Kabanata 11-20 noli

January 27, 2017 | Author: Ben Cameron | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Kabanata 11-20 noli...

Description

Kabanata 11 Ang mga Makapangyarihan Pinakamayaman si Don Rafael sa kanilang bayan pero siya ay mabait at iginagalang. Lahat halos ng mga tao doon ay may utang sa kaniya Si Kaptan Tiyago ay mayaman din pero ang pakikisama sa kaniya ng mga tao ay paimbabaw lang. Totoong ipinaghahanda siya ng maraming pagkain at tinatawag siyang kapita pero pagtalikod niya ay kinukutya siya at ang tawag sa kaniya ay Sakristan lamang. Ang puwesto ng Kapitan ay hindi masasabing makapangyarihan, dahil ito ay nabibili lamang sa halagang limang libo. Siya pa ay nasa awa ng alkalde na puwede siyang sabunin at sisihin sa mga bagay-bagay. Ang kapangyarihan ay pinag-aagawan upang mapamunuan ang San Diego. Nandiyan si Pari Bernardo Salvi na isang paring Fransiscano na pumalit kay Pari Damaso. Isa siyang mabait na payat na pari at mahilig mag-ayuno. Nandiyan din ang Alperes at ang kaniyang asawang si Donya Consolacion. Ang alperes ang pinuno ng guwardiya sibil. Siya ay marunong magpakitang tao. Kahit hindi sila magkasundo ni Pari Salvi, siya ay nagpapakitang galang sa pari sa harapan ng maraming tao. Ganoon din si Pari Salvi. Pag talikod ng bawa’t isa ay kaniya-kaniya silang balak kung oaano sila maggantihan. Hindi siya masaya sa pagkakapangasawa niya, kaya siya naglalasing, nambubugbog at nagpapahirap ng mga sariling sundalo. Si Pari Salvi at ang alperes ang tunay na makapagyarihan sa San Diego. Kabanata 12 Araw ng mga Patay Isang makipot na daan na maputik kung tag-ulan at maalikabok pag tag-araw ang papunta sa sementeryo ng San Diego. Ang libingan ay nasa gitna ng taniman ng palay at napapalibutan ng pader at ng mga tanim na kawayan. Sa gitna ng sementeryo ay may malaking krus na may nakatitik na INRI sa lumang lata na nakapako dito. Ang krus ay nakapatong sa bato at halatadong luma na. Ang sementeryo ay madawag at tila walang nag-aasikaso dito. Nang gabing iyon ay may dalawang tao ang naghuhukay ng paglilibingan. Ang isang lalaki ay dating sepulturero habang ang isa ay bago pa lamang sa hanapbuhay na yaon.

Siya ay walang tigil nang pagdudura at paninigarilyo habang naghuhukay. Ikinuwento niya na lumipat sila mula sa kanilang dating tinitirhan dahil hindi niya matagalan ang inuutos sa kaniyang paghukay ng bagong libing para ilipat sa ibang lugar. Ang sepulturero man ay nagkuwento na mayroong pinahukay sa kaniya matapos mailibing ng dalawampung araw para lang ilipat sa libingan ng mga Intsik. Bumubuhos daw ang ulan noon at walang ilaw at kailangan pa niyang pasanin ang bangkay para madala sa ibang libingan. Dahil umuulan at hirap siyang dalhin ang mabigat na bangkay, itinapon na lang niya ito sa lawa. Ang nag-utos ng paghukay ng bagong namatay ay tinawag niyang Pari Garotte. Kabanata 13 Mga Unang Banta ng Unos Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik. Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

Kabanata 14 Si Pilosopo Tasyo Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw. Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan. Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.” Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata. Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael. Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay. Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.

Kabanata 15 Mga Sakristan Ang dalawang bata ay nasa tore ng simbahan ng San Diego, naatasan kasi silang tugtugin ang agunyas. Dito naglabas ng hinaing si Crispin sa nakatatandang kapatid, aniya sana nasa bahay na lamang siya dahil doon walang mamimintang sa kanya na siya ang magnanakaw at wala ring mamalo sa kanya. Sabi pa ng bata, sana’y nagkasakit na lamang siya upang maalagaan ito ng kanyang ina at hindi na siya pabalikin ng kumbento. Subalit ayon naman sa kanyang kuya, hindi maaari ang nais niya sapagkat kung magkagayon man, mamatay silang lahat sa gutom. Habang ang magkapatid ay nag-uusap, biglang dumating ang sakristan mayor, sinabi nito (sa galit na tono) kay Basilio na pinapatawan niya ito ng dalawang real (at alas diyes na ito makauuwi, sa halaip na alas otso) dahil sa walang kumpas na pagpapatugutog nito ng kampana, at ang nakababatang kapatid naman ng tinukoy, aniya, ay maiiwan sa gabing iyon hangga’t hindi nito nailalabas ang salaping diumano’y ninakaw niya. Nakiusap ang nakatatandang kapatid subalit wala itong nagawa. Kinaladkad pababa ang nakababatang kapatid ni Basilio. At habang tumatakas siyang paalis ng kumbento, naririnig niya ang puno-ng-hinagpis-at-pasakit na sigaw ng kapatid, subalit wala itong magawa. Ang kapatid namang namimilit sa sakit at panay ang sigaw ay patuloy na pinahihirapan ng Kura at ng Sakristan Mayor. Paglipas ng ilang sandali, sa isang lansangan ng bayan, may maririnig na mga tinig at umaalingawngaw na dalawang putok. Kabanata 16 Sisa Habang ang lahat ay natutulog ng matiwasay ang lahat matapos maipagdasal ang kanilang mga kaluluwa ng kanilang namayapang kamag-anak, may isang ina ang hindi magawang matulog kaiisip sa kanyang mga anak. Mayroon siyang asawa subalit mas madalas itong paggala-gala kung saan-saan kaysa matagpuan sa sariling bahay. Mahiligi din ito sa sabong kung kaya’t nagagawa nitong waldasin ang kanilang uunting salaping kinikita ng asawa sa pananahi, kung wala namang maibigay ang babai’y pinagmamalupitan ito. Dahil na marahil sa takot at sa lubos na pagmamahal sa asawa, hindi nito nagawa, ni minsan na ipagtanggol ang sarili at ang kanyang mga anak. Nang minsang umuwi sa bahay ang lalaki, inilahad ng asawa ang balak nitong ipasok ang mga anak sa simbahan upang maging sacristan, subalit hindi man lang sumang-ayon o ni tumutol ang lalaki, itinanong lamang nito kung ito’y mapagkakakitaan. Ngunit dahil na rin sa kagipitan at sa pagnanais na matuto ang mga anak, itinuloy nito ang balak. Nang gabing iyon, mag-isang nakaupo si Sisa sa kanyang munting dampa habang pinanonood ang kanyang sinasaing para sa mga anak. Mababakas sa kanyang mukha na mayroon itong itinatagong kagandahan nang siya’y bata pa – napakagaganda ng kaniyang mga mata, mahahaba at malalim ang tingin; katamtaman ang ilong, maputla ang labi niya at mahaba ang buhok. Dahilan sa inaasam-asam na pag-uwi ng mga anak, nanghingi si Sisa ng tapang baboy-ramo at isang hita ng patong bundok sa kapitbahay nitong si Pilosopong Tasio at dinagdagan pa nito ng ilang pirasong tuyo. Subalit hindi naman inaasahang dumating ang kanyang kabiyak at saka inubos ang inihanda niyang pagkain para sa mga anak. Nang mabusog saka niya naalalang itanong ang mga anak, na siya namang ikinatuwa ng ina. At

dahil dito, tatatlong piraso na lamang ng tuyo ang natira para sa mga anak, at dahil hindi kakasya sa tatlo ang natirang ulam, nagdesisyon na lamang ito na hindi na ito kakain. Habang hinihintay ang mga anak, dumungaw ito sa bintana at may nakitang asong itim. Bagaman hindi mapamahiin itong si Sisa, sinaklot siya ng takot na hindi niya mawari kung ano ang pinagmumulan. Kung anu-anong mga pangitain ang gumugulo sa kanyang isipan. Tulad na lamang ng pangitain niya sa kanyang anak na si Crispin. Subalit ang lahat ng ito’y naglaho nang marinig niya ang nagmamadaling tinig ng anak na si Basilio. Kabanata 17 Basilio Halatang pagod na pagod si Basilio nang dumating ito sa kanilang bahay. Pawis na pawis ito at mayroon pang dugong dumadaloy sa noo nito. Napahagulgol at napasigaw si Sisa nang makita ang sinapit ng panganay na anak. Subalit inalo naman ito nang anak at sinabing nadaplisan lamang siya ng bala nang paputukan siya ng mga gwardiya sibil na humahabal sa kanya, at ang kapatid naman niya’y naiwan sa kumbento. Hindi maikaila ni Basilio sa ina ang ipinaratang sa kapatid na pagnanakaw na sadya namang ikinabagabag ng ina. Nang mahimasmasan ang mag-ina, inalok ng ina ang kanyang anak kung nais nitong kumain at saka ikwinento ng may ngiti sa labi ang pag-uwi ng ama, na siya namang sinagot ng anak sa pamamagitan ng pagsimangot. Hindi na naghapunan ang mag-ina at mas pinili nilang matulog na lamang. Subalit hindi makatulog si Basilio at pilit na pumapasok sa kanyang gunita ang imahe ng kapatid na sinasaktan at ang nagmamakaawang tinig nito. Inalon ang mga pangitaing ito sa kanyang panaginip. Nakita niya ang kapatid na takot na takot na nagsusumiksik sa isang sulok ng madilim na kumbento habang hinahabol ng yantok ng kura ang manipis nitong katawan. Pilit nitong iniiwasan ang palo sa pamamagitan ng kamay. Namimilipit ito sa sakit at iniuuntog ang ulo sa sahig. Marahil sa sakit na bumabaliw sa buong katauhan ng bata’y kinagat nito ang kura sa kamay, na naging sanhi ng paghiyaw nito’t ‘di sinasadyang mabitawan ang yantok. Ngunit hindi ito nakaligtas sapagkat pinalo siya ng Sakristan Mayor sa ulo na naging sanhi ng kanyang pagbagsak at pagkawala ng malay. At hindi pa sila nasiyahan dahil mahigantihin ang kura’t tinadyakan nito ang walang malay na batang nakahandusay sa sahig. Sa mga sandaling iyon, naapuhap ang gising ni Basilio. Isang panaginip lamang pala iyon! Subalit nang tanungin ng ina kung ano ang napanaginipan ng anak, nagsinungaling ang anak upang hindi na lalong mag-alala pa ang ina. At sa halip, mas pinili na lamang nito na isalaysay sa ina ang balak niyang mangyari sa kanila sa hinaharap. Sa kakasalaysay ng kanyang mga pangarap, dinalaw na rin ng antok si Basilio, subalit ang kanyang ina’y nanatiling gising sa pangamba sa isa pang anak.

Kabanata 18 Mga Kaluluwang Naghihirap Nagtipon-tipon ang mga deboto at isang lalaki sa silong ng kumbento. Nang makita ni Hermana Rufa na padating ang kura, agad-agad nitong inabot ang kamay ng pari upang magmano subalit agad binawi ng pari ang kamay na ikinapahiya naman ng Hermana. Pinag-uusapan nila ang umalis na kura, nang biglang naisingit ni Manang Juana na siya’y nakapagkamit ng tatlong indulihensiya. Naging hudyat na ito nang simula ng payabangan ng mga deboto. Ayon kay Hermana Rufa, nagkamit diumano siya ng 457 indulhensiya plenaryo at 760,598 taon ng indulhensiya. Agad naman siyang pinasikatan ng Hermano na mayroon daw na nakahihigit na indulhensiya sa Hermana. Agad naman nitong tinanggap ang pagkakatalo at sinabing hindi ito nakapagtataka dahil siya ang maestro at ang pinuno ng lalawigan. At malugod naman itong tinanggap ng lalaki’t sinabing kahit siya’y natutulog ay nagkakamit pa rin siya ng indulhensiya, kung kaya’t kaya nitong itapon kung saan-saan ang indulhensiya niya. Tinutulan naman ito ni Hermana Rufa’t sinabi na ang indulhensiya’y hindi dapat itinatapon kung saan-saan, at mapupunta aniya ang Hermano sa purgatoryo. At ito naman ay itinaggi nang husto ng Hermano. Ayon kay H. Rufa, dapat daw siyang gayahin dahil malinis niyang inililista ang kanyang indulhensiya upang hindi siya makapangdaya at hindi rin siya madaya. Subalit ayon naman kay H. Sipa, wala nang hihigit pa sa ginagawa niya – na kapag nakabasag ang katulong niya ng baso, tasa o ano pa’y pinupulot niya ang lahat ng bubog, hanggang sa kaliit-liitan at doon niya ibabase ang kaniyang pagdarasal at pati ang kabayaran na dasal ng kanyang mga katulong. Pinutol naman ni M.Juana ang usapin tungkol sa indulhensiya nang tanungin niya kung paano dasalin ang tres padrenuestros, tres avemarias at tres gloriapatris – kung ito daw ba’y dinarasal ng sunod-sunod na tig-iisa o isa-isa muna ng tatlong beses. Ani ni H. Rufa, dapat hindi ihalo ang mga lalaki sa babae sa pagdarasal nito, na siya namang tinutulan ni H. Sipa. Nang tumitindi na ang iringan ng dalawa, pumagitna na ang maestro (Hermano). Sinabi na ng Hermanos kung bakit kinakailangan nilang magpulong at ‘yon ay sa dahilang ipatatawag daw sila ng kura upang alamin kung sino ang nais nilang magsermon – si Padre Damaso o si Padre Martin o ang koadyutor. Nasa gitna sila ng pagdidiskusyon nang biglang dumating si Sisa at umakyat sa kumbento na may dala-dalang bakol na may lamang mga gulay. Nagtuloy siya sa kusina at nakausap niya ang kusinero at ang katulong. Anila, ang anak daw ni Sisa’y tumakas kagabi dala-dala ang ninakaw. Kabanata 19 Mga Suliranin ng Isang Guro Ang lawa ng San Diego ay napapaligiran ng mga bundok kaya kahit na may malakas na bagyo, hindi ito naapektuhan. Dito makikita na nag-uusap si Crisostomo Obarra at ang isang lalaki na isang guro. Alam ng lalaki kung saan itinapon ang bangkay ni Don Rafael na ama ni Ibarra. Kasama raw si Tinyente Guevarra nang itapon ito sa isang bahagi ng lawa.

Sinabi niya na wala siyang magawa kahit na malaki ang utang na loob nito sa matanda. Si Don Rafael ang tumulong sa kaniya sa mga kailangan niya sa pagtuturo noong bagong dating lang siya sa San Diego. Ang mga mag-aaral ay walang sapat na magagastos sa paaralan. Ang mga magulang at pamahalaan ay walang pakikipag tulungan na makikita. Walang sapat na libro na nasusulat sa Kastila para magamit ng mga mag-aaral. Wala ring sapat na paaralan kung saan maaring ganapin ang klase kaya karaniwan ay ginagamit nila ang silong ng kumbento. Pag naingayan ang kura ay nagagalit ito at sinisigawan ang mga bata at guro. Kinuwento ng guro na kinakitaan niya ng malaking pagbabago ang mag-aaral sa wikang Kastila. Si Pari Damaso ay hindi sang-ayon sa pagtuturo ng Kastila sa itinuturing niyang mangmang. Ibig ng kura na pagaralan lang nila ang Wikang Tagalog. Ang paniniwala ni Pari Damaso ay ang guro ay katulad ng isa pang taong nagngangalang Maestro Circuela. Ayon sa pari, ito raw ay hindi marunong magbasa pero nakapagtayo ng paaralan. Inutusan ni Pari Damaso na hintuan ng guro ang pagtuturo ng Wikang Kastila sa mga mag-aaral. Sumunod naman ang guro kay Pari Damaso pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral ng wikang Kastila kahit na lang sa kaniyang kapakanan. Hindi lang sa pagtuturo nakikialam si Pari Damaso. Maging sa pagdisiplina sa mga bata ay inuutusan siyang gamitin ang pamalo nang malaman nitong itinigil niya ang paggamit nito sa paniniwalang hindi ito mabisa sa pagtuturo. Ayaw man niyang sundin ang pari ay napilitan na rin siya dahil mismong mga magulang ang gusto na ang kanilang mga anak ay disiplinahin. Nagkasakit ang guro dahil sa ayaw niya ang iniuutos sa kaniya. Nang bumalik sa galing sa pagkakasakit, kaunti na lang ang inabutan niyang mag-aaral pero wala na si Pari Damaso. Nagkaroon siya ng bagong pag-asa kaya isinalin niya sa wikang Tagalog ang mga aklat na nakasulat sa wikang Kastila. Idinagdag pa niya ang katesismo, pagsasaka at kagandahang asal na nakasaad sa Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka, kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan ng Pilipinas. Ang bagong kura ay walang pinakialaman kung hindi ang pagtuturo ng relihiyon na dapat daw ay

unahin. Nangako si Ibarra na tutulong sa guro. Dadalo siya sa pagpupulong ng tribunal sa panyaya ng Tinyente Mayor. Kabanata 20 Ang Pulong sa Tribunal Ang lugar kung saan ginaganap ang pagtitipon at pagpupulomg sa San Diego ay isang malaking bulwagan. Dito nagaganap ang pagpupulong ng tribunal na ang mga kasapi ay ang mga may kapangyarihan sa bayan. Dumating si Ibarrang kasama ang guro na nagsisimula na ang pagpupulong. Nahahati sa dalawang pangkat ang kapulungan. Ang mga matatanda ay pangkat ng conserbador at ang mga bata ay binubuo ang liberal. Ang mga kabataan ay pinamumunuan ni Don Felipo. a binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Ang pinag-uusapan nilang kasalukuyan ay ang tungkol sa piyestang darating. Nababahala si Don Felipo na wala pang ginagawang paghahanda ang kapitan at tinyente mayor samantalang labing-isang araw na lang ang natitira. Maraming napagdidiskusyunan ang tribunal na wala naming kapaparakan. Nagtalumpati pa si Kapitan Basilyo na wala namang laman kung hindi mga malalabong salitang . Sa inis ni Don Felipo, naglabas siya ng listahan ng mga gagastusin para sa mungkahi niyang magtanghal ng komedysa sa loob ng isang Linggo. Kasama sa listahan ang mga paputok na nagkakahalaga ng isanlibo. Ang dulaan ay paglalaanan ng dalawandaang piso bawa’t gabi. Walang sumang-ayon sa panukala ni Don Felipo kaya hindi niya na Pinagpilitan pa. Pati ang mungkahi ng kabisa na walang paputok, tipid na pagdiriwang at pagpapalabas ng komedya na nagtutro ng magandang ugali ay hindi rin tinangap ng kapulungan. Ang kura paroko pala ay mayroon ng kapasyahan para sa pista. Ito ay ang pagdaos ng anim na prusisyon, tatlong sermon at tatlong misa mayor. Mayroon ding komedya na sa Tundo gagawin Unang umalis si Ibarra na nagpaalam sa guro. May mahalagang bagay daw siyang lalakarin.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF