Kalagayang Pangkalusugan ng mga Obese [Pananaliksik]

April 18, 2017 | Author: Jovis Malasan | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Kalagayang Pangkalusugan ng mga Obese [Pananaliksik]...

Description

DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Kalagayang pangkalusugan ng mga Obese” ay inihanda at iniharap ng mananaliksik mula sa seksyon na IV – St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011. Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________ Gng. Brenilda Medina (Punong-Guro)

_____________________________

Bb. Jessilyn Ranges (Guro sa Filipino)

PASASALAMAT Buong puso ko, bilang mananaliksik nito, na pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang pamamahagi ng suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito. - kay Bb. Jessilyn Ranges, ang aming guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda at mailathala ang aming pamanahong papel. - kay Gng. Brenilda Medina, ang aming tumatayong punong-guro sa kasalukuyang taon. - sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa aking paksa. - sa mga piling respondent, sa pagbibigay ng panahon sa pagsagot ng aking sarbey, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ng kabutihan na lubos na nakatulong sa amin.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Aking inihahandog ang pag-aaral na ito sa lahat lalo na sa mga obese na Filipino upang magsimula ulit sila ng panibagong buhay sa pagtahak ng mas malusog na landas, para sa ikabubuti ng kanilang hinaharap at sa ikatatagal ng kanilang buhay.

ABSTRAK NG PANANALIKSIK Maraming tao ang nakakaranas ng iba’t ibang karamadaman na dulot ng sobrang katabaan. Alam natin na ang pagkakaroon ng malaking katawan ay walang pakinabang sa pamumuhay ng isang tao. Ito pa nga’y nagbibigay ng samu’t saring discomfort at pagkainis sa isang tao. Ang pagiging mataba ay isang karamdaman. Hindi ito nakakahawa ngunit minsa’y nagiging dahilan iyon sa paglayo ng tao sa kanya. Minsan di’y nagiging dahilan iyon sa pagtukso sa taong iyon. Depresyon ang mararamdaman ng taong iyon. Isa pa lamang iyan sa mga epektong hinanap ng mananaliksik ukol sa katabaan ng isang tao. Itinuturing ng mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magsisilbing kontribusyon sa lipunan, para sa ikalalawak ng kanilang pang-unawa sa mga taong nakararanas ng ganitong karamdaman. Ang pag-iwas sa ganitong karamdaman ay inilahad din sa pag-aaral na ito nang isa-isa para sa benepisyo ng mga taong mismong nakararanas ng ganoong karamdaman. Ang mga mananaliksik ay sumipi ng ilang impormasyon mula sa kanilang iba’t ibang mapagkukunan tulad ng aklat at web site upang mas maging malawig pa ang paksa na pumapaloob sa pag-aaral na ito. Ang pag-aaral ay binubuo ng limang kabanata kung saan binigyang kasagutan ang mga suliraning pumapaloob sa paksa at nagbibigay ng konkretong konklusyon na narating sa pamamagitan ng mga datos na nakalap.

TALAAN NG NILALAMAN PASASALAMAT PAGHAHANDOG ABSTRAK

NG PANANALIKSIK

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN A. PAGLALAHAD

O

NG SULIRANIN

B. KAHALAGAHAN

NG

PAG-AARAL

C. KATUTURAN

NG MGA TALAKAY

D. SAKLAW

LIMITASYON

AT

SALIGAN NITO”

E. MGA KAUGNAY

NA

PAGAARAL

NG

PAG-AARAL / LITERATURA

KABANATA 2 “PAMAMARAAAN

NG

PAG-AARAL”

F. INSTUMENTO/TEKNIK G. METODOLOHIYA KABANATA 3 “PAG-AARAL UKOL

SA

KALAGAYANG

PANGKALUSUGAN

NG

MGA OBESE”

KABANATA 4 “PRESENTASYON KABANATA 5 “KONKLUSYON A. KONKLUSYON B. REKOMENDASYON BIBLIOGRAPIYA

AT

AT

INTERPRETASYON

REKOMENDASYON”

NG MGA

DATOS”

KABANATA I ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

A. PAGLALAHAD

NG

SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga suliraning pumapaloob sa kalagayang pangkalusugan ng mga obese. Ang pangunahing suliranin nito ay ang epekto ng pagiging obese. Ang epektong ito ay may malaking kaugnayan sa pisikal, emosyonal at mental na aspekto ng mga taong napatunayang obese na lubos na nakahahadlang sa mga gawain nila sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Upang masagot ang suliraning ito ay kinailangang pag-aralan ng mananaliksik ang mga bagay na nakapaligid sa nasabing suliranin. Kasama sa mga tatalakayin ang pagkain at ang kahalagahan nito, sanhi ng kagustuhan na kumain, at ang mabisang solusyon at rekomendasyon ukol dito. Ang mga susunod na katanungan ay magsisilbing gabay ng pag-aaral na ito upang lubusan pang mapalawig ang paksa: 1. Ano ang Obesity? 2. Ano ang pagkakaiba ng Obesity sa Overweight? 3. Anu-ano ang mga iba’t-ibang uri ng Obesity? 4. Anu-ano ang mga sintomas ng Obesity? 5. Anu-ano ang sanhi at epekto ng Obesity? 6. Paano malulunasan at maiiwasan ang Obesity? B. KAHALAGAHAN

NG

PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay may layuning ipagbigay-alam sa mga… Kabataan: •

…ang mga spesipikong detalye tungkol sa obesidad upang kanila rin

itong magamit sa kanilang mga pag-aaral. •

…na malaki ang pagkakataong ang pagiging obese nila habang bata

pa sila ay magiging panghabangbuhay, kaakibat ng mga sakit na maaaring kumitil sa kanyang buhay. •

…ang mga posibleng lunas at pag-iwas sa pagiging obese.



…upang mamulat sila o magkaroon sila ng kamalayan sa mga

maaaring dulot nito sa kanila o sa ibang tao. Magulang: •

…ang saklaw ng pagiging obese at ang mga kalakip na sakit nito.



…ang mga masamang epekto ng pagiging obese para magabayan

nila ng tama ang kanilang mga anak. •

…ang mga tamang pagkain, at gawain na dapat isagawa ng tao

upang maiwasan ang pagiging obese. Ang pagiging obese ay komplikado. Dapat sa murang gulang pa lang ay magkaroon na ng kahit kaunting pahapyaw ang mga kabataan upang sila'y magawi sa isang malusog na pamumuhay. C. KATUTURAN

NG MGA TALAKAY

Para lubusang maintindihan ng mga mambabasa ang nilalaman nitong pananaliksik, minarapat na bigyang kahulugan ang mga sumusunod na kataga o mga salita: •

Altapresyon - ay ang pagkakaroon ng hindi normal na mataas na

presyon ng dugo at mabilis na pagdaloy ng dugo • Depresyon - panlulumo, kalungkutan, maaaring magdulot ng kawalang pag-asa, kapanglawan, panggigipuspos, siphayo, despondensiya, at panghihina ng loob at matinding dalamhati • Diet Counseling - pagkain ng mga masusustansyang pagkain na aprubado ng mga dalubhasa • Diyabetes - Ang sakit na diabetes ay isang kundisyon kung saan bumababa ang abilidad o kaya ay kumpletong nababawasan ang abilidad ng body tissues na pangalagaan at gamitin ang sustansiyang nagdudulot ng lakas at enerhiya sa katawan • Epidemya - karamadamang talamak sa isa o maraming lugar • Fast Foods - Hindi kamahalang mga pagkain na mabibili sa mga fastfood-chain • Heartburn - Hindi komprotableng pakiramdam sa may bandang dibdib

na maaaring magdulot sa isang tao na magsuka • High Cholesterol - pagkakaroon ng madaming cholesterol sa katawan na maaaring bumara sa iba't ibang daluyan ng dugo • Hormonal Imbalance - hindi pantay-pantay na paggawa ng hormones para sa paglaki, metabolismo, reproduksyon o iba pa



Junk Foods - uri ng pagkain na hindi nakabubuti sa kalusugan; ito ay

may mababang nutrisyo at mataas na salt-content ang iba • Kanser - abnormal na pagdami ng cell sa ating katawan na maaaring sumira sa pag-function nang maayos ng ilang bahagi sa ating katawan • Menopausal Stage - isang panahon sa buhay ng mga babae kung saan tumitigil ang paggawa ng egg cells ng kanilang katawan • Metabolic Rate - halaga ng enerhiya na nakonsumo sa loob ng binigay na oras • Metabolismo - prosesong ginagawa ng mga cell at tissue sa katawan upang mamintina ang ating pamumuhay • Neuroendocrine System - tumutukoy sa koneksyon ng endocrine at nervous • • •

system NGO - Non-Governmental Organization Rashes - kondisyon ng balat na sanhi ng sobrang init Rayuma - isang uri ng pamamaga ng isa o higit pang malalaking

kasukasuan ng mga dulong bahagi ng katawan. • Sakit sa Puso - mga karamdaman at sakit na konektado sa puso, mga ugat sa katawan, pagdaloy ng dugo, at iba pa • Sirkulasyon ng Dugo - pagdaloy ng dugo na sinusukat sa pamamagitan ng pagkuha ng blood pressure • Sleep Apnea - panandaliang pagkawala ng hininga o pagtigil ng paghinga habang natutulog • Stress - anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong pakiramdam at damdamin sa isang tao. • Surgery - pagpapagaling sa may mga sakit sa pamamagitan ng manual na operasyon • Type 2 Diabetes - pagkakaroon ng madaming asukal sa dugo • Underweight - kakulangan sa timbang na maaaring dulot ng malnutrisyon

D. SAKLAW

AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito at sumasaklaw sa impormasyong tungkol sa obesidad lamang. Saklaw nito ang pagsusuring ginawa sa mga may gulang na hindi bababa sa sampung taon. Bagamat may iba pang mga sakit na nabanggit dito, ang tanging pagtutuunan ng pananaliksik na ito ay ang paksa tungkol sa Obesidad. Sa pananaliksik na ito, minabuting limitahan ang saklaw ng pag-aaral. Bagama’t nangangahulugan ang limitasyon ng hangganan ng maraming impormasyon na maaring isama upang mapaunlad nang lubos ang napiling pagaralan ay ginawa ito upang maging mas makatotohanan at mas komprehensibo ang pagtalakay sa mga aspektong may kaugnayan sa pag-aaral na ito. Sakop ng pag-aaral na ilahad at ipaliwanang ang obesity. Saklaw din nito na ipagbigay alam sa mga obese ang sanhi at epekto ng pagkain ng marami at ang mga solusyon sa suliraning ito. Isa sa mga metodolohiyang ginamit sa pananaliksik ay ang pagsasarbey. Ang mga respondent ng sarbey ay limitado. Ito ay kinabibilangan lamang ng mga mag-aaral sa Flos Carmeli Institution of Quezon City mula sa ikaaapat na baiting sa elementarya hanggang sa ika-apat na antas sa sekondarya at ang kanilang kabuuang bilang ay isang daan at apatnapu’t dalawa (142) ngunit ang bilang lamang ng obese sa kabuuhang bilang na iyon ay anim (6). Ang pananaliksik na ito ay limitado sapagkat nakapokus lamang ito sa mga kabataang hindi bababa sa sampung taon ang gulang. Tinitignan lamang ng pananaliksik na ito ang mga maaring sanhi at epekto ng pagkain ng marami at masyadong katabaan ng katawan sa mga obese. Bagamat limitado ang pananaliksik ay may buong sikap itong nagnais na mailahad at maipaliwanang nang buong husay ang mga nabanggit na paksang tatalakayin.

E. MGA

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang obesidad ay naging epidemiya na sa buong mundo. Ayon sa mga statistika (2006/2007), may aproksimidad na 25% ang obese sa mga taong may gulang na 15–pataas; 8% naman ng kabataan na may gulang 5-14 ang obese. Nais ipabatid ng mga asosasyong pangkalusugan sa buong mundo ang mga epekto’t mga dapat gawin ng mga obese upang maiwasan nila ang mga sakit na maaari nilang makuha sa pagiging obese. Fg. 1.1

Kung ating makikita, ang grap sa kaliwa (Fg. 1.1) ay nagpapakita ng relasyon ng pagiging obese at pang-arawaraw na biyahe na kinakailangan ng malaking enerhiya ng katawan. Makikita na sa bansang Amerika, maraming tao ang obese dahil kaunti lamang ang mga tao doon na naglalakad,

nagbibisikleta at bumabiyahe sa sariling pagod. Kabaliktaran naman iyon sa Latvia dahil kaunti lamang ang obese sa bansang iyon dahil marami sa kanila ang naglalakad, nagbibisikleta at bumabiyahe na hindi kinakailangan ng gasolina. Bilang konklusyon, nakatutulong ang active transport sa pagbaba ng obesidad sa isang bansa. Sa Japan, sinusukat nila ang baywang ng mga taong higit sa 40 ang edad at kung ang kanilang sukat ay masyadong mataba, kailangan nilang sumailalim sa isang diet counseling. Sa New Zealand, pinagbabawal nilang maglakbay sa ibang

bansa ang mga taong sobrang taba. Sa Great Britain, kung saan 50% sa kanila ang overweight, ang ibang residente sa piling mga lungsod ay pinagsusuot ng isang electronice tracking device na kumakalkula sa galaw nila sa isang araw, pati na rin kung gaano kadaming calories ang nabawas sa kanilang katawan. Ang mga taong mahilig magehersisyo ay nagagantipalaan ng store coupons at ilang araw na pahinga sa trabaho. Sa Germany, handa silang maglaan ng $47 milyon sa mga sports program at mga programang mag-eendorso ng pagkain ng malusog. Hinihikayat din ng kanilang gobyerno na huwag gawing target ng mga kompanyang gumagawa ng mga matatamis ang mga bata at para sa mga software company, na gumawa ng mga larong aktibong magpapagalaw sa mga maglalaro nito. Ang International Obesity Task Force (IOTF) ay isang NGO na kabilang sa International Association for the Study of Obesity (IASO). Itinatag iyon noong Mayo 1996 upang harapin ang isa sa mga mabigat na problema ng buong mundo, ang obesidad. Ang puwersang iyon ay binubuo ng mga eksperto sa larangan ng obesidad sa buong mundo, kabilang ang China, Japan, Chile, Australia, Brazil, the USA, Canada at Europe. Ang IOTF ay may mga pangunahing layunin upang maiwasan at bigyang solusyon ang pagiging obese at iyon ang mga sumusunod: • Para ma-iangat ang kaalaman at mamulat ang gobyerno, mga propesyonal na manggagamot, at ang komunidad na ang obesidad ay seryosong kondisyon ng katawan na maaaring magdulot pa ng mas maraming karamdaman na magiging problema rin sa pagiging ekonomikal ng isang tao. • Para magbigay ebidensya’t gabay sa pag-unlad ng lunas at pamamahala sa obesidad. • Para masiguro na handa ang mga propesyunal, lalo na ang gobyerno, sa pagtugon ng problemang ito. Sa pagtutulong-tulong at pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya sa buong mundo, naniniwala ang bawat isa na kanilang malulutas ang epidemyang ito, o obesidad.

KABANATA II PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

A. INSTRUMENTO / TEKNIK

NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ito ay isang talatanungan para sa mga obese at overweight sa Flos Carmeli Institution of Quezon City. Ang bilang ng obese sa nasabing paaralan ay anim (6) at ang mga overweight naman ay may bilang na labing-lima (15). Ang sarbey na iyon ay may mga katanungan na makatutulong sa akin upang lubusang malaman ang kaalaman ng mga obese/overweight na respondent tungkol sa obesidad. Ang mga katanungan sa unang bahagi ay upang malaman kung alam nila ang kanilang kalagayang pagiging obese/overweight, kung ang kanilang kalagayan ay namana nila sa kanilang mga magulang, kung iyon ay nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw at kung ano ang kanilang mga ginagawa upang magbawas ng timbang at lunasan ang kanilang pagiging mataba. Ang ikalawang bahagi naman ay sumasakop sa isang daan dalawampu’t anim (126) na respondent kung sila ay tinanong kung may magandang naidudulot ang obesidad, ayon sa kanilang pagkakaalam. B. METODOLOHIYA Dalawampu’t isa (21) na obese at overweight ang aking mga naging respondent. Sa pamamagitan ng kanilang mga kasagutan, aking malalaman ang iba sa mga personal na opinyon nila sa pagiging obese/overweight at malaman ang iba’t ibang impormasyon sa kanilang kalagayan. May isa pang hiwalay na pagsasarbey ang ginawa ng mananaliksik kung saan tinanong niya ang ilang mag-aaral mula sa ika-apat na baitang sa elementarya hanggang sa ika-apat na antas sa hayskul. Ang mga katanungan sakanila ay kung sila’y sang-ayon na may magandang dulot ang pagiging obese. Hindi naging bias ang paraan ng pagtatanong.

KABANATA III PAG-AARAL UKOL SA KALAGAYANG PANGKALUSUGAN NG MGA OBESE

A. INTRODUKSYON

Ang Katabaan o Obesidad ay abnormal na pag-akumula ng sobrang taba sa katawan na maaring magdulot sa taong iyon ng sari-saring mga karamdaman at mga sakit tulad ng Diyabetes, Sakit sa Puso, Altapresyon, Rayuma, Kanser, atbp… Kung tuluyang pababayaan ang obesidad ng isang tao, maaari itong magdulot sa pagkahina, at pag-ikli ng buhay. Napapaloob sa pananaliksik na ito ang mga paraan para maiwasan at magamot ang obesidad, mga sanhi’t bunga ng kalagayang ito, mga kahulugan ng iba’t iba pang mga salita’t kataga na may koneksyon sa obesidad at iba pang mga katotohanan na dapat malaman ng karamihan dahil mahalaga ang kalagayang pangkalusugan ng mga obese. B. PANGUNAHING NILALAMAN Maaaring alam na ninyo na ang mga obese ay mga taong may malalaking katawan dahil sa sobrang katabaan. Ngunit, ang kaalamang iyan ay hindi pa sapat. Sa pananaliksik na ito, ilalahad ang mas malawig pang saklaw ng pagiging obese, obesidad o sobrang katabaan. May paraan upang malaman kung obese ang isang tao. Iyon ay ang pagkuha ng BMI (Body Mass Index). Nakukuha ang BMI sa pamamagitan ng formula (sa ibaba) na angkop sa mga datos ng tangkad at bigat na mayroon ka. Fg. 2.1

Kung ang lumabas na resulta ay mas mababa sa 18.5, iyon ay tumutumbas sa pagiging underweight o kulang sa timbang. Kung ang resultang nakuha naman ay nasa 18.5 hanggang 24.9, nangangahulugang ang timbang ng taong iyon ay normal lang. Overweight naman ang mga taong may nakuhang BMI na nasa 25.0 hanggang

29.9.

Kung

ang

nakuhang

BMI

ay

lumagpas

na

sa

29.9,

nanganahulugang ang taong iyon ay obese. (Tingnan ang Fg. 1.2) Fg. 2.2

Obesity VS Overweight Walang eksaktong depinisyon ang salitang obesity pagkat maaaring gamitin ang salitang ito sa paglalarawan sa isang napakataba, napakalaki o napakabigat na tao (overweight), pero sa katunayan, ang tao ay pwedeng maging napakataba o napakalaki subalit hindi siya obese. Bagamat sila’y palaging nagbibigay kalituhan sa mga tao, may malinaw na pagkakaiba ang dalawa. Ano nga ba ang kaibahan ng pagiging sobrang bigat at taba (overweight) sa obesity? Ang salitang obesity at overweight ay parehong ginagamit sa paglalarawan ng taong sobra sa normal na timbang, pero ang dalawang salitang

ito ay nangangahulugan ng dalawang magkaibgang bagay. Ang obesity ay kaugnay sa di pangkaraniwang dami ng taba sa tissue ng ating katawan, at ang overweight naman ay ang pagtaas ng timbang ng isang tao at kabilang na dito ang ating mga vital tissue, tulad ng liver, at kidney, joints, at dugo. Ayon rin sa ibang dalubhasa, Ang pagiging overweight ay nangangahulugan na ang isang tao ay tumitimbang nang higit sa normal, sa kailangan, at sa tama lalo na kung ito’y hindi nararapat sa kanyang edad. Samantala, ang pagiging obese naman ay isang condition kung saan ang dahilan ng sobrang pagbigat at timbang ng katawan ay ang sobrang pag-akumula ng taba sa katawan. Fg. 3.1

Uri ng Obesidad May tatlong uri ng obesity ayon sa distribusyon ng taba sa katawan. Isa na ang Android Obesity. Ito ay isang uri ng obesidad kung saan ang sobrang taba sa katawan ay nasa taas lamang ng kanilang katawan. Karaniwang hugis mansanas ang taong may Android Obesity dahil ang kanilang itaas na pangangatawan (balikat, mukha, leeg, braso, dibdib, tiyan) ay mataba ngunit ang pang-ibaba ay normal lamang. Sa mga tao na may ganitong uri ng obesidad, maaaring mapinsala

o lubhang maapektuhan ang kanilang puso, baga, atay at bato sanhi ng mataas na cholesterol sa katawan. Bagamat mas laganap ang uri na ito sa kalalakihan, karaniwan din ito sa kababaihan. Dagdag pa rito, mas malaki ang pagkakataon na magkaroon ng gantong uri ng obesidad ang mga babae na umiinom ng mga gamot o dumadaan sa hormone treatment para bumalik sa regular ang kanilang menstrual cycle. Ang isa pa sa mga uri ng obesidad ay ang Gynoid Obesity. Kung ang taba sa Android Obesity ay sa itaas na bahagi ng katawan, sa Gynoid Obesity, ang taba ay matatagpuan sa bandang ibaba ng katawan (tiyan, hita, puwit, binti). Dahil sa kaanyuan ng katawan ng taong mayroong ganitong uri ng obesity, ang kanilang

hugis ay wari’y peras. Sa paglaki ng taong nakararanas ng ganitong uri ng obesity, maaaring hindi na maging tuwid ang kanyang buto sa likuran dahil sa pagbigat ng tiyan ay baywang ng taong iyon. Ang mga mahahalagang bahagi ng katawan na maaaring maapektuhan nito ay ang mga kidney, uterus, intestine, at bladder. Ngunit ang tungkulin ng mga organ na iyon ay minsang konektado sa puso. Sa uri ng obesidad na ito, hindi iminumungkahi na mag-ehersisyo at magdiyeta upang mawala ang taba dahil hindi rin ito makakatulong ng labis. Maliban sa Android at Gynoid na obesidad, may isa pang uri ng obesidad. May ibang obese na hindi naaangkop sa mga nabanggit sa taas. Ang buo nilang katawan, mula ulo hanggang paa’y nakakakitaan ng sobrang katabaaan. Dahil diyan, hindi sila nakakalakad ng husto at hindi rin sila nakakagalaw ng malaya. Ang mga taba sa tissue ng kanilang katawan ay humahadlang sa paggalaw ng lahat ng internal organs sa kanilang katawan at dahil doon, ang paggawa ng tungkulin o pag-funtion ng mga ito ay naaapektuhan ng malaki. Kaya, pinapayuhang magdiyeta at mag-ehersisyo ng madalas ang taong may ganitong uri ng obesidad. Mga Sintomas ng Obesidad Ang obesidad ay pag-akumula ng sobrang taba sa katawan. Isa sa mga lugar kung saan ito ay maaring labis na kumalat at pinakamadaling makita ay sa paligid ng baywang. Ang baywang na may sukat ng 40 pulgada o higit pa sa mga lalaki at 35 na pulgada o higit pa sa mga kababaihan ay nagiging senyas sa isang panganib para sa mga may sakit sa puso at iba pang mga problema sa kalusugan na kaugnay sa obesity. Ang pagkakaroon ng maraming taba sa katawan ay maaaring maging sanhi ng mga sintomas na sumusunod: •

• •

Pananakit o aching sa likod at



Heartburn

sa tuhod



Rashes sa balat

Depresyon o iba pang mga



Hirap ng paghinga

emosyonal na problema



Hilik o sleep apnea

Paghirap sa paglalakad



Pagpapawis ng sobra



Hypertension

o

Pagbilis

ng

daloy ng dugo •



Pagkakaroon ng Type 2 na Diyabetis

Pagkakaron ng High cholesterol level na maaaring bumara sa mga ugat ng katawan

Sanhi ng Obesidad

Alam natin na ang sobrang pagkain ay nakasasama at mali. Ang problema at sanhi ng obesidad ay ang hormonal imbalance na nagpipigil sa ating mabuhay ng lubusan, sa halip, iniimbak ang enerhiya sa katawan at ito’y nagiging taba. Ang imbalance na ito ay ang pagkain ng maraming kaloriya ngunit hindi pagkonsumo nito. Sa bawat 7,500 na kaloriya na naaakumula ng katawan, ang timbang ay nadaragdagan ng isang kilo (1kg). Ang taba sa katawan ay patuloy na naiipon at nagiging sanhi ng obesidad ng katawan. Nag-uumpisa ang pagtaba ng isang tao sa panahon ng adulthood o sa mga edad na 12 hanggang 16 kung saan umaabot ng 60 porsyento ang itinataas ng kanilang timbang. Minsan naman ay dahil din ito sa pagdadalantao ng mga kababaihan dahil pagkatapos nilang manganak, nahihirapan silang ibalik sa dati ang katawan nila. Habang nagkaka-edad din ang isang tao ay bumabagal ang metabolic rate nito at nagiging dahilan ng pagtaba ng isang tao. Ang kasarian ay isa ring dahilan. Mas mataas ang metabolic rate ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Samantala ang mga kababaihan, lalo na ang mga nasa menopausal stage ay mas tumataba dahil sa bumababa ang metabolic rate nila. Nagiging sanhi rin ang hindi balanseng pagkain dahil sa nauuso ngayon ang fast foods. Hindi lahat ng calories na nakukuha natin dito mula sa mga fast food

ay nagagamit ng ating katawan. Minsan ay naiipon ito sa ating katawan na siyang nagpapataba sa atin. May mga kaso naman na namamana natin sa ating mga magulang ang pagiging malusog nila dahil sa pagkakaroon ng parehong ugali lalo na sa pagkain. Maaari rin namang makapagpataba ang stress o problema. Mas ninanais kasi ng isang taong problemado na kumain ng kumain upang makalimot sa kanyang problema. Maari ring maging sanhi ng pagiging obese ay ang mga genetics factor, socioeconomic

factor,

metabolic

factor,

lifestyle

choice,

at

iba

pa.

Ang

pagkakaroon ng sakit, pag inom ng gamot ay isa ring sanhi ng pagiging obese. Ito ang iba’t ibang sanhi kaya nagiging obese ang isang tao: •

Genetics (Namamana) – napag-aralan na ang pagiging obese ng

isang tao ay namamana sa mga magulang. Napatunayan noong taong 2004 na 48% na kabaataan na may obese na magulang ay nagkakaroon din ng sobrang timbang.



Lifestyle (Pamumuhay) – pagkain ng madami at pagkain ng

makolesterol na pagkain ay nagiging sanhi ng pagiging obese. Ang pageehersisyo ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang sa kabataan. Ang kawalan din ng ginagawa sa bahay, tulad ng paglalaro lamang ng kompyuter at panonood ng telebisyon buong araw. Kung kaunti lang ang ginagawa ng isang tao, kaunti lang din ang nagagamit nitong calorie/s, at dahil dito, naipon lamang ito at nagiging sanhi ng pagiging obese. Ang sosyo-kultural na sanhi ay nakaaapekto rin sa pagiging obese dahil ang pagkain ay hindi maaalis sa ating kapaligiran. Ang pagkain ay isa sa ating mga pangunahing kailangan upang mabuhay. Nagiging sanhi ito sa pagiging obese dahil sa pamumuhay na hindi kontrolado.



Stress (Pagod at Problema) – dahilan ng mga problema na

dumarating sa isang tao, maaaring magdulot ito ng depresyon, mga sakit tulad ng sakit sa ulo at iba pa. Dahil rin sa stress, maaaring matulog ng mas mahaba, kumain ng mas marami at tamarin sa paggalaw ang isang tao.



Sistema ng Neuroendocrine – Pagtaas ng lebel ng Cortisol

(hormone na sanhi ng stress), pagbaba ng lebel ng Thyroid, abnormalidad sa ovary ng babae (Polycystic Ovary Syndrome), at hindi na paglaki dahil sa hindi sapat na paggawa ng growth hormones (Growth Hormone Deficiency).

Fg. 4.1

Pisikal na Epekto ng Obesity Karaniwan sa mga tao na sumusobra sa timbang ay nagiging obese (sobrang timbang). Sa kasalukuyan, sinasabing 130 milyong katao (nakatatanda) sa U.S. ay obese at 15% naman ng mga kabataan ay obese,

kumpara

noong

kasalukuyang

panahon. Tumataas ang bilang ng pagiging obese ng mga bata sa ngayon at ito ay isa sa mga problema ng mga organisasyon na nag papangalaga sa ating mga kalusugan. Ang pagiging obese ng mga nakatatanda ay isa sa nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa sakit sa puso. Pati na rin ang mga kabataan ay nabibiktima nito. Ang obesity ay sinabing epidemya ayon sa mga propesyonal, at ito ay untiunting tumataas. Ang sobrang timbang ng tao ay nagiging malapit sa mga sakit. Kung ang iyong BMI ay nagpapatunay ikaw ay obese, maari kang magkaron ng iba’t ibang sakit. Ang mga sumusunod ay isa sa mga epekto ng pagiging obese ng tao, at minsa’y nagiging sanhi rin ng pagkamatay: •

Pagtaas ng blood pressure - ang dagdag na laman sa ating katawan ay

mas nangangailangan ng hangin (oxygen) kumpara sa may tamang katawan, kaya kailangang mas mabilis ang sirkulasyon ng ating dugo. Ito ang nagiging dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso upang mapailis ang daloy ng dugo sa ating katawan. Tataas ang pressure sa ating katawan kung mas mabilis ang pagdaloy ng dugo sa ating mga ugat. Kung mabilis naman ang pagdaloy ng dugo sa ating mga ugat ito na ang nagiging sanhi ng pagtaas ng blood pressure. Kung mataas ang timbang, bibilis ang tibok ng ating puso at mahihirapan ang ating dugo na dumaloy sa ating mga ugat.



Diabetes – ang pagiging obese ay isa sa dahilan ng pagkakaroon ng type

2 diabetes. Ang obesity ay dahilan ng pagtaas ng ating insulin, ito ang nagkokontrol o nagbabalanse sa ating blood sugar. Kapag nagkaroon ng sobrang paglabas ng ating insulin sa katawan, ang blood sugar sa ating katawan ay taas. Ito ang dahilan ng pagiging daiabetic ng isang tao. •

Sakit sa puso - Atherosclerosis (pagtigas ng ugat sa ating puso) dahil dito,

bumabagal ang pag daloy ng dugo sa ating puso, at minsa’y nababarahan, kaya nagkakaroon ng clot (langib) sa ugat ng ating puso at nagiging dahilan ng pagbara nito kaya sumisikip ang dibdib o nagkakaron ng atake sa puso. at kung barado naman, ito ang nagiging dahilan ng pagka-stroke. •

Problema sa kasu-kasuhan (osteoarthritis) – ang obesity ay nagiging

dahilan ng pagkasira ng tuhod dahil sa bigat nito. •

Problema sa pagtulog (sleep apnea) at hirap sa paghinga - sleep

apnea ang dahilan kung bakit ang taong obese ay nahihirapang huminga, naiistorbo nito ang ating pagtulog sa gabi at nagiging antukin kapag sa araw. Isa sa mga dahilan din nito ay paghilik ng malakas. Ang taong obese ay nahihirapang huminga dahil sa mga taba sa kanilang dibdib, dahil naiipit nito ang kanilang baga. •

Kanser – sa kababaihan, ang pagiging obese ay nagiging malapit sa kanser

tulad ng breast cancer, colon, gallbladder at uterus. Sa kalalakihang obese ay nabibiktima rin nito. •

Metabolic syndrome - Ang National Cholesterol Education Program ay

nagsasabing nagiging malapit sa sakit sa puso ang mga taong obese. Paglaki ng tiyan, pagtaas ng kolesterol, pagtaas ng blood pressure, mabilis na pagtaas ng insulin sa katawan, elevation of certain blood components that indicate inflammation, pagkakaroon ng mga clot (langib) sa mga ugat sa katawan o sa puso. •

Pagkahiya sa mga tao- sa kasalukuyan, ang karaniwang anyo ng tao ay

payat, dahil sa pagiging mataba ng tao, sila ay nahihiya sa mga tao. Dahil sila ay pinipintasang mabagal o mahina. Madalas din ang mga taong obese ay hindi natatanggap sa trabaho. Kaya ito ang nagiging dahilan kaya sila ay nagkakaroon ng pagkahiya at pagkawala ng tiwala sa kanilang sarili.

Iba pang karaniwang epekto ng pagiging obese: •

Congestive heart failure



Stress



Blood clots



Stroke



Pagtaas ng cholesterol



Sakit sa bato at apdo



Sakit sa atay



Gastroesophageal Reflux Disease (GERD)



Gout

Iba pang epekto ng Obesity Ang obesity ay nagdudulot ng pisikal, sikolohikal at sosyolohikal na problema sa taong nagtataglay nito. Natalakay na kanina ang mga pisikal na epektong maidudulot nito sa ating katawan. Ang susunod naman ay ang sikolohikal na epekto nito sa taong obese. Ang mga taong obese ay madalas nakakaranas ng emosyonal na paghihirap dahil sila ay nasasabihang mataba at pangit, dahil dito, naaapektuhan ang sikolohikal ng pag-iisip ng mga obese. Natatatak sa kanilang isipan na sila ay pangit at mataba at minsa’y napupunta rin sa isip nila na wala silang kwenta sa mundong ito. Huli sa lahat, sila ay nakakaranas ng problema sa kanilang paligid, o sosyolohikal na problema. Kadalasang hinuhusgahan ang mga obese bilang tamad at matatakaw na tao. Kadalasan sila din ay nakakaranas ng diskriminasyon sa trabaho, eskwelahan at sa paligid nila. Minsan nakakaranas din sila ng rejection, kahihiyan (shame), at depression.

Posibleng Paraan upang Malunasan at Maiwasan ang Obesity Maaari pa rin namang malutas ang problema ukol sa obesidad. Depende ito kung gaano kalusog ang isang tao. Para sa iba ay umeepekto ang pagdidiyeta, ehersisyo, o minsan naman ay talagang gamot na ang itinatapat dito.

Maaari ring sundin ang mga sumusunod: •

Isipin ang ninanais na timbang at idikit ito kahit saan basta dapat ay makikita ito araw-araw.



I-enjoy ang pagkain ng masustansyang gulay at iwasan ang mga mamantika.



Iwasan ang mga pagkain na alam mong makapagpapataba.



Subukang bawasan ang pagkain ng madami.



Importante ang pag-inom ng tubig. Siguraduhing uminom ng walong baso ng tubig araw-araw.



Maging masaya at huwag isipin na mamamatay ka kapag hindi ka nakakain.



Isipin na hindi ka makakapagsaya kung hindi mo kasama ang iyong pamilya ng may malakas na pangangatawan.



Kumain ng mga pagkain na steamed, nilaga, broiled o inihaw.



Panatilihin ang pagdi-diyeta hanggang sa ikaw ay pumayat.

Mga pangunahing kailangan upang malunasan o maiwasan ang pagiging obese: Diyeta: Ang diyeta ay ang kalidad at bilang ng pagkain at inumin na



dapat konsumuhin lamang. Para sa mga obese, ito ay isinasagawa para maiwasan ang paglaki ng katawan at pag-angkat ng hindi kinakailangang mga sustansiya, bitamina at enerhiya sa katawan. Kinakailangang magdiyeta ng isang obese upang mabawasan ang kaloriyang kanyang nakakain at para mapalitan ang nakasanayan niyang pagkain ng mas hindi nakakapahamak na mga pagkain. “Pagkain” - ano nga ba ito? Ang pagkain ay isang bagay na nangangalaga ng ating katawan. Simula pa noong bago

tayo

ipanganak

hanggang

bago

tayo

mamatay,

ang

pagkain

ang

pinakanangingibabaw na pangangailangan natin sa ating buhay para tayo’y mabuhay. Ito rin ang nagbibigay sa atin ng enerhiya upang magampanan nating mabuti ang ating mga gawain sa pang-araw-araw, paghinga, pagtibok ng puso, pagmintina ng ayos ng buto’t laman, maayos na pagtakbo ng ating isipan, at marami pang iba. Ngunit may

iba pang halaga ang pagkain, isa na rito ang pagbibigay nito sa atin ng kasiyahan at kasiglahan. Maaari itong maging dahilan upang magkita-kita’t magsaya ang mga magkakaibigan, magpulong ang iba’t ibang tao para sa negosyo, mas mapasaya ang ating mga bakasyon at ang pagkain ay may mahalaga ring simbolo sa relihiyon (pag-aayuno, hindi pagkain ng baboy, hindi paghalo ng gatas at karne, hindi pagkain ng matitigas na pagkain, atbp.).

Iminumungkahi ng mga doktor at siyentipiko ang pagdidiyeta ng mga obese. Ang diyeta na kanilang kailangan ay isang low-calorie-diet, kung saan ang mga pagkaing kailangang kainin ay may mababang calorie content. Ang karaniwang diyeta na para sa pagbabawas ng timbang ay nagbibigay ng 1000-1,500 na kaloriya sa isang araw. Ngunit, ang bilang kaloriya ay depende sa timbang at ang iyong regular na paggalaw. Ang uri ng diyetang iyon ay tinatawag na low-calorie-diet. Ang calorie level ng katawan ay dapat na magbawas na kahit 1lb. sa isang linggo. Kung iyong makukwenta ang bilang ng kaloriya na iyong kinakain sa isang araw, makakagawa ka ng isang diet plan na angkop para sa iyo. Kinakailangan din ang opinyon ng propesyunal tungkol sa iyong diyeta o magkaroon ng isang diet plan na may permanenteng bilang ng kaloriya. May mga pormula para sa ganitong uri ng diyeta, kung saan pinapalitan ang lahat ng nakasanayang pagkain ng liquid shakes and bars. Maaring tumagal ng ilang linggo ang pagdidiyeta, depende sa laki ng katawan, regularidad ng diyeta, tamang obserbasiyon ng eksperto at pag-ehersiyo. Ngunit hindi pa rin dapat kalimutan ang ibang pangangailangan ng katawan tulad ng protina na matatagpuan sa karne, isda, itlog at iba pa.

 Ehersisyo: Ang palagiang pag-eehersisyo ay maraming benipisyo na maidudulot sa ating katawan gaya ng mga sumusunod: •

Mainam na pampababa ng timbang, pang-aayos ng blood circulation o pagdaloy ng dugo sa mga ugat, pampabuti ng muscle tone at efficiency ng puso at baga;



Nakatutulong sa maayos na pagtulog; at



Pang-alis ng stress. (Dr. Capanzana, FNRI-DOST, 2010) Kaya upang tuluyang maging normal ang timbang ng isang obese, kailangan niyang mag-ehersisyo na tutulong sa kanyang katawan upang mapantayan ang konsyumo niya ng kaloriya at makapagbawas ng mga taba.

 Disiplina: Hindi magagawa ng isang nag-aasam na magkaroon ng normal na timbang ang pagdidiyeta at pag-eehersiyo ng tama kung wala siyang disiplina. Kaya mahalaga na hindi kalilimutan ang disiplina sa sarili upang maisakatuparan ang mga naunang nabanggit.  Medikasiyon: May mga gamot na naimbento ang ating Modern Science na makakapagbawas ng timbang ng isang obese. Sa pamamagitan ng mga gamot na iyon, binabago nila ang takbo ng ating kagustuhang kumain (appetite), metabolismo, at pag-absorba ng mga pagkaing mayaman sa kaloriya.  Pagtitistis (Surgery): Isa pa sa maaaring solusyon upang mawala ang taba sa katawan ay ang pagtitistis. Isa itong modernong pamamaraan kung saan tinatanggal ang taba sa loob ng katawan gamit ang mga medikal na kagamitan. Ngunit,

rekomendado lamang ang pagtitistis

sa mga may

malalalang kaso ng obesidad (BMI > 40) o yung mga tao na hindi na talaga makayanang magpapayat sa pamamagitan ng mga natural na pamamaraan.

KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang pananaliksik na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paghahanap ng iba’t ibang impormasyon sa iba’t ibang libro’t pahina sa internet at sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang unang sarbey na aking ginawa ay may piling respondent lamang kung saan sinagot nila ang mga katanungang aking inilatag. Binubuo ng dalawampu’t isa (21) ang mga respondent ng sarbey na ito at sila’y may natatanging katangian – pagiging overweight o obese. 1. Ang unang katanungan ay : “Ano, sa iyong pagkaka-alam, ang Obesidad?” Fg. 5.1 Bilang ng mga respondent na alam ang Obesidad

Walang kaalaman tungkol s a O bes idad T ama ang kaalaman tungkol s a O bes idad M ali ang kaalaman tungkol s a O bes idad

Ayon sa grapikong paglalarawan sa itaas, 9/21 ≈ 43% ng mga respondent ang hindi alam ang Obesidad. 5/21 ≈ 24 % naman ang nagsabi na ang obesidad ay pagiging mabigat, sobra sa timbang o overweight na maling kahulugan ng Obesidad. Ang natitira namang pito (7) ≈ 33% ay may simple ngunit tamang kaalaman tungkol sa obesidad. Ang obesidad ay ang katabaan ng katawan. Bagamat ang mga respondent ay mga obese/overweight na, karamihan pa rin sa kanila ay hindi alam ang kahulugan ng pagiging obese o sobrang katabaan. Nagpapatunay lamang na ang pananaliksik na ito ay lubusang makakatulong sa kanila lalo na’t wala o hindi sapat ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang epekto ng obesidad.

2. Ang ikalawang katanungan ay: “Ang mga magulang mo ba’y matataba?” Fg. 5.2 Bilang ng mga respondent na may matatabang magulang

May m a gula ng na m a y k ata ba an

Hindi m a tataba a ng m ga m a gula ng

Ang grap sa itaas ay nagpapakita na 10/21 ≈ 48% sa mga respondent ay may mga magulang na maaaring pinagmanahan nila ng kanilang katabaan. Ang 11/21 ≈ 52% naman ng mga respondent ay maaaring naging obese/overweight lamang dahil kanilang sariling pamumuhay, hindi balanseng pagkain at iba pa. Sa pamamagitan ng pagtuklas kung ang mga respondent ay may mga magulang na may katabaan, maaaring ito’y magsilbing patunay na ang Obesidad ay maaaring makamit dahil sa Genetics o namamanang katangian ng magulang.

3. Ang ikatatlong katanungan ay: “Nakaka-abala ba ang katabaan sa iyong pang-araw-araw?” Fg. 5.3 Bilang ng mga respondent na (di-) naaabala dahilan ng kanilang pagiging mataba

16 14 12 10 8 6 4 2 0

C o lum n 1

Naaabala ng pagiging mataba

Hindi naaabala ng pagiging mataba

Ang bar grap sa itaas ay nagpapakita na 6/21 ≈ 29% sa mga respondent ay naaabala ng kanilang pagiging mataba. Ang pagiging mataba nila na ito ay hindi nila nakikita sa positibong larawan dahil para sa kanila, ang katabaan ay nagiging sagabal o abala ka kanilang pamumuhay sa pang-araw-araw. Samantala, ang natitira namang 15/21 ≈ 71% ay hindi iniisip na ang katabaan ng kanilang katawan ay nagiging abala sa araw-araw nilang mga gawain. 4. Ang ika-apat na katanungan ay: “Saan pinakanakaka-apekto ang katabaan?” Fg. 5.4 Pie Grap na nagpapakita ng mga aspetong naaapektuhan ng katabaan

………… Pagkilos Sosyalidad / Social Life Sariling Kakayanan at Emosyon Hindi nakakaapekto ang Obesidad Slice 5

Sa Fg. 5.3, ipinapakita ang mga aspeto na naaapektuhan ng katabaan. Ang may pinakamalaking bahagdan ay ang Pagkilos (7/21 ≈ 33%). Ang dalawang sumunod na aspeto ay parehong nakakuha ng 5/21 ≈ 24% na boto ng mga respondent. Ang katabaan ay nakakaaapekto ng malaki sa iba’t ibang aspeto ng buhay kaya’t napakamatalinong maging alarma patungkol dito. Ang natirang bahagdan (4/21 ≈ 19%) naman ay naniniwala na hindi naman nakaka-apekto ang katabaan sa kanilang uri ng pamumuhay. Samakatuwid, nagiging mahirap ang pagkilos ng mga taong matataba, ayon na rin sa ating mga respondents.

5. Ang huling katanungan ay: “Anu-ano ang mga ginagawa mo para bumaba ang iyong timbang?” Fg. 5.5 Pie Grap na nagpapakita ng mga ginagawa ng mga respondent upang magbawas ng timbang Pag-eehersisyo Regular na Pagdidiyeta Pag-inom ng gamot na pampapayat Iba pang paraan Wala akong ginagawa

Nangunguna ang pag-eehersisyo sa mga gawain na madalas gawin ng aking mga respondent upang magbawas ng timbang. Marahil ito’y madali gawin, at hindi na kinakailangan ng kahit ano pa, kaya kanila itong napili. Ang pagpapapapayat ay nagiging isang tungkulin ng isang obese/overweight. Hindi nga lang sapat ang pag-eehersisyo, maaari din na kumain ng tama’t magdiyeta, magpapayat sa pamamagitan ng mga gamot at iba pa.

Ang ikalawang sarbey naman na aking isinagawa ay para sa lahat ng mag-aaral ng Flos Carmeli Institution mula sa ika-apat na baiting sa elementarya hanggang sa ika-apat na antas sa hayskul. Ang bilang ng respondent para sa sarbey na ito ay dapat isang daan at apatnapu’t dalawa (142) ngunit hindi nakapirma ang iba kaya ang kabuuang bilang na lamang ng sarbey na ito ay isang daan at dalawampu’t anim (126)

Ang katanungan na kanilang sinagot ay iisa lamang at ito ay:

“Sang-ayon ka ba na mayroong magandang dulot ang pagiging obese?” Nahati sa dalawang hanay ang sarbey, sa mga sang-ayon at sa mga ‘di sang ayon. Ang mga sumang-ayon ay may bilang na labing-siyam (19) at ang mga hindi sang-ayon ay isang daan at pito (107). Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon), kung sila’y may sapat na kaalaman tungkol sa mga sakit at iba pang epekto ng pagiging obese. Naging malaking tulong din ang sarbey na ito dahil sumasaklaw ito sa mas malaking bilang ng tao. Sa paghingi ng opinyon ng mas malaking grupo ng tao, tumitibay ang sarbey.

KABANATA V KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. KONKLUSYON Pagkatapos ng pananaliksik tungkol sa Obesity, naisaad ng

mananaliksik

kung ano nga ba talaga ang obesity, na ito ay isang pisikal na kondisyon at karaniwang ginagamit sa paglalarawan ng isang taong may lubhang katabaan. Ito rin ay karaniwang napagkakamalan na eating disorder at psychological disorder, ngunit sa katunayan hindi rin ito tinuturing na isa sa dalawa. Naibahagi

rin

ng

mananaliksik

ang

mga

posibleng

pinagmulan

ng

kalagayang ito at ganun na rin sa mga maaaring epekto nito sa taong apektado nito, o sa mga taong obese. Napag-alaman din ng mananaliksik na ang obesity pala ay maaaring isang senyas o sintomas ng mas malalang sakit. Napatunayan

ng

mananaliksik,

na

ito

ay

nakakaapekto

sa

pisikal,

sikolohikal at sosyolohikal na aspesto ng buhay ng isang tao. Bukod pa rito, naibahagi rin niya ang mga posibleng hakbang para maiwasan ito. Noon, ang obesity ay hindi masyadong kinikilala bilang isang problema sa Pilipinas; hindi dahil sa ito’y hindi makikita sa ating bansa, kundi dahil dati hindi pa ganoon kamulat ang mga mata ng mga Pilipino sa isyung ito. Ngayon, sa pamamagitan ng research paper na ito, ninanaais ng mananaliksik na maibahagi niya ang kaniyang natutunan upang mamulat ang mata ng mga mambabasa.

B. REKOMENDASYON Nais iparating ng nanaliksik sa mga mambabasa na bigyan nila ng pansin ang kanilang kalusugan upang mapanatili nilang masigla at malakas ang kanilang pangagatawan. Ayon sa pananaliksik na ito, maraming tao ang nagiging biktima ng obesidad dahil sa kawalan ng disiplina sa kanilang sarili at nagiging dahilan ng iba’t ibang uri ng sakit. Ito ay magiging gabay at mapagkukunan ng mga bagong kaalaman upang malaman ng bawat isa ang mga kadahilanan kung paano nagiging obese ang isang tao, ang mga maaaring maidulot nito sa ating katawan at kung paano na rin ito maiiwasan. Sa mga gusto pang ipagpatuloy ang pananaliksik na ito, nais ng nanaliksik na bigyan pa ninyo ito ng mga maaaring maidulot nito sa bawat isa at iba pang mga sintomas o sakit na maaaring maging resulta ng pagiging obese ng isang tao at lalong lalo na kung paano ito maiiwasan.

BIBLIOGRAPIYA •

WIKIFILIPINO – KABATAAN http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Katabaan



WHO - OBESITY http://www.who.int/topics/obesity/en/



SOLUTION TO OBESITY http://ezinearticles.com/?Solution-to-Obesity&id=33126



PAGKALKULA NG BMI http://www.sunsweet.com.my/bmi.html



OBESIDAD.NET http://www.obesidad.net/english2002/default.htm



DOST - EHERSISYO http://ro7.dost.gov.ph/index.php/component/content/article/1latest/141-ehersisyo-mainam-sa-kalusugan.html



WIKIPEDIA - OBESITY http://en.wikipedia.org/wiki/Obesity



CNC - WALK, CYCLE TO FIGHT OBESITY http://www.cbc.ca/health/story/2010/08/20/walk-cycle-obesity.html



HOW OTHER COUNTRIES FIGHT FAT http://www.parade.com/news/intelligence-report/archive/how-othercountries-fight-fat.html



IUNS.ORG - OBESITY http://www.iuns.org/features/obesity/obesity.htm



SOCIAL REPORT - OBESITY http://www.socialreport.msd.govt.nz/health/obesity.html



PAGKAKAIBA NG OVERWEIGHT AT OBESE http://www.herbal-home-remedies.com/weight-loss/



URI

NG

OBESITY http://doctoradvice.org/types_of_obesity.html

PATUNGKOL SA AWTOR I.

II.

Contact Information Pangalan: Funny Jovis P. Malasan Tirahan: #213 Rosal St. Pingkian Village 3 Pasong Tamo Q.C. Telepono/Cellphone: 4278307/09179167580 E-mail address: [email protected] Personal na Datos Edad: 15 Kapanganakan: Ika-15 ng Hunyo, 1995 Lugar ng Kapanganakan: Quezon City, Metro Manila Lahi: Filipino Kasarian: Babae Pangalan ng Ama: Wilfredo D. Malasan Pangalan ng Ina: Estrellita P. Malasan

III.

IV.

Educational Background Paaralan : • Sekondarya: Flos Carmeli Institution of Quezon City • Elementarya: Diliman Preparatory School Mga interes at pangarap

Nais kong maging isang ibon na nakakalipad at madama, makita, malanghap, at marinig ang kalinisan ng mundo. Nais kong maging isang tao na mailalathala sa mga libro at sa tuwing nababanggit ang isang bagay, ang pangalan ko ang kanilang maaalala. Nais kong malibot ang buong mundo’t maranasan ang iba’t ibang kultura sa iba’t ibang nasyon. Nais kong mamatay nang dakila at maging kung anu-ano pa. Ang mga nais na iyan ay nabuo noong ako’y bata pa lamang. Ang mga nais na aking inisip na magpapasaya sa akin noon. Ngunit sa aking pagtanda’t paglaki, nagkaroon ako ng mas malinaw na pagkakakita sa mundo at kung ano talaga ang gusto ko. Pangarap kong magtayo ng sarili kong parmasya, o kaya’y maging isang doktor na mangangasiwa ng mga terapiya para sa mga mentally disabled na mga tao, o isang doctor na nakapokus sa pag-iisip ng tao. Ngunit sa ngayon, ang aking pinakamithi ay magkaroon ng masaya, masagana at mahabang buhay sa hinaharap upang matupad ko ang mga pangarap ko.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF