Kasaysayan ng Retorika sa Daigdig
December 17, 2016 | Author: Clemence Light | Category: N/A
Short Description
Download Kasaysayan ng Retorika sa Daigdig...
Description
Kasaysayan ng Retorika sa Daigdig *Pinagmulan ng Retorika *Ang Retorika ng Klasikal na Panahon *Pamana ng Klasikal na Retorika Ulat ni: Michael Angelo R. Pereira
BACR 2-1
• Pinagmulan ng Retorika •
• • •
Ayon sa kasaysayan, nagsimula ang retorika sa Mesopotamia. Ilan sa mga unang halimbawa ng retorika ay makikita sa mga lumang sulatin ng mga maharlika at mga babaylan noon.
Noon pa ma’y umiral na din ang retorika sa sinaunang Ehipto, ang mga tao noon ay nagtataglay kabihasaan sa pagsasalita. Ito ay isang angking kakayahan na may mataas na kahalagahan sa kanilang lipunan. Nagsimula din ang retorika sa sinaunang China, sa pamamagitan ng mga Chinese Philosophers katulad ni Confucius na di kalaunan ay nagpasalin-salin na sa mga tagasunod nito. Sinasabi din na nagsimula ang retorika bilang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, Sicily noong ika-limang siglo bago dumating si Cristo.
•
• •
Si Corax, na taga Sicily, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailangan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran.
Nakasentro ang pamamaraan ni Corax sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalagang elemento: ang proem o introdusyon; ang salaysay; ang mga pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag; at ang konklusyon. Naibento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga konkretong katibayan. Makikita natin dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon.
• Ang Retorika ng Klasikal na Panahon • • • •
Pasalita ang retorika ng Klasikal na Panahon Sa panahon ni Aristotle, sapagkat ang mga mamamayan ay karaniwang bahagi ng politikal na usapin ng bayan , deliberatibo o intensyunal ang paggamit ng retorika. Naging kasangkapan sa paggawa ng mga polisiya at sa pagtalakay ng mga isyung pampulitika ang retorika. Ibinabatay sa konsensus ng mga tagapakinig ang anumang magiging pagpapasya ng pamahalaan noon at dahil doon ang ganitong sitwasyon ay nag-iiwan ng bigat ng tungkulin sa mga retor.
• • • • • •
Layunin ng retor na maimpluwensiyahan ang isipan ng mga tagapakinig. Bahagi ng pagiging retor ang maging malikhain sa pagbuo ng kanyang pahayag, magtaglay ng estilo at maging mapanghimok. Ang ganitong kalagayan ay napakabuting oportunidad para sa mga sophists. Ang mga Sophist ay mga gurong dalubsaha at marunong pagdating sa epektibong pananalita. Ang salitang Sophist ay galing sa salitang griyego na ‘Sophos’ na ang ibig sabihin ay karunungan. Ayon sa mga sophist, ang retorika’y angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang politikal sa pamamagitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Sila din ay mga binabayarang guro upang magsanay ng mga retor na magtaglay ng kakaibang kasanayan sa paghabi ng mga salita sa paglalahad ng usapin, di matawarang galing sa paggamit ng wika upang makaapekto sa emosyon at kakaibang fleksibilidad sa pagangkop sa kanilang tagapakinig.
•
• • • •
•
Sa aklat na Rhetoric ni Aristotle, binigyang-diin niya na ang mga talumpati ay dapat na nagsasalang-alang sa logos, pathos at ethos.
Tinalakay din ni Aristotle ang iba’t-ibang emosyonal na kalagayan ng mga tagapakinig at gumawa siya ng isang sikolohiya ng mga uri nito na sa tingin niya ay dapat na malaman ng rector. Hinati ni Aristotle ang ugali ng tao: ang ugaling panlalaki – batay sa gulang at swerte.
Ayon sa kanya, ang mga batang lalaki ay may malakas na silakbo ng damdamin, maka-ideyal at sobra kung magtiwala. Ang mga matatandang lalaki naman ay karaniwang masungit, hindi madaling maniwala, mapaghinala at makitid ang pag-iisip.
Ang mga lalaking nasa hustong gulang ay may tamang balanse ng mga ugali.
• • • •
Payo din ni Aristotle na dapat ding isaalang-alang ng retor ang mga “biyaya ng kapalaran”. Ayon din sa kanya, naiiba ang mga pilosopikal na tagapakinig sa mga pampublikong tagapakinig. Nang ang mga sophists ay naging tanyag dahil sa husay nilang humubog ng mga retor, kinatakutan ni Aristotle ang maaaring maging epekto nito sa usaping pambayan. Binatikos naman ni Socrates (c. 470-399 B.C.) ang mga sophists sa pagsasabing walang hangad ang mga ito maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo at hindi sustansya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.
Mga Pangunahing Retor/Retorisyan • Ang mga Sophist: - Mga binabayarang guro na nagsasanay ng mga mag-aaral upang maging mahusay na retor.
-
Nagtuturo ng mga aralin gaya ng politika, gramatika at matematika.
-
Naniniwala ang mga sophists na ang katotohanan ay nakabatay sa mga batas, paniniwala at gawi ng mga tagapakinig sa isang konkretong oras at panahon.
Ayon kay Jarrat, sila ay naglalakbay upang hasain ang karanasan ng mga mag-aaral.
Plato • • • •
•
•
Isa siya sa mga pinakaimpluwensyal na sinaunang teorista. Ipinanganak sa isang pamilyang mayaman at aktibo sa politika, sa Athens noong humigit-kumulang 428 BCE. Siya ay isang mag-aaral ni Socrates. Nang mamatay si Socrates, naglakbay si Plato patungong Italya at Sicily sa sandaling panahon upang harapin ang ilang pag-uusig mula sa mga pinuno ng gobyerno.
Ang pagkamatay ng kanyang guro na napilitang uminom ng Hemlock bilang hatol sa kanyang prinsipyo ang naging dahilan upang bumaba ang pagtingin ni Plato sa oratoryo. Nagtayo siya ng paaralang kilala bilang “Akademya”.
Aristotle • • •
• •
•
Ipinanganak sa hilagang bahagi ng Gresya.
Anak ng isang mangagagamot kaya’t nakatanggap siya ng maagang pagsasanay sa biyolohiya. Noong siya’y 17, nagtungo siya sa Athens upang mag-aral sa Akademya ni Plato.
Naging guro siya ng Akademya at nagturo ng retorika o diyalektik. Ipinakikita ang di matatawarang galling ni Aristotle sa pamamagitan ng kanyang mga kontribusyon sa larangan ng lohika, retorika, pilosopiya at biyolohiya. Noong 335 BCE. Nagsimula siyang gumawa ng sariling paaralan at tinawag niya itong “Lyceum”.
Isocrates • • • • •
Isa sa pinakatanyag at pinakamahusay na guro noon ng mga Griyego. Ipinanganak noong 436 BC sa isang mayamang pamilya sa Athens, Greece. Naging estudyante ni Socrates at Gorgias. Sinasabing si Isocrates ay di kagalingan sa pagsasalita na batid ng nakararami dahil sa paminsanang pagharap at pagsasalita sa madla. Si Iscorates ay kilala rin bilang manunulat ng talumpati ng mga orador.
Protagoras • • • • •
Si Protagoras ay nabuhay noong 481 B.C. Isa siya sa mga mahuhusay na sophist. Naniniwala siya na ang pagpanig sa alinmang argumento sa debate ay mabuti sa kadahilanang ang mali sa ibang tao ay maaaring tama sa iba. Siya din ay isang humanist at tagasunod ng pananaw ni Heraclitus. Siya din ang tinaguriang Ama ng Debate.
Nagtayo din siya ng Paaralan at nagturo ng gramatika.
• Pamana ng Klasikal na Retorika • Oral ang Midyum ng Panghihimok • Mapanghikayat ang Pagdidiskurso
• Pampubliko ang Pagdidiskurso
View more...
Comments