lesson plan- grade 1

November 26, 2018 | Author: intermaze | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

banghay aralin...

Description

Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region IV-MIMAROPA Division of Oriental Mindoro Pinamalayan East District PILI ELEMENTARY SCHOOL Pinamalayan

BANGHAY ARALIN SA MTB-MLE I. LAYUNIN  Natutukoy ang ang mga salitang nagsasabi ng kinalalagyan kinalalagyan o lokasyon. lokasyon.  Nagagamit  Nagagamit ang mga salitang nagsasabi ng kinalalagyan kinalalagyan o lokasyon sa sariling pangungusap. pangungusap.  Nasasabi ang ang kahalagahan kahalagahan ng masustansiyang masustansiyang pagkain. pagkain.  Nakikilahok sa talakayan talakayan at sa pangkatang pangkatang Gawain. II. PAKSANG GAWAIN A. Pagtukoy sa mga salitang nagsasabi ng kinalalagyan o lokasyon. Paggamit ng mga salitang nagsasabi ng kinalalagyan o lokasyon.

B. Sanggunian Kto12 Curriculum Guide Kagamitan ng Mag-aaral ph.178-179 Kagamitan Kagamitan ng Guro ph 203-204 C. Kagamitan Larawan Tunay na bagay Tsart D. Pagpapahalaga Kahalagahan ng masustansiyang pagkain III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Awit “Abante, Atras” 2. Magpalaro tungko lsa pagsasabi ng mga lugar na kinaroroonan ng tao, bagay at hayop 3. Balik-aral: Pagbasa sa mga salitang may diptonggo.

B. Pagganyak Ipakita ang tunay na bagay at mga larawan sa mga bata. Magtanong tungkol dito.

C. PAGLALAHAD Ipabasa ang mga pangungusap 1. Ang mga prutas ay nasa loob ng basket. 2. Ang mga gulay ay nasa ibabaw ng mesa. 3. Ang bata ay nagtago sa likod ng puno.

D. PAGTALAKAY A. 1. Saan makikita ang mga prutas? Gulay? 2. Ano ang tinutukoy ng nasa loob ng basket? 3. Ano ang isinasaad ng mga salitang may salungguhit?

B. Pagbibigay ng iba pang halimbawa. E. PAGLALAHAT Anu-ano ang mga salitang tumutukoy sa kinalalagyan o lokasyon? Ano ang isinasaad o sinabi ng mga salita tulad ng loob, labas, harap, tabi at iba pa? F. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain I. Gumawa ng pangungusap tungkol sa larawan.

II.Punan ng angkop na salita ang puwang na nagsasaad ng kinalalagyan o lokasyon. 1. Ang mga ibon ay lumilipad sa ______________ ng puno. 2. Ang sabon at shampoo ay makikita sa _____________ ng banyo. 3. Pagkatapos ninyong maglaro, saan ninyo dapat ilagay ang inyong ginamit na laruan. Sa ________ ng kahon. 4. Ang mga bata ay pumipila sa ____________ ng watawat tuwing itinataas at ibinababa ito. 5.  Nahulog ang pera ko sa ____________ ng upuan. III. Bilugan ang salitang tumutukoy sa kinalalagyan o lokasyon. 1. 2. 3. 4. 5.

Ang larawan ay nasa gitna ng dingding May bulaklak sa loob ng plorera. Inilagay ko ang baso sa ibabaw ng mesa. Ako ay umupo sa tabi ng kurtina. Iniwan ko ang tsinelas ko sa ibaba ng hagdan.

G. KASANAYANG GAWAIN 1. Pinatnubayang Pagsasanay Bumuo ng pangungusap gamit ang sumusunod ng mga salitang tumutukoy o nagsasabi ng lokasyon. 1. Ibabaw 2. Gitna 3. Tabi 4. Likod 5. Harap

2. Malayang Pagsasanay Iugnay ang larawan sa salitang nagpapakita ng wastong kinalalagyan o lokasyon nito. Pag-ugnayin ng guhit.

1.

a. harap

2.

 b. ibabaw

3.

c. loob

4.

d. ilalim

5.

e. gilid

f. gitna

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang salitang nagsasabi o tumutukoy sa kinalalagyan o lokasyon na angkop sa bawat sitwasyon/pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon. Likod

ibabaw

ilalim

loob

gitna

harap

1. Dahil sa bagyo, bumaha sa inyong lugar. Saan mo dapat ilagay ang inyong mga gamit upang hindi mabasa? Sa ________________ ng mesa. 2. Maraming nakukuhang yaman sa ________________________ ng dagat. 3. Pagkatapos ninyong maglaro, saan ninyo dapat ilagay ang inyong ginamit na mga laruan? Sa  _____________ ng kahon. 4.  Naglalaro kayo ng

taguan. Saan ka dapat magtago upang di

ka makita ng taya. Sa

 ___________________ ng puno. 5. Ang mga bata ay pumipila sa _________________ ng watawat tuwing itinataas at ibinababa ito.

V. TAKDANG  – ARALIN

Sumulat ng limang pangungusap na ginagamitan ng mga salitang tumutukoy sa kinalalagyan o lokasyon.

Inihanda ni:

MERIAM F. MALIGALIG

Guro

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF