kabanata 3 for final.doc

February 15, 2018 | Author: Raymark D. Llagas | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download kabanata 3 for final.doc...

Description

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kabanata III Pamamaraan ng Pananaliksik Ang kabanatang ito ay maglalahad ng mga pamamaraang ginamit, paghahanda ng instrumentong ginamit sa pag-aaral, mga hakbang na ginawa sa paglikom ng mga datos, estratehiya sa pagpili ng mga kalahok, paglalarawan sa mga respondente, populasyon at magiging bilang ng kalahok at estadistikang ginamit sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng datos.

Pamamaraang Ginamit Deskriptibo ang uri ng pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik. Ayon kay James P. Key (1997), ang pamamaraang ito ay kumukuha ng mga impormasyong hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng isang pangyayari para mailarawan kung ano ang nagaganap. Isa sa mga metodong maaaring gamitin gamit ang pamamamaraang ito ay ang sarbey na tutugon sa kung ano ang pananaw ng mga kalahok sa dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino. Paraan ng Pagpili ng Kalahok Ang mga mag-aaral sa apat na napiling pamantasan sa kalakhang Maynila ang nagsilbing tagatugon ng pananaliksik. Pinili ang Pamantasan ng De La Salle (DLSU), Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Unibersidad ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (UP), at Unibersidad ng Sto. Tomas (UST). Napili ang apat na pamantasang nabanggit sapagkat una, sila ang mga unibersidad na may inihahaing programa na may kinalaman sa Panitikang Pilipino. Ikalawa, ayon sa websayt na http://www.topuniversities.com, ang mga unibersidad na ito mga nangungunang unibersidad sa kalakhang Maynila at Pilipinas. Kinuha ng mga mananaliksik ang bawat 30% ng bilang ng mga mag-aaral sa bawat pamantasang napili. Pinili ng mga mananaliksik ang tatlumpung porsyento (30%) dahil sa hindi lamang ito ang arbitraryo o “magic number” pagdating sa pangkaraniwang pananaliksik, ngunit batay sa librong Research Methods in Education nina Louis Cohen et. al. (2007) na kung sa pangkalahatang kongklusyon tungkol sa populasyon ng paaralan bilang kabuuan ang nais makuha o mabatid, ang laki ng sample ay dapat tatlumpu o tatlumpung porsyento man lamang. Ang mga kalahok ay nagmula sa una hanggang sa ikaapat na taon, kung paano sila pinili ay nakasaad sa napili ng mga mananaliksik na paraan ng sampling. Ang pag-aaral na ito ay pumili ng apatnapu’t tatlo na mag-aaral (43) sa Pamantasan ng De La Salle sa mga kursong A.B. major in Literature, tatlumpu’t siyam na mag-aaral (39) sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong A.B. Filipinolohiya, dalawampu’t tatlong mag-aaral (23) sa Unibersidad ng Pilipinas sa mga kursong A.B. Araling Filipino na may espesyalisasyon sa Panitikan, Malikhaing Pagsulat at Wika, at tatlumpu’t walo na mag-aaral (38) sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong B.A. Literature. Ang kabuuang bilang ng

41

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS mga kalahok ay isang daan at apatnapu’t apat (143) mula sa mga pamatansang nabanggit. Makikita sa Paradimo ng Sampling ang paraan ng pagpili ng kalahok at mga kraytirya sa pagpili nito.

Sampling Systematic Random Sampling ang ginamit na paraan sa pagpili ng kalahok. Isa itong konseptong pang-istatistikang may masistemang paraan sa pagkuha ng mga kalahok sa pagsasagawa ng isang pag-aaral. Ayon sa artikulo/websayt nina Bradley Woodruff et. al. (2009), hindi raw ito tulad ng Random Sampling na magkakahiwalay ang pagpili ng kalahok, ito ay ang pagpili mula sa mahabang listahan ng malaking bilang ng mga kalahok. Ang proseso nito ay nagsimula sa pagkuha ng bilang ng populasyon ng mga mag-aaral sa napiling kurso ng bawat pamantasan. Mula rito ay gumawa ang mga mananaliksik ng Random Number Table na kinapapalooban ng mga numerong hindi nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Ito ay isang paraan sa sampling na napili upang higit na maging sistematiko at malinaw ang pagpili ng kalahok. Pumili ng numero ang mga mananaliksik mula sa Random Number Table sa pamamagitan ng pagpikit sabay pagturo rito. Ang numerong naituro ay ang ginamit sa paghati sa bilang ng populasyon. Gayundin, ito ang nagsilbing batayan sa pagkuha ng unang kalahok sa listahan ng mga mag-aaral na nakalap mula sa mga pamantasan at dito rin nagsimula ang pagbibilang para sa mga sumunod pang kalahok. Ang listahan ng mga mag-aaral ay kinapapalooban mula una hanggang ikaapat na taon na nakaayos

42

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS na paalpabetiko. Ang resulta naman sa paghati ng bilang ng populasyon sa napiling numero ang naging interval o pagitan sa pagbibilang para sa mga sumunod na napiling kalahok sa listahan. Ang prosesong ito ay ginawa ng apat na beses katumbas ng bilang ng pamantasan.

Pamantasang

30%

De La Salle

ng populasyon

Politeknikong

30%

Unibersidad ng Pilipinas

ng populasyon

30% Unibersidad ng

ng populasyon

Pilipinas 30% Unibersidad

ng populasyon

ng Santo Tomas

Paradimo ng Sampling Deskripsyon ng mga Kalahok

43

Makikita sa mga sumusunod na talahanayan ang mga deskripsyon ng mga kalahok mula sa ginawang talatanungan. Nahahati ito sa Taon o Antas, Kurso at Koda at Deskripsyon ng Asignatura ng mga kalahok. Ilalahad ng unang talahanayan ang distribusyon ng mga napiling kalahok mula sa mga piling pamantasan sa kalakhang Maynila batay sa kanilang taon/antas sa kolehiyo.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Mga Piling Unibersidad Taon/Antas

Unang Taon Ikalawang Taon Ikatlong Taon Ikaapat na Taon Ikalimang Taon Kabuuan sa bawat unibersidad

DLSU

PUP

f

%

f

6

16.7

13

12

33.3

8

11

30.6

12

7

19.4

3

0

0

36

100

UP

% 36. 1 22. 2 33. 3 8.3 3

0 36

44

Kabuuan sa Pangkalahatan

UST

f

%

f

%

f

%

5

13.9

0

0

24

16.7

10

27.8

14

38.9

44

30.6

11

30.6

8

22.2

42

29.2

9

25

14

38.9

33

22.9

0

1

2.78

0

0

1

0.69

100

36

100

36

100

144

100

Talahanayan Blg. 1 – Distribusyon ng mga kalahok batay sa taon/antas Makikita sa Talahanayan Blg. 1, ang bilang ng mga kalahok na nagmula sa unang taon sa DLSU ay anim (6) o 19.7%, labingtatlo (13) o 36.1% ang sa PUP, lima (5) o 13.9% sa UP at sa UST, wala (0) o 0% ng kalahok ang nagmula sa unang taon sa kadahilanang hindi pa nila nakukuha ang asignaturang Panitikang Pilipino na isa sa mga kraytirya sa pagpili ng magiging kalahok. Ang bilang naman

ng mga kalahok na nagmula sa ikalawang taon ay labingdalawa (12) o 33.3% sa DLSU, walo (8) o 22.2% sa PUP, sampu (10) o 27.8% sa UP at labing-apat (14) o 38.9% sa UST. Samantala, magkatulad ang DLSU at UP sa bilang ng kalahok na nagmula sa ikatlong taon na may labing-isa (11) o 30.6%. Labingdalawa (12) o 33.3% sa PUP at walo (8) o 22.2% sa UST. Ang bilang ng kalahok na nagmula sa ikaapat na taon sa DLSU ay pito (7) o 19.4%, tatlo (3) o 8.33% naman sa PUP, siyam (9) o

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

45

25% sa UP at labing-apat (14) o 38.9% sa UST. Isa lang (1) o 0.69% ang kalahok na nagmula sa ikalimang taon at ito ay mula sa UP. Samakatuwid, pinakamaraming bilang ng mga kalahok ay nagmula sa ikalawang taon na may apatnapu’t apat (44) o 30.6% ng kabuuang populasyon ng mga kalahok. At ang huli ay mula sa ikalimang taon na may isa (1) o .69% ng kabuuang populasyon ng mga kalahok. Ang susunod na talahanayan ay magpapakita ng distribusyon ng mga kalahok mula sa mga piling pamantasan sa kalakhang Maynila batay sa kursong kanilang kinabibilangan. Mga Piling Unibersidad Kurso A.B Literature o Panitikan A.B Araling Filipino (Wika)

DLSU

PUP

UP

UST

Kabuuan sa Pangkalaha tan f %

f

%

F

%

f

%

f

%

36

100

0

0

0

0

36

100

72

50

0

0

0

0

9

25

0

0

9

6.25

A.B Araling Filipino (Panitikan) A.B Malikhaing Pagsulat AB. Filipinolohiya Kabuuan sa bawat unibersidad

0

0

0

0

16

44.4

0

0

16

11.1

0

0

0

0

11

30.6

0

0

11

7.64

0

0

36

0

0

0

0

0

36

25

36

100

36

100

36

100

36

100

144

100

Talahanayan Blg. 2 – Distribusyon ng kalahok batay sa kursong kinabibilangan

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Makikita sa Talahanayan Blg. 2 na sa DLSU, ang bilang ng mga kalahok mula sa kursong A.B. Literature o Panitikan ay tatlumpu’t apat (36) o 100%. Tatlumpu’t anim (36) o 100% naman ang bilang ng mga kalahok sa UST. Wala (0) o 0% ng kalahok ang nabibilang sa ganitong kurso mula sa PUP at UP. Sa PUP, tatlumpu’t anim (36) o 100% ng kalahok ay mula sa kursong A.B. Filipinolohiya. Sa UP, ang mga kalahok ay nagmula iba’t ibang kurso na may malaking kinalaman sa Panitikan. Siyam (9) o 25% ng mga kalahok dito ay mula sa kursong A.B. Araling Filipino (Wika). Labing-anim (16) o 44.4% ng mga kalahok ay mula sa kursong A.B. Araling Filipino (Panitikan). Labing-isa (11) o 30.6% naman ay mula sa kursong A.B. Malikhaing Pagsulat. Sa pangkalahatan, nahati ang mga kalahok sa limang kurso. Ang A.B. Literature na nakakuha ng pitumpu (72) o 50% ng kalahok, ang may pinakamaraming bilang. Habang ang A.B. Araling Filipino (Wika) na may siyam (9) o 6.25% naman ang may pinakakaunting bilang.

46

Ang susunod na talahanayan ay nagpapakita ng distribusyon ng mga kalahok mula sa mga piling pamantasan sa kalakhang Maynila batay sa koda at deskripsyon ng asignatura na nagbigay sa kanilang paunang pag-aaral ng panitikan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Koda at Deskripsyon ng Asignatura

Mga Piling Unibersidad DLSU

PUP

UP

UST

47

Kabuuan sa Pangkalahat an f %

F

%

f

%

f

%

f

%

0

0

36

100

0

0

36

100

72

50

22 5

61.1 13.9

0 0

0 0

0 0

0 0

0 0

0 0

22 5

15.3 3.47

Komunikasyon sa Filipinohiya

8

22.2

0

0

0

0

0

0

8

5.56

Kasaysayan ng Pilipinas

1

2.78

0

0

0

0

0

0

1

0.69

Introduksyon sa Pag-aaral ng Panitikan ng Pilipinas

0

0

0

0

17

4.72

0

0

17

11.8

Kasaysayang Pampanitikan

0

0

0

0

4

11.11

0

0

4

2.78

0

0

0

0

1

2.78

0

0

1

0.69

0

0

0

0

5

13.89

0

0

5

3.47

0

0

0

0

1

2.78

0

0

1

0.69

Philippine Literature Human Literature Wika at Kultura

Teorya ng Panitikan Panitikang Pambata Panitikan ng mga Rehiyon

Text Mo/Text Ko: Panimulang Pagaaral sa Panitikang Pilipino Nobela ng Pilipinas

0

0

0

0

1

2.78

0

0

1

0.69

0

0

0

0

4

11.11

0

0

4

2.78

Panitikang Oral ng Pilipinas

0

0

0

0

2

5.56

0

0

2

1.39

Ugnayang Pampanitikan ng Pilipinas at Timog Silangang Asya

0

0

0

0

1

2.78

0

0

1

0.69

Kabuuan sa bawat unibersidad

36

100

36

100

36

100

36

100

144

100

Talahanayan Blg. 3 – Distribusyon ng mga kalahok batay sa koda at deskripsyon ng asignatura

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Makikita sa Talahanayan Blg. 3 ang ipinakikita na tatlumpu’t anim (36) o 100% mula sa PUP at UST ang kumukuha ng asignaturang Philippine Literature. Dalawampu’t dalawa (22) o 61.1% mula sa DLSU ang kumukuha ng asignaturang Human Literature. Lima (5) o 13.9% mula sa DLSU ang kumukuha ng Wika at Kultura. Walo (8) o 22.2% mula DLSU ang kumukuha/kumuha ng asignaturang Komunikasyon sa Filipinolohiya at isa (1) o 2.78% mula ulit sa DLSU ang kumukuha/kumuha ng asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas. At dahil sa nahati sa tatlong kurso ang mga mag-aaral sa UP, iba’t ibang asignatura ang kinukuha/kinuha ng mga kalahok mula rito. Labingpito (17) o 4.72% ang kumukuha/kumuha ng asignaturang Intruduksyon sa Pag-aaral ng ng Panitikan ng Pilipinas. Apat (4) o 11.11% naman ang kumukuha/kumuha ng asignaturang Kasaysayang Pampanitikan. Isa (1) o 2.78% kumukuha/ kumuha ng

48

asignaturang Teorya ng Panitikan. Lima (5) o 13.89% ang kumukuha ng Panitikang Pambata. Isa (1) o 2.78% ang kumukuha/ kumuha ng asignaturang Panitikan ng mga Rehiyon. Isa (1) o 2.78% ang kumukuha/kumuha ng asignaturang Text Mo/Text Ko: Panimulang Pag-aaral sa Panitikang Pilipino. Apat (4) o 11.11% ang kumukuha/kumuha ng asignaturang Nobela ng Pilipinas. Dalawa (2) o 5.56% ang kumukuha/kumuha ng asignaturang Panitikang Oral ng Pilipinas at isa (1) o 2.78% ang kumukuha/kumuha ng asignaturang Ugnayang Pampanitikan ng Pilipinas at Timog Silangang Asya. Samakatuwid, pinakamarami sa mga kalahok ang kumukuha/ kumuha ng asignaturang Philippine Literature

na may pitumpu’t dalawa (72) o

50% ng

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS kabuuang bilang ng populasyon. Pinakakaunti naman ang kumukuha ng asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas, Teorya ng Panitikan, Panitikan ng mga Rehiyon, Text Mo/Text Ko: Panimulang Pag-aaral sa Panitikang Pilipino at Ugnayang Pampanitikan ng Pilipinas at Timog Silangang Asya na may isa (1) o 0.69% ng kabuuang bilang ng populasyon.

Instrumentasyong Ginamit Gumamit ng talatanungan ang mga mananaliksik upang makapangalap ng datos para sa kanilang pananaliksik. Nahahati ito sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay tungkol sa profayl ng mga kalahok. Kinapapalooban ito ng Pangalan, Taon, Kurso, Unibersidad, at Koda at Deskripsyon ng Asignatura. Ang ikalawang

49

bahagi ay mga katanungang ibinatay sa mga suliranin ng pananaliksik. Binubuo ito ng labing-isang tanong na may tig-aapat na pamimilian. Ang mga ginawang pamimilian ay hango sa mga pananaliksik, karanasan, at kaalaman ng mga mananaliksik. Sa katanungan bilang 5, 8 at 9 ay naglagay ng pamimiliang iba pang kasagutan upang higit na malaman ang preperensiya ng mga kalahok. Samantalang sa katanungan bilang 10 at 11 ay naglagay ng tanong na bakit upang malaman ang dahilan ng mga kalahok sa isinagot nilang lebel ng kaangkupan at kabisaan ng dulog na ginamit ng kanilang mga guro.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Paraan ng Pangangalap ng Datos Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa iba’t ibang silid-aklatan katulad ng Ninoy Aquino Library and Learning Resources Center ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas , Aklatan ng Lungsod ng Quezon, Pambansang Aklatan,Aklatan ng Taytay. Gayundin ay gumamit ng computer para naman sa pananaliksik ng iba pang datos na makukuha sa pamamagitan ng internet. Upang makakuha ng wastong bilang ng mga mag-aaral sa mga pamantasang nabanggit, ang mga may-akda ay nagpunta sa mga tanggapan ng mga pamantasang napili upang humingi ng mga listahan ng mga mag-aaral mula una hanggang ikaapat na taon sa kursong napili. Ito rin ang gagamitin sa pagpili ng kalahok.

50

Uri ng Ginamit na Istatistikal Gumamit lamang ng simpleng istatistika ang mga mananaliksik upang malinaw at madaling mabigyan ng pagsusuri at pagpapakahulugan ang mga nakalap na datos. Ang interpretasyon sa datos ay hango sa porsyento ng tugon batay sa pormulang nasa ibaba.

Kung saan: (f)= bilang ng mga sasagot 100= constant ng pormula

(n) = kabuuang bilang ng mga kalahok

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF