Lalaki Sa Dilim 2

December 22, 2016 | Author: Emely Paghunasan | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

SURING NOBELA...

Description

I.Pamagat: Lalaki sa Dilim II.Manunulat: Benjamin P. Pascual III.Taon ng Paglilimbag: 2007 IV.Kahulugan A.Bago Mabasa Ang nobelang ito bago ko mabasa eh akala koy tungkol sa mga taong malign na kung saan nkakatakot talaga ang istorya nito dahil makikita mo sa kober page nito na nakakatakot talaga ang larawan ng mata ditto at isa pa kulay itim ang kober kayat nakaktakot talaga. Akala koy siang malign ang nanggahasa sa isang babae na kung saan doon umikot ang istorya. Nakakatakot sa lipunan ang ganito dahil puro katatakutan lang ang nandito. Akala koy isang malign na nagkagusto sa isang babae. Isang gabi eh nakita nya ang babae at nagustuhan nya ito. Tapos nang magkagusto sya ditto eh isang gabi eh nagtangaka syang gahasain ang babae at yun eh nabuntis nya. Dahil hindi sya tao hindi maaaring maging ama sya ng dinadalang tao nitong babae na ito na kung saan isa pang bulag. Na kaawa awa ang kalagayan ng babaeng yoon dahil nagahasa sya ng enkanto. Pwede din naman lalaking criminal na kaya nakulong dahil nanggahasa sya ng isang babae. Kaawa awa ang bata dahil wala syang kalalakhang ama dahil nga nakulong ito. Bago ko mabasa eh marami akong haka haka sa mga mangyayari sa nobelang ito. Napakaganda ng front page na ito at sa simula palang eh may twist na sya na dapat abangan ng bawat mambabasa. Masaya akong babasahin ko ang ganitong klaseng nobela na gawa ng isang magaling na nobelista na si Benjamin Pascual. Marami taong kasing pwedeng akalain sa nobelang ito mula sa kober nito hanggang sa likuran na kung paano napaikot ng bawat karakter nito ang istorya na talagang napakaganda kung atin itong babasahin. Sobrang kaabang abang ang istoryang ito n asana eh lahat tayoy mabasa natin ito at alam kong makakapulot tayo ng mga aral ditto dahil alam kong maraming aral ang nakapaloob ditto sa istoryang ito.

B.Pagkatapos Mabasa Matapos kong mabasa ang nobelang ito eh napag alaman kong tungkol pa ito sa isang mayamang lalaki na kung saan pariwaraang kanyang buahay. Tungkol ito sa isang lalaki na nagngangalang Rafael. Na kung saan sanay sya sa bisyo na kung saan ang bisyo nya ay ang mga babae at ang kanyang isa pang bisyo ang pag aalak. Dahil nga ikakasal na sya isang gabi eh tumawag sakanya ang isa nyang kaibigan na nagngangalang Nick at itong Nick na ito eh ganun din ang bisyo. Si Nick eh may asawat anak na ngunit lamak parin sya sa bisyong pambababae at pag iinom ng alak. Dahil nga niyaya si Rafael isang stag party daw ang ibibigay sa kanya ng mga kaibigan nya. At ganon na nga ang nangyari. Niyaya sya nito at nong nag tungo sila sa nayt klab eh nag inuman sila marami na silang nainom ng mapansin ni Rafael na ang kaniyang mga kaibigan eh lasing na. dun nag umpisa ang magiging away ng mga ito may nabanggang hostest itong si nick eh ang hostes nay un eh may ka table na at nakita ito ng katable nya. Masama ang tingin ng mga nkatable na lalaki kay nick at ayaw nya ang ginawa nyang iyon kaya nilapitan sya ng dalawang lalaki. Matapos nun nung malapit na talaga silang mag bangga eh lumapit pa ang dalawang lalaki. 4 sa tatlo ngayun ang labang. Nang nagbanggaan na sila eh napahiga itong si Rafael dahil sa pag suntok sakanya ng kanilang nakaaway. Nang marinig nilang may mga pulis eh itong si Rafael eh sumibat na dahil ayaw nyang madawit sa away na iyon eh dahil nakita sya ng pulis eh sinundan sya nito at hinabol nga sya ng pulis na iyon. Dahil sa pag hahabol sumakay sya sa isang taxi at doon nag pahatid kung saan saan. Hanggang mapad pad sya sa isang masikip na kalye na kung saan sya tumalon. Napatalon sya at hindi na sya nakita ng pulis napapad sya sa isang bahay na yero at doon nkakita sya ng isang magandang babae na natutulog. Nagandahan sya ditto at saka nya ito pinag samantalahan. Nang matapos ang gabing iyon doon umikot ang istorya doon nagsimula ang kandalokolokong buhay ni Rafael at nadagdagan pa ito ng problema ng makasal na sya. Nalaman nyang kinakaliwa sya ng asawa nya at ang lalake eh walang iba kundi si nick, na kanyang kaibigan. Doon talaga nagkanda loko loko ang buhay nya. Ang istorya pala na ito eh tungkol sa pag asa na kung saan nagtuturo kung papaano dalhin ang problema na ating pasan pasan. At nakakatuwang isipin na nabasa ko ito.

Marami ring itong mga kapanapanabik na istorya na kung saan dapat talagang

abangan . dun pala tungkol ang kwento na ating babasahin.

V. Mga Tauhan A .Rafael Cuevas Si Rafael. Si Rafael ay isang lalaking sabihin nanating lumaki ng walang ina. Syay lumaki kapiling ang kanayang ma na nag ngangalang Don Benito Cuevas. Myaman si don benito Cuevas at itoy isang negosyante. Si Rafael eh isang mabisyong lalaki. Ang kanyang mga bisyo eh ang paglalasing at pang tsitsiks. Wala syang pangarap pa noon sa buhay ngunit nang ikakasal na sya eh nag bago lahat ang kanyang buahay at simula nang mabiktima nya ang isang babae matapos nyang mainom sa isang bahay na yero eh nabago talagang tuluyan ang kanayng buhay. Sabihin na nating matipuno si Rafael at nakapangasawa sya ng isang maganda at sikat na opera singer. Dahil nga itong si Rafael eh mayaman nakatira sya sa isang magandang bahaya. Nakapag aral sya ng panggagamot sa mata sa bansang alemanya at kaya isa syang magaling na doctor ng mata. Naging sikat sya dahil alam naman nating marami nagpapagamot sakanya. Nakakatuwa ang karakter ni Rafael dahil dahil sakanya umiikot ang istoryang ang lalaki sa dilim at si Rafael din ang pangunahing karakter ditto sa nobelang ito.l

B. Margarita Si Margarita ay isang magandang babae na kung saan isa ring mayaman. Dahil mayaman itong si margarita ang tatay nya at si ang tatay ni Rafael ay magkaibigan kaya silang dalawa ang pinagkasundo at silang dalawa ay nag pakasal. Si Margaritay isang magaling na opera singer, syay sikat na opera singer. Nakatuon ang buhay nya at nasanay sya sa buhay kanluranin. Ang amerikanang uagali eh meron sya. Dahil din doon kaya ang paniniwala nya sakasal eh hindi mahalaga. At dahil sa paniniwalang yuon eh nagkandaloko loko ang buhay ni Rafael simula ng mangaliwa sya at gawin nyang kabert ang kaibigan ni Rafael na si Nick. Magandang babae si margarita at sosyal ang kanyang kilos. Ang ama nya eh nagngangalang Mr. carrasco na isang responsableng ama. Galling sya sa isang mabuting pamilaya at sya eh isang edukadang babae. Ngunit may ugali

syang hindi maganda ang ugaling iyon eh ang pagiging Makati. Makati dahil pumatol p[a sya sa ibang lalaki kahit na meron na syang asawa. Nakaklungkot itong isipin dahil nasira ang magandang samahan nila ni Rafael . nasana hanggang ngayon eh maganda pa ang kanilang samahan. Isa pa ang kanyang kabet eh may asawa na din kaya napakasama talaga ng kanyang ginawa.

C.Nick Cuerpo Si Nick Cuerpo. Si Nick Cuerpo eh ang matalik na kaibigan ni Rafael. May asawa na itong si Nick Cuerpo at may mga anak na sya. May mga balbas ang kanyang mukha at isang matipunong lalaki. Si Nick Cuerpo ay may mga bisyo kahit pa syay may asawa na. at ang bisyong ito eh katulad kay Rafael na lagging umiinom ng alak at ang isang matindi eh marami din tsiks. Kahit na may asawa eh nagagawa nya yon. Masuwerte sya dahil ang kanyang asawa ay isang matiising asawa dahil anpag titiisan nya ang ugaling ganoon ni nick. Dahil sakanay nagkanda loko loko ang buhay ni Rafael dahil inagaw nya ang asawa nito at ginawang kabet. Nakakalungkot ang ginawa nila ni Margarita dahil may kaniya kaniya na silang asawa at nagawa nya ang ganitong bagay. Mabait pa naman ang kaniyang asawa dahil mapag matiisin at mahal na mhal sya pati ang kanyang mga anak. Tunay na dapat nyang inaalagaan yon pero hindi nya angawa yon. Isa sya sa mga kontrabida ditto na tumulong naman upang mapaganda ang nobelang ito. D. Marina Cuerpo Tulad Margarita isang magandang babae din si Marina sya’y may asawa at anak. Ang asawa nyay si Nick nga. Si marinay mapag mahal na asawa at maalagain napaka swerte ni Nick dahil nakatagpo sya ng ganitong klaseng babae na mamahalin sya ng buong puso. Sa katunayan kahit anong gawin ni Nick na kalokohan eh mahal na mahal parin sya ni marina. Pero nang lumaoy nawala na ang pagmamahal ni Marina kay nick simula nang maging sila ni Margarita. Dahil kada araw eh umaalis sila. Dahil na nga lang sa suporta ni nick kaya sila nag sasama pero hindi nagging ganoon hanggang huli dahil sa huliy na punta sila sa hiwalayan. Naghiwalay sila dahil sa mga ginagawa ni Nick na pambababae na hindi na kayang tiisin ni Marina. Si marinay mahirap lang nung una nang hindi pa nya napapangasawa si Nick pero nang napangasawa nya ito eh gumada ang

buhay nya pati na ang kanyang mga anak ang problema nga alang ang ugali ni Nick na hindi maganda.

E. Ligaya Si Ligaya ay isang babaeng ang edad eh mga labing walo hanggang labing syam na taong gulang. Si Ligayay maganda at syay napakabait na dalaga. Ngunit syay bulag. Nung hindi pa sya bulag eh napakatalino nya sa paaralan pero nagkadeperensya ang kanyang mata. Wala silang pera na pambayad sa ospital kaya napabayaan na ang sakit nya at itoy lumala na. nabulag sya. Isang gabi nagahasa sya ni Rafael kayat nagkaanak sya. Ngunit hindi pinaalam yon ni Rafael. Pero nakakita sya muli dahil din sa tulong ni Rafael sa kanya. Meron syang isang kapatid na nagngagnalang Seto at isang mabait na Ina na nagngangalang Aling Sepa. Napakaswerte nya dahil sa lanyang ina na sobrang bait. Nang syay operahan dinadalan lagi sya nito ng pagkain at kasabay ng pag aalaga nit okay Seto an naiwan sa bahay. Dahil sa angking ganda ni Ligaya at ang kanyang kutis din napakaganda. Minahal sya ni Rafael sa huli. Nag kaanak sya at ang maganda nyang katangian eh ang hindi nya pagwawala ng paggasa sa may kapal. Lagi syang nag dadasal sa may kapal na kung ano ang mangyayari sakanya eh pinag papasa Diyos nya. Sya rin eh maituturing na inang napakabait simula nang maisilang nya ang kanyang anak. Minahal nya ito simula pa naman ng itoy nasa sinapupunan palamang nya. F. Aling Sela Si Aling Sela ang ina ni Ligaya na napakabait. Si Aling sepay may dalawang anak itoy si Seto at ang isa ngay si Ligaya. May katandaan na si aling sepa. Pero syay masipag. Dahil nung si Ligayay operahan sya ang nag tutulong ditto at sya’y nag papakain sa kanya. Tunay na napakas swerte ni Ligaya sa kanyang ina dahil napakabait nito. Si Aling Sepay nakatira sa isang maliit na bahay lang at itoy yerong bahay.pero kahit ganoon eh nakukuntento sila ditto dahil kahit anong hirap nila nakukuntento na sila sa kanilang meron sila. Maintindihin at maunawain din si aling sepa dahil sa naunawaan nya si Rafael simula ng aminin nitong siya ang gumahasa kay Ligaya. Sya rin ay marunong tumanaw ng utang na loob dahil ginawa nya pang ninong si Rafael sa anak ni Ligaya. Kayat tunay na mabait si aling Sepa. Maganda ang nagging karakter ni Aling Sepa bilang

sumusuportang tauhan sa kwentong ito dahil mas napaganda nya ang bawat detalye ng istoryang ito

G. Don Benito Cuevas Si Don Benito Cuevas eh ang tatay ni Rafael Cuevas. Syay napaka bait na ama at napakaintindihing ama. Simula pay sya na ang nagging kasama ni Rafael sa kanyang buhay. Nawalan na sya ng asawa. Syay isang mayamang negosyante at doon nya nakilala ang tatay ni Margarita na si Mr Carrasco. Ang ama din ni margaritay mayaman kayat silang dalaway mag kaibigan. Si Don Benitoy masayahin. Lagi nyang kausap ang kanyang anak at maganda ang kanilang samahan sa bahay. Pero nabago yun nang maging asawa ng anak nya si Margarita dahil dumami ang kanilang maga problema na talagang kialingkot nya. Magaling syang magpayo dahil sya ang nag papaya sa kanyang anak na si Rafael. Nakakatuwang isaipin na sialng dalaway may magandang ugnayan sa bawat isa. Ang nagging biyenan nya ang nagging dahilan ng kanyang pagkamatay dahil sa dami ng problemang binigay nito sa kanilang mag ama. Ang pagiging malandi nitoy nagging dahilan ng pagkamatay nitong si Don Benito dahil sa problemang kanyang pinasan. Pero masasabing magaling syang negosyante. Nagging maasyos ang ganap nitong si Don Benito dahil sya ang nagin tagapayo ni Rafael . H. Mr Carrasco. Si Mr Carrasco ang ama ni Maragarita na napangasawa ni Rafael. Mabait na ama si Mr. Carrasco dahil inaalagaan nayng maburi si Margarita. Syay mayaman din katulad ni Don Benito magaling din sya mag payo. Si Don Benito at si Mr. Carrasco eh magkaibigan at sialay nagging mag balae dahil napangasawa nga ni Margarita si Rafael. Marunong syang humingi ng tawad dahil humingi sya ng tawad kay Rafael nang lahat ng ginawa ni Margarita sakanya. Marunong din syang makiramay dahil nakiramay sya sa kanyang manugang. At nakipag bati ditto nang sa huli dahil alam nyang ang anak nya ang may kasalanan ng lahat at Masaya syang nagawa naya roon. Magaling din mag payo itong si Mr Carrasco. At sobrang bait din. Maganda din ang nagging ganap nya sa nobelang ito

dahil napaganda nya ang istorya kahit minsan lang sya nandito sa istoryay napalawak nya ito VI. Buod Sa bahay ni Don Benitoy sa quezon city nakaupo sya sa sopa sa salas at kausap nya ang kanyang anak na si Rafael. Nung unay nag mumuni mu I palamang si RAfael sa kanyang buhay dahil may girlfriend na sya ngunit wala parin syang hilig. Puro bisyo parin ang laman ng kanyang uta. Napag sabihan sya na magkaroon ng hilig ni Don Benito. Sapagkat sayang ang kanyang pag aaral sa alemanya. Sabi nyay kung ayaw nya mag doktor edi tumulong nalang sya sa negosyo nilang pamilya okaya naman kung gusto nya eh humanap sya ng kanyamg ospital. Sabi din eh pag nag asawa na sila ni Margie eh mahihirapan sya. Si margarita ang tinutukoy nila. Habang nasa gitna sila ng pag uusap eh biglang tumawag ang isang. Ang kaibigan na yon eh si Nick Cuerpo. Isang lalaking may anak nat asawa at kanya ngang kaibigan. Ang sabi nitong si Nick eh niyayaya nya itong si rafael sa isang lakad.Nang marinig ni Don Benito ang kanilang usapan eh pinaalalahanan nanaman sya nito. At hindi ito nag kulang sa kanyangbpag papaalala. Ang tanong ni rafael eh kung saan pero hindi naman sumagot itong si Nick. Nasabi dinni Nick na tinawagan nya na ang iba pa nilang kaibigan ngunit si Lucas lang ang sumama. Sa huliy nalaman nyang pupunta sila sa isang nayt klab at bibigyan daw nila ng stag party itong si Rafael dahil magaasawa na ito. Linngo noon at pagkatapos syay sinundo. Nang makatating sila sa nayt klab en madilim mailaw at may mga tugtug makikita mo rin ang mga hostes nasumasyaw. inumpisaham na nila ang kanilang pagiiinom. Uminom sila ng wiski. At nag kwentuhan pa. Nang maparami na ang kanilang naiinom eh nakita nyang. Lasing na ang dalawa nyang kasama na si Nick at Lucas. Ang sabi ni Nick humanap ka na ng lursunada mo Rafael. Amg ibig sabihin nya eh ang hostes. Ang sabi nyay ikaw na ang maghanap para sakanya. Tapos may biglang may nabbangga si nick na babaeng hostes nung unay biniro nya ito ngunit sa likoran palay nakita silang ng mga nakatable dito at masama ang tingin sa kanila. Kayat nilapitan sila nitong mga lalaking ito. Dalawa ang lumapit na tila lasing narin sa kanilang iniinom na alak. At silay kinausap. Nag Nilapitan sila ng lalaki at kinausap sila. Masma na ang mga tama ng lalaki. Kaya itong si rafael eh pilit na naghahanap ng bouncer upang mapigilan ang pagaaway dahil maaaawat ito ng mga bouncer. Ngunit wala syang makitang bouncer. Nilapitan ulit sila ng

dalawa pang lalaki kayat nagong apat sa tatlo ito. Nang magkabunggoan na eh nag umpisa na ang sapakan. Nag sisipa at nag sususuntok. Hanggangvsa mapahiga si Rafael. Nag kagulo ang lugar na iyon. Nang makadinig silang may pulis. Pilit na tumayo si rafael dahil alam nya kung sasabit sya doon eh sasabiy pa ang pangalan ng kanyang amang si Don Benito at alam nyang ikakasal na sya bala malaman pa ni Margarita. Kayat syay nagpumilit na sumibat. Dumaan sya sa bandang kusina sa likoran ng klab. Pero nakita sya ng isang pulis kayat pilit syamg hinabol niyo hanggang sa labas eh hinabol sya kayat pumara sya ng taxi at sinabi sa taxi driver na patakbuhin ang sasakyan ng mabilis at dodoblihin nya daw ang bayad doon. Kayat ganoon na nga ang ginawa ng driver. Pinatakbo nya ang taxi . At nang malaman nyang may humahabol na pulis eh sinabi nya sa driver na kaliwa, kanan,kaliwa,kanan hanggang sa malarating sila aa isang maliit na kalye at doon sya tumalon. Nalaman ng pulis iyon kayat hinanap sya ngunit wala syang makita kayat umalis nalang ito. Napadpad sya sa isang silong ng bahay at doon nakita nya ang maginang lumbas ng bahay upang umalis. Kayat inakyat nya ang bahay at doon nakita nya ang isang magandang babae. Ang pangangataway maganda at ang mukha nito. Nag init si rafael at tsaka nya ito ginahasa. Tinakpan nya ang bibig at hinawakan ang kamay upang hindi mag pipiglas. Pag katapos nyang gawin yun eh. Nakita nyang bulag pala ito. At sobra syang nakonsensya sa kanyang ginawa. Nang. Mag sisisigaw ang dalagang babae na labing walo hanggang labing syam ang edad eh tumakbo na sya papalayo. Pag dating sa bahay sinalubong sya ng kanyng ama pero hndi nya na lubos na nakausap ito dahil sa kalasingan nya . Kayat itoy nagtungo na sa kanyang kwarto. Ang huling naisip nya noong gabing iyon eh ang kanyangvpinagsamantalaha pinagsamantalahan. Pag gising nya sa umaga nakita nyang may dugo sa salawal kayat naalala nya ang babaeng bulag. Hinugasan nya agad upang hindi mapansin ng katulong. Naisip ni rafael na dapat eh mag asawa na sya upang maiwasan na ang mga ganoong pangyayari. Kayat yun inasikaso na ang kasal nila margarita. Gumawa din sya ngbparaan upang ang babae eh masuklian nya at makapag hugas kamah sya. Kayat binigyan nya ito ng pera na gagastusin nito sa pagpapagamot. Ang pera na may sulat eh pinaabot nya sa isang batang nag daraan. Sumapit ang kasal nya at naroon ang lahat kasama na ang ted na kaibigan ni Margarita. Ayaw nya rito dahil iba ang tingin nito dito naroon din si nick at nakilala ito ni margarita. Matapos nun eh pumunta na sila sa baguio upang doon mag honey moon. Sa byahe eh naalala nya nanaman ang babaeng bulag. Pag dagting sa baguio ilang kras o sandali ginawa na nila ang mga ginagawa ng mga mag asawa. Hindi katulad ng sa bulag eh wala ng dugo ang kay margarita kayat nagdudo sya dito. Di nya na to pinaalam at makalipas ang ilang araw eh umuwi na sila sa bahay.

Bukas ang klinika tinanong nya kung may nag tungong mag ina at nasabi ng nag babantay eh oo. Sabi ni rafael na sanay pinabalik nya ang mga ito at sinabi ng katulong eh oo pinabalik nya raw iyon Pag kauwi nya sa klinila dahil malapit lang ang klinika sa kanilang bahay eh nakita nya si margarita at kanyang ama na nag kakandamabutihan. Nag tatawanan kayat nakiisa na rin sya doon. Isang araw sa silid ni rafael sa klinikay kinatok sya ng atendant nya at nasabing nariyan na daw ang mag inang bulag. Pinatuloy mo sabi at ayon nakita nya ang mag ina nakatingin pa sya noon sa bulag na babae at pagkatapos binaling ang ulo sa matandang babae. Tinanong kung anong mapag lilingkod at sinabing may nag rekomenda daw sakanya upang gamutin ang sakit sasabihintinanong nito kung anong pangalan ng bulag at napag alaman nyang Ligaya pala ang pangalan nuto. Ininterbyu muna nya ito. Unay kinakabahan syat masaya. Pagkatapos nooy tinignan nya ang babae. Nalaman nyang makakakita iyon dahil hindi naman malala ang sakit ng babaeng iyon kayat mapapakuta nya ulit iyon. Matapos tiganan eh tinanong kung kelan gustong umpisahan ang operasyon at sinabi nilang sa lalong madaling panahon kayat pinabalik nya ito ng ilang linggo. Biglang may tumawag sakanya si margarita at sinasabing nandoon daw sa bahay si nick. Paguwi nyay may bote ngbalak silang hawak at doo. Nag usap sila kinamusta langvsya ni nick kung ano ang nangyari sa kanya ng gabing yon at yun lang. Isang araw eh inihanda nya ang gagamitin sa babaeng bulag atvpag uwi nya sa kanilang bahay eh nadatnan nya doon ang kaibign. Nag taka sya kung bat di man lang sya tinawagan. Nagkwentuhan daw sila at nasarapan. Pag kauwj ni nick eh nasabi nya ang binyag ng anak nito at inmbitahan nya si nick at si margarita dito. Pagakatapos ng ilang araw eh inumpisahan nya na angbpag oopera kay ligaya. Inoperahan nya ito at pag katapos eh sinabi na maglalagi sya roon ng ilang araw upang mag pagaling. Dapat daw eh wag muna syang mag kilikilos upang hindi masira ang tahi sa kanyang mata. Nakaupo si rafael sa salas paglatapos kumain at nagbasa ng diyario pero di nya maituon doon ang isip. Dahil kay margarita at kay nick na nadatnan nyang masayang nag tatawanan.kayat tinawagan nya si nick upang malaman kung nasan yun at napag alamang nasa opisina nga ang kaibigan ngunit di nya malaman kung bakit sya nag seselos sa kanyangbkaibigan. Huli na ng umuwi si margarita at sabi nitoy galing lang sa isang ensayo. Nang magtungo sya sa klinikay sinabi ni aling sela na may importante syang sasabihin. Tinanong ni rafael kung ano ito. Nasabi nitong madalas daw ang pag suauka ni Ligaya at baka daw nakakasama ito. Nasabi nitong baka buntis si Ligaya. At lubos na nagulat si Rafael dun dahil isang problema nanaman iyon. Nai kwento din ni aling sela kung ano ang nang yari na nagahasa si Ligaya. Ang sabi ni rafael dito eh kangan bigyan sya ng gamot upang maiwasan ang pag susuka upang hindi makasama kay ligaya. Dumatingbang

araw ng binyag at nandoon lahat ang kaibigan ni nick unang lumapit si marina at nakipag kwentuhan sakanila tungkol sa nangyari sa klab. Nang gabing iyon pagkauwi eh pinipilit nila si Ligaya na iplaglag ang anak. Tinatanong nila ito. Dapat daw eh ipalaglag ito ni Ligaya pero parang ayaw pumayag. Pag uwi nyay nakita nya si margaritang may katawagan at syay nag dududa sa ganoong gawain ni Margarita. Dumalaw isang araw si margarita at naki kwrnto ni rafael ang nangyari sa babae na sya din ang may gawa sa kanyang asawa at ama. Ilang araw pay nakauwi na si Ligaya at doon nagsimula ang awayan nila rafael at margarita. Madalas may kausap sa telepono itong si margarita at ang ibang araw eh umaalis sya. Isang araw umuwi si margarota at tinanong ni rafael kung san sya nanggalin at sabi nito kina terry daw

isang

kaibigan.

Dumadalaw

dalaw

si

rafael

kina

Ligaya

kung

minsan

upangvkamustahkn ang lagay nito. Sya ang naghatid sa bahay nila Ligaya kaya alam nya kung saan ito nakatira nang hindi sya nahahalata. Isang umaga eh nag paalam itong si margarita na makikipag kita daw sa isang kaibigan. Kina terry daw. Matapos non eh ilang sandali pat pumunta sa downtown itong si rafael upang bumili at magkape at sa hindi inaasahang pagkakataon eh nakita nya si margarita at ai nick na magkasama. Nilapitan nya ang dalawa na nasa isang kapihan . At hinatak si margarita sinabi nya na umuwi at sinabi nya kay nick na wag nang lalapitan muli ang asawa. Sa bahay , nagtalo sila dahil dun tinanong ni rafael kung bakit sila magkasama at ang sabi ni margaritay dahil naglita lang sila. Nag timpi si rafael sa mga nangyaring yun. Nanganak na si ligaya at siya daw ang kukuning ninong ng anak nito nakita nya ang bata at gusto nya itong hawakan pero hndi nya ginawa baka mahalata sya. Napansin dn nila na may hawig ang bat kay rafael at ang pangalan ng batay rafael din. Pagkauwi nyay narinig nya si margarita na makikipag kita at alas dos daw iyon. Dahil doon eh inawat nya si margarita ngunit hindi ito nagpaawat kay rafael. Kaya sinundan nya si margarita. Ang taxing sinasakyan nyay sinundan . Hanggang makaratimg sila sa isamg otel. Doon na balisa si rafael.umakyat sya ng hoter pero walang nakapagsabi kung asan ang asawa doon kaya ang kanyang ginawa eh hinintay nya itong si Ligaya at matapos ang ilang oras eh nakita nya si margaritat si nick na magkasama.dali daling lumabas sya ng kotse at doon bigla nyamg sinapak si nick. Kinaladkad nya si margarita dahil sa kanyang galit. Umuwi sila at napag usapan nila. Buti nalang hindi sya nakipaghiwalay pero simula noon eh magkaiba na sila ng kwarto. Malungkot si don Benito dahil hindi sila nag iimikan at nalaman na nito ang nangyari. Nang bumiaita ulit si rafael eh binyag na ni rafael jr. Ang anak nya kay ligaya. Unay kumain sya nakakita sya ng mga dalaga ngaunit di na sya naakit dito ang gusto nya lang eh makipag kaibigan. Pagkatapos eh nagbigay sya ng pakimkim dito sa inaanak nya. Atatapos nun masaya syang umuwi na tila nakalimutan nya

ang problemanilang mag asawa. Pag uwi nyay wala paring kibuan . Ilang araw eh tumawag salanya si marina at parang nakipag kita. Nagusap sila tungkol sa kanikanilang asawa. Ilang linggo pat nabalitaan ni rafael na hiwalay na si marina kay nick kaya mas lalo syang kinabahan at naging malaya na si nick at kung gagawin nyang makipaghiwalay eh mas magihingmalaya sila. Pag tapos noon eh tapos na isang araw dumalaw si rafael kina Ligaya at habang nagkwentuhan nakita nya si margarita sumunod sa kanya. Nag eskandalo to sa bahay nila Ligaya at binastos pa nya si Ligaya. Kayat ng umuwi silay nag away sila mahaba ang pag aaway napag buhatan nya ng kamay si margarita at yun ang simula ng kanilang hiwalayan. Nandahil doon nagkasakit si don benito at itoy namatay. Sa sobrang problemat pag iisip kaya ito namatay. Nakiramay si mr carrasco at sk margarita. At doon wala na silang pakielamanan. Dahil sa problemang iyon eh nag klab sya at nakipag talik sa hostes. Pag kauwi nitoy dumiretso aya kila ligaya at doon hinalikan nya ito at niyakap. Nagalit sakanya si ligaya kayat di na sya nito pinansin. Makaraan ang Ilang araw malik sya kila ligaya. Sya’y humihingi ng tawad sa kanyang nagawa . Pinatawad sya nito pero ayaw nya munang makipag usap kay rafael. Umulit ulit syang nagtunho kila ligaya at humingi ng tawad pero ayaw parin syang kausapin nito. Sa bahay nya eh sya nalang mag isa at ang mga katulong nakita nya sa dyaryo si margarita at nick. Namatay daw at pinatay ng isang babaeng nag ngamgalang marina. Nagulantang sya sa kanyang mga nakita at agad pinuntahan si marina. Nakipag usap sya dito at sinabing hindi nya kinaya. Kinuha daw ni nick ang kanyang mga anak sa piling ng kanyang mga magulang at ayaw nyang mangyari yon kaya kinuha nya ang baril sa bahay nila dati ni nick at noong unay dapat daw eh tatakutin lang pero nakalabit nya sa sobrang galit. Nakulong sya. Sabi nya eh hahanap daw si rafael ng kanyang magiging abogado upang syay makalaya. Pag tapos nung araw na yin nakapag ipon na ng lakas ng loob ai rafael at pumunta sya kila ligaya nung unay ayaw pa syang kausapin nito pero sa pag pupumulot nya na importante ang sasabihineh pumayag na. Sonabi nya ang lahat na sya ang lalaki sa dilim na sya ang gumahasa kay ligaya na sya ang nag bigay mpera . Gulantang si ligaya at si aling sela. Pero imbia na.magalit eh napatawad nila ito at sa huliy pinag minandal. Tumawag si mt carrasco at sinabing kung alam na ba ang nagyari kay margarita. Nakiramay sya dito at sa huli eh pinalibing nya sa tabi ng kanyang ama. Nakipag ayos din sakanya si mr carrasco na kanyang biyenan at pumayag naman syang makipag ayus dito. Sa huliy naging masaya itong si rafael sa pilung ni ligaya at kanyang anak. Niyaya nya rin itong si ligaya na makasal aila dahil nooy wala naman syang asawa at ayun nag tawanan sila na papayag naman din si

ligaya naging masaya sila at lalo na si rafael dahil nahawakan nya na ang anak nya at hinalikan bigla nalang inihian sya nito at sa ganoon naramdaman nya ang isang maging ama. VII.Pagsusuri sa Nobela A.Kalagayang Sosyal at Pangkabuhay Si Rafael isang mayamang lalaki na kung saan nakapangasawa ng isang magandang babae. Ang pangalan ng napangasawa nya eh margarita. Ang kanyang ama eh isang negosyante kayat masasabi nating ai rafael eh isang mayamang lalaki. Siyay nakatira sa isang malakinh bahay at syay may klinila malapit doon. Nakapag aral aya sa alemanya ng pag dodoktor. Nung unay maganda ang kanyang buhay kasama ng kanyang tatay ngunit simul nang mag asawa sya eh nagkanda loko loko na ang kanyang buhay. Ang kanyang asawang ai margaritay pinag taksilan sya at ang lalaking kasakasama nito eh ang kanyang kaibigan na si nick. Nagkanda lokoloko din ito simula nang magahasa nya si ligaya na sobra nyang pinagsiaihan dahil nalaman nyang ito palay isang bulag na babae. Pero dahil nga sa mayaman sya eh gumawa sya ng paraan upang makabawi kay ligaya at ang paggagamot dito ang naging paraan. Si rafael ay isang mabisyong tao dahil ngay syah mayamab kaya nagahawa nya ang kanyang mga gustong gawin at masaya sya doon. Pero may angking kabaitan din itong si rafael na dapat nating tularan . Ang ama nyay isang negosyante at wala na syang nanay Si margaritay isang babaeng sosyal. Syay lumaki sa isang magandang pamilya at syay isang edukadang babae. Ang kanyang trabahoy isang opera singer at gustong gusto ito ng ama ni rafael. Kaya din inireto sya kay rafael. Dahil pareho silang mayaman, nakatira sa magandang bahay eh wala silang problema. Ikinasal sila ni rafael ay ailay naging mag asawa. Dahil nga syay isang sosyal dahil na siguro sa kanyang trabaho eh maramj syang kakilalang mga ibang lahing tao isa na doon si ted na isang eapanyol naging kaibigan nya ito at pareho silang mahilig sa opera pareho ng tatay ni rafael na mahilig din sa opera. Pero naging hangal si margariya dahil nalkipag relasyon sya sa isang lalaking kaibigan pa ng asawa nya. Kaya doon nag simula ang mga away away na yan . Nagkagulo gulo ang buhay nila margarita at kanyang asawa. Si margaritay isang mayabang na babae pinag mamalaki nya pa na ang kanyang ginagaawa at ipinamumuka

pa nya iyo sa kanyang asawa. Kaya ayun nag kanda leche leche lahat ng buhay nila. Masasabing maganda nga ang panlabas na kaanyuan ni margariyay ang loob nya naman eh sobrang panhit dahil sa kanyan pinag gagawa ay nasira nya pa ang pangalan nirafael ay ang kanyang ama. Si nick eh isang mayamang lalaki na may mga anak at asawa na si Marina . Siyay nakatira sa malaking bahay. Kaibigan nya si rafael ngunit trinaydor nya ito. Nang matapos ang kasalan nila rafarl at margarita. Eh nakilala nya si margarita . Nung unay lagi nya pa itong tinatawagan ngunit lalo yatang nahulog ang puso ni matgarita dito. Silang dalaway nagka ibigan at yun na nga ang umpisa ng pagkanda loko loko nila. Samantalang si marina eh mahal na mahal sya. Kahit anung loko nya kahit anong bisyo nya eh. Napag tsatsagaan sya nito. Pero masasabi nating mabuting ama etong si nick dahil sinusoportahan parin nya ang kanyang mga amak kahit ano pa ang mang yari. Dahil nga sa mayaman syay madali lamg sa kanya ang mamabae dahil nababayaran nya iyo. Madali lang sakanya ang pag iiinom dahil nga marami syang pera. Yan ang buhay ni rafael. Na idang mayamang mabisyo ngunit isang mabuting ina at pasaway na asawa. Si marina’y isang inang mapagmahal syay may mga anak at sobra nya itong mahal.asawa nya itong si nick na malokom simulat sapul eh pinag tsatsagaan nya na itong si nick sa mga kalokohan nito. Kahit anung gawin ni nick eh pinag papasensyahan nya. Kaya masasabingbang babaeng itoy mapagpasensyang babae kasama na angvkanyang pah manahal. Ngunit dumating ang puntong naging sila ni margarita at sa sobrang inis at galit na ni marinay nauwi sila sa isang hiwalayan. Napakalu gkot ng nangyari. Bumalik si matina kasama ang mga anak nya sa nanay nya. Hindi naman kasi mayaman si marina dati at gumanda lang ang buhay nila simula nang maging sila nitong si nick. Pero isang araw napag alaman nyang itong si nick palay kinuha ang kanyang mga anak. Eh sobrng mahal ni marina ang kanyang anak kayat ayun sinugot nya si nick at napatay nya ito. Makikitang ang buhay ni matinay isang napaka masalimuot na buhay. Na dahil sa pag mamahal sa anak eh napatay nya itong si nick at margarita.. Si Ligaya’y isang babaeng maralita lamang. Ang kanyang pamumuhay eh madilim dahil syay nabulag. Hindi naman talaga sya isang bulag pero nagkasakit sya sa mata at dahil sa kahirapan eh hindi na nila ito naagapan. Silay nakatira sa isang maliit na bahay. Isang bahay na yero na kung saan nasa bakanteng lote. May isa syang kapatid na

nagngangalang seto at ang nanay nyay nag ngangalang aling sepa. Mahal na mahal sya nitong si aling sepa dahil kahit anung mamgyari sa lanya eh tinatanggap sya nito. Katulad nalang nang syay magahasa ni rafael ang nanay nya ang umintindi sa knya at hindi sya nito pinabayaan kahit ano pa ang mangyaring masama sa kanya. Yinanggap din ng kanyang nanay ang kanyang naging anak na kung saan anak din ni rafael. Dahil sa binayad sakanya ng nanggahasa sa kanya na lung saan si rafael. Silay nakapag tayo ng isang batong bahay sa tabi ng kanilang bahay. Mas magamda yong bahay na yun kesa dati. Naalala ko nakakita pala sya dahil kay rafael na kung saan ginamot sya nito bilang kabayaran ng mga nagawa nya ang pang gagahasa dito sa babaeng ito.makikitang si Ligayay isang babaeng mahirap lamang pero may pag asa sa kanyang buhay at patuloy na sumusulong dito sa ating buhay na ito.. Si Aling Sela’y isang matandang napakabait. Meron syang dalawang anak at syay byuda na . Ang kayang anak ay sina Ligaya at isang batang lalaki na may pangalang Seto. Itong sila aling sepay nakatira lang sa isang maliit na bahay na yero. Sa isang bakanteng lote ito nakatayo. Ang kanyang anak eh nagahasa. Itoy si ligaya. Pero sa kabutihang palad eh nabayaran sila nang gumahasa sa kanya kaya nakapag pagamot ulit ang anak nyang si margarita. At ang sobrang peray pinag pagawa nila ng maliit na bahay na bato na kung saan doon sila nanirahan na. Ang kanyang anak eh nabuntis. At nung unay gusto nya itong ipalag lag pero sa huliy pumayag na din sya dito dahil ang deaisyon ng kanyang anak eh sobrang buo. B.Pilosopiyang Pilipino 1. Kung ano ang puno sya rin ang bunga Kung ano ang puno sya rin ang bunga ang kahulugan nito’y kung ano ang mga magulang ay ganoon din ang mga anak. Halimbaway kung ang tatay mo’y sugarol at kung ikaw din ay nag susugal masasabing kung ano ang puno sya ang bunga. Dahil kung ano ang ugali ng tatay mo ay ganoon ka din. Pwede ding kung ang nanay mo’y maganda at ikaw diy isang maganda ganoon din ang sasabihin sayu. Ang ibig lang nitong sabihin ay kung ano ang katangian ng iyong mga mgaulang na nakuha mo ay matatawag nating kung ano ang puno sya rin ang bunga. Ang isa pang kahulugan nito ay kung may maganda kang ginawa sa kapwa mo’y ganun din ang babalik sayu.

Tulad sa nobelang ang lalaki sa dilim masasabing kung ano ang puno sya ang bunga sa mag inang si ligaya at si Aling Sepa dahil nga silang dalaway marunong makuntento sa buhay dahil silang dalaway hindi naghahangad ng magandang buhay. Kung anong meron sila eh yun na ok na yoon. Marunong din silang tumanaw ng utang na loob dahil nang ipagamot nila ang mata ni Ligaya kay Dr. Cuevas eh lam nilang malaking utang na loob dahil nagawa nitong makakita ulit si Ligaya. Nagging Masaya sila dahil doon. Pareho di silang mabait dahil marunong sila ng kabaitan sa bawat kilos nila. Pareho sila sa bawat gawi nila. Kaya yun ang sinasabing kung ano ang puno sya ang bunga. Pareho din sialng marunong magpatawad dahil napatawad nila si Rafael kahit na anong ginawa nito sa kanila. Na naanakan nya si Ligaya. Kaya ko nasabing kung ano ang puno sya ang bunga dahil doon nga sa mga katangiang yun. 2. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa ang ibig sabihin ng salawikaing ito ay ang tao ang gumagawa ng tama o mali, o kung anu ba ang maganda at panget na gawain. Dahil ang tao ang gumagawa noon ay ang ating Diyos lang ang ating parang gabay sa mga ginagawa natin. Sya ang manghuhusga sa atin sa huli kung maganda man ang nagawa natin o panget ba iyon. Nasa Diyos ang awa dahil sya ang mag papatawad saatin sa ating mga ginagawa at sya ang mag dedisisyon kung maganda ba talaga o tama ba talaga ang iyong ginawa sa iiyong mga gawain dito sa ating daigdig. At dahil nga nasa Diyos ang awa ay kalimitan sa atin ay gumagawaa ng mali. At sa huliy sila ang nag papaawa sa mga ginawa nyang kamalian Makikita ang salawikaing nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa sa parting nagpapagamot na si ligaya at napag alaman nilang itoy buntis. Ngayon gusto ni Aling Sepa na ipalag lag ng kanyang anak ang ipinag dadalang tao nito. Dahil daw masisira ang kinabukasan nito kaya gusto nitong ipalag lag ang magiging anak nito. Pero hindi pumayag si ligaya ditto bagkus naniwala sya sa may kapal at hindi nya ito ipinalag lag. Sya’y nag dasal sa Diyos at ipinasa Diyos lahat ng mangyayari sa kanya na tama naman ang kanyang ginawa. Ayaw nyang ipalag lag ang kanyang anak dahil alam nyang masama iyon naniwala sya na ang Diyos ang gagawa ng paraan para malag pasan ang problemang kanyang dinadala. Kahit anong kumbinsi ni Rafael dahil

kinumbinsi din sya ni Rafael dahil alam nyang madadagdagan pa ang kanyang problema kung hindi ipapalag lag ni Ligaya ang anak nito. Pero si Ligaya’y nagging matatag ang kanilang paniniwala na alam nyang ang Diyos ang magiging gabay nito sa kanyang buhay. 3. Ang buhay ay isang gulong, minsan nasa ibabaw at minsan Nasa ilalim. Isa pa’y ang salawkaing pilipinoy ang salawikaing ang buhay ay isang gulong minsan ay nasa ibabaw at minsan nasa ilalim. Ang ibig sabihin nito ay ang buhay ay minsan maganda kunga saaan masasabing nasa ibabaw iyon at kapag masama naman ang nagyayari sayu ang masasabing nasa ilalim ka na ng gulong, ang ibig lang nitong sabihin ay napapanahon lang talaga kung ikay sweswertehin o ikaw nga bay mamalasin. Itoy sikat na kahulugan na kung saan kadalasan ay nasa kwento ito. Mahihinuhang nasa pelikula din ito dahil maraming kamalasan ang nagyayari doon. At sa tingin koy nasa panahon lang talaga yoon at kung paano ang tao ay gumalaw sa kanyang kapaligiran.. Kung paano ang tao ay makippag laban sa mga problema at malagkasan nya ang ilalim na gulong. Makikita ito sa akda sa parteng lahat ng bawat kabanata. dahil katulad ni Rafael nung unay pa hapi hapi lang sya sa kanyang buhay ang kanyang bisyo na pag iinom at pambababae eh nag pakasaya sya. Walang syangg iniintinding bagay kundi yun lang. Masaya syang ginagawa nyang yoon at ang kanyang kayamanan nakukuha nya lahat ng gusto nya. Pero nang dumating si ligayay nagging pangit na ang kanyang buhay nagkanda lokoloko dahil sa ginawa ng asawa nya sa kanyang pag tataksil eh nasira ang kanyang buhay at ang kanyang pangalan pati na rin ang nangyari sa kanya ni Liagay dahil sa nagawa nya rito na pasanin pa sa kanyang buhay nung unay kala nyay hanggang doon na lang ang kanyang problema ngunit nag kaanak pa itong si Ligaya na hindi nya inaasahan kayat yun nagging masama ang kanayang buhay. Ganon din naman si Ligaya nung unay na sababa sya na parang ang sama sama ng nangyari sakanya dahil lahat ng problemay nasakanay na. pero nang dumating sa kanya si Rafael eh unti unting gumanda ang buhay nito. Lalo na nang magka anak na si ligaya na labis syang pinasaya ng kanyang anak. Gayon ang gulong minsan puro problema ka

ay nasababa ka pero alam nating hindi yon habang buhay dahil mababago yun at gaganda din ang inyong buhay at maniwala lang tayo sa ating may kapal 4. Habang maiksi ang kumot matutong mamaluktot Isa pang salawikaing pilipino’y ang salawikaing habang maiksi ang puno ay dapat matutong mamaluktok. Ang ibig sabihin nitoy kung mahirap kay dapat mong tiisin yun. Dapat kang matutung makibagay kung ano ang iyong kalagayan. Dapat ay wag kang maghanggad ng hindi mo kaya naman kaya. Dapat ay alam mo ang limitasyon mo. Dapat ay matuto kang magtipid at wag kang mag gasta dahil hindi naman iyon ang kailangan mo. Ang ibig sabihin lang nito ay kung mahirap ka wag kang mag hangad ng mga mamahaling bagay bagkos pagsikapan mo iyon para lang makamit mo ang iyong gusto. Yan ang kahulugan ng salawikaing habang maiksi ang kumot dapat matutuong mamaluktot. Makikita sa Nobelang Lalaki sa Dilim ang salawikaing kapag maiksi ang kumot matutong mamaluktot sa mag inang si ligaya at si aling Sepa dahil silang dalaway kuntento na sa kanilang buhay na mahirap na kung anong meron silay ayun edi meron hindi na sila nag hahangad ng kung ano pang hinahangad nila. Hindi rin lumalaki ang kanilang ulo na dahil meron silang mayamang kakilala na mabait pa sa kanilay hindi nila ito pinag samantalahan. At nang magkaroon sila ng pera doon lang sila nag pagawa ng kanilang bahay. At kahit na meron sila hindi sila nagging magarbo katulad nung binyag ng anak ni Ligaya alam nilang may pera sila pero hindi nila ito ginastos lahat nagging matalino sila sa kanilang panggastos . marunong silang tumupi kung kualng ang kanilang pera. Yan ang kahulugan ng salawikaing kung maiksi ang kumot matutong mamaluktot na nagawa ng magi nag si Ligaya at ang kanyang ina na si aling Sepa. Nakatutuwang isipin na meron sialng ganong katangian na alam naman natin sa ngayoy konti nalng ang meron. 5. Sa lakad ng panahon lahat ay sumusulong ang

salawikaing

sa

lakad

ng

panahon

lahat

ay

sumusulong

ay

nangangahulugang. Ang araw ay lumilipas. Hindi yan tumitigil at nalalagpasan natin iyon sa mga dumarating na araw. Hindi natin mapipigilan ang pag ikot ng mundo. Araw

araw tayong nabubuhay at sa araw araw na yoon ay nabubuhay ang tao. Ang isa pang kahulugan noon ay patuloy ang buhay . Halimbaway may problema ka ngayun, dapat ay wag kang matakot dahil malalampasan din natin yoon sa mga susunod na panahon. Patuloy na lumalakad ang buhay , wag kang matakot sa mga problema mo ngayun dahil lalampas at lalampas din yun. Makikita ang salawikaing sa lakad ng panahon lahat ay sumusulong Dahil sa mga problemang nakuha ni Rafael at Ligayay ay hindi parin sila sumuko katulad nang nagging problema ni Rafael ay nag paagos lang sya sa araw ng buhay. Nang magka problema sya kay ligayay humanap sya ng humanap ng paraan at lahat ng butas ay kanayng pinasok. At nang makakita sya ng magandang solusyon eh hindi parin sya nag padalos dalos. Hindi rin sya sumuko sa mga problema nya. Katulad ng nagging problema nya kay margarita na sobrang sama. Nasira na ang kanyang pangalan bilang doctor nasira pa ang pangalan ng kanyang ama na si Don Benito Cuevas. Pero hinayaan nyang makayanan lahat ng problemang iyon nagging magaling sya sa pag dala ng kanyang problema at dahil doon nalagpasan nya ang pag subok ng buhay. Ang pangalawa naman eh ang pag subok ni ligaya. Nang mabuntis syay alam naman nating mahihirapan sya pero hindi rin sya sumuko nagging matatag sya at nag dasal hinayaan nyang lumakad ang panahon at ang problemay dadaan lang yan pero malalagpasan mo yan. Bastat labanan mo ito ng may lakas sa iyong puso at wag ka masyadong mag papa apekto ditto. Yan ang sinasabi ng salawikaing ito na sa lakad ng panahon lahat ay sumusulong lahat ng bagay ay hinid permanente at malalagpasan at dadaan lang satin yan C.Kulturang pilipino 1. Pag sasabay kung kumain Ang isa sa mga kulturang pilipino na pinakikita dito sa nobelang ito eh ang pagsasabay sa pinag kakainan. Importante sa bawat Pilipino ang pag sasabay ng mga pamilya sa pinagkakainan. Lalo na sa matatanda dahil para sa kanila napaka sagrado nito. Dahil ditto kasi magkakausapusap ang bawat miyempre ng pamilya ling meron ba itong problemay napaguusapan nila kaagad. Importante ito dahil kung may alitan din at hindi pagkakasunduan sa pamilya eh

napaguusapan agad at hindi na ito lalaki.

Mabuting gawi ito ng mga Pilipino dahil ditto nakikita ang katatagan ng bawat Pilipino. Alam nating masayahin ang mga Pilipino at sa bawat pag sasabay sabay nila kumain eh mas magiging Masaya sila sa kanilang pamilya. Kung mag sasabay sabay tayo sa pag kainan eh mas mapapatatag pa natin ang ating mga pag sasamahan at sobrang mapapasaya nito ang ating mga matandang kasama. Pinakita pagsasabay sabya sa pinagkainan sa mga unang parte palamang ng nobelang ang Lalaki sa Dilim. Dahil si Don Benitoy gustong gusto ang pag kakasabay sabay nila sa pag kain. Sapagkat nakakapag usap sila ni Rafael at nagatatawanan pa sila dito. Yung mga unang araw ni margarita sa bahay eh ganon din eh Masaya sila sa kanilang pinag kakainan pero nag bago yun nang magloko si margarita. Nang si margaritat si Rafael eh angka problema eh hindi na sila muli nag kakasabay sabay ng Masaya at sa huliy hindi na talaga sila nag kasabay sabay. Nasabi to ni Don Benito sa kanyang anak at nagiging malungkot sya sa mga ganong pangyayari. Ayaw kasi nyang hindi sila nagkakasabaysabay pero wala syang mgagawa kundi tanggapin ang mga ganong pangyayari. Ganon kahalaga ang pagsasabay sabay nila sa pagkain

2. Pagtanaw ng utang na loob Isa pa sa mga kulturang pilipino ang pag tanaw ng utang na loob. Paano nga ba mag kautang na loob? Sating mga pilipinoy kapag nagawan ka ng maganda ng kapwa moy tinatanaw natin to ng utang na loob. Katulad kung nailigtas nya ang buhay mo kunwari kulang ka sa dugo at kailangang kailangan mo at yung taon yun ang nakapag bigay sayo ng dugong kailangan mo eh tatanawin mo yun ng utang na loob okaya kunwari may perang ipinahiram sayo na talagang kailangan kailangan mo tayong mga pilipinoy tintanaw natin ng utang na loob yun. Nakasanayan na siguro natin ang mga ganoong Gawain na ating ginagawa sa tuwing may mga ganoong pangyayari at dahil doon eh mas napapaganda ang samahan ng bawat Pilipino kung may ganoon tayong kultura Ipinakita ito sa nobelang lalaki sa dilim ang pagtanaw ng utang na loob sa parting lahat ng nagawa ni Rafael kina ligaya at aling Sepa dahil sa nagawa ni Rafael na pag papakita niya kay ligaya ulit eh natanaw nila iyong utang na loob at salahat pa

ng nagawang mabuti ni Rafael eh natanaw nila iyon na utang na loob. At dahil sa utang na loob na yon hinawang ninong si Rafael nina ligaya at kanayng ina. Nung unay kinabahan si Rafael dahil baka nag hihinala na sya na sya ang lalaki sa dilim pero hindi pala nagawa nlang nila yun dahil tinatanaw sya ng utang na loob ang kanayng mabuting nagawa sa mag ina. At dahil don maganda ang nagging pakikitungo din ng mag ina kay Rafael . tunay na kahanga hanga tayong mga Pilipino dahil sa pagtanaw ng mga utang na loob na yan 3. Pagiging mahinhin ng mga kababaihan Isa sa mga natatanging kultura ng mga pilipino ay ang kaugalian ng mga kababaihan na pagiging mahinhin. Katulad nila ma. Clara ang mga babaeng pilipina ay nagsusuot pa ng mga mahahabang damit na dapat ay takip na takip nila ang kanilang mga katawan. Nakuha din natin itorng kaugaliang ito sa mga kastila. Sila ang naging dahilan kung bakit naging mahinhin ang mga pilipino. Likas dati sa mga babaeng pilipino ang pagiging mahinhin nila at nakilala sila dito sa kaugaliang ito. Si ma. Clara ang naging halimbawa nito dahil sa panahong iyon ay siya talaga ay mahinhin na babae. Ipinakita ito sa may akda sa katayuan sa buhay Ligaya alam naman nating si Ligayay bulag pero nailalarawan na syay isang mahinhin na babae dahil sa mga gawi nya. Sa kanyang kasuotan eh katulad ng isang mahinhin na babae. At alam naman nating si Ligayay mahinhin magsalita. Katulad ng isang mahinhin na babae. Isang araw lasing na nag tungo ulit sa bahay nila si Rafael at nang kausapin nya itoy hinalikan sya nito at hinawakan. Ayaw ng ganon ng mga mahinhin na babae at ganon ang naramdaman ni Ligaya. Nagalit sya. Pero ang mabuti kay Rafael eh marunong syang humingi ng paumanhin. At dahil sa kabaitan ni Ligayay napatawad nya si Rafael at sa huliy silang dalaway nagging mabuting magkaibigan ulit at dahil mahal na sya ni Rafael eh niligawan sya nito at si ligayay nag pakipot muna tulag nga ng isang mahinhin na babae. Ma ilalarawan na ang mahinhin na babae ang mga babeng konserbatibo katulad ni Ligaya na magandang tularan ng mga kababaihan. 4. Pagpapahalaga ng Bisa sa Kasal

Ang pagkakaroon ng bisa sa kasal mahalaga sating mga Pilipino dahil itong kasal eh sagrado na utos n gating panginoon na dapat sundin. Nakaugalian nating mga Pilipino lalong lalo na sa mga katoliko na dapat iisa lang ang magiging asawa ng bawat Pilipino. Halos lahat naman yat ng bansa eh dapat yun ang gawin. Pero ang muslim eh kakaiba dahil kahit ilang asawa nila eh okay lang basta kaya nila itong suportahan. Pero satin eh dapat iisa lang talaga an gating asawa. At mahalaga iyon. Ang bisa ng kasal ay mahalaga talaga sating simula pa nung ating mga ninuno palamang eh ganun na. at kapag nilabag mo iyon eh isang kahihiyan iyon sa iyong pamilya. Kayat dapat sundin iyon ng bawat Pilipino kasi nga mahalaga iyon satin. Pinakita ang kulturang pagkakaroon ng bisa sa kasal at pag papahalaga nito sa parting kay Margarita. Kahit na hindi nya pinahalagahan iyon nasa parte parin iyon ng nobelang ito. Ang gusto kasi ni Rafael na pahalagahan iyon ngunit iba ang pananaw ditto ni margarita sapagkat sya eh laki sa sosyal na buhay at nakuha nya ang kanyang ugali sa mga kanluraning banyaga. Na amerikanong pamumuhay. Dahil ang mga iyon eh hindi nila sinusunod at kahit sinong asawa pwede nilang galawin. Pinahahalagahan din ang pigiging birhen ng isang babae pero nga si margaritay hindi iyon nagawa. Ang pagpapahalaga nitoy mahalaga talaga sa bawat Pilipino. Ang pagkakarooon ng bawat Pilipino ditoy sagrado at hindi dapat sinusuway. 5. Pagbibigay ng pakimkim sa inaanak na bininyagan Isa pang kulturang paniniwala ng mga pilipino’y ang paniniwala ng mga pilipino pagbibigay ng pakimkim sa mga inaanak. Matapos ang binyag ang mga ninong at ninang eh nagbibigay ng pakim kim sa mga inaanak nito. Maaring itoy bagay o pera. Binibigay ito upang pambili ng gatas o pagkain ng bata. O mga gamit. Kung gamit naman binibigay ito upang mapakinabangan ng mga inaanak nito. Nagging isang kultura na ito ng mga Pilipino at nakasanayan na nila itong gawin sa tuwing mag bibinyag ang sinumang bata. Nagging masagana ang bata kung bibigyan nito at magkakaron ng maraming pera. Magiging mayaman sya kung bibigyan mo nito. Yan ang isang kulturang Pilipino na ating nang nakasanayan na gawin. Ginamit pakimkim matapos binyagan si Rafael Jr. na anak ni Rafael. Si Rafael lang ang may alam na anak nya iyon. Sya ang ginawang ninong dahil nga daw sa

utang na loob na tinanaw ng mag inang sina Ligaya at aling Sela dahil ddon eh. Binigyan nya pagkatapos ang bata ng sang daang piso na pakimkim ayaw daw nya kasing sabihing kuripot ang kanyang ninong. Noong panahon na yon eh malaki na ang sandaan piso dahil mayaman pa ang bansa noon ang pakimkim eh nakasanayan na natin ibigay pagkatapos binyagan pagkatapos din binyagan ang mga magulang at ang nanay ng bininyagan eh nag tatawagan na ng kumpare o kumara dahil tanda na silang dalaway mag kumparet kumara nay un din ang isang nakasanayan nating mga pinoy D.Simbolong Ginamit 1.Dugo Ang dugo isa sa pinaka mahalagang parte n gating katawan. Hindi antin to masasabing parte pero isa sa mga kailangan n gating katawan. Ang dugo ang nagbibigay buhay sa ating katawan at itoy isang pinakaimportante dahil ditto sa dugo nanggagaling ang oxygen na ating nilalanghap papunta sa ating puso kayat dapat ang dugo natin ay malinis. Nandito din an gating immune system na ang ibay nasa dugo at itoy tumutulong satin upang tayoy maging malakas at mabuhay. Ang lahat ng hayop eh may dugo dahil lahat tayoy pareparehong nabubuhay para sa oxygen na kailangan n gating katawan. Sa may nobelang Lalaki sa Dilim Pinakita ang Dugo nang gahasain ni Rafael ang babae sa bahay na yero na si Ligaya. Nang gahasain nya si Ligaya at nang makauwi syay nakapansin sya ng Dugo sa kanayang salawal. Ang dugong yun ang nagsasabing si Ligayay isang birhen. Samantalang nang matapos ang kasala nila ni margarita at magtungo sila sa baguio upang mag honeymoon eh napansin nyang wala ng dugo matapos silang magtalik nitong si margarita kaya naisip nyang si margaritay hindi na birhen nang gahasain nya ito. Ang sinisimbolo lang nitong dugong ito na ang kabirhenan ni Ligaya at hindi pagiging birhen ni margarita at si Rafael ay hindi ang unang nakagalaw ditto kay margarita.

2. Bahay na Yero Ang bahay isa sa pinaka kailangan nating sa ating buhay. Bukas sa pag kain at mga damit ang bahay ay isa din ditto. Ang bahay ay maaring malaki o maliit. Ditto nakatira ang mga tao. Kahit na mga hayup eh may mga bahay parin na kanilang kinakailangan. Lahat ng may buhay sa mundo eh kailangan ng kanilang tirahan. Kaso nakakalungkot na isipin na ang ibang tao eh walang bahay upang kanilang tirhan kaya silay nag sisiksikan sa ilalim ng tulay upang doon sila gumawa ng kanilang sariling bahay. Ang ating pangangailangan eh dapat nating unang dapat magkaroon upang tayoy mabuhay. Makikita ang bahay sa nobelang ito sa parting una dahil sa bahay na yero doon ginahasa ni Rafael itong si Ligaya. Nakakalungkot itong isipin na ginahasa nya ang isang bulag na katulad ni Ligaya. Ang bahay na yeroy tirahan nina Ligaya kasama ng kanayng kapatid na si Seto at ang kanyang ina na si aling sela. Nagpapakita lang ditto na ang bahay nilay kahit na maliit maayos. May kasabihan tayo na kung anong ayus ng bahay mo eh ganon din ang mga nakatira ditto. Sa kanilang tirahan na maliit ay sinisimbolo ng bahay na yerong ito eh ang kahirapan sa buhay ng mga ito. Silay maralita lang kaya maliit lang ang kanilang bahay. Pero nang magkaroon sila ng peray nag pagawa sila ng bahay na bato. Dahil ginamit nila sa tama ang kanilang pera.

3. Klinika Ang isang klinika’y parang isang ospital. Ngunit ang klinikay isang maliit lamang. Doon ang mga doctor eh nanatili sa kanilang klinika upang manggamot. Ang mga klinikay may sapat din na mga kagamitan at upang silay manggamot ng kanilang mga pasyente. Parang ospital ang mga klinikay may mga permit din kayat ang mga itoy ligtas. Pero hindi ko sinasabing lahat ng klinikay ligtas dahil may mga iba din kasing lumalabag sa batas kayat hindi ligtas Sa may nobelang ito ang klinika’y pinatayo ni Rafael eh natengga at hindi ginagamit ngunit nangako sya sa kanyang asawa na itoy gagamitin na pagkatapos nilang ikasal. Ngunit napaaga ito dahil kailangan nuyang asikasuhing gamutin itong si

Ligaya kayat pinabuksan nya agad ito. Sumisimbolo ito sa bagong buhay ni Rafael dahil simula ng bukasan nya ang kanyang klinikay unti unti syang nagbago at isa pay sumisimbolo ito sa muling pagasa ni Ligaya dahil muli syang nakakita simula nang magpagamot sya kay Rafael.

4. Baril Ang baril ay isang sandata. Ginagamit ito sa mga labanan. Ang armas na ito ay nakakapatay ng mga tao. Maraming klase ang baril. Itoy isang armulad ng pag patay ng tao. Okaya pang holdap okaya naman ginagamit ng mga pulis sa kanilang trabaho. Itoy armas na bakal. May malaki at maliit. Ma’y isahan ang putok may maramihan. Ang baril ay nag sisilbing pang prorprotekta din sa katawan. Ang ibang taoy ginagawa to sa krimen. Maraming gamit ang baril. Nasayo nalng kung gagamitin mo ito sa tama okaya sa mali. Mas maganda kung gagamitin mo ito sa maganda. Tulad ng mga sundalo, ginagamit ito sa pakikidigma nila. Itoy gingamit nila para protektahan ang ating bansa. Makikita ang baril sa nobelang ito sa parting maghihiganti na si Marina sa kanyang asawa. Dahil sa kanyang galit nung una kasiy nambababae na ang kanyang asawa at ang babaeng yun eh ang asawa ni Rafael na si Margarita. Nung unay pinag titiisan pa ito ni Marina ngunit nung kinahulihan eh hindi nya na natiis dahil dinamay na ni Nick ang kanilang mga anak. Naghiwalay na kasi si marina at sa kanyang paguwi isang araw eh nalaman nnyang kinuha ni nick ang kanyang mga anak. Kayat nag tungo sya sa kanilang bahay at kinuha ang barin ang barin nung unay dapat gagamitin nya lang upang takutin ang asawa at si margarita ngunit hindi nya sadyang nakalabit ito at napatay ang kanyang asawat si margarita. Sumisimbolo ito sa paghihiganti at galit ni Marina sa kanyang asawang si Nick sa kanyang mga ginagawang kalokohan sa kanilang magiina.

5. Nayt Klab Ang nayt klab isang lugar na kung saan makikita ang mga taong umiinom at makakakita ka doon ng mga babaeng sumasayaw. Ang mga babae sa nayt klab eh tinatawag na hostes nag papabayad kung minsan ang mga ito para lang sa kanilang katawan. Ang lugar ng cabaret ayon sa nobelay madilim at de kulay ang mga ilaw. Maraming mga lalaking nahuhumaling pumunta sa lugar na ito. Dahil maraming kababaihan ang nanduon na kanilang gusto at may mga alam pa doon. Makikita ito sa parte ng nobela ang nayt klab sa unang parte at medyo sa huli. Nung unay doon nag tungo si Rafael , Nick at Lucas upang mag hapi hapi at silay mag iinom. Ditto sila nakatagpo ng kanilang kaaway na dahil sa nabastos ni Nick ang isang hostes na may katable nap ala. At sa galit ng mga katable nitong nasabing hostes na itoy nilapitan sila at nagkaroon ng pag aaway at doon naisipan ni Rafael na umalis doon sa nayt klab na yoon. Sa huli din pinakita ito dahil sa dami na ng problema ni Rafael sa kanyang buhay at naisipan nyang mag tungo sa nayt klab uapang mawalan ng problema. Sumisimbolo ito sa mga bisyo ng mag kakaibgan at ni Rafael na kanyang masamang ugali. Sumisimbolo ito sa mga pangit na Gawain dati ni Rafael na kanya ngayong nabago E. Terminolohiya Mezzo-Suprano. Ang mezzo soprano, isang boses ng babae na kung saan ang kanyang boses ay nasa soprano at conta alto. Itong mga boses na ito’y ginagamit ng mga babaeng boses sa kanilang pagtatanghal lalo na sa opera. Ang gma may ganitong boses’y magagaling na mang await lang ang meron.. Opthalmologis. Ang Opthalmologist ay nagmula sa salitang griyego na Opthalmos na nangangahulugang mata at logos na ibig sabihi'y salita. Mula sa kahulugan nang salitang ito, masasabi natin na ang Opthalmologist ay isang tao na dalubhasa at may malawak na kaalaman pagdating sa mata ng isang tao. Kung ikaw ay may diperensya sa mata, maaaring pumunta sa isang Opthalmologist upang malaman kung ano ang problema rito. Madalas puntahan ito ng mga taong may malalabong mata upang magkaroon ng mas

malinaw na paningin at malaman kung ano ang grado ng ating mata. Sila rin ang nakakaalam kung anu-ano ang mga bagay na dapat at di-dapat gawin sa mga mata natin. Maraming tao, lalo na ang mga artista, ang nagpapatingin sa isang Opthalmologist upang maalagaan nila ng mabuti ang kanilang mga mata. Hindi naman natin palaging kailangan magpatingin sa isang Opthalmologist para lang masabing alaga ang iyong mga mata. Kailangan ikaw, sa sarili mo, alam mo kung ano ang tama at maling gawin pagdating sa ating mga matang sensitibo Paboreal. Ang paboreal, isang klase ng ibon na kung saan merong magandang buntot sa kanayng likuran. Ang buntot ng mga ibon na ito’y makukulay at parang isang malaking pamaypay. Ang paboreal’y sa ingles ay pecock. Ang buntot at balahibo nito’y ginagamit nito sa pang aakit ng kanyang nagugustuhang babae. Mas magaganda ang balahibo at buntot ng lalake kesa sa babae Hinagkan. Ang salitang hinagkan’y isang malalinm na salita na ang ibig sabihin ay hinalikan.ginagamit ito ng mga makatang matatalinghaga ang kanilang salita. Naninibugho. Ang salitang naninibugho’y mayn dalawang kahulugan ang unang kahulugan nito’y ang pagigigng maalab ang damdamin o isang matinding damdamin mula sa isang tao o sa isang bagay. Samantalang ang pangalawang kahulugan naan nito’y ang pagiging maiingitin o mapanghinasa. Sa medaling salita pagiging seloso. Ang mga babae ang madalas nakakaramdam ng ganitong pakiramdam sa kanilang mga minamahal na lalaki

Minandal. ay isang kaputol ng pagkain na kadalasang mas maliit kaysa sa isang karaniwang pagkain, na pangkalahatang kinakain sa pagitan ng pangunahing mga oras ng pagkain.kadalasang tawag ng mga Pilipino rito ay meryenda na hinahanda nang bandang alatres hanggang alas singko ng hapon. Mayroong sari-saring mga uri ng mga miryenda, kabilang na ang mga pagkaing nakapakete at napruseso at mga bagay mula sa sariwang mga sangkap sa tahanan. Karaniwang hinahapag sa minandal ay mga pagkaing magagaan

lamang sa tiyan, mga hinahanda sa mga tahanan ay maaaring malalagkit na pagkain o kaya naman naprosesong pagkain sa labas. Pabor. Ang pabor’y isang salitang tagalong na nasamalalim na kahulugan pero ang ibig sabihin talaga nitoy ang paghingi ng tulong o pangungusap. Madalas tayong humihingi ng pabor sa mga taong atin talagang kailangan o malaki an gating pangangailangan sa mga taong iyon. Ponograpo. Ang ponograpo’y siang bagay na tumutugtog na parang isang music player ngayon noong panahon ng 1870 hanggang 1880. Tinatawag din itong grapopon o ponograp. Ang hitsura nitoy parang isang maliit na tororot na nakabit sa isang plaka na kung saan ditto lumilikha ng tugtug ang bagay na ito. Ito ang nagsilbing aliwan ng mga tao noong mga panahong iyon dahol kokonti lang ang mga may telebisyon ito ang isa sa kanialng libangan. Hanggang ngayon nama’y nagging libangan na natin ito pero mas pinaganda na ng teknolohiya at mas pinadali kung pano ito gamitin. Komedor. Komedor ang komedor ay isang partevsa bahay na kung saan ang mga nasa bahay eh doon sabay sabay na kumakain. Ang komedor sa english eh daining room. Ang mga pilipinoy talagang nakasanayan nangbkumain ng saby sabay sa komedor talagang naging tradisyon na ang pagkain ng sabay sabay sa nasabing lugar. Dahil sa komedor kumakain doon na nag kakakwentuhan ang bawat miyembro ng pamilya. Sa komedor madalas nilalagay ang mga lamesa na kung saan doon sabay saby na kumakain. Ang komedor eh pwedeng malaki o maliit depende sa bahay Paglibak. Ang paglibak, isang Gawain na kung ituraing ng iba’y masama dahil ito ang pagkakalat ng tsismis o istoryang hindi maganda sa mga tao. Itoy kalimitang hindi maganda ang sinasabi o pag babackstap on pag sasabi ng kabaligtaran o binabaluktot ang isang salita. Sa mga probinsya ito madalas na nag kakaroon. Kalimitang ito pa ang nagigigng sanhin ng away ng mga magkakapit bahay dahil sa mga salitang hindi naman totoo. Ang mga tao na gumagawa nito’y may tangkang sirain ang pagkatao ng iba

Alingasngas. Ang salitang alingasngas, ginagamit ng mga makatang gusting gumamit ng mga malalalim na salita ang kahulugan nito’y salitang eskandalo. Ang alingasngas isang usapin din na hindi maganda o pagsira ng mga perosonalidad. Inaayawan tong kumalat dahil ito’y isang lihim. Pwedeng lihim ng pamilya o lihim ng tao na masama. Kostumbre. Ang salitang kostumbre isang salita na naglalarawan sa mga ginagawa mo o sa mga nagawa mong nakasanayan mo na. mga tradisyon ng mga tao o isang indibidwal. Ang kostumbre’y pwedeng maganda o pangit ang paggawa mo ng nakasanayan ang ibig sabihin nito. Magpipinid. Ang kahulugan ng salitang magpipinid, isara o tumikom. Ito’y matalinghaga dahil minsan lang ito magamit ng mga tao o makita. Pakimkim. Ang salitang pakimkim, ginagamit sa pagbibigay ng pera na bigay ng mga ninong ng batang bagong binyag. Binibigyan ng pakimkim ang mga bata upang may panggasta sila sa kanilang paglaki. Itoy isang pamahiin din nating mga Pilipino na kung saan ating nakagawin at ginagawa hanggang ngayon Tutop. Ang salitang tutop nangagnahulugan na ang kamay nakatupi o nakasarado. Ang ibang kahulugan naman nito’y sa pananahi.ang pagtatakip ng kamay isang kahulugan nito. Sasambulat. Sasambulat ang salitang itoy nangangahulugab na itoy nangugulat. Para syang expresyon pero itoy isang salita na naglalarawan sa isang gawa. Ang halimbaway syay sasambulat bukas. Ang ibibig sabihin lang netoy syay manggugulat. Maraming salita ang kahulugan nyan isa na dun eh ang gugulatin o manggugulat.. Porch. Isang bahagi ng bahay na kadalasang sa mga malalaking bahay nagkakaroon. Ito’y isang bahagi ng mala-entabladong nagpapakita ng mga pader na napapalibutan ng isang rehas, balustrada, o pader pangsanggalang.

Isa ito sa mga kinahihiligang parte ng mga kabataan o kaya ng mga matatanda dahil ditto sila mas nakakapag pahinga at mas tahimik rito.. Pagtistis. Ang pagtistis isang gawaing medikal na kung saan binubuksan ang parte ng katawan upang itoy operahan. Pinupunit ng isang doctor ang balat o tendon upang gawin o gamutin ang parting katawan na apektado. Kabisera. Ang salitang kabisera ang punong lungsod ng isang lugar. Ang pangunahing pang heopolitika nito’y inuuugnay sa gobyerno. Pero sa nobela ginamit ito upang ipakita ang gitna ng isang lugar katulad ng lamesa. Groogy. Ang salitang groogy isang ingles na salita na kung tatagalugin natin nangangahulugan na mahina o hilo. Ang madalas makaramdam ng mga ganitong pakiramdam kung ang isang tao’y nakainom ng maraming alak. Kamison. Ang kamison ay salitang Kastila na tumutukoy sa pangloob na kasuotan ng kababaihan.. Ito ay karaniwang kulay puti at gawa sa manipis na tela. Ang kamison ay maaaring parang palda o di kaya ay parang manipis na sando at palda na isinusuot pag tapos ng panloob na panti at bra. Orkestra. Orkestra. Ang orkestra eh angbmga tumutugtod sa teatro na kung saan merong mga nag byubyulin at iba pang instrumento. Tumutugtod din ito sa mga opera. Ang mga tumutugtog dito eh ang mga mahuhusay na tumugtog at dtoy hindi lang bastabasta dahil talagang pinaghahansaan pag orkestra. Nakasuot ang mga ito ng mga costume na nag papaganda kapag silay tumutugtog Hostes. Hostes ang tawag sa mga babaeng nagbibigay aliw sa isang klub o beerhaus sa pamamagitan ng pag awit o pagsayaw. Nagsusuot sila ng maiigsi at makikinang na damit. Mapustura at makakapal maglagay ng make up sa mukha. Mahilig din silang magsuot ng mga kuloreta sa katawan tulad ng hikaw, singsing, ibat ibang laki ng pulseras at kwintas. Kalimitang sa gabi ang simula ng kanilang trabaho at nagtatapos hanggang madaling araw. Madalas din na

umiinom ng mga nakalalasing na alak at inumin ang mga hostes kasabay ng kanilang mga kostumer Dinusta. Ang salitang dinusta’y nangangahulugang minamaliit o hinahamak. Ginagawa ito ng mga taong alam nilay mas mataas sila kesa sa iba. Madalas ginagawa ito ng mga mayayaman na nangmamaliit ng mahihirap Tenor. Ang salitang tenor nangangahulugan na isang tinig ng isang lalaki na kung saan maliit ang boses o matining. Ang mga may ganitong boses nakakaabot ng matataas na nota ng kanilang awitin..

VIII. Pagsusuring Panitikan 1. Teroyan Eksistensyalismo Batay kay Queer (1990) ang layunin ng panitikan na iangat at pagpantayin ng lipunan sa dalawang kasarian ito ang babae at lalake. Para saakiing ang teoryang ayon kay Queer.Dapat sa lipunan, pantay ang kasarian ng mga lalaki at mga babae. Dahil alam naman nating ang mga lalaki ay kasing pantay lang naman ng mga babae. Masasabing eksistensyalismo ito dahil hinahanap nito ang kahalagahan ng isang personalidad dahil ang mga kakayahan ng mga kalalakihan ay pareho lang nga mga kababaihan. Lahat kumbaga ng mga trabaho ng mga lalakiy ganon din at kaya ng mga babae. Katulad sa simpleng lipunan kung may mga lalaking Doktor at kaya nilang mag aral at mag pagamot ng taoy syempre kaya din ito ng mga babae, dahil pantay lang ang mga abilidad ng dalawang ito. Sangayon sa baway lipunan at pareho na at wala ng pang mamaliit sa mga kababaihan hindi tulad ng dati. Dahil dati ang mga kalalakihan lang ang may karapatang mag trabaho dahil hindi daw iyon kaya ng babae at ang trabaho lang daw ng babaey humiga sa kama at magparami ng lahi. Maiiaaply ang teoryang queer sa may nobelang Lalaki sa Dilim sa parteng hindi pinahalagahan ni margarita ang kalalakihan ni Rafael dahil nga pantay lang ang babae sa lalaki nagawa ni margarita na maki pag talik at makipag relasyon katulad ng mga lalaki. Nang makipag relasyon sya kay nick eh gusto nyang maging pantay ang mga kalalakihan at kababaihan sa tingin kasi ni margarita eh pantay lang ang lalaki sa babae kaya okay lang sakanya gumawa ng ganoonkumbaga dahil nagagawa ng lalaki eh kaya nya na ding gawin

iyon sa kababaihan dahil nga pantay lang ang karapatan. Kaya masasbing eksistensyalismo ito dahil ang mga babae at lalaki’y may kakayahan sa bawat isa itoy kanilang personalidad na may sarili silang kakayahan. Sinabi ni Durkheim (1912) ang relihiyon iba sa pananampalataya, paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon isang paniniwala na natatanging panlipunan.para saakin nag kakaiba ang relihiyon sa pananampalataya dahil ang pananampalataya ay ang iyong paniniwala sa Diyos. Masasabing isang eksistensyalismo ito dahil sinasabi ni Durheim na ang ating pananampalatayay pribadong pag papasya na nasasabi naman sa eksistensyalismo na ang bawat isay binibigyan ng kapangyarihan na magpasya katulad sa pag papasya sa relihiyon. Kung ikay naniniwala sa Diyos ikay may pananampalataya sakanya. Ang isang indibiwal lang ang kayang manampalataya kung ano ang ggusto nya at pribado yun at hindi kayang baguhin. Samantalang ang relihiyon naman ay kung kayo ay sabay sabay naniniwala at nananampalataya ang isang paniniwala nyo at kung samasama kayung naniniwalay iyon ang relihiyon ang mga halimbawa nito ay kung ikay naniniwala kay buda at ikay may pananampalataya sakanya ang iyong relihiyon ay budismo dahil kay buda ka naniniwala. Ganoon naman ang katoliko kung ikay naniniwala na si Hesus ang iyong tagapag ikay katoliko. Malaki ang pagkakaiba ng relihiyon sa pananampalataya. Makikita ang ganitong teorya sa nobelang lalaki sa dilim sa parting ang lpaniniwala ni Ligaya sa maykapal na walang makakakontra dito dahil pribado nga ito . walang makaka buwag nito kung itoy paniniwala nya edi yon. Ang halimbawa nitoy nung nabuntis sya at ang kanyang inay gustong ipalaglag ang kanyang anak na ipinag dadala. Hindi nya ito ipinalaglag dahil ayaw nyang mawala ang kanyang paniniwala na masama iyon. Bagkos naniwala sya sa may kapal na sya na ang bahala sa lahat ng mangyayari sa kanya. Ang kanyang paniniwalay hindi parin nabuwag nang maki sangayon na si Rafael. Nakisangayon si Rafael dahil gusto niyang mawalansya ng dag dag na kargo dahil alam nyang kung ipanganganak nya itoy hindi magiging maganda sa kanyang pangalan. Pero sabi nga nila mas napaayos pa at ang Diyos ang nagging daan para mas maging maayos ang kanilang buhay. Itoy eksistensyalismo dahil pinakita ditto ang kahalagahan ng pagpapasya ng isang tao laban sa katwiran na sinusuri. Para sakina ang teorya ni Weber eh isang eksistensyalismo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo. Ayon kay Weber (1946) ang klasikong pag-aaral sa istruktura ng demokrasya at pati na sa pagdadalumat sa mga modelo ng

pamumuno bukod pa diyan binabatikos din nito ang teoryang tungkol sa materyalistang determinismo. Ang pagiging demokrasya daw ay parang pamumuno na rin, yan ang pagkakaintindi ko. Kung ikaw ay may demokrasya kaya mo na ding mamuno. Tulad sa pilipinas ang mga pilipinoy may demokrasya at dahil dyan kung ayaw ng mga taong bayan sa mga batas na pinapatupad ng pamahalaan madali na nila yong baguhin dahil sabi nga ni Pnoy kayo ang boss ko . Ang ibig sabihin ang mga tao sa demokrasyang luga’y may kakayahang maging boss o sya ang masusunod katulad ng pinuno na sya ang nasusunod dahil nga demokrasya ang bansa. At may kakayahang dapat protektahan ang mga mamamayan dahil dito. Maiaaply ko ito sa akda dahil sina Rafael eh may demokrasya. May demokrasya silang uminom sa bar ng walang may hadlang sa kanila. Ang pagiging demokrasya nitoy nakapapasaya sakanila dahil Malaya nila itong nagagawa sa bawat oras. Isa pa may demokrasya syang makapag aral sa ibang bansa basta kaya nya itong bayaran. Ang demokrasya sa pag papasya ang isa pa na nakatuon kay ligaya dahil si ligayay may demokrasya sa kanyang desisyon na wag ipalag lag ang anak at nirerespeto naman iyon ng bawat myembro ng kanyang pamilya. Nag pagiging Malaya din ni margarita kaya nya nagawa ang pag kakaroon ng ibang mahal. May laya syang mahalin kung sino ang gusto nyang mahalin hindi katulad nung panahon eh ang mga magulang ang may gusto kung sino ang mamahalin ng kanialng mga anak na isa naman walang ka demokrasya. . masasabing ito eksisyalismo dahil Masasabi ko na ang teoryang nilinaw ni Merton isang eksistensyalismo dahil Nilinaw ni Merton (1957) sa karunungang panlipunan at kriminolohiya, pinagmanahang estado ang teoryang ito’y tumatalakay sa kaayusan sa loob ng isang lipuna’y maaaring presyon ng mamamayan na gumawa ng krimen. Ang paggawa ng krimen isang pagpapasya lahat ng ginagawa nati’y ating pinagpapasyahan mali man ito o tama. Sinasabi sa eksistensyalismo na tayoy may sariling isip na toyo’y may karapatang at may kakayahang mag desisyon. Sa teoryang ito napatunayan ng manunuring ito na ang mga tao ay lakas ng loob sa pag gawa ng krimen. Sa panahon ngayuy marami na talagang mga tao ang gumagawa ng krimen. Sa katunayan ginagawa na nilang hanap buhay ito. Sa pangaraw araw na balitay hindi mawaala ang mga balitang nakawan, holdapan, patayan at giyera. Halos natural na yata yan. Kaya nagiging takot ito sa mga mamamayan at nagiging presyon dahil natatakot silang baka sakanila rin mangyari ang mga yan. Naging biktima na ang karamihan sa mga yan. Talagang makikita sa mga taong gumagawa ng krimen ang kawalan ng pananalig sa Diyos dahil kung may pananalig sila sa Diyos hiinbat hindi nila kayang gumawa ng krimen?. Ma i aaply ko yun

nobela sa pagkakaroon ng krimen ng makapag asawa ng iba alam naman natin na dapat isa ias lang ang asawa ngunit hindi nagging ganoon ang buhay ni Rafael at margarita. Nang silay magsamay Masaya pa sila ngunit pagkatapos ng kasal nilay nag iba nang makilala ni margarita si nick eh mukang nagkagusto sya ditto ang krimeng ginawa nila eh ang pakikipa relasyon kahit na silay mag asawa na na alam naman nating napakasama nito. Dahil sa kbaitan ni Rafael eh na pag titimpihan nya pa ang kanayang asawa kaya wala syang krimen na nagawa. Pero nang hindi nya na mapag timpihan eh nasapak nya ang kanyang asawa napag buhatan ng kamay sa batas eh bawal yun dahil womens abuse yun masama at ipinag babawal ng batas na saktan ang mga kababaihan at mga kabataan kaya isang krimen yun na laganap at alam naman nating nangyayari sa mag aasawa. At dahil doon ang pinakamsamang krimen eh ang nagawa ni marina na pag patay sa sarili nyang asawa at kay margarita. Dahil nga sa sobrang galit dahil sa pambabae ni nick at pagkuha nito sa anak nito. Kahit na lumayo sya eh kinuha nya ang baril sa bahay ni nick. Umalis na kasi sya don at naghiwalay na sila. At sag alit sinundan nya si nick. Nung unay gusto nya lang takutin itong si nick pero nakalabit nya ang baril sa sobrang galit. Napatay nya ito at ang kalaguyo nitong si Margarita yan ang krimen na kanyang kinaharap ang pag patay sa tao na sobrang pinagbabawal ng batas. Masasabing teoryang eksistensyalismo dahil pinag pasyahan ni Marina ang kanyang mga ginawa. Ang kanayng sariling desisyon ang kanyang ginamit dito. Pinatunayan ni Freaud (1902) na mahalaga ang pag-unawa sa sekswalidad Ang mga ebolusyunaryong pananaw hinggil sa pagtatambalan ng tao, kasama ang mga teoryang estratihiyang sekswal, nagbibigay din ito ng pananaw ukol sa sekswalidad pati na ang teorya ng pagkatuto sa pakikipagkapwa. Masasabi kong eksistensyalismo ito dahil sa sabi ni Freud dahil tayoy may sarisariling personalidad. At kung ano tayo dapat nating ipakita ito at wag maging plastik. Ang pagdedesisyon kung ano din tayo kung tayo man babae o lalaki bakla o tomboy nasa satin na iyon dahil may kakayahan tayong mag desisyon .Ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae. Sinasabi dito na ang lalaki sa lalaki ay hindi tama at ang babae sa babae din ay hindi tama. Sa panahon ngayon marami na tayong nakikitang magkasintahan na lalaki sa lalaki o babae sa babae. Dahil nga sabi nila nadagdag na daw ang 3rd sex. Ang mga bakla. Hindi naman talaga masama ang maging bakla dapat lang talaga ay hindi sila nilalait. May mga tao kasing galit nag alit sa mga bakla lalo na ang mga brusko. Sa ngayon tanggap na sa lipunan ang pagiging bakla o tomboy.sa katunayan ang mga ganyang pangyayari ay napapalabas na sa telebisyon. May mga storya na tungkol sa mga bakla kaya napatunayan ng manunurig ito na tanggap na sila ng lipunan. Dahil sa pag

katanggap nila hindi na minamaliit ang mga bakla. Noon kasi ang turing sakanilay isang salot. Na hindi naman talaga patas sa kanila dahil nasasaktan sila dahil tao rin sila na may pakiramdam. Sa ngayon pantay na rin ang tingin sa kanila tulad ng mga kababaihan. Sadyang nakakatuwang isipin na makatao na sila ituring ngayon. Ang pag aasawa dapay babae sa lalaki lang at hindi pwede lalaki sa lalaki at babae sa babae. Ngunit sa ngayon meron ng same sex marriage na pwede sa lalaki sa lalaki at babae sa babae. Meron ding tomboy sa bakla. Mai aaply ang ganitong terya sa pag kaasawa nina Rafael at margarita at nick at si marina dahil ang lalaki ay para sa babae e ganon nga ang nangyari pero na sobrahan yata., hindi nakuntento si margarita sa kanyang asawa kaya nilandi nya si nick at ganon din naman ang hangarin ni nick na talagang nakakapang lngkot. Masama ang kanilang ginawa na pagkaganoon. At isa pa ang pagkagahasa ni Rafael kay ligaya na talagang nakakalungkot dahil alam naman natin na masama yun . ang paggalang sa sesuwalidad eh sinaway nila at iyon eh masama kaya dapat eh wag natin iyong gayahin, na dapat makuntento tayo sabawat kung anong meron tayo yun ang dapat. Masasabing eksistensyalismo ito dahil may desisyong ginawa ang bawat karakter dito. Ang mga teoriya ni Marlx (1818) tungkol sa lipunan, ekonomika at politika na sama samang nakilala bilang Marxismo ay naniniwalang ang lahat ng mga lipunan ay sumusulong sa pamamagitan ng dialektiko ng pakikibaka ng klase. Ito ang alitan sa pagitan ng klase nagaari na kumokontrol ng produksiyon at isang mas mababang klase na lumilikha ng paggawa para sa mga kalakal. Amsasbing eksistensyalismo ito dahil ang bawat isay may desisyon katulad sa pag kakalakalan tayoy mag dedesisyon kung anong pananaw natin kung ito bay tatangapin natin at bibilhin o hindi .Ang kay marlx,ang lipuna’y nakikipaglaban sa mga tao upang silay mag negosyo. Alam naman nating sa pilipinas marami ang negosyante. Halos lahat yatay gustong mag negosyo upang silay kumita. Dahil sa hirap ng buhay ngayoy kailangan nating gumawa ng paraan para tayoy kumita kaya ang pagtitinda ang nagging susi ng ilan para silay magkapera. At silay nakakapagtinda sa mga parehing dialekto. Dapat pareho kayu ng salita para kayuy magkaintindihan ng maayos at upang walang lugian sa bawat mamimili at sa bawat nagbbebenta. Kailangan ng dialeekto upang makapagusap ng maayos ang dalawa at hindi sila magkalugian. Kailangan nilang magkasundo sa preso nila at yun ang pag alitan nila. Ang titinday makikita mo. Makikita natin ito nobela sa parting nasa nayt klab si Rafael nang gabing sobrang dami ng kanyang problema. Nung gabing iyon eh gusto nya mapag isa kayat nag tungo sa sa klab na kanilang pinuntahan nung unay nag iinom sya doon at sa huliy hindi na sya nakatiis ang kanyang kalasingan ay nilalamon ang

kanyang tauhan na para bang mali ito. At may biglang lumapit na hostess a kanya inalok sya nito upang makipag talik. Sya namay uhaw na uhaw na kayat syay pumayag. Nag baybayin nila ang hotel at pag pasok nila bago sila mag tali eh nag singilan muna sila. Siningil sya ng hostes na bayaran at doon pumsok ang teoryang ito. Dapat sila munang magkasundo bago mo makuha ang gusto mo dapar magkasundo kayu sa presyo upang makasundo kayu. Masasabing teoryang eksistensyalismo ito dahil nangdesisyon tayo kung tayo bay bibilhin at tatangapin ang ibinibigay satin ng konsyumer satin o hindi. IX. Istilo ng awtor Ang stilo ng awtor sa nobelang ito hindi ganoon ka komplikado. Ang paglalahad ng awtor hindi ganoon ka komplikado dahil naiintindihan lahat ng nais iparating ng nobelang ito. Gumamit ang awtor ng ilang salitang Ingles pero ang karamihan dito eh ang salitang Pilipino. Pinapaliwanag ditto ang totoon nangyayari sa lipunan at kung paano ang mga tauhan ditto nakikipag sapalaran sa mga pagsubok nito sa buhay. Katulad nanlang ng kay Rafael. Toong may mga taon may bisyo na pag iinom at yon eh natural lang sa lipunan. At ang kay Ligaya naman meron talagang mga babaeng na gagahasa sa lipunan at itoy pinakita ng awtor kung ano ang mga nangyayari sa isang babaeng nagahasa. Ang pag daloy ng nobelang ito eh maganda dahil pinapakita ditto ang tunay na lipunan ang mga nagyayari sa lipunan. Makatotohanan lahat ng mga nangyayari dito sa nobelang ito at napakaganda ng daloy ng nobela. Magaling ang awtor mag paikot ng istorya dahil napaliwanag nya ang bawat mangyayari sa istoryang ito. Ang katulad ng mga ganitong nobela eh talagang nakakapanabik basahin. Sa nobelang din ito ang awtor eh naglagay ng ibat ibang aral na pwedeng mapulot ng bawat mamababasa. Katulad ng pagiging mahinahon na katulad ni Rafael. Dapat eh lagi tayong maghinahon. Inilagay din dito na ang bawat taoy may kakayahang mag bago at lahat tayoy dapat hindi mawalan ng pag asa sa buhay X. Kabisaan ng Pelikula A. Bisa sa Isip Ang dapat nating isaisip na lahat n gating mga problemay kaya anting lampas an lahat ng problemay binigay satin ng may kapal eh ating kaya. Wag tayong susuko agad sa mga problemang iyan at bagkos atin yan harapin dahil kaya natin lahat ng iyan. Katulad ng ginawa nila Rafael at Ligayay nakaya lahat nila ang kanilang

mga problema at sa huliy itoy kanilang nalampasan. Napakasayang isipin na lahat ng itoy nakaya nila kahit ano pa ang pag subok na kanilang nagawa. Sobrang matalino sila. At isaisip na tin na dapat nating gawin lahat ng iyon. Isaisip din natin na wag tayong magpadalos dalos sa mga ating mga gagawin dahil nakakasira iyan n gating buhay dapat eh pagisipan natin yan ng mabuti at wag minamadali. Ang buhay ay isang beses lang kayat wag natin itong madaliin at ating pag isipan lahat ng ginagawa. Isaisip din natin na iwasan ang mga masasamang bagay na nagagawa natin dahil itoy nakakapag pababa satin at hinahatak tayo nito sa kawalan. Dapat ay maging positibo lagi tayo. Isipin natin na ang may kapal an gating Diyos eh nariyan lagi at tayoy ginagabayan lagi. Ang nobelang ito’y nagtuturo na lahat ng pag subok eh kaya nating lagpasan. Ang pag asay wag nating bitawan sa ating isip. Habang may panahon at oras eh kaya nating bumangon. Wag tayong mag padalos dalos sa mga gawain natin. Napaka ganda nitong nobelang ito dahil itoy tungkol sa lipunan na kung saan punong puno ng krimen na katulad ng gahasa. Pero kung may nagawang mali wag natin agad isipin na masama sila. Dahil lahat tayoy may taglay na kabaitan.wag tayong manghusga lagi. Dapat nating isipin na may mga positibo rin na magyayari sa mga yan. Isipin natin lagi ang positibong pananaw sa buahay. Maging Masaya tayo sa ating buhay at wag tayong mag padalos dalos sa ating mga ginagawa. Mabuhay tayo ng Masaya. At maging maka Diyos din tayo upang patnubayan tayo lagi nya. Sanay mabasa nyo rin itong nobelang ito at isaisip nya ang mga aral na mapupulot ditto at iwaksi ang gma hindi magandang asal na naroon. B. Bisa sa Damdamin Ang nakaramdam ako ng lungkot sa kung ano ang nang kay Rafael sa kanyang buhay. Kung ano anong kinaharapan nyang problema at hindi sya sumusuko doon. Yung problema nya kay ligaya na kanyang ginahasa at kanya itong naanakan eh hindi maganda ang kanayang nagawa. Pero nasiyahan ako dahil kahit ano pa man ang kanyang kinahaharapang problema eh hindi sya sumusuko ditto bagkos naghahanap sya ng mga sulusyon upang itoy malunasan. Nasiyahan din ako sa pangyayaring kay Ligaya at kasabay nalungkot. Nalungkot ako dahil sa dami dami na ng kanyang mga problema at hindi na nya yata ito makakaya dahil nung unay nagahasa sya kahit na syay isang bulag na babae eh nagahasa sya ng isang mayaman na lalaki at lasing pa pangalaway naanakan pa sya nito. Pero natuwa akot dahil kahit ano pa man ang kinakaharapan nyang problemay hindi sya ditto sumuko bagkos katulad ni Rafael hindi sya nawalan ng pag asa

na lunasan ang ganitong klaseng mga problema. Masaya din ako dahil may mga nag mamahal kay Ligaya kahit na nangyayari sakanya ito. Katulad ni Aling Sepa na kanyang ina hinding hindi sya pinabayaan nito kahit na ano pa ang mangyari sakanya. Kahit na nagkaanak sya sa ibang lalaki at nagahasa syay nandito parin ang kanyang ina upang syay mahalin. Natutuwa akong may mga ganong klaseng karakter ditto dahil nag tuturo ito ng mga aral sa ating mga mambabasa. Isa pa nakakalungkot ding isapin ang mga nangyayari kay margarita at ang ginawa nilang dalawa ni Nick na nag taksil sa kanikanilang mga asawa dahil itoy masamang gawain. Pero sa huli natutuwa ako sa mga nangyari dahil may mga sumusoportang karakter na nag papayo at nag papalakas ng mga loob sa mga pangunahing karakter katulad nalng ni Don Benito na talagang sinuportahan ang anak nya kahit ano pa ang mangyari ditto. Lagi nya kasing pinapayuhan ito at nakakatuwa talagang isipin ang mga ito. Ang aral ditoy nakakatuwa. Ditto sa nobelang ang lalaki sa Dilim eh marami kang matututunang mga aral na tungkol sa pag asa at pag harap sa kanikanilang mga problema. Isa pa nakakatuwa dahil may mga napupult tayong aral ditto. C. Bisa sa Kaasalan Ang dapat nating isagawa at wag pansinin ang mga aral at hindi aral ditto. Ang mga dapat nating gawin ang pag pasan at hindi pag suko ng mga karakter ditto sa nobelang ito. Nakakatuwang isipin na sina Rafael at Ligayay hindi sumusuko sa mga pagsubok na ito. Tulad ng mga naranasan ni Rafael na mga problema nakakalungkot man eh sa huliy hindi nya sinukuan ang mga ito at ang mga problema din na kinaharap ni Ligayay hindi lang basta basta yun iyon eh talagang tibay ng loob ang kailangan para itoy malampasan. Ang mga dapat nating gawineh katulad ng ginawa nila Ligaya at ni Rafael na kahit ano man ang kanilang pagsubok eh hindi sila nawawalan ng pag asa. Dapat nating tibayan an gating loob katulad ng tibay ng loob na ipinakikita ni Ligaya. Tayo dapat eh maging matatag sa lahat n gating mga problema wag tayong agad susuko sa mga problemang ito I aplay natin sa buhay natin ang mga napag aralan natin ditto sa nobelang ito at maging matatag tayo sa lahat ng problema. Isa pa na dapat nating gawin ang ginawa ni Ligaya na dapat nating isa Diyos ang lahat. Dapat lahat ng ginagawa natin eh sa Diyos natin isaalnag alang. Dapat eh maniwala tayo na makakaya nya ang lahat. Sa kanya tayo manalig at wag lang sa ating sarili mag tiwala. Yan ang mga dapat nating gawin. At ang mga hindi natin dapat gawin eh ang mga ginawa ng asawa ni Rafael at asawa ni Marina

na si niack at Margarita. Ang kanilang ginaway napakasama dahil napag taksilan nila ang kanikanilang mga asawa na hindi talaga dapat gawin. Dapat nating mahalin ang asawa natin na sya alng at wala ng iba. Mali din ang mga pag sisinungaling na ginawa nila sa kanilang mga asawa. Mali din ang ginawa ni Marina na nagging padalos dalos sya. Dapat eh wag nating tularan yung ginawa nya na nag padalos dalos. Alam nating nasa huli ang pag sisisis kaya dapat eh wag nating gawin ang mga iyon katulad ng nag padalo dalos sya at napatay nya sina Margarita tang kanyang asawa na si Nick. Ngayon eh syay nakulang at kung mag sisi eh huli na. dapat tularan natina ng ginawa ni Rafael na nagging matalino sa pag iisip at nagging mahinahon sa klanyang mga ginawa. Na pinag timpihan nya ang kanyang asawa hanggang sa huling sandali. Dapat lahat ng aral na nandito eh isa gawa natin upang mapaunlad pa ang ating buhay. XI. Kongklusyon Ang impresyon nitong manunuring ito sa kalagayang sosyal ng mga tauhan sa pelikulay may pagkakaiba iba sila ng katayuan sa buhay dahiul katulad ni Rafael eh syay isang mayaman na lalaki dahil ang kanyang amay isang mayamang negosyante. Kayat lahat ng kanayng gustoy nagagawa nya. Katu;ad din ni Margarita syay isang mayaman na babae at dahil dun ang kanyang ugaliy naapektuhan. Ang impresyon ko ditoy kung sino pa ang mayaman sya pa ang may masamang ugali. Na kahit nakakapag aral silay masama parin sila. Hindi naman sa nilalahat ko lahat ng mayaman. Base lang ditto sa istoryang ang lalaki sa Dilim. Hindi tulad nina Ligaya at aling Sela na maykabutihang kalooban na taglay. Dahil alam nilang mahirap sila gagawa nalang sila ng kabutihan. Nalalman din natin na ang kinalalagyan natin sa buhay o kung saan tayo nakatira o lumakiy nakaka apekto iyon sa ating ugali katulad ni rafael lumaki syamg walang ina kayat ayon lahat ng gusto nyay nagagawa nya katulad din ni Margarita. Lumaki din sya sa isang mayamang pamilya at dahil doon na spoild sya. At dahil sa kanyang nagging propesyon nabago din ang kanyang pag uugali dahil lumaki sya sa isang opera. At ang mga ugali ng tao dun eh mga kanluranin. Nakuha tuloy nya ang mga pag uugaling iyon kaya nabago ang kanyang pag uugali. Hindi tulad nila Ligaya na dahil alam nilang mahirap sila. Silay natutuo kung paano mag kumbaba sa kanilang kapwa. Katulad na din ng kanyang ina na si aling Sela na talagang napakagaling na ina dahil naturuan nya ng husto ang kanyang anak kung paano gumalang. Yang ang mga impreson ko ditto. Sabagay maganda talaga ag istorya nito dahil itoy tungkol sa kanyang pag asa sa kanyang buhay at kung paano mlagpasan ang kanyang mga problema

Napatunaayan nitong manunuring ito na lahat ng taoy may kakayahang mag bago katulad ni Rafael nung unay hayahay sya sa kanyang buhay. Wala syang nagging hilig at puro kasarapan lang sa kanyang buhay ang gusto. Katulad ng kanyang pag iinom at ang pam bababe. Pero dahil sa payo ng kanyang magulan na si Don Benito eh nabago sya. Nagging mahinahon sya sa kanyang mga ginagawa. Napabago din sya ng mga pagsubok na nakuha nya sa kanyang buhay. Ang pagiging padalos dalos at hindi nag iisip na nagging resulta ng pagka gahasa nya kay Ligayay natutunan nya. Dahil sa kanyang natutunan eh napag timpihan nya ang kanyang asawa na si Margarita kahit ano pa ang mga ginagawa nitong mali sa kanya. Napatunayan ko din lahat ng taoy kayang lagpasan ang kanikanilang problemang kinahaharap dahil lahat ng itoy ginawa ng Diyos dahil kaya natin itong buhatin at dahil sa mga problemang itoy napapaunlad an gating pag katao. Marami tayong natututunan sa mga bagay nay un. Ihalimbwa ko na si Ligaya na syay dayi eh isang bulag at nagahasa. Ngunit hinarap nya ang kanyang mga problema na mga panlalait at pan tsitsismis sa kanya. Hindi nya iyon pinapansin kasi alam nayng hindi maganda ang pagtuonan pa ng pansin nitong mga ito at dapat eh wag nalang pansinin. Marami akong napatunayan ditto sa nobelang ito maraming aral akong napulot npatunayan ko na ang buhay sumusulong kahit na anong mangyari para yang bisikleta na dapat nating paandarin upang maging balance lagi tayo sa buhay at wag maging mabilis upang wag madisgrasya. Katulad sa buhay wag tayong mag madali upang malayo tayo sa disgrasya o mga problema Ang kahalagahan ng nobelang ito’y maraming pulot na aral an gating malalaman. Tungkol ito sa pag harap sa ating mga pagsubok na ating kakaharapin sa ating buhay at dapat eh wag tayo basta bastang sumusuko ditto. Mas magandang harapin natin ito ng walang takot at humingi tayo ng gabay sa ating panginoon. Katulad ng ginawa ni Ligaya sa kanyang mga problema sa kanyang pag bubuntis na gusting ipalag lag ng kanyang magulang at ni Rafael. Ngunit hindi sya pumayag sa kanayang magulang at sa kanyang doktor na si Rafael at bagkos ipinanalig nya sa Diyos ang kanuang problema. Syay nang dasal upang ang kanyang problemay hind imaging masama. Alam nyang ang Diyos ang tutulong sa kanyan upang maging malakas sa pag hamon nito. Nagging importante itong nobelang ito saakin. Dahil bukod sa itoy maganda itoy unang unang nobela na nabasa ko. Hindi kasi ako marunong mag basa dahil nahahabaan ako sa aking mga binabasa at kinatatamarana ko ang pag babasa. Ngunit ng mataapos kong basahin ito. Hindi ako na boring at hindi ko namalayang matatapos nap ala ako. Nakakatuwa dahil parang ito ang nagbigay saakin ng

daan upang hindi ko kaayawan ang mga libro. Kasi parang gusto ko subukan mag basa ng iba pang libro dahil parang ganito din pala iyon. Natututwa akong nabasa ko ang nobelang ito na lubos na nagbigay saakin ng tulong katulad na nga nung una kong sinabi at nagbigay saakin ng pag asa para tapusin itong pagsususring nobelang ito. Dahil nung unay nasiraan ako ng laptop at nawala ang aking pinag hirapan. Nalungkot ako sa mga nangyari at pinanghinaan ng loob pero dahil sa nobelang ito nalaman kong kakayanin ko pala ang mga pag subok na ito kaya pala nating tapusin ulit ito at Masaya ako dahil nagawa ko ulit ito. Malaking tulong sa akin ang aral na aking napulot sa nobela na dapat eh wag tayong susuko sa mga problemang kinahaharapan. Dahil alam kong pag subok lang yung una na nawalan ako ng gawa. At alam kong magagawa ko ulit ito. Hindi ako nawalan ng pag asa na gawin ito.

X. Rekomendasyon Ang lalaki sa dilim ay istoryang kapupulutan ng sandamakmak na aral. Dito makikita ang iba’t ibang kulura’t tradisyon ng mga Pilipino, kaya kung ito’s aking ire-rekomenda ay sa mga kasing gulang ko rin. Sila ang aking napiling ipabasa ang nasabing nobela dahil mas mauunawaan nila ang kwento. Napapalooban ito ng mga pangyayari sa totoong buhay na maaaring maging warning at aral sa kanila. Mas madali rin nila itong maiintindihan dahil hindi naman ito gaano kalalim ang pag kasulat. Irerekomenda ko rin ito sa aking mga kamag-aral para malaman nila na ang buhay ay puno ng pighati at problema. Pero sa kabila nito ay tinutulungan tayo ng ating mga problema upang maging matatag at mas mabuting tao.

XI. Bibliyograpiya Pascual, Benjamin P. Lalaki sa Dilim. Nobelang Pilipino. 2007

XII. Maikling Talambuhay ng Manunulat Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF