ang namimiling ito. Ano ang ibig sabihin? Nasa ginto lamang ang halaga ng kuwintas na yaon. Pangit na pangit ang palawit. “alang-alang sa kakatuwang ugali ng inyong asawa, sa kalahati lamang ng talagang halaga‘y ibibigay ko na sa inyo.” Binilang ni Korbo sa isip ang laman nag kanyang lukbutan. “Balutin lamang ninyo agad bago ako makapag-bagong isip.” Walng anuman, ang sabi sa sarili. Matutuwa naman si Karelia sa pasalubong na yaon. Pagkatapos maihanda ang lahat at pagkatapos idugtong sa dalampasigan ang unang dulo ng naayos na kable, ang babor-kableApo ay mabanayad na naglayag sa “paglalatag” tungo sa kabilang pulo.

Pagkatapos ng “paglalatag” ay babalik na sa Maynila ang bapor. Banay-banay at maingat ang paglalayag sapagka’t kailangang bagayan ang makina ang kubyerta n humihila sa kable mula sa tiyan ng bapor at nagtutulak doon sa karagatan. Ang lahat ng babala sa panganib ay nahanda. Ang tatlong putol-putol na babala ay nangangahulugang dapat ihinto ang lahat ng makina. Dalawampu sila sa tangke ng ikiran. At bawa’t isa’y maingat na umaalalay sa kableng hinihila ngayon sa itaas mula sa lapag na kanilang tinatapakan. At apatnapung mata ang nakahinang sa bawa’t tabo ng paitaas na lubid na bakal. Ngunit mayroong nagkamali, mayroong nagtamad noong una sa pag-iikid pa lamang ng kableng yaon, mayroong hindi naging maingat. Pumitlag ang kable at dalawang bisig ang halos nawalat mula sa kanilang kasukasuan. Sa apatnapung mata ay apatnapung kulay ng sindak at pagkatakot ang nalarawan. Tatlong putol-putol na babala! Uli! At uli! At uli! Panganib! Panganib! Ihinto ang lahat ng makina! Humampas ang kable at naluray ang isang bungong nagkalat ng pira-pirasong utak sa lapag ng ikiran. Huminto ang lahat ng makina. Nagsiki ang lahat sa katahimikan. Ang buong kahabaan ng kableng wari’y naubusang bigla ng lakas ay maamong nabitin ay ngayo’y wala nang panganib. Nakita ni Korbo ang pagpitlag niyong kable. Nang ihampas ang buong kahabaan niyon ay namalas niya ang parang kidlat na pagdating na tungo sa kanya. At sa loob ng isang iglap n yaon mula sa pagpitlag hanggang sa madama ang diin ay isa-isang nabuklat sa kanyang utak ang buhay nila ni Karelia. ♦♣♦ At ang larawan ng buhay na yaon ay abot-langit n pagtutol ng kanyang kaluluwa. Huwag! Hintay, Maginoong kable! Tinagnan kung ito’y marpat, kung ito’y may katarungan. Sa paglubog ng araw ay parang napupunit ang buong ng-aapoy na kalangitan.

Natigil ang buong daigdig: ang malalaking tipak ng alapaap. Ang mga halaman. Ang tahimik na dagat na inuulit na salamin ng kanyang kalawakan ang paghihimagsik ng langit. Naabutan na ni Korbo si Karelia sa kanilang tipanan. Nakaupo ito sa isang malaking bato at minamalas ang maliliit na along gumagapang sa buhanginan. Nang masdan niya ang mukha niyon ay nakita niya ang lunkot at nabakas niya ang ilang pinahid na luha. Umupo siya sa tabi ni Karelia at minalas ang nagbabagang araw na kumakabila na sa maitim na bundok sa dako pa roon ng malawak na tubig. “Kung gayo’y alam mo na,” ang kanyang sabi. “hindi ako natanggap sa pagawaang itinuro mo sa akin. Totoong marami ang walang hanapbuhay. Kayrami naming pumasok gayong isa lamang ang kailangan” “Hindi ko alm,” ang sabi ni Karelia. “Nguni’t alam kong wala kang loob sa gayong Gawain. Alam kong nasa pagpipinta ang iyong isip. Inaalaala ko na unti-unti mo lamang ngangatngatin ang iyong puso kapag natanggap ka sa gawaing yaon.” “A, nagalit ka na sa akin, Karelia, gayong hindi ko naman kasalanan ang pagiging pintor ko. Kasalanan bang makadama at makakita ng kagandahan at ibigin ng buo kong pagkatao na iguhit yaon upang Makita at madama naman ng iba? At kung tinatawanan man ng marami ang gayong gawain sapagka’t hindi ko maibibili ng bigas ay hindi nangangahulugang nasa kanila ang katotohanan. Kung ang bigas ang ituturing ngayong pinakamahalagang bagay, iyan ay hindi bunga ng katunayan kundi ng laganap na karalitaang dulot ng tinatawag nating kaunlaran. Ang kagandahan ay isa sa mga halagang niwawalan natin ng kahulugan. Ang pag-ibig ay isa pa.” Siya’y napatawa. “A, nagsesermon na naman ako. Ikaw kasi. Sinalang mo na naman ang kinagigiliwan kong diwa” Unti-uting nawawala ang mapulang araw. “Korbo,” ang sabi ni Karelia “natatakot akong hindi sapat ang pagakain ng aking kapatid. Si Pepe ay maysakit na naman. Tanong maliit ang naitutulong ko sa kanila. Ang Tatay ay nawaln na naman ng gawain.” Maliit na bahagi na lamang ang nakaungos sa araw. “Korbo,” ang sabi ni Karelia. “dalawang taon nang tayo ay magkatipan. Kilala mo si Dando. Nagtapat siya ng pag-ibig sa akin.”

Lubusan nang lumubog ang araw sa unti-unting lumalaganap ang dilim. “Iniibig mo bas a Dando?” ang tanong ni Korbo. Sa kaunting banaag ng liwanang na nalalabi pa ah namalas niya ang paglaganap ng dugo sa maliit na ugat ng mga pisngi ni Karelia. “May sapat na kakayahang tumulong sa aking mga kapatid si Dando,”ang sabi ni Karelia. “May sapat na kakayhaang mag-asawa si dando.” Nadama ni Korbo ang sampal na sagot sa sampal na tanong niya. “Laganap na ang dilim,” ang sabi ni korbo. “baka inaantay ka na ihahatid na kita.” “Huwag na. Magtatrambiya na lamang ako” ang sabi ni Karelia. ♦♣♦ Isang iglap sa pagitan ng buhay at kamatayan. At ang dahon ng alaala ay matulin at bahabahaging nabuklat sa kanyang utak. Nang mawala si Karelia ay waring nawalan ng kahulugan sa kanya ang buhay. Waring namanhid ang kanyang pandamdam. Nawala ng kagandahan sa kanyang daigdig. Ang mga bulaklak ay hindi na mga tainmtim na panalangin. Ang mga kislap ng bituin na ulit-ulit na pagtatapat ng pagibig. Ang damit sa huli niyang kuwadro ay naluma sa taguan na di nakadama ng isa mang kulay sa guhit ng pinsel. ♦♣♦ Matulin ang agos na malinaw sa tubig na kumikislap sa mga batuhan sa tiyan ng mababaw na ilog. Isang babae ang naglalaba sa tabi nito. Nakilala ni Korbo si Karelia. Sa pampang sa lilim ng mga kawayan ay saglit-saglit na inaabot ng tanaw ni Karelia ang isang papag ng batang may kulong at tinutulungan ng isang pasusuhin.

Nilipat ni Korbo ang papag at maluwat at pinagmalas ang nakawiwiling natutulog na sanggol. nang balingan niyang muli ng tanaw si Karelia ay nakita niyang nakatigil ito sa paglalaba at matamang nakatitig sa kanya na waring ayaw pang maniwala na siya ay naroroon. Nakangiting lumapit siya kay Karelia. Umupo siya sa isang bato, inalis ang kanyang balanggot at pinahid ng panyo ang pawis ng kanyang noo. “Napakalayo naman sa bayan ang inyo ng nayon,” ang sabi ni Korbo. “Napagod ako sa kakahanap.” Pinagmasdan niya ang kanyang mga sapatos na namumuti sa alikabok. Maybutas na ang swelas ng isa niyon. Itinapak niya upang di makita ni Karelia. “Paano mong natutuhan ito?” tanong ni Karelia. Nakita ni Korbong hindi nalingid kay Karelia ang inililihim niyang ssira ng kanyang sapatos. “Itinuro sa akin ng iyong kapatid ,” ang kanyang sabi. Ibig niya ang mga mata ni Karelia. Malalim at mahiwaga ang mga itim niyon. “Nang mabalitaan kong ikinasal si Dando ay pinuntahan kita,” ang sabi ni Korbo. “Ang sabi ng iyong kapatid ay sinaktan ka at pinalayas ng iyong ama.” “Sumulat ako sa iyo makailang araw na tayo ay magkagalit,” ang sabi ni Karelia. “Tumungo ako sa inyong tinitirahan. Lumipat ka na at hindi mo raw sinabi kung saan.” “Pumasok akong manggagawa sa bapor na nag-aayos ng kable sa Bisaya at Mindanaw. Sa kapaguran ng aking mga laman at katawan ay naari kong limutin ang aking mga alaala.” “Sa aking sulat ay sinabi ko na may mga sandal, kung tayo ay magkakasama, na wari bang nakasisilip ako ng kaunting banaag ng kahulugan ng buhay,” ang sabi ni Karelia na tila ibig tawanan ang kanyang alaala. “Sinabi ko sa mga sandaling yaon ay napupuno ako ng damdaming ang buhay ay may halaga lamang sapagka’t ikaw ay naroroon.” Patulooy ang pagkusot ni Karelia sa damit na nilalabhan. Matingkad ngayon ang kulay ng kanyang mga pisngi. Sa nalaylay na liig ng kanyang baro ay nakalabas ang kanyang balikat na pinamumula ng sikat ng araw. ♦♣♦

Halos hindi na maabot ni Korbo sa alaala ang bahagi ng kanyang buhay na hindi kinaroroonan ni Karelia. Sa palagay niya ay nangyari yaon bago pa nilalang ang daigdig. Sa wari niya ay simula pa lamang noon ng daidig nang may isang dalagang lumapit sa kanyang pagpipinta at nagugulumihan ng nagmasid sa iginuguhit ng kanyang pinsel. Nasa isang ilang siya noon. At ang dalaga ay hininuha niyang kasama sa isang piknik. Pagkatapos ng matagal at pilit na pag-unawa sa kanyang kwadro ay bumaling sa kanya ang dalagang nagingiti. “Ang kawayanan po bang yaon ang inyong pinipinta?” “A, nahulaan din ninyo sa wakas,” ang sabi niyang tumatawa. “Patawarin ninyo po ako,” ang sabu, “Ngunit bahagya nang makilala ang inyong mga kawayan at ang namamayani sa inyong kuwadro ay ang mahihiwagang kulay na pilit ko mang wariin ay hindi ko makita sa mga puno ng kawayan yaon.” Lalong natuwa ang kanyang kalooban. “A, kung kayo lamang ang maaaring lumagay sa kinalalagyan ko ngayon at Makita at maipinta ang pilak ng kislap at lalim ng itim ng inyong mga mata, ang rosas ng inyong mga pisngi at ang pula ng inyong mga labi, ay di maniniwala n asana kayong ang kulay pala ay may sariling wika na nauunawaan ng puso.” Tumawa ang dalaga. “Ang nauunawaan ko lamang ay ang ibang-iba at kakatuwang paraan ninyo sa pagsasabing maganda ang isang dalaga.” Nagsabat ang tunog ng kanilang halkhak. ♦♣♦ Umiyak ang sanggol sa tulugan nito sa lilim ng mga kawayan sa pampang. Iniwan ni Karelia ang kanyang nilalabhan at pinuntahan ang sanggol. Binuhat at idinuyan sa kanyang mga bisig. Ngunit hindi tumigil iyon sa pag-iyak. Sumunod si Korbo at hiningi ang sanggol kay Karelia.

“Bayaan mo ako,” ang kanyang sabing nakangiti at inabot ang sanggol. Ibinigay ni Karelia at tumigil naman yaon nang mahimlay sa lalong malalaking bisig ni Korbo. At tuluyan nang natulog na muli. “Alis na muli ang aming bapor sa linggong darating,” ang marahan niyang sabi upang di magising ang dala niyang sanggol na di iniiwan ng kanyang tingin. “May inupahan akong bahay sa Maynila. Kung maghahanda ka ngayon ay aabot tayo roon bago dumilim. Bukas ay maari tayong pakasal.” ♦♣♦ Isang iglap lamang ang pagitan ng buhay at kamatayan. Sa loob ng isang iglap ay maaari kayang danasing muli ang buong buhay ng isang kinapal? At sa bawat tilamsik ng sumambulat na utak ay maaari kayang piliin at pag-ugnay-ugnayin ang mga nagsasabi ng lungkot at ang mga nagsasabi ng ligaya upang sa nabuong larawan ay mabasa ang kahulugan ng buhay? Sa kalat na mga utak ay napasama ang isang kuwintas nag into na may palawit na maliit at mahiwagang Bathala. Madidilat ang malalaking mata nito na wari bagang ibig sakupin sa isang titig lamang ang lahat ng makikita sa buong santinakpan. ♦♣♦

Uhaw Ang Tigang Na Lupa Ni Liwayway Arceo

Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanynag malungkot na pagtitig ssa lahat ng bagay, paghikbi… Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina… Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ako makita. Kailangang ‘do ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw... Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman. Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol samga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata. Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat... Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunit ang pananabik na ito’y napapawi.

Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid- kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba kahulihan ng gulang, isang maaring magingfg katapatan… Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan. Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya. Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw. Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak. Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla... Ngnit, walang pagsisisi sa kanyang tinig. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama. Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkabo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin. Ano ang nasa isang talaarawan? Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaiba ang kalasingan niya nagyong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa. Hindi rin kumikino si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol. Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat... Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti. Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga. Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.

Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti, buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya – tubig na pinaglagaan ng mga dahong ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi. Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga! Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama. Sana’y ako si na sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalaga ang nadarama kong kasiyahan… Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: si ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit. Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit, ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon. Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa sobre. Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot… Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan... Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumupigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan... Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na mangnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang

lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaring paluhain. Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin... Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot? Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama. Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay... Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga. Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko! Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito. Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang uang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang- buhay... Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin. Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama. Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag- idlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya... Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi. Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.

Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan... Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niyo ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punung-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.

Nagmamadali ang Maynila Ni Serafin C. Guinigundo

" GINTO. GINTO... Baka po kayo may ginto riyan?" "Mga mama.. mga ale... ginto...?" ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa. " Baka po kayo may ginto?" ang muling sigaw ng babae. " Kung may ginto ako bakit ko ipagbibili? Hindi baga mas mahal ang ginto kaysa kwalta?" sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay. Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag - aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ag kanilang usapan, Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gatas ng niyog.

Kung

sila'y palarin;

kakamal

ang

libo,

kung mabigo

naman

ay gutom

maghapon

Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin, tawad, silip, tingin, tawad. Tingin sa singsing, sa kwintas, hikaw, at pulseras. " Ilang ply, anong sukat ng goma?" usisa ng isa. " Ano? In running condition ba? Baka hindi, Mapapahiya tayo," ang paniniyak ng isa naman. " Aba! sinasabi ko sa iyo... garantisado. hindi ka mapapahiya," tugon ng tinanong. " Hoy,Tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon? Mayroon na ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan ha? Kahit hindi nakasulat... ikaw ang bahala. " " Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin, hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon. " Ang iba ay maingat; gumamit ng mga lenteng maaninag sa mga tapyas ng brilyante. Nangingilag sa basag na bato: iyong may karbon; iyong may lamat. Malulugi kapagka nabibigla sa pagtawad. Sa bawat may lenteng tumitingin ay marami pang taong nakapaligid na nag - aantay na makasilip naman: makatingin at tumawad sa singsing, hikaw at pulseras. Ang init ng araw ay hindi alumana ng mga taong ayaw iwan ang kakapalan ng nagtatawaran ng lupa, bahay, bakal, pako, trak, lantsa, kabayo, makinilya at iba pang mga bagay. Kakain lamang upang magbalik; babalik lamang upang makipag - usap, tumawad, at tumingin. Ang maghapon ay natatapos sa nakapaghihinayang na pakinabang; nauubos upang umasa sa isang kinabukasang marahil ay lalong mapalad at manigo. " Balut... balut... baluuuut... baluut!"

"Puto... put.., putt... puto." Iyan ang mga tagapambulahaw sa mga natutulog, sa mga may nanlalambot sa tuhod. " Isang oras lamang, maaari ba? Ipapakita ko lang sa aking buyer. Magugustuhan ito. Cash ngayon din. Iiwan ko muna ang aking tubog sa iyo. May halaga yan. " " Huwag na. Dalhin mo, Sisirain mo ba ang iyong pangako? Kilala naman kita. Madali ka. Isang oras ang pangako ng aking kaibigan sa may ari nito. Kaya kung dadalhin mo ay sige. Ibalik mo agad aantayin kita. Hindi ako aalis, bago mag-ikalabindalawa. Humahangos ang pinagbigyan ng singsing. Naglagos sa kakapalan ng mga tao. Madagil o makadagil ay tuloy sa kanyang paglalakad. Hinahawi ng kanyang mga bisig ang mga tao. Isinisingit niya ang kanyang manipis na katawan. Maikli lamang ang palugit sa kanya sa singsing - isang oras. Ang taong humahangos at nagmamadali at tila nakikipag -agawan ng oras ay si Maciong. Kabilang si Maciong sa mga bumibili nang walang puhunan kundi laway at nakapagbili nang wala kundi sa listahan. Isa siya sa mga ahente sa pamilihang- kalye na lalong malaki ang pakinabang sa kanyang listahan kaysa sa tunay

na

tinatanggap

ng

kanyang

bulsang

palaging

puno

ng

bigong

paghihintay.

Si Maciong na kasalungat ng katwiran ay bata ni Luisita, ang kanyang kabiyak ng dibdib, ay may paniniwalang ang pananagumpay sa buhay ay nakasalig sa kaunting bilis ng isip na kanyang tinatawag na "abilidad". Ang abilidad na iyan ni Maciong ay siyang ipinangangako kay Luisita. Maipakikilala niya ito sa iba't ibang sukat ng goma; sa mga hawak niyang option sa trak, sa awto, sa bahay, sa lupa at marami pang iba. Iyan ang kanyang inaasahang masasalapi hindi maglalaon. Mga katapatan lamang niya ang kaniyang pinagsasabihan. Baka siya'y maunahan kung siya'y magsasabi. Mabibigo ang kaniyang pangarap. Muli siyang susumbatan ni Luisita. Nakaraan din si Maciong sa kumukutong mga tao. " Teng... teng... teng...teng..," ang tinig nang dumaragsang dambuhalang trambya na maraming sakay na hindi makapasok sa loob, tranbiyang tila baga isang kalabaw na 'di makayang lumulon sa sinsamungal na sakate sa kanyang namumuwalang bunganga. Nangunyapit lamang si Maciong sa tansong hawakan sa tranbya. Doon siya nagpalumaging nakabitin. " Pasok po sila... pasok po kayo... dito sa loob at maluwag. Pasok..,pasok.,." ang dugtong na utos ng konduktor. Hindi alumana ni Maciong ang pagdudumali ng konduktor. Laging hindi napapansin ni Maciong na ang kanyang pagsambot sa tiket ng isang umibis ay sinusulyapan ng konduktor. Ang pagpasok ni Maciong sa loob ng trambya ay hindi nalingid sa kabatiran ng konduktor. Hindi pansin ni Maciong ang pagpapatunog ng taladro ng konduktor." Narito, " sabay abot ni Maciong ng tiket na halos mainit - init pa buhat sa kamay ng kaiibis na mapagkawanggawa na sinambutan ni Maciong.

" Hindi ba kapapasok mo lamang?"

" Kanina pa po ako, bumago lamang ng upo. " " Saan kayo sumakay? " " Sa trambya, saan pa?" Hindi napigil ng mga nasa paligid na nakikinig ang pagtatawanan, na naging snhi g pamumutla ng konduktor. "Saan kang pook ng Maynila, nagsimulang sumakay?" ang buong linaw na tanong ng konduktor sa hangad na makabawi sa pagkapahiya, "Itinanong mo na kanina iyan," tugon ni Maciong. "Itatanong mo na naman. Ewan ko ba? Tingnan mo sa tiket. Diyan mo iginupit kanina. Hindi ka ba marunong bumasa?" Naghagikgikan ng tawa ang mga nasa paligd nila na nakikimatyag sa kanilang pagmamainitan. Buong pagngingitngit na tinitigan ng konduktor ang gusot na buhok ni Maciong. Sinukat ang laki ng bisig nito; hinagod ng malas ang taas at nang ang kanyang mapanuring paningin ay dumako sa kupikuping tainga ni Maciong na tila kulubot na sitsarong - Bocaue ay nagkunwang tinungo ang pintuan ng trambya upang makaibis at makasampa ang maraming sakay. Mag-iikalabing-isa na at kalahati ng tanghali. May kalahating oras pang nalalabi sa ibinigay sa kanyang palugit upang maipagbili ang singsing. Natitiyak ni Maciong ang pakinabang na halos binibilang na niya sa kanyang palad na hindi nag-aamoy kwalta may ilang buwan na. Nagdudumaling nanaog si Maciong sa Plaza Burgos. Nag-uumihit na sinundan ang isang taong may bitbit na bayong. Tinawag niya sa pangalan ang taong iyon. Lumingon ang tinawag. Nagkakilala silang dalawa. "Hoy Tasio dala ko ang singsing. Bumibili pa ba ang ating buyer?" "Aba, eh... kailan ba tayo huling nagkausp? Matagal na. Nawala na sa loob ko. Akala ko'y wala kang makukuha, sayang, nakabili na, Bayaan mo at sa ibang araw." Hindi makuhang ilabas ni Maciong sa bulsa ang kanyang kamay na buong higpit na nakahawak sa singsing. Naaalala niya at inuulit-ulit ang kanyang gunam-gunam ang "Bayaan mo at sa ibang araw" na katulad na rin ng katagang " mabibigo yata ako magpakailanman." Tinitigan ni Maciong ang pagdaragsaan ng mga tao sa Plaza Burogs. Unahan sa pagsakay sa trambya. Hindi makaigpaw sa itaas ang ga may mahihinang mga tuhod lalong mahihinang bisig sa pagdaraingkilan. Ang mga babae ay naging mapagbigay sa paggitgitang yaon; hindi nila napansin ang pagkaipit ng kanilang katawan sa matitipunong bisig; halos mayupi ang kanilang mga likod-ang dibdib. Ang kutob ng dibdib ni Maciong ay halos

magpatahip

ng

kanyang

polo

shirt

na

mamasa-masa

na

sa

pawis.

Sa paningin ni Maciong ay may kulay pa rin ang sikat ng arw, bagama't ang matitingkad na kulay na yaon ay pilit na pinangungupas ng nagsalabat na dilim na pumipindong sa tuktok ng mga nagtatayuang gusali. Ang tinatahak ni Maciong ay makikinis na mukha ng aspalto na kadidilig pa lamang. Ang ganti ng

liwanag buhat sa mararangyang tahanan ay tila matutulis na palasong nagtalusok sa makikinis na mukha ng kalsadang tinatahak ni Maciong. " Balut... balut... Baluut... baluuut". " Putooo... putooo... puto... puto..!". " Maciong, kain na. Malaki ba ang tinubo mo kahapon?" ang naging tanong ni Liusita. " Hindi mo na ako nabigyan ng balato. Ibibili ko lamang ng iyong sapatos." Nangiti si Maciong. Nalalaman niyang siya ay nililibak o binibiro ni Luisita. " Maciong, tigilan mo na ang lintik na buy and sell na iyan. Payat ka na, ang pambili mo lang ng sigarilyo ay hindi mo pa makita. Panay lakad... lakad... tuwid...lakad,,. tuwid.. sa libu-libong wala. Nasaan ang iyong lion's share at itong chicken feed ko ang siyang inaalmusal mo. Panay na ang kita ko sa labada ang iyong nginangangahan para kang luklak na ibong nag-aantay ng ngungo ng ina." " Luisita, masasabi mo ang lahat sapagkat iyan ang iyong nakikita. Hindi abot ng isip mo kung bakit si Pedrong Makunat ay tagapangasiwa ngayon ng Lucky Sport Real State Agency, si Kamelong Palos, hayan... may malaking tanggapan ng bakal at ang halaga ng kaniyang bakal ay sampung ibayo ng kanyang dating puhunan. Sila ay nagsipamula sa walang katulad ko. Si Ruperto, si Mariano, kapwa may bahay na ngayong sarili. Hindi ba ang mga diyablong iyan ay katulad ko rin na nagsimula sa lapis at papel?... at si Calixto, si Melano, aba! Baka masilaw ka sa kanilang suot na brilyante? Mamatahin mo, ngunit mayroong libreta sa bangko. Sila ay para-paraang nauna sa akin, ngunit nahuli ako upang mauna. Hindi sila makatitiyak sa aking abilidad. " Lubayan mo ako Maciong. Sa abilidad mong iyan, diyan ka magugutom. Kain na. Lalamig ang salabat. Baka naiinip sayo ang iyong kaisplit." " Nalalaman ko ang aking ginagawa. ang aking kapalaran ay hawak ng aking dalawang palad. Ang daigdig ay nakapaloob sa aking ulo." " Naku, magtigil ka na, Makita ko. Bagay sa iyo ang magsaka. Doon ka sa gitna ng bukid magbungkal at tiyak ang iyong pakinabang. Hindi mo kami mabubuhay sa swing-swing na iyan. Hindi namin makakain ang

lintik

na

listahang

iyan.

Magsisilaking

tanga

at

walang

muwang

ang

iyong

mga

anak." Kumain si Maciong ng walang imik. Ilang subo lamang ang kaniyang ginawa at ilang higop ng kapeng-mais. Kabilang na naman si Maciong sa hukbo ng mga nagbibili at bumibili ng hindi kanila at wala pa sa kanila. " Tiyak ba ang iyong sinasabi? Malayo ba? Pick-up hane?' "Oo, pick-up lang. Malapit lang. Tayo na."

Pulu-pulo ang nag -uusap. Kani-kaniyang alok; kani-kaniyang tawad. May humihipo ng singsing. May sumisilip, may lumelente sa maliit na tapyas ng brilyante. Silip.., tingin... tawad... silip... tingin,.. tawad.. " Maciong, ano ba ang iyong line ngayon? Mayroon ka bang buyer na goma ng trak? Mayroon akong dalawampu." " Ako, kahit anong pagkakasalapian. Totoo ba ang goma mo? Magkano... malayo ba? Tingnan natin," wika ni Maciong. " Diyan lang sa tabi - tabi, isang libong piso ang halaga ng isa." " Diyan lamang? Tayo na, tingnan natin. Kung sa bagay dala na ako sa iyo. Madalas kang mag-alok ng wala. Nasusubo ako sa kompromiso sa aking mga kausap. Makita ko muna bago ko ialok." " Ikaw naman, patay-patay ka." ang salag na kausap. Inialok ko sa iyo ang arina, pinabayaan mo. Ang pako, ang trak, ang makina, at ang makinilya. Mabagal ka naman eh...!" Hindi pa sila nalalayo sa kakapalan ng mga nagbibili ng wala ay nasalubong ni Maciong ang dati niyang kakilala, si Tasiong Abuloy na lalong kinasusuklaman niya tuwing magugunita ang kanyang kabiguan sa singsing. " Mayroon ba tayo riyan?" ang bungad ni Tasio. " May buyer ka ng goma?" " Iyan ang hanap ko. Nasaan.., ilan... magkanao?" "

Dalawampu...

isang

libo't

dalawang

daan

ang

isa;

malapit

lang."

" Sold. Kung mapahigit ko sa halaga ninyo ay akin ha? Wala na kayong pakialam sa higit doon... Iba na amg malinawan," pagunita ni Tasio. " Halika na. Iyong lahat. Hoy, Tsiko, ang sabi mo sa akin ay isang libo lamang." ang bulong ni Maciong sa kanyang kausap. " Wala ka ring pakialam sa labis doon. Hayan".. naririnig mo. Huwag kang magsasalita tungkol sa halaga at bayaran mo. Ako ang bahala." Dalawang tango lamang ng pagsang -ayon ang iginanti ng kausap ni Maciong. Nagtuloy sila sa isang makipot na lagusan. Tuloy silang pumasok sa silong. Maraming agiw na nagsalabat sa daan. Nabulabog ang mga daga. Ang amoy ng mga lumang kasangkapan ay nakapagpapakalma ng sikmura. Tinalikwas ng nagbibili ang ilang piraso ng yero at nabuyangyang sa kanilang nag-aalinlangang paniniwala ang dalawampung goma ng trak na may balot pang papel. Lumabas na bigla si Tasio upang tumawag sa telepono. Nakilala ni Maciong ang kaugnayan ni Tasio nang ang goma ay hakutin ng trak. Kitang kita ni Maciong na binibilutan ng sapot ng gagambang bahay ang isang langaw na mabating sa hibla. Habang minamasdan ang agiw na naglawit sa may tagulamig silong na siyang nagpapangit sa silid na yaon ay hindi maubos - maisip ni Maciong kung bakit

doon niya natagpuan ang kapalarang ipinagkait sa kanya ng makukulay na sikat ng araw. Pumailanlang ang isipan ni Maciong. Naririnig ni Maciong ang kiriring ng telepono. Nauulinigan niyang itinatanong kung si Manedyer Maximo Kabangis ay naroon at kung nais bumili ng goma, ng pako, ng langis, ng yero ng trak, ng makina, ng bahay ng lote. Naramdaman ni Maciong na ang hapo at bigong pag-asa niya ay dahan-dahang humihimlay sa malambot na kama. Bumabasa ng pang-umagang pahayagan ang mga paningin ni Maciong na namangha sa isang tagumpay na inaasam-asam at nang ito ay dumating ay hindi niya maunawaan. Naririnig ni Maciong ang awit sa radyo; dinig na dinig niya ang " Tindig, aking Inang Bayan; Lahing pili sa Silangan." Binalak pa rin ni Maciong na ihagis sa nanlilimahid na kandungan ni Luisita ang bungkos ng mga sasampuing piso. Gugulatin niya si Luisita. Hindi na siya bibili ng lumang damit sa panulukan ng mga daang Asuncio Azcarraga para sa kanyang apat na anak na kailan lamang ay hindi niya kayang ibili ng bago. Ipamumukha niya kay Luisita na siya'y may abilidad. Nagkukumahog si Maciong nang siya ay umuwi nang tanghaling iyon. Ang biglang pamimintog ng bulsa ni Maciong ay damang-dama at nabubunggo ng kanyang mga hita sa kanyang mabilis na paghakbang. Nakapaglagos si Maciong sa kakapalan ng mga tagapagbili ng wala sa kanila, ngunit di niya gaanong alintana ang mga pagtatawaran, ang pagtitipanan ang pagtutuwid sa ibayong pakinabang. Sa ganang kay Maciong ay kanyang lahat ng mga kalye ng Maynila - ang buong Maynila. " Mama... mama... genuine camel po... genuine... gen..." " Hoy, bigyan mo ako." ang tawag ni Maciong." Magkano?" sabay dukot sa kanyang bulsa na naging masikip sa balumbon ng mga sasampuing piso at walang anumang kumuha ng tatlo nito, iniabot sa bata, kinuha ang sangkahang Camel at ang bata ay iniwang tuwid na tuwid. Mga ilang sandali pa, ang bata ay humahabol kay Maciong upang ibigay ang sukli. " Mama... ang inyong sukli..." " Ah! Hindi bale," tugon ni Maciong, " sa iyo na..." ang dugtong pa na ang tinig ay sinadyang ilakas upang marinig ng maraming nagdaraan. Hinigit ni Maciong ang kanyang balikat; tinutop ang kanyang bulsa; tumingala sa langit samantala'y patuloy ang usok ng kanyang sigarilyo at ang alingawngaw ng alukan at bilihan sa pamilihang kalye ay patuloy... Patuloy ang pagkiriring ng telepono. Ang pukpok na bakal sa hulo, sa liwasan ng lungsod ng Maynila, ay patuloy. Ang mga nagtatayugang gusali ay tila nagbabantang umabot sa rurok ng langit. Ang alimbukay ng aso ng alkohol sa lansangan ay nakahihilo, Tigb ang mga karitela, Punuan ang mga trambya. Humahangos ang mga tao sa lahat ng lansangan ng Maynila. Gumagalaw ang lahat ng bisig, ang lahat ng isip, ang buong katawan ng Maynila.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF