Kabanata III (2).ppt
February 15, 2018 | Author: Raymark D. Llagas | Category: N/A
Short Description
Kabanata III (2).ppt...
Description
KABANATA III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
MGA BAHAGI Disenyo ng Pananaliksik Lokal ng Pag-aaral Respondante Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik Paraan ng Pangangalap ng Datos Kompyutasyong Istadistika
DISENYO NG PANANALIKSIK Inilalahad dito ang uri ng pananaliksik na gagamitin. Ito ay magagamit sa pagtugon sa mga inilatag na mga suliranin sa pag-aaral. Maaring deskriptibo, historikal o eksperimental. Maari ring ilahad kung ang pananaliksik ay kwalitatibo o kwantitatibo. Kinakailangang tukuyin ng mananaliksik ang kahalagahan ng ginamit na disenyo sa pananaliksik.
MGA PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK
HISTORIKAL NA PAMAMARAAN ~ Layon nitong muling dalumatin o balikan ang mga naganap o nangyari na at ang kaugnayan nito sa mga kasalukuyang panahon. DESKRIPTIBONG PAMAMARAAN ~ Mailarawan ng sistematiko ang katayuan o salik ng interes nang tumpak at makatotohanan.
DEBELOPMENTAL NA PAMAMARAAN ~ Masuri ang patern o sekwensya ng paglago o pagbabago sa takbo ng panahon.
o
CASE AT FIELD NA PAMAMARAAN ~ Masusing mapag-aralan ang bakgrawnd, kasalukuyang katayuan at kaligirang inter-aksyon ng isang indibidwal, pangkat, institusyon o komunidad.
Halimbawa ng Disenyo ng Pananaliksik Deskriptibo ang uri ng pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik. Ayon kay James P. Key (1997), ang pamamaraang ito ay kumukuha ng mga impormasyong hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng isang pangyayari para mailarawan kung ano ang nagaganap. Isa sa mga metodong maaaring gamitin gamit ang pamamamaraang ito ay ang sarbey na tutugon sa kung ano ang pananaw ng mga kalahok sa dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.
LOKAL NG PAG-AARAL
Inilalahad ang lokasyon na paggaganapan ng pag-aaral.
RESPONDANTE
Inilalahad at inilalarawan ang mga respondante ng pag-aaral.
Inilalarawan ng bahaging ito ang ginamit na pamamaraan sa pagkuha ng sampol ng populasyon na maaring gawan ng pag-aaral o kaya’y tutugon sa talatanungan ng pananaliksik.
FORMULA SA PAGKUHA NG SAMPOL
SLOVIN’S FORMULA
n = bilang ng sampol N = Bilang ng populasyon e = pagitan ng pagkakamali (0. 05)
TEKNIK SA PAGKUHA NG SAMPOL
o
PROBABILITY SAMPLING 1. Random Sampling 2. Systematic Sampling
NON-PROBABILITY SAMPLING 1. Purposive Sampling 2. Quota Sampling 3. Convenience Sampling
PROBABILITY SAMPLING
Random Sampling ~ Sa pamamaraang ito ay may pantay na pagkakataon ang bawat kabahagi ng populasyon na mapabilang sa sampol. ~ Halimbawa nito ay ang fishbowl teknik.
o
Systematic Random Sampling ~ Ito ay isang estratehiya sa pagpili ng maaring maging kabilang sa sampol ng populasyon sa pamamagitan ng sistema o pagkakataon. ~ Gumagamit ng table of Random Digits.
PORMULA SA PAGKUHA NG INTERVAL
NON-RANDOM SAMPLING
Purposive o Deliberate Sampling ~ Ang kraytirya o layunin sa pagpili ng mga respondente ay siyang batayan sa pagpili ng magiging sampol.
o
Quota Sampling ~ Tinitiyak muna ang mahalagang katangian ng populasyon at saka pipili ng sampol sangayon sa itinalagang quota.
Convenience Sampling ~ Ito ay amg pagkuha ng sampol o tagatugon pabor sa katayuan o kalagayan ng mananaliksik.
Halimbawa ng Respondante Ang mga mag-aaral sa apat na napiling pamantasan sa kalakhang Maynila ang nagsilbing tagatugon ng pananaliksik. Pinili ang Pamantasan ng De La Salle (DLSU), Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Unibersidad ng Pilipinas (UP), at Unibersidad ng Sto. Tomas (UST). Napili ang apat na pamantasang nabanggit sapagkat una, sila ang mga unibersidad na may inihahaing programa na may kinalaman sa Panitikang Pilipino. Ikalawa, ayon sa websayt na http://www.topuniversities.com, ang mga unibersidad na ito mga nangungunang unibersidad sa kalakhang Maynila at Pilipinas. Systematic Random Sampling ang ginamit na paraan sa pagpili ng kalahok. Isa itong konseptong pang-istatistikang may masistemang paraan sa pagkuha ng mga kalahok sa pagsasagawa ng isang pag-aaral.
INSTRUMENTONG GINAMIT
Ipinaliliwanag sa bahaging ito kung ano-ano ang ginamit na instrumento sa pananaliksik (halimbawa: talatanungan, mga giya sa panayam, at iba pang papeles) upang masukat ang mga baryabol na ginamit sa pananaliksik sang-ayon sa layunin, target na awdyens, relayability at baliditi, pagsasaayos at pag-iiskor sa mga talatanungan.
Halimbawa ng Instrumentong Ginamit Gumamit ng talatanungan ang mga mananaliksik upang makapangalap ng datos para sa kanilang pananaliksik. Nahahati ito sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay tungkol sa profayl ng mga kalahok. Kinapapalooban ito ng Pangalan, Taon, Kurso, Unibersidad, at Koda at Deskripsyon ng Asignatura. Ang ikalawang bahagi ay mga katanungang ibinatay sa mga suliranin ng pananaliksik. Binubuo ito ng labing-isang tanong na may tig-aapat na pamimilian. Ang mga ginawang pamimilian ay hango sa mga pananaliksik, karanasan, at kaalaman ng mga mananaliksik. Sa katanungan bilang 5, 8 at 9 ay naglagay ng pamimiliang iba pang kasagutan upang higit na malaman ang preperensiya ng mga kalahok. Samantalang sa katanungan bilang 10 at 11 ay naglagay ng tanong na bakit upang malaman ang dahilan ng mga kalahok sa isinagot nilang lebel ng kaangkupan at kabisaan ng dulog na ginamit ng kanilang mga guro.
PARAAN
SA PANGANGALAP NG DATOS
Malinaw na inilalalarawan ang pagkakasunodsunod na hakbang kung aano nakalap ang datos.
Ipinaliwanag kung paano naipamudmod ang ginamit na instrumento maging ang ibinigay na panuto sa respondente o kalahok sa pag-aaral.
Halimbawa ng Paraan ng Pangangalap ng Datos Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa iba’t ibang silidaklatan katulad ng Ninoy Aquino Library and Learning Resources Center ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas , Aklatan ng Lungsod ng Quezon, Pambansang Aklatan,Aklatan ng Taytay. Gayundin ay gumamit ng computer para naman sa pananaliksik ng iba pang datos na makukuha sa pamamagitan ng internet. Upang makakuha ng wastong bilang ng mga mag-aaral sa mga pamantasang nabanggit, ang mga may-akda ay nagpunta sa mga tanggapan ng mga pamantasang napili upang humingi ng mga listahan ng mga mag-aaral mula una hanggang ikaapat na taon sa kursong napili. Ito rin ang gagamitin sa pagpili ng kalahok.
KOMPYUTASYONG ESTADISTIKA
Inilalahad sa bahaging ito ang ginamit na pormula sa pagkompyut ng mga nakalap na datos.
Kinakailangang maging malinaw kung ano ang layunin sa paggamit ng bawat pormula at kung ano ang tutuguning suliranin ng mga ito lalo na kung mayroong haypotesis na nakatalaga sa pag-aaral
MGA PORMULA
Percentage – sinusukat kung ilang bahagdan sa kabuuang populasyon ang sumagot sa isang aytem sa talatanungan.
Kung saan; f = bilang ng sumagot n = kabuuang bilang ng kalahok
Weighted Average o weighted mean ~ ang kabuuang product ng frequency at ang katumbas na bilang ng baryabol ay hinahati sa kabuuang bilang ng frequency.
kung saan, x = weighted average Σfx = kabuuang bilang ng frequecy at iskor N = bilang ng baryabol
Chi-square ~ Sinusubok ang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng naobserbahang frequency at inaasahang frequency
View more...
Comments