literature

January 6, 2017 | Author: May-ann Pacala | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download literature...

Description

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

PANIMULA Sa kabataan ngayon nadadala sila ng kanilang mga damdamin at nakakagawa ng isang pagkakamali na hindi na matatakbuhan, at sa bandang huli ay pinagsisihan kung bakit ito nagawa. Ang mga Kabataang Magulang ay mga kabataan na kung saan ay nakakaranas o nararanasan na ang mga responsibilidad ng pagiging magulang. Karamihan sa mga kabataan na ito ay may mga malalakin responsibilidad lalung-lalo na sa kanilang mga anak. Ang problemang ito ay isang malawakang isyu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa estadistika ng Save the Children, sa dami nang kabataan na magulang ay may 13 milyon lalo na ang babae sa iba’t ibang parte ng mundo ang nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil dito, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga gobyerno upang ibaba ang bilang ng kaso na ito o ang tinatawag natin na teenage pregnancy. Ayon naman sa World Health Organization, 21% na mga Pilipinong kababaihan ang nabubuntis nang wala pang 19 anyos. Ayon din sa POPCOM, ang mga batang ina ay bumubuo sa 30% ng lahat ng pagbubuntis, 17 na mga kaso ng mga hinimok na aborsyon (Induced Abortion), 12% ng normal na panganganak, 6% ng boluntaryong aborsyon. Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, kinakatawan ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa pilipinas, napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay ang mga konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa sekswalidad. Samakatuwid, naniniwala ako na ang pagtalakay sa usaping sekswal ay isa pa ring mabisang paran upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga gawa”. Dahil wala pa sa hustong gulang, karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay hindi nagpapakasal. Napipilitan din silang tumigil sa pag-aaral hanggang makapanganak. Ngunit, marami sa kanila ang tuluyan nang humihinto sa pag-aaral upang magtrabaho. Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis ay sinasabing sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulobong populasyon at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa madaling sabi, mas maraming maagang nabubuntis, mas tumataas ang antas ng kahirapan.

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN 

Ano isa sa mga tinuturong dahilan ng pagbubuntis ng mga kabataang babae?



Ang kakulangan ba ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa pakikipagtalik ay sapat?



Bakit likas na konserbatibo ang mga Pilipino?



Nakakatulong bas a mga kabataan ang paglalabas ng media na may temang sex?



Sapat na ba ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kontrasepsyon at reproductive health na siyang dapat ay itinatalakay sa sex education at counceling?

LAYUNIN NG PAG-AARAL Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukolsa mga epekto ng maagang pagbubuntis´. Ang mga impormasyon na itoupang ang makalap ay gagamitin para makabuo ng mga kongkretongimpormasyon para maging aral na resulta ng sobrang kapusukan atpakikipagtalik ng walang basbas ng kasal.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Sa mga mananaliksik,sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, angmga mananaliksik ay makakalap ng impormasyon na makakatulong sa aminat sa lahat kung paano makakaiwas sa mga hindi magagandang epekto ngmaagang pagbubuntis. Makakatulong rin ito sa pagsasakatuparan ng mgamananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na tumulong sa kapwa. Satulong ng mga impormasyon ay maaring makabuo ang mananalisik ngrealisaysyon o aral na maari kong ipamahagi sa iba upang mabawasan,kundi man, mapipigilan, ang paglalaganp ng ³maagang pagbubuntis´. Sa kabataan,ang pag- aaral na ito ay makatutulong sa pag mulat samata ng kabataan ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ngpakikipagtalik ng walang basbas ng kasal. Sa mga magulang,ang pananaliksik na ito ay maaring makatulong sa mga magulang sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Makakapagbigayito ng mga ideyakung papaano nila pangangaralan at didisiplinahin angkanilang mga anak sa paraang hindi ito magrerebelde at gagawa ng mga dikanais-nais na mga bagay at mabibigat sa kahihitnantnan. Sa simbahan,sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mapapalaganap lalo na ang layuninng simbahan na mababawasan , kung di man matigil na ang pagdami ngkaso ng maagang pagbubuntis. Sa tulong din nito, ang aral ng simbahanukol sa maagang pakikipagtalik na siyang sanhi ng “teenage pregnancy” atang aborsyon, na maaaring maging solusyon ng mga batang ina sa kanilangproblema, ay lalong magpapalaganap sa mga kabataan. Sa komunidad at sa pamahalaan,ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pamahalaan sa pagkontrol ngpopulasyon sa pamamagitan ng pagliit ng insidente ng ”teenage pregnancy” ang mga datos na makokolekta ay maaaring magmulat sa kamalayan ngkaramihan ukol sa maagang pagbubuntis at sa samu’t saring epekto nito nakadalasan ay nakakasama.

BATAYANG KONSEPTWAL Sanhi

Proseso



Kakulangan ng kaalaman tungkol sa Sex Education





Maagang pagkakaroon ng anak.





Maagang pagkakaroon ng pamilya

Gumagawa Hindi katanggap tanggap sa lipunan.

Bunga 

Nabubuntis ng wala sa oras.



Pagkasira ng repitasyon sa lipunan.



Pagkakaroon ng mabibigat na suliranin pangpamilya.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Barangay 74 , 102 Heroes Del 96 St. Caloocan City na kung saan doon naninirahan ang 20 babae na aming mapagtatanungan. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa naging epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kababaihan gulang 13-19 taong gulang na kung saan deskriptibong pamamaran ang gagamitin para makakuha ng mga impormasyon. Ang pananaliksik ay mangyayari sa buwan ng Pebrero hanggang Marso, sapat para makagawa ng sarbey hanggang sa makabuo ng kongklusyon.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYANG GINAMIT 

Teenage Pregnancy- ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa satamang gulang.



STD( sexually transmitted disease)- mga sakit na napapasa sa isangtao patungo sa isa pangtao sa paraan ng pakikipagtalik.



WHO( world youth organization)- isang ahensiya ng nagkakaisangbansa (UN) na tumutulong sa pagbubuti sa kalagayan ng kalusugan.



Maternal- hinggil sa ina o pagiging ina.



Menarche- unang buwanang dalaw ng isang babae.



Obulasyon- isang proseso ng pagreregla kung kalian sumasabog opumuputok, ang isang nasa katandaang suput- suputan ng bahay bataat naglalabas ng iisang itlog na nakikihilahok sa pagsusupling (googlereproduksiyon).



Family research council (FRC)- ay isang konserbatib, group at lobbyingorganisasyon , ang pundasyon ng sibilisasyon ang akatan ng kalinganat bukal ng lipunan.



POPCOM- (Population Commission)isang ahensya ng gobyerno na namamahala at tumutulong sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa populasyon.



Social Stigma- ang tawag sa pagkakaroon ng tatak ng “kahihiyan sa lipunan”.



Gender Role- bahaging ginagampanan o ang papel ng kasarian ng tao.



Nutritional Deficiency- kakulangan ng karampatang kalusugan ng isang tao.



Maternity Mortality Rate- ang bilang ng mga batang naipapanganak sa isang araw.8

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF