Kontribusyon ni Andres Bonifacio.docx

June 18, 2019 | Author: Kino Marinay | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Kontribusyon ni Andres Bonifacio.docx...

Description

Talambuhay ni Andres Bonifacio Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan. Kontribusyon ni Andres Bonifacio: 











Noong 7 Hulyo 1892, isang araw pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay kay Rizal, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan, o kapag binuo ay Kataastaasang Kagalanggalangang[6] Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ang lihim na samahan ay naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong himagsikan. Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala.

Bilang Supremo ng Katipunan, napunta rin kay Bonifacio ang ang responsibilidad responsibili dad na pamunuan ang ilang libong kasapi ng Katipunan, na noong una ay isang lihim na samahan. Mabigat na responsibilidad ang panatilihing lihim ang samahan, kasabay ng panghihikayat sa mga tao na sumapi rito. Sa loob ng lipunan, nabuo ang pagkakaibigan nila Emilio Jacinto, na naglingkod bílang kaniyang tagapayo at katiwala, at bílang kasapi rin ng Kataastaasang Lupon. Ginamit ni Bonifacio ang Kartilya ni Jacinto bílang opisyal na panturo sa samahan bílang kapalit ng kaniyang dekalogo, na ayon sa kaniya ay mabábà kung ihahambing sa gawa ni Jacinto.

Ipinatawag ni Bonifacio ang ang libu-libong libu-lib ong kasapi ng ng Katipunan sa Kalookan, kung saan pinasimulan nila ang pag-aaklas. Ang kaganapan, na minarkahan ng pagpunit ng mga sedula ay lumaong tinawag na "Sigaw ng Pugad Lawin"; ang tiyak na pook at petsa ng pinagdausan ng pangyayari ay pinagtataluhan. Ang Kataastaasang Lupon ng Katipunan ay naghayag ng malawakang himagsikang laban sa Espanya at nagpatawag ng tuloy tuloy na pagsugod sa kabiserang Maynila noong ika-29 ng Agosto. Isa siya sa mga unang kaanib ng "La Liga Filipina" na itinatag ni Jose Rizal nang siya ay nagbalik sa Pilipinas noong 1892. Sa unang pagpupulong ng samahang ito na ginanap noong ika- 26 ng Hunyo sa tahanan ni Doroteo Ongjungco ay kabilang si Andres Bonifacio bilang bodegero ng pagawaan ng ladrillo,isang plebeyo.





Sa salaysay ni Apolinario Mabini,matatagpuan ang ukol sa papel na ginampanan ni Bonifacio sa muling binuhay na "La Liga Filipina": Ang La Liga Filipina "ay muling itinatag sa pagkukusa nina Don Domingo Franco, Andres Bonifacio at iba pa,at ako (Mabini---D) ay binigyan ng katungkulan bilang Kalihim ng Kataastaasang Kapulungan.  Aming itinalaga ang mga layunin ng samahan sa isang maikling programa na naglalaman ng sumusunod o katumbas na wika:tumulong sa pagsuporta sa "La Solidadridad' at ang mga repormang itinataguyod niyaon; naglikom ng pondo upang makatulong sa gugulin hindi lamang ng pahayagan kundi maging sa mga pampublikong pagpupulong na ini-oorganisa sa pagsuporta sa mga reporma at sa mga (Kastilang) mambabatas na sumudoporta sa mga ito; sa maikling salita,ang paggamit ng mapayapa at legal na pamamaraan,sa gayon ay maging isang patidong politikal ang samahan." Sa pangunguna ni Bonifacio,bilang masugid na tagapagtaguyod ng ikalawang "Liga”,umunlad ang samahan. Dapatwa't ito ay may mabuting pasimula,ang karamihan ng mga kaanib sa Kataastaasang Kapulungan na kilala sa kanilang kaalaman, pagmamahal sa bayan at sa kanilang antas sa lipunan ay nagpasalamat sa mga pagpupunyagi ni Andres Bonfacio at iba pa,ang mga konseho popular ay kaagad naitatag sa Tondo at Trozo, at ang iba may naitatag sa santa Cruz,Ermita, Malate, Sampaloc,Pandacan at iba pang dako.Ang maliit na kontribusyon ng mga kaanib na ukol sa mga pagtustos sa La Soliradridad ay maagang magagampanan.

Reaksiyon: Tunay na maipagmamalaki at kahanga-hanga ang mga nagawa ng magiting na bayani nating sa Andres Bonifacio para sa ating bayan. Hindi matutumbasan ng kahit ano o ng kahit na sino ang pagbubuwis niya ng buhay makamit lamang ang inaasam asam nating kasarinlan. Napakaganda ng ipinakita niyang katapangan sa pakikipaglaban sa mga dayuhan sa kabila ng panggigipit at pang-aapi ng mga ito, Masasabi kong isang malaking karangalan para sa kasaysayan ang ibinahagi ni Bonifacio na dapat dakilain ninuman. Hindi biro ang hirap at sakripisyo, dugo at pawis na kanyang inialay para ipaglaban ang karapatang maging malaya na sa ating mga Pilipino’y ipinagkait noon . Si Andres Bonifacio ay salamin ng isang tunay na Pilipinong may paninindigan at prinsipyo sa buhay, may pagmamahal sa Diyos,sa bayan sa kanyang pamilya at sa buong sambayanan sapagkat inialay niya ang kanyang buhay upang mag-aklas sa bulok na sistema ng mga Espanyol. Ang kaniyang matinding pinagdaanan sa buhay ay isang inspirasyon sa ating mga Pilipino sapagkat tulad ng nakararami, si Andres ay galing sa mahirap na pamilya ngunit hindi iyon naging hadlang upang siya ay matuto ng maraming kaalaman na siya rin niyang ginamit sa pakikidigma. Isang huwaran si Andres Bonifacio na dapat tularan, hangaan at ipagmalaki dahil produkto siya ng isang makabuluhang kasaysayan. Dapat nating ipagpasalamat ang naging ambag niya para sa ating bansa dahil walang kasarinlan,walang kalayaan at walang demokrasyang matatamasa kung walang mga bayaning tulad niya ang nakipagsapalaran at nakipaglaban.Mabuhay ka Andres Bonifacio!

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF