Lesson Plan 2

October 16, 2017 | Author: Joya Sugue Alforque | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

grade10 lp...

Description

GEMMA JOY S. ALFORQUE BSED-II FILIPINO MAJOR BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO I.

MGA LAYUNIN Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. mabigyang-reaksyon ang pagiging makatotohanan at di-makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento. b. maitala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan. c. maisalaysay sariling karanasan tungkol sa nangyayari sa kasalukuyang may kaugnay sa mga kaganapan sa binasang kuwento.

II.

PAKSANG-ARALIN Paksa: “ Aguinaldo ng mga Mago” Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro Kagamitan: charts, dayagram, kartolinang hugis kahon Sanggunian: Pantinikang Pandaigdig Filipino 10 F10 PB-IIe-76, F10 PT-IIe-73

III.

PAMAMARAAN GAWAING GURO

GAWAING MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN 1. Panalangin Magsitayo ang lahat para sa panalangin

Tatayo at mananalangin

2. Pagbati Magandang umaga/hapon sa inyong lahat

“Magandang umaga/hapon po mam”.

“Meron po/wala po”. 3. Pagtala ng liban May lumiban ba sa klase ngayon? 4. Pagtala ng Takdang-aralin Kahapon ay napagkasunduan

natin na isusulat ninyo sa kalahating papel ang inyong nasaliksik hinggil sa bansang Amerika. Ilalahad ninyo ang mga kulturang umiiral hinggil sa pagbibigay ng regalo. Inaasahan ko na lahat kayo ay tumupad sa ating napagkasunduan. Ipasa ninyo ang inyong naisulat.

(Ipapasa ang naisulat.)

(Ang mga bata ay magtataas ng kamay at sasagot.)

B. PAGLINANG NG GAWAIN 1. Pagganyak Sino sa inyo ang mahilig mamigay ng Aguinaldo? Naranasan niyo na bang makatanggap ng Aguinaldo/regalo? Ngayon ay masdan ninyo ang chart na nasa pisara. Ang gagawin ninyo ay magbibigay kayo ng kaugnay na kaisipan sa pahayag na nasa strips. Iugnay ito sa inyong sariling karanasan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng sariling karanasan; at ibahagi ito sa klase. MAS MABUTING NAGBIBIGAY KAYSA TUMATANGGAP

KAISIPAN

KAISIPAN

(Iuugnay ng mag-aaral ang nasa strip sa kanilang sariling karanasan.)

KAISIPAN

2. Paglalahad Ang gawaing inyong ginawa ay may kaugnayan sa akdang ating tatalakayin sa araw na ito. Kung inyong matatandaan iniugnay ninyo ang sa inyong karanasan ang kaisipang “Mas mabuting nagbibigay kaysa tumatanggap”, ang akda ay tungkol sa pagbibigayan. Bakit kaya sinasabing mas mabuting nagbibigay kaysa tumatanggap. Tara, alamin natin ang sagot. 3. Pag-alis ng sagabal Bago ang lahat, alisin muna natin ang mga salitang maaring maging sagabal sa inyong pagkatoto. Narito ang ilan saa mga piling salitang magkakatulad o magkakaugnay na bibigyan niyo ng kahulugan, batay sa inyong pagkakaintindi:  Humahagibis  Hagulgol  Hilam  Tangis  Tumuli  Lagablab  Umalembong  Silakbo

4. Pagtatalakay

“Opo”.

“Opo. Tungkol po ito sa pagbibigayan”.

Binasa niyo ba ang akda kagabi? Naintindihan niyo ba kung tungkol saan ang paksa ng kwento? Mabuti naman, kung ganun ay simulan na natin ang ating makulay at magandang talakayan.

(Mapapangkat sa tatlo.)

“Opo”.

Dahil sa nabasa na ninyo ang kwento, papangkatin ko kayo sa tatlo at isasagawa ninyo ang mga gawaing nakatakda para sa inyo ng maayos at malinaw. Bibigyan ko kayo ng limang minute upang gawin ang gawaing nakalaan para sa inyo at pagkatapos ay ibabahagi ninyo ito sa klase. Maliwanag ba?

(Ilalarawan ng unang pangkat ang mga katangian ng dalawang tauhan)

Ito ang gagawin ninyo: Pangkat 1 Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kwento. Paano nila naipapamalas ang masidhing pagmamahal sa isat-isa’?

Pangkat 2 Ibigay ang tiyak na kaisipan o mensahe na ibinigay sa akda. Isulat din sa dayagram ang tiyak na halimbawa kung paano ito isasabuhay. Gamitin ang dayagram sa pagsagot. MAHALAGANG KAISIPAN (Aguinaldo ng mga

(Magbibigay ng tiyak na mensahe ang ikalawaang pangkat.)

Mahalagang kaisipan

Paano Isasagawa?

_________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________

________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________

Pangkat 3 Itinuring na marurunung ang 3 haring mago na nag-alay sa sabsaban. Ihambing ang kaugnayan ng mga tauhang inilarawan sa kwento sa 3 haring mago na pinagbatayan sa akda. Ipakita ito sa pamamagitan ng comparison organizer.

Pagkakatulad Tatlong Haring Mago

Della & Jim

5. Paglalahat Ang akdang ating tianalakay ay ay may kaugnayan sa salaysay ng Bibliya hinggil sa tatlong Haring Mago na

Ihahambing ng ikatlong pangkat ang mga tauhan.

matatagpuan sa ebanghelyo ni Mateo sa (Mateo 2:1-12). Ang mga Mago ang nagalay ng mga handog sa batang Hesus noong natagpuan nila ito sa isang sabsaban sa Jerusalem. Sa kwentong ating tinalakay, ipinakita rito na ang tunay na pag-ibig ay nagpapakasakit. At ang sinumang nagmamahal ng tunay at tapat ay handing ialay ang pansariling kaligayahan alang-alang sa kasiyahan ng taong minamahal, at iyan ang pinatunayan nina Jim at Della.

(Bubuo ng isang buong bilog at pagusapan ang nasa kartolinang hugis kahon.)

6. Paglalapat Bumuo ng isang buong bilog, sa pamamagitan ng Round Robin Table Discussion, pag-usaapan ang katanungang nakasulat sa loob ng kartolinang hugis kahon. Anong mahalagang ari-arian ang isasakripisyo mo alang-alang sa kaligayahan ng iba?

IV.

PAGTATAYA

Balikan ang mga pangyayaring isinalaysay sa akda. Gamit ang grapikong representasyon, tukuyin ang mga makatotohanang pangyayaring binanggit at magbigay ng reaksyon tungkol dito. Isulat sa isang buong papel. Aguinaldo ng mga Mago

V.

Makatotohan a-ng pangyayari

Dimakatotohana n

______________ ______________ ______________ ______

______________ ______________ ______________ _________

TAKDANG ARALIN

Basahin ang akdang “Sa loob ng Love Class” at maghanda para sa pangkatang gawain sa susunod na araw.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF