Licensure Examination for Teachers Reviewer (General Education - Filipino)
April 24, 2017 | Author: TheSPEDTeacherPH | Category: N/A
Short Description
This is a compilation of topics which are included for the Licensure Examination for Teachers (LET). This reviewer only ...
Description
PONOLOHIYA 21 ang ating ponema Diptonggo (w at y) ay bahay ey beywang iy oy tuloy uy kasuy aw sigaw iw sisiw Pares Minimal (pares ng salita na pareho ang tunog) Hal.: tela-tila, titik-titig, sipag-hipag MGA PANG-UGNAY Pang-ukol – para, nasa, para sa, tungkol sa, para kay, ayon, kina Pangatnig – at, pati, saka , o, ni, maging , subalit, ngunit, kung , bago, upang, sana, dahil sa, sapagkat Pangangkop – na,-ng, -g ANAPORA vs. KATAPORA Anapora –una ang pinalitang pangngalan at huli ang panghalip Hal.: Si Ana ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Pelaez Resort dahil paborito niya itong pasyalan. Katapora –una ang panghalip at huli ang pinalitang pangngalan Hal.: Patuloy nilang dinarayo ang Pelaez Resort dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
FILIPINO PARA SA LET PILIPINO AKO! FILIPINO: KAYANG-KAYANG-KAYA KO! PAGPAPANTIG 10 ang kayarian ng pagpapantig P a-so KP ma-ta PK ak-lat KPK sak-lap KKP blu-sa PKK eks-pre-syon KKPK plan-ta KPKK nars KKPKK trans-por-ta-syon KKPKKK shorts
MGA URI NG PANGHALIP
Panao (Personal)
- tumutukoy sa tao (ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atbp.) Pamatlig (Demonstrative) - tumutukoy sa lugar o pangyayari (doon, ito, atbp.) Pananong (Interrogative) - nagtatanong (ano, anu-ano, sino, nino, alin, atbp.) Panaklaw (Indefinite) - lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang
MGA DISKORS
Paglalarawan – bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip Pagsasalaysay – layuning magkuwnto ng mga pangyayari. Paglalahad – mabigyang-linaw ang isang konsepto, kaisipan, o bagay Pangangatwiran – pagbibigay ng dahilan, kadahilanan o katwiran sa isang bagay o nagawang kilos o galaw.
MORPOLOHIYA Mga uri ng morpema Asimilasyon - pagbabagong nagaganap sa (n) dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito. Asimilasyong di ganap - pagbabago sa unang morpema Halimbawa: pang + bansa = pambansa, sing + bait = simbai Asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat. Halimbawa: mang + tahi = manahi, pang + palo = pamalo Pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng ponemang "r". Halimbawa: ma + damot = maramot, ma + dunong = marunong Metatesis -pagpapalit ng posisiyon ng panlaping "-in" kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l, o y) Halimbawa: lipadin-nilipad, yakapin-niyakap Pagkakaltas ng ponema - mayroong pagkakaltas ng ponema. Halimbawa: takip + an = takpan, sara + han= sarhan Paglilipat-diin - kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag ito'y nilalapitan. Halimbawa: laro + an = laruan, dugo + an = duguan
MGA TEORYA NG WIKA Teoryang Bow Wow - mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan Teoryang Pooh Pooh - bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit at tuwa Teoryang Yoheho - mula sa mga pwersang pisikal ng tao Teoryang Ding Dong - mula sa mga tunog ng mga bagay-bagay na likaha ng tao Teoryang Tarara-Boom-De-Ay - mula sa mga ritwal
BAHAGI NG PANANALITA Mga nominal a. Pangngalan (noun) b. Panghalip (pronoun) Pandiwa (verb) Mga panuring (mga modifier) a. Pang-uri (adjective) naglalarawan sa pangngalan at panghalip b. Pang-abay (adverb) naglalarawan sa pandiwa, panguri at kapwa nito pang-abay. MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN Payak (1 indepenent) - binubuo ng isang diwa lamang. hal. Humanga siya sa iyo.
Tambalan (2+ independent) binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa. hal. Napapahalagahan nila ang mga mamamayan sapagkat sinabi ng mga ito ang kanilang karaingan.
Hugnayan (1 independent + 1+ dependent) - Binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa na sinasamahan pa ng isa o mahigit pang katulong na sugnay. hal. Kung di ka makaalis ngayon, sabihin mo lang sa akin.
Langkapang (2+ independent + 1+ dependent) - binubuo ito ng dalawa o mahigit pang punong sugnay na makapag-iisa at isa o mahigit pang sugnay na di makapag-iisa. hal. Pinapahalagahan ngayon ang mga magsasaka dahil sila ang nagbibigay ng pagkain sa buong bansa kaya maypagpupulong ngayon.
SPEDTeacherPh
MGA POKUS NG PANDIWA instrumental-pokus o pokus sa gamit Ang paksa ang tagaganap ng kilos na Ang paksa ang kasangkapan o bagay na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; ginagamit upang maisagawa ang kilos ng sumasagot sa tanong na "sino?". pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa (mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- tanong na "sa pamamagitan ng ano?". , maki- , magpa-) (ipang- , maipang-) Halimbawa: Halimbawa: Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan. Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.
aktor-pokus o pokus sa tagaganap
gol-pokus o pokus sa layon
kawsatib-pokus o pokus sa sanhi
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?". (-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an) Sa Ingles, ito ay ang direct object. Halimbawa: Nasira mo ang mga props para sa play.
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "bakit?". (i- , ika- , ikina-) Halimbawa: Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
lokatib-pokus o pokus sa ganapan
direksyunal-pokus o pokus sa direksyon
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "saan?". (pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an) Halimbawa: Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?". (-an , -han , -in , -hin) Halimbawa: Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
benepaktib-pokus o pokus sa
resiprokal-pokus o pokus sa gantihan
tagatanggap Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "para kanino?". (i- , -in , ipang- , ipag-) Sa Ingles, ito ay ang indirect object. Halimbawa: Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Ang simuno ay siyang katuwang o kagantihanng kilos. (ka-in/hin) Hal. Kinatulong niya ang anak sa pagtratrabaho sa bukid.
MGA ANTAS NG WIKA
Balbal – tinatawag itong salitang kanto o salitang kalye Kolokyal – impormal na salita na ginagamit natin araw-araw Lalawiganin - salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita Pambansa – paggamit ng ating wikang pambansa Pampanitikan – pinakamayamang uri
MGA VARYASYON NG WIKA Sosyolek - nakabatay ito sa mga grupo sa lipunan Idyolek - pagkakaiba ng paggamit ng wika ng isang indibidwal sa iba pang mga indibidwal Register – wika sa mga larangan, disiplina, o gawain Dayalekto - wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko MGA MANUNULAT Amado V. Hernandez – Ama ng mga manggagawa Lope K. Santos – Ama ng pambansang wika at barirala Severino Reyes – Ama ng Tagalong zarzuela, Lola Basyang Modestro De Castro – Ama ng Klasikong Tagalog Jose Plama – Pambansang awit Jose Corazon De Jesus – Bayan Ko Andres Bonifacio – Mi Ultimo Adios (Tagalog Version)
MGA PANITIKAN Dalit – bulaklak at awit para sa Birhen Maria Dung-Aw – pagawit sa patay Karagatan – singsing na nahulog sa dagat Duplo – laro o tulaan sa patay
MGA SAWIKAIN SA LET
Pagputi ng uwak – imposible Ilista sa tubig – kalimutan Matang-manok – matang nanlalabo Magdilang anghel – maging totoo ang sinabi Malalim ang bulsa – kuripot Lumilipad ang saya – nagmamadali Ipinanagnak na may kutsarang ginto sa bibig –mayaman Magsaulian ng kandila – mawala ang pagkakaibigan Kahiramang suklay – matalik na kaibigan Inalat – minalas Balunggugo – gastador Tagbising panahon – tagtuyot Lumagay sa tahimik – mag-asawa
MGA KAHULUGAN Pumaimbulong - lumipad Naikintal - natandaan Lakdawan - lumaktaw Kata - ikaw at ako Olipon - alipin Pamamati - pakikinig Bantulot - pag-aatubili Kalumbigas - palamuti Nawindang - nalito Maalwan - maayos
SPEDTeacherPh
View more...
Comments