Kasong Din at Rin

July 26, 2022 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Kasong Din at Rin...

Description

 

Kasong Din/Rin, Daw/Raw. Ang pagpapalit ng D tungo sa R ay nagaganap sa mga pang-abay na din/rin at daw/raw. Sang-ayon sa tuntuning pinalaganap ng Balarila, nagiging rin ang din o raw ang daw kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (W at Y), gaya sa sumusunod: Masaya rin— ngunit Malungkot din Uupô raw— ngunit Aalis daw Nabili rin—ngunit Nilanggam daw Okey raw—ngunit Bawal daw Ikaw raw—ngunit Pinsan daw Ngunit sinasabi rin ng tuntunin na kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa -ri, -ra, -raw, o -ray, ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw, r aw, gaya sa sumusunod: Maaari din— hindi Maaari rin Kapara daw—hindi Kapara raw Biray din—hindi Biray rin Araw daw—hindi Araw raw

Walang paliwanag sa nabanggit na kataliwasan. Marahil, dahil nagiging lubhang malamyos ang pagsasalita kapag sinundan pa ng rin o raw r aw ang isang salita na nagtatapos sa pantig na may R. Ngunit kahit sa tula ay hindi ito ipinagbabawal. Sa halip, sinisikap pa ng makata ang paglikha ng ganitong aliterasyon.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF