Pagsusulit Blg. 1 Panuto: Piliin ang tamang letrang sagot at ilagay ito sa inyong ¼ laki ng papel. 1. “Ayaw kong palupig sa hinalang ang mga dahilang tinubos ng luha at dugo ay mga anino lamang ng mga dantaon ay tumatawag at walang nakaririnig”. Ang sanaysay na ito ay nagpapahiwatig ng _________________. A. kabiguan
B. may pag-asa
C. may kasiyahan
D. may paglupig
2. Ito ang katawagan sa awiting bayan sa mga kasalan ng katutubo. A. Ihiman
B. oyayi
C. diona
D. soliranin
3. Mula sa “Kung anong bukambibig siyang laman ng dibdib”. Ito ay isang uri ng ________________. A. Tugmaan
B. bugtong
C. tula
D. salawikain
4. Siya ang sumulat ng “Hulyo 4, 1954 A.D.” na nagkamit ng unang gantimpala sa Palanca noong 1953-1954. A. Rogelio Sicat
B. Dionisio Salazar
C. Edgardo Reyes
D. Amado V. Hernandez
5. Ang pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay na may 18 salaysay at sinakop ang tatlong henerasyon. A. Alim
B. Maragtas
C. Haraya
D. Hinilawod
6. Alin ang kasintunog ng salitang may salungguhit? Pag-ibig ang kailangan ng daigdig. A. Pagsuyo
B. Mundo
C. Tahanan
D. Paligid
7. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? May mga taong bukas ang palad sa mga mahihirap. A. Matulungin Maawain
B. Mayaman
C. Matapat
D.
8. Ano ang kahulugan nito? Puwit man ng baso’t suot ng mayaman, ang tingin ng tao’y brilyanteng makinang. A. Mapang-api B. Pagtingala sa mayaman C. Mapagbalatkayo D. Tulong sa kabuhayan 9. Alin sa mga pangungusap ang higit na epektibong pagpapahayag? A. Nang nailikas ang mga tao ay bumaha sa aming bayan. B. Nang bumaha sa aming bayan ay nailikas na ang mga tao. C. Pagkalikas sa mga tao ay bumaha sa aming bayan. D. Nang lumikas ang mga tao ay bumaha sa aming bayan 10.Kuha ito sa Ang Bayan Ko’y Ito, Ito ang Bayan Ko ni Jose Villa Panganiban: Sa iisang lahi at iisang wika’y magkasamang lahat Mutya ng Silangan ay tunay ngang mutyang Marangal ang sukat. Alin ang ipinahihiwatig nito? A. Matinding poot
C. Dakilang damdamin
B. Mababang uri ng kaisipan
D. Marahas na damdamin
11. Alin ang kahulugan ng AMPALAYANG-AMPALAYA? A. Takot
B. Kuripot
C. Makulit
D. Lokohin
12. Alin kaisipan ang inilalarawan ng bugtong? Ako’y nagpunla ng sangkabang mais Pagka- umaga’y biglang napaalis. A. Buwan B. Bituin C. Bulalakaw
D. Bawang 13. Ang sumusunod ay isang kantahing bayan. Ayokong, ayokong mag-alaga ng manok. Pag ako’y umalis pag ako’y umalis, Iba ang hahaplos Sa aking pagdating, sa aking pagdating Balahibo’y gusot, Ito ang simula, ito ang simula Ng sama ng loob. Ano ang isinasaad ng awitin? A. Ang hindi niya pagkagusto sa babaeng nagtataksil sa asawa. B. Di niya ibig na mag-alaga ng manok na iba naman ang kakain. C. Umiiwas siyang sumama ang loob. D. Mahirap mag-alaga ng manok pangsabong 14. Alin Kaisipan ang inilalarawan ng bugtong na ito? Bahay ni Kiko, walang bintana, walang pinto. A. Langka B. Saranggola C. Itlog D. Kabaong 15. Alin sa mga pangungusap ang may tamang gamit ng pantukoy na pananda? A. Mag-aaral ang UST ang nagwagi sa timpalak. B. Mag-aara ang UST ang nagwagi ng timpalak C. Mag-aaral ng UST ang nagwagi sa timpalak D. Mag-aaral ng UST ang nagwagi ng timpalak 16. Alin ang kasintunog ng salitang may salungguhit? Tinamaan ng palaso ni Kupido ang kanyang puso. A. Mabigo B. Palalo C. Katoto D. Magaso 17. Kuha ito sa Pagsisi ng Isang Bilanggo ni Cirio H. Panganiban:
Mga magulang kong labis magpalayaw
Tingnan ninyo akong labis na minahal
Kaluluwa ninyo ngayon ay nasaan? At ngayo’y lugami sa hirap ng buhay. Alin di-berbal na komunikasyon ang maaaring gamitin para makapagpapatingkad sa diwa nito? A.Kumpas na pasubaybay C. Kumpas na paturo B.Kumpas na pahawi
D. Kumpas na pauyan na may kibitz ng balikat
18.Ano ang kahulugan ng talatang ito? Batong tuntungan mo sa pagkadakila, batong tuntungan nang sa pamamayapa. A. Talino B. Kalan C. Balatkayo D. Monumento 19.Ang kantahing bayan na inaawit ng mga ilokano at Igorot sa mga naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa. A. Dandansoy B. Pamulinawen C. Dung-aw D. Dalit 20. Ang panahong ito ay itinuring na gintong panahon sa panitikan. A. Amerikano B. Aktibismo C. Kastila D. Hapon
Answer Key: 1.
D
2. A 3.
D
4. B 5.
D
6.
D
7. A 8. B 9. B 10. C 11. A
12. B 13. A 14. C 15. C 16. D 17. B 18. D 19. C 20. D
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.