Just That - Jonaxx
April 24, 2017 | Author: Clarice Jenn Ramirez Malto | Category: N/A
Short Description
jonaxxstories.. jonaxxstories.blogspot.com...
Description
JUST THAT PLEASE DON’T CLAIM THIS AS YOUR OWN STORY. And please don’t redistribute this without asking permission. THANK YOU. ENJOY!
jonaxxstories.blogspot.com Lovelots, Jonah(jonaxx) He never asked anything like this from me. In fact, he did not deserve anything from the start. And he will not, ever, deserve anything from me. Not even pain. Because hurting him is like inflicting pain to my own self. Even if I love him, we can only be JUST THAT – nothing more. Friends, Best friends, Enemies, Strangers – we can be anything like that. And JUST THAT. But no matter how he tries to slap me with it, I still can`t resist falling.
Kailangan bang maging magbestfriend din ang mga anak ng mga magbestfriend din? Si mama at ang mama ni Gabriel ay bestfriends. Si papa at ang papa naman ni Gabriel ay mag bestfriends din. Ako at si Gab? Kailangan ba kaming mag bestfriend din? Ang kuya ko ay high school na, ang bunsong kapatid ni Gab naman ay grade three pa lang. Kaming dalawa, grade five. Kailangan ba naming maging magbestfriends din? Paano kung ayaw ko? At paano kung gusto ko siya... Paano kung gusto niya? Pagbibigyan ko ba siya? Paano kung ayaw niya? Pagbibigyan ko ba ulit siya? O baka naman... Kahit ano, ibibigay ko sa kanya dahil gusto ko siya? Eto ang gumugulo sa isip ko simula pa noon. At hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung ano ba talaga?
Kung grade five ka at wala ka namang ginagawa bukod sa pagbuntot sa bestfriend mong team captain ng basketball player at pakikipag asaran mo sa isang lukaret na babae, maraming pwedeng mangyari sayo. Pwede kang magka puppy love sa isang teammate ng bestfriend mo, pwede ka ring sumali sa isang pipitsuging pepsquad na itinatag nang kalolalolahan ng may-ari ng school niyo, at pwede ka ring iwan ng bestfriend mong pupunta na pala ng Ireland. Oo. Ganun ka rami ang pwedeng mangyari sa akin noon. "Bye, Eiji! Babalik ka pa ba?" Tanong ko sa bestfriend ko habang tinatahan ako ni Jana ang lukaret kong kaibigan. "Di ko pa alam, Cel, eh." Yinakap niya ako. "Magpakabait ka na lang muna habang wala ako. Okay?" Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko. Simula grade one, kaibigan ko na si Eiji. At talagang ang bait-bait niya. Siya pa yung nagbibigay sa akin ng bagong ballpen noon kapag nagtatae na ang ballpen ko. Sobrang mahal ko `tong kaibigan ko. Kaya nung umalis siya papuntang Ireland, umiyak talaga ako ng todo. Pati nga si Jana ay napaiyak na rin. "Ireland!" Sabi ni Jana habang linalapag sa harapan ko ang mapang kakabili pa lang niya sa National Bookstore. "Ang layo talaga, kahit anong isipin ko." Umupo siya sa harapan ko habang nasa canteen kami. Habang ako naman, ay tulala parin. "Celestine!" Sigaw niya. "Nalalanta ka na diyan ah? Siguro nanghihinayang ka dahil wala na ang bestfriend mong team captain nina Gab no? Di ka na ulit makakadikit sa basketball team." "Tsss. Di ganun yun. Mamimiss ko si Eiji. At nawalan ako ng kaibigan-" Napanganga ako nang nakita kong papalapit ang basketball team. "Oh! Tumulo pa yang laway mo dyan, Cel! Mapansin pa yan ng pinsan ko... naku..." "Jana, sobrang gwapo talaga ni Gabriel! Haaay." "Diba kapitbahay kayo? Close pa mga magulang niyo, ba`t di mo kaya siya kaibiganin at gawing bestfriend?" Nakatingin parin ako kay Gabriel habang nakikipaghighfive sa mga kasama nila sa team. Sayang lang at wala na si Eiji... "Ngayong wala na naman si Eiji, siguro naman... wala nang pipigil sa`yo sa pakikipagkaibigan kay Gab. kaya.. go lang nang go!" Hindi kasi magkasundo si Gab at si Eiji dahil ayaw ni Gab kay Eiji as teamcaptain ng basketball team nila. "Alam mo kasi, Jana. Di mo naiintindihan eh. Yang si..."
Tumingin ako kay Jana para ipaliwanag ang logic na matagal ko nang pinapaniwalaan. I whispered, "Gab..." Sumulyap ako kay Gab. "Yang pinsan mo, di ko pwedeng gawing bestfriend yan-" Nag evil smile pa ako. "MBAKIT naman?" Kumunot ang noo niya. "Kasi... hehe... Kung magbebestfriend kaming dalawa, baka di kami magkatuluyan! Gets mo ba?" Humagalhal ang tawa niya. "B-Bakit?" "Tsss... Ang OA mo talaga. Diba nga magbestfriends ang mama niya at mama mo? Pati rin yung papa mo at papa niya? Nakapagtataka talagang hindi parin kayo nagpapansinan, sa bagay... mejo nauutal ka kasi pag may ipapasabi ako sa kanya." Napabuntong-hininga ako at tiningnan ko ulit si Gabriel sa malayo. Grabe, ang saya-saya niya. Tawa siya nang tawa. Ang sarap niya sigurong kasama? Ba`t ba kasi ako nauutal pag kausap siya? May ibang paraan pa ba para maging kaibigan ko siya? Sana man lang, mapansin niya ako. Sana... tumingin man lang siya sa akin. Kailan ko kaya siya makakausap? Di ko man lang namalayang ang panahong iyon pala, ay nalalapit na. Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang mga bagay na iyon. Hapon noon nang sinipa-sipa ko ang bato habang naglad patungo sa bahay namin. Kagagaling ko lang sa school, final examinations na kasi. Linalakad ko talaga ang papuntang bahay, di na kasi umaabot ang jeep sa loob ng subdivision na ito eh. May nakita akong maitim na something sa loob ng bakuran ng isang bahay. Pero di ko na inisip yun. Bored ako kaya panay parin ang sipa ko sa bato. Mamaya na ako titigil sa pagsipa kapag napatapat na ako sa bahay nina Gab. Sana naman kahit makita ko na lang ulit siyang kumakain sa loob mangyari na. Naiwala ko ang bato nang may narinig akong KAHOL NG ASO. "ARFFFF ARFFF ARFFF AWW AWW AWW!!!" Lumingon ako at nakita kong ang tatlong maaitim na german sheperd na handa akong lamunin ng buhay. OH MY GODNESS. "AHHHHHHHHH!" Muntik nang masira ang vocal chords ko. Tumakbo na ako. Kung minamalas ka nga naman, hahabulin ka ng aso!
Sobrang bilis ng takbo ko, adrenaline rush na yata. Pero mukhang excited talagang magkaulam ang mga aso kaya mas mabilis ang takbo nila. Nakita ko ang bahay nina Gab. At nakita ko si Gab na lumalabas sa gate ng kanilang bahay at tumingin sa akin. Syempre, di ko kayang dumiretso sa bahay no, baka maabutan na ako ng mga aso. Kaya kay Gab na ako tumakbo. "GAAAAB!" Sigaw ko. Grabe, di ko na maitsura ang sarili ko. Pers taym kong tinawag siya sa kanyang pangalan. Sa ganitong pagkakataon pa. Nakakahiya naman. Oo, first time ko yun. Di rin naman kasi kami nag-uusap eh. At di rin naman niya ako kinakausap. Nakakausap ko lang siya kapag may bilin si Jana. Pero di ko siya tinatawag sa pangalan niya. Lagi din kaming nagkikita dahil tatlong bahay lang ang pagitan naming dalawa, bestfriends pa ang mga magulang namin, pinsan pa siya ni Jana... o diba? Hmmmmm. Tsaka, impossibleng di niya ako kilala. Dalawampung beses na kaming pinapakilala ng mga magulang ko. Limang beses na akong pinakilala ni Jana. At limang beses ulit akong pinakilala ni Kuya sa kanya. Magkakilala na nga kami ng bunsong kapatid niya. Kaya sobrang impossible. "Sho! Shoooo!" Sabi niya sa mga aso. Nasa likuran niya ako nun at takot na takot na ako. Kaya ayaw ko ng mga aso eh. "Wala na..." Sabi niya nang umalis ang mga aso. "Hay s-salamat talaga, G-Gab. Sobra. A-Akala ko kakainin na ako eh. HAHHHH!" Bumuga ako ng napakalakas na buntong-hininga. Hinihingal parin ako. Kinikilig pa. Knight in shining armor ang dating ng crush ko. WAHAHAHA Pero kakahiya, di ko maiwasang mautal. Naku, Celestine, umayos ka! Tumaas ang kilay niya. "Uh, Kilala mo ko? Sino ka nga ba?" Hinayupak. Mali ako, hindi pala ako kilala.
ONE Celestine Herrera: Ano? Ha?
Hindi niya ba ako kilala? Ang maganda kong pangalan ay di niya alam... kaya malamang... di niya ako kilala. Nainis ako ng konti sa kanya, at sa sarili ko. Ibig sabihin nito, kahit kailan hindi niya pa nasusubukang i-FLAMES ang mga pangalan naming dalawa. Isang masaklap na katotohanan. Samantalang ako, Gabriel Isaac Soriano - di ko na sinasali ang Middle Name para di masakit sa FLAMES. "A-Ah. Ako si," Tinuro ko ang bahay namin. "Ce-Cel. Di mo ba ako kilala?" Nag-isip siya at tumingin sa kawalan. "Cel... Celestine?" *TUGDOG* Lumakas ang pintig ng puso ko. It`s good to know that he knows me. YES! Tumango ako. "Ahh. Ikaw ba yung siponin nung kinder?" Tanong niya habang nagfa-flashback sakin ang mga siponin-days ko. Pati yata pang-iinis ni Kuya ay naisip ko. ACK~ Bakit ganun ang pagkakakilala niya sakin? "Ahh. Huh? O-" Tanga mo, Cel! "Yun ngang taga diyan?" Sabay turo sa bahay namin. "Yung kapatid ni Sky?" Si Sky ang kuya kong kaibigan din naman nitong si Gab. Kaibigan sila dahil si Kuya ang EX team-captain ng basketball namin. Kaya lang, napasa kay Eiji ang trono nung naghighschool na siya. "O-Oo." Ngumiti pa ako. Tumango siya. "Akala siguro ng mga aso, buto ka. Buto`t balat ka eh." Napatingin ako sa katawan ko. Wait, insulto ba yun o ano? Pagkatapos nun ay tinalikuran niya na ako. Di man lang siya nagpaalam. Tsss. Syempre, di naman kami ganun ka close para magpaalam siya. Ganun ba talaga yun? Di ba talaga nagpapaalam pag di close? O baka naman... palusot ko lang yun para di magalit sa kanya? Ah basta! Dapat maging close kami para makapagpaalam na siya sa akin kapag aalis na siya.
Ganun lang talaga ang iniisip ko habang pinapanood si Kuya na naghahanda para sa basketball game niya dito sa subdivision namin - pag summer kasi, may basketball tournament talaga. Kasama niya si Gab and any time now, ay susunduin na siya ni Gab. Excited na akong mamansin sa kanya. "Pasok ka lang, Gab!" Sigaw ni Kuya habang tinitingnan si Gab na nasa labas ng gate. "May laro kayo, Sky?" Tanong ni papa. "Opo..." Inaayos ni Kuya ang medyas niya. "GABBB! Pasok!" Sigaw niya ulit kay Gab. "Hoy Cel... papasukin mo nga yang si Gab." "H-Ha?" "Hindi yata ako naririnig eh. Bilis! Buksan mo ang gate!" "A-Ak-" "BILIS NA!" Kainis naman `tong si Kuya... sinisigaw-sigawan pa ako. Kakahiya naman. "G-Gab, pasok k-ka." Tiningnan ako ni Gab habang nag-a-ice sa gilid. Tumango siya nang nakitang binuksan ko ang gate. Ngumiti ako. Nagpacute pa. "Pasok ka, Gab! Magkaibigan pala kayo ni Cel. Magkaklase ba kayo?" Tanong ni papa. "Naghahanda pa si Sky sa loob." "Ahh. Di po kami magkaklase netong si Cel. Pero, kilala ko po siya..." Yeah right! Ako yung siponin diba diba? "Sige, pumasok ka sa loob. Ang tagal kasing naligo ni Sky eh." Sabi ni papa pagkatapos ay umalis na siya para magtrabaho. Nauna na akong pumasok sa loob. HEHEHE. "Cel?" OMG! Tinawag ako ni Gab? Tumawa siyang bahagya nang lumingon ako sa kanya. "Ano?" "May pula sa ano mo..." Sabay turo sa likuran ng shorts ko. "Ha?" Binibiro ba ako nito? "May dalaw ka yata..." Tumawa siya. DALAW? EH.. DI PA AKO~
"Tayo na!" Sabi ni Kuya habang palabas ng bahay. Ako naman, parang tangang tinitingnang mabuti ang likuran ng white shorts ko. "YUCK, CEL! May dalaw ka na? Ewwwww..." Sabi ni Kuya. "HAHAHAHAHA. Sabi ko na nga ba eh. First time ba?" Sabi ni Gab. "Magpalit ka nga dun." "Ewwww!" Tumakbo na ako sa kwarto! Mga walang hiya! Leche! Eh... argh! nakakainis! Bakit ngayon pa? First time ko nga.. pero... bakit si Gab pa ang unang makakakita! Tinawanan pa ako ni Kuya. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. SHEEEET!
TWO Celestine Herrera: si-sigurado ka ba sa gagawin natin?
Tandang-tanda ko noon ang pagpupumilit ni Jana sa akin na samahan siya sa audition niya para sa isang pep squad nung tumungtong na kami ng high school. Lilinawin ko lang ah, hindi po ako marunong sumayaw. Kahit Macarena lang yan o Asereje, di ko talaga kaya. Paano na lang kung mag breakdance diba? "Sige na naman, Celestine! Please... Please... Please... Back up ka lang naman eh. Pero may pag-asa kang masali sa pep squad." Todo ang luhod niya sa harapan ng table namin habang nag Fi-FLAMES ako, kinikilig pa. "Naku Jana... Tigilan mo ko. Magpapabitin na lang siguro ako ng patiwarik kesa sa sumali-sali sa mga ganyan." "Sige na! Kung sasali ka, eh lagi mo na makikita si Gab! Ple-" Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Jana naman! Banggitin mo pang pangalan niya, kukutusan na kita." Tinanggal ko ang palad ko sa bibig niya. "Baka may makarinig satin dito... naku!" "Tsss. ano naman ngayon? Tsaka... sige na, sumali na tayo! Para naman magkaroon na ng development ang pagkakaibigan niyong dalawa."
Umismid ako kay Jana at nag-isip. Dahil sa kagustuhan kong mapalapit sa kanya, tinanggap ko ang hamon ni Jana na mag audition sa pep squad na sinasabi niya. Alam ko, it`s a matter of life or death. Malaki ang porsyento ng pagpalpak ko. Pero, ganun pa man... ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Buong buwan ng Hunyo kina Jana ako tumatambay para magpractice lang ng sayaw namin. Maganda ang tugtugin kasi halo-halo ito, remix ng mga bagong kanta at kung anu-ano pa. Ang galing sumayaw ni Jana eh... nag ti-tiyaga pa siyang turuan ako. "Wow. Grabe! Nakita mo ba yung routine ni Stacey? Grabe. Ang galing pa niyang tumambling. Nag split pa talaga siya sa huli!" Sabi nung mga babaeng kaka-audition lang yata sa pepsquad. Sa loob ng gym ang audition, at nasa labas muna kami ni Jana dahil kinakabahan daw siya. ACK~ Yung tinutukoy nilang si Stacey ay yung seatmate ko? Yung maganda kong seatmate na mejo... uh, hindi friendly... snob. Magaling pala yung sumayaw? Pinatunog ko ang mga buto ng daliri habang pinapanood ang pag-eexcercise ni Jana. "J-Jana... Narinig mo yun? T-Tumbling daw! Split pa..." Tumigil siya sa pagwa-warm up. "Asus, di naman kailangan yun eh. Pasikat lang yung Stacey." Sabi niya. Nakita kong pumasok na rin ang ibang mag-aaudition. "Pasok na tayo?" Sabi ni Jana habang hinahawakan ang kamay ko. Tumango ako pero sobrang gusto ko nang mahimatay sa kaba. Uulitin ko po, kahit na mas marami ang mga steps sa kamay kesa sa steps sa paa, nahihirapan parin ako. Kailangan ko pang tingnan si Jana para lang makuha ng tama ang mga steps. Hiyawan ang naabutan ko sa buong gym. Tiningnan kong mabuti ang mga judges. Nakita kong mga junior at senior ang mga nandun. Kinabahan ako. Pero mas lalo akong naluray sa nakita kong mga manonood. Andun si Stacey, iba pang magagaling sumayaw na estudyante, at syempre ang basketball team! Namutla ako nang nakita ko na naman ang tumatawang mukha ni Gab habang nanonood sa kasalukuyang nag a-audition. Tila kinakantsawan nila bawat mali ng sumasayaw. ARGH!
"Jana, si-sigurado ka ba sa gagawin natin?" "NEXT!" Sabi nung isang senior na mukhang cheerleader nila. "Cel, lika na!" Hinila niya ako sa gitna. Mejo hindi pa nga humuhupa ang hiyawan ng mga tao sa loob. Saka lang sila tumigil nang pinatugtug na ang sasayawin namin. Sa mga unang steps, sisiw lang sakin. Kaya lang, nawala ang concentration nang nakita ko si Stacey sa gilid ng isang senior. Kahit na may sumusuporta pala sakin sa basketball team at sumigaw pa ng, "GO! HERRERAAA!" Amfufu, kilala ko yun! Si Kuya yun eh! Kaya lang... wala na. Walang wala na ako sa dancesteps ni Jana. Binibigyan niya pa ako ng mga maasim na mukha at parang pinapaalala niya sa akin ang hirap na pinagdaanan namin sa pagpapractice lang nito. Para na akong batang tumitingin sa kanya at huling-huli sa steps niya. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Sobrang kantsawan at sobrang tawanan. Naiiyak na nga ako. Masyadong nakakawala ng self-esteem ang pangyayaring ito. "ANO! Sige! Tumawa ka pa!!!" Nabigla ako nang may biglang sumigaw ng ganito. Kahit di pa natatapos ang sayaw namin ni Jana, pinatay na ang stereo at napatingin kaming lahat sa nagkakagulo. Linapitan pa ako ni Jana at hinawakan ulit ang kamay ko. Nakita ko si Kuya Sky na tinutulak ang isang di ko kilala. "Totoo naman eh. Di marunong sumayaw yun-" Sinuntok ito ni Kuya. Mejo napaiyak ako nang nakita ko yun. Nagkagulo na rin pagkatapos inawat si Kuya. Pero mas lalo akong nabigla nang nakita kong kinwelyohan ni Gab yung lalaki... "Sige, ipagpatuloy mo nga! SINONG DI MARUNONG SUMAYAW?! HA?" Nanggigigil at nagngingitngit sa galit si Gab. Agad tumakbo ang lalaki.
THREE Celestine Herrera: Tumigil ka nga!
To make everything worst, hindi ako nasali sa pepsquad. Panay ang cheer-up ni Jana. Pero ang totoo, hindi na yun kailangan. Dahil mukhang sapat na saking nakita si Gab na pinagtatanggol ako. Sobrang saya ko. Hindi ko nga lang ipinapakita dahil nahihiya parin ako sa nangyari. "Okay lang yan, Cel. Gusto mo libre kita? Libre kita ng kahit anong gusto mo... Anong gusto mo?" Sabi niya habang hinihila ako sa canteen. Natanggap nga pala si Jana. Syempre, magaling yun eh. "Wa`g kang mag-alala. Kahit ano, ililibre kita." Papasok kami sa canteen nang naabutan naming nakatingin ang mga tao sa akin. Andun pa si Stacey na umiinom ng chocolate drink, nakatingin na rin sakin. "Wa`g na lang dito..." Sabay hila pabalik ni Jana sakin. "Hi, Ms. Dancer!" May nanginis pa saking freshmen din pero sinaway naman ito nang kasama niya. Umismid ako at bumuntong-hininga. "Ilibre mo na lang ako sa labas." Sabi ko kay Jana. Nakatingin lang si Jana sa likuran ko. "Hindi pa daw uuwi si Sky. Nakiusap siyang-" Lumingon ako sa nagsalita. "-sasamahan ko raw si Celestine sa pag-uwi." "Ahhh. Ganun ba? Kasi, Gab... Ililibre ko pa si Celestine eh." "Huh? Anong ililibre mo sa kanya?" Tiningnan ako ni Jana, "Kung anong gusto niya." Nag evil smile si Gab.
"Pero kung.. okay lang naman, Cel diba? Na... ano? Next time na lang kita ililibre? May meeting din kasi kami sa squad eh. Sige, Gab! Ingat kayo!" "Ja-Jana!" Aroy nomon. Grabeng Jana yun, ambilis mag-isip. Agad pa talaga akong pinagkanulo sa pinsan niya. Ngayon, kami na lang ni Gab ang natira. Naramdaman kong namumula ang pisngi ko. Sumulyap pa siya sa canteen para tingnan kung sinong nandun. "Sa labas ka ba talaga magpapalibre? Ba`t di sa canteen?" Tanong niya. Ano raw? Ililibre niya ba ako? "Uh... W-Wa`g na no. hehe." Pa-cute. "Di naman a-ako nagugutom eh." Tumitingin parin siya sa canteen. Para bang... di siya nakikinig sakin. "Gab!" Sabi nung teammate niyang kalalabas lang sa canteen. "Yung crush mo, may gusto din pala sayo. Andun sa loob eh! Puntahan mo, dali!" Nagtawanan pa sila kasama si Gab. "Talaga?" Lumingon si Gab sakin. "Cel, pumasok na tayo sa loob!" Sinasabi niya na parang excited nang pumasok. "H-Huh?" CRUSH NIYA? SINONG CRUSH NIYA? HINDI AKO? Malamang! Eh nasa loob daw eh. Nasa labas ako. Mejo naramdaman kong nag-init ang mukha ko at di ko alam kung bakit unti-unti akong naiinis sa kanya. "Sige, Gab! Uwi na ako. Next time na lang ah!" Sabay walk-out ko. "Oi, Cel!" Tumakbo siya sakin. "Bakit?" "Sakit ng katawan k-ko eh." Pinagpapawisan naman ako ngayon ng malamig. HAHAHA >:D Hindi niya talaga pinuntahan ang crush niya kuno... para lang habulin ako.
Linibre niya ako ng dirty icecream. May paniniwala kasi akong kung hindi malambot ang kakainin ko, baka di ko lang to malunok dahil siya ang kasama ko. Naglakad din kami nang nakarating na kami sa subdivision. Eto yata ang pinakamasayang araw ko. Sobrang saya--kahit na nakakahiya yung nagawa ko. "Ang galing mo kanina ah?" Humalakhak siya. "Galing ng sayaw mo!" Natigilan ako. Bakit niya... binabanggit yan? GRRRR... Tiningnan ko siya with my angry face. "AHAHAHA. Ano ba kasing talent mo?" Kaasar naman pala siya. ECK~ "Talent? Wala..." Sabi ko. Mejo naasar ako dun sa mga sinabi niya. Siguro, ganito na talaga siya. Napaisip din ako, ano nga kaya ang talent ko. Yung maari kong maipagmalaki. Yung maari kong ipagmalaki sa kanya, nang sa ganun ay di niya ako tawanan. "Eh.. ikaw? Sino naman yung crush mo?" Tanong ko, alam kong off-topic pero wala lang. HEHE "Crush ko? Ba`t ko naman sasabihin sa`yo?" "Narinig ko kaninang nasa loob daw ng canteen ang crush mo? Sino ba kasi?" "Bakit ko sasabihin sa`yo? Close ba tayo?" Unti kong naramdaman ulit ang galit na naramdaman ko kanina. Pinipigilan ko ang sarili kong magalit sa kanya pero bakit parang nakakainis talaga siya? Tsaka... ibig sabihin ba nun kapag nalaman ko na galing sa kanya ang pangaln ng crush niya ay close na kami nun? "Siguro pangit siya no kaya ayaw mong sabihin?" "PANGIT? Anong pangit? Ba`t naman ako magkaka-crush sa pangit?" "Ba`t kasi ayaw mong sabihin? Ako ba?" "HINDI NO! Si Stacey. Kilala mo ba siya?" Tanong niya. Si... Si Stacey! Eh... ang ganda nun! "AH.. Oo eh." I faked a smile. Ang sakit nun. Yung... 'HINDI NO!'--feeling ko tuloy nandiri siya sakin sa mga oras na yun. :( Tsaka, kaasar din siya ah! Nakaka-turn-off ang ugali. Alam kong pilyo siya, pero hindi ko inaasahang pati sa akin ay ganyan parin siya.
"Ikaw, sinong crush mo?" "A-Ako? C-Crush?" Ikaw! Wish ko lang kaya kong sabihin yan. "Ah... hehe. Yung si... hehe." Tumaas ang kilay niya habang tinitingnan ako. "Sino? Ang daya mo naman. Sinabi ko kung sino ang crush ko... tapos ikaw, di mo sinasabi! Bakit? Nahihiya ka kasi pangit no?" Anong madaya? Siya yung madaya! Kasi... siya ang crush ko. Tapos, hindi naman ako ang crush niya! :( "Nanonood ba yung crush mo kanina? Siguro iniisip nun nag titinikling ka sa sayaw mo. HAHAHA >:D " Umapoy talaga yung mga tenga ko pagkatapos kong narinig ito kay Gabriel. Feeling ko, namula ang pisngi ko. "Tumigil ka nga!" Nakakahiya. Siya pa ang nagsasabi niyan - eh siya yung crush ko! "Nukaba! Loko lang yun... HAHAHA >:D " Umismid ako sa kanya. Ganun ba talaga kapanget yung sayaw ko kanina? GRRR... Kakahiya naman o. Nakapagtataka dahil pagkatapos nung asaran namin, di niya na ulit tinanong kung sino ang crush ko, siguro dahil... hindi naman talaga siya interesado... O baka... masasaktan lang siya pag marinig niyang di siya ang lalabas sa bibig ko. Pero... sana... yung huling rason na lang... :(
FOUR Celestine Herrera: Nung firstyear pa lang ako.
Akala ko, pagkatapos nang araw na yun di na ako magkakacrush sa kanya - mejo nakakaasar kasi siya. Kaya lang, mukhang sa kakaisip ko sa kanya, mas lalo yata akong nagkakagusto. At lalo din siyang dumidikit sa akin. Sabay siya nang sabay sa pag-uwi. Kaya lagi akong masaya pag-uwi sa bahay. Dumadalas na rin ang daydream ko sa kanya. Kaya lang nakakainis nang isang araw, nakita ko siya at ang kanyang mga teammate na sina Jude at Jake sa corridor... "Hi Gabriel!" Sabi nung isang babae. "Hello!" Sabay ngiti pa niya at ng kanyang mga kasama. Lahat ng babae, binabati niya. Pero pag ako ang nakakasalubong niya... "Hoy Cel! May muta ka oh! Tsss." Sabay tawanan ng grupo. Nakakainis nga eh, pero di ko parin siya matanggal sa isipan ko. Pati rin yata sa puso ko. Unti-unti kong narerealize na yung akala ko noong pilyo siya sa lahat ng tao, eh mali. Yung totoo pala... ako lang ang inaasar niya. Ako lang yung tinatawanan niya. Nakakainis isiping iba ang pakikitungo niya sa akin. Napasinghap ako habang nakapangalumbaba sa isang bench. "Celestine!!!" Sigaw ni Jana na para bang may sunog. "Ano?" Ambilis nang takbo niya habang dala-dala ang isang notebook na color yellow. "Ano ba? Anong nangyari?" "HAAH!" Humingal siya. Linapag niya ang notebook at tinuro-turo ang isang question dito... "Who is your bestfriend?" Tinuro niya ang sagot. "Celestine..." "HAHAHA!" Nag evil-smile siya. "Kitams! Bestfriend na turing ni Gabriel sayo!" "P-Patingin!" Sabay kuha ko sa autograph niya, tiningnan ko ang kabilang pahina at talagang si Gabriel ang nag sign nito - kanyang sulat-kamay. "hahaha. Sobrang excited akong ipakita sayo yan. Pinasagot ko sa kanya nung pumunta sila sa bahay. Grabe... HAHAHA." BESTFRIEND? Tiningnan ko ang baba nung question at sagot.
"Who is your crush? S.E." Initials lang ang nandun. Stacey Enriquez. Napabuntong hininga ako. "Ano ba! Crush lang naman yan! Malay mo... pa`g dating nang panahon eh... ikaw naman yung crush niya." Pampalubag loob? "Jana, isang taon na yung nakalipas nung nalaman kong crush niya yang S.E. na yan... impossible na yata-" "HELLER! Nukaba! O... eto... Tingnan mo!" Sabay turo sa ibabang question ng Who is Your Crush. Suminghap siya. "Who is your loved-one? GOD!" Sabi niya. "O... diba! Ibig sabihin nun! Di si Stacey yung loved-one niya...kaya mag saya ka na!" Simula noon, pinagbuti ko na ang pagiging bestfriend ko kay Gab. Para nang sa ganun, magkaroon ako nang pag-asang mahalin niya. Dumating ang third year high school. Si Kuya Sky, nag med school. Namimiss ko na nga siya dahil nagdo-dorm na kasi siya. Minsan lang siya umuuwi sa bahay namin. Pag umuuwi naman siya... ganito ang lagi kong naririnig sa kanya... "Kaya ikaw, Celestine~ Wa`g kang magbo-boyfriend. Maraming mga loko-lokong lalaki ngayon! Pinaglalaruan lang yung mga puso ng mga babae." Sinabi niya `to nang nahuli ko siyang tinatawagan ang isang taong tinatawag niyang 'HONEY' at tinawagan ulit siya nang isa pang taong tinatawag niya namang 'BABY'. "Kuya, nangangaliwa ka ba?" Tanong ko. "D-Di ah! Ako? Ambait ko no!" Nag evil smile siya. Umismid ako kasi alam kong ganun nga ang ginagawa niya. "Hoy! Akala mo no! Akala mo di ko alam na may gusto ka sa bestfriend mo kunong si Gabriel?" Muntik nang tumigil sa pagpintig nang puso ko nang sinabi niya yun. "H-Ha? Wal-" "HEH! Wa`g ka nang magmaang-maangan. Kala mo di ko nakita yung punit sa yearbook mo nung gradeschool? Mukha yun ni Gabriel eh. At pinalaminate mo pa talaga yung mukha niya ha?" Sabay pakita sakin yung laminated na picture ni Gab. Oo, pinalaminate ko pa yung picture na pinunit ko lang sa yearbook namin. Ginawa ko yan nung first year kami.
"Akin na nga!" Sabay kuha ko sa picture. Naramdaman kong namula ang pisngi ko habang pinapanood siyang nag-e-evil smile. "Winawala mo ang usapan eh! Isusumbong kita kay mama at papa dahil pinaglalaruan mo yung-" Tinakpan niya ang bibig ko. "O sige nga! Isumbong mo ko`t masumbong din kita kay Gab na may gusto ka sa kanya?" Nagkatitigan kami ni Kuya. Syempre, hindi ko kaya yung sinabi niya`t pumayag na lang ako sa deal namin. "Sa bagay... okay din naman si Gab eh. Gwapo din naman siyang tulad ko..." Nag evil smile si Kuya. "Kaya... okay lang!" "Ano bang pinagsasabi m-mo? Noon yun! Nung firstyear pa lang ako. Third year na ko no!" Tumawa siya nang napakalakas. "Basta... Wa`g kang magpaloko sa mga walang kwentang lalaki." Sinasabi niya siguro yan dahil naniniwala siyang lahat ng mga ka gaguhan ng mga Kuya ay pasanin ng kanilang nakababatang kapatid na babae. Ibig sabihin nun, kapag may papaiyaking babae ang kuya ko, ako naman ang iiyak ng ganun para sa isang lalaki. And the cycle goes... Pero... huli na ang lahat.
FIVE Celestine Herrera: May sasabihin din ako sa`yo.
Binuksan ko ang locker ko at may nahulog na isang envelope. Stationery! Zashikibuta ang character! Sinong nagbigay nito? Biglang may kumalabog na pintuan at nakita kong nagsialisan at nagtakbuhan sina Jake, Jude, Dexter at iba pang teammates ni Gab. "To: Celestine Herrera."
Para sakin? Binuksan ko `to at binasa... "Cel," Dumating si Jana. Pero di ko na pinansin yun dahil nakatunganga lang ako habang nanlalaki ang mga mata sa nababasa ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas nito... halos di ko marinig ang mga sinasabi ni Jana. "Ano ba yan?" "OH MY GOOOD! Secret admirer kuno!" Sobrang tuwa ko dahil sulat kamay ito ni Gab at may nakasabing: Gustong-gusto kita... Pwede ba kitang ligawan? Bigla kong yinakap si Jana at pareho kaming nagtalunan sa sobrang tuwa. Hindi ako makapaniwala! SOBRA! He was like the moon, the sun... to me. Ang taas niya na hindi ko maabot! Kahit na magkaibigan kami at tinuturing niya akong bestfriend, akala kong hanggang dun na lang talaga kami. Kaya sobrang saya kong parang gusto ko na lang magtawanan kami ni Jana buong araw. "Jana.. JANA! Anong gagawin ko?" "Sigurado ka bang si Gab yan?" Ganun din ang tanong ko... kaya lang... sa araw ding yun, naconfirm kong siya nga! Habang magkasabay kaming umuwi. Tahimik kaming dalawa. Nahihiya akong magsalita. At mukhang ganun din siya. "Uh, Cel... nabasa mo ba yung... letter?" Tanong niya habang nakangisi. "H-Huh? Le-Letter?" "Oo. Kasi... ako yung..." Ngumiti ako. WAAAA~! "AAAHH! Ganun ba~?" Nagkatinginan kami. Katahimikan. "Kelan ko malalaman yung sagot?" "Ikaw talaga... ambilis mo!" Pa-cute. Pa-cute lang ako nang pa-cute sa kanya.
Hindi naman nagbago yung pakikitungo niya sakin, unless kung pinapaalala ko sa kanya yung letter. Ang saya-saya ko. Balak kong sagutin siya sa prom para talagang memorable. HAHAHA. Sinabi ko na rin sa kanya na sa prom ko siya sasagutin. Kaya sobrang kinareer ko ang pagpili ng gown at kung ano yung hairstyle ko. Sinabi ko nga pala kay Kuya na nanliligaw si Gab sa akin, kahit mejo secreto pa. Ayoko din naman kasing maglihim sa kanya. Pero two days before our prom night, may sinabi si Stacey sa aking sana`y di ko na lang narinig. "Celestine." Tinawag niya ako. "O.. Bakit, Stacey?" Tumaas yung kilay niya at alam ko na - magtataray siguro siya sakin. TSSS! Crush niya si Gab eh, nakarating na siguro sa kanya yung balitang liniligawan ako ni Gab. "Kamusta na kayo ni Gab? Sasagutin mo na ba siya?" Tanong ni Stacey na para bang may darkplans dahil sa ngiti niya. "Okay lang naman kami... hmmm, ewan ko eh... titingnan ko pa kung sasagutin ko nga siya." Umismid siya sakin, "Ang feeling naman." "May sinasabi ka?" "Wala naman..." Ngumiti pa siya at umalis. Anong problema nung babaeng yun? Tss. Kahit kailan talaga ang chaka niya. Sobrang arte. Ano naman ngayon kung siya yung cheerleader nina Jana. Asus, kala niya naman kung sino siyang magaling. Kung magaling siya, dapat linigawan na siya ni Gabriel. Teka.. oo nga no? Crush ni Gab si Stacey, pero ba`t di linigawan ni Gab si Stacey? Siguro... kasi.. crush lang diba? HAHAHA Buti nga sa kanya. Inggit lang siguro yun! "Celestine, baba na!" Sabi ni Kuya. Hinatid niya kasi ako papunta sa venue ng prom namin. Sobrang excited na ako. Hindi lang dahil prom na namin, kundi dahil sasagutin ko na ngayong gabi si Gab! "Opooo!" Bumaba ako at feel na feel ko yung gown ko. Sinalubong naman ako ni Jana at iba pang kaibigan namin. Pero eto ang talagang nagpanganga sa akin nun, nakita ko si Gabriel... ang gwapo gwapo niya sa soot niya. Sobrang gwapo niya ngayong gabi! Nakikipaghighfive siya sa kanyang mga kasama - kumikinang talaga siya sa kagwapuhan niya.
"Hoy Cel! Yung laway mo oh! Sayang naman yung make-up mo." Biro ni Jana. "Bilisan mo na`t nang masagot mo na yang pinsan ko! HAHA Excited na ako..." "Ako rin! Natatakot lang ako kasi baka mautal ako mamaya kung sasagutin ko na siya. HAHAH" Pumasok na kami sa venue at umayos. Maayos ang program. First prom ko `to ngayon kaya sobrang kinabahan ako. Nakita ko si Stacey, ang ganda niya tonight. Kaso, dikit siya nang dikit sa basketball team. Palibhasa cheerleader na kaya ganun na lang kung makadikit. Ganun pa man, di parin ako nagselos dahil ang alam ko, ako ang nililigawan ni Gab at hindi ang Stacey na yun. "May I have this dance?" Ilang beses din akong yinaya ng mga kaklase ko para isayaw sila. Pero hindi ako pumayag dahil nakalaan lang ang sayaw ko ngayong gabi para sa lalaking pinakamamahal ko. "Cel..." Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ni Gabriel habang inaabot niya ang kamay niya sakin. Kinabahan na ako nun, kasi naiisip kong pagkatapos ng gabing `to... may boyfriend na ako. "May sasabihin ako sa`yo..." Sabi niya nang tinaggap ko ang kamay niya. "May sasabihin din ako sa`yo." Ngumiti ako. Kaya lang nakapagtataka yung ekspresyon niya. Nakatingin na rin ang ibang teammates niya sa amin. Pati si Stacey, nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay na nanonood sa amin. Kala niya siguro maniniwala ako sa sinabi niya? Makikita niya! Sasagutin ko si Gab at tutulo ang laway ng stacey na yan. "Bestfriend naman kita diba?" Seryoso ang mukha ni Gab ngayon habang isinasayaw ako. B-Bestfriend?
SIX Celestine Herrera: Di yun mangyayari!
*This is my last dance with you. This is my only chance to do all I can do.* "Sige, ikaw na muna ang maunang magsalita." Hamon niya sakin. Bakit? Anong sinabi niya kanina? Bestfriends daw? Akala ko ba gusto niya ako. Akala ko... mahal niya ako? Hindi ko maitsura ang mukha ko ngayon pero... ginawa ko parin ang lahat para magmukhang normal lang ang ekspresyon. "T-Tungkol dun sa... ano... letter." Tumango siya pero di niya kayang tumingin sa akin. Nagdududa na ako. "K-Kasi... bata pa tayo." Sabi ko, saka lang siya napatingin sakin. His face lightened up. "Tsaka..." Tinitingnan ko kung ano ang ekspresyon niya dito. "Di naman kita... uh..." "-Gusto?" Napangiti na siya habang dinudugtungan ang mga salita ko. "Uh, hindi naman-" "Okay lang, Cel!" His face lightened up. "Sabi na nga ba! Tama ako! Sabi kasi nina Stacey at ng mga teammates ko, may gusto ka raw sakin. Ayaw ko namang maniwala kasi bestfriends tayo diba?" Tama pa ba yung mga naririnig ko? "Ahh, Oo naman!" Tumawa pa akong bahagya. *This is the last chance for us. This is the moment that I just cannot let end...* Natigilan ako. Mejo... ayaw kong ngumiti pero pinilit ko. Kailangan kong bigyan siya ng ekspresyon na hindi taliwas sa pinapaniwalaan niyang... 'wala akong gusto sa kanya.' "Ang toto kasi... nagpustahan kami ng team. Sorry, Cel." Sige Cel, isipin mo na lang hindi mo natanggap ang letter na yun - ganun na lang ba yun? Sumulyap siya sa mga nakatingin at yumuko.
HINDI TOTOONG NANLILIGAW SIYA SA AKIN! HINDI TOTOONG MAY GUSTO SIYA SAKIN!? Kinukurot ang dibdib ko habang iniintindi ang bawat salitang binibitawan niya. Pinaasa niya ba ako? "Alam kong, pwede kang magalit sa ginawa ko. Pero... sana maintindihan mo. I just wanna prove my self and them that my bestfriend isn`t in love with me." Pero hindi ko siya naiintindihan! Yinakap niya ako habang isinasayaw. *So don`t let go, don`t let go. Make it last all night. This is my last chance to make you mine...* Tumutulo na yung luha ko pero mabuti na lang at di niya naman talaga napapansin dahil nga yinayakap niya ako. "Alam ko namang kilala mo kung sinong crush ko diba?" Napahikbi ako ng konti. Pero masaya ako`t di niya yon napansin. "O-Oo naman!" Di ako huminga para di niya maramdaman ang paghikbi ko. Palihim kong pinunasan ang luha ko. "Nakapagtataka nga yung panliligaw mo sakin eh." Hinarap niya ako at sinayaw ulit. *This is my last chance to make you mine.* "Galit ka ba sakin? Alam kong maiintindihan mo kung bakit ko yun ginawa, diba?" Si Gab ba talaga `tong nagsasalita? Hindi parin ako makapaniwala. Hanggang sa nakita ni Jana ang pagluha ko. Sinenyasan niya ako kung okay lang ba ako. Ngumiti na lang ako sa kanya. *Gotta find a way into your heart... Gotta speak my mind... Gotta open up to you this time... I cant let you slip away tonight... This is my last dance with you* Pucha! Galit sa`yo? Wish ko lang kaya ko! Napabuntong-hininga ako. "Alam ko, Gab!" Ngumiti ako. "Naiintindihan ko." Tiningnan niya ako. "Di bale... Okay lang yun!" Sobrang gusto ko nang magwala at umiyak ng todo pero natatakot akong makita niya yun sa mga mata ko.
"Salamat, Cel! Sabi na nga ba`t maiintindihan mo yun eh. Buti na lang talaga at walang gusto sakin ang bestfriend ko! Buti na lang understanding ka!" Kinurot pa niya ang pisngi ko at nag-eevil smile. Para bang walang nangyari. "Siguro sasagutin mo ko no kung talagang nagseryoso ako sayo?" Biro niya. "Ha? Hi-Hindi ah!" Halos di ko na maitsura ang sarili ko. Dahil tumatawa na ako para sabayan ang biro niya pero deep inside, it feels like dying. Feeling ko, ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ng mga ekspresyong pinapakita ko sa kanya! "Di naman kita mahal eh! HAHA" Pinilit kong tumawa. At sa kabutihang palad... Di niya naman napansing pilit lang ito. "Hahaha! Ganun? Pero di mo pa ko nakitang magseryoso no, sigurado akong maiinlab ka sakin pag nagseryoso ako! Naku... buti na lang! Baka mawawalan pa ako ng bestfriend!" Ganun? "HAHA. Di yun mangyayari! Heh! Bestfriend lang din turing ko sayo eh. Teka lang ah? Tinatawag ako ni Jana?" Umalis ako sa harapan niya. Kahit di naman talaga ako tinatawag ni Jana... umalis na ako. Dahil hindi ko na kaya. "Sige, Cel! Kita tayo mamaya. May sasabihin ako." Di na ako lumingon sa kanya at diretso na ang paglakad ko. "Sabi ko sainyo eh! Wala yung gusto sakin! Ano bang pumasok sa isipan niyo? HAHAHA" Eto ang narinig ko sa kanilang team. Nagtawanan pa silang lahat at para bang ang sarap ng kwentuhan tungkol sa PUSTAHAN nila sa akin. Sobrang tanga ang mga sinabi ko. Nakakainis. Sobrang nakakainis! Sobrang naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi wala akong lakas na sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko - na nasasaktan ako. Bakit ba kasi ako takot na mawala sa kanya kahit bestfriend lang, okay na sakin! Bakit ba kasi sobrang mahal ko siya at kahit ang sarili ko`y dinadaya ko na. Bakit ba kasi ganyan pa siya at parang ang manhid manhid? Sobrang iyak ko sa loob ng girl`s CR. Nakaupo ako sa bowl habang inuubos ang tissue. I can`t believe this! Anong nangyari? yung akala kong totoo; yung inasahan kong totoo hindi pala! Ang saklap ng sinapit ko. Ako na nga yung dinaya, ako pa yung umiiyak! Pero... kasalanan ko rin naman eh, ba`t pa kasi di ko na lang siya sinampal para matauhan siya? Ba`t pa kasi pinagbigyan ko na lang siya?
SEVEN Celestine Herrera: sakit na ng katawan ko sa kakasayaw eh.
Sana`y nagtanong na lang siya, kung di niya alam. Nakatayo lang ako sa CR kaharap ang malaki nitong salamin. Sinasarado naman ni Jana ang pintuan ng buong CR. "Si-Sinabi ni Gab iyon?" Tanong niya habang linalapitan ako. Tumango ako at unti-unting namuo ang luha ko. "Tama na... Celestine!" Pinalabas niya lahat ng meron sa purse niya. Pagkatapos nun ay sinimulan niya na ang pagrere-touch sa akin. Habang ako naman ay tulala parin sa sarili ko. "NAPAKA WALANG HIYA NIYAAA!" Sigaw bigla ni Jana. Kaya mejo natauhan ako. "Bestfriend? Pustahan? Ano yun? Panu kung nainlove ka?" Tumingin siya sakin. "Eh walang kwenta! In love ka na sa kanya eh, noon pa!" "Shh. Tama na, Jana. Di niya naman kasalanan eh!" Sabi ko habang pinipigilan ulit ang mga luha ko. Ayokong sirain ang make-up na pinaghirapan ni Jana. "Walang hiya! Pinagkatiwalaan ko pa naman siya! Tinutulungan ko pa siya sayo at sinusuportahan kita sa kanya, tapos ganun yung gagawin niya?" Ramdam ko ang pagsisisi at pagkayamot ni Jana sa pinsan niya. "ARGHHHH!" "Jana, tama na~. Di niya kasalanan yun. Kasi naman... naniwala pa ako. Kasalanan ko yun." "Naniwala ka? Ba`t di ka maniniwala, kung siya mismo yung nagsabi? Ano ka, guinea pig? Pwedeng ekspermentuhan! Alam kong wala talaga siyang modo, pero to this point?" Hinawakan ko ang kamay ni Jana.
"I swear, hinding hindi ko na siya tutulungan kahit kailan sa`yo! At hindi na natin siya papansinin, simula ngayon. okay?" Natakot naman ako sa sinabi ni Jana. "Wa`g! Eh magdududa siya kung di natin siya papansinin, diba?" Napabuntong-hininga siya, "Eh ano naman ngayon?" *Tok-tok-tok* Inayos ko ang sarili ko habang binubuksan ni Jana ang pintuan. Tumambad samin ang grupo nina Stacey. "Oi, Jana... Ba`t niyo naman sinarado?" Tanong nung isang kasama niya sa cheering squad. "Ah. Wala naman, feel ko lang." Inayos ni Jana ang gamit niya. Nakatingin lang ako sa malaking salamin nang nadatnan ko ang mga titig ni Stacey sa akin. She was half-smiling and raising her brows. May alam siya, alam ko yun! "Ano kayang feeling pag masaktan ka ng bestfriend mo no?" Tanong ni Stacey sa kasama niya. "Hmmm. Ewan ko lang." Nagtawanan sila. "Ikaw, Celestine. Naranasan mo na ba yung ganun?" Nakatingin silang lahat sa akin. "Sorry ah? Busy kami eh. Lika na Cel!" Sabay hila ni Jana sakin papalabas. Kainis naman ang mga walang hiyang yun. Tao pa ba sila? Ba`t nagtatawanan pa sila kung alam naman nilang nasasaktan na nga ako diba? "Buti`t nakaalis tayo dun at baka masupalpal ko na ng brush yung mukha ni Stacey!..... Alam mo... buti pa? Umuwi ka na, Cel!" Sabi ni Jana nang nakarating na kami sa dancefloor. Ayun parin si Gab, sumasayaw sa kahit sinong babaeng pwede niyang maisayaw. Tinitingnan ko siya at iniisip ko kung kaya kaya ng puso kong kalimutan ang sugat nito... "Cel!" Tawag ni Jana nang napansin ang pagkagitla ko sa kay Gab. "Oo, uuwi na ako." Sabi ko sa kanya.
Saka ko lang tinanggal ang tingin ko kay Gab nang nakita kong sumulyap siya ng dalawang beses sakin. Ngumisi pa ako kay Jana para naman walang ma-say si Gab tungkol sa feelings ko. Napailing naman si Jana nang nakita akong nakangisi ako sa kanya - at alam pa niya ang dahilan ng pagngisi ko. "Tanga ka talaga eh no?" Sabi niya habang hinahatid ako sa labas. 12 midnight ang uwian sa prom namin. 10:30pm pa lang at uuwi na ako. Ganun talaga pag sira ang gabi mo, maaga kang uuwi. Sayang ang damit ko at ang speech ko sa mukha sana ni Gab. "Shhh! Wa`g ka na nga diyan Jana! Andyan na si Kuya o. Baka mahalata pa tayo." "Sige, Cel! Balik na ko dun ah!" Sabi ni Jana habang tinuturo ang looban. Tumango ako at pumasok sa sasakyan. Nakatingin lang si Kuya sakin habang inaayos ko ang seatbelt ko. "Anong nangyari? Kala ko ba 12-1am kita pwedeng sunduin dito? Ba`t alas diyes pa lang eh tinawagan mo na ako?" Napatingin ako sa kanya. "Sinagot mo na ba si Gab? Asan siya?" Linsiyak! Eto ang ayaw ko eh. Ba`t ko pa kasi sinabi kay Kuya na nanliligaw si Gab sakin? "Ah. Di siya dumalo ng prom eh. K-Kaya nga nawalan n-narin ako ng gana." Ngumiti ako. Kumunot ang noo niya`t unti-unti niyang ilinapit ang mukha niya sa akin, "Sinungaling ka ah? Nakita ko siya kanina, paghatid ko sa`yo! Kala mo di ko nakita yung pagkamangha mo kanina nung nakita mo siya?" Tumigil ko siya habang kinakabahan naman ako. "Umiyak ka ba?" Mas lalong tumalas ang mata niya. "Umiyak ka!" "Hindi no!" I looked away. "Umiyak ka! Bakit? Anong ginawa ni Gab sa`yo!?" "Wala! Pinagpawisan lang ako!" Nakatingin na ako sa labas. "Umiyak ka! Alam ko." Kinabahan ako ng todo. "Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Kuya. "Hindi."
Nagdrive na siya pauwi. Mabuti`t talagang matigas ako sa mga sagot ko. Kahit kailan, hindi ako aamin. Pagdating ko sa bahay. Pinaulanan ako ng tanong ni mama at papa tungkol sa prom at kung anu-ano pa. Pinilit kong tumawa nang tumawa dahil alam kong pinagmamasdan ako ni Kuya. "Sige po... matutulog na ako, sakit na ng katawan ko sa kakasayaw eh." Kahit si Gab lang naman talaga ang naisayaw ko. Pumasok ako sa kwarto na puno ng hinagpis yung nararamdaman ko. Paano ba naman, Celestine? Eh pwede ka ng maging santa at pwede ka ng umakyat sa langit dahil sa kagagahan at kapulpolan na pinaggagagawa mo para sa isang tao - sana man lang sangkatauhan yung pinagtatakpan. Dumungaw ako sa bintana at napansin kong nakambay lang si Kuya sa bakuran namin. Nakaupo siya sa upuan ng garden namin at di mapakali.
EIGHT Celestine Herrera: puro yabang mo sa katawan
Tumakbo ako papaalis ng bahay nang nakita kong umalis si Kuya Sky. Kinakabahan ako. Nafi-feel kong may mangyayari. Sumilip ako sa gate namin. Nakita kong nag-uusap sila ni Gab at naglakad palayo. Papunta yata sa basketball court ng subdivision namin. Seryoso ang mukha ng dalawa... kaya sinundan ko sila. Lumiko na sila at talagang papunta yata sa basketball court. Ako naman, todo lakad takbo ang ginawa para lang maabutan sila. Feeling ko tuloy nagmumukha na akong tanga sa mga ginagawa ko. Dis oras pa naman ng gabi. Napahilig ako sa dingding at nagtago sa mga dahon. "O my God!" Yun na lang ang nabanggit ko nang nakita ko silang dalawa, nagsusuntukan. Tumakbo ako para awatin sila.
"Kuya! Tama na!" "Cel, Wa`g kang makealam!" Sabi ni Kuya sakin. Tinitigan ako ni Gabriel... tinging hindi yata ako mapapatawad. "Bakit? May nangyari ba? Nasaktan ko ba siya? Hindi naman ah?" Sigaw ni Gabriel kay Kuya. Mejo... nagalit ako sa sinabi niya. Pero..... hindi ko alam. AYAN KA NA NAMAN CELESTINE! Umiiral na naman yung pagiging konsintidor mo sa lalaking yan! "Eh gag0 ka pala eh!" Sumuntok si Kuya Sky. Sinuntok din siya ni Gab. "TAMA NA, GAB, KUYA!" Sigaw ko. "Di naman siya nasaktan ah?" Di nga ba ako nasaktan? Sinuntok ulit ni Kuya si Gab. Kaya naisipan kong pumagitna sa kanilang dalawa. "Tama na!" Namaga na ang pisngi ni Gab. Si Kuya naman, parang marami paring lakas. "Di mo ba nakita? Di mo ba napansin? Umiyak si Celestine? Ngayon? Anong gusto mong sabihin ko? Na natuwa siya sa ginawa mo? Kala mo kung sino ka ah! Yabang mo! Mamili ka naman ng pagti-tipan mo!" Tiningnan ako ni Gab ng mabuti. "Ano? Anong umiyak? Eh tinawanan mo pa nga ako kanina di ba?" Kinakabahan na ulit ako. "Ah-" "Tama na nga! Ano Cel, totoo ba yun? Umiyak ka ba?" Kumunot ng to the nth level ang noo niya. "Kanina ko pa sinasabi yan sayo ah! Loko ka!" Umamba ulit ng suntok si Kuya pero pinigilan ko.
Hindi ako makatingin kay Gab. Hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Bakit ba big deal sa kanya kung may gusto ako o wala... kung mahal ko siya o hindi...? Siguro, kasi kaibigan ang turing niya sa akin. GISING, CELESTINE! Kaibigan? Kaibigan pa ba ang matatawag mo kay Gab? "Eh anong problema dun sa ginawa ko sa kanya, Sky? Bakit? Akala mo ba hindi ko alam na apat-apat ang girlfriend mo? Akala mo naman kung sino kang nagmamalinis diyan-" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gabriel. Kaya hindi ko na namalayang nasuntok na ulit siya ni Kuya. Kaya ngayon ay napahilata na talaga siya sa sahig ng court. Linapitan ko siya dahil awang-awa na ako sa namamagang pisngi niya. "Kuya, tama na please?" Umupo si Kuya sa sahig ng court at natameme yata sa sinabi ni Gabriel. Lumapit ako kay Gabriel at hinawakan ang pisngi niya para tingnan sana ang sugat niya... pero ang walang hiyang bestfriend ko kuno`y binalewala ang kamay ko... "Umalis ka nga!" Sabi niya. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. At mangiyak-ngiyak pa akong tumayo. "Akala ko pa naman bestfriend kita!" This line... says it all. :( "G-Gab-" Pinigilan ko ang luha ko. "Totoo naman pala eh! Sinasabi ko na nga ba! Akala ko mali ako sa mga iniisip ko..." Tinititigan niya parin ako ng titig na puno ng galit. "Ano naman ngayon kung totoo nga yun, ha, Gab?" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa nagtatangkang kumawala sa mga glands nila. Pinunasan ko ito ng walang ka poise-poise. "Yan! Yan naman pala eh! Akala ko iba ka sa kanila! Ganun karin pala. Kala mo ba di ko napapansin yang pag-iiba ng emosyon mo pag nagkikita tayo?" Tumayo ulit si Kuya at mukhang nagbabalak ulit na bigwasan si Gabriel dahil sa dami ng walang kwentang sinasabi niya. Napatakip na lang ako sa bibig para di marinig ang hikbi ko habang dinidinig kong mabuti ang sinasabi niya. "May pa-bestfriend bestfriend ka pang nalalaman!"
Inunahan ko na si Kuya Sky sa pag sapak kay Gab. Oo, sinapak ko siya. Ilang taon ko ring pinangarap na maging kaibigan man lang siya, natupad naman iyon. Sobrang saya ko. Pakiramdam ko tinupad ng lahat ng bituin sa langit ang mga dasal ko lalong lalo na kapag nagsasama kaming umuwi sa bahay. Kahit papano, sumaya na rin ako nung naging bestfriend ko siya. Kasi kahit papano, may maipagmamalaki ako tungkol sa kanya. Pero ngayon, hindi ako sigurado kung pinagsisihan ko ang lahat ng nangyari... kasi sa kalooblooban ko, sinasabi ko parin sa sarili kong... ALAM KONG NASAKTAN KA, GUSTO MONG BUMAWI, PERO WA`G MASYADONG MASAKIT AH? KASI... LUGI TAYO PAG NANGYARI! Natigilan si Kuya sa sapak ko. Si Gabriel naman ay di pa maituwid nang maayos ang mukha niya... "Alam mo Gabriel!? Ang kapal kapal mo talaga! Akala mo kung sino kang gwapo! Akala mo kung sino kang magaling!?" Pinunasan ko ang luha ko. "Panahon na yata na malaman mong kahit kailan, hindi kita magugustuhan! Sa masahol mong ugali?" At gwapo mong mukha? "Wala nang magkakagusto sa`yo!" Ng tulad ng pagkagusto ko sa`yo! "Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa mga babaeng nagkakandarapa sa`yo! Dahil ang totoo, wala ka namang laman kundi yung puro yabang mo sa katawan!" Sa dami ng sinabi niya sakin, kulang pa yan. At kahit papano, gusto kong ipakita sa sarili kong, may pride din naman ako. "Ganun ba?" Tumayo siya at purong galit parin ang nakikita ko sa mga mata niya. "Bakit? Sa tingin mo ba ang ganda-ganda mo rin para magustuhan ka ng kung sinu-sino diyan? Kala mo rin ba ang bait-bait mo? HAH! Magkalimutan na lang tayo!" Pagkatapos kong malaman ang linsiyak na sagot ng unggoy na yun ay tinalikuran niya na ako.
NINE Celestine Herrera: WALA AKONG GUSTO SAYO!
Umiyak ako nang umiyak sa basketball court habang pinapanood ko ang paglayo ni Gab. "Okay lang yan, Cel." Sabi ni Kuya habang naririnig ko ang pagsinghap niya. Nakaupo ako sa isang bench nang umupo din si Kuya sa harapan ko at pinunasan ang mga luha ko. "Di na ako manloloko ng ibang babae, para di ka mahirapan." Tapos yinakap ako ni Kuya. Pagkatapos ng gabing yon, mabilis na lumipas ang panahon. Malapit na kaming maging Senior, pero hanggang ngayon nag di-deadmahan parin kaming dalawa ni Gab. Lugi nga ako eh kasi sa tuwing nagkakasalubong kami sa corridor, walang tinginan sa isa`t-isa ang nangyayari. Pero kapag lumagpas na siya, saka naman ako lilingon at parang sumasakit na naman ang feeling. "Cel, final examinations na next week. Di parin ba kayo nag-uusap ni Gab?" Tanong ni Jana habang pinapanood akong nakatingin lang sa nakatalikod na si Gab. Kulang na lang talaga, ma memorize ko ang likod niya at makuha ko kung ilang dipa yung shoulders niya. Tsss. Kainis nga eh, ayaw talagang lumingon kahit anong pilit kong mag telekinesis. "Hindi pa rin eh." "Tsss. Mabuti naman! Wa`g mo nang kausapin yan, forever noh!" Umirap si Jana sa akin at napalingon ako sa kanya. "Forever? Eh buti sa`yo dahil pinsan mo naman siya, kahit magkagalit kayo... may posibilidad paring maging magkaibigan kayo no. Eh kami, kapitbahay, Jana." Sabi ko with all the feelings in the world. Para akong batang inagawan ng lollipop na binili ko pa sa pamamagitan ng child-labor. "Ah! Bahala ka na nga! Last week halos iniiwasan mong makasalubong siya. Tapos, this week... okay na makasalubong basta walang pansinan... Next week kaya? Siguro susubukan mo nang makipag-usap sa kanya." Ganito lagi ang eksena samin ni Jana. Hanggang sa natapos na nga ang aming exams. Okay lang kaya na ganito? Na hindi kami nagpapansinan? Umaga ng Sabado nang maaga akong nagising. Naabutan ko si mama at papa na papasok ng bahay.
"Saan kayo galing, ma?" Tanong ko. "Ah. Hinatid namin sina Gabriel at Nica. Pati na rin ang tita at tito mo." Sagot ni mama. "Hinatid? Saan po?" Nagkatinginan si mama at papa. "Hindi ba binanggit ni Gab sa`yo?" Tanong ni papa. "Na ano po?" "Na... sa lola niya muna sila titira for now. Sa States yata yun eh." "P-Po?" Nabigla ako lalo nung may tumawag sa telepono namin at sinagot agad ni mama. "Okay, sandali lang... Celestine, telepono." Agad kong kinuha ang telepono. Siguro si Gab ito! Siya nga siguro! Hindi niya kayang hindi magpaalam sakin! "Cel!" "G-Gab- Jana?" Si Jana pala. "Oo. Papunta na ko sa bahay niyo. Hahabulin natin si Gab!" Pagkasabi niya nun, agad akong lumabas ng bahay kahit nakapajama pa lang ako. Buti inagahan nila papuntang airpost kaya mukhang maabutan naman namin sila. Maaabutan nga namin sila! For sure! Hanggang sa may nakita akong nakatalikod na lalaki sa isang vendo machine. Si Gab yon! Alam ko dahil alam na alam ko ang likod niya. MEMORIZE KO NA PIXEL BY PIXEL. "Gab!!!" Sigaw ko. Lumingon naman siya sakin. Tumakbo ako patungo sa kanya. Si Jana naman, sumunod na rin sakin. Nabigla na lang ako nung deadmahin niya ulit ako. Pati ba naman dito? Kainis ka talaga, Gabriel! Pero bahala ka! Sa ayaw`t sa gusto mo... haharap ka sakin! Walang hiya. Nasa airport nga pala ako at aalis na siya! Hindi pa masyadong nagsi-sink in sakin yung lahat ng mga nangyayari. Kasi naman, biglaan masyado. Hinawakan ko ang braso niya, "Gab!" napangiti pa ako dahil masaya ako`t naabutan ko siya. "Excuse me, Miss. Sino ka?" Akala ko di siya si Gab. Pero nang lumingon siya sakin. Siya yon. Kilalang kilala ko ang mga mata niya, ang matangos niyang ilong, ang mga labi niyang pula... siya nga yon. Pero bakit di niya ako kilala? Alam niyo na kung bakit!
Kinalas niya ang braso niya sa mga kamay ko. "Gab naman! Wa`g ka namang ganyan o?" Tinalikuran niya ako at naglakad palayo. Sinundan ko siya. "Gab!" Hinawakan ko ulit ang braso niya. "ANO BA!" Halos ibalibag niya ang mga kamay ko para lang makawala siya sa pagkakahawak ko. :( "Gab! Ayusin natin `to! W-We`re bestfriends." Oo na. Sige na Gab! Tatanggapin ko na lang na hanggang diyan na lang tayo basta ba magkaayos na tayo... o kung pwede wa`g ka na lang umalis? "Gab!" Halos umiyak na ako at magmakaawa sa kanya. Ang dami ngang tao eh, pero binalewala ko na lang. "Gab!" "Ano ba?!" "Aalis ka na ba?" Tumulo ang luha ko. "Kelan ka babalik? Ba`t di mo sinabi sakin?" Humarap siya sakin at wala paring ekspresyon ang kanyang mga mukha. "Hindi ba pwedeng wa`g na lang? Sige na, Gab!" "Sino ka ba? Hindi kita kilala!" Tapos tinalikuran ulit ako. Walang silbi! Mas lalong gumaspang ang ugali niya. "GAB! I THOUGHT YOU WERE MY BESTFRIEND!" Tapos tumigil siya sa paglalakad at lumingon sakin. "Akala ko rin bestfriend kita!" Tapos tinalikuran ulit niya ako. "GAB!!!" Sinundan ko ulit siya. "Gab!" Juscooo! Tulungan niyo naman ako. At least man lang magkaayos kami! Please? Panu pag matulad siya ni Eiji na di na bumalik ng Pinas? Eh walang kwenta! Iba `to ngayon eh... kasi mahal ko `tong aalis. Panginoon, bigyan niyo naman po siya ng konting kabutihan para sakin kahit ngayon lang. "Gab!!!" Sabay hawak ko s kamay niya. "Tama na nga, Celestine!" Sabi niya.
Alam kong mapait ang pagkakasabi niya nun, pero kahit anong gawin ko... masarap paring pakinggan ang pangalan ko kapag siya na ang bumabanggit. "Kalimutan mo na ako! Mag kalimutan na tayo! Wa`g ka ngang makipag-ayos sakin at sasabihin mong akala mo bestfriend tayo! Eh ikaw ang sumira nito eh! Ayokong magkaroon ng bestfriend na may gusto sa akin!" MAY GUSTO! PESTE TALAGA! Sinisikap ko na ngang mag reach-out sa kanya. Tapos ganyan pa siya? Naramdaman ko ang mga kamay ni Jana sa likuran ko, "Tama na, Cel! Hayaan mo na yang BESTFRIEND MO-" "May gusto sa`yo? Diba sinabi ko na sa`yo nun? Nung nasa court tayo? WALA AKONG GUSTO SAYO!" Sa inis ko, napaiyak na ako lalo. "Wala kang gusto sakin dahil masahol ang ugali ko? Okay! Edi ganun! Masahol pala ang ugali ko eh ba`t pinagtityagaan mo pa ako dito! Kalimutan mo na lang ako, dahil ako, matagal na kitang kinalimutan!" "Gab! Tama na nga yan! Ano ka ba-" Hindi rin niya sinanto si Jana... Tinalikuran niya na rin ang pinsan niya. Ang walang hiyang yun talaga!
TEN Celestine Herrera: Ah... basta...
Kung may break-up lang sa magbestfriends - I must say, ganun ang nangyari samin ni Gab. Ang masaklap lang, eh ang katotohanang umalis siya. Halos dalawang buwan akong tulala nun. Mabuti na lang at dahil sa pag-aalala ni Jana sa akin, napapayag niya ang mga magulang niyang pansamantalang magbakasyon sa probinsya ng mama ko. "Hoy, ano? Wa`g mo na ngang isipin yang pagsinta mo kay Gab!" Sabi ni Jana ng pabiro habang inaabangan namin ang pinsan ko. "Hindi no! Hindi ko yan iniisip. Naiisip ko lang kung gano ako ka tanga dahil Gab na lang ako ng Gab pero gag0 naman pala yun. Nakakainis na nga eh, ba`t ako nagkafeelings sa mokong na yun!" "Eh kasi naman po... ewan ko sa`yo! Alam na alam mo namang panget ang pag-uugali nung pinsan ko, nagkakacrush ka pa!"
"Wa`g na nga! tsss. Magmomove on na ako no. Daming lalaki diyan!" Nag evil smile si Jana sa akin kaya napakunot ang noo ko. "HAHAHA Ganyan nga, Celestine! Pag butihin mo yan! HAAAAY, sa wakas! After million yearssss, natauhan ka rin at narinig ko yan galing sayo! HAHAHA" Grabe naman makapagreact ang babaeng `to. Ganun ba ako ka lala all these years? "HI!!!" Biglang bumati ang isang kulot at makinis at cute na babae sa aming dalawa. Kilala ko yon. Kahit ilang years na kaming di nagkita, kilalang-kilala ko siya dahil sa magandang pares ng mata niya at sa kulot at natural-brown niyang buhok. "Hi Gianna!" Bati ko. Pinsan ko yon galing Japan. Dito din siya sa probinsya mag babakasyon dahil narinig ng mama niya na andito ako. "Uh, Jana... eto nga pala si Gianna, pinsan ko." Nakipagkamayan naman si Jana kay Gianna. Sobrang ganda na ng pinsan ko. Dito naman siya sa Pinas lumaki at nag-aral. Kaya lang, umalis siya papuntang Japan last 2 months. Pero ngayon, bumalik na siya. Masaya naman kami sa probinsya. Kahit na alam kong dalawang linggo lang kami dito dahil pasukan na naman at mag fo-fourthyear na kami, ayus lang. Kakabanas nga eh, pinagtitripan ako lagi ni Jana pag natutulala ako sa tabi - sinasabi niyang iniisip ko na naman daw ang isang walang kwentang lalaki... "Sino? May boyfriend ka na ba, Cel?" Tanong ni Gianna. Kainis naman `tong si Jana. Ayan tuloy na curious pa tong pinsan ko. "Wala no!" "Aysus. Wa`g mo nang itago! Sino?" Tanong niya habang tinatapat ang marshmallow sa bonfire na ginawa namin. "Wala. Wala akong boyfriend." "Ayy, wala siyang boyfriend, Gianna. Ex meron." "Ex?" Kuminang ang mga mata ni Gianna. Ba`t ang chismasera naman ng pinsan kong `to. "Ex bestfriend!" Tumawa pa si Jana.
"Uy, tumigil ka diyan at baka tusukin kita ng stick ng marshmallow ko." Tumatawa parin si Jana. "Ah, wala. Nag-away kasi kami nung bestfriend ko eh. Kaya, ayun." "Awww. Ba`t naman?" "Ah... basta..." Nagdadalawang isip pa ako kung magsi-share ba ako kay Gianna o hindi. "Aww. Kala ko naman may boyfriend ka na." "Bakit, Gianna? Ikaw, may boyfriend ka na ba?" Tanong ni Jana. "Ah. HEHEHE" Nag pa-cute pa siya. "Meron... shhh." Nagtilian kami. Syempre... kahit di namn kilala, sa mukha naman kasi ni Gianna eh masaya siya sa piling ng boyfriend niya. Maganda ang naging samahan naming tatlo. Okay din naman pala si Gianna eh, nagkakasundo pa sila ni Jana dahil pareho silang magaling sumayaw. Sumayaw - isang bagay na hindi ko talaga kayang gawin. Whatever. Cheerleader pala si Gianna sa school nila, naaalala ko tuloy si Stacey. Whatever! Ba`t ko ba iniisip pa yan? Wala na eh. Wala na si Gab! Pagkatapos nun, nag fourth year na kami. Hindi ko alam pero sa sobrang laki ng impact nung ginawa ni Gabriel sakin, halos nabago ko ang buong pagkatao ko. Halos mag total make-over na ako. Nakatulong yung pagmake-over ko, daming pumapansin sakin. Halos palitan ko na nga ang kasikatan ni Stacey sa school namin eh, kung meron lang sana akong maipagmamalaking talent! NAKU! Napalitan ko na yung bruha. Isang taon ang lumipas... At kasama ng dati kong imahe - si Celestine-tanga, ibinaon ko na rin sa limot si Gabriel. Ang tanging nararamdaman ko na lang sa kanya ngayon ay galit. GALIT. Sa dami ng ginawa niyang masasamang bagay sa akin, paano ko pa siya magugustuhan? Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ko ba siya nagustuhan in the first place, siguro bunga lang yun ng pagiging immature ko. Masyado akong obsess sa mga love-love chuva na yan, kaya agad ko namang tinanggap ang ugali ng unggoy na yun! HAH! Ngayong nakikita ko na ang liwanag, namulat na ako sa katotohonan... at masaya ako`t namulat pa ako ngayon. Masaya ako dahil hindi ko na siya gusto!
ELEVEN Celestine Herrera: Excuse me, Gabriel!
*KRRRRRIIIIIINGGGGG* Linsiyak naman talaga! Naunahan pa ng tawag ni Jana yung alarm clock ko. "Hello?" "Hi! Gising na! Bilisan mo na nga! Ma lilate tayo niyan sa first day of school eh!" Sumulyap ako sa alarm clock ko. Lanya, 8:00AM na pala. Samantalang, 9:00AM ang pasok namin ni Jana! "O sige sige! Maliligo lang ako!" Binaba ko na yung cellphone ko. Tsss, ang totoo, kanina pa ako gising. Nag rereminisce lang ako sa mga araw ko nung high school! Pero, kung iniisip niyong mahal ko parin yung EX-BESTFRIEND ko, nagkakamali kayo. As I`ve said, galit na lang ang nararamdaman ko sa kanya. Inapak-apakan niya yata ang pagkatao ko, dinurog niya pa ang puso ko... kaya syempre, natural lang yung magalit ako sa kanya ng ganito! Wa`g na kayong mag react! Alam kong alam niyong natural lang `to! Nagbihis na ako pagkatapos kong maligo, tapos umalis ng bahay. Buti na nga lang at may puso si Kuya today, ihahatid niya raw ako dahil first day ko. Kaya eto, I`m saved! "Baba na!" Sabi ni Kuya. Kinakabahan kasi ako eh, syempre... ang laki-laki na ng school ko ngayon, di tulad nung high school lang ako. Tsaka, parang busy lahat ng tao kung titingnan mo. "Bye, Kuya!" Kumaway na rin siya sa akin pagkababa ko at umalis na. *KRRRRIIIING* "Cel!" Si Jana ulit! "O," "Lika na nga dito sa room natin, bilisan mo ah! Buti wala pa ang prof!" "Okay-okay!"
Syempre, dahil panghabambuhay ko na yatang kaibigan si Jana, classmate parin kami hanggang ngayon. Lakad-takbo ang ginawa ko sa buong school. Kahit ang totoo naman talaga ay..... "Nawawala yata ako!" OH NOOO! Asan na ako? Ang alam ko... STC 304! Saan naman kaya yung room na yun na katunog ng mga plate number sa sasakyan? Linsiyak! Kaya napakuha tuloy ako ng phone sa bag ko. Asan ba yun? Patuloy ang paglakad ko nung... *BBOOOOOOG* Aray naman! Ang sakit ng noo ko! Tumama yata sa baba ng taong nakabangga ko. "Aray naman!" Siya pa ang sumigaw. Sumigaw? Sandali, kilala ko ang boses na yun ah? Tumingala ako. At heto na naman ako at parang nakakita ng multo. Ang EXBESTFRIEND ko ba `to? O isang artistang ka hawig niya? Pero dahil nararamdaman ko sa gaspang ng ugali at sa pagmumukhang pinapanood ko simula pa noon, nalaman kong siya nga! SIYA? SIYA? Kala ko nasa States? "G-Ga-" "Excuse me, miss... Humaharang ka sa daanan ko." Napakunot ang noo ko. Maaga yata akong magkakawrinkles nito. Hindi ulit ako kilala? Gunggung ka pala Celestine eh! Alam mo namang hindi mo makakalimutan ang tanyag na linya niyang 'mag kalimutan na tayo?' diba? "Sorry ah? Nagmamadali kasi ako eh. Hindi rin ako tumitingin sa daanan dahil hinahanap ko ang cellphone ko. Sorry!" Sarcasm. "O! Nag explain ka pa! Ang gusto ko lang naman ay tumabi ka sa dinadaanan ko. Tsaka, sino ka ba para kausapin ako?" Ang ugali ng unggoy na `to??! Eh mas magaspang pa talaga yata sa sandpaper! Leche... Suminghap na lang ako habang linalagpasan niya ako. Sa sobrang kaba ko, hindi ko na nagawang lumingon at agad na akong naglakad patungong kawalan. Hindi ko alam ang mga daan patungo kung saan. Tapos... Tapos...
Makakasalubong ko pa yung unggoy na yun? Ba`t andito siya? Ba`t di ko alam? Tinatraydor narin ba ako ni Jana at di niya sinabi sakin na andyan na yung pinsan niya? Sa inis ko, lumabas ang hidden talents ko at nakita ko ang room ko. ANDDDD!!!! Guess what? The only vacant seat was the seat beside that EXBESTFRIEND na hindi na daw yata ako kilala! Wulang hiya! Nakita ko si Jana na sumisenyas na umupo sa upuang nasa gitna nilang dalawa ni Gabriel! Edi umupo na ako! Umupo na! Akala niyo naman kakabahan ako. Tse! Di ako kakabahan no! Di ko na naman siya gusto eh! *Nadulas sa harap ni Gab* "Mag ingat ka nga, miss." Sabi niya. Masakit mang isipin, aminin, at sabihin, sinalo ako ng mokong! "Ehe-Ehem... Please settle down everyone." Sabi nung prof na kararating lang. "Sorry ah!" "Teka, ikaw yung kanina ah? May gusto ka ba sakin? Sinusundan mo yata ako eh!" >:( Ang hangin naman talaga. May bagyo ba? Parang kumain yata `to ng bagyo dun sa states kaya eto siya ngayon at dinadalhan ulit ako ng bagyo. Lumingon ako kay Jana at umiling na lang siya. "Excuse me, Gabriel! Ilang beses ko ba dapat sabihin sa`yong wala akong gusto sa`yo?" Halos tumingin na lahat ng kaklase ko sakin eh, buti na lang di napansin ng prof namin. "Ha?" Nag evil smile siya. "Gabriel? Ba`t mo ko kilala?" Lalong lumaki ang ngiti niya. Ang ngitng na miss ko. HOOOY! Di ko na siya gusto ah! Totohanan lang yan. hehe "Sigurooo, gusto mo nga talaga ako no at kilala mo ako?" Or what? Hindi na yata ako nakikilala ng mokong na `to. TALAGANG HINDI NIYA NA AKO NAKIKILALA! AAAAAAAAAAAAAARGH!!! Eh isang taon lang yung lumipas eh! Ba`t ako, kilala ko pa siya!?
TWELVE
Celestine Herrera: Yoko ng maalala,
PWEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! Halos isuka ko yung nangyari! Papanong andito si Gab? "J-Jana!" Tinawag ko si Jana ng pabulong kahit nagsasalita pa ang prof namin. "Hmm?" "Ba`t andito si Gab?" "Huh?" Leche! Sa sobrang hina ng boses ko, di na ako naririnig ni Jana. Kaya sinulat ko sa papel. Ako: Ba`t di mo sinabi saking nandito si Gab? Jana: Bakit? Kailangan ko bang sabihin sa`yo? Kala ko wala ka ng care diyan? >:D Ako: Wala akong care kung di naman niya ako magiging classmate or what. Hindi na binalik ni Jana sa akin yung paper. Kabanas naman oh. Ayan tuloy, kulang na lang magkaheart attack ako habang nakaupo dito. Paanong sa dami naming pinagsamahan ng langyang Gab na yan tapos di pa ako nakikilala? Hindi niya ba talaga ako kilala o kinalimutan niya lang talaga? Pagkatapos ng klase namin, sobrang lamig ng pawis ko. Feeling ko nga namumutla ako. Eh bakit ba kasi parang ka-firstday-firstday of school pa lang marami ng kaibigan ang lokong `to? Highfive dito at highfive doon ulit yung drama niya. Linigpit ko ang gamit ko para makaalis na sa impyernong room namin... Kaso... Parang nag HANG ako eh. "Jana," "O, Gab?" Tiningnan ko si Gab na nakatingin naman kay Jana, "Asan na si..." Namula pa siya habang tumitingin sa kawalan at tingin ulit kay Jana. Lunok. Stacey! "Celestine?" Lunok. Lunok 5 times! Ngumisi si Jana, "Bakit naman?" Oi Gab! Nasa harapan mo po ako! O baka naman... totoong di niya ako nakilala? Namfutsa!
Pero.. lanya... ubod ng sakit nung tanong niya dahil nasa harapan lang ako... pero ubod ng saya naman yung nararamdaman ko! "HAHAHAHA >:D " Tumawa si Jana. "Huh? B-Bakit?" Ang linsiyak na Gab... di ako nakilala. AWWW! UYYY! Hinahanap niya ako!!! HAHAHA. ehem... Cute mo naman Gab! Talagang makakalimutin ka... Naalala ko tuloy noon, nung di niya ako nakilala nung hinabol ako ng mga aso. "May amnesia ka ba, Gab?" Tanong ni Jana habang hawak-hawak parin yung tiyan at di parin tumitigil sa pagtawa. Kaya... pati ako na rin... natawa. Natuwa! "Hi, Gabriel! I`m Celestine..." Naglahad ako ng kamay. At sa sobrang kahihiyan na nangyari at naramdaman niya siguro... pumula ang pisngi... ang buong mukha ni Gab! Tiningnan niya akong mabuti. Tiningnan niya ang kamay ko, tapos mukha ko ulit. Kinindatan ko na lang siya habang nakatingin lang siya sakin. "Uh... Jude! Practice na tayo, `tol!" Namfutsa! Di niya tinanggap ang kamay ko at nag walk-out na siya! Okay lang, deadma!? Basta napahiya siya! Nagtawanan na kami ni Jana pag-alis niya. WAHAHAHAHAH >:D Grabe, si Jana yung sobrang natuwa at parang nanalo sa lotto. Kahit nakaalis na kami sa classroom at naghahanap na kami ng tambayan, tawa parin ng tawa. "Ba`t di niya ako kilala?" Tumatawa parin si Jana, "Ehh kilala mo naman yun diba? Sobrang hina ng memory nun! HAHAHA. Tsaka, nagbago naman talaga kasi yung mukha mo eh..." "Ahhh." "Kita mo ba yung mukha ni Gab? Sobrang pula!" Tumawa ulit siya. "Nukaba, Jana! Tumigil ka nga! Napahiya na nga yung tao eh." Tumawa na rin ako, di ko mapigilan eh. "Asus! Wa`g ka ngang maawa sa unggoy na yun! Sobrang daming atraso nun sa`yo, tapos kinakaawaan mo pa?" "Ah! Syempre, kahit ganun yun... minahal ko kaya yun!" Natigilan si Jana at hinarap ako. Tinitigan niya ako sa mga mata. "Bakit?"
"Wala ka na ba talagang feelings kay Gabriel?" Tumaas ang kilay niya. "W-Wala na! Tsss, sa sobrang laki ng kasalanan niya sakin, wala na no." Umirap ako. "Aww. Hmmmm." Nag evil smile si Jana. Nu naman kaya ang plano ng lukaret na `to? "Ilang beses ka na nga niyang sinaktan?" "Ay, ewan ko. Yoko ng maalala, mag ngingitngit lang ako sa galit kung maalala ko pa yan!" "Hmmmm, kung wala ka na talagang feelings sa kanya..." Evil-smile. "Paano kaya kung....." Tumaas ang kilay ko. "Gumanti ka?"
THIRTEEN Celestine Herrera: Kaaway ko yun!
"Gumanti?" Natigilan ako at nag-isip. "Yoko nga!" Umupo ako sa isang bench habang linalapag ko yung mga gamit ko. "Come on, Celestine! Hindi mo na naman pala siya mahal eh, dami pang atraso nun sa`yo... tapos, gumanda at nagbago ka ng sobra! Kaya maaring magkagusto siya sa`yo!" Magkagusto... si Gabriel... sa akin? "Huh? Mag kagusto?" "Oo! Magkagusto." Ayan na naman ang evil smile niya. "Tsss. Ano ako, bale? Anong gagawin ko para magkagusto ang mokong? Lalandiin ko siya? Tapos, mag coconfess ako na mahal ko siya... tapos ano, papahiyain niya ulit ako? Yoko nga!" "Hindi ganun! Magiging bestfriend ka ulit! As in, cleannn! Bestfriend lang talaga yung sadya mo... Tapos, papainlovin mo siya sa`yo... Then, tada!!! Success! Ano? Game ka?" "P-P-Paano naman yun?"
Pagkatapos ng tanong kong yun, nakita ko sina Stacey kasama yung mga ibang friends pa niya. Naka P.E. attire sila at parang papuntang Gymnasium. At dahil napansin ko yun, narealize kong mukhang lahat ng tao ay papuntang Gym! "Ah! First day of school, ngayon din nga pala ang try-out para sa basketball varsities at cheering squad members." Sumulyap siya sa wrist watch niya at tingin ulit sakin. Ayan na naman yung evil-smirk ni Jana. Nakakapanindig balahibo. "Oh! Oh no! I`m not joining the cheering squad! Ikaw na lang!" Inunahan ko na talaga siya. Alam kong ganun na naman ang iniisip ni Jana. Ayoko ng mapahiya no! Wala pa naman si Kuya Sky para ipagtanggol ako, world war 3 pa kami ni Ex-Bestfriend ko. Tsaka yokong mag iskandalo sa harapan ng maraming kolehiyala at susyaling tao no! "GOOOOOOO! WAAAAH~!" Hiyawan ang naririnig ko sa gym habang pinalitan na ni Jana ang soot niya kanina. "Konting split at tumbling lang siguro, makakapasok na ako." "Hoy Jana! Wala akong plano diyan! Ikaw na lang mag-isa." "Hmmm, alam ko naman yun eh. Ganito ang gagawin mo oh... may plano kasi ako...." !@#$%^&*() Ehe-Ehem... Hindi naman sa nahihibang na ako no pero, pumayag ako sa plano ni Jana. Ayoko din namang mag audition ulit sa cheering squad na yan, kaya pumayag na ako dun sa isang plano niya. Kung ano yun? Abangan niyo na lang! Tingnan natin kung di mawindang yang Gabriel Isaac Soriano na yan! Pagsisisihan niyang sinulat niya ang pangalan ko sa autograph ni Jana noon! Pumasok ako sa gym. Kulang na lang talaga sumuko ang mga ear drums ko sa mga naririnig kong hiyawan. Nag e-exhibition kasi yung mga dating basketball players nila. Asus naman, parang mga ewan `to, parang mga aso naman yung mga players nila. Hindi pa yata nakikita si... "GO NUMBER EEEEEIIIIGHHHHT!" "GOOOO SORIANOOOOOOO!" Napaupo ako sa di inaasahang upuan dahil kinailangan ko nang lumingon sa court!
Ayun na pala ang unggoy kasama yung mga barkada niya. Sa puntong `to, gusto kong isigaw sa buong gym na bestfriend ko yang si number 8, Soriano na yan! Lam niyo? Hinanap niya ako kanina! May gusto yan sakin, kaya di ako pinapansin kasi binasted ko! Ano raw? Ang feeling mo talaga, Celestine! HAHAHAHAHAHA Para tuloy akong sira dito. AHAHAHA. Tili ng tili yung mga tao sa likuran. Pati sa harapan! Kulang na lang pati mga lalaki eh tumili na. Grrrr, makatili na nga rin? Di naman siguro ako mapapansin kung tumili ako dito... sa dami ng tao? NOH? "GOOOOOOO GABRIELLLL ISAAC SORIANNNOOOO! NUMBER EEEIIIIIGHT! GOOOOOO! LOVE YOOOOOUUUUU!" joke lang yun last part ah! Sabay lang sa uso dito. Haha. Ang saya! Ack~! Nabigla ako nung tinuro ako ni Jude at napatingin si Gabriel sakin. WHOA! As in? Kakahiya nameeen. Aw. "GOO JANAAAA!" Bawi! Feeling mo naman? "GOOOO JANA SORIANOOOOO! WIN THE SLOOOOT GEIRLLL!" Umiling na lang si Gab nung narinig ang ibang cheer ko. Sobra naman ang tawa ni Jana dun sa gilid sa ginawa ko. Bakit ba? Ganun na ba talaga ka unique yung boses ko para marinig nila agad kahit marami namang naghihiyawan dito? Ang OA nila ah? Ang OA ni GAB! Sige ka! Pagpatuloy mo lang yang kasupladuhan mo`t magsisisi ka mamaya pag pinahiya na kita. Tingnan natin kung sino yung di makikipagbati sakin. HAH! Ma-cheer na nga lang si Gab para di masyadong nakakabigla yung gagawin ko mamaya, "GOOOOO GAAAAAAAAAAB~" "E-Eh... Excuse me-" "RIELLLL~ Huh?" Napatingin ako sa katabi kong lalaki na nagsalita. "Avid fan ka ba ng number 8?" He was half-smiling. "A-Avid fan?" "Ang lakas-lakas kasi ng boses mo eh. Wala, I thought you were something like that." Ganun? Malakas pala boses ko?
"H-Hindi ah! Kaaway ko yun!" Sabi ko agad. Syempre, ampanget na title naman nung 'Avid fan' para sa isang lalaking pinaglaruan ako at sinaktan. DIBA? Grrrr.
FOURTEEN Celestine Herrera: Bati na tayo, okay?
"Ahhh, ganun ba." Sabi nung lalaki. "Oo eh." Nakatingin na ako kina Gabriel ulit. Grabeh na naman ang hiyawan ng mga tao. Sa sobrang paghiyaw nila, nababanas na ako. "GOOOO GABRIELL!!! Varsity ka na!!!" "Varsity na yang number eeeeight! GWAPOOOO! HAHAHA" Leche, ni hindi man lang ako makahirit. Panay tuloy ang kamot ko sa ulo ko, para akong kinukuto. "Miss, relax ka lang." Sabi ulit nung lalaking katabi ko. Hindi ko na pinansin, nakita ko kasing nag jump shot si Gabriel. Sobrang na carried-away ako, para tuloyng nag s-slow motion lahat. Tapos nakita ko pa si Jana na tumuturo somewhere. Yes, I know! Gagawin ko na... teka lang no! Ganda-ganda ng view eh. Sumulyap ako dun sa lalaking katabi ko, tapos nakatingin lang siya sakin at nakangisi. Hmmm, mejo familiar siya ah? Whatever. Tumayo na ako at unti-unting nag martsa papunta malapit dun sa announcer. Bago ako tuluyang makarating dun sa announcer... nakikita kong mukhang tanggap na si Gabriel sa varsity. Syempre, galing-galing ng mokong na yun. Anyway, teka lang ah... breath-in, breath-out muna ako. Mejo kinakabahan ako sa gagawin ko pero... bahala na. "Excuse me po."
Tumingin yung announcer sakin. "Pwede po bang mag announce, importante lang po kasi eh." Kumunot ang noo nito. "K-Kasi po..." Ngumiti ako. "Kailangan ko lang po talaga eh. Importante." Binigay niya naman ang microphone, "O sige. Wa`g masyadong matagal ah." Tumango ako at ngiting-ngiti. Nakatingin naman si Jana sakin habang naghihiyawan parin ang mga tao. Inaapura yata ako ni Jana kasi paalis na si Gab. "Ehe-Ehem... test?" BWAHAHAHAHAHA >:D Mejo natigil ang hiyawan. "Number eight!" Sabi ko habang hawak-hawak ang microphone. "Number eight, Soriano, Gabriel Isaac!" Ngayon, nakatingin na ang lahat sa akin. Napalingon na rin si Gabriel at umiiling. Si Jana naman ay namamangha na. Wala na akong naririnig kundi ang puso kong timitibok ng mas malakas pa sa normal na pagtibok nito. "Nakikilala mo pa ba ako? Si Celestine Herrera `to! Yung bestfriend mo? We`ve been bestfriends for years na diba? Patawarin mo na ako kung ano man yung nagawa ko o kasalanan ko sayo. Kung ano man yung mga iniisip mo..." Lumunok ako at tumigil sandali. Inaabangan talaga ni ex-bestfriend ang mga sasabihin ko eh no? Tumitingala siya sakin at sakin lang nakafocus ang mga tingin niya talaga. Nakikita ko na rin dun si Stacey sa tabi niya na nakahalukipkip. "...noon, nagkakamali ka. Sorry din sa mga sinabi ko noon, hindi ko yun sinasadya. Sorry talaga. Hope you`ll forgive me." Okay, alam na natin kung ano ang ibig kong sabihin! Kailangan lang talagang maniwala siyang wala talaga akong gusto sa kanya NOON. Diba nga, di siya nakikipagkaibigan pa`g may gusto yung tao? Naiilang siguro? "Gusto ko lang humingi ng tawad sa`yo sa ginawa ko. Diba magkaibigan tayo? Kung totoo kang kaibigan, patatawarin mo ko diba? Sorry na, seryoso. Kasi kinalimutan ko na rin kung ano man yung kasalanan mo sakin. Gusto ko lang makipagkaibigan sa`yo ulit, ayoko kasi ng may kaaway ako. Bati na tayo, Gab ah?" Ngiti ulit.
Umiling siya lalong lalo na nung humiyaw ang mga tao sa paligid. Nagpalakpakan na rin ang kalahati sa mga estudyante habang isinisigaw na..... "BATI NA! BATI NA! BATI NA!" Pati ako, nakisabay... "BATI NA! BATI NA!" MWAHAHAHAHA. >:D Oh ano? Kuhang kuha ko ang simpatya ng mga tao no? Kaya sa ayaw`t sa gusto mo, makikipagbati ka sakin kung ayaw mong mainis ang lahat ng andito. "O ano, mister number 8, bati na raw kayo ng bestfriend mo?" Sabi nung announcer. "Bati na tayo, pleaaaase?" Nag pray-sign pa ako. Grabe ang tulak nila kay Gab dun sa court at kantsawan ang inabot niya pati yung coach niya. Shet na malagket! Nakita kong ngumiti, tumawa ang mokong habang kinakantsawan siya ng mga teammates niya at tinitingnan ako. Ang laki tuloy ng ngisi ko. OY! Wala ah! OA `to... mag hihiganti ako. Di ako nanlalambot dito. Ngiting yan? Asus! Ngiti lang yan! HAHAHA "Gab?" Pinahiram ulit ako ng microphone ng announcer. Ayan na naman ang hiyawan ng sanlibutan. "Bati na tayo, okay?" Ngiting pagkatamis-tamis ulit. At syempre, dahil matamis talaga ang ngiti ko. Di napigilan ni Gab ang ngiti niya--OMG! Nakatingin sakin ang unggoy na yun habang ngumingiti. Kahit alam kong pinipigilan niya ang pagngiti niya sa pamamagitan ng pag-iling... kitang-kita parin ang pagngiti niya. Tapos, tinalikuran niya na ako/kami. Naglakad na siya palabas ng gym. "HAH?" Ano yun? Walang imik? Nagpatuloy na ang nagaganap na try-out pero yung ibang tao, di parin nakakarecover sa nangyari at nakatingin parin sakin. Tiningnan ko si Jana tapos nakikita kong tinuturo niya ang labasan. Tumango ako at umalis na dun sa announcer para sundan nga si Gab.
"Cel, try mo sa locker room, or sa rest room, pero kung wala... sa parking lot kana dumiretso. Nakapark dun ang sasakyan niya." Ngumiti pa si Jude pagkatapos niyang isigaw sakin `to. "Okay! Thanks!" Dali, Celestine! Andun daw ang sagot sa mga nasabing lugar na yun. WOHOOOO~! Grabe yung takbo ko, wala na akong kinikilalang tao at nakikipagpatentero sa kanila.
FIFTEEN Celestine Herrera: the more you hate, the more you love
"Gab?" Sabay tulak ko sa pintuan ng lockerroom. Walang tao sa loob, syempre, lahat nandun sa gym. "Gab?" Pumasok na ako tapos nakita ko siyang nag-iimpake. Mukhang uuwi na. "Bati na ba tayo?" Tumayo ako sa harapan niya habang liniligpit niya ang mga gamit niya. Di man lang siya sumulyap sakin tapos kinuha niya na ang bag niya. Tinalikuran niya ako at umalis sa locker room. PFFFT! Ang unggoy na yun talaga. Bahala ka, susundan kita! Kaya tumakbo ako para abutan siya, "Gabriel!" "Ano ba?" Humarap siya sakin. BLE! Mag-uusap tayo ngayon no. Kailangang magkabati tayo! "Anong 'ano ba?'? Bati na ba tayo?" Di siya makatingin. "OA mo ah? Wa`g mong sabihing ayaw mo nang makipagbati sakin kasi na-stuck ka sa past natin?" "Anong past? Wala tayong past ah!" Sabi niya.
Oo nga naman, Celestine. Wala kayong past... pwede? "O sige, whatever. Wala tayong past, so ano, bati na tayo, bestfriend?" Ngumiti pa ako. Kaya lang tinalikuran niya ulit ako at patuloy ang lakad niya. "Hoy, Gab!" Tumigil ulit siya sa paglalakad at hinarap ako. "Asus, may ngiti-ngiti ka pa kanina tapos, yun pala susupladuhin mo rin naman pala ako pag tayong dalawa na lang." Plastic mo! "Alam mo bang panget tingnan sa babaeng naghahabol sa lalaki?" Tinitigan niya ako, seryoso. So? What`s your point, man? Panget ako? No! Ano bang kuneksyon nung sinabi niya sa nangyayari saming dalawa? Ay, ang hina ko. Siguro ayaw niya talagang sundan ko siya. Kung ayaw niyang sinusundan ko siya, bwahahaha, susundan at susundan ko siya para mas lalo siyang mainis. Tsaka, humanda ka! Magsisisi ka kung bakit binanggit mo pa yung linya mo kanina! "Alam ko naman yun, pero kung sa lalaking tulad mo din naman, di bale na kung pangit tingnan." Kumunot ang noo niya. At ayan na naman ang sakit niya, di makatingin sakin. Nu bang nangyayari sa kanya? Namumula pa. Uyyy, kinikilig yan! LOL. OOPPSSS! I know, masyadong scary yung nasabi ko. Heller, bahala na nga kung anong isipin niya. Dirty-minded masyado eh. "Ano bang p-pinagsasabi mo?" Hayan, Cel! Nauutal na! Success! "Ang ibig kong sabihin eh, sa lalim ng pinagsamahan natin, ba`t hindi mo parin ako mapatawad?" Ano ka ngayon. Winawala ko ang usapan. HEHE, baka maghuramentado na naman `to at aakusahan ulit akong may gusto sa kanya, naku. Suminghap siya, "Pag-iisipan ko pa." Tinalikuran niya ulit ako. Kaya ako naman, sumunod parin.
"Okay, pag-isipan mong mabuti ah?" Smile, useless... nakatalikod siya. Katahimikan. "Galit ka ba sakin?" Tanong ko. "Tinatanong pa ba yan?" "Bakit naman? Nag sorry na ko diba?" Di sumagot. "Oyyy, alam mo bang the more you hate, the more you love?" HAHA Humarap siya sakin, "Tumigil ka nga! Di na tayo mga bata!" Aray naku, sinagawan daw ba ako? "Eh yun nga diba?" Tinalikuran ulit ako. "Di na tayo mga bata, kailangan na nating magkabati?" Wala ulit akong narinig na sagot sa kanya. Hindi ko na nga lang kakausapin tungkol sa mga ganyang topic. Papunta yata sa sasakyan niya ang mokong. Wohooo~! Sasakay ako sa sasakyan niya. May sasakyan na pala siya? "Wala ka na bang pasok?" "Wala." "Ako rin kasi, pwedeng sumabay?" "Wala ka bang pera? Mag jeep ka na lang." Ang sama naman nito. "Wala nga eh." Uh-huh! Tapos pinakita niya ang bente pesos niya, "O." "Huh? Eh, sasabay na lang ako sa`yo. Uuwi ka na ba?" "Mag jeep ka na lang! Mamalasin ako sa`yo eh." How cold. "Sige na naman o!" Umiling siya. okay, papayag na yan. Bago siya makapagsalita, may dumaang tatlong lalaki sa harapan ko. Tapos nakita kong linagay niya ang gamit niya sa loob ng sasakyan. "Miss Celestine? Ano, bati na ba kayo nung number eight?" Sabi ng isa.
"Oo nga? Naku, sino bang di makikipagbati sayo, ang ganda mo yata." Flattered ako?! Hindi ko `to mga kilala ah? Sumikat na yata ako dahil sa ginawang iskandalo ko kanina sa gym. Ngiting-ngiti pa ang tatlong lalaki habang kinakausap ako, syempre, sabik akong mag share kaya... "Ewan ko nga eh, masyadong hard-to-get-" Hindi pa ako nakakapagsalita ng tapos, nakita ko nang umandar at umalis ang sasakyan niya. "-ang walang hiyang yun! GABRIELLLL!" ARGHHHHH! Kainis! Iniwan pa ako! AAAAAAAAAAAAAAAH~! Breath! Breath! Pinaypayan ko ang sarili ko. Ang mga surot na lalaking yun kasi, tinatanong pa ako. Masyado naman akong mabait para sumagot. At masyado akong kampante na makakasakay ako sa sasakyan niya. "Awww. Siya pala yung nasa sasakyan?" Tapos umalis na yung mga panirang lalaki. Kala siguro ni Gab nakatakas na siya sa mga kabalbalan ko, bwahahaha, nagkakamali siya. Pero teka, nakakainis yung ginawa niya ah? Iniwan akong nabitin dito? Shet! Humanda talaga siya sa bahay. Pag dating ko dun, sasabunutan ko siya. Kala niya naman di ko kayang magalit sa kanya? Nagkakamali siya, noon hindi ko kayang magalit sa kanya, pero ngayon - kaya ko na! GRRR... As in, KAYA KO NG IPAKITA SA KANYA!
SIXTEEN Celestine Herrera: nasasaktan ka parin pag naaalala yun
"GAAAB~!" Sabay palo ko sa gate ng bahay nina Gab. Matagal-tagal ko na ring di napupuntahan ang bahay na `to. Matagaltagal nang di ako napadpad dito kahit halos araw-araw ko `tong tinitingnan at dinadaanan.
Grabe, pati yata ilong ko umuusok na habang binabanggit ko ang pangalan ni Gab. Lanya talaga, nasa school pa lang ako nagdidilim na ang paningin ko. Kahit yung mga nakakasalubong ko, pinagdidiskitahan ko na at iniirapan ko na. "Gab!" Isang palo ulit sa gate. *POG-POG-POG-POG!* "Sandali lang, kumakain kami sa loob, ang bastos nito." Nabigla ako nang nakita kong si Kuya ang bumukas ng gate. "Ku-Ku-Kuya?" Pinapasok niya ako sa bahay nina Gab. May pagkain pa sa bibig niya habang tinutulak ako, "Sige na... pumasok ka na sa loob. Nandun din si mama at papa, si Gab at si Nica." "Huh? Ba`t andito si mama at papa?" "Kasi nga diba, kararating lang nina tito, tita, gab at nica galing states, hayun... nagcelebrate. Lam mo naman yun, mag bestfriends!" Bago pa ako makapagsalita ulit, tumambad na sa akin ang dining table nina Gab. Nandun sina mama, papa, tito, tita, Nica, at syempre, si Gabriel. Nung nakita ko ang mukha niya sobrang inis yung na feel ko. "O, Celestine, ang laki-laki mo na ah! Lika na... umupo ka dito sa tabi ng kaibigan mo." Sabay turo sa upuan ni Gab. "Classmate ba kayo ni Gab, Cel?" Tanong ni papa. Nakatingin na ako ngayon kay Gab na todo ang lamon. Si kuya naman, pumwesto na sa tabi ni Nica na nakababatang kapatid ni Gab. "O-Opo." Hindi ko parin maipinta ang mukha ko. Pagkatapos akong iwan ng Gab na `to? HUH!? Di pwedeng magtatawa ng sobra ngayon para mapanatili kong galit ang sarili ko. Umupo ako sa tabi ni Gab. "Pasensya ka na, Cel ah?" Sabi ni Gab habang inaabot sakin yung rice. Di ko na siya tiningnan. Anong pasensyang pinagsasabi nito? Yung kanina? Hindi, Gab... Okay lang yun, nukaba?! JOKE HINDI NOOO! Hindi yun OKAY! "Sinabi ko kasi kay mama at papa na kumain na kami kahit wala ka pa, ginugutom na kasi talaga ako eh."
Yun naman pala? So? Ano ba!!! Tumingin ako kay mama at papa. "Okay lang yun, Gabriel. Di naman hahayaan ni Cela ng sarili niyang magutom, kaya maaring hindi pa siya gutom ngayon." "Oo nga naman." Ay, si mama at papa talaga, ambabait? Grrr. Hindi ko maatim ang mga pinagsasabi ni Gab, plastic talaga! Tumingin ako sa kanya at nakaevil smile pa siya. "Hindi! OKAY LANG YUN, GAB! Bestfriends naman tayo eh." Umirap pa ako ng palihim at linantakan na ang pagkain. Kung alam niyo lang, iniwan ako ng Gab na yan sa school! Iniwan akong nakabitin sa ere! Pasalamat siya`t gusto kong harapin siyang mag-isa at walang parents-parents na maiinvolve. Kaya lang, sobrang malas ko ngayon. Pagkatapos naming kumain, si mama, papa, tito at tita, nasa loob ng bahay nina Gab nagkukwentuhan. Si Nica, Gabriel at Kuya Sky naman, nasa garden. Huuu! Nag-uusap si Kuya at Gabriel. Magkabati na ba sila? Tatanungin ko na lang si kuya, next time. Si Nica naman, panay ang text. Ang ganda-ganda niya na. Sobra, dinaig yata ako. HAHAHA LOL Syempre, lil sis yan nung pinaka gwapong lalaki sa mundo. JOKE! "Nica, panu, uuwi na lang muna ako ah? Pagod kasi ako." "O sure, ate Cel. Dito na lang muna ako magpapahangin. Tsaka, di pa kayo nag-uusap ni Kuya ah?" Napatingin tuloy ako sa bruho. Nag-uusap parin sila ni Kuya. "Ah, hindi na muna." Galit pa ako diyan eh. Bukas, mawawala na `to at tuloy na naman ang mission ko. WAHAHAHA. >:D Magpapalamig na lang muna siguro. Kaya tinuloy-tuloy ko na ang pag-alis. Papalapit na ako sa gate nung biglang... "Psssst! Pssst!" Si kuya. Lumingon ako gamit ang pinaka pangit na ekspresyong pwede kong ipakita.
"Si Gab o, magkaibigan kayo diba?" "Ahh, wala akong kaibigang plastic." Bulong ko. "Oy! Narinig ko yun ah?" So what? Buti narinig mo para malaman mo. Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Kala ko ba makikipagkaibigan ka sakin?" Lumingon ulit ako sa kanya. "Hindi na muna siguro ngayon, bukas na lang ulit." Umirap ako. "Cel, galit ka pa rin ba kay Gabriel? Di mo parin ba nakakalimutan yung noon?" Ack! Si Kuya talaga... ba`t yun ang tanong niya? "Ba`t ako ang tinatanong mo niyan? Ba`t di si Gab?" Tumingin si Kuya kay Gab at, "Huh?" "Sino ba yung iniwan ako kanina dahil ayaw makipagbati sakin?" Tinaas ko pa ang isang kilay ko. "T-Talaga? Ginawa yun ni Kuya?" Tanong ni Nica na mukhang nafifeel ko ang pagkabigla sa boses niya. "Oo!" Si Gab naman, showbiz masyado, di na makatingin sa kahit sino saming tatlo. "Anong hindi nakikipagbati? Diba sinabi kong pag-iisipan ko pa lang?" Tanong ni Gab. "Kuya, why do you have to think about it? It`s your fault anyway... and, you should thank Ate Cel coz she didn`t tell any of our parents about it." Kakabigla! Go, Nica!!! "Oo nga naman Gab." Singit ni Kuya. Kumunot na ang noo ni Gab sa sobrang pakipot talaga niya. "O, sige na Gab!" As if kaya kong... hindi ma accomplish ang mission ko, pa effect lang `to. "Kung ayaw mo parin." Evil-smirk ko. "At di mo parin makalimutan yung past natin, nasasaktan ka parin pag naaalala yun at nakikita ako." SUPPEEEER DUPER EVIL SMIRK. "Okay lang, naiintindihan ko kung ayaw mo paring makipagbati sa akin. Di na kita pipilit-" "O sige na nga! Bati na tayo! Tsaka, nu ba yang pinagsasabi mong di ko makalimutan yung past at nasasaktan ako, tumigil ka nga! Tumitindig ang balahibo ko sayo eh!" Pumalakpak si Kuya at Nica.
Ako naman, hehehe, ngumisi na lang. Kahit ang totoo, gusto kong magtatalon at magsisigaw ng LEVEL ONE COMPLETED, MISSION ACCOMPLISHED, PROCEED TO NEXT LEVEL! Kahit alam kong halos isuka niya ang mga sinabi ko at mukhang napilitan lang siya sa pakikipagbati sakin, okay lang yun, ang mahalaga makakamove-on na ako sa next PLAN - ang paibigin siya ng todo-todo! Yung tipong, ipapakulong na ang ibang lalaking mahahawakan ako. HAHA Humanda siya! Gumagana na ang mga bitag ko! MAHUHULOG AT MAHUHULOG KA RIN SA MGA BITAG KO, TANDAAN MO YAN GABRIEL SORIANO!
SEVENTEEN Celestine Herrera: Asan na yung mga babae mo?
Dahil magkaibigan na kuno kami ni Gabriel, nakiusap ako sa kanya na kunin ako sa bahay the next day. At dahil maganda na at maswerte pa ako, pumayag siya. Ang sayasaya ko! Oy, walang meaning yun ah? Masaya ako dahil syempre magiging magkaibigan ulit kami ni Gab at matutupad na yung mga plano. *PEEEP-PEEEP* Shet, malilate na nga pala kami kung di ko bibilisan. Kanina pa bumubosina yung si Gab sa labas eh. Kaya todo ang takbo ko palabas ng gate. Pasensya, inagahan ko naman yung paggising, natagalan lang ako sa pagligo at pag-aayos sa sarili. Syempre, kailangang fresh na fresh at mabangong mabango, paimpress kay Gab ba. >:D "Ang kupad mo namang kumilos, sakay na nga!" Binuksan ko ang pintuan. Kala ko pa naman iikot siya para siya na ang bumukas ng pintuan, di pala. Errr, ano ba? Papaibigin ko pa nga pala ito no? "So-Sorry!" Makapagsorry na nga lang no, kesa sa mag-away kami. Sobrang tahimik at seryoso siya sa pagdi-drive, naiilang tuloy ako. Tumingin na lang ako sa labas. Ilang sandali, nagbreak ito. We`re caught in traffic! "Shhhh-" Suminghap siya. Mukhang binilisan niya talaga ang takbo ng sasakyan eh, kaya lang natraffic parin kami. "S-Sorry."
Tumingin siya sakin. "Bakit?" "K-Kasi pinilit pa kitang sunduin ako, kung di kita pinilit, di ka sana mali-late ngayon." Di siya nagsalita. O, di siya sumagot. "Nga pala, uh, kamusta ka na?" Tanong ko. Hehe, kung ayaw niyang magreply dun sa sinabi ko, edi magtanong ulit ng kung anu-ano. Strategy. "Yoko ngang sagutin yan." Kumunot ang noo ko, "Bakit?" "Eh may atraso ka sakin diba, dapat di ako malilate ngayon, kaso ang kupad mo. Kaya as punishment, di ko yan sasagutin." "Eh? Ang daya mo naman!" "HAHA >:D " Tumawa siya habang naggreen na ang traffic light. Ang cute ni Gab. HAHAHA >:D "Ang dami mong fans ah, grabe, dun sa gym! Puro babae." "Syempre, gwapo yata ako no!" "Oo nga." Smile. Tumingin siya sakin, "Tumigil ka nga! May gusto ka yata sakin eh!" Namumula na naman. "Hoy! Ano? Wala ah? Nukaba? HAHAHA Masyado ka bang naooverwhelm pag di kita iniinis? HAHAHA." "Mas nakakainis nga yan eh." Pinaandar niya na ang sasakyan. "HAHAHA Okay, whatever. So, ano? May girlfriend ka na ba?" "Wala." "HAHA Sabi na nga ba, walang magtityaga sayo, sa yabang mong yan?" Sumulyap siya sakin, "O, ano `to? Nagkakapersonalan na ba tayo?" "ANO KA BA! Kala mo ba ayaw mong mabait ako sayo, ngayong iniinis na kita, ayaw mo parin?" Nagtawanan kami. OMG. I never thought that I missed this moments so much. That I missed him so much. "Pero, di nga? Wala ka pang GF? Ex?" "Wala." "Sa daming babae sa mundo?" "Wala. Alam ko namang nagugustuhan lang nila ako kasi gwapo ako eh." "Kapal nito, di porke`t gwapo ka magugustuhan ka na nila. Ang daming babae diyang hindi mukha ang hinahabol no!" Nakangiti siya habang pinapark ang sasakyan.
Ba`t nakangiti `to? "Tsaka... di ka naman gwapo eh!" "Ano? Eh kakasabi mo pa nga lang na gwapo ka eh. Ano bang totoo?" Tinitigan niya ako. At... takte. Kinakabahan ako. "Kung anong iniisip mo, yun na yun!" Lumabas na ako sa sasakyan niya. Siya naman, mas makupad pa sa uod kung kumilos. "Bilisan mo nga? late na nga tayo eh." Lakad-takbo ulit ako, pero siya, cool na cool lang ang dating. "Hi Ms. Celestine!" Ow? Sino `to? Grupo ng mga babae. "Bati na ba kayo ni bestfriend number eight?" Sabay tingin kay Gabriel. Napahinto tuloy ako sa panic-attack ko. "Oo. Bati na kami." Gab flashed his sweetest smile to the girls. "AWWW!" Ewan ko kung happy ba sila dahil bati na kami o kinikilig sa ngiti ni Gab. "Sige ah, late na kasi kami eh!" Tapos lumakad ulit ako. Ilang steps pa lang, nararamdaman ko ng di na sumusunod si Gab. Kaya lumingon na ako sa likuran. Ayun pala, ngiting-ngiti dun sa mga babae. NAKU!!! Bwiseeet! Di parin nagbabago, talaga! Pagdating sakin, di namamansin or nang-iinis. Tapos sa ibang tao, sobrang bait. GRRR. "Gab!" Ayaw makinig. Ah, bahala ka sa buhay mo. Nagmadali ako. Pagdating ko ba naman sa room namin, ganito... "Ms. Herrera, see you next meeting. I don`t accept late comers, though it`s the first day of the class!" Pinalabas lang ako sa classroom? Ganun ka simple? Nakatunganga tuloy ako sa labas. Hihintayin ko na lang si Jana. Bwiseeet. "Ano? Pahiya ka?" Kinalabit ni Gab ang pisngi ko. Kaya napalingon ako sa kanya. Leche, ang gwapo talaga! Umirap ako. Alam niya sigurong ganun ang mangyayari.
"Ayan... may absent na tayo, dahil sa`yo!" Tumingin siya sa relo niya. "Asan na yung mga babae mo?" "Ah... yun ba? Ewan ko." Nagkibit-balikat siya. "Nga pala. May practice kami mamaya, puntahan mo na lang ako sa gym para makasabay ka pag-uwi ko. Bilisan mo ah? Wa`g kang magdala ng iba, kung ayaw mong iwan kita." IBA? Tapos, tinalikuran niya ako at umalis na. Di nagpaalam kung saan siya pupunta. Naaalala ko tuloy ang dahilan ng pakikipagclose ko sa kanya noon... para lang makapagpaalam siya kung aalis na siya, sinikap kong kaibiganin siya. Ngayon, di ulit siya nagpaalam... siguro kulang pa yung pagbabati namin! AJA! Anyway, what`s IBA?
EIGHTEEN Celestine Herrera: Ako ba mahal mo?
"HALA! Nararamdaman ko talagang kontiiii na lang, Cel!" Sabay talon ni Jana pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari. "Anong konti?" "Konti na lang at magkakagusto na talaga si Gab sayo! WOHOOO!" Sabay palakpak niya, halatang maraming plano. Tahimik na lang ako habang tinitingnan siyang nakatingin sakin. "Sigurado ka bang wala ka ng feelings para sa kanya?" "O-Oo naman! Syempre." "O edi kung ganun, walang problema!" Ayan na naman siya at tawa nang tawa. Pagdating ng hapon at pagkatapos ng huling subject namin ni Jana, excited na agad ang lukaret sa pagpunta sa gym. Siguro kasi unang practice ito ng pepsquad na sinalihan niya. "Pag naging malapit na kayo to the nth level, subukan mong yayain siyang magdate kayo!" "D-D-DATE? Anong date?" "Loka! Friendly date lang naman yun, pero gawin mo ulit lahat para magustuhan ka niya, mag paimpress ka and all that, `kay?" Nakangisi siya. "`kay." Yun naman ay kung maayos na maayos na talaga ang lahat.
Sana... di na lang maayos ang lahat?! LOL. Ano ba `tong nangyayari sakin, naduduwag na yata ako eh. Aja, Cel! Kayang kaya mo yan! HAHA "Excuse me, bawal pumasok sa gym kung walang event at di kasali sa cheering squad o basketball varsity." Sabi nung guard sabay tutok sakin nung bat niya. Wulang heya! Ako ang tinutukoy niya! "Huh?" "Huh? Okay, Cel, tawagin ko lang si Gabriel ah. Dito ka muna sa labas." Sabay iwan sakin ni Jana sa labas ng gym. Ay... anak ng tipaklong talaga. Wa`g niyong sabihing balak ni Gab na lamukin ako dito sa labas sa kakahintay sa kanya. Hindi naman pala ako makakapasok eh. Umupo na lang ako sa sahig habang iniisip ko kung paano pupuslit kay manong guard. "Kuya, sige na naman po oh. May kilala ako sa loob eh." "Hindi pwede, miss. Sorry." Napabuntong hininga ako. Tapos biglang may narinig akong humingal at tumakbo papunta kay Manong guard. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bewang niya habang halos basa na sa pawis ang buhok niya. Number 8! Number 8, white jersey (nung last dark blue ang kulay ng jersey niya), SORIANO. "Papasukin niyo po siya, akong bahala." Lumingon siya sakin at napatayo ako. My hero! Ang gwapo talaga kahit pawis na pawis... at malayo pa lang siya amoy na amoy ko na na mabango parin siya. HOOOO! Makatulo-laway talaga si Gab, mula noon, hanggang ngayon. PSSST! Tumigil ka nga! "Sabi ng coach niyo, hindi raw pwede." Napatingin ulit si Gab sa guard. Naku naman, ang epal ni manong guard. "Sinabi ko na kay coach! Panu ako makakapag concentrate sa practice kung narito lang ang girlfriend ko sa labas, diba?" Sumulyap siya sakin at kinindatan ako. G-Girlfriend? HA HA HAHA. "O sige na nga." Abah! Strategy ba ni Gab yun? Strategy ba ni Gab yun para kay Manong guard? O strategy niya para... sakin? "Dito ka muna, Cel. Tapusin ko lang ang practice." Tapos tumakbo na siya agad sa court.
Gwapong nilalang talaga si Gab. LOL. Ano bang saya ang naibibigay ko sa sarili ko sa tuwing inaamin ko yun? Wala diba? GRRRR. Grabe, ang galing-galing niyang mag shoot ng bola. Sapul na sapul niya ang ring kahit saan siya mag shoot. Tapos, ilang sandali, tumingin na yung mga teammates niya sakin. "Celestine, bati na pala kayo! Congrats! Ano kaya ang susunod?" Nagtawanan pa silang lahat. Ngumiti na lang ako, yoko namang magreact. Kaya lang, react agad ang lolo niyo. "Wala no! Ano ba kayo. Hanggang kaibigan lang kami niyan!" Sabay shoot ng bola sa ring. "Awwwch, men! Okay!" Sabi ng teammates niya. Ayun tuloy, napawi ang ngiti ko. Lanya! Kailangan pa bang imemorize yan? Hanggang diyan na lang kami? hanggang bestfriends? Oo nga! Humanda ka talaga!!! Tapos nakita kong nag break yung mga nagpapractice na cheering squad sa gilid. WHOA! Bago sila nag break, nag perform ng tumbling si Stacey, ilang beses siyang nagtumambling, backtambling at kung anu-ano pa. Hindi ko namalayang tumigil sa pagpapractice ang mga varsity para lang panoorin yung ginawa ni Stacey. Pumalakpak at sumigaw pa sila pagkatapos ng ginawa niya. Grabe naman, galing niya talaga. Napatingin tuloy ako kay Gab na nakatingin sa kay Stacey, ba`t nga ba di pa niya nililigawan yun kung crush niya naman pala. "Okay! Tapos na practice! Dismiss!" Sigaw ng coach nila. Agad naman siyang tumakbo papunta sakin. Nakita ko tuloy ang mga titig ni Stacey sa malayo at ang two thumbs up ni Jana. Magpapractice pa sila sa cheering kaya di pa sila pwedeng umuwi. "Galing ni Stacey no?" Napatingin tuloy ako kay Gab habang nakatingin siya kay Stacey. "Ang ganda at ang sexy pa." Nakangiti na siya ngayon. "Oo nga, kaya nga crush mo siya diba?" Nakakainsecure naman. Bakit ba? Maganda din naman ako ah? Di nga lang ako marunong sumayaw pero ganda ko no! LOL. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko, sexy? "Oo." "Ba`t di mo ligawan? ang tagal na niyan diba?" "Di ko naman siya mahal eh."
YUHOOO! May pag-asa naman pala ako. "Ganun?" Galing ng Gab ko, hindi manliligaw kung di niya mahal. "Eh..." Napatingin siya sakin. "Ako ba mahal mo?" Linigawan mo ko nun, diba? Hehe. Again, it`s called strategy.
NINETEEN Celestine Herrera: Liligawan mo na ba siya?
"AHAHAHAHA." Tumawa na lang ako dahil masyado na siyang tahimik at mukhang nagdadalawang isip sa isasagot. "Matagal na yun no! Kalimutan mo na nga yun!" Sabi niya. "Okay, okay! Alam ko naman yun, linoloko lang kita. HAHA." HAHA ka diyan, Cel! Bigo ako sa strategy kong yun ah? Syempre, masyado pang maaga para magtanong. Tapos naglakad na kami palabas ng gym. Kaya lang... biglang, "Nakalimutan ko..." Lumingon siya sa likuran. Pati ako lumingon na rin, and to my delight... Stacey was there, standing. "Stacey, lika na pala!" Sabi ni Gab. Tumakbo naman si Stacey papunta samin ni Gab at ngiting-ngiti ito. "Tapos na ba practice niyo?" "Uhm, hindi pa. Pero...-" "Aw. Hindi pa pala. Sige, hihintayin ka namin!" Ngiti naman si Gab. "Cel, ano... hintayin muna natin si Stacey?" Tinanong pa, pag sinabi ko bang ayoko, papayag ka ba?
"Sige, thanks!" Ngiti ulit si Stacey kay Gab at snob ang inabot ko. Tumakbo pabalik si Stacey at naglakad naman pabalik si Gab. Ayaw gumalaw ng paa ko. Bakit kailangang hintayin pa si Stacey? What`s up ba? Tsaka, may pangiti-ngiti effect pa silang dalawa. Parang M.U. Mga loko! Kaya lang, sa huli... wala akong nagawa. Syempre, napilitan akong hintayin si Stacey at panoorin ang pagtambling niyang kinaiinsecuran ko. Si Gab naman, palakpak ng palakpak evry now and then. Kabanas... err. "Gab, ba`t natin siya hinihintay?" "Ah, kasi... Nasiraan yung kotse niya eh. Nakiusap siyang ihatid ko na lang daw siya, since di daw siya sanay mag jeep at natatakot daw siyang mag taxi." OH? Really? Ang swerteng babaita naman yata ng Stacey na yan no? Eh ako, sanay akong mag jeep, mag tricycle, at kung anu-ano pa. Pwedeng, mauna na lang ako? Tsss! Loka ka, Celestine! Syempre, di ka pwedeng mauna. Paano kung dahil di ka sumama, eh may mangyari sa kanilang dalawa... baka magkaaminan sila and all that, di ko yata kaya yun no! WAAA~ "Uh, ganun ba? Nagpapaimpress ka ba?" The tone, Cel! Keep it down, okay? "Hmm, hindi naman." Ngumiti ang lolo niyo. "Talaga?" "O!" Tapos, sumulyap sakin. "Nukaba..." "May balak ka bang manligaw sa kanya?" "Uhhh, yokong magsalita ng tapos." Pero sakin, laging tapos ang sinasabi mo! "Mabait naman kasi si Stacey, sexy, maganda, magaling sumayaw... lam mo yun." Tumango ako without looking at him. EWAN KO SA`YO GAB! BAKIT BA? GRRRR... Tuwang-tuwa siya habang tinitingnan ang cheering squad. Ako naman, halos mag ddaydream na lang. Pesteng peste ako dito. "Hayyy, salamat sa paghihintay Gab ah?" Ngumiti pa si Stacey nung nakarating na kami sa sasakyan ni Gab. "No problem!" Ngiting-ngiti ang mokong. Kaya ako, sinubukan ko na lang i-open ang front seat. Pero imbis na ma-open ko yun, nagkaholding hands pa kami ni Stacey! ABAAAA~! Hoy, hija, ako ang nauna kaya ako dito. Tsaka, sampid ka lang dito no"Uhh,"
"Cel, sa likuran ka na lang muna." Sabi ni Gab pagkatapos niyang masense ang tensyon sa aming dalawa ni Stacey. Ako naman, WALANG MAGAWA. Nakakainis pag ganito, pag wala kang nagagawa. Nakakayamot. "Ahahahha, salamat! Hindi naman masyado!" Sabi ni Stacey habang papunta kami sa bahay nila. Halos tumili na yata yan dahil kanina pa pinupuri ni Gab. Ako naman dito, nasa gitna ng upuan at nakikinig lang sa harutan ng dalawa. "Oo. Grabe, you`re an amazing dancer. Ano bang secreto mo?" "Ahahaha. Kaw talaga, uh, secreto? Wala naman." Nagkatinginan silang dalawa. "*Ehem*" Inubo ako, hehe, daw! "If you`re trying to please someone, magiging magaling ka na lang bigla." Ngumiti si Stacey. Pinark na ni Gab ang sasakyan niya sa tapat ng bahay ni Stacey. "Someone? Who`s that someone?" "Someone so special." Nagkatitigan na ang mag-irog! Este... mag... kaibigan? EWAN! "*EHEEE-EHEMMM*" Ayun, may nalinuk akong pusa eh. Sorry sa istorbo! Sumulyap si Stacey at Gab sakin pagkatapos ng madramang pag-ubo ko. "Pa-check-up ka na, Cel." Stacey said. "Anyway, gotta go now, Gab! Thanks for the ride!" Ngiting-ngiti ang dalawa. Kahit nung umalis na si Stacey, panay ang ngitian nila. Si Gab nasa loob ng sasakyan, si Stacey nasa labas ng bahay. "Lipat lang ako." Tapos lumipat na ako sa front seat. Bweset talaga ng marami, hindi parin umaandar ang sasakyan kasi nagngingitian pa ang dalawa. "Hello ma? opo, pauwi na ako!" WALANG TUMATAWAG OKAY!
OKAY? Eto na yata ang pinakagagong nagawa ko sa araw na `to. Ang mag kunwaring tinatawagan na para iuwi na ako ni Gab at tigilan na nila yung kilig moment nilang hindi ko naman nagugustuhan. Kumaway na si Gab at pinaandar ang sasakyan. YES! At last. Pero dahil yata nabadtrip ako sa nangyari at mejo nainis ako sa ginawa kong pagkukunwaring may tumatawag sakin, hindi narin ako nagsalita. Pero, ayaw yata ni Gab na matulog kaming hindi niya nasasabi ang mga eto eh. "Kakatuwa si Stacey no?" Talagang TANONG pa yung sabi niya para umimik ako. "Bakit?" Yokong umo-o at magkunwari ulit. "Crush ako nun diba? AHAHA." "Yun lang ba ikinatuwa mo?" Ba`t pag ako magkakacrush sa`yo, di ka natutuwa? "Syempre, it goes to show that I am a hunk." "Hunk?" Natawa akong bahagya. What the hell? HAHA "Oo, gwapo ako. HAHAHA" Vain masyado `tong lolo niyo. "Whatever. So, ano? Liligawan mo na ba siya?" "Like I said, ayokong magsalita ng tapos." WHAT THE? Hmmp. Masaya siya dahil crush siya ni Stacey... then it goes to show na gwapo daw siya. Masisiyahan kaya siya sa kagwapuhan niya kung sasabihin kong crush ko siya? Masisiyahan pa kaya siya dahil ipinanganak siyang gwapo kung ako na ang magkakagusto sa kanya? BAKIT BA TALAGA? Errr. "Natutuwa lang talaga ako dahil crush ako ng tulad niyang maganda, magaling, sexy, at mabait na babae." Ngumiti pa siya. Di na ako umimik. "Nga pala, may ubo ka ba? Baka may swine flu ka na ah?" Tumawa siya. "Kanina ka pa ubo ng ubo eh." Naku. naku. NAKUUUU! Gab so DENSE! So, hindi siya matutuwa kung ako yung magkakagusto sa kanya, kasi di naman ako kasing ganda, sexy, talented at BAIT (?!) ni
Stacey? Pero kahit ganun, pupuriin niya parin ba ang pagiging HUNK niya kung magkagusto ako sa kanya? Isang malaking tanong.
TWENTY Celestine Herrera: Iba yata ang type niya eh.
Gagaguhin ko ba talaga si Gab? Yan ang pinag-isipan kong mabuti habang nagdi-discuss kami ng kung anu-ano sa klase. Syempre, alam ko ang sagot diyan! Ano pa, edi oo! Ang akin lang naman eh, kaya ko kaya siyang gaguhin? O, baka kung anong isipin niyo... What I mean is kung magpapagago ba siya. Yung tipong magkakagusto kaya siya sakin? Eh mukhang si Stacey yata laman ng kokote nun at halos di nga tumitingin sakin yun. Bestfriend pa ang turing sakin kaya syempre, baka mag agawan ang puso`t isipan niya kung sakaling mainlove na siya sakin. Weh, kapal mo Celestine ka! Anong maiinlove ang pinagsasabi mo diyan. "Hoy!" Naaninaw ko ang mukha ni Gab na nakaharap sakin. Tapos na pala ang klase. Pinagpawisan naman ako agad ng malamig, ano `to? Static? "Ano bang nangyayari sayo, tulala ka!" Aniya. "H-Huh? Ah, wala... May iniisip ako." "Aww, okay. Daydreaming?" Tumaas ang kilay niya. Nakita ko naman si Jana na nagliligpit ng mga gamit niya habang pinapanood kaming dalawa. Biglang nag evil-smirk ang bruha. May ipinapahiwatig yata siya. "Uh, sort of..." Tapos sinikap ko na ring magligpit ng gamit. Nakatayo parin si Gab sa harapan ko. "Ano namang dini-daydream mo?" Tapos binigyan ko siya ng look na parang nagsasabing dapat alam niya na yan, "Kailangan pa bang itanong yan?" "Kaya nga tinatanong diba? Kasi di ko alam."
Aba dai! Galit ang lolo mo. Pilosopo pa! "Edi sino pa, yung crush ko!" Tapos, narinig kong umubo si Jana. "Jana, pa-check up tayo? Kahapon pa ako inuubo eh. Pa-quarantine na rin tayo para sur-" "SINO?" Talagang pinutol niya pa yung sinabi ko para lang masingit yung kadudadudang tanong niya no? "Sino? Hehehe, secret. Baka sabihin mo sa kanya." Oy Cel! Batukan kita riyan. Kahit nga ako eh di ko naman alam kung sino yung tinatago-tago ko kay Gab na crush kuno. "Gab, lika na! Mahuhuli na tayo sa next class!" Singit ni Jude. Kami naman ni Jana, sa kabutihang palad, walang susunod na klase kaya okay lang kung makipagkwentuhan ako kay Gab for the next one hour. "Teka lang!" Sigaw ni Gabriel kina Jude. "Sino? Clue?" "Clue?" "Kilala ko ba?" "Uh, not sure." Not sure kasi talagang wala akong alam sa sinasabi ko. "Description?" "Uh, ano pa? Edi gwapo! Yun na yun!" Sabi ko. "Sige na, umalis ka na. Baka ma-late ka pa." Kahit na gusto ko naman talagang tinatanong niya ako tungkol dito. Parang concern! YEEE. Oy, Cel! Wa`g kang assuming. Concern lang yan kasi, bestfriends kayo. "Ba`t ilinilihim mo sakin?" "Di naman," Ngiti. "Natatakot lang ako, baka kilala mo siya. Lamo mo na, nag-iingat. Baka kasi madulas ka at masabi mo sa kanya." OHH! Ang talino mo, Celestine! Ambilis lumabas ng mga kasinungalingan sa bibig mo ah? Tsaka, ambilis mong makaisip ng palusot. "CEL!" Siga wni Jana. Napatingin tuloy kami ni Gab kay Jana.
"Sayang! Hindi mo tuloy nakita! Dumaan si crushie mo, naka navy-blue na shirt. Shet. Diba nga kasi dapat nasa labas na tayo sa mga oras na `to, alam mo namang dadaan siya ngayon. Lumabas na nga tayo!" Hirit ni Jana gamit ang nanggigigil na boses. Akala ko ako na ang pinakamatalino, mali pala. May mas matalino pa sakin, si Jana. Biruin niyo? Agad siyang may pakulo na ganun? Naka turo pa siya sa door nung sinasabi niya yun ah? Ayun tuloy, napatakbo papalabas si Gab para tingnan kung sino yung naka navy-blue na dumaan. "Tsss. Ang daming naka navy-blue eh!" Sabi ni Gab. "Ahahaha. Ba`t ba concern ka sa crush ni Celestine, Gab? Selos ka ba?" "H-Huh?" Namumula na naman ang pisngi ni Gab. "D-Di ah? Alis na nga tayo!" "Bye Gab!" Last hirit ni Jana. "Bye!" Sabay kaway ko. "CEL! ALAM KO NA KUNG SAAN SIYA NAGLU-LUNCH! DUN TAYO MAGLULUNCH MAMAYA! TAPOS, HIHINGIN NATIN NUMBER NIYA, OKAY?" Grabe, akala nasa kabilang dako ng school ang kinakausap ni Jana sa lakas ng boses niya. "Cel!" Bumalik si Gab. "Sabay tayo mag lunch mamaya ah?" "A-A-H. Huh? O-Okay!" Grabe! Papalakpak na ako dahil sobrang natutuwa ako sa nangyari. "Tsaka, number mo din nga pala. Di ko pa nakukuha." Papalapit na si Gab samin ni Jana. "Uh, Gab. Ako na lang ang magbibigay ng number mo kay Cel. Baka ma late ka na eh." "Oo nga, Gab. Sige na!" Smile. "O-Okay." Tapos umalis ulit ang mokong. BWUAHAHAHA! Nag-unahan kami ni Jana sa pagtawa nung tuluyan ng umalis si Gabriel. >:D Grabe, galing ni Jana! "That`s what we call, strategy. Naku, naku, naku... na si-sense ko na talaga ng bonggang bongga ang malalim na feelings ni Gab para sa iyo. Sooner or later.... mwuahahahhaha >:D " Grabe, parang demonyo. "Hmmm, ewan ko. Iba yata ang type niya eh." "Wala yan sa type-type! Kung patuloy mo siyang pinagseselos sa isang mr. navy-blue guy, talagang ma pi-pressure yan! Tapos, macoconfuse na yan at iisipin na niyan kung bakit masyado siyang concern sayo... then tada!!! Aaminin niya na ang tunay na nararamdaman." Grabe, kinikilabutan ako sa mga plano nitong si Jana. "Hanep ka, agad mong naisip na dumaan yung crush ko. Meron ba talagang dumaan na naka-navy blue? o baka naman, crush mo yung dumaan?"
"Hindi ah! May dumaang gwapo eh. Naka navy-blue. Gwapo talaga. Di ko nga lang type. Ptential boyfriend mo yata yun eh. Tsaka, nakita ko kayong dalawang nag-uusap sa gym noon." "Sa gym?" "Oo. Nung nag-iskandalo ka, remember?"
TWENTYONE Celestine Herrera: Gab! Nukaba!
Text ni Gab sakin na sa cafeteria na lang daw kami magkita. Grabe, kainis, sana man lang sa isang romantic restaurant niya ako dalhin no? LOL. Ayan ka na naman, Celestine! Parang lunch break lang eh gusto mo restaurant agad. Atat masyado eh no? "Tagal!" Yun na lang ang nasabi ko paglipas ng 12:30 ng tanghali na hindi parin siya dumarating. Kakayamot. Mukhang namumutla at nanginginig na ako dito. Nalipasan na yata ako ng gutom eh. Sana pala sumama na lang ako kay Jana. Pero, napawi ang lahat ng gutom ko nang may tumakip sa mga mata ko galing sa likuran. Alam niyo na siguro kung sino yun no! Syempre, sino pa... edi si Gabriel Isaac Soriano! Napangiti ako nang hinawakan ko ang kamay niya. Tapos, tumalikod ako habang tinatanggal ito sa mga mata ko. Nakita ko siyang nakangiti. Abot langit ang ngiti niya. Sobrang saya ko naman. Biruin niyo, makikita mo siyang ngiting-ngiti? "Cel, sorry." Agad namang nawala ako sa sarili nang nakita ko si Stacey sa likuran niya. "Tsaka, kasama ko nga pala si Stacey. Wala kasi siyang kasabay mag lunch eh." "Ahhh." Late na nga siya, tapos magdadala pa ng bruha. Naku, naku Gabriel ka! Napakadensedense-dense mo talaga ng sobra-sobra! Akala ko pa naman gusto niyang mapag-isa kaming dalawa.
Pumwesto na silang dalawa sa isang table. Syempre, para ipahiwatig ko sa kay Gab na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya... "Gab, pwede sa tabing table na lang ako umupo? Kailangan ko kasi ng space eh." Sabay tingin ko kay Stacey. "Huh? Dito ka na lang Cel! Ba`t ba gusto mong mapag-isa?! Bitter na bitter ka pag kaw lang mag-isa!" Sabi ni Gab with evil smile. "Hindi na talaga, Gab!" Pinakita ko ang marami kong dala. "See? I need space!" "Aww. Kung g-gusto niyo, ako na lang sa kabilang table?" Singit ni Stacey. "Wa`g Stacey! Sige na, hayaan mo na si Celestine. Sanay naman yan eh. hahaha." Binigyan ko ng masamang tingin si Gab, agad naman itong nag peace-sign sakin. NAKUUUU! Nakakabweset! Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Kaya lang, naisip kong kailangan ko talagang kumain kaya bumili na rin ako ng sariling pagkain. Nakakabanas lang kasi habang nagsisimula akong kumain mag-isa, masyang nagku-kwentuhan at kumakain ang dalawa sa kabilang table. Ang sarap batuhin ng kutsara`t tinidor ang dalawang ito. Lalong lalo na si Stacey! Nag-offer pa kuno siya na siya na lang ang sa kabilang table, alam niya namang di papayag si Gab! Pinapakita yata sakin ang katotohanang siya talaga ang pipiliin ni Gab. Hmp! "Excuse me, may nakaupo ba dito?" Tanong ng isang lalaking naka navy-blue. Tinuro pa niya ang isang upuan sa table ko. "Meron!" Sarcasm. Ngimiti siya at tinaas ang kilay. "I mean, tinatanong pa ba yan? May nakaupo ba diyan?" Sabay nguso ko sa upuan. "Kung meron man, dapat nakikita mo na siya diba?" GET A LIFE! Joke! HAHAHA. Ayan tuloy... naapektuhan na ang social life ko sa pagiging badtrip ko kay Gabriel at Stacey. di bale na nga lang kung matarayan ko `tong navy-blue guy na `to. NAVY BLUE? Closer look - it was the gym guy! "Ah." Ngumisi siya. "Sorry na! Maling tanong." Nakatingin parin siya sakin at nakatayo. "Ang ibig kong sabihin, eh kung pwede ba akong umupo dito?" Kinuha ko ang mga gamit ko sa mesa para mailapag na niya ang pagkain niya. "O!" Tapos, linantakan ko na ang pagkain ko... este... nag patweetums ako ng konti kasi nakatingin siya sakin.
"Late lunch?" Tumango ako. Syempre, ayokong magsalita habang may pagkain pa sa bibig ko no. Tweetums. Late lunch din yata `tong lalaking `to eh. Napatingin ako sa kanya at namangha ako dahil totoo palang gwapo siya at malaanghel talaga ang mukha niya. Tama si Jana! Kumain na rin siya. Sumulyap ako kay Gab na ngayo`y nakatingin na sakin. Ngumisi na lang ako at tumingin ulit kay Mr. Navy-Blue guy. ALAM KO! ALAM KO NA! Yung plans, kailangan ng i-apply. Kailangan mag mukha akong haliparot sa mata ni Gab sa lalaking ito para maniwala siyang crush ko nga `to. "Uh, anong name mo?" Sabi ko habang kumakain si Navy-Blue. Nakatingin ako sa kaharap ko pero tanaw ko rin ang titig ni Gab gamit ang Peripheral vision ko. "Uh, I`m Dexter!" Sabay lahad ng kamay. Nginitian ko ito ng pinaka matamis kong ngiti. "Uh, Ce-" "Celestine!" Nakipagkamayan ako. At aba, kilala ako? heller? Kailangan pa bang kabiglaan yan? Eh nag iskandalo nga kasi ako diba? "You`re the girl from the gym?" Tumango ako. Ngumiti siya. "Sorry nga pala sa asta ko kanina ah? Badtrip lang kasi ako eh." Tumango siya habang tiningnan sina Gab. Kaya ngayon, pati ako, napatingin sa kanila. Bigla ba naman silang tumayo at mukhang aalis na? Iiwan ba nila ako? "Celestine, akala ko ba gusto mo ng space? Kaya hinayaan kitang mag-isa. Eh ngayon..." Tumingin siya sa nasabing Dexter. "Never mind! Lika na nga!" Sabay kuha niya sa bag kong nananahimik. Ayan tuloy! Imbes na magstay pa ako dun (na hindi ko naman plano, at paeffect ko lang dapat), napilitan tuloy akong tumayo at habulin si Gab. Hindi man lang ako
nakapagpaalam kay Dexter! Salamat sa tulong niya`t nagseselos si Gab ngayon. YUHOOO! Kaya lang, mukhang galit yata eh. Di bale, basta ba nagseselos siya. "Gab! Nukaba!" Halos itulak ko si Stacey para maunahan lang at maabutan si Gab. "Akin na nga yan!" Pinilit kong binawi ang bag ko. "O!" Binigay niya naman. Pero tinalikuran nila ako ni Stacey at umalis ulit. HEH! Bahala kayo sa buhay niyo diyan! Magsama kayo mga walang hiya! Joke! Syempre... mission accomplished ang lola niyo. Kaya lang, mukhang naduduwag na naman ako kasi galit si Gab. Nyeee~ Pero okay lang, again, nagseselos kasi siya! HAHAHA!
TWENTYTWO Celestine Herrera: mga weirdong pangalan
"ANO?" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko kasi alam kung kaya ko bang gawin ang hinihingi ni Jana sakin. "Ang sabi ko, wa`g kang sumama sa kanya ngayon sa pag-uwi niyo!" Kinuha niya ang cellphone ko at dinilete ang text ni Gab sakin na pupuntahan ko raw siya sa gym pagkatapos ng klase para sabay na kami pag-uwi. "HAAAH~!" Halos ma iyak ako pagkadelete nito. LOL. Joke only! Hindi no! "Nukaba! Bakit ba?" "W-Wala! K-Kasi, you know, baka magalit siya." Errr. "Asus naman!" "B-Baka mag-away kami... Baka di ulit ako papansinin nun~"
Naka evil-smirk na si Jana habang nakatingin sakin. "Alam mo naman diba!? Yung mga plano naten baka di matupad pag nag-away kami!" "EH, isipin mo nga, Celestine! Pag mag-away kayo, ibig sabihin lang nun eh may gusto na siya sa`yo at nagseselos na siya kasi galit siya sayo. At pa`g di mo naman siya pupuntahan ngayon, ibig sabihin nun, totoong crush mo yung Dexter na yun diba kasi nagalit ka kay Gab sa ginawa niya?" Genius nga talaga si Jana! Pero pa`g di ba magagalit si Gab sakin, ibig sabihin ba nun eh di niya ako gusto? WHATEVER! Kaya, sinunod ko ang sinabi ni Jana. Hindi ko sinipot si Gabriel sa gym. Umuwi na akong mag-isa. Tapos, nagkulong sa kwarto. Feeling ko tuloy di ako makakatulog. Papaano ba naman, di man lang nagtext ang mokong! Baka naman sumabay ulit siya kay Stacey at kinalimutan na rin ako? Waa~! "Cel, si Gab nasa baba. Hinahanap ka!" Bigla akong napatalon galing sa higaan ko pagkarinig ko kay Mama nun. YESSS~! NOOOO~! Masaya ako kasi mukhang di niya naman pala ginawang malaking bagay ang pag-indian ko sa kanya. Malungkot kasi baka di siya naapektuhan kay Dexter. Inayos ko ang sarili ko. Grabe, pati ang mukha ko habang pababa ako sa hagdanan eh ginawa ko talagang katakot-takot. "Cel~!" Nasa sala siya. Siya lang mag-isa. Si papa at mama kasi, mukhang maagang natulog. At si kuya naman, nasa dorm niya yata. Ginawa ko pang mas nakakatakot ang mukha ko. Sabay padabog pang umupo sa harapan niya at, "anong ginagawa mo dito?" Tinaas ko pa ang kilay ko. "Cel naman, sorry na~!" And his smile was still sweet. "Di mo ko sinipot kanina ah? Galit ka pa ba?" "Sinong kasabay mo pag-uwi kanina?" Aba, Cel! Masyado ka yatang lumilihis sa pinaguusapan. "Ako lang! May sumundo na kay Stacey eh." GOOD! LOL. Tumahimik ako at tumingin sa TV. "Sorry na, galit ka pa ba?" Di ako umimik.
"Talaga bang crush mo yung lalaking yun?" Tiningnan ko siya. "Eh ang panget panget nun eh. anong pangalan?" Tinaas ko ang kilay ko. "I-I mean, sorry! HEHE. Sorry na kung nasira ko yung diskarte mo kanina. Ikaw naman kasi, pa`g sinabi kong makikipagsabay ako ng lunch sa`yo, eh sasabay ka lang sakin! Hindi yung kani-kanino ka lang sumasabay bigla." "Eh sino kaya `tong dinala si Stacey? Akala ko ba tayo lang dalawa ang maglu-lunch? Ikaw naman `tong naunang nagsama ng iba eh!" "O, sorry na nga kasi. Naawa lang naman ako sa kanya kasi walang kasamang kumain. You know, I`m a gentleman." PWE! HAHAHA. Gag0 talaga si Gab. Nakakatawa tuloy ang usapang `to. Para kaming mag-boyfriend! Uyyy. HAHA "Kahit na! Kita mo na? Dami mong atraso sakin! Sinama mo si Stacey, sinira mo pa ang diskarte ko!" "Sorry na kasi eh. Babawi ako. Sorry na!" Inirapan ko na! Sige na, Celestine! Abusuhin mo, minsan lang yan. HAHAHA. Galing galing talaga ni Jana. Sobrang genius at nakakaloka ang mga plano niya. "Cel naman o! Sige na! Uh, tsaka... ano nga ba ang pangalan nung crush mo?" "Dexter." "Yung Dexter na yun, trust me, hindi ka nun papansinin-" "ANO?" "Joke! Ang sabi ko, malabong di ka nun papansinin. Sigurado, next meeting ninyo... papansinin ka din uli nun kaya, marami pang next time." Nakangiti na naman siya. "Sorry na. Babawi ako. Gusto mo date pa tayo?" TING! TINGTINGTINGTINGTING! FOR THE WINNNN! Knock-out! Panalo si PACMAN! hahaha. Sinong mag-aakalang siya pa ang magyayayang magdate kaming dalawa? HOOOO~! This is the best plan ever! "Sige na! Date tayo kahit kelan mo gusto." Halos mapangiti ako sa sinabi niya. "Kung gusto mo, pagkatapos na lang ng upcoming game namin next week eh? Ano?" He poked my face.
Ayoko paring magreact. "Wala ka bang comment diyan? Halikan kita riyan, kung ayaw mong magcomment!" Tapos evil-smile. "Eww." Sabi ko. Ew ka diyan! Of course no, ewww naman talaga. EWWWW. "Ew ka diyan, ang ganda mo yata pag hinalikan ka ng gwapong tulad ko." "HEH! alam mo, ikaw Gab? Humihingi ka na nga lang ng tawad tapos nagyayabang ka pa diyan. Ayaw mo yatang patawarin kita?" "Joke lang naman yun. Nukaba. So, ano! Pupunta ka na sa game namin next week ah?" "Yoko, kailangan mo pang pagsisihan ang kasalanan mo. As punishment, di kita sisiputin dun." "HUH? Para lang dun sa nasira mong diskarte sa DEXTER`S LAB na yun?" Nung Dexter`s lab? Yung Cartoon? HAHAHA. BUANG TALAGA SI GAB. "Wa`g mo nga siyang bigyan ng mga weirdong pangalan, pwede?" "Pinaglalaban mo pa." Aba. Galit talaga ang lolo niyo. HAHAHAHA. Ano ba talagang kinagagalit niya kay Dexter? BAKIT BA? AYAN NA AYAN NA! Naiinlove na talaga `tong unggoy na `to! HAHAHA.
TWENTYTHREE Celestine Herrera: gusto ko rin namang ganyan ka eh
Dahil masyado na akong excited sa nasabing game nina Gab at sa date namin, minadali ko ang bawat araw na lumipas. At ang pinaka hindi nakakatuwang nangyari ay ang pagkagising ko ng alas-dose sa tanghali! 1pm ang game nina Gab, tapos ganitong oras ng nagising si ako? GRRR, hindi kasi ako nakatulog kagabi kaya eto ako ngayon. Tumatakbo na naman papuntang gym. Hindi man lang nag text si Gabriel. Pagkapasok ko, andami ng tao. Si Jana ang sumalubong sakin sootsoot niya ang cheering costume niya. Nagsisimula na ang game at nakikita kong nagshoot ng bola si Gab.
"Hoy! saan ka ba nagsusoot? Ayan tuloy, di mo nakita ang sayaw namin! HMP!" Tapos hinila niya na ako. "So-Sorry naman. Tinanghali kasi-" "Dito na tayo." Agad siyang umupo at binakante ang isang upuang katabi naman ng isang lalaki. At biruin niyo, talagang sinasadya yata ni Jana ang lahat eh. Tinabi niya talaga ako kay Dexter. Kinindatan ako ni Jana at, "GO GAAAB! ANDITO NA SI CEL! WOOOO" Napatingin tuloy si Gab samin. Kakahiya tuloy. Ay ewan ko ba. "Jana naman." "Tingnan natin kung anong reaction niya," Linapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Mamaya sa date niyo, makikita mo na naman ang pagseselos niya ng bonggangbongga!" Tumili siya. Pagtingin ko kay Gab, nakatingin na siya samin at mukhang galit na naman ang ekspresyon. Galit ba talaga o baka naman guni-guni ko lang yan? AHAHAHA. Napatingin ako sa score, at wow, ang layo ng agwat! Syempre, sina Gabriel ang bida. Naka shoot ulit si Gab. Napapalakpak tuloy ako. "GO GABRIELLLL!" Sigaw ko na rin. HEHE Napatingin ulit siya at binalewala ako. Di man lang nag smile. "Oy, magkagalit ulit kayo?" Kinakausap ako ni Dexter! "Uh, hindi naman." Siniko ako ni Jana. "Ah, so, ganyan na ba talaga ang normal treatment niya sayo? Cold?" Napatingin tuloy ako kay Dexter. "Hindi naman. Minsan lang. Galit yata kasi late ako sa game niya." I smiled. Assuming ka naman Cel. Napatawa siya ng bahagya, "Ba`t ka naman na late? Game `to ng bestfriend mo ah?" "Sa sobrang excitement?" I smiled. Nakatingin na si Jana saming dalawa ngayon. "Ah, oo nga pala. Si Jana nga pala, kaibigan ko. Jana, si Dexter."
Nagngitian ang dalawa at siniko ulit ako ni Jana. Napatingin ako sa kanya at nginuso si Gab. Grabe, pulangpula na ang mukha nito habang nakatingin sakin at umiinom ng tubig. OMG! Eto na talaga! Eto na! Mga plano ni Jana sobrang effective ng bonggang-bongga. At dahil mabilis natapos ang one-sided match nina Gab, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko - oy, wala yan ah! Kinakabahan lang ako. "Gabriel! Congrats!" Sabi ni Jana tapos nag apir sila. "Gab," ngiti. "Congrats!" Siniko ulit ako ni Jana at umalis na siya papunta sa squad nila. "Uh, bihis lang ako." Sabay tingin sa jersey niyang number eight. Kay gwapong hayop talaga nitong si Gab. Mas lalong gumugwapo pa`g pawis na pawis at... galit! AHAHAHAHA. Tinalikuran niya ako kaya sinundan ko siya. And to my surprise, eto ang mga unang tanong niya sakin... "Bakit ka late?" "Uh," Pinilit kong sumabay sa kanya. HOOO! Sobrang bango niya. AHAHAHAHAHA. Ano ba `to! Ano ba?! Pwede? HAHAHAH "Kasi, tinanghali ako eh." "Nagpaalarm ka sana!" "Huh? Aww." Kilig. "Sorry." Sumulyap siya sakin. Di parin ngumingiti. Grabe! AHAHAHAHA. Gwapo niya ng bonggangbongga! Bakit ba? Di ka ba mananalo kung wala ako? NYEEHEHEHE. "Sinong kasama mo?" "K-Kasama?" HAYAN NA! Tumigil siya sa paglalakad ng nakarating na kami sa pintuan ng lockerroom nila. Maraming tao sa loob, syempre, yung mga teammates niya. Sina Jana naman, nagaasemble pa dun sa gym. "Wala naman." "Katabi mo si Dexter kanina ah? Ngiting-ngiti ka naman?"
GOTCHA! "Ahehehe. Syempre, sinong di ngingiti sa crush mo diba?" "Asus, lolokohin ka lang nun. Ako sayo, di ko na yun gagawing crush." Di makatingin. "Bakit ba? huh?" HAHA. >:D "D-Di ka nga kasi papansinin nun no!" "Eh kita mo ba kami kanina? Kinausap niya ako eh. Pinansin niya ako." "Hanggang dun na lang yun! Maingay ka siguro, kaya sinaway ka!" Di parin makatingin. GRRR. Nu ba! Natutuwa na ako ng bonggangbongga! Ba`t di pa rin umaamin ang Gab na `to? "Alam mo, konti na lang Gabriel, magdududa na ako sayo." Saka lang siya tumingin. "Ha?" "Nagseselos ka ba?" "S-S-Selos?" Lunok. "Sino?" Inayos ang buhok. "Ako?" Linagay ang dalawang kamay sa bewang. "Kanino? Sa Dexter`s Lab na yun? Asa siya! HAH!" Tumingin sa malayo. Sorry, di ko mapigilan ang sarili kong matawa. "AHAHAHAHA." "A-Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Namumula. "Wala naman. HAHAHAHA." Nagkasalubong ang mga kilay niya. "Di totoo yang iniisip mo no! Ba`t ako maiinsecure, hunk ako no!" "Ayan ka na naman. HAHAHA. Anyway, whatever... gusto ko rin namang ganyan ka eh. HAHAHA." Lalong namula. "Ang gulo mo! Magbibihis na nga lang ako!" At pumasok na sa lockerroom. WOHOOO! Gabriel, kahit ilang ulit kang magselos ng ganyan, okay lang kasi ang cute cute cute mo parin. HAHA. Mas lalo ngang cute pag nagseselos. Nakakatuwa talaga. Sheyt. Nahuhumaling na yata ako sa mga reaksyon niya eh. Nakakaloka!
TWENTYFOUR Celestine Herrera: T-Teka, sandali!
Di pa nagsasalita si Gabriel habang naglalakad kami papalabas ng school. Saan kaya kami pupunta? Tsaka, bakit lalabas kami ng school? Di ba niya dala ang sasakyan niya? Whatever na, basta ang alam ko, kahit saan niya ako dalhin okay lang! Basta kasama ko siya. "Gab, san ba tayo?" Tanong ko ng di parin siya nagsasalita. Excited kasi masyado eh. "Diyan lang, sa labas... Ililibre lang kita ng kwek-kwek." "Ha?" Mejo natigilan ako dun ah. Yung mga iniimagine ko kasi sa mamahaling restaurant tapos candelight dinner. O kung masyado naman kaming bata para ganun, eh pwede ng movie-date tapos kainan sa YellowCab. Kwek-kwek? Masarap yun, pero wala bang... anyway, friendly date nga diba? Ba`t parang romantic yung mga iniisip ko lately? "Bakit, ayaw mo?" Tumigil siya sa paglalakad. "Kung ayaw mo, uwi na lang tayo." "Hindi no! Kahit saan na!" Tumaas ang kilay niya. "Huh?" Napatawa siya bigla. Anong tinatawa-tawa niya diyan? Kala niya ba di ako kumakain ng kwek-kwek? Humanda siya`t magpapabili ako sa kanya ng sampung kwek-kwek! Kala niya siguro makakatipid siya sa ginagawa niya sakin? Nagkakamali siya! Akala niya rin siguro maiinis ako sa kanya kaya ginagawa niya `to, mali siya! "Ilan sayo?" Tanong ni Gabriel sakin. "Sampu lang muna." HAHA. "Ha?" "B-Bakit?" "Sampu?" "O! Bakit? Angal ka? sige na!" Nagdadalawang isip pa siya ng sinabi niyang, "Sampu sa kanya, isa lang sakin." HAHAHA. Bahala ka diyan. Di ako nakapag-almusal at nag tanghalian. Pasado alas tres na no! Isasali ko na rin ang dinner ko sa mga kwek-kwek na `to! "Gab, bilhan mo na rin ako ng sago, tapos coke, para matunaw yung mga bulate sa tiyan ko. HEHE." Nagpa-cute pa ako.
Ano ka ngayon? Diba? Ginagawa ko na siyang ATM, katulong, muchacho, at boyfriend! Joke. Bahala na siya. Kasalanan niya yan. Ayun siya at binibila ang mga inuming gusto ko. "Gab, dalawang Coke Sakto ah? HEHE." Umiling na lang siya. Ako dito, hinihintay ko ang kwek-kwek namin. Tatlo pa lang ang naluluto, kaya kinain ko na yung unang dalawa. Napasulyap ako kay Gab at nakita kong may kaharutang mga babae agad. Ayan na naman siya, ngiti ng ngiti. Pag ibang babae, ang mura lang ng ngiti niya. Pero sakin, ba`t ang mahal? Kung ngingiti siya, may masamang plano naman. Bumalik na siya dala ang mga gusto ko. "Salamat." Sabay inom sa coke. Nga pala, natapos ko na ang limang kwek-kwek sa isang iglap. Siya naman, kakasimula niya pa lang sa isa. "Pang-anim na `to." Sabi ni mamang kwek-kwek. "Salamat po." :) Tapos kain ulit. Nakatingin naman si Gab sakin habang kumakain. Di na ako nagsalita. "Nukaba? Baka bigla ka na lang mangitlog bukas ah? Sa dami ng nakain mo..." "Gutom ako eh." Sabi ko habang sinubo ang pang-sampung kwek-kwek. Dahil tumingin ako kay Gab, nahulog ito sa lupa at di ko na nakain. HUHU. "Naku! Sayang!" I cried. "Gutom ka pala? Di ka nag-almusal? Tanghalian?" Nakatingin parin ako sa nasirang kwek-kwek. HUHU. Poor kwek-kwek... :'( "Hindi nga sabi eh! Pagkumain pa ako, baka di ko maabutan ang game mo! You know!" Tapos, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Galing sa nasirang kwek-kwek, napatingin ako sa kanya. Galit ba siya? Hindi ngumingiti eh. "Sana pala sinabi mo! Pinakain sana kita ng maayos! Lika na nga! Saan mo gusto?"
Tapos binayaran niya na ang mamang kwek-kwek at hinila ako papasok sa school. "Saan mo gustong kumain?" "Kumain?" Ayiee, kinikilig na naman ako, hinahawakan niya ang kamay ko. Tumigil kami pagkapasok namin sa school. Agad niya namang binitiwan ang kamay ko dahil sa mga epal na tumitingin saming dalawa. Ginagawan ko ba yun ng rason? "Anong kala mo sakin? Ref? Busog na ako no! Okay na yun!" "Anong okay? Dapat tamang pagkain ang kinakain mo! Wala ka pang kinakaing tama ngayong araw na `to." Oyyy, concern ang lolo niyo. "Okay na yun, Gab." Ayan tuloy, nagui-guilty na yata ako dahil masyado siyang seryoso at halatang sinisisi ang sarili. Sa bagay, mejo nakakaawa ako nung nahulog yung kwek-kwek kanina. Kawawang Gab, okay na naman ako eh, busog na. Di niya naman kailangang mag-alala ng ganyan. Baka mahal na talaga ako neto? Heller, Celestine! OA ka masyado. Bestfriends nga diba? Tsss. "Busog na ako, Gab. hehehe." Bawi ko. Tumingin siya sa likuran ko. Kaya ako, dahan-dahang tumingin na rin para makita kung ano o sino yung tinitingnan niya. Pero, di pa ako nakakatingin ng maayos, hinila niya na naman ako. "Alis na tayo dito!" "T-Teka, sandali!" Ano bang nangyari sa Gabriel na `to. Bigla na naman akong hinila. Sino ba yung... pinilit kong tinwist ang ulo ko para makita kung sinong andun... TADA!!!!! Sino? Si Dexter! Si Dexter! Si Dexter! SELOS KA GAB? HAHAHAHA. Sige na nga, hilain mo na lang ako dali! HAHA
TWENTYFIVE Celestine Herrera: Totoo namang mapapasagot niya ako agad eh.
Dahil masyadong mapilit at talagang desidido si Gab sa pagti-treat niya sakin sa labas (o pag layo sakin kay Dexter), sinabi ko na lang sa kanyang sa Mcdo ko gustong kumain. Kahit na, mejo busog na ako... gutom lang ng konti... omorder parin ako ng pagkaramirami. Siya pa talaga ang nagvolunteer na umorder. Nakakalungkot tuloy isiping, bumabait na siya sakin at lumalambot naman si ako. HUHU. Whatever! Sa tuwing nawawala ako sa concentration ko sa mga plano, iniisip ko na lang ang prom nung 3rd year high school ko. Masaklap. Masakit. Kaya nagigising ulit ang galit sa puso ko, at nagkakaroon ako ng lakas para sindakin ang Gabriel Soriano na yan. "O! Eto na. Kala ko ba busog ka? Ang dami nito!" Angal niya. Akala ko pa naman mabait na siya. Feeling ko masyado. "Umaangal ka ba? Bakit mo nga pala ako dinidate o nililibre ngayon? Kasi, sinira mo ang diskarte ko kay Dexter! Tapos, akala mo di ko nakita kaninang linayo mo ko kay Dexter kaya mo ko hinila?" Di siya makatingin. "S-Sige na! Kumain na nga tayo!" Asus. Kita mo na! Ayaw niya talagang makipagtalo pa`g pinag-uusapan na namin si Dexter. HAHA. Buti nga sa kanya. "Tsaka, Gab." "Hmmm?" Tumingin siya sakin. Tumingin ako sa mga french fries. "Gusto ko nun!" Sabay turo sa poster. Nagkasalubong ang kilay niya. "Yung kulot na french fries." Smile. "Ha? Eh ano bang kaibahan sa kulot na french fries at sa straight na binili ko? Magkasing sarap lang yan-" I showed him my angry face. "Kapal talaga ng mukha nito! Pasalamat ka bestfriend kita!" Tapos tumayo at bumalik sa counter para bilhin yung gusto ko. "Pasalamat ka... mahal, este, bestfriend... din kita." Sabi ko sa sarili ko. Whatever! Umaangal pa ang mokong. Uubusin natin yang pera mo Gab! Tingnan ko lang ngayon kung makakalimutan mo ang araw na `to. AHAHA. At dahil hindi nga niya `to
makakalimutan, maiinlove siya ng todo sakin. At dun na ang katuparan ng matagal ko ng hinihintay na pagdurusa ng Gabriel Soriano na yan. Iniisip ko pa lang naiinip na ako. Pagmanligaw si Gab sakin, parang training ng Philippine Military ang ipapadama ko sa kanya. Bawal tumingin kahit kanino, sa akin lang. Ipapagapang ko siya sa putikan. Ilulublob sa mainit na tubig. Lalagyan ko ng tinik ang damuhan habang pinapagulong-gulong niya ang kanyang sarili dito"Anong nangyari sayo`t namumula ka?" Nyek! Nasa harapan ko na pala siya dala ang kulot na frenchfries na hinihingi ko. "Ah? Ha? Ah eh... wala!" Ayan tuloy. Buti di niya nababasa ang isipan ko. Napabuntong-hininga siya. "Kumain na nga tayo! Mag aalas-sinko na eh. Di ka pa kumakain ng maayos. Ba`t ba Mcdo ang pinili mo? Marami namang restaurant diyan." Habang sinasabi niya ang mga yan sakin, feeling ko kumikinang ang kanyang mga mata at mas lalo siyang gumugwapo. Ehem. Sorry pala sa mga inisip ko kanina ah? Wa`g niyo na lang pansinin yung tungkol sa Philippine Military, joke ko lang yun. AHAHA. May ganun? Bumibigay pala agad? "Kasi... love ko `to!" Ngumiti ako. "Love mo ko?" Nanlaki mga mata niya. "LOVE KO `TO, bingi!" HAHAHA. Gag0! Anong 'Love mo ko?' Ayan tuloy namumula siya habang kumakain. Ako naman, di na tuloy ako makapagconcentrate sa pagkain kasi dumarami na ang pumapasok na kabalbalan sa utak ko habang tinitingnan ko siya. Habang kumakain naman kami, napansin kong may pamilyar na mukhang pumasok sa loob ng fastfood. Umupo siya sa katabing mesa namin ni Gab. Syempre, makikilala niyo lang kung sino yung nakita ko pagkatapos magsalita ni Gab ng ganito, "Ikaw ba talaga ang may gusto sa kanya, o siya ang may gusto sa`yo?" "Uy, Dexter!" Binalewala ko ang sinabi ni Gab at pinansing bigla ang walang kamuwangmuwang na si Dexter. Kasama niya ang dalawang kaibigan niya.
"Uy, kaw pala!" He smiled. Nginitian ko rin. "What a coincidence!" "Oo nga eh. Kanina pa kayo?" "Cel!" Tinatawag ako ni Gab. Di ko pinansin at tiningnan ko si Dexter. "Mejo eh. San ka galing?" "Bumili lang ng stuffs." "Cel!" "Ahhh. That`s great!" Matamis na ngiti ulit. Ngumiti siya pero sumulyap siya kay Gab. Ayan tuloy, kinailangan ko ring sumulyap kay Gab. Lanya, pinaglalaruan niya yung kulot na mga french fries. Andami sa bibig niya. "HAHAHA. LOKO!" Papansin masyado eh. "Hehe." pa-cute masyado. "Uwi na tayo?" "Ha?" "O! Ipa-take out na lang natin yung iba." Tumayo na talaga siya. Ayan na naman at desidido ulit na umalis. Kasi nga diba, andyan si Dexter! Yung crush kong si Dexter! HAHAHA Sumulyap pa ako kay Dexter habang pinapatake-out yun ni Gab. Nakatingin naman siya sakin at, "Mauna na kami ah? Moody ang kasama ko-" "Lika na!" Di pa ako pinatapos! "Sige!" Ngumiti siya at kumaway. Hinila na naman ako ni Gabriel papalabas ng fastfood. "Stalker!" Sigaw niya bigla. "Huy, Gab! Sinong stalker?" "Eh sino pa. Yung DEXTER`S LAB na yun!" Tinakpan ko ang bibig niya. Katakot naman o. Baka marinig ng kung sino diyan or what. "Nu ba! Sinundan tayo nun, sigurado ako!"
"Anong sinundan? Bakit? Bakit Gab? Feeling mo rin ba may gusto na si Dexter sakin?" WAHAHAHA. SIGE NGA GAB? Speculations, eh? "Wala no! Manyak kasi yun, alam niyang gusto mo siya kaya feeling niya naman agad ka niyang mapapasagot kung sakali!" "Eh bakit ba? Totoo namang mapapasagot niya ako agad eh." Tinitigan niya ako. Ako naman, agad na guilty sa sinabi. "Joke! HAHA." "Hindi mo siya sasagutin, dahil hindi ako papayag."
TWENTYSIX Celestine Herrera: Cid Lacson
"AHA! So, so, nagseselos na pala ang Gabriel na yun at gumagana na ang mga plano natin?" Sumasaya na naman ng todo-todo si Jana habang iniisip ang mga kabalbalan niya. "Hmmm, paano nga ba siya manliligaw sa`yo? Eh talagang hunghang yun at parang wala paring balak." Tapos nun, bigla akong hinila ni Jana kung saan. Mukhang may nakita yata. Sino naman kaya yun? "Psst! Psst!" Lumingon ang isang lalaki. Sino ba yan? Di ko kilala. Kaibigan siguro ni Jana. Matangkad ang lalaki. Gwapo na rin kahit may glasses. Mejo chinito at maputi. "J-Jana." Pagkabanggit nung lalaki sa pangalan ni Jana, alam na alam ko na kung ano ang koneksyon ng dalawa.
Maaring binubully ito ni Jana. Nanginginig kasi at mukhang natatakot humarap sa kanya. "Oi, Ciddie boy, san ang punta mo?" Tinapik pa ni Jana ang likuran nito. Mejo nagulantang pa nga si Ciddie boy sa pagtapik niya. Halata talagang takot or something... "S-Sa Canteen." Is he nerd? Or something? "O? Libre naman o? Hehe." "S-Sige!" Kinindatan pa ako ni Jana. "Joke lang! Uh, eto nga pala si Celestine, kaibigan ko." Tumango yung Ciddie boy na nasabi. "Cel, eto si Cid Lacson." Ay nak ng teteng, Cid pala. Akala ko naman for real na yung Ciddie boy. Bahagyang kumaway at tumingin si Cid sakin. "Uh, Cid?" "H-Huh?" Pinagpapawisan na ah? "Favor naman o? Payag ka ba?" "O-Oo." Parang aso naman `tong sunodsunuran kay Jana o. Sinulyapan pa ako ni Jana bago tuluyang binasag ang lahat, "Pwede bang magpanggap kang manliligaw nitong kaibigan ko?" "H-HA?" "HUH?" Pati yata ako na shock na rin. "Ano bang pinagsasabi mo Jan-" "K-Kasi, sige na! Kailangan lang talaga eh. Manliligaw lang naman, di naman boyfriend! Sige na? Please?" May dalang puppy eyes pa si Jana habang ngumingiti kay Cid. "B-Bakit?" Tapos sinulyapan ako. "Basta! Pag papayag ka, saka ko lang sasabihin sa`yo ang dahilan! Pero wa`g na wa`g mong sasabihin kahit kanino kundi pipingutin kita!" "Jana naman! Wa`g na nga lang! Masyado `tong desperada o! Masyado pa namang maaga eh..." Sabi ko. I`m backing up na nga! JOKE. "Hindi na, Celestine! Eto na nga yung paraan eh! You know! Basta, trust me!"
"Panu kung hindi gumana?" "Hay, edi hindi! Duh!" "Heller, katakot naman yata kung hindi gagana yan!" "Marami pa akong paraan no. Kaya tahimik ka nalang dyan." "Ha? Eh marami naman pala. Yung iba na lang!" "Saka na yun! This is plan A! Plan A should be done first, okay?" "Pero-" "Payag na ako!" Napatingin kaming dalawa ni Jana kay Cid. "I mean..." Inayos niya ang glasses niya at tumingin kay Jana. "S-Susunod lang ako sa inyo." "YESSS, for the love of God! Salamat Ciddie boy!" Kulang na nga lang eh yumakap si Jana kay Cid. "Ganito ha! Manliligaw ka kay Celestine kasi gusto kong ma loko yung pinsan kong si Gabriel at magkandaugaga ng todo. Gusto ko kasing manligaw na siya kay Celestine, masyado kasing torpe eh. Lanya talaga yung lalaking yun. Pinahiya niya daw ba si Cel nun, kaya eto kami at maghihiganti! HA HA HA >:D " Blahblahblah. Jana`s really on it no? Kinakabahan na tuloy ako sa mga mangyayari. Habang nasa unahan ko silang dalawa at naglalakad kami patungong canteen, muntik ng mahulog ang puso ko dahil nakikita ko na naman ang ngiti ni Gab kasama ang iba`t-ibang ngiti ng tao sa paligid niya. Kasama niya angteammates niya at naka jersey pa sila. Mukhang break ng practice nila or something. "J-Jana! Puntahan ko lang si G-Gab!" Sabi ko kay Jana. Sobrasobra naman kasi ang pagsasalita niya dun kay Cid kaya mukhang di ako pinansin. Kaya ako na mismo ang nagbigay ng permiso sa sarili kong puntahan si Gab. "Hi Gab!" Abah! Pa cute yun ah! "Oi, Cel!" Tapos siya pa ang lumapit sakin. Aww, ambango ng Gab ko. Ang gwapo ng Gab ko. Sigurado akong inggit yang mga babae diyang nakatingin saming dalawa. HAHAHA >:D Inggit! "San ka?" "Ah... Papapunta sana kaming canteen kasama si Jana eh, nakita kita." "Awww. Sweet naman ng bestfriend mo Gab! Iniwan pa talaga si Jana. Oi, Cel! May hidden desire ka kay Gab no?" "W-Wala ah!" "Wala! Nukaba Jude!"
"Eh... Mukhang wala ka namang manliligaw eh? Siguro binasted mo ang lahat kasi si Gab lang yung gusto mo?!" "HUH? Ano?" Ang kulet talaga nitong Jude na `to. Epal sa buhay! "May manliligaw ako ngayon no! Di niyo lang naitatanong." Nakatingin na si Gab sakin. "Oo nga! May manliligaw siya. Tsss. Wa`g ka ngang ganyan pare! Mailang pa `tong si Cel pag pilit mong sinasabing may something samin!" Aba! Sumakay pa si Gab ah? "Oh siya! Sige na nga! Meron na nga lang! Ipakilala mo samen, Cel ah?" "SURE!" Confident pa talaga ako pagkasabi ko nun! HAHA. Kala niyo ah! Ang timing talaga ng plano ni Jana. Syempre naman, di kaya ng powers namin ni Jana na isali si Dexter sa kabalbalan namin kasi hindi pa namin yun close! Di ko rin naman close yung Cid na yun pero mukhang close naman ni Jana kaya okay lang! Tapos nun, iniwan na kami ng teammates ni Gab dahil, "Ihahatid ko lang si Cel sa canteen." Aniya. Kaya ganung ganun nga ang gianwa niya. HAHA. Eto na naman ako`t naglalakad kasama ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa. Diyos ko po! Andami talagang nakatingin. Asan ba yung Stacey na yun? At nang makita niya kaming dalawa ni Gab. "Dito na tayo!" Tapos hinila ako ni Gabriel sa isang hindi-naman-shortcut-na-daan patungong canteen. In fact, LONG-CUT nga yun eh. Mas lalong lumayo kami sa canteen sa ginawa niyang pagliko. "Bakit dito??" Leche, Celestine! Wa`g ka nang magtanong1 Gusto lang ni Gab ng quality time habang nag-uusap kayong dalawa! Ayiee! "Lalang." Ayan, weird ang sagot niya. Lumingon ako sa likuran at nakita kong dumaan sa dapat dinaanan namin ni Gabriel si Dexter! AHAHHA. Yun yun eh, no? Napangiti tuloy ako habang tinitingnan siyang naglalakad. "Nga pala, sinungaling ka talaga! Ba`t mo sinabi kay Jude na may manliligaw ka?" Napawi tuloy ang ngiti ko. Ewan ko ba, naramdamang kong insulto yun eh. "K-Kasi..." Tinitigan niya ako. "Totoo naman eh." "HA?" "Totoong may manliligaw ako."
Lord, sorry po! Simula ng plinano namin ni Jana `tong revenge na `to, nagiging hobby ko na ang pagsisinungaling! Masama na `to! "Si-Sino? Kelan lang?" "Kahapon lang. Basta... di mo yun kilala!" "Sino nga kasi? Pangalan?" Yiee. Scary naman si Gab! Feeling ko tuloy mag ha-hire siya ng assassin para patayin kung sino man yung kawawang manliligaw ko. "Cid Lacson."
TWENTYSEVEN Celestine Herrera: Nabadtrip tuloy yung tao!
Hindi ko talaga alam kung bakit pumayag yung Cid Lacson na yun na gawin yung gustong mangyari ni Jana. Siguro talagang takot na takot siya kay Jana at di niya kayang tumanggi. Eto tuloy ako at parang ako pa yung napipilitan sa planong `to. Late kasi ako sa usapan eh. "So-Sorry, late ako." Hinihingal pa ako habang tinitingnan si Cid na inaayos ang glasses niya. Ang sabi kasi ni Jana, agahan ko daw ang pagpunta ko sa school ngayon, mga atleast 1 hour early daw. Kasi naman, ang first period ko ay yung magkaklase kami ni Gab, wiwindangin daw namin ni Cid sa pamamagitan ng paghahatid niya sakin sa classroom. OA naman ni Jana. Pero mas OA si Gab kung magkakaroon siya ng violent reaction sa makikita niya. HEHE "Kanina ka pa ba?" Tumayo si Cid. "Hindi naman."
Hindi naman ka jan! Halos mamuti na nga yung mata niya dito eh. Sinabi ko pa kay Gab na hindi ako sasabay sa kanya papunta dito kasi may pupuntahan ako sandali. Hindi naman siya nag reply sa text ko, wala yatang pakealam. Siguro nga masaya pa yun ngayon kasi di niya na ako hihintayin sa labas ng bahay namin. "Tara na, baka ma late na ako." Sabi ko kay Cid. Tumango naman siya. Binagalan ko ang paglalakad dahil gusto ko rin namang makipagkwentuhan sa kanya. "Sorry ah?" "Para saan?" "Sinali pa kasi kita sa, uhm, mga planong `to." "Ah, okay lang yun." Habang naglalakad kaming dalawa, ayun na naman si Dexter at sumusulpot kung saan. Mag-isa siya ngayon at mukhang may klase din. Tatawagin ko na sana pero naunahan niya ako! "Celestine!" "Oy, Dexter!" Ngiti. Tiningnan ni Dexter si Cid kaya pati ako napatingin din kay Cid. Inayos nito ang glasses niya. "Cid, magkaibigan pala kayo?" "Oo eh. Uh," Ngumiti si Cid. Halatang hindi niya alam kung sasabihin niya bang nanliligaw siya sakin o hindi. Hindi niya rin naman kasi alam kung kanino namin sasabihin ang mga kasinungalingang yun. "Ah, magkaibigan pala kayo ni Cid, Dexter? Kaibigan siya ni Jana eh. Common friends." "Ahhh. Yung si Jana?" Tumango si Dexter. "O, sige ah? May pasok pa kasi ako eh." Ngumiti si Dexter at umalis. Habang nagpatuloy kami sa paglalakad ni Cid, sinulyapan ko siya. "Marami pala tayong common friends." "Oo eh. Kabarkada ko si Dexter." Tumango na lang ako habang iniisip ko ang kantang, 'its a small world after all.' "WHOAAAA!" humiyaw pa talaga sina Jude nang nakita akong kasama si Cid at hinahatid ako sa classroom. Dinala pa niya ang books ko para effect daw. Kahit nasa
labas pa lang kami, kitang kita ko ang nakatalikod na si Gab at naghihiyawang mga teammates niyang kaklase ko. Sumulyap pa si Jana habang nagthu-thumbs-up. Lumingon si Gab samin at tumayo. Nakaupo kasi ito sa desk ng upuan - ang pilyo talaga. "Whoa! Siya na ba yan, Cel?" Tanong ng isang teammate ni Gabriel. Tiningnan kong mabuti ang ekspresyon ni Gab. Bahagyang tumaas ang kilay nito habang lumalapit samin. "U-Uh, Cel-" Sumulyap pa si Cid kay Jana bago nagpatuloy. "Kita din tayo mamaya ah? Sabay na tayong maglunch." Ngumiti pa siya. Whoa! Kahit papano pala, cool din naman siya. Ang gwapo niya nga pagkasabi niya nun. "Cel! Si Dexter oh!" Napalingon ako kay Gab at nakita kong tinuro niya ang pintuan. Syempre, tumingin ako sa labas, wala naman akong nakita. ERR. Patay! Narinig yun ni Cid, baka anong maisip nito. Baka maisip niyang may gusto ako kay Dexter. OH NO! "Wala naman ah?" Tumayo din si Jana para sana makita din si Dexter. Bigla akong inakbayan ni Gab at naglahad ng kamay. "I`m Gabriel Soriano. And you are?" Nakatingin siya kay Cid. "Cid Lacson." Nakipagkamayan naman si Cid. Bumitiw silang dalawa. "Ah, ikaw pala yung manliligaw nitong si Cel?" "O-Oo." Nakita kong sumulyap si Cid sa likuran. "Ngayon pa lang, sumuko ka na. May ibang gusto si Celestine, hindi ikaw. Atsaka, di rin naman ako papayag sa inyo eh. Bagay sa kanya yung mga basketball player at mga gwapong tulad ko." Nabigla naman ako dun sa sinabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Mukhang napansin din niyang mali ang sinabi niya at bumitiw siya sa pagkakaakbay sakin. "Ang ibig kong sabihin, hindi pa pinapanganak ang babagay sa kanya." Naging seryoso ang mukha ni Gab. "Kailangan niya pa bang hintayin yung hindi pa pinapanganak? Kung andito na sa harapan niya ngayon ang nagmamahal sa kanya." OMG! Eto ang mas nakakagulat na sagot nitong si Cid.
Tameme si Gab! Tameme si Gab! "Sige nga, prove to me that you love her." OMG! Pakiramdam ko, nag-iinit na naman ang ulo ni Gabriel. bakit nga ba? Tsaka, mahihirapan si Cid neto! Prove? Panu yun? Anong gusto niya? Tsaka, hindi niya naman ako mahal eh. Sumulyap pa siya sa likuran ulit. At mukhang may binabasang senyas. "I..." Huminga siya ng malalim. "I won't." "My God, Cid!" Narinig ko ang biglang-sigaw ni Jana sa likuran. Ngayon, mas nararamdaman ko ang galit ni Cid. "Kung ayaw mong maniwala, bahala ka. Alam ko namang kahit anong gawin ko, di ka maniniwala eh." Tapos nag walk-out siya. Aray. Nabadtrip yata si fafa Cid. Sorry! Tapos, nakipag high-five na naman si Gab sa kanyang mga kateammates na para bang nanalo sila sa championship. "Kita mo na! Walang kwentang lalaki-" Nakangiti pa si Gab nung binatukan ko siya. "Ano ka ba! Nabadtrip tuloy yung tao! Ikaw kasi eh!" "Ano? HAHAHA." Nagtawanan pa sila. "Eh, hindi naman pala siya kakasa sakin eh." "So? Hindi ako magkakaboyfriend niyan sa ginagawa mo eh!" Pinandilatan ko siya at umupo na sa upuan ko. "Ayy, galit!" Nagtawanan ulit sila ng team niya. GRRR~! Kinakabahan tuloy ako kay Cid. Anong nangyari dun? Galit kaya siya sakin? Baka next meeting nila ni Gab eh makikipag suntukan na siya. HUHU. Narealize kong may mas badtrip pa pala kay Cid dito sa tabi ko, si Jana. "Shet! Kung alam ko lang na ganun ang gagawin niya. Kampante pa naman ako sa planong `to! Si Cid talaga! Ayan tuloy! Sira na tuloy! Sana kasi tinanggap niya ang hamon ni Gab eh! GRRRR." Nakapangalumbaba pa ito habang ginugulo ang buhok niya.
TWENTYEIGHT
Celestine Herrera: Iba ka.
Habang iniisip ko ang mga posibilidad ng pagkakagusto ni Cid kay Jana sa klase... "Cel, andyan na si Cid sa labas. Mauna na ako. Sa Canteen kayo kumain ha, si Gab kasi sa canteen din kakain ngayon." Tapos umalis na si Jana. Tapos na pala ang klase. Di ko man lang namalayan. Masyado ko kasing iniisip yung mga posibilidad na yun. BA`t ko pa nga ba yun iniisip kung pwede ko namang tanungin si Cid ng diretso? "Cid," Sinalubong niya ako sa pintuan. Tapos sumunod naman si Gabriel at para bang nag-iinit na naman ang ulo niya. Ayan na! Ayan na! Paparating na siya. "Gab, pwedeng samahan mo kong kumain? Wala kasi akong kasama eh." Ang full-time epaloid na si Stacey, humihirit na naman. "O-O sige, sure." Tumingin ulit si Gab samin. "So, Ano Cid? Tayo na? Ginugutom na ako eh." Smile. Tapos naglakad na kami. "C-Cel!" "Hmm?" Lumingon ako kay Gab. "Saan kayo k-kakain?" "Sa canteen lang. Bakit?" "W-wala naman." NYEEE~! Susunod yan for sure. SUSUNOD YAN, I PRAY! At dahil maawain naman si Papa God, sa canteen na nga kumain si Gab. Hay, ang feeling ko na naman. Sabi naman ni Jana kanina na sa canteen kakain si Gab. HMP! Tumayo si Cid, "Ako na ang bibili ng pagkain mo." Smile. "S-Sandali-"
Ayun, umalis na ng tuluyan. Badtrip parin yata. Babayaran ko na lang siguro siya pagbalik niya. Napatingin tuloy ako kay Gab at kay Stacey na seryosong kumakain. Tumingin naman si Gab sakin pero inisnaban lang ang beauty ko. Galit? Ilang sandali ang nakalipas, dumating si Cid dala ang pagkain namin. Di niya na nga ako pinagbayad eh. Nahihiya daw siya kasi di man lang niya ako tinanong kung ano yung gusto ko. "Wa`g na. Sorry talaga, di kita natanong. Dami ko kasing iniisip eh." "Okay lang yun! Okay naman `to eh." Halata sa kanya na marami nga talaga siyang iniisip kasi halos di siya makakain. "May gusto ka ba kay Jana?" "H-Huh?" "In love ka ba kay Jana?" Natigilan siya. At sa ekspresyong ipinakita niya, kasama ng pag-ayos niya sa glasses niya, alam ko na ang sagot. At mas lalo kong nakumpirma sa sinabi niya, "Am I that obvious?" Napangiti tuloy ako at sumulyap ulit kina Gab. Nakatingin si Gab samin at mukhang iniisip niya na yata kung anong pinag-uusapan namin. Ngumiti pa ako kaya baka iniisip nun na kinikilig ako. WAHAHA. Kung alam niya lang. "Oo. Pumayag ka kasi sa kabalbalan namin eh. Tsaka, natatameme ka pag kaharap mo siya." He sighed. "Okay lang, Cid. You don`t have to do this." "P-Pero gusto kong makita niyang gusto ko siya." "Panu yun? By doing this? Hindi no! Sabihin mo sa kanya para malaman niya." Nag-isip pa ito. "Asus. Torpe ka ba? Sa bagay, ako rin naman eh, torpe. Natatakot ka sigurong masira yung friendship niyo. Heh! Nakakarelate ako sa`yo." Tumingin si Cid sakin, "Sorry." "Nukaba! Okay lang yun! Wa`g kang mag-alala. Tutulungan kita sa kanya. Tsaka, tigilan na natin `to. Ako na ang bahalang mag explain kay Jana at magpalusot kay Gab." "Explain kay Jana?"
"Oo! Sasabihin ko sa kanyang dapat wala akong nagpapanggap na manliligaw para may manligaw naman sakin. HAHAHA." "Pero..." "Okay lang kasi. Ako na ang bahala." Kumain na kami. Pero ang totoo, di ko talaga alam kung paano ko babawiin kay Gab at sa mga ka teammates niyang wala naman talaga akong manliligaw. Naisip ko tuloy na sana di ko na lang `to ginawa. Maling tao pa ang pinagpanggap namin. Pero at the end of the day, narealize kong ginawan ko lang ng problema ang sarili ko sa pag-iisip ng palusot kay Gabriel kasi... "Joke lang yung p-panliligaw ni C-Cid." "AHAHAHA. Oo naman! Syempre, joke lang yun!" Anong ibig niyang sabihin? Na alam niya yung ginawa namin ni Jana? "Ha? Anong ibig mong sabihin?" Inakbayan niya ako. Papunta kami sa sasakyan niya at pauwi na. "Alam mong joke lang yung panliligaw ni Cid?" "Basta! Nafifeel ko yun. Eh biglabigla ka kasing nagkakaroon ng manliligaw ng hindi ko nalalaman. Ako pa! Sensitive yata ako no, alam ko ang tunay sa hindi! Tsaka, kita mo naman ang reactions ko... halatang walang pakealam." "H-Halatang walang pakealam? Alin dun sa reactions mo? Yung pang-iinis mo kay Cid o yung pagsunod mo sa canteen?" Bumitiw siya sa pagkakaakbay sakin at tumigil kaming dalawa sa harapan ng sasakyan niya. "Huh? Uh, O-O naman!" Di makatingin. Walang pakealam ka diyan. For sure, kung di ko sinabi sa kanya ngayon eh, nagpahire na talaga siya ng mamamatay tao para patayin yung Cid na yun. Hmp! "T-Tayo na! Pumasok ka na!" Sumigaw si lolo tapos pumasok sa sasakyan niya. "Huh? O-Opo!" Tapos sumulyap ako sa likuran at nakita ko si Cid kasama ang barkada niya. Sana masabi niya na kay Jana ang nararamdaman niya no? Hmmm. "Cel! Nu ba? Iwan kita diyan eh!" "OA `to oh!" Parang si Cid lang eh... Ay! "Halaaa... si Dexter! Ang gwapo niya!" Kilig effect. Tapos, kumaway pa si Dexter.
Pinaandar ni Gabriel ang sasakyan niya. "Hoy!" "Ano? Sasabay ka ba sakin o hindi? Iiwan kita?" "Sige nga, iwan mo na lang ako dito? Sasama ako kay Dexter!" "Isusumbong kita sa mama at papa mo. Sasabihin kong sumama ka sa boyfriend mo, sige ka!" Namumula na ang mukha niya at parang siniseryoso niya talaga ang mga sinabi ko. Pasalamat ka talaga at di kita matiis kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya. "Ikaw talaga! Pasalamat ka`t di kita iniwan. Flirt ka masyado eh." "Nung sabi mo? Selos ka lang diyan!" Tapos sinundan pa talaga ng mga mata ko sina Dexter. Pa-effect. HEHE. "Ba`t ako magseselos? Eh ang gwapo ko, ang pangit nun." "Heeeh, ayaw mo lang aminin eh. Ano naman ngayon kung mas gwapo ka? Eh siya naman ang gusto ko." Sumulyap siya sakin at nag-iba ang ekspresyon niya. Hinintay ko ang sagot niya, pero wala siyang naisagot. Piningot ko na lang ang ilong niya, halata kasing napikon siya. "Joke lang." Ba`t kailangan pa yung 'joke lang'? Natatakot kasi akong baka magalit siya sakin. At bakit siya magagalit sakin? Siguro, may gusto na nga siya sakin. Pero, ba`t di niya maamin? Pero kung totoo namang may gusto siya, okay lang kahit abutin siya ng ilang siglo sa pag-amin niya sakin. Kaya ko namang maghintay eh. Teka nga! Ano `to? Bakit ganito ang mga iniisip ko? Maghihiganti ako sa kanya eh! Pero sa tuwing pinaparamdam ko sa kanya ang paghihiganti ko at nakikita ko ang mga reaksyon niya, nakakalungkot mang isipin, nasasaktan ako. "Crush ko lang yun, no!" His face lightened up. "Iba ka." Sumulyap siya sakin. Then he smiled - sweet. IBA KA, KASI MAHAL KITA.
TWENTYNINE Celestine Herrera: Wala ka ng kaagaw.
Grabe ang disappointment ni Jana, umabot hanggang finals namin. Hindi parin niya nakakalimutan ang Plan A niyang nawasak. At halata din naman sa kanila ni Cid na hindi parin niya sinasabi at inaamin na gusto niya si Jana. Hay, anyway, I won`t force him. Ako rin naman eh di ko nga masyadong naamin. I mean, talagang di ko naaamin! "Aray!" Tinulak ako ni Jana bigla. Papunta kami ng gym tapos dala-dala ko pa ang sandamukal na libro ko para sa pag-aaral ko sa upcoming final exams, lanya, ba`t ako tinulak nito? "Sorry." Naaninaw ko ang ngiti ni Dexter. Pinulot niya ang mga libro kong nahulog. Nakakahiya tuloy kasi ako naman talaga yung bumangga sa kanya, I mean, tinulak ako ni Jana. "O-Okay lang!" And just like those cheesy movies, nagkadikit yung kamay namin sa iisang libro. Grabe, sa puntong yun, yung mga cheesy movies lang talaga ang naiisip ko. "Sorry." Sabi niya ulit. "Ah, okay lang!" Tapos, binigay niya na lahat ng librong napulot niya sa akin. "EHHHHH. UYYY. Ehem," Nakangiti na si Jana. "Mauna na ako sa loob ah-" "Cel, ang tagal mo!" Bumagsak na sa tenga ko ang sigaw ni Gabriel. "Err, excuse me." Tapos kinindatan ako ni Jana at pumasok sa loob. May practice sina Gabriel ngayon. Last practice yata. Tapos sina Jana naman, may practice din sa pepsquad. At ako naman, hihintayin si Gab. Napansin kong nakasoot si Dexter ng jersey. "Pasok na tayo sa loob!" Tapos inakbayan naman ako ni Gab at sinenyasan niya na lang si Manong Guard.
"Bakit naka jersey si Dexter?" At tinanong ko pa talaga sa kay Gab ah. "Ewan!" Tapos pinaupo niya ako sa bleachers. Nakita kong pumasok si Dexter sa gym. "Mag ta-try-out ba siya?" "Hindi ko alam. Kung magta-try-out naman siya, mas magaling parin ako sa kanya. Kaya, dito ka lang. wa`g kang gumalaw. Sakin ka lang tumingin." Tapos umalis na siya. "Wa`g gumalaw ka diyan! Err, whatever. HEHE. Sure!" Nakita kong nag try-out nga talaga si Dexter. At biruin niyo, ang galing niya, sobra! Kahit na ako lang ang tao sa bleachers at sina Gabriel, teammates niya, at sina Stacey lang ang nasa court, may konting hiyaw parin akong naririnig. "Okay! You`re in! Starting next sem, you can attend the practices!" Sigaw ng coach nina Gab. "Thanks!" Tapos nakipaghigh five pa ang halos lahat ng teammates ni Gabriel kay Dexter, maliban na lang sa kanya. Nakakabanas ngang tingnan eh kasi umamba pa si Dexter ng apir pero di inisnaban naman ni Gab at kumuha na lang ng bola at nagshoot. Naku! Pumalakpak na rin ako para at least na lang eh mabuhayan si Dexter kahit na ganun ang napala niya kay Gabriel. "Go, Dexttter! Galing mo!" Nakangiti na siya nung tumingin siya sakin. Tiningnan ko ang ekspresyon ni Gabriel pero wala itong nagawa kundi umiling. Ilang sandali ang nakalipas, umakyat na sa bleachers si Dexter at tumabi pa talaga sakin. Hayooop! Ang galing! Talagang magseselos ng todo si Gabriel neto. Panay pa naman ang palakpak niya habang nakikitang umiikot sa ere si Stacey at nag aacrobatic. Sa oras na sumulyap siya dito, sigurado akong mamamatay yun sa selos. haha "Magaling ka palang mag basketball! Ba`t di ka nagtry-out last June? Nung nagkatabi tayo?" "Hmmm, yoko kasi ng masyadong maraming nanonood sa pagta-try-out eh. It`s too flashy." Tumango ako. "Hinihintay mo si Number Eight?" "Oo eh, sabay kami pag-uwi." "Ahhh. Is he courting you?" "H-Huh? Di ah! Bestfriends lang kami." Ayan, dumapo din sa wakas ang tingin ni Gabriel samin.
Tyming naman ng pagdapo ng tingin niya samin ang pagsigaw ng coach nilang, "Break muna!" So of course, pumunta agad si Gabriel saming dalawa. Napatayo tuloy si Dexter, ewan ko kung bakit. "Cel, dun tayo oh." Sabay turo sa mga teammates niyang nakaupo malapit kina Stacey." Sumulyap pa ito kay Dexter. "Huh? Yoko. Ikaw na lang, dito muna kami ni Dexter. May pag-uusapan lang kami. Diba Dexter?" Tiningnan ko si Dexter. "O-Oo." "Ikaw na lang dun, Gab. Tutal, andun naman si Stacey, diba gusto mo yun?" Katahimikan. Umupo na lang si Gabriel sa tabi ko. Pinandilatan ko na lang siya. Ayan kasi, kung diretsuhin na lang kaya niya ako na ayaw niyang nakikita kaming magkasama? Mas simple naman yun kesa sa mga palusot niya. "Nagkikita parin ba kayo ni Cid?" Tanong ni Dexter sakin. "Uh, hindi na masyado. Nung nakita mo kaming dalawa, nagpatulong lang yun sakin-" "Cel, kunin mo naman yung tubig tsaka tuwalya dun o." Sabay turo sa bench sa court. "Huh? Ba`t ako? Kita mo bang nag-uusap kami dito?" "Eh ang sakit na ng katawan ko eh, kaw nalang muna. Please?" With puppy eyes pa. Nakakatawa talaga siya, sure akong strategy niya na naman yan para lang maistorbo kami ni Dexter. "OA mo ha! Ikaw na nga dun, bahala ka diyan!" "Uh, Cel, mauna na lang muna ako ah?" Sabay sulyap kay Gabriel. "See you soon." Smile. "Oh, Sige. Sorry ah?" Sumulyap ako kay Gab para bigyan ng ideya si Dexter kung paano ko sinisisi si Gabriel sa pag-alis niya. Ngumiti siya at kumaway palabas. "HAHAHA~ Buti di siya manhid no? Kitang may pinag-uusapan tayo, singit nang singit! TSEH!" Sigaw niyang bigla nung umalis na si Dexter. "Shh! Tumigil ka nga Gab! Kala mo naman eh no? Ikaw kaya yung sumingit at kami yung may pinag-uusapan! Hmp!" "Ah basta! Hehe." Nag evil smile siya sakin. Ayan na naman ako. Tinitingnan ko na naman ang mukha niya, ang kanyang mga mata, ang buhok niyang mejo basa sa pawis at naamoy ko ang bango niya.
"Kunin muna yung tubig at tuwalya mo dun, basang-basa ka na oh." Nakangiti parin siya. "Wala na naman si Dexter eh, mag-isa na ako. Wala ka ng kaagaw." LOL "Wala nga akong kaagaw, iiwan naman kita. Wa`g na lang." Hindi siya umalis at umupo lang siya sa tabi ko hanggang nagsimula na silang magpractice ulit.
THIRTY Celestine Herrera: Maligo ka na dun!
"Opo, babantayan ko po si Celestine." Eto ang linya ni Gab nang ipinagkatiwala ako ni mama at papa sa kanya nang pumunta kami sa isang beach resort. Isasama niya raw kasi ako sa party nila ng teammates niya. Syempre, siya daw bahala sakin. O diba? Ang cool nun! Hahaha. Tsaka, kasama din yung cheering squad dun sa party. Kahit isang araw lang yun, sigurado akong masayang masaya `to. Nagdrive na si Gab habang nasa frontseat ako at nasa likuran naman si Jana. "Hay, Cel. Sayang lang at wala pa si Dexter mo." Tumingon ako kay Jana. "Oo nga. Sigurado akong mas masaya `to kung andito siya." Pagselosin daw ba ang driver? HAHA "Itext mo kaya, baka sakali. Part din naman siya eh, wala nga lang umimbita sa kanya." "Wala akong number niya eh." "Ano? Hay naku, ang hina mo talaga no? Eh close na close na kayo, wala ka pang number niya?-" "Pssht, bawal ang Dexter sa kotse ko. Pag-usapan niyo pa siya, itatapon ko kayo sa labas."
Kaya hayun si Jana, nag sa-silent laugh sa likuran. Ang sama naman ng tingin ko kay Gab. "Ano, ano, anong sabi ng pinsan ko?" Silent laugh. "Bakit bawal si Dexter dito? Selos ka?" "Hindi no! Feeling naman nito. Yoko lang!" "Heh! Aminin mo na lang kasi." "Anong aaminin ko?" "Na nagseselos ka?" "Ba`t naman ako magseselos?" "Yung mga sagot sa tanong ay di pwedeng tanong rin, okay?" "Tama na nga yan! Tumigil ka na, Jana! Wa`g mo na ngang pilitin, kung di naman daw siya nagseselos eh." Singit ko. Umirap pa ako sa kawalan. Nakakainis lang kasi si Gabriel eh. Bakit ang tagal niyang umamin? Eh talagang obvious na obvious na ang lahat sa kanya. Hindi naman sa feeling ako pero kung titingnan niyo sa mga actions niya, talagang mapagkakamalan kong may gusto nga siya sakin at nagseselos siya. Pero, oo naman, bestfriends kami kaya siguro siya ganun. Pero sana naman, kung ayaw niyang magustuhan ko siya, dumistansya naman siya ng konti. Pero kung didistansya siya ng konti, magugustuhan ko naman kaya? OH NO! "Andito na tayo!" Nandun narin ang team, at syempre ang excited na mga cheerdancers. LOL. Ako lang yata ang out of place dito eh. Buti na lang close kami ni Gab at Jana at kilala ko naman ang halos lahat sa team at cheering squad. Anduyn na rin si Stacey, ang laki ng aviators niya at naka shortpants at tube lang. Ako naman, naka shortpants lang rin pero t-shirt naman ang kasama. "Maliligo ako!" Tapos inakbayan ako ni Gabriel. "Ikaw?" "Wala. Hindi. Hindi ako nagdala ng ibang damit. Sasama lang ako dito at makikikain, yun lang. HAHAHA." Sabi ko sa kanya. "Ano? Bakit naman? Excited pa naman akong makita kang naka two-piece lang?" Shet na malagkit. Joke! "Asus, namumula na. HAHAHA." Tapos kinurot niya ang ilong ko. "Huh? H-Hindi ah! Tsss, di ako mag t-two piece no!" Hanggang sa pumasok na kami ng tuluyan sa resort, nakaakbay parin siya sakin. Panay ang kindat ni Jana sakin at halatang may plano na naman.
Maganda naman ang resort. Wala masyadong tao at malaki. White sand, at maraming restaurant sa tabing dagat. Yung mga taong nandito, halos ka-age lang namin. Umupo ako sa isang table dun sa restaurant nang tumabi si Jana sakin. Nasa loob pa silang lahat at nagbibihis. Etong si Jana naman, mukhang excited talaga dahil sootsoot niya na kanina ang two piece niya sa ilalim ng soot niyang shorts at t-shirt. "Celestine, makinig ka, sa araw na `to manliligaw na sayo si Gabriel." "Ha? P-Paano?" "Basta! Halata na talaga sa kanya na may gusto siya sayo eh." "H-Ha? eh, baka bestfriend lang yung turing niya sakin kaya ganun siya." "Hindi eh... may something talaga. HAHA." "Tapos? Pag nangliligaw na siya, anong gagawin ko?" "Eh, ano pa... syempre... ano bang nafi-feel mong gawin?" Evil smile. "Hmmm-" "Syempre, sasaktan mo siya! Diba? Maliban na lang kung..." Kumunot ang noo niya. "O-oo naman! Sasaktan ko siya. Yun nga. Kaya nga ako nakipagclose ulit sa kanya para masaktan ko siya pag nainlove na siya, diba?" "Oo nga! Uh, sasaktan? Mejo, pahihirapan na lang siguro... na gu-guilty tuloy ako sa sinabi mo. Para namang tinutulak ko sa bangin ang sarili kong pinsan." Nagtawanan kaming dalawa. Buti nalang at kahit pursigido si Jana sa mga plano niya, may puso parin siya. Ilang sandali ang nakalipas, dumating na sila. Grabe yung teammates ni Gab, parang ngayon lang nakakita ng dagat. Tumakbo pa talaga sila para maligo. Yung mga cheerdancers naman, mas lalong nakita ang hubog ng katawan sa mga soot nilang twopiece, picture-picture naman ang inaatupag nila. "Cel, ligo muna ako ah? Wa`g ka masyadong malikot dito. hehe." Nginitian pa ako ni Gab habang umuupo siya sa tabi namin ni Jana. "Maligo ka na dun! Uupo-upo pa!" Sabi ko. "Ang arte nito. Tinitingnan lang naman kita eh." Katahimikan. "Gab, picture?" Sabi ni Stacey. "Sure!" Ngumiti naman si Gab at nagpahila kay Stacey para magpapicture. Ayun, nag picture2x na silang dalawa. Pati yata sa pagligo sa dagat eh hinihila at hawakhawak parin ni Stacey ang kamay ni Gab. "Dito ka lang, Cel. Papatayin ko yang Stacey na yan!" Sabi ni Jana at umalis na.
Kainis talaga si Stacey! Epal masyado. Si Gab naman, nakikipagflirt-flirt din. Errr. Kainis! "Celestine!" Lumingon ako sa tumatawag sakin.
THIRTYONE Celestine Herrera: Gianna, mga kaibigan ko.
"Gianna!" Grabe, nanlaki ang mata ko habang nakikita ko ang pinsan kong si Gianna na nakatayo sa harapan ko at ngiting-ngiti. Kasama ng kulot at kulay brown niyang buhok, makinis na kutis at Kulay blue na two piece. Yinakap ko siya. "Sinong kasama mo dito?" "Ah! Yung mga kaibigan ko, ikaw?" Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at umupo kami sa table. Tumingin siya sa paligid. "Yung mga kaibigan ko rin!" Ngiting ngiti parin siya ngayon. "Di ka ba maliligo?" "Hindi eh." Napatingin ulit ako sa katawan niya. "Hanep ah, ang sexy mo talaga!" "HAHA. Hindi naman." She blushed. Grabe, isang taon lang kaming hindi nagkita pero parang ang laki ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gumanda. "Asan ang mga kasama mo?" Tinuro niya ang dagat. "Ahhh! Ako rin eh, andun din sila. Nandun nga rin si Jana eh."
Sinuyod namin ang dagat at nakita namin si Jana. "Dami mong kasamang boys ah? Ano, may boyfriend ka ba jan?" Ngumiti pa siya. "W-Wala no! Hmmm, bestfriend lang." "Bestfriend? Yung sinabi mo nun?" "Ah oo eh." "Nagkabati na ba kayo?" "Mejo. Hehehe." "Wow! Ipakilala mo naman ako!" "O sige. Pag bumalik na yun." "Gianna!" May tumawag galing sa likuran, tatlong babae. "Mamaya na ako maliligo! Mag-uusap muna kami ng pinsan ko!" "Okay!" Tapos umalis din naman yung tatlong kaibigan niya. "Ba`t nga ba kayo nandito?" Tanong niya. "Ahh, outing ng basketball team at ng cheering squad eh, sinama lang ako." "Aww. Di ka sumali sa cheering squad?" "Di eh! Di ako marunong! Ikaw ba, ba`t andito ka? Hmmm?" Nginitian ko siya. "Ah... Farewell party ko lang `to. tss... Kainis nga eh. Kasi lilipat daw ako ng school kaya eto kami ngayon." "Ha? Ba`t ka lilipat?" "Ewan ko ba kay mama." "Saan naman?" "Hindi ko pa sure eh. Sana nga, kung lilipat man lang ako sa school niyo na lang para magkasama na tayo. Hmmm" "Oo nga! Naku. Masaya yun!" Mas masaya nga yun! O diba, madadagdagan ako ng ka-close! "Sabihin mo kay tita na sa school ka na lang lilipat!" "Oo! Sige! Sasabihin ko!" Excited pa ang pagkakasabi niya nito. "Hmmm, kasama mo ba ang boyfriend mo? O... kayo pa ba?" "Ah. Oo eh. Kami pa. Tsaka, di ko siya kasama. Mga babae lang kami dito. hehe." "Anong reaksyon niya sa paglilipat mo ng school?" "Hmmm, okay lang daw. Ang importante, magkikita din naman daw kami eh." "Aww. Ipakilala mo ko sa kanya ah!" "Oo naman!" Matamis ulit ang ngiti niya. "Okay din yung di kami masyadong nagkikita at di kami pareho ng school para makameet naman ako ng ibang boys! HAHAHA." Tuamwa din ako. "Gianna!" Naaninaw ko ang basang buhok ni Jana at excited na excited pa siyang bumati sa pinsan ko.
"Jana! Kamusta na!" "Okay lang, ikaw!" Tapos, nakita ko na rin sina Gab at ang iba pa na papunta samin. "Andyan na pala mga kaibigan mo, aalis na ako, Cel ah?" "O-Okay!" "Uy! Sino yan?! Ganda ah? Kaibigan mo, Cel?" Tanong ni Jude. "Huh? Hindi-" Hinila ko si Gianna. "Eto si Gianna, ang pinsan ko. Gianna, mga kaibigan ko." Mga lalaki lang ang dumagsa samin, mejo natabunan pa nga si Jana eh. Yung mga babae naman, dumistansya ng konti. Ngiting-ngiti si Gianna habang pinapakilala ko sa team. "Ehe-Ehem! I`m Gabriel Isaac Soriano. Ace player ng basketball team namin." Kasamang ngiti at pacute. "Bestfriend ng pinsan mong si Celestine. Nice meeting you!" Shet! Pati ako napangiti na dahil sa ngiti ni Gab. Napawi lang ang ngiti ko nang nakita kong linahad niya ang kamay niya kay Gianna at nakipagshakehands din naman ito. Ngiting-ngiti din ang pinsan ko. Pareho silang dalawa, matatamis ang ngiti. "Uyyyyy! Love at first sight?" Sabi ng teammates ni Gab at nagtawanan sila habang nakikipagkamay ang dalawa sa isa`t-isa.
THIRTYTWO Celestine Herrera: Ilang segundo lang kayo nagkita nun
I snapped out of it. Hindi. Kitang kita sa mga actions ni Gab na gusto niya rin ako. In the end, we will end up with each other. Kahit matagalan man yan, sakin siya mapupunta kasi ako ang nauna. Sigurado akong pinagseselos niya lang ako ngayon. Tama, that`s it! Pinagseselos niya lang ako. Ang tanong: ipapahalata ko ba `to sa kanya? O hindi? "Uh, aalis na ako ah? Hinahanap na kasi ako ng mga kaibigan ko eh." Nakangiti parin si Gianna habang tinitingnan ako. "Cel, alis na ako." Kumaway siya samin at umalis na nga kahit na pinipigilan siya ng teammates ni Gabriel. Hindi ko na rin siya sinundan at wala na rin akong sinabi kasi wala akong gana.
Napilitan lang akong sundan siya nung nakita ko sina Stacey at yung ibang kasama niya na nakatitig sa pinsan ko. "Gianna, dito ka na lang dumaan." Sabay turo ko sa daanang malayo kina Stacey. "Okay." Ngiti ulit siya. Malayo na kami sa team kaya tumitigil siya sa paglalakad at lumingon ulit kina Gabriel. "Siya ba yung bestfriend mo? Yung si Gabriel?" "O-Oo." "Ang gwapo gwapo niya naman! Wa`g mong sabihin sa kanyang may boyfriend na ako ha?" "Ha?" Loading... "Kung tatanungin niya lang naman eh! Kasi... you know, baka mag break na rin kami ng boyfriend ko dahil nga lilipat ako ng school." "Ganun ba yun? Kailangan niyo bang mag break pag lilipat ka ng school?" "Hmmm, basta... you won`t understand. Sige na, insan, aalis na talaga ako. Bye!" Tapos kumaway siya sakin at umalis na. Tinalikuran ko na rin siya at humakbang patungo kina Gab. "O! Grabe, pinagpipiyestahan yung pinsan mo, Cel ah? Haha. Ang ganda niya na kasi. Hawig mo siya ng konti pero kulot lang at kulay brown yung buhok niya tapos mas maputi pa siya sayo." Sabi ni Jana. Tulala parin ako. "Nu ba? Nung nangyayari sa`yo?" "Wala naman. Hehe. Lilipat daw kasi siya ng school, baka sa school natin." "Ahhh. wow naman. Bakit naman daw?" "Uhm, hindi ko alam eh." Ilang sandali ang nakalipas, kinailangan na naming kumain dun sa restaurant na inuupuan ko kanina. Ang daming pagkain at mukhang masasarap lahat. Kaya lang wala parin akong gana eh. Katabi ko si Gab at panay ang kain niya ako naman dito, halos di magalaw ang pagkain. "Taga saan si Gianna? Saang school?" Tanong niyang bigla. Napakain tuloy ako. "Uh, hindi ko pa alam eh. Lilipat daw kasi siya ng school." "Aww. Sana sa school natin siya lilipat. Sabihin mo sa kanya!" Napaka interesado naman ng boses niya. "Sinabi ko na. Pero, ewan ko ba... di yata interesado eh." Sorry po.
"Huh? Bakit naman?" Natigilan si Gabriel. "Pero dahil nakilala niya ako, sigurado akong lilipat na yun sa school natin. HAHA." Umirap na lang ako, "Feeling nito." "Oo! Ang gwapo ko yata no, diba diba?" Dinamay pa ang ilang teammates niya at myembro ng cheering squad. Umayon naman ang mga teammates niya at cheering sqaud. Yabang nito! Buti nga wala si Stacey, nasa kabilang table eh. "Hay, ang ganda niya talaga noh? Mejo hawig kayo, pero may something sa kanya. Ang sexy niya pa!" Nakatitig na si Jana kay Gabriel. Ako naman, halos gutaygutay na ang pagkain ko sa kakahampas ko ng kutsara. "Sexy lang yun kasi nakatwo-piece." Sabi ko. "Oo nga! Kaya nga! Pero basta... ang ganda ng ngiti niya." Hinanap ko na talaga si Stacey at nakita kong nagtatawanan naman sila ng mga ibang taga cheering squad. "Ayun oh! Tumatawa si Stacey, ang ganda din ng ngiti niya." Tinuro ko si Stacey. "Oo eh, pero iba si... Gianna." Lintik! Pagkasabi niya ng GIANNA para akong linapitan ng isang milyong multo. Tumindig lahat ng balahibo ko at parang maloloka na yata. "Anong iba? Eh kanina lang kayo nagkita nun eh? Si Stacey, ilang years mo nang kilala!" "Ewan ko! Kaya nga iba diba?" Sabi niya sakin. "Whatever." Galit na ba ako? "Galit ka ba?" "B-Bakit naman ako magagalit?" "Aww. Wala lang. Ayaw mo kay Gianna?" "Huh? Hindi! Pinsan ko yun eh!" "Ayaw mo ba ako para sa kanya?" "Huh? What are you talking about? Nagustuhan mo ba talaga siya ng ganun ganun na lang? Ilang segundo lang kayo nagkita nun eh. Sigurado akong nakalimutan mo na siguro yung mukha nun!" Seriously, that fast? Eh kami nga, ilang years kaming bestfriends, enemies, strangers, friends, pero di niya ako NAKIKITA. Eh si Gianna? Ambilis naman yata! Okay, Calm down Celestine! Tulad ng sabi mo kanina... may gusto si Gabriel sa`yo, at pinagseselos ka lang niya ng todo todo. Let`s go back to the MOMENTS! Yung mga pagseselos niya kay Dexter... yung pag-aalala niya, lahat.
"Hindi ko makakalimutan ang mukha niya no! Tumatak kasi agad sa isipan ko. Mejo hawig nga kayo eh. Kaso, iba talaga siya." Sa oras na `to, gusto kong punitin ang pagmumukha ko. "Pati yata sa puso ko eh, tumatak na rin yung mukha at pangalan niya." Ngumiti pa. PUSO? PUSO ba yung sinabi niya? Tinitigan ko na lang siya at binasa ang mukha niya. "Nga pala, Cel, sila pa ba nung boyfriend niya noon?" Tanong ni Jana sakin. Halos di ako makahinga sa tanong ni Jana! Napatingin si Gabriel sakin at sumeryoso ang mukha niya. "May boyfriend na siya?" Unang tanong: Ipapahalata ko ba kay Gabriel na nagseselos ako o hindi? Pangalawang tanong: Ano ang isasagot ko kay Gab?
THIRTYTHREE Celestine Herrera: Next time na.
"Meron!" Sinubo ko ang pagkain ko at ipinakitang wala lang sakin ang pagsagot ko. "Di nga?" Nakatingin parin si Gab sakin. "Oo nga sabi eh! Sa ganda nun, panu mo naiisip na wala pang boyfriend yun?" Katahimikan. "Well, ganyan talaga ang buhay. Marami namang iba diyan..." Sabi ni Jana. "Sana nga lang di ka maagawan..." "Naagawan na nga ako eh." Sabi ni Gab.
Natigilan tuloy ako. Ang sarap niya talagang sampalin. Kung pinagseselos niya ako, pwede bang tama na? Naiirita na ako sa mga sinasabi niya eh. At kung totoo man yun... hindi talaga pwedeng totoo yung mga sinasabi niya eh. Ilang minuto pa lang niyang nakilala si Gianna. Ngayon, nakangiti na siya sa kawalan at para bang ang lalim ng iniisip. "Di bale, boyfriend lang naman pala eh. May pag-asa pa ako. WAHAHAHA." Nagkatinginan kami ni Jana. Nagpatuloy na ako sa pagkain ko. Napagdesisyonan kong hindi ko ipapahalata kay Gab na nagseselos ako. Hanggang sa umuwi na kami, hindi ko kailan man pinaramdam sa kanyang mejo dumidistansya ako dahil dun sa mga sinabi niya kanina. Mejo, gumaan din naman ang pakiramdam ko dahil tumigil din naman siya sa pagtatanong tungkol kay Gianna. At sana din tumigil na ang pagseselos ko. "Celestine," Bigla akong tinawag ni Stacey nung umalis ulit sina Gab para maligo. "Bakit?" Umupo siya sa tabi ko. "Sorry ah pero, ang landi naman nung pinsan mo!" Tulad mo siguro? "Uh-" "Taga saang school yun? Hindi naman sa naiinsecure ako pero..." "Ewan ko, lilipat pa nga yata sa school natin eh." Tumango siya. "Stacey!" Tinatawag na siya ng mga kasama niya sa cheering squad. "Andyan na ko!" At umalis din naman. Akala ko si Stacey na ang pinakamalakas kong karibal kay Gab, mali pala ako. Sana lang di matuloy si Gianna sa paglilipat ng skul. "Cel!" Tumabi naman si Gab sakin. Basang-basa siya at linagay niya pa ang tuwalya niya sa leeg niya. Kaya lang tulala ako para pansinin siya.
"Tulala ka na naman?" "Uh, wala... hehe. Iniisip ko lang yung crush ko." Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko sa sitwasyong ito. Nag-iba ang ekspresyon niya. "Ano ka ba naman... Mag-isip ka naman ng mas magandang dahilan ng pagiging tulala mo. Tsss." Bakit, Gab? Pag sinabi ko bang tulala ako kasi nagseselos ako at iniisip kita, magugustuhan mo ba yun? Sa tingin mo ba matino yun? "O sige, iniisip ko yung lessons sa school." "Lessons? Eh sem break ngayon eh!" Tahimik na lang ako hanggang sa tinawag siya ng mga kaibigan niya. Bago siya umalis, "Cel naman kasi, dapat kasi naligo ka na rin para masaya tayo pareho. Ang lonely mo tuloy tingnan mag-isa dito..." Napabuntong-hininga siya. "Okay lang naman ako dito eh. Di naman ako nagrereklamo." Diba? "Kasalanan ko rin naman eh." Umiling siya at binigay sakin ang tuwalya niya, "O sige, hintayin mo ako ah?" Tumango ako at umalis siya. Ewan ko ba pero parang sumisikip ang dibdib ko sa mga sinabi ko sa kanya at sinabi niya sakin. Gumagabi na nung pauwi na kami. Tahimik lang ako habang nakasandal sa mirror ng sasakyan ni Gabriel. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Jana ang nararamdaman ko kay Gabriel ngayon. Iniisip ko rin kung seryoso ba si Gabriel sa mga paglalandi niya kay Gianna. Iniisip ko ang lahat ng posibilidad at lahat ng bagay na pwedeng mangyari. "Grabe, ang saya nga araw na `to!" Sabi niya. "Sobra." Pinark niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. "Ano namang kinaganda ng araw na `to? Eh ang pangitpangit naman!" May sagot akong ayaw marinig. Pero sana naman talagang hindi ko yun marinig. At kung marinig ko yun ng bonggangbongga, baka, sumabog na ang ulo ko sa inis. "Kinaganda nito?" Inisip niya pa talaga. "Nakilala ko kasi si Gianna."
Bwisit na buhay naman o! Alis na nga ako. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya. "Tse! OA ka naman. Alis na nga ako. Napagod ako dahil ampangit ng araw na `to. Hindi na nga ako nasiyahan sa beach, di ko pa nakita ang crush ko! Bye na, Gab! Tulog na ako!" "Oi! Ambilis naman nito! Tambay muna tayo!" "Wa`g na noh! Next time na. Gusto kong maligo sa banyo. Bye na!" Umalis na talaga ako. Pero hinintay ko munang umalis ang sasakyan niya bago ako umakyat sa kwarto. Lanya talagang buhay na `to. Kahit kailan ba, di gumanda ang araw niya dahil sakin? Leche talaga. Ang malas talaga. Ang malas malas ko. Ang malas niya dahil siya ang ang natipuhan ko! Ang malas niya sa bestfriend niyang may gusto sa kanya. Grrr.
THIRTYFOUR Celestine Herrera: Saan naman tayo pupunta?
"Bilisan mo na diyan at baka iwan ka na!" Sigaw ni Kuya Sky habang inaayos niya ang sarili at ako naman ay nakahiga sa kama niya. Sinabi ko namang ayokong sumama sa Family Reunion na `to eh, kaso lang mukhang kailangan talaga. "Si mama kasi!" Reklamo ko sa loob ng kwarto ni Kuya. "Ayaw mo ba nun? Isang araw lang naman eh. Makikita mo sina Tita at Tito... plus yung mga pinsan natin." "Di ko naman close yung mga pinsan natin eh." "Diba close kayo ni Gianna? O, andun siya! Move!" Sabay hila niya sakin. Kaya nga kasi ayaw kong sumama sa reunion na yun dahil kay Gianna. Errr. Actually, magsasalosalo lang daw kami sa isang restaurant. Sa huli, wala akong nagawa kundi sumama. Sapilitan na ito. Lumabas ako ng bahay habang hinihintay si Kuya, si mama at papa na lumabas na rin at sumakay sa sasakyan ng...
"Pssst! Cel!" Si Gab! "Oi!" "May lakad kayo?" "O-Oo." Smile. Sa itsura niya, mukhang mag babasketball siya. "Awww. Magkikita ba kayo ni Gianna?" "Hi-Hindi eh." LOL. "Aww. Akala ko naman. Nga pala... May pasok na next week ah? Alam mo naba kung saan mag-aaral si Gianna?" "Hmm, di eh. Ewan ko." Sana, hindi sa school namin! Please? Tumingin si Gabriel sa mga dumarating na teammates niya yata. "Oi Gab!" Lumabas din ng bahay si Kuya Sky. "Oi! May laro ako! Di ka sasali?" "Di muna. May lakad kami eh." "Aw. Minsan ka na nga lang umuuwi dito, di ka pa naglalaro!" Biro ni Gab kay Kuya. "Bukas na! Importante kasi `to. Lam mo na, family reunion." Napaubo ako dun ah! "Family Reunion?" "Oo eh. Ayaw nga sumama ni Celestine. Kaso, di siya pinayagan ni mama. Ewan ko ba kung bakit ayaw sumama nito." "Sumakit ang tiyan ko eh." Nakatingin si Gab sakin. Ako naman, halos di makatingin sa kanya. "Gabriel! Lika na!" Sigaw nung isang teammate niya. "Andyan na!" Sigaw ni Gab. "Sige, alis na ko. Cel..." Ngumiti si Gab at umalis. Buti na lang di niya tinanong kung makikita ko ba si Gianna o hindi. Hay naku naman o. Pagdating namin dun sa restaurant, andun na nga ang mga tita at tito ko. Kumpleto din yung mga pinsan ko. Umupo na lang ako kung saan malapit sa pagkain. Si kuya Sky naman, umupo kasama ang ibang tita at tito ko. "Hi Cel!" Kumaway si Gianna at lumapit sakin. "Hello!" Grabe, kulang nalang kuminang siya sa soot niya. Nakakainsecure talaga. Lalong lalo na kung naaalala ko yung araw na nagkakilala sila ni Gabriel.
Naging okay naman ang usapan namin ni Gianna. Halos dalawang oras kaming nakaupo dun at kumakain paminsan-minsan, pero sa dalawang oras na yun wala siyang binanggit na Gab o kahit anong tungkol sa bestfriend ko. Naisip ko tuloy na kabaliktaran silang dalawa ni Gabriel. Si Gab kasi, halos minu-minuto, binabanggit si Gianna. Si Gianna naman, wala talagang nababanggit na Gab. "Enrolled ka na ba?" Biglang tanong ni Gianna. "Oo. Ikaw? Saan ka nga pala mag-aaral?" "Hehe. Enrolled na rin ako. Hmmm." Hinintay ko ang idurugtong niya... "Actually... hay, sige na nga! Dapat kasi sosorpresahin kita eh! Enrolled na ako sa school niyo!" "What?" Mejo pangit yung reaction ko kaya binawi ko sa mukha, ngumiti ako. Pinilit ko. Masaya ako, syempre pinsan ko siya. Pero... ewan ko ba. Ba`t marami akong iniisip na hindi maganda tungkol sa kanya. Ang sama ko naman! "Oo! I`m so exciteddd!" Gigil siya pagkasabi niya nun. "Hahahaha! Pero... ano? Yung boyfriend mo ba, okay na?" "Uh, ewan ko eh. Cool off pa kami nun. Bahala siya sa buhay niya!" "Huh? Bakit?" "Di kasi makaintindi eh. Ayaw niya talaga sa ideyang lilipat ako ng school! Tsss. Bahala na nga siya. Marami pa namang iba diyan eh, diba?" Sa mukha niya, inaasahan niya talagang a-agree ako sa sinabi niya. "Nga naman... Pero sayang ah! Hindi mo na ba siya mahal?" "Hmmm, mahal naman no!" Tumango ako. Hindi na lang siguro ako magtatanong kasi mukhang mas nalilito pa ako. Pero parang na iwan yung pag-iisip niya dun sa huling tanong ko eh kaya dinagdagan niya yung sagot niya, "Ayyy basta! Ewan ko sa kanya! Kaya ko naman siyang iwan kahit mahal ko siya! As if naman..." Tiningnan ko siya habang nakatingin siya sakin. "Basta, di mo yun maiintindihan! Di ka pa kasi nagkaboyfriend eh." Aray! The truth hurts! "Anyway, kita mo ba yung car na yun?" Sabay turo niya sa Car na nakapark sa labas, kulay pula pa ito. "Oo, bakit?"
"Car ko yun! HAHAHAHA." "Wow! Talaga?" "Oo, binilhan ako ni mama. Hmmm. Ang cool diba?" "Oo! Sobra!" Kainggit naman! "Gusto mo alis tayo dito? Boring na eh." "Ha? Saan naman tayo pupunta?" "Punta tayo sa bahay niyo! Di pa ako nakapunta dun eh! Dapat alam ko kung saan yung bahay niyo no! Syempre, future classmate na kita!" "HA?"
THIRTYFIVE Celestine Herrera: Hah? Akala ko ba-
Dahil masyadong desidido si Gianna sa plano niya, siya na talaga ang nagpaalam kina mama at papa para lang payagan ako. Pumayag naman sila kaya natupad lahat ng kinakatakutan ko. Lord, sana si Gab nasa basketball court pa! Sana di pa siya umuuwi hanggang ngayon! "Sa kaliwa naman..." Sabi ko kay Gianna. Siya ang nagdi-drive, ako ang nag na-navigate. Tinitigan ko talaga ang bahay nina Gabriel nung dumaan kami at sinigurado kong wala siya sa loob. "Dito lang." Sabi ko nang napatapat na sa bahay namin. "Yes! Sa wakas! Alam ko na kung saan ang bahay niyo." Lumabas kaming dalawa sa sasakyan. Siya naman, tumitingin sa paligid. "Ang gaganda ng bahay dito ah? Marami sigurong cute dito. May kilala ka sa kapitbahay niyo?" "Ah? Wala masyado eh... Di naman kasi ako gumagala dito. Uhmm, pero maraming kaibigan si Kuya Sky." "Ahh, ganun ba?" Napatingin ako kay Gianna. Para kasing wala siya sa sarili niya habang nakatingin kung saan.
"Sige `tol! Bukas ulit!" "Sige bah! Maglalaro din si Sky bukas!" "O sige..." Kung minamalas ka nga naman oh! Si Gabriel! "Gianna, pumasok na tayo? Naiinitan ako dito eh." "Ow... Sige sige." Pero hindi parin niya matanggal ang mga tingin niya kay Gab. Bilis na kasi! Bago pa tayo makita ni... "Oh is that Gab?" Oh come on! "Uy Cel... Gianna!" Tumakbo si Gab samin. Ang laki na ng ngiti nito kahit malayo pa. "Cel, pupunta pala si Gianna sa inyo, di ka man lang nag text!" "Aw... Kasi-" "Pero okay lang!" Nakangiti na siya kay Gianna ngayon. "Oh my! You play ball?" Nakatingin si Gianna sa soot ni Gab. "Oo eh." "Wow! I wanna see you play!" "Talaga? Sayang, kakatapos lang ng laro namin eh." Celestine, EXIT! "Aww. Sayang naman. But... Okay lang! I`ll transfer in your school soon..." "Wow!" Ngiting-ngiti na talaga si Gab ngayon. Yung ngiting, kahit kelan eh hindi ko pa nakikita sa kanya. "Makikita mo na akong everytime maglalaro ako ng basketball, varsity kasi ako eh." "OMG! Really? Sige, I`ll try to be in your school`s cheering squad para mas lalo kitang makita! Hehehe." Umubo ako, pero walang pumansin sakin. Nagkakatinginan lang yung dalawa at para bang may nagsasabi saking hindi ako pwedeng makealam sa kanila. "Gianna, pasok na tayo sa loob? Gusto ko ng umupo eh. Inuuhaw pa ako." "O sige, sure!" Gianna lang ha? Wala akong sinabing, Gab! Kaya Gab, chupeee!
"Gab, wanna go inside?" "Talaga? Okay lang ba?" "Okay lang naman diba, Cel?" "H-Huh?" Lecheng buhay na `to! Okay lang ba? Tinatanong pa ako? Eh may magagawa pa ba ako? "Okay na okay!" Sobrang sarcastic ng pagkakasabi ko pero walang nakahalata sa kanilang dalawa. At sobrang inis ko pa kasi ako lang talaga ang tuluyang pumasok sa bahay namin. Silang dalaa, naiwan sa labas. Naiwan sa garden namin at umupo sa picnic table dun. Bwisit! Kulang nalang magdadabog ako dito habang umiinom ng tubig. Omygulay! What will I do? Nasa labas sila, talak nang talak at tawa nang tawa. Dapat lumabas ako dun, diba? Lumabas ako at umupo sa tabi ni Gianna. "Oh! Ako nga eh, nung nasa Japan ako, di talaga ako pumayag na dun na mag-aral kasi nahihirapan akong mag adjust! Grabe, ang galing mo! Nakapag-aral ka pala sa States! Grabe siguro yung pag aadjust na ginawa mo!" Ano? Nakapag-aral din naman ako ah? Di nga lang sa labas ng bansa. Hindi pa nga ako nakalabas ng bansa. Ayan tuloy, out of place ako dito. Pero di ako umalis, kahit OP ako. At least, alam ko kung anong pinagsasabi nitong pinsan ko at ni Gab. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext na si Jana... Oo, ganito ako ka bored ngayon. Me: Jana, andito si Gianna sa bahay ngayon. Mukhang nagkakabutihan na yata sila ni Gab. Do u have any plan? Pagkatapos ng limang minuto, saka pa nakapagreply si Jana. Jana: Ba`t siya naryan? Anong nagkakamabutihan? No! Me: Nag-uusap silang dalawa dito. Out of place naman ako. Wala akong masabi. Jana: Ipauwi mo na yang si Gianna. Leche, masisira yung plano ko eh. Me: Oh no! Nawawalan na talaga ako ng pag-asa dito. At mukhang nag-iisip pa ng plano si Jana dun. Hindi ko na tuloy alam kung pinapaisip ko ba siya ng plano para matupad yung mission naming saktan si Gab o dahil naiinis lang ako pag nakikita kong may kasamang iba si Gabriel.
"Oh! Nga pala... so, panu na yung boyfriend mo?" Mejo sumeryoso ang nakangiting mukha ni Gabriel. Gusto ko ang part na `to! Sabi naman kasi eh, may boyfriend na si Gianna! Kaya Gab, stop it! "B-Boyfriend?" Sumulyap si Gianna sakin. "Wala na kami nun." "Hah? Akala ko ba-" Cool-off? "N-Nakita ko siyang may kasamang ibang babae." She frowned. "He lied." Ha? Totoo ba iyan? Hindi ko alam yan ah? Di nga? Totoo nga yata kasi, tumulo ang luha ni Gianna sa harapan namin ni Gabriel eh. Agad naman itong pinunasan ni Gabriel. "I loved him! Pero hindi niya ako minahal!" Gab reached for her hands. Yumakap naman si Gianna kay Gabriel. "Okay lang yan, Gianna. You`ll find someone better." EXIT, Celestine!
THIRTYSIX Celestine Herrera: Ano ako sa buhay mo?
Jana: Ganito... Insert Dexter in your conversation ni Gabriel. Yung kayo lang dalawa ah? Kelan ko naman masosolo si Gabriel ngayon? Siguro, bukas na lang o sa susunod na mga araw ko `to gagawin. Tatawagan ko na lang si Jana mamaya. "Sigurado ka bang di ka na magpapahatid?" Tanong ng disappointed na si Gabriel. "Wa`g na! Dinala ko naman kasi `tong kotse. Ang bait mo naman!" Inabot na kami ng gabi sa labas. Asan na ba si mama at papa at kuya? Ba`t hanggang ngayon eh wala pa. Babalik na daw si Gianna sa restaurant kasi hinahanap na siya ng mama niya.
"Ikaw, Cel? Hindi ka ba sasama sakin?" "Wa`g na no! Andito na ako sa bahay... uuwi din naman sina mama dito eh. Mag aaksaya lang ako ng panahon kung sasama pa ako sayo." "Aww. Tapos, sinong kasama mo dito? Kaw lang mag-isa?" Tiningnan ko si Gabriel. "Oo nga naman, Cel!" Leche! Hindi niya man lang sinabing andyan naman siya kaya magiging okay lang ako! Bwusit talaga! Ba`t parang naiirita ako. Nasasaktan ako. "Okay lang! Sanay naman ako eh. Panu, Gianna? Pasok na muna ako sa loob ah?" Tatawagan ko lang si Jana. Gusto kong magmura eh wala akong mapagsabihan dito dahil pareho kayong mga surot! Hindi naman nila ako pinigilan kaya tinalikuran ko silang dalawa at sinarado ang gate namin. Ano ako, bale? Tutunganga ako sa harapan niyong dalawa para marinig ang mga matatamis na salita ninyo sa isa't-sa? Bobo ako sa pag-ibig pero di ako tanga. Sana nga! Ida-dial ko na sana ang number ni Jana sa phone namin nung narinig kong kumalabog ang gate namin. Nabigla pa ako kaya mejo napatalon ako at binaba ang telepono. "Sino yan?" "Ako `to!" Ang laki ng ngiti niya habang nagpapakita sa bintana namin. Umirap na lang ako at binuksan ang pintuan. "Anong ginagawa mo dito? Nakaalis na ba si Gianna?" Sabay tingin ko sa labas. "Oo eh." Umupo siya sa sofa namin. "Tapos? Anong ginagawa mo dito? Umalis na pala yung crush mo!?" Nakatayo lang ako habang nakahalukipkip at tinitingnan ang ngiti niya. "Babantayan kita, nukaba!" "What?" "O! Syempre naman! Mabait yata ako!" "Ano? Sinabi ba ni Gianna na bantayan mo ko dito kaya sumunod ka?"
"Hindi no! Tsaka, wa`g mong sabihin sa kanyang nandito pa ako sa bahay niyo! Hindi ko sinabi sa kanyang sasamahan kita kasi baka magselos siya!" Suminghap na lang ako at inisip ko kung tatawag pa ba ako kina Jana o hindi na. "Kaya ko naman dito eh. Di naman kita kailangan!" Tumitig si Gabriel sakin. "Ano bang nangyayari sayo? Ba`t parang ayaw mo kong makita?" "Wala naman!" Sabi ko sabay upo sa kabilang sofa at on ng TV. "Badtrip ka ba? Bakit?" Badtrip ako sa`yo! "Hindi ako badtrip!" "Ba`t ganyan ka makasagot?" "Wala!" Sa tingin ko, kailangan ko ng i-practice ang mga plastik na expresyon at mga tono ng boses ngayon. "Ang ibig kong sabihin, wala naman, Gab! Hindi ako galit. Iniisip ko lang kung tatawag ako kay Jana o hindi." "Ba`t ka naman tatawag kay Jana?" "Uh... Wala, may pag-uusapan sana kami para sa firstday of school. Itetext ko na lang siguro siya." Usapan sa plano namin! Grrr. Tumango siya, "Wa`g ka na lang munang tumawag sa kanya! Usap muna tayo!" Pacute na ngiti. "Ano namang pag-uusapan natin?" Abot langit na ang ngiti niya ngayon, "Nakuha ko ang numero ni Gianna! HAHA" "Tapos?" No expression at all. "Anong tapos? Di ka ba natutuwa?" "Ba`t ako matutuwa? Kung nakuha mo rin siguro yung cellphone number ni Dexter, matutuwa na ako." Katuparan ng plano ni Jana? Nag-iba ang ekspresyon niya, "Ba`t ba puro Dexter ka na lang diyan?" "Anong puro Dexter? Eh ngayon ko pa lang nabanggit yung pangalan niya eh." "Wa`g mo kasing linalagyan ng Dexter yung usapan nating wala namang koneksyon sa kanya!" Galit siya! Ano bang ibig sabihin nito? Eh siya naman diyan ang puro Gianna eh. Errr. "Kasalanan ko bang lonely ako masyado kaya wala akong maisip kundi yung crush ko?"
"Anong lonely? Andito naman ako ah? You`re not alone!" You`re not alone ka jan! Pilosopo naman nito. Mga labinglimang minuto din kaming tahimik. Walang umiimik sa aming dalawa. Base sa mga reaksyon niya kanina, talagang walang duda, nagseselos siya. Pero hindi ibig sabihin na kapag nagseselos ang isang tao, may gusto na ito sayo. Ba`t pa kasi sa lahat ng mga pwedeng mangyari sakin eh eto pang magkagusto sa manhid na bestfriend ang madalas? Ni wala pang alam si Jana na nagkakagusto ulit ako sa pinsan niya! Kailangan ko yatang sabihin sa kanya ang totoo para isipin niya rin ang damdamin ko habang nagpaplano siya. "Nagreply si Gianna!" Siya pa ang bumasag sa katahimikan. "Anong sabi?" "Nasa restaurant na daw siya. Andun pa ang mama, papa at si Sky. Uuwi na daw sila mamaya." Tumango ako, "Masaya ka ba?" "Ha?" Natawa siya ng bahagya. "Oo naman! Sinong di matutuwa pag nagtext yung crush diba?" "Oo nga naman." Ngiti pa, Cel. "Sa wakas! Dumating na rin yung araw sa buhay kong gabi!" "Ano?" Mejo natawa ako sa sinabi niya. Kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. "Si Gianna na yata yung araw sa gabi ko eh." Tumango ako, "Korni mo naman!" Korni daw pag inlove diba? "Ako? Ano ako sa buhay mo?" Bigla kong naitanong sa kanya. Bunga na rin siguro ito ng pagiging desperada at bitter ko ngayon. Para bang okay na rin basta masaya naman siya. Okay na rin ako. Pero in fairness, ang hirap maging okay ha? Bakit parang kahit pagiging okay eh pinagkakait sa akin ngayon? "I-Ikaw?" Halatang naiilang siya sa tanong ko. Wala na siyang magagawa. Nakatitig na lang ako sa kanya ngayon habang naghihintay ng sagot niya. "Hmmm. A-Ano... Ano ka ba!" Ang sabi ko, wala na siyang magagawa. "Bituin?" "Bituin?" "Oo! Ikaw yung bituin! Syempre! Bestfriend kita!"
THIRTYSEVEN Celestine Herrera: Hindi ako nagpapapansin sa crush ko no!
Bakit naman kaya bituin? Napaisip tuloy ako dun sa sinabi ni Gabriel. Bituin kaya kasi sa araw at sa gabi mo kasama? Laging nandyan kung kelan mo kailangan? Pero pag umaga, di mo nakikita kasi masyadong maliwanag yung araw. Talong talo parin. "Celestine!" "Andyan na!" First day of school. Imbes paghandaan ko ang araw na `to, pinagdasal ko pang sana di na lang dumating. Parang baliktad yata kami ng gustong mangyari nitong si Gab eh. "Ang kupad mo talaga! Ma lilate tayo niyan!" "Sorry na nga. TSaka, maaga pa naman ah?" "Sige na, sakay na." Halatang inagahan niya dahil excited siya. Pumasok na ako sa sasakyan niya at dun na lang nagsuklay. Pinaandar niya naman agad. Excited talaga! "Wa`g ka ngang masyadong excited?" "Excited?" "Excited ka lang eh dahil si Gianna taga school na." "Totoo namang malilate tayo ah? May usapan yata kami ni Gianna na magkikita tayong tatlo 30 minutes before the first period." "Okay!" Umirap nalang ako habang sinusuklay ang buhok. Pagkatapos ng ilang tahimik na sandali... "Bakit kasama pa ako diyan sa pagkikita niyo?" "Bakit? Pinsan mo siya ah?" "Pero diba... dapat mas gusto mong kayo lang dalawa." "She asked for it." Ouch! So, kung si Gabriel ang papipiliin, mas gusto niya talagang sila lang dalawa. Hay buhay! May paraan pa ba para ma rescue ko `tong si Gab sa pagiging buang niya kay Gianna?
Hanggang ngayon, hindi ko pa sinasabi kay Jana ang tungkol sa pestreng feelings ko para kay Gabriel. Hindi ko parin alam kung kelan ko ba talaga sasabihin sa kanya. Hindi ko yata alam kung paano ko sisimulan eh. Dali-daling pinark ni Gabriel ang sasakyan at lumabas kaming dalawa. "Saan daw magkikita?" Tanong ko. "Sa cafeteria daw. Yun pa lang kasi ang alam niyang lugar sa ngayon." Wow grabe ah? Mas updated pa siya sa pinsan ko kesa sa akin. Kaya pumunta na kami ni Gabriel sa cafeteria. Ang daming tao eh. Paano kaya namin makikita si Gianna dito? "Hi Gab! May try out mamaya sa gym?" Tanong nung isang babae. "Meron." Ngumiti naman si Gabriel. Nagngitian silang dalawa. At dumami pa ang sumalubong samin na ganun din ang tanong. Nakakalimutan ko na nga kung sino ang sadya namin dito sa cafeteria hanggang sa... "Ayun si Gianna!" Sabay alis niya sa tabi ko at dumiretso na. Sumunod naman ako. Andun nga ang pinsan ko. Hanep, ang sexy talaga. Naka shorts lang at sleeveless na top. Mukhang mas brown din ang buhok niya ngayon at kuminang pa ang labi niya. "Gab!" Sabi niya. "Cel!" "Gianna, kanina ka pa ba?" Tanong ni Gab. "H-Hindi naman masyado." "Pasensya ka na. Eto kasi si Celestine ah ang kupad-kupad kumilos." "Okay lang. Uh, sabay ba kayo papunta sa school?" "Oo eh. Tutal kapitbahay kami, sumasabay na siya sakin." Tumango naman ang pinsan ko. "Oi, ano... tayo na? Baka mahuli tayo sa klase!" Yun na lang ang sinabi ko. Papunta kami sa first period namin. Ako ang nasa unahan tapos silang dalawa sa likuran. Nag-uusap naman silang dalawa. Di nga ako makasingit kasi nasa likuran ko sila at hindi ko naman masyadong alam kung ano yung pinag-uusapan nila. Una nga ako sa daan, pait naman yung nararamdaman. "Aray!"
"So-Sorry! Nagmamadali ako. Sorry." Tumingala ako sa bumangga sakin. Sa oras na `to, wala na akong ibang naiisip kundi ang mga salitang 'knight in shining armor'. "Sorry, Cel." "Ah. Okay lang, Dexter." Ngumiti siya. Ano kayang iniisip ni Gabriel ngayon? Anong reaksyon niya? Nakatingin si Gianna samin. Hinihintay ko ang reaksyon ni Gabriel. "Tara na, malilate na tayo, Celestine!" "O-Oo!" Yun lang? Syempre nandun si Gianna eh. Hindi niya man lang ako hinila palayo kay Dexter. Pumasok na kami sa classroom. May mga upuan ng inireserba si Jana para saming dalawa ni Gianna. Si Gabriel naman, umupo sa tabi ng mga teammates niya. "Cel, katabi lang ng classroom na ito ang classroom nina Dexter ngayon." Bulong ni Jana. Para namang totoong crush ko yung si Dexter. "Oo. Nagkasalubong kami kanina." Wala pa ang prof kaya naisipan kong mag CR muna. Isasama ko sana si Jana para mapag-usapan na namin yung plano at masabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko kay Gab kaya lang... "Hi Gianna! Kamusta ang first day of school?" Kinausap ni Jana si Gianna. Tumayo ako. "Cel, san ka?" "CR lang!" Tumango siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas. "Cel!" Tawag ni Gab. "Nu ba?" Tapos tumayo siya at sumunod sakin. "Ano, sasama ka sa CR?" Parang di mapakali si Gab. Lilingonlingon kung saan saan.
"Magpapapansin ka siguro sa crush mo no?" "Di ah! Tsaka, ba`t ka ba sumasama?" Wala parin siyang imik. Parang guard `to. Kinikilig tuloy ako. "Bahala ka nga diyan!" Nakarating na kami sa girl's wash room at iniwan ko siya sa labas. Pagbalik ko, andun parin siya at nakasandal lang sa gilid. "Ano ka ba? Hindi ako nagpapapansin sa crush ko no! May pabantay-bantay ka pang nalalaman!" "Anong bantaybantay? Hindi po kita binabantayan! Sinamantala ko ang pagkakataong ito para sabihin sayong..." Hindi siya nagpatuloy sa pagsasalita nung lumabas ang ibang babae galing sa washroom at tumingin saming dalawa. May konting bulungbulungan pa akong narinig bago sila tuluyang nawala sa paningin ko. "Sabihin na?" "Na gusto kong tulungan mo ako kay Gianna." Ngumiti siya. Maamong ngiti.
THIRTYEIGHT Celestine Herrera: Hindi ko alam kung paano kita ilalakad eh!
"Tu-Tulungan kay Gianna?" "Oo." Ngumiti siya. "Mejo, uhm, malabo kasi ako sa kanya eh. Di siya nag titext kung di ko siya unang tinitext. Ang tagal pang mag reply, nakakainip." Naglakad kaming dalawa pabalik sa classroom. "Ano? Edi wa`g mo na siyang itext!" OA naman ni Gianna! Ba`t di niya tinitext si Gabriel? I mean, ba`t matagal siyang nagrereply?
Kainis eh! Kung si Gabriel itetext ako, magkakaroon ako ng load kahit wala. Tapos, ginaganyan niya lang? "Anong wa`g? Eh syempre, pumoporma nga ako diba kaya ko tinitext!" Tumigil kami sa tapat ng classroom namin. "Wa`g ka na ngang pumorma! Halata namang walang gusto si Gianna sa`yo eh." "Impossible. Nagpapakipot lang yan!" Pinapainit yata ni Gabriel ang ulo ko ah? "Nagpapakipot? Ha! Asa ka!" "Oo! Bakit? Di ka naniniwala?" "Ang kapal din naman talaga ng mukha mo para sabihing nagpapakipot yung pinsan ko noh?-" "So-Sorry na nga! Ayaw mo kasi akong tulungan eh! O sige, kung hindi nga siya nagpapakipot, edi tulungan mo parin ako. Ilakad mo ako sa kanya para magustuhan niya ako!" "Ayoko!" "Bakit naman?" Seryoso ang pagkakatanong niya. Tinitigan ko siya dahil gusto kong mabasa niya sa mga mata ko na ayaw ko talagang tulungan siya. Kaya lang, imbes na yung mensahe ko ang makarating sa kanya, yung mensahe ng mga mata niya ang nakarating sa akin - na seryoso siya sa pinsan ko. Seryoso siya sa sinasabi niya. "Alam mo kasi, busy ako." "Hindi naman ikaw ang ididate ko eh, siya naman. Konting time lang yung hinihingi ko." Leche, narinig mo yun Cel? Nanggagag0 yata ang unggoy na `to eh. Akalain mong sinabi niya yun sa harapan mo? Sa puntong yun, sumuko yata ako. Gusto ko nang umiyak at sampalin siya pero hindi ko magawa. Paano kung tanungin niya ako kung bakit ako umiiyak at bakit ko siya sinampal? Sasabihin ko sa kanya na nagseselos ako? Tapos, anong mangyayari? Magkakadeadmahan ulit ka mi sa mga susunod na taon? Parang ayoko yatang mangyari yun. Kung masakit itong ginagawa niya sa akin ngayon, mas masakit kung mangdideadma ulit siya sa akin. "Ewan ko sa`yo! Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo!" Hindi ako tumingin sa mga mata niya at umambang papasok sa classroom. Pero hinarang niya sa harapan ko ang braso niya.
"Cel, naman!" Kasama ang mga matang hindi ko naman talaga kayang tanggihan. "Hi-Hindi ko alam kung paano kita ilalakad eh!" Ngumiti siya. Ganito na ba talaga palagi? Yung ngiti niya, sakit ang naidudulot sa akin, kahit na sa bawat ngiti niya naman talaga ako humuhugot ng lakas? "Sasabihin ko na lang sa`yo kung anong maitutulong mo!" Inakbayan niya ako. "Best friend ka talaga!" Buong araw naman akong mejo tulala. Buti na lang at wala masyadong pasok sa first day of school. "Hmmm, tayo na sa gym, Cel!" Sabay hila ni Jana. "B-Bakit? Para saan?" "Heller, first day of school equals try-outs noh!" Tinapon ni Jana yung dala-dala niyang juice kanina pa. Wala talaga akong gana. Buti pa si Jana, palaging energetic! Nagpahila na lang ako sa kanya. Habang papalapit kami sa gym, naririnig ko ang hiyawan ng mga tao. Nakauniporme na ng pangcheering squad si Jana ng ihatid niya ako sa bleachers at pinaupo kasama ang naghihiyawang mga tao. Hayun naman, nakita agad ako ni Gabriel. Ngiting-ngiti sa akin at kaway nang kaway. Ako naman, napangiti na rin pero di na kumaway. Umalis na si Jana at iniwan ako dito ng mag-isa. Pakiramdam ko tuloy iniwan na nila ako. Si Dexter kasi, andun na rin sa court. Ang ingay talaga ng mga tao dito. Kung masaya ako ngayon, dapat nag-iingay din ako eh. Nagsimula naman agad yung try-outs. Pero ang pinaka nakakalaglag-panga sa araw na ito ay ang pag audition ni Gianna sa cheering squad. Nakakabigla pa dahil maraming sumisigaw ng pangalan niya. "GIANNA HERRERA, GIANNA HERRERA!" Nakakabingi! Nakita kong umiirap at umiiling si Stacey habang hinihintay ang gagawing sayaw ni Gianna.
At nung sumayaw na nga siya... incredible! Pati ako nakanganga lang. Ang bilis kasi ng galaw at ang galing! Halos kalevel na sila ni Stacey eh. Si Gab naman, nasa harap talaga at nakabaling lang ang tingin sa kay Gianna. Ngitingngiti at nabibigla sa tuwing tumatumbling ang pinsan ko. May pa-apir-apir pa sila sa mga ka teammates niya. "Wooo! Galing!" Sigaw ng halos lahat ng tao. Speechless at motionless lang ako dito hanggang sa huling galaw niya! Tumambling kasi siya at mukhang nawalan ng balanse, kaya sumalubsob siya sa sahig. "HA~!" Una kong narinig ang pagpipigil-tawa ni Stacey pagkatapos ng nangyari. "Awww!" Napatayo ako. Kinabahan ako dun ah! Agad naman siyang nilapitan ng mga malapit sa kanya at ni Gabriel para tulungan sa pag tayo. Nakita kong ininda niya yung sakit sa pwet niya, pero nakangiti parin siya. Nakita ko rin... ang lubos na pag-aalala ni Gabriel. Siya pa ang nagpaupo kay Gianna, nagpainom ng tubig, pumaypay, at pinahiram niya pa ang tuwalya niya.
THIRTYNINE Celestine Herrera: bestfriend niya ako, diba?
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Gianna habang nakaupo siya sa bench at mukhang iniinda parin ang sakit. "Okay na ako, kahit mejo masakit pa talaga." Umalis na ang mga tao. Ang team, cheering squad at ang mga natanggap sa cheering squad ang naiwan. At syempre, natanggap ang pinsan ko sa squad. Tinabihan ko siya sa upuan.
Ginagamot siya ng senior nila sa cheering squad at nanonood naman ang ibang tao galing sa team. Pagkatapos nung gamutan session... "Okay ka na ba?" Tanong ni Gab kay Gianna. "Mejo okay na." Ngumiti si Gianna. "Ang galing mo kanina." "Tsss. Hindi! Nadapa nga ako sa last part eh. Nakakainis talaga! Dapat perfect yung performance eh!" "Ano ba yung rinereklamo mo diyan? Eh natanggap ka naman?" Sumingit si Stacey. "Stacey naman," Sabi ni Gab. Umirap na lang si Stacey at umalis. "Paano ako makakauwi samin nito! Mag ta-taxi na lang ako." Sabi ni Gianna. "H-Huh? Magta-taxi? Wa`g na, ihahatid na lang kita!" Natigilan ako sa sinabi ni Gabriel. "Huh? Wa`g na no!" Ngumiti naman si Gianna. "Ihahatid na kita." "Wa`g na! Baka nagmamadali si Celestine eh." Sabay pa silang tumingin sakin. "H-Hindi nam-" "Cel, ihahatid ko si Gianna. Sasama ka ba?" Nakatingin parin silang dalawa sakin. Walang hiya, asan ba yun si Jana, napepressure ako dito eh. "Uhm..." Nakita kong sumisenyas si Gabriel sakin na parang sinasabing di na ako sasama. "Uh.. hehe. Wa`g na lang. May gagawin pa kasi ako dito sa school eh. Kayo na lang." Habang sinasabi ko yun, parang minumura ko ang sarili ko sa isipan ko. Labag sa kalooban ko yung sinabi ko, pero ewan ko kung bakit parang kailangan kong sundin si Gabriel. "Assemble!" Sigaw ni Stacey sa mga taga cheering squad. Tumayo si Gianna.
"Dahan-dahan lang." Inalalayan siya ni Gab patungo dun sa kina Stacey. "Bwusit naman talaga o! Bwusitttt! Ba`t pa ako pumayag? HA?" Napakamot ako sa ulo ko. "Bobo ba ako o matalino? Feeling ko kasi matalino ako dahil sinunod ko yun, di siya magdududa na nagseselos ako. Grrr!" "Ehe-Ehem..." Biglang sumulpot si Dexter sa harapan ko galing yata siya sa likuran. Nagkunwari na lang akong walang sinasabi. "Ganyan ka ba talaga? Kinakausap mo ang sarili mo?" He smiled. "H-Huh?" Natawa ako. "Hindi ah!" "Hehehe. Narinig kitang kinakausap mo ang sarili mo eh." "W-Wala!" I'm annoyed. "Hahaha. Loko lang!" Tapos umupo siya sa tabi ko. "Ba`t di ka mag try-out sa cheering squad?" "Yoko! Di ako marunong sumayaw eh." "Ganun?" "O!" Napatingin ako kay Jana at naka two-thumbs up siya sakin at ngiting-ngiti. "Assemble!!!!! Playaaars!!!!!" Napatalon ako sa bigla. Grabe naman si Gabriel kung makatawag ng players parang masisira yata ang eardrums ng lahat ng nandito eh. "Grabe naman `to. Galit ba siya?" Umiling si Dexter at tumayo. "Bilis!!!" Nakatingin si Gabriel sa akin. HUH? Tapos tumakbo si Dexter papunta sa kanya. Nagseselos ba yun? Ba`t pa siya magseselos eh may Gianna naman siya? Ano ba talaga ang totoong nasa isipan ni Gabriel? Bakit pakiramdam ko, nagseselos siya. "Ba`t pakiramdam ko may gusto siya sakin?" Tanong ko kay Jana habang nakaupo kami sa isang bench sa school namin. Umuwi na si Gabriel at talagang hinatid niya si Gianna. Sinabi ko na rin kay Jana ang tunay kong nararamdaman kay Gab habang umuupo kami dito sa bench.
"Shet! May gusto ka na pala sa kanya, ba`t ngayon mo lang sinabi?" "Eh kasi... hindi ko alam kung paano ko sasabihin eh." "Pinsan mo pa ang karibal mo!" "Jana, paano na yung mga plano?" "Anong plano? Paano tayo magtatagumpay sa mga plano? Eh yung misyon natin eh saktan si Gab. Tapos, mahal mo na siya eh, kaya di pwede." Katahimikan. "Pero... ang sabi mo, mukhang nagseselos parin siya diba?" "Baka, feeling ko lang yun." Sobrang negative na ang mga iniisip ko. Para bang wala na talagang pag-asa. "Yun! Pagseselosin na lang muna natin siya." "Paano?" "Basta, gawin mo lahat para mag-usap kayo ni Dexter or anyone. Pwede din kay Cid. Basta!" Hindi ako umimik. "Tsaka, ba`t ka pumayag na ilakad mo siya kay G? Kainis ka!" "Eh... bestfriend niya ako, diba?" Umiling si Jana. "Bahala ka diyan sa pinapasok mo! Basta, paselosin mo siya okay? Ako na ang bahala sa ibang diskarte." Linigpit niya ang gamit niya. Sa malayo naman, nakita kong papunta na samin si Cid... kasama niya pa talaga si Dexter. "Andyan na yung loser eh. Aalis na ako, Cel! May quiz kami sa next class." Wala na akong pasok. Eto lang yata ang subject na hindi kami magkaklase ni Jana. Sumulyap siya kina Cid. "AHA!" Evil smirk. "May naiisip ako!" Ayun, ano na naman kaya ang iniisip nitong isang `to? Ayan na sina Cid! "J-Jana, nabasa mo ba text ko?" "Ha? Anong tinext mo?"
Umupo si Dexter sa bench. Nagngitian kaming dalawa. "Sabi ko, kita tayo sa cafeteria." "Ah! Di ko nabasa, tinutulungan ko pa kasi `tong si Celestine eh." "Ahh, di bali, nakita din naman kita eh." Tumingin si Cid sakin at ngumiti. "Bakit, anong nangyari sa`yo Cel?" Tanong ni Cid. "Ay naku! Wala lang naman. Mejo iniwan lang siya nung bestfriend niya. Ayan tuloy, walang kasabay umuwi. HAHA." Kinindatan ako ni Jana. "Ow? Oo! Nakita ko nga pala yung bestfriend mo, kasabay yung si Gianna. Yung na injured. Tamang-tama, wala na akong pasok. Gusto mo ihatid kita, Cel?" Sabi ni Dexter. Eto yata yung plano ni Jana eh.
FOURTY Celestine Herrera: Titiisin ko.
"Sorry ah?" Sabi ko kay Dexter. Nakakahiya talaga `tong ginagawa ko. Siya naman yung nag offer, pero kung iniisip kng parte talaga `to ng plano ni Jana, nahihiya ako. "Okay lang, ano ka ba! Ako yung nag-offer eh." "Uh, nakakahiya lang kasi talaga." Sabi ko habang inaayos ko ang seat belt. "Maybe we should do this everyday, para hindi ka na nahihiya." "Ha... haha." I think I blushed. "Tsaka, what`s wrong with your bestfriend? Iniiwan ka na lang basta-basta? Di ka ba pwedeng makisakay din kahit ihahatid niya yung si Gianna?" "Uh... hindi eh. Lam mo na, nagpapaimpress yun kaya baka magiging balakid lang ako pag nandun ako." "Huh? Gusto niya si Gianna?"
"Oo eh. Nagpapatulong pa nga yun sakin eh. KAsi nga daw, pinsan ko daw si Gianna kaya mas malapit kami. Feeling ko di niya naman kailangan ng tulong eh." Tumingin ako sa labas. Pinaandar na niya ang sasakyan. "Akala ko, nagkakamabutihan na kayo nung bestfriend mo? Lagi ko kayong nakikitang magkasama, ang sweetsweet niyo pa sa isa`t-isa." Akala ko din eh. Pero... "Do you like him?" "H-Huh?" "You blushed. You like him, don`t you?" Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Ganun na lang ba talaga ka lakas ng feelings ko para kay Gabriel para mahalata ng kahit sino pero hindi siya? "Ba`t di mo aminin sa kanya?" "Huh? Uh..." "Ganyan kasi hirap sa inyong mga babae eh, di niyo sinasabi yung mga nararamdaman niyo. Hindi naman kami mga psychic..." "Bakit mo nahulaan na may gusto ako sa kanya kung di ka psychic?" Pakiramdam ko, naiinis ako sa mga sinasabi niya. Hindi niya naman alam kung anong mangyayari sa mga babae pag aamin sila sa mga lalaki tungkol sa mga nararamdaman nila. I`m sure, pagtatawanan ako ni Gabriel... aawayin... babastusin. Nakita ko na siyang nagalit sakin dahil sa feelings ko sa kanya. Ayoko ng makita ulit yun. Baka hindi ko na kayanin. "So, totoong gusto mo siya?" He chuckled. "Pinaglalaruan mo ba ako?" "Hindi ah!" "Loko ka rin ah! Tsss, wa`g mong sabihin kong kanikanino ah? Si Jana, Cid at ikaw lang may alam niyan." "Okay po. Hehehe. Uhm..." Katahimikan. "On the other hand, I think that guy doesn`t deserve you." Napatingin ako kay Dexter.
"Alam ko." Tumango siya kahit nakatingin sa daanan. "Iliko mo diyan." Sabi ko habang tinuturo ang kaliwang kalye. "I`m up for revenge." Napatingin siya sakin. "Revenge?" "Oo. Revenge. I can`t fall twice. I need to revenge." Sorry na. Alam kong mejo minus ganda points tong sinasabi ko para kay Dexter, pero gusto ko ng totohanang pagkakaibigan ngayon. Gusto ko, totoo ang sinasabi ko sa mga tao sa paligid ko. Kung hindi man ako totoo kay Gab, at least totoo ako sa kanila. "That`s bad." "Alam ko." "I mean, masama yan, gusto mo pa siya diba? Bakit ka maghihiganti kung gusto mo pa siya?" "Titiisin ko." Ngumiti siya pero binalewala ko. Malapit na kaming dumaan sa bahay nina Gabriel kaya tiningnan ko ang cellphone ko. 1 message! Jana: Cel, Gab should be outside their house. Tinawagan ko siya, sinabi ko bantayan niya baka uuwi ka na... pinahatid pa naman kita. WAHAHA. Goodluck girl! Agad kong tiningnan ang bahay nina Gab, at hayun nga siya! Nasa labas! Nakapambahay lang ang gwapong unggoy ko at nakatitig sa papalapit na sasakyan. OMG! OMG! OMG! Ano nga ba yung sinasabi ko tungkol sa paghihiganti? Nakalimutan ko yata eh. Lecheng pag-ibig `to!
FORTYONE Celestine Herrera: Oo na...
Ehe-ehem, totoo na `to. Maghihiganti ako. Soon. Lumunok ako ng limang beses bago, "Dito lang." Tinigil naman ni Dexter ang sasakyan niya sa harap ng gate namin. Lumingon ako sa gate at nakita kong nandoon na si Gabriel at para bang alam na niyang ako ang lalabas sa sasakyang ito. "Nakauwi na pala ang bestfriend mo." Sabi ni Dexter. "Ah. oo. Uhm... Salamat Dex ah?" "No problem." Ngumiti si Dexter sakin at binuksan ko na ang pinto. Hindi ko na lang pinansin ang naka halukipkip na si Gab sa harapan ng bahay namin. "Uh, Dex, gusto mo pumasok ka muna sa bahay?" "Huh? Wa`g na, nakakahiya naman." "Uh... O sige..." LOL. Ano ka ba naman Celestine, inanyayahan mo na nga lang di mo pa magawang pilitan nung tumanggi na? Katahimikan. "Oi, Dexter!" Biglang sumingit ang plastik na si Gabriel. Umirap ako habang tinitingnan si Gabriel. "Umuwi ka na o! Gumagabi na eh. Baka mabunggo ka diyan sa kabilang kalye-" "Gab? Ano ka ba?!" "Ano?!" "Anong mabunggo? Ano ka ba?! Ang bastos mo ah!" "Hindi ah! Sinasabi ko lang naman ang totoo ah? Dapat nga ikaw nagsasabi niyan." EWAN KO TALAGA HUH? Ang sama sama ng ugali nitong bestfriend ko minsan pero bakit parang nabubulag yata ako sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya. "Anong totoo?! Whatever Gab! Tumigil ka na nga diyan!" "Okay lang yun Cel, baka tama nga naman yung bestfriend mo." Ngumiti si Dexter. "Hindi, Dex... mali siya." Nakatingin parin ako sa naka evil-smile na si Gabriel. "O sige na, tutuloy na ako, Cel." Saka lang ako tumingin kay Dexter. "O-O, sige. Salamat ng marami!" "Kita na lang tayo sa school. Uh, nga pala." Umandar na yung sasakyan niya pero tinigil niya ulit. "Bakit?"
Kinuha niya yung cellphone niya. "Can I get your number?" "H-Huh? o-Oo naman!" "Teka teka sandali... ano `to? Textmate? Ang cheap niyo ah!?" alang nakarinig kay Gabriel. "Zero nine one seven... *******" "Sige, itetext kita mamayang gabi. Okay lang ba? Wala bang magagalit?" "Di pwede, si Sky! Si Sky! Magagalit yun! Tsaka, oi, Dexter... ang kapal ng kalyo sa mukha mo ah?" Nakatingin lang ako kay Gabriel, speechless, wala "Pare... sensya na, pero parang nakakaduda ka yata? May gusto ka ba kay Cel?" "A-Ako? Wala ah!" Tumingin si Gabriel sakin. Iisa lang yata ang ekspresyon ng mukha ko simula nung nagsalita si Gabriel eh. Pero ngayon, lumala yung ekspresyon sa mukha ko. Paano ba naman? Inamin niya na naman ang katotohanang wala siyang gusto sakin. Sa lahat ng pinagdaanan namin? Nagdududa ako na may gusto talaga siya sakin ngayon. Pero nawala lang lahat ng pagdududa ko sa isang sagot niya sa tanong na iyon? Walang kwenta talaga `tong unggoy na `to! Lintik na pag-ibig! "Eh yun naman pala eh? Hehe. Akala ko kasi meron, kung makapagreact ka... parang eh." "Hindi! Wala! Bestfriend ko siya kaya concerned ako, syempre!" Pinikit ko ng mga limang segundo ang mga mata ko. Dumilat ako ng nagkakatinginan parin si Gabriel at Dexter. "Yun naman pala eh. Si Cel ba, ganyan kaconcern sa mga liniligawan mo? Yung tipong parang nagseselos?" Katahimikan. "Never mind. Sensya na Cel ah?" "Okay lang Dex! Salamat! Pasensya ka na kay Gabriel, mejo concern lang talaga siya sakin kaya ganyan siya." "I see." Ngumiti si Dexter. "Sige pare, kalimutan mo na lang yun!" Kumaway na si Dexter sakin at pinaandar ang sasakyan. Umalis na ang sasakyan ni Dexter saka pa nagsimulang nagsalita si Gabriel. "Kainis yung lokong yun ah? Ang yabang makatira!" Umirap na lang ako. "Oi, Cel! Wa`g kang makipagtexttext sa lalaking yun!-"
"Oi Gab! Wa`g kang makipagtexttext sa babaeng yun... O ano? Susundin mo ba ako o hindi? hindi diba?" "Huh? Sinong babae?" "O sige, edi 'Huh? Sinong lalaki?' din!" Nagkatinginan kaming dalawa. "Sungit naman nito oh! Kalimutan na nga lang natin yan!" Inakbayan niya ako tapos pumasok kami sa bahay. Sarap sampalin! Kaso, sayang ang moment. "Nga pala... pakitanong naman sa pinsan mo kung anong type niyang lalaki... tsaka, kung anong tingin niya sakin? Please?" Tumigil ako sa paglalakad. Hindi pa kami nakakapasok sa bahay nabubwisit na ako. Paano kaya ako makakatulog nito? Gusto kong mag-away kami. Pero alam kong pag mag-aaway ulit kami, ako parin ang makikipagbati sa huli, ako parin ang susuyo. Siguro ganito lang talaga, magmahal ng sobra. "Oo na..."
FORTYTWO Celestine Herrera: Hindi ko kailangan...
Minamasdan ko si Gianna habang nagbabasa ng libro. Nakaupo kami sa Gazebo para mag-aral. Pero iba yata ang iniisip ko eh. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit at anong meron sa kanya na wala ako? Bakit siya nagustuhan ni Gabriel sa ganun kaiksing panahon? Samantalang, ako, simula`t sapul andito na sa harapan niya. "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ni Gianna sakin. "W-Wala naman! Na-Natulala lang ako. May iniisip." Sabi ko. Tumango naman siya.
Lintik na Gabriel na yun! Ano bang akala niya sakin? Slave? "Cel! Bibili muna ako ng maiinom sa cafe ah?" Sabi ni Jana. "Okay!" Umalis siya. Kaming dalawa na lang ang naiwan nitong pinsan ko. Ano na? Should I ask her? "Uhhh..." Tumingin siya sakin. "Gianna, anong klaseng lalaki ba ang type mo?" Tumitig siya sakin habang nakangiti. "Ba`t mo naitanong?" "W-Wala lang naman... Naisip ko lang bigla." "Hmmm. Gwapo?" Gwapo? Haller? Sino bang may ayaw sa gwapo? "Ano pa?" "May killer-smile, maganda ang mga mata... magaling mag basketball..." Pagkabanggit niya sa mga iyon, naiinis ako kasi tugma kay Gabriel ang mga sinasabi niya. "Tsaka, mabait at gentleman, syempre!" YES! Sa wakas! May hindi tugma sa kanya! Kahit mabait at gentleman nga yung unggoy kung minsan, mas madalas parin ang pagiging walang hiya niya! "Ahhh!" Walang pag-asa si Gabriel nito. Masasaktan siya. Pero syempre, kapag umiibig ka, masasaktan kang talaga kaya okay lang yan Gab! Better luck next time. Besides, nandito naman ako para i-cheer up siya, then finally, marerealize niyang ako talaga yung gusto niya. Diba? "Ganun ba? Naku! Mahirap nang makahanap ng lalaking ganyan ngayon! Tsk... Grabe ka talaga, ang tataas ng standards mo!" "Huh? Dami naman siyan ah? Actually, may nahanap na nga ako eh!" "H-Huh? Meron na? Si-Sino?" "Secreto muna sa ngayon. We are getting to know each other pa." "Huh?"
Ngumingiti siya ng isang misteryosong ngiti. Kinakabahan tuloy ako. Baka si Gabriel ang tinutukoy niya ano? Hindi naman siguro. Labas siya pagkatapos ng mabait at gentleman! Pero... baka... "Eh anong tingin mo kay Gabriel?" Kumislap ang mga mata niya. "Si Gabriel?" Ngumiti siya. "Hmmm. Sige na nga, sasabihin ko nalang sa`yo... secret lang natin `to ah? Crush ko siya! Siya yung tinutukoy ko!" Namula pa siya at parang nagiging excited. "T-Talaga?" Walang hiya! The feeling is mutual. "Oo! Nahihiya lang ako sa kanya eh. Minsan, nagpapahard-to-get na nga lang ako kasi baka di niya ako magustuhan pag hindi. Pero, crush ko lang siya ah! Hindi ako inlove!" Hindi daw siya inlove? Ako, inlove na inlove yata eh. Buti pa siya. Sana nag switch places na lang kami. Mas mabuti siguro yun. "Bakit mo naitanong?" "Ahh. Hehehe. Wala lang. Napapansin ko kasi..." "Na?" Kumislap lalo yung mga mata niya. Ano nga ba yung napapansin ko? Ayan kasi, Celestine. Di mo na tuloy alam kung anong idaragdag mo. "Napapansin mong gusto niya rin ako?" Ngumiti na naman siya ng misteryosong ngiti. "H-Huh? Hindi naman..." Ayokong sumaya ka dahil diyan. Kahit pinsan pa kita, pa`g si Gabriel na ang pinaguusapan. Huh? Teka nga, sandali. Sumasama na yata ako eh. Pinagpapalit ko ang pinsan ko sa isang walang kwentang lalaki? Hindi naman yata tama yun, Cel. Magiging hadlang ba ako sa kaligayahan ng dalawa? Napawi agad ang ngiti niya. "Hi-Hindi naman sa ganun. I mean, hindi ko masyadong napapansin. Napapansin ko lang na mejo close na kayo." "Talaga? Wow!!! Pero sana crush niya rin ako! Baka manligaw na yun sakin! EHHH!" Tumawa siya. "M-Manligaw?"
Asa ka! Ayan na naman ang evil side mo, Cel. Stop that habit, please. "Pag nagkataon, pahihirapan ko muna siya para makasiguro ako. Tsaka syempre, ayokong feeling niya easy-to-get lang ako." TAMA! Kahit mejo labag sa kalooban ko ang mga sinasabi niya, tinitingnan ko na lang sa bright side ang mga ito. Kung gusto ko ng paghihiganti, ipapaubaya ko na lang sa pinsan ko iyon. Kung pahihirapan niya si Gabriel, parang revenge ko na rin yun sa kanya. At least, hindi ko sila hinadlangan. AHHHH! Ewan ko talaga! Anong nangyayari sa akin? Ano ba `tong iniisip ko? At bakit ang sama-sama ng loob ko? "Gianna, sorry I`m late." A-A-Ano `to? Si Gabriel! "Oi, cel!" Ngumiti siya sakin pero agad niyang binaling ang tingin niya kay Gianna. Umupo si Gab sa harapan ko habang liniligpt ni Gianna ang mga gamit niya. "Hindi ba tayo dito mag-aaral?" "Uh... Balak ko sanang sa library eh. Para mas tahimik." Sagot ni Gianna. Tumingin si Gabriel sakin, "Paano si Cel? Ikaw lang ba mag-isa dito, Cel?" "Hindi... kasama niya si Jana. May binili lang sa cafe eh." "Ahhh. ganun ba?" Ewan ko ba pero kahit simpleng pangyayari lang `to, pakiramdam ko linalapastangan ang pagkatao ko. Para bang nakalugmok na nga ako sa lupa, binabaon pa ako lalo. Tapos tumayo na silang dalawa. I was like, "Saan kayo pupunta?" Loser masaydo ang tanong ko. "Uh, sa library lang kami, Cel!" Kinindatan ako ni Gianna. "Mag-aaral lang." "K-Kasama si Gab?" Halos malunok ko ang mga sinasabi ko ah. "Oo." Sagot ni Gabriel. Tumintig siya sakin kasama ang isang ekspresyong ngayon ko pa lang nakikita. "Di kaya dapat, hintayin muna natin si Jana bago tayo, umalis Gianna?"
Yeah, right! Ang ekspresyon niyang ipinakita ay may halong awa. Nagui-guilty siguro siya. At hindi lang yun, naaawa siya dahil andito lang ako habang umaalis na sila. Narito ako noon nung wala pa siya, narito ako ngayon nang nandyan na siya, at kahit papaalis na silang dalawa, narito parin ako naghihintay sa wala. "Uh, Sige! Cel... hihindatyin namin si Jana na bumalik bago kami aalis!" "Ah, wa`g na! okay lang naman no! Sanay naman akong mag-isa! Okay lang ako dito." Tumango-tango pa ako sabay ngiti. Yung ngiting nawawala ang mata mo dahil sa sobrang ngiti. "Kita mo na, Gab? Ano? Tayo na?" Ngumiti si Gianna kay Gab pero si Gab nakatingin lang sa akin with that lonely expression. Ano? Awa ba Gab? "Hindi ko kailangan..." Ang awa mo. "Sige na!" Tapos tumingin ako sa libro ko kahit baliktad ito. Pero, alam niyo, hindi nila yon mapapansin kung ayaw naman talaga nilang pansinin.
FORTYTHREE Celestine Herrera: Ba`t sinagot niya agad!
"Byernesanto ba ngayon?" Tanong ni Jana habang naghahanap ng kami ng table sa isang fast food. "Hindi!" Umupo kami sa napiling upuan. "Ano ka ba! Yung mukha mo, ayusin mo. Pati yata mga multo matatakot sayo eh. Kasalanan mo rin naman yan eh! Inabot mo pa talaga kay Gabriel yung sinabi ni Gianna na gusto niya ng mga ganung klaseng lalaki ano? Buti di mo sinabing siya nga talaga yung gsuto niya?" Sino ba ang hindi sisimangot sa ginawa sayo ng bestfriend at pinsan mo? Mahal ko pa naman silang pareho pero nagawa nila yun sa akin? Sa bagay, hindi naman talaga big deal yun kung titingnan mo. Hindi naman talaga big deal kung iiwan mo ang isang taong sanay naman ng iniiwan. At oo, to the nth level ang katangahan ko. Sinabi ko kay Gabriel ang detalye ng ideal man ni Gianna. Kulang na lang sabihin ko sa kanya yung sabi ni Gianna na crush niya.
"Ahhh." Hinilig ko ang ulo ko sa table. "Ikaw naman kasi! Kung sinabi mo kaya kay Gab na wa`g muna siyang umalis? Martyr ka masyado!" Inirapan ako ni Jana. "Kakalabanin ko ba si Gianna? Para na kaming nag-aagawan niyan kay Gab eh, ayoko! Kanya na yun kung gusto niya. Ahhhh!" "Kanya na yun kung gusto niya? Pero halos mangiyakngiyak ka na habang pinapaubaya mo siya? Ganun ba?" Hindi ako sumagot habang umiiling si Jana. "O ngayon, ba`t narito tayo? Kakain? Anong gusto mo?" *Tiiit-tiiit-tiiiit* 1 message: Gianna: OMG! OMG! Guess what? Gab`s asking me out! Mag di-dinner kami tonight! I can feel it! Lintik na buhay! Ayan na! Ayan na ang moves ni Gabriel. Kinuha naman ni Jana ang phone at binasa rin ang message ni Gianna. "Walang hiya! Saan naman kaya sila kumain? Lintik! Hanggang kwek-kwek lang kami ni Gab! Kung kumain man kami sa labas... walang something yun! Leche!" "Kita mo na! Sige... ipaubaya mo pa siya-" "Paano ko naman siya ipaglalaban kung siya mismo pinapasuko na ako?" Kaya ayun, wala ng nasabi si Jana at umorder na siya ng maraming pagkain. Ako din, dahil sa sakit na nararamdaman ko, dumoble ang kinain ko. "Buti't nakakakain ka pa ngayon ano?" Tanong ni Jana. "Yun nga eh. Kumakain ako kasi nasasaktan ako ng bongga! Nakakahangal naman `tong nangyayari." "So ano? Puntahan natin?" Nakatingin si Jana sa likuran? "Ano? Sina Gab? Di ko naman alam kung saan. Ayoko din namang magtanong kay Gianna." Biglang tumayo si Jana. "Lika na! Ako ang titext kay Gab! Tsaka... nakita ko sa labas ang sasakyan ni Gab na dumaan. Papuntang mall yun!"
Agad kaming lumabas sa fastfood, pumara ng jeep at pumunta sa pinakamalapit na mall. Kahit wala pang reply si Gabriel, pumunta parin kami. *Tiiit-Tiiit-Tiiittt* 1 message! Gab: Cel, what`s Gianna`s fave song? I need it please? Liligawan ko siya tonight. Habang binabasa ko yung message na yun, naglalakad kami ni Jana sa mall. Favorite song? Liligawan? Heck! Wala akong load para diyan! Hindi ako nagpapaload para replyan siya sa mga ganyang bagay! In his dreams!!! Pero still, I typed: I don`t know. Pero mukhang gusto niya ng slow songs. GAGAAAA! LECHE!!! Martyr kang bata ka! "OMG! OMG!" Hinila ako ni Jana at tinuro ang nakita niya. Talagang pumasok pa kami sa isang mamahaling restaurant para lang makita ang lahat... Si Gab at si Gianna, nasa iisang table. Candlelit dinner? With all the flowers and the band? Hinila ako ni Jana sa isang table malapit sa kanila pero hinarangan kami ng dalawang waiter. "Excuse me, miss. Di po pwede dito. Dun na lang po kayo!" Sabay turo sa susunod na table na mejo malayo kina Gab. Nakatingin parin ako sa kanilang dalawa. Pareho silang nagtititigan sa isa`t-isa. Nakatingin ang ibang tao sa kanila habang ganun lang ang ginagawa. "B-Bakit naman? Eh gusto namin diyan!" "Binayaran na po yan nung nasa gitna..." Sabay turo kay Gabriel. "Di na po pwede!" "Ano?- Pwede ba yan?" Hinila ko na lang si Jana dun sa isang table. "Bwisit! Binayaran ni Gab yun? Magkano naman kaya binayad niya?" Sabi ni Jana. Ilang sandali, may pumasok na mga schoolmates namin. Nakilala nila agad si Gabriel. Syempre sikat siya eh. Agad nag bulong-bulungan at tumingin sakin. "Cel, alis na lang kaya tayo dito?" "Alis? Wa`g muna!"
"Eh-" Ilang sandali tumugtog na yung violinist ng banda. Sinamahan pa ito ng cello kaya mas lalong gumanda ang tugtugin. Sumayaw silang dalawa habang nagngingitian sa isa`t-isa. Pakiramdam ko, lumakas ang pintig ng puso ko. May kung anong mabigat na bagay sa ilalim ng lalamunan ko. Para bang hinihila ang lalamunan ko pababa. Sumakit pa ito lalo pagdaan ng ilang segundo habang nakikita ko silang dalawang sumasayaw. Naiinggit ako sa nakikita ko. Nasasaktan ako. "Ano ba yang ginagawa nila! Nakakahiya naman! Tsss. Ang korni!" Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Gab. Hanggang sa nakaya ko ng i-lip read ang mga sinabi niya... "I love you. Please be my girl!" "Cel!" Sumobra na yung nararamdaman kong bigat sa ilalim ng lalamunan ko. Parang di ko na yata kayang tiisin ang bigat nito. At sumakit pa ang dibdib ko ng biglaan pagkatapos nitong pumintig ng pagkabilis-bilis. Linapit ni Gianna ang bibig niya sa tenga ni Gabriel. She smiled... Pagkatapos, narinig ko ang sigaw niyang... "I love you too, Gab!" Nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood ang eksenang iyon. Hinila naman agad ako ni Jana papalabas. "Bad idea! Shet!" Habang hinihila niya ako, bumuhos ang mga luha sa pisngi ko at mas lalong bumigat ang damdamin ko. "Cel, bilisan natin! Baka makita nilang umiiyak ka!" Kumupad kasi ang lakad ko habang hinihila niya ako. "Hindi nila ako makikita, kahit nasa harapan lang ako." "Ano ka ba! Tigil na nga yan! Sige na, kasalanan ko na! Inimbitahan pa kitang pumunta dito! Yun pala ang makikita natin!"
Linabas niya agad ang cellphone niya, "Shet! Labag sa kalooban kong tumawag kay Cid sa oras na ito ah kasi nag-away kami, pero kailangan ko siyang tawagan para maihatid ka namin. I don`t wanna leave you alone!" Pagkatapos nun, yinakap ako ni Jana. "Asan na ba yung sinabi ni Gianna na pahihirapan niya muna si Gabriel bago niya sasagutin? Nakalimutan niya kaya ang parteng yun? Ba`t sinagot niya agad!"
FORTYFOUR Celestine Herrera: Dapat lang talagang mag sorry ka!
Buong gabi akong halos dilat na dilat ang mga mata habang umiiyak. Namumugto na nga yata `to habang iniisip ko paulit-ulit ang nangyari dun sa restaurant. Hindi parin ako nakakatulog. Minsan gusto kong isiping bangungot lang yung nakita ko, pero hindi ko talaga nakukumbinsi ang sarili ko. Gusto ko ng matulog pero hindi naman ako inaantok. Kahit na, mejo linasing ko yung sarili ko kanina nung hindi pa ako nakauwi... "Walanya, what is there to like about him?" Uminom ako ng uminom ng beer sa isang convenient store kasama si Jana at Cid. Nakatingin lang silang dalawa sakin habang ako, iyak nang iyak at lagok nang lagok. "Tama na nga yan!" Sabay kuha ni Jana sa bote. "May pa english-english ka na! Lasing ka na! Sabi mo, konti lang! Tama na..." "Walang hiyang Gianna! Sorry, Lord! Pinsan ko siya, sorry po! Pero sana naman... mejo pinahirapan niya muna ano? Kasi nakaka-grrr!" Inubos ko na yata ang tissue dito. Eto na yata ang karma ko. Dahil sa mga iniisip kong paghihiganti, nakakarma na tuloy ako at nagkakaganito. "Cel, maghanap ka na lang ng iba!" Sabi ni Cid. "Kung gusto mo talagang maghiganti, maghanap ka ng iba." "Loko ka ba? Maghihiganti? Mahal niya nga yung tao, paano niya masasaktan yun?" "Hindi nga siya mahal ni Gab diba? Edi okay lang!" "Bwisit! Sige, ipamukha niyo pa sakin ang katotohanang yan!" "Cel, tama na kasi yan. Mamamaga yung mata mo, tapos, mapapansin yan ni Gabriel. Gusto mo bang malaman niyang nasaktan ka niya?"
Sa bagay, tama naman talaga si Jana sa sinabi niya. Baka makita ni Gab ang namamaga kong mata at tatanungin niya ako kung bakit nagkaganito! Asus, ano naman ngayon? Marami akong dahilan no. Matalino ako sa mga alibi na ganyan. Pero minsan, iniisip kong sana di na lang ako matalino. Sana di na lang ako makapag-isip ng alibi para masabi ko na sa kanya ang totoo. "Sinasabi ko lang naman na marami pang ibang lalaki diyan. Baka hindi talaga siya ang para sa`yo." Sabi ni Cid. Mejo tumigil na ako sa pagluha. "Oo nga, Cel. Kalimutan mo na lang muna si Gabriel. Humanap ka ng ibang crush at ng ibang mamahalin mo. Andito naman si Cid...-" "Huh-" "-tsaka... marami pang ibang lalaki diyan no!" "Anong Cid? Kayo ni Cid ang dapat!" Tumawa pa ako pero mejo naluluha parin. "Cel, ano-" "Ewww. O ayaw mo kay Cid, andyan naman si Dexter... Maraming lalaki Cel! Sayang ang ganda mo kung itutoon mo lang ang pansin mo sa pinsan ko." *Krrriiiing-Krrriiingg* Agad kong sinagot pagkakita kong si Gabriel ang nasa linya. "Hello!" "Yeah." Sabi ko. "Nakauwi kana ba?" Halata sa tono ng boses niya ang kasiyahan. Alas otso na, syempre... dapat nakauwi na ako. "Hindi pa!" Sabi ko. "Huh? Bakit?" "Wala lang. Ikaw? Ano, kamusta sinagot ka na ba?" "Teka... teka... di ka pa umuuwi?" "Oo sabi! So ano nga? Sinagot ka na ba?" Tumaas ang tono ng boses ko. "Asan ka`t sinong kasama mo? Ba`t di ka pa umuuwi?" "Wala ka kanina eh. Ewan ko sa`yo! Diba ikaw dapat yung kasabay ko pag-uwi?!" "Emergency lang yung nangyari. Yinaya ko ng date si Gianna, pumayag siya kaya hayun." "So, ano nga! Sinagot ka ba?" Inaagaw na ni Jana sakin ang phone pero hindi ako pumayag. May balak yata siyang patayin ang linya ni Gab para di na kami makapag-usap tungkol kay Gianna. "Ano ba! Asan ka nga kasi? Ba`t di ka pa umuuwi?"
"Uuwi rin ako!? Ano, sinagot ka ba?" "Anong uuwi ka? Sinong kasama mo?" "Ewan ko sayo!" Bumuhos ang luha ko pero hindi ko kayang iparinig sa kanya ang mga hikbi ko. "Anong pakealam mo sakin?!" "A-anong nangyayari sa`yo? Asan ka ba?" Kanina ko pa siya tinatanong kung sinagot na ba siya ni Gianna, pero di parin niya sinasagot. Inayos ko ang boses ko, "Wala... may ginawa lang kaming project. So ano, sinagot ka na ba?" "Oo." Katahimikan. "Asan ka na? Susunduin kita." Seryoso at malumanay ang kanyang boses. Ganito lang siguro talaga si Gab pag ikaw ang bestfriend niya. Sobrang caring kahit makulit. Sobrang maiinis ka pero maiinlove ka din. Linsiyak, bakit ganito pa kasi siya pinanganak? Ayan tuloy, halos madurog ang pagkatao ko sa pagtatago ng mga nararamdaman ko. "Wa`g na, ihahatid na ako nina Jana." "Hi-" Pinutol ko ang linya at pinatay ang cellphone ko. At hanggang ngayong nasa bahay na ako, hindi ako sigurado kung tama ba yung naging desisyon kong pagputol ng linya kanina. Walang kwenta talaga ako sa mga pagpapakipot effect kay Gabriel. Sinaktan na nga ako`t lahat-lahat na, siya parin ang iniisip ko. Pinagmasdan ko ang cellphone ko at nagpasyang i-on ito. Nakakabigla nga eh, pag-on ko nito, may natanggap akong maraming mensahe galing kay Dexter. Dexter: Are you okay? Dexter: Are you okay? Mga limang ganito ang laman. Hmmm, siguro tama sina Jana at Cid. Marami pang lalaki diyan. Magrereply na sana ako, para makapagtext-text na kami at baka sakaling makatulog ako sa gitna ng pagtitextext namin, kaso... *Kriiiing-Kriiing* Gabriel Soriano.
The most tempting name. "Hello?" Hindi ako sumagot. "Celestine?" "Ano? Inaantok na ako." "Nakita kitang hinatid nina Jana kanina." "Oo." "Kamusta ang project niyo?" "Okay lang." "Anong nangyayari sa`yo? Ba`t ang lamya ng boses mo?" "Ano ba ako sa akala mo? Zombie? Gising pa hanggang ala-una ng madaling araw?" "O... easy lang! `to naman! Kanina pa kasi ako tawag nang tawag sa`yo, out of coverage or patay daw yung phone mo." "Ba`t ka tumawag?" "Wala. Ang weird mo kasi kanina eh. Parang galit ka sakin. Nagseselos ka ba kay Gianna?" "Bwisit! Tinawagan mo ba ako para tanungin ako ng ganyan?! Syempre hindi! Gag0!" "O sige na nga! Edi hindi! Sorry ah, tinawagan pa kita!" Galit na siya. Galit din ako kaya, "Dapat lang talagang mag sorry ka!" Tapos pinatay ko ulti ang phone ko. ARGH! Grabe, high blood yata ako masyado. Nararamdaman ko yung lakas ng pintig ng puso ko. Nanginginig pa ang kamay ko dito habang binuksan ko ulit ang phone ko. Di man lang ako nakapagreply kay Dexter kanina dahil tinawagan ako ni Gab ah? Kaya nagtype ulit ako ng i-rereply kay Dexter: Okay na ako. Thanks for asking. :) Okay na siguro yun! Matutulog na ako. Matutulog na ako. Yinakap ko ang unan ko. Tiningnan ulit ang cellphone ko. Walang reply. Walang tawag ni Gab. >:(
I typed: Pasensya na. Inaantok lang. :) Tapos send! Send kay Gabriel Soriano. Inaaway ko siya, pero ako din naman yung sumusuyo.
FORTYFIVE Celestine Herrera: sana tayo ang pair!
Sabado at Linggo, hindi kami nagkita ni Gabriel. Hindi na rin siya nagtext pagkatapos nung text ko sa kanya. Galit talaga kaya siya? Bakit ko naman iniisip kung galit siya, ako dapat yung nagagalit eh? Sa dalawang araw na hindi namin pagkikita, napag-isip-isipan ko, sa wakas, ang pagmomove on. Siguro ito na ang panahon... ang tamang panahon. Masaya silang dalawa ng pinsan ko at mahal nila ang isa't-isa. Dapat maging masaya ako para sa kanila. Maganda na nga rin yun eh, kasi at least, sa pinsan ko napunta ang pinakamamahal ko. Dapat mejo isipin ko muna ang pag-aaral ko at maghihintay na lang sa lalaking para talaga sa akin. "Celestine! Ang tagal mo talaga!" Natulala ako sa mukha ni Gabriel paglabas ko sa gate. Andun na siya, as usual, naghihintay! "Ma li-late tayo niyan!" Sabi niya sabay sandal sa sasakyan niya. "A-Akala ko... di mo ko isasabay sayo." Napansin kong lumalambot na naman ako at yung boses ko nanginginig ulit. Wala na ba talagang pagbabago sa nararamdaman kong `to? Sa bagay, patience is a virtue, Cel! Pagpasok ko sa sasakyan niya, pinaandar niya agad. "Ba`t mo naman naisipang di kita isasabay?" "Kala ko kasi galit ka sa sinabi ko l-last Friday." "Syempre, galit ako. Pero di ko talaga matiis ang bestfriend ko."
Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya habang nakatingin sa daanan. Napaisip tuloy ako... na kung papipiliin kaya siya, sino ang mas hindi nya matiis sa aming dalawa ni Gianna? ARGH! Ano ka ba, Cel! Edi syempre, yung mahal niya. Tama na nga! "Sorry." Tahimik lang siya. "Uh, nga pala. Di mo ba susunduin si Gianna?" "Ngayon? Hindi na. Hinahatid naman siya ng mom niya eh." Tumango ako. Katahimikan ulit. "Tsaka..." Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin `to. "HHindi siguro ako masyadong m-makakasabay sa pag-uwi sayo kasi magiging busy na ako." Sumulyap siya sakin. "Busy saan?" "School works. Ang dami kasing projects at kailangan ko pang mag overtime sa pagaaral eh." "Ang dami naman niyan para di kita maisabay pag-uwi." "Busy lang talaga ako. Pero, baka minsan makakasabay ako sayo. Text2x na lang tayo." Katahimikan. "Tsaka," Lunok. "Mabuti nga yan eh. Mas marami kayong time ni Gianna sa pagdi-date." Sumulyap siya sakin at nginitian ko siya. "Hmmm, oo nga." Ilang minutong katahimikan. "Nagseselos ka ba?" "H-Huh?" Nabigla ako sa tanong niya ah. "H-Hanggang ngayon bah?" Bakit ba? Pag inamin kong nagseselos ako, at malalaman mong in love ako sayo, papayag ka ba? Baka itakwil mo ulit ako. "Wala lang. Di ko kasi nakikita sayong masaya ka para sa amin eh." >:(
"Anong gusto mong gawin ko? Magpapaparty?" Ayan! Lumalabas na naman ang sungay ko. "Hindi naman. Wala lang. Sana happy ka para sa amin. Seryoso naman ako sa pinsan mo eh. Kung nag-aalala kang baka sasaktan ko siya, sasabihin ko sayo ngayong seryoso ako sa kanya. Mahal na mahal ko na talaga siya ngayon." Halos di ko na naman malunok ang laway ko sa bigat ng lalamunan ko. "Alam ko. Nakikita ko." Pinark niya ang sasakyan niya. Pero sa malayo pa lang, nakikita ko na si Gianna na naghihintay sa kanya. Lumabas ako agad at nakita ko ang madamdaming pagkikita ng dalawa. Hindi ko na lang pinansin. I acted normal. At sumabay na rin sa kanilang dalawa papunta sa classroom namin. Nabigla pa nga ako dahil pagdating ko sa room namin... "Hi Cel!" Sabay kaway ni Dexter sakin. Ba`t siya nakaupo sa room namin? Diba sa kabilang classroom yung kanila? "H-Hello!" Tatanungin ko na sana siya kung bakit siya andito pero dumating na yung professor namin kaya umupo na ako sa upuan ko. "Class, before we start... I'd like to inform you that the last section was dissolved... so other students are forced to join other classes. Nakikita niyo sigurong may new faces dito, they are from the dissolved class. From now on, they'll be part of our class." Nagbulongbulungan ang lahat at tiningnan kung sinu-sino yung mga bago. "Kaya pala nandun si Dexter." "Lanya talaga. Ayan tuloy, nandito si Cid sa class natin. Tsss." Sabi ni Jana. "Di bale, andyan naman si Dexter mo." "Buti na lang at mejo maaga pang nadissolve yung class nila. Hindi ko pa kayo na pipair. Today, I`ll announce the pairings for research." Ayan na naman ang bulungan ng mga kaklase ko. "Jana, sana tayo ang pair!" Sabi ko kay Jana. Kaya lang, di yata ako dininig ng Panginoon sa pagkakataong ito.
"Male to Female ang pairings. And it is... alphabetical. Tsaka, mas maraming female kaya maaring, female to female ang iba. But it won't affect your research, of course." "Lanya! Maiiwan ako for sure nito, Cel! Soriano eh. Malayo pa ang letter S!" "Kung gusto niyo namang mag switch ng partners, kayo ng bahala." Kinabahan ako dun ah. Panu kung si Gabriel ang maging partner ko? Di na naman ako magtatagumpay? Nagsimula na ang pairing... hanggang sa... "...Herrera, Salvador... Herrera, Soriano..." Herrera, Soriano? "Sir!" "Yes?" "Sinong Herrera yung kay Soriano?" "Oh... It's Herrera, Celestine with Salvador, Dex Terrence. And Herrera, Gianna with Soriano, Gabriel Isaac." "Ahhh. Thanks Sir!" Sabay tingin ni Jana sakin. Shucks! Ganun pala ka importante ang bawat titik ng pangalan? Kung sana... hindi letter 'C' ang nag sisimulang titik sa pangalan ko eh baka kami na nga ni Gabriel ang magpapares. Talagang mauuna ako kay Gianna kahit magkapareho kami ng apelyido kasi titik C yung unang titik sa name ko. Hay naku naman. Este, mabuti na lang. ??? At... sino naman yung partner ko? Salvador daw! Eiji? Hindi! Anong Eiji?! "Cel!" May tumawag sakin. Paglingon ko, si Dexter! "Partners tayo!" Ngumiti ako sa kanya habang iniisip ko pa ang sinasabi niya. "Ahhh. So Dex Terrence pala ang tunay na pangalan ni Dexter!" Sabi ni Jana.
FORTYSIX Celestine Herrera: Okay lang.
"Kung wala na kayong tanong, then you're dismissed." Sabi ng professor namin, hindi kami mag mi-meet for one month para makapagresearch kami ng mabuti. "See you next month!" Grabe. Ang hirap ng subject na ito. Sumulyap ako kay Gianna. "Grabe, meant to be talaga kami ni Gab. Hehe." Sabi ni Gianna sakin. Liniligpit niya ang mga gamit niya. Sumulyap ako kay Gab at nakikipagkwentuhan pa sa teammates niya. "Uhmmm, Gianna..." Since talong-talo ako sa pagka 'meant to be' nilang dalawa, hindi na ako aangal. Ito na siguro ang sign na nagsasabi saking tumigil na ako kay Gabriel at mag move-on na. Kung di man ako makahanap ng iba, okay lang, ang importante makapag move-on na ako. "Balita ko... Kayo na ni Gab." Natigilan siya at nakinig ng mabuti sakin. She tilted her head. "Uhmmm." "Kahapon ko lang siya sinagot. Hehehe. Hindi kita nasabihan, sorry. Sasabihin ko sayo ang detalye sa inyo ni Jana next time." "Uh... Oo nga eh." Ngumiti pa ako. "Uhm, mahal mo ba siya?" Naging seryoso ang mukha niya. "Syempre naman! Di ko siya sasagutin kung hindi." "Uh..." Sabi ko nga. "Masaya ako't mahal niyo ang isa't-isa. Uhmmm, nakikita ko namang s-seryoso siya sayo... kaya...-" "Kailangan ko rin siyang seryosohin?" Napatingin ako kay Gianna.
"Oo! Seryoso din naman ako sa kanya ah!?" "Uh..." Sabi ko nga ulit! "Oo. Alam ko naman yun. Sana maging happy kayo. Tsaka... ako ang unang magiging kalaban ng makakahadlang sa inyo!" Smile. Hay! Buti at ngumiti din siya sakin. Akala ko nagalit siya kanina. Tapos, yinakap niya ako. "Awww. That`s so sweet! Love you, cel!" "Heheh. Love you too, Gianna." Tumayo siya pagkatapos ng yakap niya. At nandun na rin si Gabriel sa likuran niya. "So... ano, Cel, sa library lang kami ni Gab ah?" "Mag reresearch tayo?" Tanong ni Gabriel kay Gianna. "Oo. Sisimulan na natin. Maaga tayong na dismiss eh." Tumango si Gab at sumulyap sakin. "Di ka ba sasama, Cel?" Tinuro ko pa ang sarili ko sabay, "A-ako? Ba`t ako sasama?!" Yoko na nga diba? Iniiwasan na kita ngayon. "Nga pala... sino yung partner mo?" Tanong ni Gianna. "Si... Dexter?" Sagot ni Gab. "Oo. Si Dexter. Yung teammate din ni Gab." Sabay turo ko kay Dexter na nakatingin samin. "Cel... I`ll text you later ah?" Sabi ni Jana habang kinakalabit ako, nagmamadali yata. "Makikipag change partners lang ako. Di ko kilala yung partner ko eh. Asan ba yung Cid na yun...? Grrr. Sige!" At umalis din. "Ahhh. Kilala mo na pala!? Mabuti na lang at kaibigan mo yung partner mo." "Hehe. Oo nga eh. Kaya, Gab... Okay lang ako. Sasabay na lang ako kay Dexter sa library kung pupunta ako." Dahil wala na nga si Jana sa upuan niya, nabigla ako nung tumabi si Dexter sakin. "Oi! Tol! Swerte mo ah, partner mo yung crush mo!" Sabi ni Dexter kay Gab. Inakbayan ni Gabriel si Gianna. Aray. Ano? Ang sakit? Hindi. Mejo lang. Sa harapan ko kasi eh. Sana di ko makita yung paglalambing ni Gab kay Gianna, ano? "Hindi, tol! Girlfriend ko na `to."
OUCH to the nth level! Nalaglag ang panga ni Dexter habang tumatango at sumusulyap sakin. Linunok ko na lang lahat ng laway ko. "Oo, kahapon lang." Hinalikan ni Gianna si Gab sa pisngi. ARAY! Para akong binagsakan ng bato dun ah? Hindi ko pa nahalikan si Gab eh! HUHU. Ay! "Awww. Sorry. Huli pala ako sa balita." Sabi ni Dexter. Pagkatapos nung sinabi niya, tumahimik na lang siya habang tinitingnan ako. "So, ano, Gianna... pupunta na ba kayo ng library ngayon?" "Uh-huh. Kayo?" Tumingin ako kay Dexter. Then he stared at me. Parang malalim ang iniisip niya. "Uh, no! Bukas na lang siguro kami mag sisimulang magresearch." Tumango ako. "Ow. Sige, mauna na kami ni Gab, Cel ah? Bye!" Hinila ni Gianna si Gabriel. Holding hands. "Cel," Hinila ni Gab pabalik si Gianna. "I-text mo ako ha." "H-Huh?" Tapos siya na ang humila kay Gianna papalayo. "Itext?" Sabi ko. Ano naman ang itetext ko sa kanya? Argh. Narinig ko ang pagsinghap ni Dexter, "Pasensya na. I never thought..." Tumango ako. "Okay lang." Ngumiti ako sa kanya pero di niya ako nginitian. "Kaya ka ba nalasing last Friday dahil diyan?"
FORTYSEVEN Celestine Herrera: Palagi nga eh.
"Oo eh." Pagkatapos nung sagot ko sa tanong niya. Wala na siyang binanggit ulit o tinanong tungkol dun. Okay na rin sakin yun. mukhang alam niyang gusto ko ng kalimutan yung nangyaring yun, gusto ko ng kalimutan si Gab. "Eto pa, related yata sa topic natin." Sabay bigay niya ng isang libro sakin. Isang linggo na ang nakalipas simula nung nagpartner kami ni Dexter. Kaya lang, ngayon pa lang namin napagdesisyunang magsimulang mag research sa topic namin. Paano ba naman kasi, mejo busy na sa iba't-ibang gawain. Ngayon lang yata mejo humupa ang mga requirements eh. "Oo nga! Sige, kokopyahin ko muna `to." Sabay kuha ko sa libro. Umupo siya sa tabi ko. Sa gitna naman namin ay mga librong nakapatong-patong. "Ewan ko nga eh! I still don't know what to give him on his birthday! Ano kaya ang maganda? Naku! Nahihirapan ako eh. Next month pa naman yun." Hay! Ang ingay naman dito. Sana mapansin ng ibang estudyanteng may nakapaskil na 'silence please' kahit saan dito sa library. "Alis na muna kami, may pasok pa eh. Ikaw? Ay oo! Ayan na ang bf mo oh!" Tapos konting tilian. "Sige na! Bye!" Tili ulit. "Sige bye! Text kayo ah!" Lumingon ako sa mga nagsasalita. At, forgive me, potekkkk! Bigla ba naman akong sinorpresa ng pagyayakapan nila ng lintik kong bestfriend? Syempre, sino pa ba yung yumayakap sa kanya edi ang maganda kong cousin! Parang may sabon na pumasok sa mga mata ko at humapdi ito. Tumingin ulit ako sa kinokopya kong libro at suminghap.
"Bakit?" Tumigil si Dexter sa pagsusulat at tiningnan ako. "W-Wala." Birthday ni Gab? Next month na yun ah! Anong pakealam ko? May girlfriend na siya. Pero... hindi, bestfriend niya ako kaya syempre concerned din ako sa birthday niya. "Ang tagal mo ah." "Nag-usap pa kasi kami nina Jude eh. Sorry. hehe." "Hmmp." Annoying! Bakit kailangan ko pang marinig to? Tsaka, teka, kailangan ko bang ipalam sa dalawa na nandito lang ako? Bahala na nga sila! "So ano, magreresearch na ba tayo?" Sabi ni Gab. "Huh? Research? Next time na lang! Nakakainis ka eh." Lumambing ang boses ni Gianna. Natigil na naman ako sa pagsusulat. Dumami kasi yung erasures ko simula nung nakita ko ang dalawang nagyakapan. "Sorry na." Bwisit! Naiinis ako lalo sa boses ni Gab! "Bakit, Cel?" "Alis na lang tayo dito! Pinag titinginan na tayo ng mga tao eh. Tsk. Take me anywhere. Kailangan mong pagbayaran na pinaghintay mo ako." Napatingin ako sa paligid, at nakita kong pinagtitinginan na nga sila ng mga tao. Nakakainis ang dalawang `to! Ako yata ang nahihiya sa mga pinaggagagawa nila. "Wala lang. Mejo, may naririnig lang ako." Sabi ko kay Dexter na kanina pa naghihintay ng sagot. Lumingon si Dexter sa likuran. "Owww." "Cel?" Sabi ni Gab. Napalingon na rin ako sa likuran. Nakita niya siguro si Dexter kaya napansin din niya ako.
"Uy! Kayo pala!" Plastik ko talaga. Tumayo ako para harapin silang dalawa. "Anong ginagawa n-niyo dito?" Tanong ni Gab. "Kami? Ano pa bang ginagawa sa library? Edi research!" Hindi lampungan! "Aww. Kami din." Sabi ni Gianna. "Ahh. Talaga? Buti pa kayo. Malayo na siguro ang inabot niyo sa research ano? Kami, kakasimula pa lang eh." Research? Eh kanina sinasabi niyang lalabas na sila ng library. Nakatitig si Gab kay Dexter. "Mejo lang naman. Marami pa kaming di nababasa eh. Ngayon nga, gusto ko munang mag break." Sabay kapit niya sa braso ni Gab. "Ahhh." Wala na akong masabi. Surprisingly, nakita kong linigpit ni Dexter ang mga gamit ko... gamit niya... gamit namin. "Cel, let`s take a break. Mejo kanina pa tayo dito eh." Ngumiti siya sakin. DEXTER! YOU ARE MY SAVIOR! WAAAA~! "Oo nga. Mejo gutom na rin ako eh." Ngumiti din naman ako sa kanya. "S-Saan kayo pupunta?" Tumingin ako kay Dexter. "Kung saan may pagkain, syempre." Inabot ni Dexter sakin ang bag ko. "Kayo? Akala ko aalis kayo?" "Oo eh. Diba Gab?" Ewan ko pero may napapansin ulit ako sa ekspresyon ni Gab. Kung ano man yun, ayoko nang alamin, kasi baka mali na naman ako. "Oo. Tayo na!" Sabi ni Gab kay Gianna. "Sabay na kami palabas sa inyo." Sabi ko.
Syempre, sumabay na rin kami ni Dexter. Wala naman akong masamang intensyon o kung ano sa sinabi ko. Nauna pa nga kami ni Dexter sa paglalakad eh. Kaya sinikap kong maayos ang paglalakad ko, maayos ang buhok ko sa likuran, maayos ang bag ko, maayos ang damit ko, maayos ang pagdadala ko ng libro. Kailangan maayos lahat kasi si Gianna at Gab nasa likuran lang. Ayokong makita nilang hindi ako maayos. "Ako na magdadala ng mga libro, Cel." Sabay hawak ni Dexter sa libro ko. "O-O sige. Salamat." Ngumiti na lang ako sa kanya at binigay ang libro. "Uy Dex!!" May nakasalubong pa kaming kilala siya. Syempre patuloy parin kami sa paglalakad. "Uy pare!" "Uy sino yan?! Abahhh, may girlfriend ka na? Ang ganda pa!" Aruuuy! Astig yun ah?! Tinawag akong maganda? "Hindi eh. Sige! Alis na kami!" "Sige!" Nakangisi lang yung kaibigan niya hanggang umalis na kami. "Asus! Maganda!? HAH!" May side comments akong naririnig sa likuran ah. Alam kong si Gab yun. "Anong sabi mo?" Lumingon ako sa likuran at nasaksihan ko ang pag-akbay niya kay Gianna. "Nagustuhan mo naman yung sinabi? Bulag yun!" Ngumiti siya. Evil smile. Ba`t ka ngumingiti diyan? Di naman nakakangiti yung sinabi mo? Kung joke man yan, sana sa susunod yung tatawa ako ha?! Binigyan ko siya ng pinakamaasim kong mukha. "Joke lang yun nukaba! hehe!" Bawi niya. Hindi na ako nagsalita. "Panu, Gab, Gianna, aalis na kami." "Saan ba talaga kayo pupunta?" Tanong ni Gab. "Uhhh." Tumingin si Dexter sakin. "Mag-iisip nalang muna kami. Tayo na Dex! Sige, bye!" Nginitian ko si Gab.
Pero hindi siya makangiti sa ngiti ko. Ayokong mag-isip ng kung ano habang kinakawayan ko sila at papaalis kami, kahit na talagang nakikita kong hindi niya nagugustuhan ang pagsama ko kay Dexter. Eto na..... magmomove-on na ako. Mag momove-on na talaga ako. Tumingin ako kay Dexter at nakatingin din naman siya sakin. "Di kaya siya nagseselos?" "Hindi. Ganun lang talaga yun kung makareact." "Ahhh. Buti di mo nami-misunderstood yung reactions niya?" "Palagi nga eh." Tumingin ulit ako sa kanya. "Then you should avoid him." See!? I should avoid him!
FORTYEIGHT Celestine Herrera: Alis na talaga kami.
Oo, ganun nga ang ginagawa ko. Avoid. Avoid. Avoid. Hindi ko nga lang alam kung napapansin niyang di ko siya pinapansin. Hindi ko rin alam kung gusto ko bang mapansin niyang di ko siya pinapansin. Mga tatlong linggo na kasi ang nakakalipas ng hindi ako sumasabay sa pag-uwi sa kanya at di rin sumasabay papuntang school. Hindi niya naman ako tinitext kung saan ako nagsususoot. Halos nga iniisnaban ko na siya pag nagkikita kami. Kaya lang, pakiramdam ko, nawawala yung pride ko kapag di ko siya pinapansin. Para bang guilty ako at nagseselos sa kanilang dalawa ng pinsan ko. Napabuntong hininga na lang ako habang binabasa ang libro sa harapan ko. Nasa cafeteria kami ni Jana. Kumakain siya, nagbabasa ako. Nakakabanas nga eh kasi ang ingay ng mga tao. Hinihintay ko rin si Dexter ngayon kahit wala kaming usapang magkita eh. Di ko pa kasi natatapos yung parte ko sa research kasi may hindi ako maintindihan. Bigla kong napansin ang pagtitig ni Jana sakin kaya tumingin ako sa kanya. May nginuso siya sa likuran. Lumingon ako at nakita ko si Gab papunta samin.
"Celestine..." Parang may tono yung pagkakasabi niya sa pangalan ko. Masaya siguro siya. "Oi!" Kinurot niya ang pisngi ko habang tumatabi kay Jana. Nasa harap ko na siya ngayon at ngiting-ngiti. Nangingiti na rin ako dahil sa ngiti niya. At siguro, dahil na rin ito sa pagkamangha ko ngayong kaharap ko na ulit siya - ng walang kasamang iba. "Kamusta ka na? Ba`t di ka sumasabay sakin?" Nakangiti parin siya habang tinatanong ako. Nakangiti lang din ako. Ewan ko kung bakit manghang mangha parin ako sa ngiti niya. Hanggang sa halos hambalusin na ako ni Jana ng libro sa harapan ko dahil sa pagtutunganga ko sa harapan niya. "Ehem!" "Uhhh. Ahh! Okay lang naman." Tumingin ako sa libro ko para madistract ako. Kainis ka talaga, Cel! Kaya bagay sayo ang masaktan eh, ang tanga mo kasi! "Sinong kasakasama mo tuwing umuuwi ka? Maaga ka na sa school ah... di na kita naabutan sa bahay niyo. Halos tatlong linggo ka ring hindi masyadong nakikipag-usap sakin." Abah! Iba `to ah? Binibilang niya ang mga linggo. Napansin niya rin ang halos lahat ng mga detalye. "Uhh... Kasama ko sa pag-uwi? Ako lang naman... Tapos... maaga ako sa school para sa research namin ni-" Nakatingin na siya sa likuran at parang siya naman ang namamangha ngayon. Bakit? Tumingin din ako sa likuran. May kung anong hangin, masamang hangin, ang sumalubong sa mga mata ko. Si Gianna, ang sexy niya talaga. With all those curls and skirts. Grabe... ang kinis ng legs niya. Nakakaakit din ang mata niyang may konting make-up. At ampupula ng labi niya. Hindi ko masisising lahat ng lalaki dito'y nakatingin sa kanya.
At syempre, lahat ng lalaking yan kaiinggitan ang lalaking nagmamay-ari sa kanya. Kung sinong nagmamay-ari sa kanya? Eh etong tumatayo sa harapan ko, ngiting-ngiti, habang sinasalubong si Gianna. "Babe, happy monthsary!" Sabay halik ni Gianna sa pisngi ni Gab. Please lang! Minor de edad pa po ako. "I love you." Sabi ni Gab. "I love you too." Sagot ni Gianna. Hinampas ako ni Jana ng libro para matoon ko ang pansin ko sa kanya. "Ano?" Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Hayaan mo na yan! Ayun yung sa`yo o!" Nginuso ulit ang lalaking papunta samin... si Dexter. Ang saya ko! At least ha! Akala siguro ni Gab na siya lang meron? Ako din noh! Ang feeling ng unggoy na yan. "Cel! May practice kami mamaya sa gym, punta ka ah?" Papaalis na sina Gab. NOOO! Wait! Kailangan niyong makita kung sino ang paparating! "Ha? uhh. Not sure." "Anong not sure? Sige na! Kahit yan na lang ang gift mo sa nalalapit kong birthday... pumunta ka sa game at sa practice mamaya." Shet! O sige! Yun lang naman pala ang hinihingi mo eh! Tse! Unggoy ka. Kung sana puso ko ang hiningi mo sa birthday mo eh baka... masampal kita. Ngek. At bakit niya naman hihingin ang puso ko? "Cel!" Ayan naaa! Si fafa Dexter! "Oi Dex! Nga pala. Mag papatulong ako sayo..." Echepwera kayong mag syota jan. Alis na kayo sa tabi ko, shooo! "Cel! Ano? Ha? Punta ka mamaya." Sabi ni Gab. Walang comment ang mokong kay Dex? Pwes... kung naka move-on na siya sa pagseselos niya kay Dexter, eh ako rin naman, nakamove-on na rin sa pagseselos sa kanilang dalawa.
"O sige na nga. Pupunta ako. Panonoorin ko din si Dexter eh." Di ako nagpapaselos ah. Tumingin ako kay Dexter at tumingin na lang din siya sakin. At ngayon!!! FOR THE WIN! "Jana... punta kami ni Dexter sa library... sumama ka na lang samin." Nanlaki ang mata ni Jana, "Wa`g na no! Kayo na lang! Hihintayin ko pa si Cid! Kita na lang tayo mamaya sa gym!" Tinaas niya ang kilay niya. Nakatunganga parin sina Gab sa harapan namin at nakikinig sa mga plano ko para samin ni Dexter. "Ako na magdadala ng libro mo. Ang dami nito ah? May locker ka ba?" "Huh? Wala eh." Sabay tayo ko. Tumabi ng konti si Gab. Inayos ko pa ang bag ko habang nagpapacute. "Kung gusto mo... may locker ako. Iwan mo ang books mo minsan sa locker ko. Bibigyan kita ng key." Sabay ngiti niya sakin. "Huh? Wa`g na no. Nakakaabala lang ako sayo. Hehe." "Hindi naman! Seryoso. I`m just concerned..." "Bakit, Dexter? Nabibigatan ka ba sa librong dinadala mo lagi pag magkasama kayo?" Tanong ni Gab habang naka evil smirk. "Hindi naman. Okay lang kung ako ang magdadala, pero kung siya na..." Sabay tingin sakin. "di ko talaga matiis tingnan." Katahimikan. Kinurot ni Jana ng palihim ang likuran ko... alam ko kung bakit niya ginawa yun. Dahil siguro sa sinabi ni Dexter. "Dexter naman! Kahit mejo payat ako, kaya ko naman ang books ko eh. Salamat sa concern. Hehehe." Sabi ko. "Onga! Kahit payat yan... kaya niyang bumuhat ng bahay. HAHAHA." Sabi ni Gab. HARHAR! "Hindi naman dahil sa payat siya... ayoko lang talagang nakikitang nahihirapan siya." Mejo natameme si Gab!
"Uh... HAHAHA. Thanks Dex! Kakakilig ka naman! Anyway, Gab... tapos na ba kayo sa research?" Change topic muna. "Uh..." Seryoso na ang lolo mo. Anong nangyari? "Lapit na, actually. Hindi muna kami gagawa ngayon, monthsary eh... alam mo na... celebrate." "Oh. Wow! Daming celebration ah? Monthsary niyo ngayon, birthday mo next week..." "Oo nga eh." "Hmmm, o sige Gab! Alis na talaga kami. Gianna, Jana... bye! "Bye!" Kaway ni Jana. "Bye, couz!" Sabi ni Gianna. Umalis na ako at sumunod si Dexter. Ayoko sanang lumingon ulit sa kanila pag-alis namin eh kaso, napalingon talaga ako. Nakita kong nagholding hands ang dalawa habang umaalis sa cafeteria... Whatever. Hanggang dito nalang talaga kami. Just friends... Friends parin ba talaga kami? Mejo may gap na eh. Basta... we're just like this... until here...
FORTYNINE Celestine Herrera: Hi-Hindi na... siguro.
Naiisip ko kung tama kaya yung pagiging tahimik ko habang kasama ko si Dexter kanina sa library. Siguro, nabored siyang kasama ako. Kailangan kong bumawi sa kanya! Sasama ako pag-uwi mamaya kasi sabi niya ihahatid niya raw ako kung gusto ko. Pero di ko siya nasagot kasi di ko alam kung sasagutin ko siya o hindi. Kaya ayun, umalis na siya papuntang gym dahil sa practice nila. *Krrrinnng* "Hello?" "Asan ka na! Naku! Lika na dito!" Excited ang boses ni Jana. "Oh. Bakit? Susunod na ako." Binilisan ko ang paglalakad ko papuntang gym.
"Galit si Stacey! Hahaha. I mean, wala siya sa mood. Pinag-iinitan niya yung pinsan mo!" Ang evil talaga ni Jana oh. Alam niya namang pinsan ko yung pinag-iinitan eh natutuwa pa siya. "Huh? Bakit? Anong nangyari?" "Lika na dito! Bye!" Binaba niya naman agad. Grabe, ano naman kaya yung nangyayari dun at parang excited si Jana. Hmmm. Ilang sandali ang nakalipas, nakarating din ako sa gym. "San ka, miss?" Hinarangan ulit ako ni manong guard. "Sa loob po. Sa practice." "Hindi ka naman cheering squad member ah? At impossibleng varsity ka ng basketball." "Hindi nga po! Pero... you know..." Isip ng paraan, Cel! Baka linilechon na ni Stacey ang beloved cousin mo! "Uhm... Si... Soriano. Gabriel Soriano. Boyfriend ko! Girlfriend niya ako. Manong, di niyo ba ako naalala?" Sabay ngiti ko. Please! Sana maalala ako. "Girlfriend? Eh pumasok yun dito kanina, kaholding hands yung isa sa cheering squad. Impossibleng ikaw ang girlfriend niya." O-M-G. Nawalan na ba ako ng privilege? "Hindi po totoo yan! Ako yung tunay niyang girlfriend!" Ano ba naman `to! Nakakahiya naman `tong mga sinasabi ko. HAHA "Anong tunay?" "Manong... ako po yung tunay na GF! Yung kanina, kabit niya yun-" "Cel?" Oh my! Lumingon ako sa likuran at nakita ko si Dexter... number 17! "Uh..." Grabe, feeling ko namumula ako habang tinitingnan ko siyang nakangiti at parang gusto ng tumawa. Narinig niya yata ang mga sinabi ko. "Kabit?" Sabi ni manong guard. "Uhhh." Sumingit pa talaga siya. Sana lamunin na lang ako ng lupa.
"Ako na pong bahala sa kanya. Ako po yung boyfriend niyang sinasabi." Sabay akbay ni Dexter sakin. "Huh?" "O-Opo! Sorry! Salvador pala. Hindi Soriano! Sorry, manong guard. Ex ko na po yung Soriano." "O sige sige!" Inakbayan ako ni Dexter papasok ng gym para makita nung guard na kami na nga. Syempre, pagkapasok namin dun, tinanggal niya na ang kamay niya sa balikat ko. "Okay ba?" Sabi niya. "Oo! Salamat ah!" Napabuntong-hininga ako. "Kala ko di na ako makakapasok dito eh. Yung excuse namin ni Gab, di na pwede, buking na yata." "Baka kailangan mo ng baguhin yung excuse niyo." Ngumiti siya sakin. "Oo nga eh." May pumito sa malayo. Napatingin kaming dalawa ni Dexter. Una kong nakita ang mga mata ni Gab sa aming dalawa bago niya tinoon ang pansin sa pumito - si Stacey. "What the heck? Ikaw ang panira sa group na `to eh! Bumalik ka na nga lang sa bleachers!" Sabi ni Stacey kay Gianna. Si Gianna naman, nakadapa sa sahig at parang nahihirapan na. "Away babae na naman. Tsk. Kawawa naman ang pinsan mo." Sabi ni Dexter. "Stacey, wa`g namang ganyan." Umapila pa talaga si Gab. "She`s doing her best. Pinapansin mo lang yata ang mga mali niya." Ayan na, tumigil na ang pagpa-practice ng mga varsity at nakealam na sa cheering squad. "Sorry Gab. I`lm the cheerleader here. Hindi talaga ako contented sa performance niya eh." "Then let her rest." "Yeah! Got that Gianna? Balik sa bleachers!" "Gab! Wa`g ka ng makealam diyan." Sigaw ng coach nina Gab. Pinasa niya ang bola sa kasama niya, pero naramdaman kong galit at mabigat ang pagkakapasa niya sa bola, para bang nanggigigil siya. Hindi ko na rin maitsura ang mukha niya. Galit siya. Galit na galit. Naiinis. Nihindi siya makatingin sakin.
"Cel, practice lang muna ako. Mukhang galit ang si Gab eh, baka mapuruhan ako. Dun ka na lang sa bleachers malapit sa cheersquad umupo." "O sige Dex! Goodluck!" "By the way, pwede ba kitang ihatid pag-uwi?" "Ah... O sige!" "Okay," Ngumiti siya. "Bibilisan ko sa pagpapractice." At umalis siya half-running papuntang court. Pagtingin ko kina Stacey, nararamdaman kong di parin humuhupa ang tensyon. "Stacey, sa tingin ko, kailangan ko lang ng practice. Kaya di yata tama na dito lang ako sa bleachers." Sabi ni Gianna. Tumabi ako sa kanya. "Okay ka lang ba?" "Stacey!" Hindi niya pinansin ang tanong ko. "Shut up! Annoying!" Nabigla ako sa sigaw ni Stacey ah! Grabe naman siya makapagsalita. Totoo palang badmood `tong si Stacey. "Stacey, dahan-dahan naman sa pagsasalita oh." Umapila na rin ako. "Okay then. Lika nga dito. Let`s do the new routine again." Nakita kong namumula ang pisngi ni Gianna. "Gianna, okay ka lang ba?" Di parin ako pinansin. Tumayo lang siya at pumwesto sa gitna ng squad. Sinimulan nilang isayaw ang routine. Okay naman ang sayaw ni Gianna. Kung ako siguro ang nasa pwesto niya baka huling-huli na ako dahil sa bilis ng sayaw nila. "See?" Tumigil sila sa pagsasayaw pagkatapos ng sigaw ni Stacey. "Alis na!" Siagw niya ulit. "Go, reflect! Siguro disturbed ka masyado kaya wala kang kwenta ngayong araw na `to!"
Hindi gumalaw si Gianna. Napansin kong nakatingin ulit si Gabriel sa malayo. "Ako ang cheerleader dito. Alam ko kung anong ginagawa ko. What are you waiting? Go!" Sabay turo sa bleachers. Namumula na ang mata ni Gianna. Tumayo na ako at pupuntahan ko na sana pero untiunti siyang lumapit at umalis sa gitna habang nakatitig kay Stacey. Galit na rin yata si Gianna. "Anong tinitingin-tingin mo jan? Wa`g kang magdrama diyan dahil alam mong nandyan ang boyfriend mo! Kung sana sinunod mo ako kanina, di ka na sana nasigawan!" Kaya hayun, tumulo ang mga luha sa pisngi ni Gianna habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sakin. "Gianna." Sabi ko. Pinunasan niya ang luha niya at linigpit ang gamit. "Stacey naman." "Okay!!! Let`s do it again!" Sabi ni Stacey sa squad. Nagwalk-out si Gianna. Sinundan ko naman. Umiiyak kasi siya at kinabahan ako sa nangyari. "Gianna." "Umalis ka na nga! Kita mo bang napahiya ako?!" "Pero... gusto ko lang namang..." "Gianna!" Tapos yinakap siya ni Gab. Sa balikat siya ni Gab umiyak nang umiyak. "Tahan na... Alis na lang muna tayo..." Tumingin si Gab sakin. "Ano bang mali dun?" Hikbi ng hikbi si Gianna. "Shhh..." Nakatingin lang ako sa kanila. Mejo naiinis at nagtataka ako kung bakit di ako binigyan ng chance ni Gianna na icomfort siya. Sa bagay, may boyfriend na siya, di niya na ako kailangan diba? "Let`s resume the practice tomorrow. Salvador! Agahan mo ah? Limang minuto ka lang yatang nagpractice ngayon eh!" Sigaw ng coach nina Gab.
Pagkarinig ni Gab nun, nagpatuloy siya sa paglalakad. "Sasabay ka ba?" Tanong niya sakin habang inaakbayan ang umiiyak na si Gianna. Ako nga ba ang tinatanong niya? "Hi-Hindi na... siguro." "Gab, wa`g muna tayong umuwi! Don`t wanna go home yet." Singit ni Gianna. "Okay. Sige. Tahan na."
FIFTY Celestine Herrera: Concern ka lang?
"Ano?" Tinitigan ako ni Stacey habang liniligpit ang gamit niya sa bleachers. Tapos na ang practice nila at pumunta na ang iba sa lockerroom. "G-Galit ka ba kay Gianna? Okay naman yung ginawa niya ah?" "Okay yung ginawa niya para sa hindi marunong sumayaw!" Sabi niya. "Pero sana... di mo na lang siya sinigawan." "I hate her, you know!? Sorry ah? Pinsan mo siya pero ang layo layo niya sayo. Ang landi-landi!" Napabuntong-hininga siya at dumiretso sa locker room. Sinundan ko siya kaya tumigil siya sa paglalakad. "Malandi? H-Hindi naman siguro." "Hindi? HAH. Dapat naramdaman mo na yan, lagi kayong magkasama diba? Bwusit! Kinakausap ako ni Gab kanina tapos bigla ba naman siyang sumingit! Heller, boyfriend niya nga yung tao pero wag naman sana siyang bastos." Yun lang ba ang kinagagalit niya? Syempre, kung ako din naman ang nabastos, magagalit ako, pero di ko siya sisigawan. "At ikaw? Akala ko pa naman ikaw ang pinakamatinding karibal ko. Walang kwenta!" Umirap siya at umalis. Ganun din naman ang akala ko ah? Akala ko, si Stacey ang pinakamatinding karibal ko.
"Cel! Pasensya na... mejo natagalan ako." Half-running ulit si Dexter papunta sakin dala-dala ang bag niya. "O-Okay lang." "Inaway ka ba ni Stacey?" "H-Hindi naman. Nag-usap lang kami... tungkol kay Gianna." Tumango siya. "Ano, lika na?" "O sige." Umalis na kami dun. Papunta kami sa sasakyan niya, wala ulit akong naiisip kundi si Gab at si Gianna. Saan naman kaya pumunta ang dalawang yun? Tumitingin ako sa labas at nagbabakasakaling makita ko ang sasakyan ni Gab o silang dalawa kahit saan. "Cel," "Hmmm?" Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Mejo masyado na ulit akong tahimik habang kasama si Dexter. Napaka walang-kwenta ko talaga. "Kung liligawan ba kita, makakalimutan mo siya?" HAAAH? Katahimikan. Umandar na ang sasakyan. "A-Ano bang pinagsasabi mo?" Hindi na siya nagsalita ulit pagkatapos ng FOR THE WIN kong reaction. Shet naman Cel. Ayan! Ikaw ang gumagawa ng paraan para pumangit ang hangin sa loob ng sasakyan niya eh. Anong klaseng sagot yung sinabi mo? Pero... wala naman akong masabi eh? HUHU. Tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay namin. "Salamat, Dexter!" Sabi ko habang sinusoot ang bag ko. "No problem." Ngumiti siya. NGUMITI SIYA! Kaya, okay lang siguro! Wala sigurong problema.
Binuksan ko ang sasakyan niya pero... hinawakan niya ang kamay ko. OH MY... "Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko." H-HUH? Anong sinabi mo? Come on, Celestine! Wa`g mo na siyang pahirapan pa sa mga reaction mo. Alam mo na yan no! Pagkatapos kong tumango, binitiwan niya ang kamay ko. Lumabas ako at naaninaw ko ang seryosong mukha ni Gabriel habang nasa bulsa niya ang mga kamay niya at tumitingin sakin. "Sige, Dex! Salamat ulit." Sinarado ko ang sasakyan niya. Kumaway naman siya at tiningnan si Gab. Pagkatapos nun ay umalis na siya. "O, Gab? Ba`t nandito ka na? Di ba kayo nag date ni Gianna." "Hindi." "Huh? Bakit? Sayang monthsary niyo pa naman." "Ang saya ng tono ng boses mo ah? May nangyari bah?" "Huh? W-Wala naman." "Inanyayahan kitang pumunta sa practice para sakin, hindi para sa Dexter na yun." "Huh? Oo nga. Alam ko." "Ba`t parang siya na ang sadya mo?" Ayyy. Ano bah? Naiinis na ako ah? Ba`t ganito siya makapagsalita sakin? Kakainis na ah? "Bakit? Ano naman ngayon? Tsaka... wa`g ka ngang umasta diyan na parang nagseselos ka?" "Nagseselos?-" "O bakit? Hindi? Concern ka lang? Hanggang kelan ka ba magiging concern sa love life ko?" "Hi couzzz! You`re home!" Sigaw ni Gianna sakin sa gate namin. Ba`t siya nandito? Tapos lumapit siya kay Gab at hinawakan ang kamay nito. "Dito muna ako sa inyo matutulog tonight. Plano kasi namin ni Gab mag stargazing at mag dinner. HEHE."
Star gazing? Diba ako ang star kay Gab? Eto na oh, sa harap niyo... ang star! "Ow talaga. Maganda yun." Ngumiti ako. Di ako makatingin kay Gab. "Nga pala... ano yung narinig ko kaninang selos-selos na sinasabi niyo kanina ni Gab, couz?" "Ah... yun ba? Wala yun... Bihis muna ako ah? Bigat na ng bag ko eh." "O-O sige..." Umalis na ako at pumasok sa bahay. Mga walang hiya! Nananadya yata ang tadhana eh. Dito pa talaga sila magcecelebrate, sa harap ko? Pwede ba? At di pa pinagsalita si Gab kanina pagkatapos kong sabihin ang pinaghirapan kong linya. GRRRR.
FIFTYONE Celestine Herrera: kahit di ka boto sa kanya...
Wala ang papa at mama ni Gab sa gabing iyon kaya malayang tumambay si Gianna sa kanilang living room. Si Mica naman, nasa kwarto daw at nag s-study. At ako? Narito sa kusina... Ang lecheng Gab kasi na yan, sinabihan si manang na manood na lang daw siya ng Tayong Dalawa sa kwarto niya kasi ako na daw ang bahala. Alam kong may karapatan si Manang manood nun kaso nakakainis lang kasi ako pa talaga ang inutusan niya. Ba`t di kaya si Gianna? Ay naku, Cel! Loka! Panu niya uutusan si Gianna? Hay di bale na nga... para namang pinagluluto ako dito, hindi naman. Pinaghuhugas lang ng pinggan. Okay na rin `to kesa sa makita kong mag lampungan ang dalawa sa sala. Si mama at papa naman kasi, pumayag na dito muna ako kina Gab at samahan ang pinsan ko. Sus naman, jusmiyo! Pero di naman kami dito matutulog ano, magkamatayan na pero pati ako di ako papayag na dito matutulog ang Gianna na yan! Kahit na kasama pa ako at katabi ko pa siya, di ako papayag. "Hayyy sawakas! Tapos na." Sabay lagay ko ng isang plato sa lalagyan nito. Kakapagod maghugas ng pinggan. Pinagpawisan pa ako ng todo. Naaalala ko tuloy ang pagtatalo namin ni Kuya Sky dahil lang sa paghuhugas ng pinggan.
Papunta akong sala habang pinupunasan ang kamay nang nakita ko ang sana`y hindi ko na lang nakita... Kung ano yun? Drumrolls! Heart beats! Naghahalikan ang dalawa. Napunta ulit ako malapit sa ref at kumuha ako ng baso at linagyan ng tubig at ininom na parang kanina pa uhaw na uhaw... halos malunod na nga ako sa pagkakainom ko eh. Napaubo tuloy ako. "Cel?" Sigaw ni Gab. Patay! Narinig ako kahit malayo ang kitchen! "Wala!" Umubo pa ako. Lanya. Tapos na ba ang show? Pwede na ba akong lumabas? Malamang tapos na! Eh nakapagsalita yung isa eh. "Cel?" At hayun siya, nakatayo na malapit sakin. Wa`g kang mag-alala, wala akong nakita! Leche! Sarap mong batukan. "Ano? Umiinom ako ng tubig at nabilaukan ako..." Umubo ulit ako. Sinulyapan ko ang labi niya. MY GAAAD! Ilang years ko ng nakikita yan pero... wala... tapos? AHHHH! Hinugasan ko ang baso at binalik na. "Dun na tayo sa sala." Sabi ni Gab. Hindi na ako sumagot at umupo na sa kabilang sofa dun sa sala. As if naman gusto niyong nandito ako. Kung pwede pa nga lang eh ipatapon niyo ako sa labas para magawa niyo na mga gusto niyo. Umupo si Gab sa tabi ni Gianna. As in, tabing-tabi talaga ah? Dikit na dikit ang dalawa. Illegal na yata yang ginagawa nila eh. Mag kaholdinghands pa.
Horror pa talaga ang nasa TV. Buti di naman ako masyadong matatakutin. Isa pa, hindi ko masyadong naiisip ang movie dahil sa pag-iisip sa nakita ko. Nakakaiyak talaga yun. Parang magrereklamo na talaga ako. Bakit ganito ang nangyayayri sa buhay ko? Bakit ganyan sila? Payag naman akong silang dalawa eh, wa`g na lang sanang ipamukha sakin. HUHUHU Alam ko na! Iisipin ko na lang na kaya nangyayari ito para masaktan ako ng todo at makumbinsi ang sarili kong kalimutan na si Gabriel. "Cel, popcorn!" Offer ni Gianna. "Salamat." Kumain din naman ako. May pasubo-subo effect pa ang dalawa. Hindi ako tumitingin sa kanila ah? Sa TV ako tumitingin. Malawak lang talaga ang peripheral vision ko kaya halos 360degrees sa paligid ang nakikita ko. Mas malinaw pa `to pag si Gab na ang tinitingnan. May bulong-bulungan pa ang dalawa at kurutan. Gusto ko ngang mag tanong kung nanonood pa ba sila sa TV, kung hindi eh manonood na lang sana ako kay Santino... Pero narealize kong baka tapos na ang Santino ngayon. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng popcorn habang wala sa sarili. "Cel, kayo na ba ni Dexter?" Biglang tanong ni Gianna. Nanonood ako sa TV at kumakain parin ng popcorn habang, "Hindi... pa." Wala sa sarili. O baka naman, sinasadya ko na? "Ow? Nanliligaw siya sayo?" "Mejo." "Cel, di nga?" Si Gab naman. Saka pa lang kumalas yung mga mata ko sa TV at tumingin sa kanilang dalawa. "Oo." "Kelan lang siya nanligaw?" "Kanina." "Gusto mo ba siya?" Seryoso si Gab. Ano? Anong isasagot ko? "Gusto?" Eh mahal ko na yata... este... ano? "Okay naman siya, mabait." "Masaya ka ba pag kasama siya?"
"Oo naman." "Sinasaktan ka ba niya?" Aypotek! Sinaktan? Eh ikaw lang yata ang nananakit sakin eh! "Di naman..." Tumawa pa ako ng bahagya. "Ahh. Edi, mabuti. Pero di ko sinasabing boto ako sa kanya ah? Sinasabi ko lang eh... masaya na ako kung saan ka masaya." Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Ano `to Gab? Pinapaubaya mo na ba ako? Kahit totoong pinapaubaya niya na ako, kahit papaano, may something parin sa sinabi niya... Bakit di siya boto? "Ba`t ba parang ayaw mo talaga sa kanya?" "Onga, Gab." Tanong ni Gianna habang tinatapik ang mukha ni Gab. "Yabang kasi eh." "Yabang? Mas mayabang ka pa nga dun eh." "Di ah! Ah basta... Yoko sa kanya." "Sino pala ang gusto mo para sakin?" "Wala." Diretso ang sagot niya. "Huh?" "Ba`t wala?" Tanong ni Gianna habang linalambing si Gab. "Basta, wala." Sabay kuha niya ng popcorn galing sakin. "Basta... kung masaya ka... yun na." "Awww." Lambing ulit ni Gianna kay Gab. "Okay!" Sinadya kong ngumiti. "Oh? Bakit?" "Wala lang! heheh." "Parang sira `to..." "Ibig sabihin, masaya ka na rin para samin ni Dexter kung sakaling maging kami kahit di ka boto sa kanya..." Ngumiti ako at tumitig sa TV. Kahit mejo umuurong yung mga salita niya... mejo kadudaduda... ayoko ng isipin. Wala ng urungan `to.
FIFTYTWO Celestine Herrera: Sinong boyfriend mo?
Sa gabing iyon, magkatabi kaming natulog ni Gianna sa kwarto ko. Nakahug siya sa teddy bear niyang bigay di umano ni Gabriel. Nakakainggit. Ang laki kasi ng teddy bear. Habang ako dito, pillow lang ang yinayakap. "Cel..." "Hmmm?" Napatingin ako sa kanya. Pareho na kaming nakatingin lang sa ceiling. "Lapit na ang birthday ni Gab. Dalawang araw na lang, birthday niya na... anong regalo mo sa kanya?" "H-Huh? Oo nga noh? Uhm... ewan? Hindi ko pa alam eh. Maghahanap pa siguro ako." "Ganun ba? O sige... anong magandang iregalo sa kanya? Bestfriend mo siya diba, alam mo kung ano ang mga gusto niya." "Uhh. Sa pagkakaalam ko... gusto niya ng sporty stuffs or yung magagamit niyang pambasketball." "Ahhh. Hmmm. So anong ibibigay mo?" "Hindi ko pa naiisip eh." At dahil totoong hindi ko pa naiisip at wala pa akong ideya kung ano ang ibibigay ko kay Gabriel sa birthday niya... sa birthday niyang sa Lunes na at di pa ako sigurado kung magkakasama nga kami dahil kay Gianna, naisipan kong pumunta sa mall para maghanap. "Sorry talaga Dex ah? Wala na kasi akong maisip na paraan eh." Nagpasama na rin ako kay Dexter para mas maliwanagan ako kung ano talaga ang ibibigay ko. Since halos magkapareho naman sila ni Gab ng hobby, makakatulong siya. "Okay lang, nu ka ba! Mabuti nga `to eh, bored kasi ako." "Hehehe. Salamat talaga." Nakakalimang tindahan na kami ng sporty stuffs pero wala parin akong napipili. Hindi naman ako kapos sa pera, pero wala lang talaga akong mapili. "Pasensya ka na, Dex ah? Matagal na tayo dito, di parin ako nakakapili." "Haha. Ganyan talaga yan. Pag ako din kasi mamimili ng gift para sa isang babae, di rin ako nakakapili." "Ganun ba? Naku... paano na kaya ito." "Mabuti pa, kumain nalang muna tayo... baka sakaling makapag-isip ka kung anong ibibigay mo sa kanya." Huh? Pwede rin. Pero baka kasi... mahal yung bibilhin ko... LOL. Di bale ng magutom ako, maibigay ko lang yung gusto ko.
"Libre kita!" Sabi niya agad. "Huh? O sige bah!" Ang kapalmuks ko talaga. Hindi man lang ako nag offer na kanya-kanya na lang. Pagkatapos niyang umorder, saka ko naramdaman ang hiya. Nakakahiya naman `tong ginagawa ko. Ako na nga yung nagpasama sa kanya ako pa `tong nagpapalibre. "Salamat talaga, Dexter ah? Grabe... Super! Nahihiya tuloy ako." Charing. "Wa`g ka ng magpasalamat. Ganito naman talaga pag manliligaw diba?" Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang pinapakita ko sa kanya, ang alam ko, nakangiti siya at tinititigan ako sa mata. Gusto ko si Dexter... pero... okay. Gusto ko siya. Gusto ko siyang kaibigan. Hindi ako sigurado kung may pag-asa bang magustuhan ko siya ng higit pa dun. At hindi ko na nga `to seseryosohin, baka joke niya lang `to. "Nu ka ba Dex! Wa`g ka ngang ganyan." Tumawa pa ako kahit pekeng-peke ito habang hinintay ang sasabihin niya. "Cel... I`m serious." Saka naman dumating ang order naming dalawa. Tahimik kaming habang linalapag ng waiter ang pagkain. "Sorry." Yun lang ang nasabi ko pag-alis ng waiter. Kinuha niya ang kamay kong nasa mesa, "I`ll wait for you." Sa puntong iyon, halo-halo ang emsyon ko. Kinakabahan, natatakot, nag-aalala, at masaya. Alam ko sa sarili kong hindi ko pa siya gusto ng tulad ng gusto niya, pero masaya ako dahil baka ito na ang hudyat ng TOTOONG pagmo-move-on ko kay Gab. Pagkatapos akong ipaubaya ni Gab, eto naman ang nangyayayri. Ibig sabihin lang talaga nito`y hindi talaga kami ni Gab ang para sa isa`t-isa. Habang kumakain ako, kinumbinsi ko ang sarili kong ito na nga ang sign na binigay ng Panginoon sakin. Sigurado na akong ito na nga iyon. Kailangan ko lang bigyan ng pagkakataon si Dexter na manligaw sakin, at mahalin siya. "Cel... ano, naisip mo na ba kung ano ang ibibigay mo kay Gab?" Tanong ni Dexter sakin.
Kanina pa kami naglilibot sa mall pagkatapos naming kumain, pero mukhang nakalimutan ko na yata ang tunay na sadya namin dito. "Huh? Uh.. hehehe. hindi parin eh. Wala talaga akong maisip." "Naku... paano na yan. Bukas na ang kaarawan niya diba?" "Oo nga eh." Pansamantala kong nakalimutan si Gab ah? Masyado akong preoccupied kay Dexter. "Hindi nalang siguro ako bibili ngayon. Bukas na lang." Sabi ko. Apat na oras na kasi kami dito sa mall eh. Halos alasyete na. "Talaga? Sigurado ka?" Nakangiti siya. "Oo. Di bale... Di rin naman papansinin ni Gab yung regalo ko. Bukas na lang ako bibili." Ngumiti ako sa kanya. Habang naglalakad kami sa mall at nag-uusap. Bigla kong nasulyapan ang isang pamilyar na mukha kasama ang isang hindi ko kilala. Magkaholdinghands ang dalawa at parang ang saya-saya. Ito yata ang pinakanakakawindang sa araw na ito. Sana hindi ko na lang nakita, mas matatahimik siguro ako. "Gianna!" Tinawag ko na para makasiguro. "C-Cel..." Bigla siyang napalingon sakin sabay bitiw sa kamay ng kaholdinghands. Isang matangos ang ilong, hindi masyadong matangkad kung ikukumpara kay Gab, at moreno. Sino itong kasama ng pinsan kong girlpren ng bespren ko? Sino ito? Tumakbo si Gianna sakin at mas lalong ikinabigla ang nakitang kasama ko. "Dexter..." Pero di siya nag-alinlangang lumapit. "Cel... Uhmmm" Sabay tingin niya sa lalaking kaholding hands niya kanina. Papalapit na rin yung lalaki. "Bibili sana ako ng gift for Gab." Tumango ako. Base sa boses niya, tama ang hinala ko. Kinabahan ako lalo at inisip ko kung totoo ba `tong mga naiisip ko. "Dino, teka lang. Usap muna kami ng pinsan ko."
Hinila niya ako papalayo kay Dexter at sa Dinong sinasabi niya. "Gianna, Sino yun?" Tanong ko. Susuntukin kita kung sasabihin mong... "Shhh. Please. Alam mong mahal ko si Gab diba? Tsaka, mahal din ako ni Gab. Kaso... mahirap lang kalimutan kung umabot na kayo ng ilang years ng boyfriend mo eh." "HA?" Sasapakin na talaga kita. Pero di ko pa nage-gets eh. "Basta... couz, sasabhin ko sayo ang lahat. Wa`g mong sabihin kay Gab na nakita mo ko ngayon ah? Please, please, please???" Hindi ako umimik. "Baka patayin niya yung boyfriend ko. Please." "B-Boyfriend? Sinong boyfriend mo?" Diba si Gab. "Shhhh... Boyfriend ko pa si Dino... P-pero... naghahanap ako ng paraan para magbreak na kami eh. Sa ngayon, secret muna natin `to ah? Pramis, magb-break din kami. Wa`g mong sabihin kay Gab ah? Magpramis ka-" "Gianna, lika na. Ginugutom na ako eh! Dinner na nga tayo!" Sabi nung Dino. "Oo na. Teka lang." Hinila niya ako pabalik kay Dexter. Nagkasalubong na ang mga kilay ko pero siya, nakangiti parin sa harap namin ni Dexter. "Uyy kayo ha? Kayo na ba? Cel, ako ang unang makakaalam ah kung kayo na? Anyway, Cel, Dex, alis na kami ah? sige. Goodluck na lang sa inyo." Hinila niya yung si Dino palayo samin at umalis na silang dalawa. ANO YUN? Anong nangyari? "Cel..." Nakatingin parin ako sa kanilang dalawa kahit malayo na. "Sino yung kasama ng pinsan mo?" OH NOOOOO! Dalawa ang boyfriend ni Gianna??? ANONG GAGAWIN KO? SI GAB!!!! Paano na si Gab??? Pero diba nga, magb-break din si Gianna at yung Dino?! Hihintayin ko na lang na mangyari yun? Para okay na sila ni GAB???? ANOOOO? ANOOOO?
FIFTYTHREE Celestine Herrera: Masasaktan si Gab!
"Ano, sasabihin mo ba kay Gab?" Tanong ni Dexter habang pinapark ang sasakyan niya sa harap ng bahay. Nakabili ako ng regalo. Yun nga lang... hindi pang sports yung nabili ko. Bracelet ang binili ko. Hindi ko rin alam kung bakit ito ang binili ko eh. Basta... lalo tuloy akong nahiya kay Dexter dahil sinama ko pa siya kahit di naman sports-thing yung binili ko. "Uh... ang alin?" "Boyfriend din ni Gianna yung kasama niya kanina di ba?" "Huh? Paano mo nalaman?" Nagmamaang-maangan pa ako dito. "Bakit, hindi ba?" "Uh..." Napabuntong-hininga ako. "Mag-ingat ka na lang muna sa desisyon mo." Wala akong masabi. Tumingin si Dexter sakin. "Basta, andito lang ako." "Salamat, Dex." Ilang sandali ang nakalipas, binuksan ko na ang pinto at kumabas. Hinintay ko munang umalis ang sasakyan ni Dexter bago sana ako papasok sa bahay, kaso, hindi pa ako nakapasok... "Mukhang lumalalim na talaga ang relasyon ninyong dalawa ng unggoy na yun ah?" Si Gab. "Ahhh." Wala akong masabi. Pumasok na naman kasi sa isip ko yung nakita ko kanina. Sasabihin ko ba kay Gab ang nakita ko? Ano naman kaya ang tunay na rason ni Gianna sa pag t-two time? Pero... wala namang tamang rason para mag two-time eh. Ano ba `to???! "Baka pati birthday ko, makalimutan mo na dahil sa pag-iisip mo dun sa lalaking yon!" "Huh? Grabe ka naman...-" "Hay... basta, magpakita ka sakin bukas ah? Baka di na naman tayo magkikita nito." Umiling ako.
Wala talaga akong masabi kasi ang laman na lang ng isip ko ngayon eh yung nakita ko kanina. "Excited na tuloy ako sa gift sakin ni Gianna." "G-Gianna?" "Oo! Tsaka... ikaw? May gift ka na ba para sakin?" Sasagot na sana ako, kaya lang biglang tumunog ang cellphone niya. *Krrrriiiing~* "Hello?" Sumulyap siya sakin bago tumalikod. Sino naman kaya yang kausap niya? "Si Celestine? Nag-uusap kami ngayon..." Nabanggit ang pangalan ko! Si Gianna kaya yan? "Ikaw nga ang pinag-uusapan namin eh." Ngumiti si Gab. "Huh? Wala... basta... bakit?" Sumulyap ulit si Gabriel sakin. "Wala naman..." Seryoso ang ekspresyon niya. "Sige... bye... Love you too." At binaba ang cellphone. "Sino yun? Anong sabi?" Tanong ko. "Si Gianna. Tinatanong kung nag-usap na ba daw tayo ngayong araw na `to..." "H-Huh? B-Bakit?" Ang bruhang yon! Talagang guilty na guilty sa ginawa niya. Sasabihin ko ba o hindi? Naku! Nakuuuu! Hindi ko na lang muna sasabihin. Birthday kasi ni Gabriel bukas eh, baka masira yung araw niya. Pasalamat talaga si Gianna at timing na timing siyang nabuking kung hindi... naku. "Hindi ko alam. Hindi niya naman sinabi eh." Ngumiti siya. "May usapan kayo no? May surprise ba siya?" Lanya! Lanya talaga! Ang tanga naman nitong taong `to! Hindi ko maatim na makita at marinig ang mga pinagsasabi niya. Para bang umaasa talaga siyang mahal na mahal siya ni Gianna kahit nangangaliwa naman yung isa. Argh! "Wala naman. Ewan ko sa kanya." Umirap na lang ako dahil di ko mapigilan ang inis ko. Lalagpasan ko na sana siya pero...
"Teka..." Hinawakan niya ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya... nakangiti siya at hawak parin ang kamay ko. Tiningnan ko kung totoo ba talagang hawak niya nga ang kamay ko pero... nung nakita kong totoo nga, binitawan niya naman agad `to. "Uh... Uhmm... Wala..." Tinitigan ko siya... Para bang may gusto pa akong marinig sa kanya... pero wala naman pala talaga siyang sasabihin. "Pumunta ka sa bahay bukas ng gabi ah? May kainan dun." "O... Ok." Wala naman akong magagawa. Kasi baka pati mga magulang ko, pupunta din sa bahay nina Gab. "O sige, pumasok ka na sa loob. Baka maabutan tayo ng madaling araw dito, ikaw pa ang unang makakagreet sakin..." Ngumisi siya. "Huh? Ano naman ngayon? Bakit ayaw mo?!" Kainis talaga `tong si Gab. Kinurot niya ang pisngi ko, "Loko lang!" Matamis na naman ang ngiti niya. "Grabe... ilang linggo tayong di masyadong nag-uusap, kung nag-uusap man... maraming istorbo. Na miss tuloy kita..." "M-M-Miss?" "Oo." Nagkatinginan kaming dalawa. Cel, ayan ka na naman... wa`g mo kasing bigyan ng meaning ang lahat ng yan! "Miss na rin kita!" Yinakap ko siya. Hindi ko alam kung nagnanakaw ba ako ng pagkakataon o ano... basta. "Sige... pasok na ako sa loob. Advance happy birthday! MAg kita na lang tayo bukas." Umalis ako ng hindi lumilingon sa kanya. Wala din siyang naging imik pagkatapos ng sinabi ko. Tumatakbo ako pero unti-unting humina ang takbo ko nung malapit na ako sa pintuan ng bahay. *Kriiiiing!* "Hello?" Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kwarto.
"Sinabi mo ba sa kanya?" "Hindi..." Si Gianna ang tumatawag. "Good!" "Gianna... kelan mo sasabihin sa kanya? Di tama ang ginagawa mo eh." "Ah basta... hindi ko pa alam... magulo pa ang isipan ko eh." "Huh? Ano ka ba?! Masasaktan si Gab!" "Hindi naman siya masasaktan kung hindi mo sasabihin diba?" "Pero-" "Sige na! Bye na! Chinicheck ko lang kung sinabi mo! Bye!" Binaba niya naman ang cellphone. Nauubusan na talaga ako ng pasensya kay Gianna. Ayaw ko rin namang sabihin kay Gab ang nangyayari kasi baka masira ang birthday niya. At higit sa lahat... ayaw ko siyang masaktan.
FIFTYFOUR Celestine Herrera: good luck kay Gianna!
Naiinis ako sa sarili ko kaya hindi ako sumabay kay Gab papunta sa school. Naiinis ako dahil hindi ko matanggap na hindi ko talaga kayang sabihin kay Gabriel ang lahat ng alam ko. Inagahan ko na nga ang paggising ko para mauna ako sa kanya at hindi ko muna siya makausap sa mga oras na ito sa araw na ito. Happy birthday, Gab! Sana masaya ang araw mo ngayon. Kung ako ang makakapagpasaya sayo, sigurado akong sasaya ka talaga parati. Kaso hindi eh. Umupo si Dexter sa harapan ko... may usapan kasi kaming magkikita sa cafeteria. "May kainan daw kina Gab... invited ako." "Oo eh. Buti naman inimbita ka niya." "Oo nga eh. Akala ko hindi..." Tumawa ako ng wala sa sarili, "Bakit nga naman hindi?" Katahimikan. "Bumati ka na ba?" "Hindi pa eh."
"Bakit naman? Baka maunahan ka." "Ayaw niya namang ako ang mauna." Pasensya na... mejo nakikita na naman ulit ang nakakainis na parte ng pagkatao ko. Ganito lang siguro pag masyado kang maraming iniisip, ginagawa at sinasabi mo ang mga bagay-bagay nang hindi nag-iisip. Tiningnan ni Dexter ang paligid ng cafeteria bago nagsalita ulit. "Can you promise me something?" Napatingin ako sa kanya. "Ano?" "Pasensya na, Cel. Hindi ko alam kung tama ba itong sasabihin ko pero talagang nagpapakatanga ka na sa lalaking iyon-" "Alam ko! Alam ko!" Sinabi ko ito ng may tonong parang naiirita. "Alam ko na yan. Alam ko na rin kung ano ang dapat kong gawin. At ginagawa ko na... proseso kasi ito... kaya..." Napabuntong hininga si Dexter. "Pasensya na. Gusto ko lang namang tuluyan mo na siyang makalimutan." Naging mabilis ang araw na iyon. Sa dalawang klase namin ni Gab, wala siya. Absent. Hindi ko na lang inintindi, baka ayaw niyang pumasok kasi birthday niya. Kaya lang... "Cel, asan si Gianna?" Tanong ni Jana sakin. "Ewan. Bakit? Wala din ba siya?" "Wala eh." "Siguro magkasama sila ni Gab." Nagkibit-balikat na lang kami ni Jana papuntang library. Kahit na wala masyado kaming pinag-usapan tungkol kay Gab, siya lang ang laman ng isip ko. Kung bakit siya absent? Asan si Gianna? Magkasama ba sila? Anong ginagawa nila? Date ba? Hanggang sa lumabas na kami ni Jana sa library. "Anong regalo mo kay Gab?" "Uhhh. Bracelet?" Ngumisi siya, "Bracelet? Asussss. Korni mo naman! Bracelet pa... parang magjowa! Hmmmm. HAHAHA." "Eh sa wala akong maisip eh. Korni ba? Ibibigay ko pa ba sa kanya?" "Gaga! Syempre, ibigay mo na!-"
Bago pa madugtungan ni Jana ang sinasabi niya... nabulabog na kami dahil may isang babaeng nagmamadaling tumatakbo at sinagasaan pa kaming dalawa ni Jana. Syempre... kilala ko kung sino iyon kaya kinabahan ako. Sino yun? Si Gianna! Si Gianna na tumatakbo at umiiyak. Pulang-pula ang pisngi niya. Tumatakbo siya palabas ng school. Nakatingin lahat ng tao sa pinangyarihan... at sa tinakbuhan ng pinsan ko. Si Gab. Kaya mas lalo akong kinabahan. "Anong nangyari dun?" Yun ang bulongbulungan. Seryoso ang mukha ni Gab. Hindi mukhang birthday niya, kundi mukhang biyernesanto. Nanginginig ang mga paa ko dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Gusto kong pumunta kay Gab at magtanong pero natatakot ako baka di niya ako sagutin. "Cel... ano kaya ang nangyari?" Nakatayo parin si Gab doon at parang walang balak na umalis. Wala siyang balak umalis hanggang sa lumapit ako. "Gab, sandali..." Naglalakad lang siya pero lakadtakbo ang ginawa ko para abutan siya. "Anong nangyari?" "WALA!" Parang kulog ang pagkakasabi niya. Dumilim ang kalangitan... hindi lang dahil gumagabi na, kundi dahil mukhang uulan din. "Gab? Anong wala?! Birthday mo ngayon-" "Birthday?!" Lalo siyang nagmadali sa paglalakad papunta sa sasakyan niya. Hinabol ko siya. Nang pumasok na siya sa sasakyan niya, hinampas niya ang manibela. Pumasok na rin ako dahil natatakot ako sa kung ano man ang binabalak niyang gawin. "Gab, b-bakit?" Seryoso parin ang mukha niya habang nakatulala sa manibela. "May nangyari ba-" "Mali ako eh!" Sabi niya. "B-bakit?"
"Pero hindi mo naman ako masisisi! Leche!" Nakikita ko sa mga mata niyang pinipigilan niya ang mga luha niya. "B-Bakit? Ano ba kasi ang nangyari?" "Inakusahan ko siyang may ibang boyfriend!!!" "Ha?" Wala na akong naidugtong. "Damn! Isang wrong send niya lang sakin... nakakainis talaga ako! Hindi ko man lang siya pina explain!" Siya pa ang nagsisisi ngayon sa ginawa niya? Ganun ba niya talaga ka mahal ang pinsan ko? Katahimikan lang ang umukupa sa loob ng sasakyan niya. Tulala siya habang nakatingin ako sa labas ng sasakyan. Tinatanaw ko na lang sa bintana ang unti-unting pagbuhos ng ulan. Malalaki ang patak nito at halatang matagal huhupa. Pinaandar niya ang sasakyan sa gitna ng ulan. Saan naman kaya siya pupunta? Saan kami pupunta? Mabilis ang pagpapatakbo niya at sinusuyod niya ang mga daanan. "Hinahanap mo siya?" Tanong ko. "Oo." Hindi parin nawawala ang inis sa boses niya. Huminto siya sa isang kalye dahil masyado nang malakas ang ulan at wala nang masyadong nakikita sa labas. "Kasalanan ko talaga `to!" Sabay sandal niya sa manibela. "G-Gab... hindi naman siguro... b-bakit mo nga pala naisipang may ibang boyfriend siya?" "Na wrong send siya sakin ng dapat para sa... ewan ko kung kanino. Tinanong ko lang naman siya kanina eh kasi nagtataka ako... Lecheng buhay `to oh! Sa birthday ko pa?" Tapos? Ano? Inamin ba ni Gianna? "Hindi ko na napigilan ang sarili ko!!! Padalos-dalos ako kung mag-isip! Kaya ayan! Nawala tuloy siya sakin!" May lumandas na luha sa pisngi niya. Pero agad niya naman `tong pinunasan. Tinititigan ko siya habang pinupunasan niya ang sariling luha. Walangya talaga... kung pwede lang wa`g na lang siyang umiyak ng ganyan, nawawalan kasi ako ng lakas dito. Sana ako na lang ang minahal niya, hindi talaga siya luluha ng ganyan. Habang tumatagal kami dito, lalong tumataas ang tingin ko kay Gianna. Masyado siyang makapangyarihan
kay Gabriel. Nakakainggit. Pero, mas nagagalit na ako ngayon. Kung haharap man yun sa akin ngayon, kakalimutan ko na talagang magpinsan kami at kakalbuhin ko na siya. Seryoso. Naiinis na ako ng sobra-sobra sa kanya! Sobra-sobra! Maaring di ko na magawang makipagplastikan sa kanya. Maaring di ko na maatim ang pagngiti sa harapan niya. "Gab, kalimutan mo na lang muna yan. Diba may kainan sa bahay niyo ngayon? Baka hinahanap ka na." Kinuha niya ang cellphone niya. Baka tiningnan niya kung may naghahanap ba sa kanya... pero... sana yun na lang ang ginawa niya. "A-Ako na lang ang kakausap kay Gianna, kung gusto mo." Oo. Dahil gigil na gigil ako ngayon, baka magkasabunutan kaming dalawa. Wala akong sasantuhin dito. Basta itong BESTFRIEND ko na ang nasasaktan, wala ng kadugo akong kikilalanin. Linagay niya ang cellphone niya sa tenga niya. "Hello?" Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ulit ang ulan. At hinawakan ko ang regalong ibibigay ko kay Gab. "Gianna... I`m sorry." Napatingin ako sa kanya habang mas lalo kong hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa regalo. "Pasenya na`t napagbintangan kita... Alam kong di mo yun magagawa diba?" OH MY! Anong hindi!? "I`m sorry. Please..." Sumulyap si Gabriel sa akin. "Mag-isa lang ako. Asan ka? Pupuntahan kita." Gusto kong magsalita laban kay Gianna, kaya lang halatang hindi ako papaniwalaan ni Gabriel. Ayaw ko ring masira ang birthday niya. Ayoko ring pangunahan si Gianna, kasi alam kong waal akong karapatan. Binaba ni Gab ang cellphone niya at tiningnan ako. "Kukunin mo siya? O-Okay na ba kayo?" "I`ll try to fix things..."
"P-Para saan pa? I mean..." "Kasalanan ko eh, hindi ako nagtiwala sa kanya." Ilang saglit din akong di nagsalita. "Ano? Kita na lang tayo sa bahay niyo. Susunduin mo pa siya diba?" "Huh? Ah... Oo." "Bababa na ako..." Sinubukan kong buksan ang pintuan ng sasakyan niya pero hinila niya ako. "Pasensya ka na, Cel. Kailangan ko talaga siya eh. Kailangan kong makipag-ayos sa kanya para makauwi na..." Tiningnan ko ulit ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Alam ko. Kaya nga nagvolunteer akong bumaba na diba?" Umuulan pa naman. Wala pa akong payong. "Sorry... at salamat! Babalikan kita dito pagkahatid ko sa kanya sa bahay." "Wa`g na..." Ngumiti ako. Alam kong di niya rin naman ako babalikan eh. Baka hindi na siya papayagan ng mga magulang niyang umalis dahil marami na sigurong tao sa bahay nila. Kinuha ko ang regalo ko sa kanya, "Happy birthday, Gab." at binigay. "Salamat, Cel!" Tinanggap niya naman agad at linagay sa harapan. Yinakap niya ako. Maginaw ngayon, pero nawala ang ginaw ko dahil sa yakap niya. At alam na alam ko na pagkatapos ng panandaliang yakap niya, giginawin ulit ako. "Sige... good luck kay Gianna!" Ngumiti ako at lumabas. Tumakbo pa ako para sumilong sa waiting shed. May sinigaw siya, peri hindi ko na narinig dahil sa lakas ng buhos ng ulan sa pagitan namin. Kumaway na lang ako. I assumed he said goodbye. Umalis din naman siya agad pagkatapos kong kumaway.
FIFTYFIVE Celestine Herrera: Nagsinungaling ka na naman ba?
Pinagmasdan ko ang paglayo ni Gab hanggang sa nawala na ito ng tuluyan sa paningin ko.
Lumalakas ang ulan... pero wala parin akong ginagawa dito. MAy cellphone naman ako, di naman lowbat pero wala akong planong buksan ito o tumawag ng kung sino. Gusto ko lang talagang maramdaman ang mga pangyayari ngayon. Binuksan ko ang palad ko at sinalo ko ang ilang patak ng ulan sa labas ng waiting shed. Ilang sandali ang nakalipas, mejo humupa ang ulan. Wala parin ako sa mood dumungaw sa cellphone o umuwi. Oo, wala ako sa mood umuwi. Alam ko na kung anong tatambad sa akin dun kung uuwi man ako. Sigurado akong maraming tao kina Gab, nandun na rin siguro ang teammates niya. At sigurado akong nandun na rin si Gianna. Siguro nagkabati na ang dalawa ngayon. Nagsimula akong maglakad kahit umaambon pa. Umaambon? Hindi, talagang umuulan pa. May mga jeep na ring halos ipapasakay na ako dahil sa sitwasyon pero tumanggi ako. Malapit-lapit na rin naman ang bahay namin dito eh. Mga ilang kanto lang siguro eh makakarating na ako sa entrance ng subdivision. Linakad ko na kahit maginaw na at umaambon parin. Feeling ko magkakasakit ako bukas... pero hindi naman siguro ano? Malakas naman yata ako. Syempre, kahit anong mangyari, makakarating at makakarating ako sa loob ng subdivision. Kahit anong bagyo pa ang dumating, pag pursigido kang umuwi, makakarating ka. Mabagal man ang lakad mo, maginaw man ang daanan, maraming temptations, at masama na ang pakiramdam mo, pag pursigido ka... kaya! Pagtapak ko sa street namin, saka tumigil ang ulan. Kasabay ng pagtigil ng ulan ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Feeling ko lalabas na ito sa kaba ko. At dahil hindi naman talaga ako makakauwi kung hindi ako dadaan kina Gab, "Celestine!" Wala pa ako sa sarili kaya di ko namalayang si Gab na pala yung nagmamadaling lumabas ng bahay at hinarap ako. Halos madurog ako sa pagkakahawak niya sa magkabilang balikat ko. "O, Gab-" "Saan ka ba nagsu-susoot? Alam mo bang hinanap kita kanina? Halos tatlong oras kang hindi makontak! Alalang alala ako sayo! Pati mga magulang mo, alalang alala sayo! Halos mapatay ako ni Sky!" Mejo nagkaroon na ako ng malay dahil sa sigaw niya. "Cel!" Palabas na si Kuya sa sasakyan niya. Kakarating niya lang yata. "Kuy-"
"Ikaw bata ka! Saan ka ba nagsususoot? Lam mo bang pinagtakpan pa kita kay mama at papa para lang hindi masira ang gabi nila? Sinabi ni Gab na wa`g kang umalis doon dahil susunduin ka lang niya, tapos umalis ka naman?" "Ha?" Sinabi niya ba yun? Tumingin ako kay Gab at naramdaman ko ang... galit sa mga mata niya. "Hindi ko narining eh!" Napabuntong-hininga silang dalawa. "Kahit di mo narinig, dapat alam mo na yun! Hindi naman kita hahayaang tumayo lang dun habang umuulan!" Galit talaga ang mga mata ni Gab sakin. "O sige na! Tama na nga yan... ang importante, nakauwi yan ng safe dito. Kung hindi, lagot ka talaga sakin Gab! Cel, pumasok ka na dun sa loob, kumain ka na at magpakita kina mama at papa." Tapos umalis si Kuya kasama ang mga kaibigan niyang mukhang galing din kina Gab. Kaming dalawa na lang ni Gabriel ang nasa labas ngayon... wala akong ganang kumain pero alam kong kailangan kong magpakita kina mama at papa. "Papasok muna ak-" Lalagpasan ko sana siya pero pinigilan niya ako. "Nakakainis ka!" Sabi niya. "Pinag-alala mo ako!" "Sorry. Kasalanan ko, hindi kita narinig." Sinabi ko ito ng parang walang gana. "Papasukin mo na ako sa loob, mas nag-aalala si mama at papa." "Magbihis ka muna sa bahay niyo..." "Huh?" "Nabasa ka sa ulan diba? Naglakad ka ba papunta dito?" Hindi ako nagsalita. "Ba't ka naglakad? May taxi naman, may jeep!" "Eh sa gusto ko eh." "Magkakasakit ka niyan!" Umiling siya. "Lika na nga sa bahay niyo... mag bihis ka dun, saka tayo bumalik sa bahay!" Hinila niya ako patungo sa bahay namin. "Gab!" May sumigaw galing sa likuran... at syempre, kilala ko yun! Si Gianna! Tumigil si Gab sa paglalakad at binitiwan ang kamay ko. "Hinahanap ka ng mga kaibigan mo sa loob, nandito ka lang pala!" Tapos tumingin si Gianna sakin. "Oi, Celestine! Saan ka ba galing?" Nakangiti siya habang naglakad papunta samin ni Gab. "Ahh-"
"Kanina ka pa namin hinihintay eh... alalang alala sayo si Kuya Sky." "Oo. Sorry." "Gab! Pare! Happy birthday!" Sabi nung iba pang mga kaibigan ni Gabriel na kararating lang. "Oi!" Kumaway siya pero hindi niya linapitan. "Gab, lapitan mo kaya sila?" Sabi ni Gianna. "Mamaya na... sasamahan ko muna si Cel sa bahay nila..." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Gianna. Nagkasalubong ang kilay niya habang tinitingnan si Gab. "Ha? Bakit?" "Ayaw magbihis eh, basang-basa..." "Ha?" Hinawakan ni Gianna ang damit ko. "Di naman ah?" "Hindi na... natuyo na kasi. Kaya nga-" "O sige sige... ako na lang maghahatid sa kanya sa bahay niya tapos sabay kaming babalik sa inyo. Puntahan mo na sila dun!" "Ha?" O sige na Gab! Tama na yan... bumigay ka na kay Gianna. "Wa`g na Gianna, hintayin mo na lang muna ako sa bahay. Maiintindihan naman siguro ng mga kaibigan ko kung sasabihin ko sa kanila." Natahimik si Gianna. Ako tuloy ang parang gustong sumingit sa pagsasalita ni Gabriel. "Lika na, Cel!" Iniwan namin si Gianna dun habang papunta kami ni Gab sa bahay. "Gab, di mo naman kailangang samahan pa ako eh. Kaya ko naman." Sabi ko. Hindi siya nagsalita. "Iniwan mo si Gianna dun, baka magkagalit ulit kayo... kababati niyo lang diba?" Hindi siya nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa bahay. "Magbihis ka na." Sabi niya habang umuupo sa sofa ng sala namin. Dumiretso na lang ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Bumalik ako sa sala at andun parin siya nakaupo. Ngumiti siya nung nakita ako. "Bakit?"
Umiling siya. Bakit naman yun nakangiti? May dumi sa mukha ko? O baka naman kasi pambahay ang soot ko? Magbibihis sana ako ulit pero... "Tayo na sa bahay." "P-Pero... okay lang ba `to?" "Okay lang yan!" Natigilan lang ako habang nakatingin siya sakin. "Lika na!" Tapos hinila niya ulit ako palabas ng bahay. Minsan gusto kong magreklamo sa kanya. Gusto kong sabihing nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. Gusto kong malaman niyang nalilito ako sa tuwing mabait siya sakin, sa tuwing feeling ko mahal niya rin ako, naguguluhan ako. Kaya lang... gusto ko mang malaman niya ang mga ito, ayoko namang tumigil siya sa pagiging ganyan. Dumating kami sa bahay nila at agad naman siyang nawala sa tabi ko. May inasikasong mga kaibigan. Nakita ko doon sina Dexter at ang buong team. Pero una kong pinuntahan sina mama at papa, bago ako pumunta kina Dexter. Pagkatapos kong kumain at nakipagkwentuhan sa nag aalalang sina Dexter at Jana, nakita ko si Gianna. "Gianna!" Tumayo ako at iniwan muna sina Jana, Dexter at ang team. "Oh, Cel! Bakit?!" Hinila ko siya palabas ng bahay nina Gab. "Paano mo nalusutan si Gab?" Nakangiti siya sa mga taong nakasalubong namin habang hinihila ko siya dun sa walang tao. Minsan ang sarap sapakin ni Gianna. Sayang at pinsan ko siya. "Nagsinungaling ka na naman ba?" "Hindi no! Of course, hindi. Wala na kami ni Dino... kaya wala nang sabit." "Ano? Tapos? Sinabi mo sa kanyang kayo ni Dino habang kayo ni Gab?" "Hindi! Ano ka ba? Ba`t ko naman yun sasabihin? Ano ako, tanga?" Umiling siya. "Tsaka, wa`g mong sabihin sa kanya ah? Tsk... wa`g kang makealam saming dalawa, okay? Pasok na nga ako sa loob, ano bang ginagawa natin dito?"
Umalis siya habang umiiling. Yeah, right. Siguro mali ang pagiging pakealamera ko sa kanilang dalawa. Pero anong magagawa ko, concern ako eh.
FIFTYSIX Celestine Herrera: Oo. Salamat.
Sa gabing iyon, hindi ko na pinansin si Gabriel at Gianna kahit harap-harapan na nila akong pinagseselos. Si Jana at Dexter lang ang kinausap ko hanggang sa papauwi na ako. Hindi ko alam kung napapansin ba ni Dexter na mejo wala ako sa sarili pero alam ni Jana na talagang lumilipad ang utak ko.
"Cel, labas tayo bukas?" "O-O sige bah!" "Ano, susunduin kita??" Nag-isip pa ako bago sumagot. "Wa`g na... kita na lang tayo." Nahihiya na kasi talaga ako kay Dexter eh, hinahatid niya pa ako halos araw-araw sa bahay tapos magpapasundo pa ako kung lalabas kami? Hay, wag na! "O sige... uhmm, two o'clock, afternoon, tomorrow!" Sabi niya habang nasa loob na siya ng sasakyan at nasa labas lang ako. Magpapaalam na ako sa kanya dahil uuwi na raw siya. Maaga siyang umuwi kung ikukumpara sa ibang teammates niya at ibang bisita. Aniya, may gagawin pa raw siya kaya ganun. "Uhmm. Saan?" Nabigla pa ako nang sinabi niya kung saan kami magkikita. Paano ba naman, sa isang bago, sikat at mamahalin ang restaurant yon.
Sa gabi ding iyon, narealize kong kailangang iwasan ko na si Gabriel at Gianna. Ayoko ng makialam sa kanilang dalawa. Isa pa, naiinis ako sa mga ginagawa ni Gianna. Nalilito na rin ako kay Gabriel. Kaya mas lalo kong igugugol ang oras at atensyon ko kay Dexter. Ngayong OKAY na OKAY na sila, wala ng Dino si Gianna at masaya na si Gabriel, siguro naman hindi na nila ako kailangan? E-exit na ako sa buhay nila para mas masaya na sila. "Uy, hija! Narinig ko yooon ah?!" Sabi ni Jana habang sinisiko ako. "Ha? Alin?" Umalis na si Dexter. "Yung sinabi ni Dexter! Aray naku naman!!! Grabe... feeling ko magco-confess na siya sayo bukas! Pustahan tayo, kayo na bukas?" Natigilan ako. "Huh? Bukas?" "Oo! Asus kunwari ka pa! Alam kong alam mo na may gusto siya sayo. Plus, sa ganung place ka pa niya dadalhin! Sigurado na yan!!!" Tawa siya ng tawa sabay tili. "Nukaba! Impossible!" "Imposible ka jan! Hmp!"
Sabado ng umaga, nagising akong parang sinakluban ng langit at lupa ang ulo ko. Anak ng balyena, isang galaw ko lang, alam na alam ko na kung anong nangyayari sa sistema ng katawan ko. EHEM. Hindi pwedeng ganito! Hindi ako naniniwalang may lagnat ako kaya ginawa ko lang ang mga normal na gawain ko. Kumain, naligo, nakipagkulitan kay Kuya... at kung anu ano pa. Hindi pwedeng ganito, may lakad kami ni Dexter mamaya eh. Alas dose na kaya, ayokong mag back-out bigla no! "Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Kuya habang tinititigan ako. "Huh?" "Bakit ganyan ang mga mata mo?" Agad niyang linagay ang palad niya sa noo ko. Tinanggal ko agad yung palad niya kasi natatakot ako sa sasabihin niya. "May lagnat ka ah!" Pero wala akong takas.
"Wala!" "Meron! Oi! Teaka lang!" Pumunta siya sa kwarto niya. Patay! Kukunin niya yata yung mga gamit niya sa med school. O baka naman kukunin niya ang temperature ko. Mabait na kuya si Kuya Sky, pero hindi ko siya kayang sundin sa mga ganitong pagkakataon. "38! Lagnat nga yan!" Sabi niya habang binabalik ang thermometer sa lalagyan nito. "Mag pahinga ka nga!" Humiga ako sa sofa. Umalis ulit siya ng nagmamadali. Bumalik siya ng nakabihis na at may dala-dalang kumot. "Sa kwarto ka kaya magpahinga no?" Sabay balot sakin ng kumot. "Nukaba kuya! Okay lang talaga ako. Mejo sumasakit lang ang ulo ko. Dito na ako sa sofa para makapanood pa ako ng TV!" "Shatap ka nga diyan! Oi! Magiging doctor na ako, baka nakalimutan mo? Ang hina mo talaga! Konting ulan lang kagabi eh ganyan ka na. Kailangan mo yata ng vitamins eh!" Inirapan ko siya. Hindi ko na rin alam kung bakit pati pag-irap eh nahihirapan ako. Sumakit tuloy lalo ang ulo ko. "O, dito ka lang! Wala si mama at papa, mamayang gabi pa ang uwi ng dalawa... wa`g kang aalis ah? May lakad ako, uuwi ako agad." "Oo na!" Linagay niya ulit ang palad niya sa noo ko. "Inumin mo `to ah?" Sabay abot ng gamot. "Oo. Salamat." Tapos, umalis na siya. Ininom ko ang gamot, pero wala akong planong di tutuloy sa lakad namin ni Dexter. Itutulog ko na lang siguro itong sakit ng ulo ko. Makapagpa alarm nga ng 1PM. *TINGTINGTINGTINGTING-TINGTINGTING-* Walanya! Alarm na agad? Parang saglit lang yung tulog ko eh! Naku naman oh. Bumangon ako at ramdam ko parin ang sakit ng ulo ko. Di ko na lang siguro iisipin `to. Ininom ko ang gamot tapos nagbihis. Nakita ko sa cellphone ko ang apat na text message galing kay Dexter.
Dexter: Good morning! Dexter: Tuloy ka mamaya? Dexter: Tuloy ka mamaya? Dexter: Sigurado ka bang di ka magpapasundo? Patay! Ang dami niya palang text tapos ako dito, tulog lang nang tulog. Celestine: Oo. I'm coming na. :) Ilang saglit lang, may reply na agad siya. Dexter: Okay. I'll be waiting for you. :) Makaalis na nga sa bahay, baka mamaya makauwi na yun si Kuya eh di ako palalabasin.
FIFTYSEVEN Celestine Herrera: Mag aapologize lang naman ako eh!
Umalis ako ng bahay. Hindi pa ako dumarating sa tapat ng bahay nina Gabriel, mejo naisipan kong bumalik dahil masyado na akong nahihilo. Grabe, sana pala nagpasundo ako. Umiikot na ang lahat eh. Umiikot na ang lahat sa paningin ko. Umiikot. Umiikot. Umiikot. Nagising ako ng nasa loob na ng kwarto ko. "O! Ingat!" Sabi ni Gab habang may linalapag sa mesa malapit sa kama ko. Mabango yung linalapag niya, nakakagutom tuloy. Pero wala ako sa posisyong mag-isip ng kung anong gutom. Bumangon ako at naramdaman ang linsyak na sakit ng ulo ko. "Umaapoy ka sa lagnat, tapos nagbabalak ka pang umalis?" Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit. "Anong oras na ba-"
"Tinawagan ko na si Sky, pabalik na daw siya. Nag-aalala yun. Pagagalitan ka nun pagbalik, sigurado." Kinuha niya ang soup na kanina ko pa naamoy. "Eto oh." Umamba siyang susubuan ako. Pero kinuha ko ang kutsara at sinubuan ko ang sarili ko. "Ang arte." Umupo siya sa kama ko habang tinitingnan akong kumakain. "Sinong nagluto nito?" Tanong ko. Masarap!!! Hindi ko alam kung masarap ito dahil masakit ang ulo ko o sadyang masarap lang ang pagkakaluto nito. Napakamot si Gab sa ulko niya. Agad ko namang nakita ang nakapulupot na bracelet sa wrist niya. "Ako. Hehehe. Masarap bah?" Oo! Masarap! WOW! Si Gabriel pala ang nagluto nito, kaya masarap. Pupurihin ko na sana siya pero nang tinitigan ko ang bracelet na soot niya, nakita kong hindi yun ang binigay ko. "Ayoko na." Sabay bigay sa kanya ng bowl. Hindi ko pa nauubos pero nawalan ako ng gana. "Huh? Bakit?" "Di masarap!" "Huh? Kani-kanina lang eh higop ka ng higop at sarap na sarap ka... tapos ganyan ka ngayon?" Humiga ulit ako. "Nahihilo ako." Sabi ko. Linapag niya ulit sa mesa ang linuto niyang soup habang linalagyan ako ng kumot. Sumulyap ulit ako sa bracelet niya. "Asan yung bracelet na binigay ko?" Tanong ko. Ba't di niya soot-soot? Di niya ba nagustuhan? "Ahh. Nasa bahay lang." Tinago niya ang wrist niya. "Kanino yan? Patingin!" "Ahh. Bigay to ni Gianna eh." Sabay pakita niya sa bracelet.
Tumango ako. Pero hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ibinigay ko sa kanya. Mabuti na lang at mejo linalagnat ako kaya hindi siguro siya magtataka kung mejo pangit ang mukhang naipakita ko. Kay Gianna naman pala ang bracelet na sinusoot niya. Syempre, di naman pwedeng dalawang bracelet ang isusoot niya, baka magduda pa si Gianna. At syempre, nararapat lang na yung kay Gianna ang susootin niya dahil siya ang girlfriend. :( Katahimikan. "Ikaw talaga! Ba`t ka umalis ng bahay ng ganito? Hay naku-" "Hala!!! Oo nga pala! Anong oras na?" Napatingin ako sa wallclock ng kwarto ko. Lintik na pag-ibig! Alas singko na! "Patay! Si Dexter!" Bumangon ako. "Oops! Anong Dexter? Dexter ka jan!" Pinahiga niya ulit ako. "May lakad kami ni Dexter! May usapan kami..." "Ganun na ba talaga ka importante si Dexter sayo? Na okay lang na magkasakit ka basta mapuntahan mo lang yung lakad niyo?" "Hindi naman kasi ako bastos para mang-indian! Asan na ba yung cellphone ko?" Binigay niya ang cellphone ko. Pero bago ko pa nahanap ang pangalan ni Dexter sa phonebook ko, naglowbat na ito. "Shucks!" "O kita? Pati ang tadhana, ayawng pumunta ka dun!" "Bakit? Sinabi ko bang pupunta ako? Mag aapologize lang naman ako eh! Sigurado naman akong wala na yun don. 2PM kaya ang usapan namin." "Yun naman pala eh. Bukas ka na mag apologize." Hindi na ako sumagot. Pakiramdam ko kasi, naubusan na ako ng enerhiya. Humiga nalang ako at ang tanging naiisip ko na lang bukod sa pang-iinis ni Gab eh ang pagtulog. Ilang sandali ang nakalipas, tahimik na ang linsyak na si Gab. May mga kung anu-ano siyang orasyong ginagawa tulad ng paglalagay ng basang tuwalya sa noo ko at ang pagdadala ng mga gamot at maiinom. Minsan, naiisip kong ang sarap mag paalaga sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili kong mag-isip na naman ng kung anong meaning sa ginagawa niya sa akin ngayon. Dahil sa huli, alam na alam ko parin na WALANG MEANING tong lahat ng to. Pinikit ko ang mga mata ko habang dumadapo ang palad niya sa noo ko. Nakikita ko din kasi yung bracelet na lumalapit sa mga mata ko. Malamig ang palad niya at nakakagaan ng loob. Nakapikit parin ako ng narinig ko ang buntong-hininga niya.
"Cel, sorry. Kasalanan ko `to. Iniwan kita sa ulan kagabi." Ano ba `tong sinasabi niya? Sinasadya niya ba ito para marinig ko talaga o akala niyang tulog na ako? "Ikaw kasi eh... di mo na ako hinintay. Napahamak ka tuloy. Matuto ka na kasing maghintay..." Didilat na talaga ako pramis! At bubugahan ko siya ng apoy. Pero marami pa akong gustong marinig sa kanya kaya gusto ko pang magtulog-tulugan. Naramdaman kong tumayo siya nung narinig niya ang bosina ng sasakyan. Kay Kuya Sky siguro yun. "Cel?" Didilat na ba si Celestine o hindi? Paano kong dapat pala tulog ako? Diba may ganun sa movies? Sinasabi lang nung lalaki ang mga ganyan dahil akala niya tulog na yung babae? Dapat marinig ko lahat eh... kaya tulog nalang muna!? Bumosina ulit ang sasakyan ni Kuya Sky. Narinig ko ang tahimik na halakhak ni Gab, "Ang tanga ko naman. Tulog na pala `tong kinakausap ko." Dumilat agad ako para ipakitang GISING PA AKO! Kaya lang nakatalikod na siya sa pintuan at lumabas na para buksan si Kuya sa ibaba. LINSYAK! Gabbbbb, narinig ko yun! Di ako tulogggg!
FIFTYEIGHT Celestine Herrera: puntahan mo na lang kaya?
Pagkatapos akong icheck-up ni kuya, nakatingin lang sila sakin na para bang disappointed at may nagawa akong kasalanan. "Buti nakita ka ni Gab sa daanan." Sabi ni Kuya. "Kung hindi ka niya nakita, magmumukha kang pulubi diyan sa tapat ng bahay nila na walang matutuluyan. Mahihimatay ka na eh, tapos lalabas-labas ka pa?"
Ayan, sermon ni Kuya ang inabot ko. "Eh... importante lang talaga eh-" "Yung lakad niyo ni Dexter?" "Dexter? Sinong Dexter yan?" "Yung teammate kong manliligaw niya." Ay naku, si Gab sabat nang sabat. Para bang sila lang ni kuya ang nag-uusap jan at wala ako sa harapan. "Ano? Sino yan? Paano kung kasama mo siya nung nahimatay ka? Naku! Ikaw talagang bata ka!!!" "Kuya! Ano ba yang mga iniisip mo? Hindi naman masama si Dexter eh." "Kahit na! Malay mo naman diba? Baka pag nahimatay ka't kasama mo siya...-" "Tama na nga yan! Di naman ganun si Dexter eh!" Nakakahiya naman yung mga iniisip ni Kuya. Lalong lalo na't hindi totoo ang mga ito. Nakita kong umiling si Gabriel habang pinagmamasdan ang ekspresyong pinakita ko. "Di bale na nga! Sige na, matulog ka na diyan at magpahinga ka na." Inirapan ko si Kuya at hiniga ng mabuti ang masakit kong ulo. Liniligpit niya ang gamit niya habang nakatingin lang si Gab at nakahalukipkip sa tabi. "Aray, ang sakit ng ulo at lalamunan ko." Sabi ko ng wala sa sarili. "Baka magkaka ubo ka." Sabi ni Dr. Gab. "Hindi baka, talagang magkaka ubo at sipon yan!" Singit ni kuya habang liniligpit parin ang mga gamit niya. "Ikaw ba naman yung linakad ang ilang kilometro habang umuulan? Tsss..." Nakita kong umiling si Kuya. "Eh kasi naman... nakakainip eh." Sabi ko. Mukhang binalewala ng dalawa ang sinabi ko. At... "Gab, iwan muna natin siyang nagpapahinga dito. Lumabas ka na muna at may paguusapan tayo." Tumango naman si Gab at walang pag-aalinlangang lumabas. Inisip ko sa kama kung ano ang maaring pag-usapan ni Kuya at ni Gab sa labas, kaya lang, nakatulog na ako.
Ang himbing ng tulog ko kaya pagkagising ko, akala ko malilate na ako sa school. Agad akong bumangon pero naramdaman ko ang sakit ng ulo ko at ang mabigat na kumot sa katawan ko. "Patay... School." Sabi ko habang nakapikit pa ang mga mata at nakahawak sa ulo. "Anong school? Linggo kaya ngayon." Narinig ko ang halakhak ni Gab sa tabi habang inaayos ang soup na mukhang siya ulit ang nagluto. "O, ba't andito ka pa?" "Psst, Celestine... nukaba, dapat magpasalamat ka kay Gab." Biglang pumasok si Mama sa kwarto. Sumulyap akos a wallclock at Alas diyes ng umaga na pala. "Ha? B-Bakit? Dito ka ba natulog?" "Hindi. Pero maaga siyang nagpunta dito para lutuan ka ng soup at hinintay ang paggising mo." Mejo natigilan ako sa sinabi ni mama. "Masakit ba ang lalamunan mo?" Tanong ni mama habang linalagay ang palad sa leeg ko. "Mejo..." "Tama si Sky, baka nasa ilalim ang ubo mo." Napansin kong nakabihis si mama habang tinutulungan si Gab na ihanda ang soup para sakin. "Gab, ikaw na muna bahala dito. Di naman yun lalabas si Sky eh..." "Opo. ako pong bahala!" Sabay pa cute. "Tawagan niyo ako kung meron kayong kailangan..." Umupo si mama sa tabi ng kama habang hinahaplos ang noo ko. "Pagaling ka. Aalis kami ng papa mo. Pumunta yun dito kanina pero tulog ka pa raw... ano? payag ka bang umalis kami?" Tinanggal ko ang kamay ni mama sa noo ko. Nakatingin kasi si Gab eh. Feeling ko may kung ano... ano? HAHA "Mama naman, okay lang kaya no! Nukaba... di na po ako bata. Tsaka, konting lagnat lang `to. Andyan naman si Kuya." "...at si Gab." "H-Huh? Oo! Kaya... oo nga... okay lang!" Ayun, ang awkward ng sinabi ko. "O sige..." Hinalikan ako ni mama sa pisngi. "Kumain ka na."
Umupo ako ng maayos habang inabot sakin ni Gab ang soup. "Gab, kayo na muna ang bahala dito ah? Tawagan niyo ako kung may problema." "Opo. No problem!" "Ambait talaga ng batang `to, naku!" Sabay gulo ni mama sa buhok ni Gab. Kamuntik ko ng maisuka ang unang subo ko sa soup niya dahil sa sinabi ni mama. "Sige, Cel! Pakabait ka... Wa`g kang makulet!" "Opo!" Tsss? Makulit? Umalis na si mama at ngayon, kami naman ni Gab ang naiwan. Ba't ba siya laging nandyan kung kelan wish kong sana mag-isa na lang ako para wala na akong ibang maisip. HAAAY *Krrrriiing* Subo parin ako nang subo sa soup. "Hello?" Linagay niya ang cellphone niya sa tenga niya. Habang ginawa niya yun, napansin ko ulit yung bracelet - na hindi akin. :( "Good morning din! Oo..." Sumulyap si Gab sakin. "Nasa bahay nina Cel... hindi parin eh... oo... kumakain... oo..." Pwede i-loudspeaker yan? Gusto kong marinig eh. Mukhang ako yung topic. "Ngayon na?" Tumingin siya sa wallclock. "Di pwede eh... sorry..." Sulyap ulti sakin. "Salamat... Okay... See you... I love you too." Maiisip ko na sanang hindi girlfriend niya yung kausap niya, kaso I LOVE YOU TOO ang huling salita eh. Binaba niya ang phone. "Si Gianna?" "Oo eh." "Anong sabi?" "Wala." "Anong wala?" "Kinamusta ka lang..." "Ako?" Di ako naniniwala. Baka siguro IKAW yung kinakamusta. "Kumain ka na nga lang diyan, lalala ka niyan eh." Sumubo ako pero binigyan ko siya ng mga inis na titig.
"May usapan ba kayo or something ngayon?" "Wala naman..." "Bakit may 'Hindi pwede... Sorry' akong narinig?" "Ahh wala yun. Ano ka ba!? Wa`g ka ngang mag-isip ng mga kung anu-ano. Kumain ka na lang diyan para gumaling ka na!" Pagkaubos ng soup na masarap pero di ko na lang pinapakita para di ma-overwhelmed si Gab, pinagpawisan ako ng todo-todo. Mukhang napansin niya iyon kaya humanap siya ng tuwalya. Pero lanya, bumangon ako at tumayo, GUSTO KONG MALIGO. SERIOUSLY. "Saan ka pupunta?" "M-Maliligo." "Maliligo? Eh inaapoy ka ng lagnat?" Sorry. Nakikita ko lang na mukhang kailangan kong maligo dahil baka mabaho na ako tapos andyan pa si Gab. Nakakahiya naman. "Di ka pwedeng maligo!" Seryoso ang pagkakasabi niya. "Pero..." "Hindi pwede, Celestine. Magpahinga ka nga diyan sa kama mo. Wa`g ka ng mag-isip ng kung anu-ano." "Oi, anong kaguluhan `to." Biglang pumasok si Kuya. "Gusto niyang maligo, pero hindi ko pinapayagan." "Naku, Cel! Sige malio ka diyan at baka maospital ka niyan." "Ang OA niyo naman... hindi naman siguro yun mangyayari." "OA na kung OA, naninigurado lang naman tayo eh!" Sabi ni Gab. "Oo nga! Cel naman! Humiga ka na sa kama mo. Kukunin ko lang ang gamot mo..." Umalis ulit si Kuya. Pahiga na ako sa kama nang nakita kong busy si Gab sa pagti-text. "Gab, sigurado ka bang wala kang lakad or something?" "Wala naman. Si Gianna kasi, gusto niyang pumunta ako sa bahay nila ngayon din. Ang weird." Weird? Tsaka... agad niyang pinapupunta si Gab sa bahay nila? Bakit kaya? "Baka may lakad kayong nakalimutan mo?" Linagay ni Gab ang palad niya sa noo ko habang binababa ang cellphone niya.
"Wala nga eh." "B-Baka..." Nakakainis naman o, ang caring naman masyado ng mokong na `to. Sapakin ko kayang bigla? "B-baka..." Sasabihin ko ba ang mga BAKA ko? Baka umalis siya kung sasabihin ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Seryoso siya at mukhang seryoso din naman ang pinapakitang mukha ko. Hinihintay niya ang idudugtong ko. "Baka... nagseselos yun kasi nandito ka." Nagkibit balikat siya. "Ba't siya magseselos, eh siya naman ang girlfriend ko." "Oo nga naman!" Leche. "Bestfriend lang ako." Katahimikan. O sige na Gab, tama na yan kasi titigil na rin ako. Inaantok na rin ako at sumasakit ng sabay ang ulo at puso ko dito eh. Matutulog na ako... superrr. Inabot niya ulit ang cellphone niya, "... Baka nga... nagseselos yun." "Huh, bakit naman?" Tiningnan niya ako habang umiiling. Nagtext siya. "Sabi ko na eh, puntahan mo na lang kaya?" Huminga siya ng malalim. "Baka eto pa ang maging dahilan ng pag-aaway niyo." Katahimikan. Biglang pumasok sa utak ko... at naitanong ko sa sarili ko, kung bakit nasabi niyang magseselos nga si Gianna kahit siya naman ang girlfriend nito. Bakit kaya? "Worth it na dahilan naman." Binaba niya ulit ang cellphone niya. "Matulog ka na. Di ako aalis, promise." Tama na. Yun na yun. Yun lang yun. Yun lang ang gusto kong marinig. Ayoko ng magsalita baka may marinig pa akong di kanaisnais at masira pa yung mga huling salita niya. Gusto ko lang matulog ng may ngiti sa labi... ngayon.
FIFTYNINE Celestine Herrera: can we talk?
Ang ganda ng feeling ng makaligo na. Sa wakas, okay na ako. Hindi na masakit ang ulo ko kahit mejo inuubo pa ako. "Wa'g ka ng magpaulan ah!" Sabi ni Gab paglabas namin ng sasakyan niya. Sumabay ako sa kanya ngayon kasi mapilit siya eh. Kahit mas maaga ang pasok ko sa kanya, talagang sinikap niyang magkasabay kami. May magagawa pa ba ako kung talagang mapilit siya? Haaay. Masaya nga ako dahil siya masyado siyang concern. HIIIII. Loko ka talaga, Cel! Baka maisipan ko na namang may gusto `to sakin. Concern lang talaga `to dahil... concern lang. Wala ng ibang dahilan. Pinipigilan ko na ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano, kaso minsan... di ko maiwasan eh. "Opo." "Hirap mo pa namang alagan pag nagkakasakit ka." Evil smile. "Sino ba kasing nagvolunteer na alagaan ako? Di naman kita pinilit." Inirapan ko siya. "Wala! Joke lang noh! Sige na...-" Napansin naming papunta dito si Gianna. "-baka late ka na." "Okay, sige bye!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya't umalis na agad ako. Wala naman kaming ginagawang masama, umiiwas lang ako sa gulo. Pagdating ko sa classroom. Nagsimula agad ang klase kaya wala na akong time para makipagchikahan kay Jana o kahit kay Dexter. Pagkatapos ng klase, linigpit ko ang mga gamit ko. Nabigla ako ng nagmamadaling umalis si Dexter ng wala man lang sinasabi sa akin. Hindi niya man lang ako tiningnan at pinansin. "Anong nangyari dun?" Tanong ko kay Jana. "Huh? Bakit?" Tumulong siya sa pagliligpit ko. "Ba't walang imik?" Kinabahan ako. Baka dahil hindi ako sigurado sa inasta niya. Tsaka, ba`t parang expected ko ng papansinin niya ako? Di naman ako espesyal... siguro. Anong nangyari dun?
Umalis ako sa classroom para sundan si Dexter, pero nawala na siya. Umiiling si Jana habang papalapit sakin. "Ano ba kasing nangyari?" Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na mapigilan ang kaba ko, "Eh kasi... hindi ko sinipot yung date!" "Huh?" "Yung date kahapon. Di ko sinipot kasi nagkasakit nga ako diba?" "So? Galit siya?" "Ewan ko." "Nagpaalam ka ba? O nag apologize man lang?" "Hindi... Argh... Kasi nag lowbat na yung phone ko. Ngayon pa sana ako mag-aapologize eh." "Kaya naman pala! Edi habulin mo na. Walang duda, galit yun. Syempre." Umiling ulit si Jana. "Pero... hmmm. di man lang niya tinanong sa`yo ngayon kung anong nangyari sayo't ba`t di ka nakapunta? Hmmm, galit nga siguro. Sige na, hanapin natin siya." Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Dexter kaya nga kinakabahan ako. Hinanap namin ni Jana si Dexter. Kung saan-saan na kami napadpad pero hindi namin siya nakita. Kanina ko pa tinitext at tinatawagan pero walang sumasagot. "Galit talaga yata siya, Jana." Sabi ko kay Jana. Ang bitter ng tono ko. "Weh, bahala siya! Eh hindi niya naman alam kung bakit di ka sumipot! Gaano ka importante ba yung date niyo at parang mas concern pa siya dun kesa sa kaligtasan mo. Lika na nga sa cafeteria, inuuhaw na ako sa kakahanap sa imbisibol na yun eh." "Try mo kayang tawagan si Cid?" Sabi ko habang hinihila niya ako papuntang cafeteria. "Oo na..." Kinuha niya ang celphone niya. Pero bago pa yata sinagot ni Cid eh nakita na namin si Dexter sa loob ng cafeteria. Para akong nabunutan ng tinik. Sa wakas, makakausap ko na siya. "Shet. Sino yang kasama niya?" May kasama si Dexter, babae. So? "OMG. They are so close!!!-" "Shhh! Grabe ka namang makaside-comments jan, Jana!" Sabi ko. Ano? Lalapitan ko ba siya o baka istorbo lang ako sa kanilang dalawa? Nagtatawanan pa kasi at, gaya ng sabi ni Jana, close na close ang dalawa.
"Lika na, alis na lang muna tayo?" Hinila ko si Jana pero ayaw gumalaw nito. Yun naman pala, papunta samin si Gab! "Oy Cel! Andito ka?" Naka evil smile pa ito. Napansin kong nakuha niya ang atensyon nina Dexter. Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi siya ngumingiti at parang may something. Inakbayan ako ni Gab at, "Hayaan mo yang iba jan! Ambilis makahanap ng kapalit! Sayang naman. Noh?" Nakangiti parin siya habang inaakbayan ako. "A-Anong sinasabi mo, Gab?" Nagkatinginan si Gab at si Dexter. Nakikita ko na naman ang tensyon sa mga mata ni Dexter habang ngingiti ngiti lang ang unggoy na si Gab. "Lika na nga!" Tapos hinila ako ni Gab papalabas ng cafeteria. Sumunod narin si Jana. "Hoy Gab! Ba't ngingiti-ngiti ka dyan? Ano bang nangyari? May ginawa ka no?" Tinanggal ko ang braso ni Gab sa balikat ko. "O-Oo nga! Ano ka ba-" "Ano? Wala ah! Totoo naman eh! Nakahanap na ng ibang liniligawan yung mokong? Cel, wa`g kang mag-alala. Galit ka ba sa kanya? Di bale, andito naman kami... cheer up!" "Heh! Anong pinagsasabi mo diyan!" Ano kaya talaga ang ginawa ni Gab at bakit parang may naamoy talaga akong something sa ngiti at kilos niya? "Cel!" Napalingon kami kay Dexter. Sinundan niya pala kami? "D-Dex? S-Sor-" "Ahhh. Andito na yung mabilis makahanap ng kapalit..." Nagkatitigan ang dalawa. Lalo akong kinabahan ngayong nakita kong nawala na yung ngiti ni Gab at seryoso na siya. "Dex, can we talk?" Sabi ko para mabawasan ang tensyon sa dalawa at mabaling ang atensyon sakin.
SIXTY Celestine Herrera: Anong sasabihin mo?
"Ano pa bang pag-uusapan ninyo-" "Wa`g ka na ngang makealam, Gab?" Sabi ko kahit agad ko namang pinagsisihan ang sinabi ko. "Gab, there you are!" Biglang sumulpot si Gianna kung saan at kumapit sa braso ni Gab. "Anong nangyayari dito?" Mejo natigilan pa ako sa kay Gianna, pero agad ko namang binawi ang tingin ko sa kanila. "Dex," Hinila ko si Dexter palayo at sinenyasan si Jana. Kumaway naman si Jana at tinaas ang cellphone, para bang sinasabing magti-text lang siya, kaya tumango ako. Hayun, iniwan ko si Gab at Gianna dun. As if naman big deal ang pag-iwan ko sa kanila dun. If I know, wala lang kay Gab yun. Ay ewan, ano naman kung wala nga lang kay Gab yun. Umupo kami ni Dexter sa isang bench sa school malapit sa soccerfield. "Dex, sorry." Naglakas loob na akong magsalita. Nakakatakot kasi dahil tahimik lang siya at parang binabalewala ako. Para bang may mabigat akong kasalanan. "Sorry kasi hindi ako nakapunta." Hindi parin siya tumitingin sakin. "Sorry dahil nakalimutan kong magtext o tumawag sayo na-" "Tinawagan naman ako ni Gab." Sabi niya. Tinawagan siya ni Gab? Eh yun naman pala eh... edi ba`t ako nagso-sorry dito? Tinitigan niya ako, "Ang sabi niya, hindi ka makakapunta dahil magkasama kayo at may date kayo. Mas importante pa daw ang date niyo kesa sa lakad natin."
Gumuho ang mundo ko pagkatapos sinabi ni Dexter iyon. Sinabi yun ng linsyak na Gab na yun? LANGYANG GAB! Kaya pala parang naiinis si Dexter dito? "Huh? Hindi yun totoo!" "Okay lang naman, Cel. Alam ko namang siya lang talaga ang gusto mo." "H-Huh?" "Kaya lang, naghintay ako dun eh. Hinintay kita. Tatlong oras akong naghintay tapos tinawagan lang ako ni Gab para sabihin yun? Cel," Huminga siya ng malalim at parang pinipigilan niyang magsalita ulit. "Dex! I'm sorry!!!" Ewan ko. Galit na galit na ako. Galit na galit ako sa ginawa ni Gab. Anong klaseng dahilan ba ang nagtulak sa kanya para paniwalain si Dexter na may date kami? Ba't di niya na lang sinabi ang totoo. Nakakainis naman... Nakakainis si Gab. Naiinis ako dahil nagalit si Dexter sakin. Naiinis ako dahil nagsinungaling si Gab. At higit sa lahat, naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa! "Hindi totoo yung mga sinabi ni Gab. Pasensya na." I tried to calm myself. Ayokong lumabas na kasalanan ni Gab ang lahat dahil ayokong mag-away silang dalawa. At isa pa, hindi lang naman si Gab ang may kasalanan dito eh, ako din naman. Kung bakit ko pa kasi hindi siya tinext o tinawagan kahapon, edi sana naliwanagan siya. WALANG HIYA! Ang malas naman!!! Nakatingin siya sakin at parang willing na willing makinig sa idadahilan ko. "Wala kaming date ni Gab kahapon... pero magkasama kami." Huminga ako ng malalim habang iniisip kung paano ko titirisin si Gab. "Nagkasakita ko kahapon. Nawalan ako ng malay kaya hindi na ako nakatawag. Sorry talaga! Alam kong mali yun. Pero wala akong nagawa kasi wala na talaga-" "Nagkasakit ka?" "Oo." Nakita kong mejo namula siya. "Pasensya ka na talaga, Dex. Naiintindihan ko kung magagalit-" Bigla niya akong yinakap. OMG. "-ka.-" "I-I'm sorry." Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. "H-Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari."
"Okay lang. Pero kasi... kasalanan ko." Bumitiw siya sa pagkakayakap at nakita kong pulang-pula na ang kanyang mga pisngi. Kakaloka naman ang scene na `to, hindi ko tuloy alam kung pati ba ako eh namumula na rin. "Di kita tinawagan. Tsaka," Nag-iiba na naman ang ekspresyon ko pag naiisip ko `to. "kasalanan din ng lintik na unggoy na yun! Kung bakit ka pa kasi niya tinawagan at gumawa pa talaga siya ng rason na isa namang malaking kasinungalingan! GRRR." Mejo nawala naman yung pag-iinit ng ulo ko ng nakita kong ngumiti si Dexter. "Okay na. Wa`g ka ng magalit sa kanya." Sabi niya. "Ahehehe. Hindi ko mapigilan eh." Nginitian ko din siya. Hindi ko talaga mapigilang di ngumiti pag nakangiti siya. "Tsaka... uhm. Sorry talaga! Hindi ko alam na tatlong oras kang naghintay dun. Sorry, sorry." "It's okay. Kung hindi nga siguro ako tinawagan ni Gab eh baka hinintay kita buong araw." "Huh? Naku. Sorry talaga. HUHU Sorry..." "Okay lang. Importante din naman kasi sana yung sasabihin ko sayo eh." "Huh? A-Anong sasabihin mo? Sorry talaga. Importante pala." Naku, Cel! Sasapakin kita kung di mo pa ma gets yung ibig sabihin ng importanteng yan. Hindi naman kasi ako manhid no. Syempre, di ko naramdaman `to kahapon. Ngayon ko lang kasi nalamang importante pala ang date na yun dahil may importanteng sasabihin si fafa Dex eh. Alam ko na yan, pero ayoko namang maging assuming masyado... "Uhm," Tumawa siya ng bahagya at halatang naiilang. "Awkward masyado eh. Hindi ko napaghandaan `tong ngayon." "Uhm, ano ba kasi yun?" "Cel, I love you. Can you be my girlfriend?" Laglag ang panga ng lola niyo ng biglang kinuha ni Dexter ang mga kamay ko at binanggit ang linyang iyon. Kahit na sinabi kong mejo alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin, iba parin pala pag sinabi na sa iyo, nakakalaglag panga. At habang nalalaglag ang panga ko dito, nagiisip din naman ako. Mahal ko parin, hindi ko ma deny eh, si Gab. Gusto ko naman si Dexter. At naniniwala akong matututunan ang pagmamahal. Pero ayoko namang sagutin siya ngayong di ko pa naman siya mahal. Alam ko... Feeling ko... wala na talaga akong pag-asa kay Gabriel. Nakikita kong wala akong pag-asa sa kanya ngayong nakita ko na siyang umiyak dahil sa girlpren niyang
mahal na mahal niya. Pero hindi ko rin naman kasi mai-di-deny na sa mga ginagawa niya sakin, meron paring konting posbilidad na gusto niya rin ako. WAAAAAAAAAAA Paano na ito ngayon? Hindi ko na alam ang gagawin ko!!!
SIXTYONE Celestine Herrera: Wa`g mo nga akong kausapin!
NALALAGLAG PARIN ANG PANGA KO DITO. "I'm willing to wait." Dagdag niya. Para akong nabunutan ng tinik sa huling sinabi niya. Ayoko mang aminin pero ganun nga ang naramdaman ko. Relief~! Kailangan ko ng oras. Dahil hindi ako sigurado, kailangan ko pang mag-isip. Mag-iisip ako dahil alam kong wala akong pag-asa kay Gabriel. Pero ayoko namang sagutin na lang si Dexter dahil alam kong di ako, kailanman, mamahalin ng ungas na iyon. Ayokong gawin siyang panakip butas. Pero alam na alam ko ring hindi ko dapat pinapatagal ang ganitong mga bagay. Alam ko namang hindi tama na pinahihintay ang isang lalaking nagmamahal sayo ng tunay. Masakit yun, alam ko dahil naranasan ko na ring maghintay sa wala. Kaya... sa lalong madaling panahon, higit sa kailangan niyang malaman ang sagot ko, kailangan ko na rin mismong malaman kung ano ba talaga ang sagot ko. Hinatid ako ni Dexter sa room. Sa klase pang ito, classmate ko si Gabriel. Nagmamadali nga si Dexter dahil may klase din siya at sa kabilang building pa. "Sige, hintayin kita mamaya ah?" Sabi niya nang nasa labas pa kami ng classroom. "O sige." Nagkatinginan kami at nagngingitian. "O sige na, Dex. Baka ma-late ka na niyan ah! Hehehe." Nakita kong papalapit si Jana kasama si Cid. "O sige." Ngumiti pa siya. Nag-usap muna sila ni Cid bago siya tuluyang umalis.
Pumasok na rin kami nina Jana. At pagkapasok ko, nakita kong naglalampungan ng bonggangbongga si Gab at ang pinsan kong si Gianna. "Mga walang hiya!" Bulong ko sa sarili ko na mukhang narinig naman ni Jana. Umupo kami sa likuran nilang dalawa. "Psssh. Kani-kanina lang eh ngingiti-ngiti ka dun sa labas tapos mainit ang dugo mo pagkapasok?" Siniko ko si Jana dahil lumingon si Gab samin. Kinuha ko ang mga notebook ko at nagsimulang magsulat ng kung anu-ano. Ayoko lang pansinin si Gab eh. Tapos, nakatingin parin si Gab sakin habang nakaholding hands siya kay Gianna. HUUU! Ano yan? Paselos? "Cel," Tinatawag niya ako. Cel, wa`g kang tumingin sa kanya! Naiinis ako sa kanya eh! Naglalampungan pa sila! Mga PDA! Leche! Nakakahiya kayo sa pamilya namin! Kulang na lang maghalikan kayo diyan! Halikan? Naiisip ko na naman yung paghahalikan nila sa bahay nina Gab! TERRIFYING! "Cel!" Inirapan ko siya. "Oi! Anong sinabi ni Dexter sayo? Naku! Siniraan ako noh?" WALA AKONG NARIRINIG! Sinisiraan? Bakit mo alam? Kasi hindi yun paninira! Totoo yun, Gab! Leche ka! May girlpren ka na, nangpepeste ka pa sa buhay ko! "Cel?! Ba`t di mo ko pinapansin?" "Couz? What's wrong?" Ayan na si Gianna. Nakekealam pa. Tiningnan ko silang dalawa pero hindi ako nagpakita ng ekspresyon. Linagay ko na lang ang daliri ko sa lips ko habang tumitingin sa likuran nila. Umupo sila ng maays nang nakitang nandun na ang prof namin. "Huy, Cel! Bakit? Anong nangyari?" Bulong ni Jana sakin habang palihim na tumatawa. "Nanligaw si Dexter sakin..." Sinabi ko ng palihim.
"HAAA~!" Halos marinig ng prof namin ang reaksyon ni Jana kaya sinulat na lang namin sa papel ang mga kailangan naming pag-usapan. Pagkatapos ng klase, natapos din ang paper-chat namin ni Jana. "Ay naku, bilisan na natin. Wa`g mong pansinin ang hunghang na yan." Sabi ni Jana. "Sinabi mo pa." Nagmadali ako sa pagliligpit ng gamit. "Hoy Ciddie Boy, bilisan mo`t baka iwan kita. Parang pagong `to!" Halos matawa ako sa panlalait ni Jana kay Cid. Wala talagang sinasanto ang babaeng `to. Pero kailangan ko paring ipakitang galit ako kaya hindi na ako tatawa. "Tayo na!" Nauna ako sa paglabas ng room. Talagang linagpasan ko si Gab ng walang tinginan. SUCCESS! "Oy, Cel!!!" Half-running si Gab papunta sakin. "Okay ka lang?" Hinawakan niya ang braso ko. Tinitigan ko siya. Nakita kong nakasunod naman si Jana at Cid. Nandun pa sa likuran nila si Gianna at pinapanood kami ni Gab. Pilit kong kinalas ang kamay niya sa braso ko. "Oy~" "Wa`g mo nga akong kausapin!" Inirapan ko siya at tiningnan si Gianna. "At wa'g mo rin akong sundan."
SIXTYTWO Celestine Herrera: Malamang...
Lumipas ang isang linggo at ganun parin ang trato ko kay Gab. Naiisip kong baka masanay na siya. Mas maganda nga kung masanay na siya para hindi na ako magpapakahirap sa pang-iisnab at pang di-deadma sa kanya. Bukod kasi sa pagpoproblema ko niyan, eh pinoproblema ko pa ang tungkol sa sinabi ni Dexter. "Ipagpapatuloy mo ba talaga yan?" Tanong ni Jana habang dumadampot ng chips sa chichiryang binili namin sa canteen. "Oo. Tsaka, madali lang naman eh, lalong-lalo na ngayong papalapit na ang midterms. Busy na ako, busy na rin siya. Mabuti na yung malaman niyang galit ako sa ginawa niya." Tumango naman si Jana at halatang suportado ako. "Tayo na? Magsisimula na yata yung practice game nila eh." Sabi niya. Tiningnan ko ang wristwatch ko, at mukhang tama ang sinabi ni Jana. May practice game kasi sina Gab, este, sina Dexter ngayon eh. Nagpunta na kami ni Jana sa gym at umupo sa bleachers. Napansin ko naman agad sina Gianna at ang ibang mga kaibigan niya sa cheering squad na panay ang wagayway sa banner na may nakamarkang 'Go, Gab!' "Ba't di ka sumama dun sa kanila?" Natawa ako. "Duh! Wala naman kaming meeting ng squad ngayon eh. Ang OA lang talaga niyang Gianna na yan." Ilang sandali, nakita kong pumasok sa gym si Stacey, kaya natahimik ang mga kanikanina lang eh naghihiyawang fansclub at girlfriend ni Gabriel. Napatingin ako sa court at nakita kong kumakaway si Dexter, kaya kinawayan ko na rin. "At kelan mo naman yan sasagutin?" Tanong ni Jana. "Hindi ko alam eh." "Naku, Cel! Wa`g mo ng patagalin yan!" Yinugyog ni Jana ang balikat ko. Mas excited pa yata `to sakin eh. "Daming fans niyan! Naku!" Umiling na lang ako.
Grabe ang game, halos tambakan nila ang kalaban. Nakakainis lang dahil masyadong maraming fans ang unggoy na Gab na yan at pacute pa nang pacute. Ang malas pa eh siya yung laging nakakaiskor! Masyadong salida talaga ang bwisit na `to. "Hoy! Ipasa mo naman yan sa kasama mo~!" Sigaw ko. Pinagtitinginan tuloy ako dito. Nakakainis lang eh, kanina pa `tong game dito tapos limang beses pa lang nakashoot si Dexter. Siya na lang lagi ang mayhawak ng bola, at sa tuwing nasa kanya, isho-shoot niya agad. Hindi tuloy makapagpasikat ang iba. Salida ka talaga, Gab! GRRR. "Ano bang ikinakagalit mo diyan, eh panalo naman sila?" Tanong ni Jana pagkalabas namin sa gym. "Ah eh basta! Nakakainis yung game!" Hinihintay namin si Dexter sa labas ng lockerroom, manlilibre daw yun pag nanalo eh. Syempre, kasama si Jana at Cid sa ililibre niya. "Magaling talagang maglaro si Gab, ano?" Sabi ni Cid. Suminghap na lang ako dahil ayaw kong magreact. "Oo, bata pa kami, naloloko na yun sa basketball eh." "Kaya naman pala-" "Wa`g na nga nating pag-usapan ang buang na yun. Tsss." Mabuti'g tumigil naman ang dalawa. Ilang sandali'y lumabas na si Dexter. Nagmamadali pa siya. "Pasensya na... natagalan ako." "Okay lang! Congrats nga pala!" sabi ko. "Oo nga, tinambakan niyo ang kalaban." Sabi ni Cid. Nakaharap ako sa lockerroom kaya tanaw ko kung sinong mga lumalabas. Syempre, kailangan na naming umalis dahil andyan na yung superhero ninyo. "Tayo na?" Aya ko. "Oy, Jana? San kayo?" Tanong ni Gab. "Kakain lang." "Wow." Tiningnan niya kami isa-isa. Sabi ko na nga ba, dapat nakaalis na kami kanina eh. "Kayong apat? Pares-pares?" Ngumiti siya. "Yeah! Pares-pares!" Sabi ni Jana. "Ikaw ba, san naman ang pares mo?"
"Ayyy. Ayun nasa loob pa ng CR. Nagpapaganda pa, syempre, dapat lang, ang gwapo kaya ng boyfriend niya." Tumawa pa siya. Ang bwisit! Nakaya pang magmayabang? "Ang hangin naman, alis na tayo? Baka bumagyo na!" Aya ko ulit. "Oy Cel! Ikaw talaga! Biro lang! Bakit ganyan ka?" Me? Deadma! "Ano? Tayo na?" Sabi ko ulit. Umalis kami. "Hoy, Cel! ang bastos mo ah?!" Sigaw ni Gab. Kainis! Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Sino kayang mas bastos satin?" "Oo, alam ko! Kasalanan ko na! Nakakainis lang kasi eh!" "Nakakainis ang alin?" "Sorry!" Nakakainis ang alin? Papatawarin na sana kita, pero bigla ka namang nag sorry?! NAKAKAINIS ANG ALIN? Come'on! Umirap ako at tinalikuran siya. "Cel!" Sinundan niya na naman kami. "Cel, yang lalaki lang bang yan ang makakasira sa friendship natin?" Sigaw niya. Friendship mong mukha mo! Friendship? Hindi ako makapagsalita. Pero tumigil ako para harapin siya. Cel, bilisan mo naman sa pag-iisip diyan ng sasabihin. "Malamang..." Sabi ko. "Si Dexter na nga siguro." "Hindi ako papayag." Tumingin siya kay Dexter. "Tandaan mo yan, Cel!" Pagkatapos ay tinalikuran niya kami. Sinalubong naman siya agad ng girlfriend niyang si Gianna. At umalis na silang dalawa. Ano ba ang dapat kong tandaan? Na hindi siya papayag na si Dexter ang makakasira sa friendship namin? Ano bang ginawa ni Dexter? Gusto niya lang namang makipagdate sa
akin. Makakasama ba yun sa friendship namin ni Gab? I was waiting for him to tell me that it's something else...
SIXTYTHREE Celestine Herrera: Maganda siya ah!
"Busog na busog ako, salamat Dex ah!" Sabi ko. Nanlibre kasi siya ng Mcdo. Pero naisip kong hindi naman talaga kelangan `to eh, masyadong bongga naman `tong si Dexter, practice game lang naman yun. Anyway, salamat sa pagkain. Ako talaga, nagrereklamo pa! "Walang anuman, nukaba!" "Mas okay siguro kung kayo lang dalawa, ano?" Singit ni Jana. "Eeeeeh~! HAHA!" Tawa nang tawa si Jana at Cid. Nakakahiya tuloy. "Cel, kasi, sagutin mo na `tong kaibigan mo!" Sabi ni Cid. Ngiting-ngiti lang kami ni Dexter. "uyyy, namumula si Cel!" Nagtawanan ulit si Jana at Cid. "Oy kayo, tumigil nga kayo jan! Kakahiya kay Dexter!" Sabi ko. "Eh kelan mo ba kasi siya sasagutin?" Tanong ni Jana. Ang linsyakk na Janang ito talaga oh! Hindi niya talaga mapigilan yung bunganga niya. Hayan tuloy, hiyang-hiya na ako kay Dexter dito. Ngingiti-ngiti lang `tong si Dexter pero pustahan, ilang na ilang na `to. Jusmiyo! "Uhm-" "Okay lang, hindi naman ako nagmamadali eh..." Sabi ni Dexter. "Hindi ka nga nagmamadali pero ang panget naman kung hintay ka na lang ng hintay diba?" Tumawa ulit si Jana. Ang sama na ng tingin ko kay Jana ngayon, kaya... "Ohhh, sige na! Di na nga lang ako magsasalita! HEHEHE." "Eh bakit Jana? Kayo ba ni Cid, may development na ba?" "Development? Hah, are you kidding me?"
Napatingin ako kay cid at pulang-pula ang pisngi nito. "Eeeeh! Cid, torpe mo talaga!" "Oy, Cel! Wa'g ka nga diyan! Stop that!" Umirap si Jana. Si Cid naman nakatitig kay Jana at mukhang nininerbyos ng todo-todo. Nakakatawa tuloy silang tingnan, parang may something. Unfinished business? HAHA "Hey, Dexter!" Biglang may tumapik sa likod ni Dexter. Owww. Yung sexyng babae na nakita ko last week na kasa-kasama niya. Oo nga, nakalimutan ko ang tungkol dito ah? May mga kasama din yung babae, ibang chix naman. Ang gaganda talaga. Gianna-level, pero syempre, mas maganda yung pinsan ko, pinsan ko nga kasi diba? LOL "Hey!" Ngumiti si Dexter. Tiningnan ako nung babae. "Hey, Cid!" Bati ng isa kay Cid. "Oy, Shei, kayo pala! Eto nga pala si Jana at Cel... Upo kayo?" Offer ni Cid sa babaeng si 'Shei'. "Uhmm-" Tiningnan nung babae si Jana na kaharap ni Cid. "-hahanap na lang kami ng ibang table. Okay lang." Ngumiti si Shei. Abah, magkakakilala ang mga ito? Mejo napatingin din si Jana sa mga babae. "Congrats ah? Nanalo kayo kanina." Sabi nung babae kay Dexter. "Oo nga eh. Salamat!" Ngiting-ngiti din si Dexter sa babae. Ano `to? Alis na lang kaya kami ni Jana noh? Nakakabanas eh. "Uhm, nga pala... Eto si Cel~" Sabi ni Dexter. "... eto naman si Jana." "Ahhh." Tinitigan ako ng mabuti nung babae. "I'm Krizza!" Sabay lahad ng kamay. Tumango ako at syempre, nakipagshakehands. Ewan ko lang kung bakit ako yung kinamayan niya. Ngingiti-ngiti pa siya habang nakatingin kay Dexter. Ako naman, patingintingin sa Cokefloat kong ubos na, nagbabakasakaling may chocolate syrup pang naiwan. At pwede ring, nag bi-busy-busyhan. "Pupunta ka rin ba sa party ni Joey next Saturday?" Tanong naman nung si Shei kay Cid.
Grabe naman `tong radar ko, simultaneous kung makasagap ng mga chismax sa tabi-tabi. "Hmmm, tingnan ko lang. May party ulit? HAHA." Sabi ni Cid. "Oo! Sana makapunta ka!" Ngumiti si Shei. "Titingnan ko!" Napatingin tuloy ako sa reaksyon ni Jana, pero wala eh, pareho kami ng defense mechanism - ang paghahanap ng tira-tirang chocolate syrup sa ubos naming Cokefloat. Dito naman ako kina Dexter... "... ah ganun ba? Naku! HAHAHA O sige next time." Sabi ni Krizzy. Shet? Ano daw yun? Hindi ko narinig yung mga sinabi. "O Sige, hanap na kami ng table, ginugutom na kami eh." Sabi ni Krizzy. "Oright!" Sabi ni Dexter sabay ngiti. "See you around!" Ngiti naman ni Krizzy. "Kaw din, Cel!" Kinindatan niya pa ako bago umalis. Nakakapagtaka dahil tahimik kaming apat nang umalis na ang mga babae. "Sino naman yun?" Mataray ang pagkakatanong ni Jana kay Cid. Siya ang bumasag sa katahimikan. "Kaibigan!" Sagot ni Cid. Tumango si Jana pero halatang hindi kontento. "Totoo! K-Kaibigan naman talaga eh..." Nininerbyos na sagot ni Cid. "-Kaibigan nga! Ano bah!" Sabi ni Jana. "Oy Jana, nagseselos!" Biro ko. "Selos? HAH!" Umirap siya. HALA!? Totoo ba `to? Nagseselos yatang talaga si Jana. "Jana... kaibigan ko yun... highschool classmates, you know..." "Oo nga! Ba`t ka nag-eexplain? Loko!" Irap nang irap si Jana. Natatawa naman ako dito. Napatingin tuloy ako sa nakatingin na saking si Dexter. Umiling ako, "Nakakatuwa talaga `tong dalawang `to." Sabi ko sa kanya. "Uhm... Cel." Kakaiba ang tono ng boses niya. Kinabahan tuloy ako, "Yep?" "Uhm... Krizzy's my ex..." Nalaglag ang panga ko sabay, "Ah..." Ngumiti ako, "Maganda siya ah! At mukhang mabait." Sabi ko.
SIXTYFOUR Celestine Herrera: Dahil naiinis ako sayo!
Pinatawag daw yung mga players dahil may meeting sila for the upcoming championship, kaya umalis na si Dexter pagkatapos naming mag Mcdo. "Okay lang ba talaga, Cel?" Tanong ni Jana. "Okay lang... Ano ba! Lagi naman akong umuuwi mag-isa eh." "O sige, ingat ka! Ba`t di mo na lang kasi hintayin si Dexter? Heller, siguro isang oras o less than isang oras lang yung meeting nila." "Ehh~ Wa`g na... may gagawin pa siguro yun with the team. At may gagawin din ako eh, kaya..." "Asus naman..." Naka evil-smirk na si Jana. "If I know, may ayaw ka lang makita..." "Hindi no! Hindi ganun yun!" Si Jana talaga oh, kahit hindi naman yun ang dahilan ko, sinisingit pa. HMP! Wala na akong pakealam dun sa unggoy na yun! Mag lampungan sila habang-buhay noh! May Dexter naman ako. Ngayon pang naiisip ko ng baka sign na ito ng Panginoon para sakin. 'Celestine, move on! Eto ang isang lalaking kayang gawin ang lahat para sayo, siya ang reason kung bakit kailangan mo ng mag move on!' Parang ganun? Mabuti na lang hindi traffic kaya mabilis akong nakarating sa gate ng subdivision. Mapapatapat na naman ako sa bahay ng unggoy na yun, nakauwi na kaya siya? Tsk! Celestine, wa`g mong kalimutang war pa kayo nun kaya wa`g na wa`g kang lilingon sa bahay nila. Kahit sulyap lang, mabubulag ka ha! Alalahanin mong mo-move on ka na at kasama mo si Dexter! Ehem! Wa`g na natin siyang isipin okay? So... Dexter... Uhm, well, nakilala ko yung ex niya kanina. Ilang beses na kaya yun nagkagirlfriend? At ilang months o years kaya sila nung babae? Ba`t naman kaya sila nag break? Ano kayang naging problema nila? Mukhang mabait naman yung babae, maganda pa. Tsaka, mabait naman si Dexter... bakit kaya? Ayoko namang magtanong, nakakahiya. hmmmm?
Pero ang pagkakataon nga naman o, kung kelan busyng-busy ako sa pagtatanong at pagiisip dito saka ko naman matitikman ULIT ang hagupit ng... "MGA ASOOOOO!?" "ARFFFF ARFFF ARFFFFF~!" "What the potek?" Lumingon lang ako apat na maiitim at isang puting aso na ang mukhang nag-aaway at dahil yata sa inis nila'y napag-isipan nilang ako na lang ang pagbuntunan ng galit! "Takboooo!!!" Sigaw ko sa sarili ko! Sus maygad! Katapusan na yata to ng pangalawang buhay ko. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, ganito din yung nangyari! May kaibahan nga lang, dahil habang tumatakbo akong mangiyak-ngiyak nun, biglang may Gab na... "Shoooo! Shoooo! Umalis nga kayo dito mga askal!" Lumagapak ang ulo ko sa dibdib niya. "Shooo!" Kahol parin ng kahol ang mga aso. Naramdaman ko ang palad niya sa ulo ko at ang braso niya sa bewang ko. Ang dibdib na `to, kilala ko `to ah? Masakit mang isipin, pero ang bilis ng pintig ng puso ko. NAKAKAINIS! Bakit na naman bang puso ka, tumigil ka na diyan at baka ihagis kita ng bongga! I pushed him away... "O, bakit?" Hindi ako nagsalita habang inayos ko ang sarili ko. "So-Sorry na! Eh mabilis yung takbo mo eh, kaya ganun ang nangyari..." Sabi niya. Unti-unti kong tiningnan ang mukha niya. At syempre, kaninong mukha pa ba ang bubulagta sakin eh sa pinakawalang hiyang bestfriend ko na ngayo'y pinakalintik kong kaaway!
"Tinutulungan lang naman kita eh. Kung wala ako dito, baka linantakan ka na ng mga asong yun~!" "Oo na! Salamat!" Dami mo pang sinasabi diyan?! Bakit, may angal ba ako sa ginawa mo? Umalis ako pero hinawakan niyang mahigpit ang braso ko. "Kaw talaga! Nagiging habit mo na yan ah? Tinatalikuran mo na lang ako lagi!" Hinarap ko siya. "Kasi, kung hindi kita tatalikuran, eh ako yung tatalikuran mo, hindi ba?" "Huh? Ba`t mo naman naiisip yan? Eh ikaw `tong galit sakin. Hindi mo ko mapatawad dahil lang dun sa sinabi ko kay Dexter? Sorry na, kasalanan ko na kasi! Ano pa bang gusto mong gawin ko?" "Yan kasi ang hirap sayo Gab eh. Alam mong mali, ginagawa mo parin! Tapos, magsosorry ka na lang sa huli? Ba`t di mo kaya isipin muna na mali yun kaya hindi mo gagawin kesa sa magsorry ka diba? Para saan pa yung mga pulis kung pwede namang magsorry? Ganun ba yun?" Wow! Katono ko si Jun Pyo at Dao ah, panalo ba yung linya ko? Wait, ang sakit ng braso ko ah? Nakaharap na ako sa kanya pero mahigpit parin ang hawak niya sakin. "Kaya nga... nag sosorry na ako diba? Wala naman akong magagawa eh, nagawa ko na yun... Kaya sorry na!" "Ewan ko sa`yo, Gab! Kay Dexter ka magsorry!" "Huh? Ba`t naman ako magsosorry sa mokong na yun?" "O see? Sa kanya ka may atraso! Naapektuhan lang ako sa atraso mo sa kanya, tapos sakin ka nagsosorry? Hah!" "Pag magsosorry ba ako sa kanya ngayon, papansinin mo na ulit ako?" Tahimik lang ako habang nagkakasalubong ang kilay at tinitingnan siyang kinukuha ang cellphone. Binitiwan niya ang braso ko at naglahad ng kamay. "Akin na yung phone mo, tatawagan ko na." OH NO! Kaya niya `to eh! Gagawin niya `to! Alam kong sisiw lang sa kanya `to. Ibig sabihin ba nun eh magiging okay na kami? NO! "Ayoko!" "Ba`t ayaw mo!?"
"Hindi naman sincere yung gagawin mo! Mag sosorry ka lang para magkaayos tayo, hindi dahil talagang nagsisisi ka!" "Ano?! Mag sosorry na nga ako eh! Ano pa bang gusto mong gawin ko?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Ba`t gustong-gusto mong magkaayos tayo?" Humina ang tono ng boses ko. "Bakit ayaw mo?" Oh no! "Nakakainis ka, Gab! Madaya ka! Tumigil ka na nga diyan!" Tinanggal ko ang mga kamay niya at tinalikuran siya ulit. Hindi ko na maatim tingnan siya at makita niyang mangiyak-ngiyak na ako. TALO AKO PA`G GANUN! "Cel!" Tumakbo siya sa harapan ko. Di ako makatingin sa kanya. "B-Ba`t ayaw mo?!" Halatang nakita niya ang mangiyak-ngiyak kong mga mata. Nagpatuloy ako sa paglalakad... "Dahil naiinis ako sayo!" Sabi ko. "Bakit?" Bakit? Kung sasabihin ko ba sayo... ARGH! Naalala mo noon, Gab? Nung inaway mo ako dahil may gusto ako sayo? Naaalala mo pa ba yung mga sandaling yun? I faked everything! Para magkabati tayo, sinabi kong hindi yun totoo - kahit na totoong totoo naman yun! How do I tell someone something they don't wanna hear? Hindi na ako nagsalita. "Bahala ka! Basta ako, hinding hindi ako titigil! Guguluhin at guguluhin kita hanggang sa wala ka ng ibang choice kundi ang makipagbati sakin!"
SIXTYFIVE Celestine Herrera: Dex... tungkol sa-
*DING-DONG-DING* Tapos na ang klase. "Ce-les-tine!" May tono ang pagkakasabi ng pangalan ko. At kung sino? Sino pa eh yung idol niyong si Gabriel Soriano. "Sabay tayong mnag lunch?" Nakita kong lumabas si Gianna at mukhang nagmamadali. Ano naman kayang drama nun? Mukhang happy naman si Gabriel ah? Ngiting-ngiti pa nga siya nang tiningnan ko siya. "Maglunch ka ngang mag-isa!" "Ang harsh naman..." "Lika na, Dex, Jana..." Sabi ko. "Oy Dexter, pre!!! Sorry nga pala!" Sabi niyang bigla kay Dexter. "Sorry saan?" "Sa biro ko. Sinabi ko sayong may date kami ni Cel, eh hindi ko naman alam na magseselos ka pala. Sorry, tsaka, di rin totoo yun ah!" Kitams? Anong klaseng pagsosorry yan, Gab? Leche! Masamang-masama na ang tingin ko kay Gab pero ngingiti-ngiti parin siya. Manhid talaga ang mokong na `to. "Tayo na nga!" Umiiling ako habang umaalis. Sa loob ng isang linggo, hindi ko alam kung ilang beses `tong nangyari. Laging ganito pero masaya ako't hindi siya nagsasawa sa pangungulit sakin. Tabi kami ni Dexter sa upuan ng cafeteria ng biglang sumulpot out of nowhere si Gab. "Excuse me~" Talagang umupo siya sa gitna naming dalawa ni Dexter. Masama na naman ang tingin ko sa kanya habang umiiling si Dexter. Nakangisi lang ang kumag habang tinitingnan ako.
"Ano na naman ba?" "Wala lang... ganun na naman." Sabi niya habang ngumingisi. "Anong 'ganun na naman'?" "Lam mo na! Nakikipagbati na naman ako sayo. Mag dadalawang linggo na kitang sinusundan sundan at kinukulit, hindi ka pa ba nagsasawa?" Mejo nainis at nairita ako sa sinabi niya kaya binugahan ko na... "BAKIT? Nagsasawa ka na? EDI TUMIGIL KA NA!" Tumingin si Dexter sakin. Umirap ako kay Gab. "Bakit? May sinabi ba akong nagsasawa ako? Tinatanong lang naman kita kung nagsasawa ka na, baka sakaling maisipan mo ng makipagbati sakin!" "Ano ba talagang makukuha mo pag magbabati tayo?" "Edi bestfriends ulit tayo! Alam mo namang ikaw ang bestfriend ko diba?" SHHHHHH~T! Nakalimutan ko yata kung bakit ako galit sa kanya eh. Lalo pa akong nagalit sa dahilan niya. "Ewan ko sayo, Gab! Ba`t di mo gawing two-in-one yung girlfriend mo?" Nga pala... ba`t di ko na masyadong nakikita si Gianna na kasama siya? "Bestfriend and lover!" Sabi ko. Natahimik siya. May problema kaya sila? "Hindi! Iba ka, diba? Bestfriend kita simula noon, kaya ibang-iba talaga pag ikaw!" Tahimik ulit siya at mukhang malalim ang iniisip. Iling lang ako nang iling habang tinitingnan siya. "Cel naman, wa`g mo na akong pahirapan." Sabi niya. "Ay naku, Gab! May girlfriend ka na, hinahanap mo pa ako... Buti pa magsama muna kayo ni Gianna, sakaling may mahanap kang bestfriend-material sa ugali niya." Tahimik siya. Ako naman, tinitingnan yung iniinom ko. "It's not about her, its about us!" Sabi niya.
HA? WHAT? MAY 'US' BAH? Napatingin ako sa kanyang nagbubuntong-hininga. "Anyway, sige, mauna na ako..." Sabi niya. Nakita kong kumakaway si Gianna sa malayo. Ngumiti siya at kinawayan niya rin. At umalis na si Gab sa tabi ko. Eto naman si ako, panay ang tingin sa pinsan kong may soot ng cute na dress. Astig ng fashion sense nitong pinsan ko eh, ang lalaki pa ng earings. Hay naku... ang ganda niya talaga! Nakakainsecure. "Okay lang ba sayo yun?" Tanong bigla ni Dexter. "Okay lang! Kasalanan niya yan! Ba`t pa kasi siya nagsinungaling sayo." "Uhm, okay na ako. Wala na yun sakin..." "Uh, gusto kong matuto siya sa ginawa niya." Nakatingin parin ako kay Gabriel at Gianna habang sinasamba ang pagiging bagay nila sa isa't-isa. "Sigurado ka bang yun lang?" Napatingin ako kay Dexter. "O-Oo naman!" Sinabi ko. Hindi ko nga lang alam kung totoo ba yung sinagot ko sa tanong ni Dexter o hindi... Gagabihin ako ngayon dahil kailangan ng tapusin yung project ko para sa finals. Buti't mabait si Dexter, tutulungan niya daw ako. MABAIT SI DEXTER DAHIL TUTULUNGAN NIYA AKO? HAHAHA Cel, loka! Nagpapabango yan sa`yo dahil nanliligaw nga diba? "Uhm, Dex... salamat." Ngumiti ako. Ihahatid niya din siguro ako sa amin ngayon. Anu ba yan! Nakakahiya pala `to. Uhm... oo nga! Paano mo ba sasabihing payag ka ng maging girlfriend sa manliligaw mo? Hay, ang hirap. Nakakapraning! Oo, sasagutin ko na siya. Sabi ko nga diba, ayokong paghintayin siya... Alam kong GUSTO ko parin yung unggoy na yun, pero you know, sa nakita ko kaninang masayangmasaya na sila ng pinsan ko't idinidiin niya pa saking kailangan niya ako dahil bestfriends kami, mas lalo kong nakikita yun as signs na sinabi ni Papa God. Kaya eto ako't susugal kay Dexter. Gusto ko rin si Dexter, hindi nga lang tulad ng pagkabuang ko kay Gab. "Ako na ang magdadala." Sabay kuha niya sa mga libro ko. "Uh... thanks!" Gosh! Pinagpapawisan na ako ng malamig dito habang tinitingnan siyang fresh na fresh parin at kinakarga ang libro ko. Go, Cel! For the win! "Dex... tungkol sa-" "Oy Dex! Nandito ka pa?" Abah! Si Krizzy.
Tahimik ka muna, Cel. "Oo, tinulungan ko pa kasi si Cel sa assignment niya eh." Tumango si Krizzy, "Oyyy, paimpress! HAHA. Natapos niyo ba?" Sumulyap si Krizzy sakin pero bumalik ulit ang tingin niya kay Dex. "Oo... Ikaw, ba`t nandito ka pa?" "May klase ako sa ganitong oras eh." Sabi niya. "Ah..." "O sige ah! Bye!" Kinawayan niya ako at umalis. Nakakailang tuloy. May interruption sa IMPORTANTENG sasabihin ko sa kanya, at ang interruption pang iyon ay yung EX niya. "Ano yung sinasabi mo, Cel?" Tanong niya sakin. Patay! Paano ko ba ulit sisimulan? "Uhm... Tungkol sa-" *Krrrrrrrrinnng~* Shucks! At ngayon, phone ko naman!? Tiningnan ko muna ang phone ko bago sinagot. Gaano ka importante ba `to at tawag pang talaga? Pwedeng text na lang? Calling... Nica Soriano... Bakit tumatawag ang kapatid ni Gab? "Hello?" Sinagot ko.
SIXTYSIX Celestine Herrera: Alis na tayo dito!
"Hello, Ate Cel? N-Nakauwi ka na ba?"
"Hindi pa. Nasa school pa ako, bakit?" Maingay sa paligid ni Nica, naririnig ko yung malakas na tugtugin. "Uhm... kasi si Kuya, nandito sa isang bar... naglalasing!" WHOAAAAAAAAA? "Ha? SAAN?" Naramdaman ko ang kabog ng puso ko. "Sa E50. Pinapauwi ko, kaso ayaw niya. Hindi pa naman siya ganun ka lasing, pero baka kasi malasing siya ng tuluyan, dala pa naman niya yung sasakyan niya." "Huh? O... sige, pupuntahan kita diyan. Hintayin mo ako." "Okay lang ba?" "Oo. Sige, bye..." Binaba ko ang phone habang natutulala. Bakit naglasing si Gab? Dahil ba ayaw ko paring makipagbati? "Uhm, Dex... pupuntahan ko lang si Nica ah?" "Saan?" "Sabay na daw kami pag-uwi eh. Okay lang ba na sa kanya na ako sasabay?" Cel, ayan ka na naman. Nagsisinungaling ka na naman! Pasensya na, Dexter. :( "Si Nica nga pala yung kapatid ni Gab..." Pahabol ko. "Ah. O sige, nasaan ba siya?" "N-Nandun malapit sa isang bar. Okay lang?" Papunta na sana kami sa sasakyan niya eh, pero tumigil kami dahil dito. Ngumiti siya, "Nukaba, okay lang syempre!" "Si-Sige... Salamat ulit." Gosh! Nagui-guilty ako dahil ako na nga yung nagpatulong sa kanya, nang-iiwan pa ako. Okay lang kaya talaga yun? Bahala na nga! Tsaka, isa pa, dapat sasagutin ko na sana siya eh. Kay dami-dami namang interruptions. Ngayon ko lang tuloy naalala ulit ang tungkol dun. Dumating ako agad sa E50. Syempre, ano pa bang ini-expect mo, edi maraming tao. Madilim at maraming nag sasayaw. Nasa labas din ang sasakyan ni Gab kaya talagang mukhang nandito siya.
"Ate!" May tumawag sakin galing sa isang table. Naaninaw ko si Gab, Nica at ang dalawang kaibigan ni Nica. Nakikita kong worried si Nica sa kinauupuan niya. Linapitan ko sila at... "Ba`t ka nandito?" Yun ang sinalubong sakin ni Gab. "Shut up, kuya! Pinahiya mo pa ako kay Ate Cel kanina! Naglakas loob pa akong tawagan siya dahil sabi mo, 'I need Cel!'" Natigilan ako. I NEED CEL? Lumagok ulit si Gab sa alak niya... At narealize kong hindi naman siya mag-isa, nandun din kasi ang ibang teammates niya sumasayaw. "Kuya! Umuwi na nga tayo!" Sabi ni Nica habang hinihila ang braso ni Gab. "Ang hirap kayang pumasok dito! Umuwi na tayo, kuya!" Nakatunganga lang ako habang nakikita siyang lagok nang lagok ng alak. "Hoy!" Hinila ko na rin ang braso niya. "Huy!" "Ano ba?!" Lagok ulit. "Tama na nga yan!" Kinuha ko yung alak niya. "Ano ba?! Pabayaan mo nga ako!" Sabi niya. Pulang-pula na ang pisngi nito at halatang mejo natamaan na. "Ate, pauwi na kami nung nakita ko yung sasakyan niya dito. Chineck ko lang kung anong ginagawa niya dito, pero naabutan ko siyang ganito." Tumango ako. "Nica..." Tawag ng isang kaklase ni Nica. May lumapit saming waiter! "Underage pa kayo, ano?" Tanong nung waiter sa kaklase ni Nica. Halatang nagpanic silang tatlo at mukhang hindi nila alam ang gagawin. "Oo! Umuwi na nga kayo! Ikaw, Nica... umuwi ka na rin." Sabi ni Gab. Potek! "Pasensya na, miss. Pero kailangan niyong lumabas." Sabi ng waiter kina Nica. "P-Pero..." "Sorry talaga, bilin yan ng management. Tsaka, hindi niyo ba alam yun?"
"Nica, sige na... ako na ang bahala sa kuya mo." Sabi ko kay Nica. "Sigurado ka?" "Oo. Umuwi ka na... susunod na kami... Tsaka... ano, wa`g mo siyang ilaglag sa parents mo ah?" "O-O sige... Sorry ate..." Tumayo si Nica. Hindi parin sila tinantanan ng waiter kaya tuluyan na silang umalis. "Gab!" Kinuha ko ulit yung alak. "Tama na nga yan, lasing ka na!" Tiningnan niya ako. "Ba`t ka nandito? Diba galit ka sakin?!" Binawi niya sakin ang alak pero hindi ko binigay sa kanya. "Wa`g ka ngang ganyan! Hinahanap mo raw ako, sabi ni Nica eh! Tapos, ganyan kang magsalita ngayon?" Of course, Cel! Lasing na yan! "OO, CEL!!! KAILANGAN KITA!" HOOOOPS! Ano daw? K-K-Kailangan? Ni Gab... si Cel? Again, lasing siya Cel, wa`g kang engot diyan! "Kailangan mo ko? Maganda naman ang girlfriend mo, ba`t kakailanganin mo pa ako?" "Lintik na girlfriend na yan!!!" Bakit? May problema sila?! "Lintikkkk! Magsama sila!!!" Sigaw siya ng sigaw dito. "Bakit?" "May ibang lalaki siya! Two timer! B1tch!" Anoooo? Si Gianna, buking na? Akala ko ba iniwan niya na yung isang boyfriend niya, yung si Dino? Napakawalanghiya talaga ng babaeng yun! BUUUUSHET! Akala ko iniwan niya na! Ayan tuloy, sinuportahan ko si Gab! Sinuportahan ko silang dalawa para sa isa't-isa! BWISIT NA GIANNA! SUMPAIN! "Sabihin mo sa kanya yan pag magkikita kayo ah?!" "B-Bakit?" "Sinampal-sampal niya pa ako dito kanina!" Sabay turo sa pisngi niya. "Totoo naman yung sinabi ko! B1tch! All this time, akala ko ako lang? Cel!" Tumgil siya at mukhang humuhugot ng lakas para makapagsalita. "Cel, akala ko ako lang! Akala ko ako lang mag-isa! TWO TIMER! Ano pa bang gusto niya? Bakit kailangan niya pang..." Sumunghap siya. "mangaliwa? Panget ba ako!?!?! HA?!"
Ang ingay-ingay niya na at pinagtitinginan na siya ng mga tao. "Gab, umuwi na tayo! Alis na tayo dito!" "Cel, ano pa bang wala sakin? Bakit kailangan niya pa ng isa???!" Yinakap niya ako at naramdaman ko ang luhang lumandas sa pisngi niya. Sa mga sandaling ito, kinukurot na rin ang puso ko. Naiinis ako sa ginawa ni Gianna, naiinis ako sa mga sinasabi ni Gab, at higit sa lahat, naiinis ako kung paano siya umiiyak sa pinsan kong wala namang ginawa kundi saktan siya. NAIINIS AKO! BAKIT HINDI NA LANG AKO YUNG INIBIG MO, GAB? HINDI KITA PAIIYAKIN! Lecheng Gianna na yan! Leche siya!!! Bakit niya ginaganito si Gab?! LECHE!!!!!
SIXTYSEVEN Celestine Herrera: Akin na ang lahat
"Walang hiya!!!" Nakasandal si Gab sa manibela ng sasakyan niya habang nakaupo naman ako sa frontsit. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko at kung saan ako magsisimula. Ang alam ko lang ay galit na galit ako kay Gianna. GALIT NA GALIT. "Marunong ka palang uminom?" Bulong ko. Hindi ko aasahan yung sagot niya. Gusto ko lang ibahin ng konti ang usapan habang iniisip ko kung anong sasabihin ko. Nakatingin ako sa labas. Nasa labas parin kami ng bar, hindi pa umaandar ang sasakyan, at nagda-drama pa si Gab. "Of course, sa US ka siguro natuto." Sabi ko. I assumed. Mukhang totoo naman. Ilang sandali ang nakalipas, umayo siya sa pagkakaupo ngunit tulala parin. Basa ang pisngi niya at alam kong hindi ito pawis, kundi luha. "Gab, ano ba kasing nangyari?" Suminghap siya. "Cel, hindi ko makalimutan! Kahit anong gawin ko, hindi ko nakakalimutan!"
"A-Ano ba kasing nangyari?" "Nagkita kami ni Gianna kanina sa isang coffee shop. Nasa loob na ako, papasok pa lang siya at may kaholding hands pang lalaki." "H-Huh? Si-Sino?" "Ewan ko! BAKA KAIBIGAN?! Yun ang inisip ko. Pero alam ko sa sarili kong hindi yun kaibigan!" Pati ako, kinakabahan sa mga nangyaring sinabi niya. "Sinalubong ko siya... At ayun, guiltyng-guilty kaya agad binitiwan ang kamay nung lalaki." Naiisip ko ang itsura ni Gianna. Siguro kinabahan ng todo yung bruha. "Tinanong ko siya kung sino yung lalaki. Yung lalaki ang sumagot, at syempre... sinabi nung lalaki na siya ang boyfriend." "WHATTTT? Nagsuntukan ba kayo?" Agad kong tinitigan ang pisngi niya. Wala namang galos o kahit anong sugat. Umiling siya, "Hindi!" Ba't di mo sinuntok? LOL "Umalis na lang ako. Hindi naman ako bastos. Kung gusto nilang magpakasayang dalawa, edi magpakasaya sila!" Hindi ko na naman alam kung anong sasabihin ko. Dinamdam ko yata ng husto ang kinwento niya. Napabuntong-hininga siya, "Sinundan niya ako... Sinundan ako ni Gianna." "Ha? Kapal ng mukha!" Sorry, hindi ko mapigilan. "Sinabi niya saking ako lang daw ang mahal niya! Heck?! Who'd believe her? Kung ako ang mahal niya, dapat ako lang diba?" Kung ako ang mahal niya, dapat ako lang diba... diba, Cel? "Lanya! Sinong maniniwala? Hindi ko siya pinansin! Pero sinabi niya saking may kasalanan din ako! Walang kwenta! Di ko na pinakinggan! Sinundan siya nung boyfriend niya at tinanong kung anong nangyayari, pero hindi siya sumagot. Iyak siya nang iyak, Cel! Awang-awa ako sa kanya. Iyak nang iyak sa harapan ko!" Naramdaman ko ang pagtitiis niya sa mga sandaling ito. "Pero hindi ko matanggap ang ginawa niya! I told her that we're done!" Katahimikan.
Sa harap ng isa pang lalaki, sinabihan niya si Gianna na tapos na sila! OMG! So Gianna is... ruined? Both guys? "Tinanong nung boyfriend niya kung fling-fling na naman daw ba yung napasukan niya!" Katahimikan. Loading... "A-Anong ibig sabihin niya?" "Ka fling-fling ako ni Gianna!!! Sa galit ko... tinawag ko siyang b1tch! Muntik na akong masuntok nung lalaki, pero napigilan siya... kaya nasampal ako ni Gianna!" Sa bawat tahimik na sandali sa amin ngayon, lumulunok ako. Pero hindi ko alam kung bakit habang tumatagal, nahihirapan ako. Something's stuck in my throat... I wanna cry for him... "Ano pa bang explanation ang kailangan? Wala na diba? Kitang-kita na! Nangangaliwa siya, at ang masaklap, mukhang ako pa yung ka-fling! Potang-Ina! MAHAL NA MAHAL KO SIYA! MAHAL NA MAHAL!!!" May luhang lumandas sa pisngi niya, pinunasan ko agad `to. Hinawakan niya naman ang kamay ko. At naramdaman kong iniiwasan niya talagang umiyak. Yinakap ko siya, "Gab, sige lang. Iiyak mo yan lahat sa akin... Akin na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo." Habang yinayakap niya ako, naramdaman kong tumutulo na rin ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan. Tumulo lang siya ng tumulo. Di bale na ang mga luha ko, ang importante, mapunasan ko ang bawat luhang lumalandas sa mga mata ng pinakamamahal ko. Hindi ako makapaniwalang totoo pala talagang pag mahal mo ang isang tao, wala ka ng pakealam... At kung tunay ang pagmamahal mo sa kanya, tatanggapin mo ang lahat. Ilang sandali ang nakalipas, kumalma na siya... "Gabi na... papagalitan na tayo..." Alas diyes na ng gabi. Mukhang hinahanap na kaming pareho, pero wala na akong pakealam. Pinaandar niya ang makina ng sasakyan... "Mag taxi ka." He rubbed his eyes. "H-Huh? Bakit?" "Tinamaan ako, baka anong mangyari satin. Buti na yung sigurado tayo..." "'Tayo?' eh ako lang pinagtataxi mo!"
"Sige na..." "Ayoko... kung wala ako dito, mas lalo kang magloloko sa pagdi-drive mo. Kung nandito ako, mas mag-iingat ka." "Paano kung hindi? Paano kung madisgrasya tayo!?" Unti-unting tumataas ang mahinahon niyang boses. "Wala akong pakealam, basta sasama ako sayo! BAHALA KA!" Sabi ko. Umiling siya at pinaandar ang sasakyan. Tiningnan ko siya at nakita kong bumuntonghininga at ngumiti...
SIXTYEIGHT Celestine Herrera: U-Uh...
Hindi naman ako pinagalitan. Weird nga eh, halos alas onse na kaming umuwi. Nung nalaman nina mama at papa na magkasama kami ni Gab, parang nabunutan ng tinik ang mga ito at wala ng ibang sinabi. Maaga pa akong nagising sa sumunod na araw. Sabado naman pero maagang-maaga akong gumising. Nag-aalala kasi ako kay Gab eh. "Ba't kayo ginabi ni Gab kagabi?" Tanong ni Kuya habang umuupo kaming dalawa sa bench sa labas ng bahay. "May problema kasi siya eh..." Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin. "Problema? Ano naman yun at bakit kayo matatagalan?" "Basta... hinintay ko na lang siya... Inayos niya lang yung problema nila ni Gianna." "Si Gianna? Tapos? Naayos niya ba?" "Uhm... hindi ko pa alam eh." Umiling si Kuya habang hinuhubad ang t-shirt niya at sinusoot yung jersey. "Oo! Teka lang!" May sinigawan siya sa labas ng bahay, mga kaibigan niyang kapitbahay din namin. Umalis din naman agad si Kuya para magbasketball. "Ang tagal naman..." Tiningnan ko ang cellphone ko, wala paring message ni Gab.
Tumatayo-tayo na nga ako sa kinauupuan ko para lang matanaw ang balconahi ng bahay nila, baka sakaling nandun siya, pero wala eh. AlaUna ng hapon, wala paring Gab na nagti-text o lumalabas sa bahay nila kaya napagdesisyunan kong magpalaboy-laboy malapit sa kanila. Alam kong dapat kanina ko pa `to ginawa, kaso nakakatakot lang kasi yung mga aso. Baka mapagtripan na naman ako, mahirap na. Umupo ako sa gutter sa labas ng bahay nila. Ilang sandali din akong tulala dun at kung anu-ano ang iniisip. Naiisipan kong kung makita ako nina Tita at Tito dito sa labas, papapasukin ako nun. Pero mukhang wala yata sila sa bahay nina Gab ngayon... Ilang beses din akong bumuntong-hininga at iniimagine ang lahat ng nangyari kay Gab at Gianna... masakit na masakit siguro yun para kay Gab. Kitang-kita naman eh. Ilang sandali ang nakalipas, natagpuan ko na lang ang sarili kong binubunot ang mga dami malapit sa gutter. "Baka makalbo mo yan..." May boses galing sa likuran! "G-Gab!" Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ang tuwalya. Halatang, kakaligo lang. Ang bangobango niya rin. LOL. Tutulo na ang laway mo, Cel! Tigilan mo na kasi yang pamumuri mo sa kumag na yan! Seryoso na naman ang mukha niya, "Pinapansin mo na ako ngayon ah?" Hindi ako makapagsalita. "Akala ko wala na akong mapagsasabihan..." "A-Ano... K-Kamusta na?" Ang stuttering-syndrome na naman. HAY, kelan ba `to mawawala? "Pinagalitan ka ba?" "Hindi naman..." Umupo siya sa gutter na inupuan ko kanina. "Mabuti naman..." "Ikaw? Puntahan natin ang mga magulang mo?" Pagkasabi niya nun, parang may dumaan sa utak ko. 'Puntahan natin ang mga magulang mo?' Hopeless, ever talaga! Naiisip kong parang linya ng namamanhikan or something!
"H-Hindi naman nila ako pinagalitan eh! M-Mukhang kumalma pa nga sila nang nakita nilang ikaw yung kasama ko..." Amp! OO NA! Let's face it... Para bang okay lang sa kanila kahit ano, basta si Gab. "Mabuti naman..." Awkward silence. "I-Ikaw ba? K-Kamusta na kayo ni Gianna?" Weird na tanong. "Nagkausap na ba kayo?" Tinabihan ko siya sa gutter. "Hindi pa nga eh. Ayokong sagutin ang mga tawag niya..." "Huh? Tumatawag siya? Ba`t hindi mo sinasagot?" "Ayoko na..." He sighed. "Masyado akong nasaktan eh..." Ganun lang ba yun, Gab? Masyado kang nasaktan kaya ayaw mo na? Sana lang ako rin... Masyado na akong nasaktan, ayoko na, pero hindi ko mapigilan. "Pero... mahal mo siya, diba?" "Ah basta! Mainit ang ulo ko sa kanya, sa mga ginawa niya! Nakakainis!" Tumahimik na lang ako. Ayoko namang sabihing 'makipagbalikan ka'. :( "Nakakainis! Ba`t ngayon ko lang kasi nalaman `to?! Ang tanga-tanga ko tuloy!" Sabi niya. Katahimikan. "A-Anong plano mo ngayon?" "Wala... Ignore her! I hate her!" "Pano kung makikipagbalikan siya?" "Ewan ko sa kanya!" Galit nga yata siya. Masyado pang fresh ang sakit na naramdaman niya. Hindi ko tuloy alam kung ano talaga ang magiging reaksyon niya kung makikipagbalikan si Gianna. Ano kaya kung kausapin ko si Gianna? Ang walang hiyang yun! Sasabunutan ko talaga ng todoSumandal siyang bigla sa balikat ko. "Salamat at nandyan ka, kahit galit ka pa..." "U-Uh..."
Asus, Gab! Wala yun! Kalimutan mo na yung galit ko sa`yo... wala na yun! Okay na tayo. Ang kawawang Gab ko, sinasaktan ng pinsan ko!? PESTE!? Ano pang gagawin ko, edi reresbak ng todo! Syempre... ako yata ang... BESTFRIEND. JUST THAT. "Of course, we're bestfriends right?" PS, hindi ko pa pala kayang palitan si Gab. Kahit ganito siya, mahal na mahal ko parin siya. Kung hindi rin naman siya ang mamahalin, mabuti pang wa`g na lang magmahal.
SIXTYNINE Celestine Herrera: sinisisi mo ba talaga ako
"Class dismissed." Sabi ng prof namin. Kanina ko pa pinagmamasdan si Gab na nakikinig ng mabuti sa discussion. Hindi man lang ngumingiti kahit tira nang tira ng jokes yung prof namin. "Cel, saan ka pupunta pagkatapos?" Aba, at ngayo'y naunahan niya pa si Dexter sa pagtatanong sakin. "Uh-" "Gab, can we talk?" Hirit ni Gianna. Kanina ko pa din pinapanood si Gianna na tingin ng tingin kay Gab. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Sabi ni Gab ng hindi tumitingin kay Gianna. "Gab naman, please?" Hinawakan ni Gianna ang braso ni Gab. Ang sama pa ng tingin ni Gianna sakin. "Cel, alis na lang muna ako ah?" Tumango ako. "Itetext na lang kita pag walang asungot..." "O-Okay." "GAB!" Sigaw ni Gianna.
Talagang nakuha niya pa ang buong atensyon ng mga kaklase kong natira sa classroom. Lumapit si Dexter sakin habang pinapanood ang eksena. "Gab, let me explain!" Sigaw ni Gianna. Wala eh, ang tigas ni Gab. Hindi man lang lumingon, parang walang naririnig. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko at kung nasa posisyon ba ako. Dapat ko bang tawagin si Gab para makapag-usap sila ni Gianna o hayaan na silang dalawa't baka mas lumala lang ang sitwasyon. In the end, narealize kong mukhang mas mabuting tumahimik na lang... Tiningnan ako ni Gianna... "G-Gianna, narinig ko yung nangyari-" "KASALANAN MO `TO! KASALANAN MO `TO, CEL! BWISIT KA! ANONG KLASENG PINSAN KA!?" Nalaglag ang panga ko ng pagkatapos kong marinig ang hinaing niya. "H-Huh?" Inawat siya ng ibang kaklase namin. Hindi naman siya lumalapit sa akin o umaambang pagbubuhatan ako ng kamay, pero sa pagkakasabi niya, kulang na lang eh durugin niya ang mukha ko sa harapan nila. Kinuha niya ang bag niya, kumalma at lumapit sakin... "Cel, mag-usap tayo..." Sabi niya. Namumugto ang mga mata niya at halatang naiiyak pa. Umalis siya sa classroom... Galit ako sa kanya, pero naaawa rin ako. Napahiya siya sa ginawa niya kay Gab kanina, pero mas nangingibabaw parin ang galit ko dahil sinaktan niya si Gab. Pero bago ako pumutok sa galit dito, mukhang kailangan ko pang malaman ang side niya. "Dex, kita na lang tayo mamaya..." Sinundan ko si Gianna. Tumango naman si Dexter. Ngayon niya pa siguro nalamang naghiwalay si Gianna at Gab. Naabutan ko si Gianna sa labas ng classroom, naghihintay sakin. Sinundan ko ulit siya nang nagsimula siyang maglakad. Tumigil kami sa isang classroom na walang tao... Pumasok siya dun kaya pumasok na rin ako.
"Gianna, bakit mo ko sinisisi?" Tanong ko pagkapasok ko sa classroom. Nakatalikod siya sa akin kaya nabigla ako nang nakita kong umiiyak na siya pagkaharap niya. "Cel, hindi mo ba napapansin? Nitong mga nakaraang linggo, puro na lang CEL nang CEL si Gab! Pag magkasama kami, ikaw ang topic! Lagi niyang tinatanong sakin kung paano niya ulit mapapalambot ang puso mo dahil galit ka sa kanya!" Natigilan ako sa sinabi niya. But that's not the point! Ang pinakamalaking issue dito ay ang pagkakaroon ng third party! "Gianna, wa`g mo nga akong sisihin! Ikaw ang may kasalanan eh! Ikaw yung may ibang boyfriend!" Sinigawan ko siya dahil hindi ko mapigilan. "Akala ko ba hiniwalayan mo na yung boyfriend mo? O baka naman ibang lalaki yun?!" Sinampal ako ni Gianna at mas lalo pa siyang humagulhol ngayon. Wala akong lakas para sampalin siya... siguro dahil naramdaman kong wala ako sa lugar para dun. "Ganun ba talaga ang tingin mo sakin?" "Hindi! Pero yun ang pinapakita mo!" "Okay, I was wrong! Sorry dahil pinagsabay ko si Dino at Gab noon. Pero nung sinabi ko sayong hihiwalayan ko na siya, hiniwalayan ko talaga siya! At tulad ng sinabi ko, nakakainis si Gab nitong mga nakaraang linggo..." Humikbi siya at natagalan pa bago siya nagsalita ulit. "...puro Cel! What's with you?! Masyado kang epal! Ang liit lang ng kasalanan ni Gab pero binabalak mong hindi siya pansinin forever! Masyado kang... papansin!" Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. "Wa`g mo ngang isisi sa akin yan! Kung totoong mahal mo siya, inintindi mo sana siya! Bestfriend niya ako." Bestfriend niya lang ako, ba`t ka nagseselos diyan? "Bestfriend... kaya syempre, nag-aalala siyang baka hindi ko na siya papansinin. At wa`g mo ngang tawaging maliit ang kasalanan niya!" Hikbi siya nang hikbi. May mga dumaan pang estudyante, nakakahiya tuloy. "Kung titingnan mong mabuti, kung hindi ka nagloko, hindi kayo maghihiwalay! Sino ba kasi yung kasama mo nang nakita ka ni Gab?" "Cel, I was so lonely! Laging wala si Gab, laging sumusunod at nagbubuntot sayo! Si Dino lang yung nakakasama ko-" "Tapos ano? Nagkabalikan kayo?!"
Iyak siya ng iyak. Walang masabi. Nakakaisang sampal ka na sakin tapos hindi pa kita nasasampal diyan kaya wa`g kang iyak nang iyak! "That's so unreasonable! Unfair! Ba`t hindi mo sinabi kay Gab na nabibitin ka sa oras na binibigay niya sayo? Ba`t kailangan mong humanap ng iba?" Wala parin siyang imik. Bwisit! Lonely daw siya kaya humanap ng iba? Eh ako, ilang taon na nga akong walang boypren hindi naman ako naaatat magkaron ng isa ah? "Gianna! Mahal na mahal ka ni Gab pero sinayang mo lang yung pagmamahal niya! Nakakainis ka!" Naiiyak na rin ako eh! Mahal kasi siya ni Gab pero parang siya naman yung gumagawa ng paraan para ayawan siya. "Ano? Nagkabalikan ba kayo ni Dino? Anong plano mo ngayon? At..." Lumunok ako. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. "Mahal mo ba talaga si Gab?" Tanong ko. PAK! Sampal ulit ang natamo ko. NAKAKADALAWA NA SIYA! "Pinagdududahan mo ba ako? Ano ba talaga ang tingin mo sakin?" Tanong niya. "Gianna, guiltyng-guilty ako. Pinagtakpan kita dahil akala ko hindi mo siya sasaktan... pero ngayon..." "Ano? Nagkamali ka? Kung tutuusin, nagkasama lang naman kami ni Dino dahil busy si Gab eh... BUSY SAYO!" Ako talaga yata ang sinisisi niya! :'( "Siguro kaya ayaw mong pansinin siya dahil nagugustuhan mong sunod siya nang sunod sayo no? May gusto ka sa kanya ano?" OH NO! This is going nowhere. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung hinahalungkat at sinasama pa yung pagkakaroon ko ng feelings kay Gab. "Gianna, ano ba yang pinagsasabi mo... sinisisi mo ba talaga ako sa kasalanan mo-" "Ano? GUSTO MO SIYA, DIBA? GUSTO MO SI GAB?" PAK! Pinagbigyan na kita kanina sa mga sampal mo, ako naman ngayon! Hindi ko maatim na sinisisi niya ako tapos mukhang pinapamukha niyapa sa aking kasalanan ko ang nangyari. Kasalanan kong gusto ko si Gab. EH POTAH, KUNG PWEDE LANG
IBIGAY SA IBA YUNG PAGMAMAHAL KO KAY GAB EH MATAGAL KO NG GINAWA!
SEVENTY Celestine Herrera: mahal na mahal mo siya...
Napahawak siya sa pisngi niya, iniinda ang sakit ng sampal ko. Isa lang yun pero katumbas nun ang lahat ng hinanakit ko. "Bakit di ka makasagot?" Tanong niya. Hindi ako nagsalita. Naiisipan ko pa ngang umalis na kaya lang ayaw kong iwan ang sitwasyon na ganitong hindi pa kami nagkakaayos. "Gianna, ano ba yang pinagsasabi mo. Bestfriends lang kami ni Gab... hindi ko siya-" "Wa`g ka ng magmaang-maangan!" Hindi ako nakapagpatuloy sa sinasabi ko. "Ano, masaya ka na ngayon? Ngayong bati na ulit kayo ni Gab at wala na kami, masayang-masaya ka na? Pabor na pabor na sayo ang lahat!" "Hindi totoo yang sinasabi mo, Gianna!" Tapos nag walk-out siya palabas ng classroom. Dire-diretso ang lakad niya kaya hindi ko na siya sinundan. Umupo na lang muna ako sa isang upuan doon sa isang classroom hanggang sa... "Totoo ba yung sinabi ni Gianna?" Napatayo akong bigla nang narinig at nakaharap ko si Gab. NAKIKINIG SIYA? "H-Hindi totoo yun! D-Diba alam mo namang wala akong..." Sabi ko.
Hindi totoo yun! HINDI NA NGA LANG TOTOO YUN, nakakatakot kasi ang mukha niya at mukhang galit ulit. "Hindi yun ang ibig sabihin ko!" Sigaw niya. Natahimik tuloy ako. "Pinagtakpan mo ba si Gianna???!" Nanlaki ang mga mata ko! OH NO! Narinig niya pati yun? "O-" "Damn, Cel! Dapat sinabi mo yun sakin! Ba`t di mo yun sinabi sakin?" Halos mangiyak-ngiyak ako habang nagpo-proseso sa utak kong narinig niya yun. "K-Kasi... sabi niya hihiwalayan niya yung lalaki dahil mahal ka niya-" "Eh kung mahal niya ako, dapat bago niya ako sinagot, hiniwalayan niya na yun diba?" Wala akong masabi... Linagay niya ang palad niya sa noo. "Cel! Dapat sinabi mo yun sakin!" Suminghap siya. "Akala ko ba bestfriends tayo?" Sumisikip ang dibdib ko sa mga sinasabi niya. Alam na alam ko yung dapat isasagot ko sa kanya pero ayaw gumalaw ng bibig ko. Nakikita ko yung panghihinayang sa mukha niya habang umiiling siya. "Pare-pareho kayo, MGA SINUNGALING!" Shucks! "Sorry, Gab-" "Sorry? Sorry?" Umiling siya. "Wala na! Pinagmukha niyo na akong tanga! Pinagmukha niyo akong tanga ng pinsan mo! Pareho kayong dalawa, mga manloloko!" Tumulo ang luha ko pagkatapos niyang sinabi yun. Guilty naman kasi ako. Totoong alam ko ang tungkol dun pero... "Gab, hindi ko sinabi sayo yun kasi alam kong mahal na mahal mo siya..." Napahikbi ako. "... at alam kong masasaktan ka pag nalaman mo. Umasa ako sa mga sinabi ni Gianna kahit alam kong mali..." Tumigil siya sa paglalakad palayo.
"Mas lalo akong nasasaktan ngayon... dahil hindi lang siya ang nagsinungaling sakin... pati ikaw!" Umalis siya ng tuluyan. At gumuho ang mundo ko.
SEVENTYONE Celestine Herrera: Paano?
"Cel," May tumatawag sakin habang nakaupo ako at yakap ang mga tuhod sa isang bench sa school namin. Wala na masyadong tao kaya okay lang naman siguro `tong ginagawa ko. "Cel," Si Dexter `to. Hindi ako gumalaw. Tumigil na rin ang mga luha ko. Siguro napagod na sila sa kakalabas sa mata ko, wala naman silang nagagawa sa sitwasyon eh. As if namang pag nakita ni Gab na umiiyak ako, pupuntahan ako at itatahan... hindi naman. "Cel," Suminghap ako at tumingala. Nakita ko ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha ni Dexter. Pinunasan niya ang pisngi kong may papatuyong mga luha. "What happened?" Umupo siya sa tabi ko kasama parin ang nag-aalalang ekspresyon niya. Umiling ako habang pinipigilan ang sarili kong umiyak ulit. Bakit ba pag may nagtatanong sayo kung anong nangyari eh naiiyak ka ulit? "Inaway ka ba ni Gianna?" Tanong niya. "H-Hindi..." Sabi ko.
Tahimik kaming dalawa. Alam kong nahihirapan si Dexter ngayon. Alam kong hindi niya alam ang gagawin niya sa akin. Eto ang ayaw ko eh... ayaw kong makaperwisyo sa ibang tao... lalong lalo na sa isang taong importante sayo at mahal ka pa. "Nag-away kayo ni Gab?" Tanong niya gamit ang malamyang boses. "H-Hindi..." Eh ano palang problema, Cel? "Hindi naman nila ako inaway eh... may kasalanan din ako." Sabi ko. Katahimikan ulit. "Sorry, Dex ah?" "Sorry saan?" "Kasi... alam kong nag-aalala ka sakin..." Hindi ko alam kung anong idudugtong ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng saloobin ko ngayon. "Alam mo palang nag-aalala ako sayo, ba`t ka umiiyak sa harapan ko?" Napatingin ako sa mga mata ni Dexter. Seryoso ang pagkakasabi niya at halatang nahirapan siya sa paghugot ng lakas para masabi niya yun. "So-Sorry..." Guiltyng-guitly ako. Alam kong hindi sapat ang mga sorry ko. Oo nga pala... Lahat ng pagmamahal dito sa mundo, kailangan ng kapalit. Hindi pwedeng magmamahal ka, at wala kang pagmamahal na matatanggap... tao lang tayo at kailangan natin ng refill sa bawat pusong naubusan ng pagmamahal dahil sa sobrang pagmamahal. Pero... mukhang... in my case, iba. Para bang kahit anong gawin ko, hindi nauubusan ang puso ko. Hindi nga nauubusan ang puso ko ng pagmamahal pero ganito naman ang nangyayari sakin - NASASAKTAN NG TODO! Ayokong matulad si Dexter sa akin. "Dex..." "Hmmm?" "Tungkol dun sa... panliligaw mo..." ACK~! Cel, what the heck? Anong espirito ba ang sumapi sayo at ang lakas ng loob mong i-open ang topic na yan?
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Dexter. Mukhang natatakot siya sa sasabihin ko. Tutal, naglakas loob na rin lang ako sa pag-open ng topic, lulubuslubosin ko na. "Hindi ko alam kung kaya kong magmahal... ulit." Sa sinabi ko, naramdaman ko kung gaano ka wasak ang puso ko. Tumango siya. "I like you... But I don't wanna be unfair..." Tumango ulit siya kaya lalo akong kinabahan dahil hindi na siya umiimik. "At alam kong kung makakalimutan ko man siya, matatagalan pa ako. I don't want you to wait... dahil hindi rin naman ako siguradong makakalimutan ko siya." Tango ulit ang sagot niya. "Can we be friends?" Tanong ko. Katahimikan. Tumango siya habang ngumingiti. "Sure." Simple lang ang pagkakasabi niya at parang nabunutan na ako ng tinik. Sorry talaga, Dex. Ayoko lang pagsamantalahan ang pagmamahal mo. Ayokong matulad ka sakin. Ayokong maubusan ka ng pagmamahal sa puso mo dahil wala akong maibigay sayo. Ayokong puro problema na lang ang nasasabi ko sayo. Mabait talaga si Dexter. Kahit na ganun ang sinabi ko at nangyari, hinatid niya parin ako sa bahay pauwi na parang walang nangyari. Pero handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari. Kung hindi niya man ako pansinin sa mga sumunod na araw, maiintindihan ko. Pero hindi eh, ganun parin ang trato niya sakin. Lumipas ang tatlong linggo... "G-Gab, uhm-" Sa ika-labingsiyam na pagkakataon, tinalikuran ulit ako ni Gabriel.
Kakatapos lang ng klase at nagbabalak akong sumabay sa pag-uwi sa kanya kaso dineadma ulit ako. Umalis siya nang wala man lang imik sa akin o kay Gianna. Umiling si Jana habang nakikita ang mukha kong bigo ulit. "Stop trying! Hindi ka na papansinin ng mababaw na yun. Hayaan mo na!" Malapit ng matapos ang sem at magsu-summer na. Maraming nangyari sa taong `to. Puro away bati ang drama namin ni Gabriel. Ngayon, magkaaway ulit kami. Siguro pabalikbalik na lang kaming dalawa sa dalawang sitwasyon na yan, ang pagiging magkaibigan at magkaaway. Maybe, I should learn to accept that some things in life are just too precious to complicate further. Masyadong malaking bagay sakin ang pagkakaibigan namin kaya dapat hanggang dito na lang kami. "Cel, mauna na ako?" Tapos dumungaw si Dexter sa cellphone niya. Para bang marami siyang katext at marami siyang ginagawa. Tumango na lang ako nung papaalis na siya. Si Gianna naman, hindi pumasok ngayon. Nagiging abnormal yung pagpasok niya sa klase... sa tuwing pumapasok naman siya, lagi niyang tinatawag si Gab, pero as usual, hindi siya pinapansin. "Ay naku!" Biglang sigaw ni Jana nang napansing natutulala na naman ako sa harapan ni Gabriel na umalis na. "Umalis na nga tayo!" Napabuntong-hininga ako. "Nawala na nga si Gab, wala pa si Dexter..." Umiling si Jana nung papalabas kami sa classroom. "Cel, I think this is a start!" Hinarap niya akong bigla with her cheshire smile. "Start?" "Diba... may plano tayo noon pero di natuloy dahil sa lintik mong feelings mo kay Gab?" "O... tapos, ano ulit? Magpaplano ulit tayong ihuhulog ko siya sa mga bitag ko? Tapos... mag e-expect na maiinlove siya?" "HINDI! Loka! Yung plano naman ngayon ay... ang pag momove-on mo. At wala na tayong gagamiting tao!" Akala kong tungkol sa resbak niya kay Gab yung plano, hindi pala.
Ngumingisi-ngisi pa si Jana, para bang ang ibig sabihin niya dun sa huling sinabi niya eh may ginagamit kaming tao. Siguro si Dexter ang tinutukoy niya... kaya ngayong wala na si Dex, wala na rin daw siyang magagamit na tao. Loka talaga `tong si Jana.
"Paano?" And I think it's time. :(
SEVENTYTWO Celestine Herrera: masyado pa akong nabigla nun eh.
Napabuntong-hininga ako pagkatapos ulit i-reveal sakin ni Jana ang planong iyon. "Pagkatapos nun, eh magiging happy ka na!" Nakangiti pa siya pagkatapos ng mahabang sermon. "Hindi madali yan-" "Kelan pa ba naging madali yan, hindi pa naman ever diba?" Magdadalawang linggo na ang nakalipas nang sumuko ako sa paghahabol kay Gab. Mejo busy na rin si Dexter kaya si Jana na ang lagi kong kasama. Hindi ko nga lang alam kung busy ba si Dexter o talagang umiiwas lang sakin. Kung umiiwas man siya, okay lang, naiintindihan ko. Ang importante ay magkaibigan parin kami. "OKAY!" Sabi kong bigla kay Jana. Kitang-kita dito sa kinauupuan namin sa cafeteria si Gab tawa nang tawa kasama ang ibang teammates sa basketball. Pero sabi nga nung kantang mag-iisang buwan ko ng pinakikinggan na kanta, 'If loving you is all that means to me, then being happy is all I'd hope you'd be.' Kung masaya siyang ganito, edi okay lang sakin. Ang gagawin ko na lang ay hayaan siya.
"Okay, ayoko na. Ayoko na talaga. Tama na `to!" Napailing ako sabay sampal sa sariling mukha. "I need to stop myself!" Ngumiti si Jana. At sa ilang taon ko dito sa mundong `to, ngayon ko lang talaga naramdamang may isang bagay akong kailangang gawin at hindi pwedeng mamaya na o bukas na, kailangan kong gawin `to ngayon na! "Okay, so... hintayin mo ko dito kasi pagkatapos ng last meeting namin, pupuntahan natin si Cid at ihahatid ka namin pauwi sa bahay niyo." Tumango ako. Nakakahiya naman kay Cid pero okay lang naman daw sabi ni Jana kasi nadadaanan naman yung subdivision namin bago yung sa kanila. Tsaka last day of the semester na rin `to tapos summer na, kaya okay na okay lang daw. "At wa`g na wa`g mong kalimutan yung sinabi ko sayo ah?" "Oo... hindi ko na papansinin si Gab, deadma lang sa kanya kahit anong mangyari." "Pero kung siya yung makikipag-usap sayo, edi kausapin mo. Pero kung ayaw niya, edi deadma ka na lang. Tsaka, pag hindi maganda yung trato niya sayo, still, you have to treat him well." Tumango ulit ako. Hindi madali yung pinagagawa ni Jana sakin, pero alam kong hindi impossible. Iniwan ako ni Jana sa bleachers at bumaba na sa court kung saan nagmi-meeting yung cheering sqaud. Naroon din si Gianna at halatang tinitingnan niya ang bawat kilos ni Gab sa court. Ayan tuloy sinisita ni Stacey. Si Gab naman nandun sa court, pawis na pawis habang nagsho-shoot ng bola. Minsan ngumingiti `to pag may pinag-uusapan sila ng teammates niya habang nagpapractice, kung minsan naman seryosong-seryoso sa pagsho-shoot. Nandoon na rin si Dexter pero hindi siya masyadong sumasali sa practice, text lang siya ng text sa bench. Okay, sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako pumunta dito para kay Gab o kay Dexter! Pumunta ako dito dahil hinihintay ko si Jana. Nakita kong sumulyap si Gabriel sakin. Ano kayang naiisip niya ngayon? HMMM? Well, whatever! Bahala na nga siya diyan. "Cel, sorry natagalan ako." Sabi ni Jana habang nagti-text.
"Okay lang noh! Nakakaenjoy din namang manood sa practice." "Enjoy?" "Oo." Nagdududa pa yata `to sa ibig sabihin kong enjoy. "Ang totoo, nainip ako dito! Loka! Sinabi ko lang namang enjoy manood kasi ayokong amining naiinip ako." Tumawa ako at inirapan siya. Kaya ayun, nagtawanan nalang kaming dalawa papalabas ng gym. Pagkalabas namin sa gym, si Gab agad ang nakita ko. Sorpresa naman masyado! Kinabahan tuloy ako, syempre, ngayon pa lang mati-test yung tigas ng loob ko. "Teka lang..." Tumigil si Jana sa paglalakad at linagay ang cellphone sa tenga. "Hello, Cid?" Tapos tinalikuran ako. Ako naman, patingin-tingin lang sa paligid. Nakita kong nagmamadali ulit si Dexter patungong somewhere. Gusto ko sana siyang kausapin kaso malayo siya dito eh. Magkasalungat pa nga yung direksyon ng dadaanan namin... "Haha! O sige ba, maganda yun!" Tawa nang tawa si Gab habang kinakausap sina Jude at ibang teammates. Naririnig ko yung mga boses nila, malapit lang kasi sila samin. At kung hindi ako nagkakamali, nakita niya na yata ako dito. O baka naman, feeling ako masyado? HEHE "Okay, sige pupunta na kami ni Celestine diyan!" Humarap na si Jana sakin kaya napatingin ako sa kanya. "Gab!" May tumatawag kay Gab galing sa likuran namin. Pero si Gab, nakikipagkwentuhan parin dun sa teammates niya. "GAB!" Ayun mas imposibleng hindi yun marinig. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag, si Gianna naman pala. Nakatalikod si Gab samin kaya hindi ko makita yung reaksyon niya. Papalapit na ng papalapit si Gianna sa kanya... "Gab, please?" Hinawakan ni Gianna ang braso ni Gab saka `to lumingon sa kanya. "Don't interrupt when I'm ignoring you, Cel!"
CEL... CEL! CEL! Parang may bumagsak na timba galing sa langit sa pagkakasabi ni Gab nun sa mukha ni Gianna. Halos matawa pa nga ako dito sa kinatatayuan namin ni Jana. Si Jana naman, kahit kabababa pa lang sa cellphone, eh tumatawa na ng napakalakas. Napatingin tuloy si Gab samin, "... I-I mean, Gianna." Dahil yata sa kahihiyan, umalis na agad si Gabriel. Nagsimula na rin kaming maglakad ni Jana papunta kay Cid. "HAHAHAHA LOSER! Ano daw? Cel? Tinawag niyang Cel yung pinakamamahal niyang ex!? HAHAHA LOKO! Heller! As if naman maghahabol pa siya sayo noh! HAHAHA" "Oo nga eh! Grabe, buti napigilan ko yung pagtawa ko, masyado pa akong nabigla nun eh." "SAYANG! Sana tumawa ka ng malakas! HAHA"
SEVENTYTHREE Celestine Herrera: Hindi pala sila pumasok sa trabaho...
Nakisama na rin ang panahon pagkatapos ng 2nd semester. Pinagbakasyon ako nina Mama at Papa sa probinsya kaya hindi na kami nagkita ni Gabriel. Kahit na sobrang miss ko na siya, wala akong magagawa. Minsan, para akong tanga, napapaluha na lang akong bigla sa tabi-tabi pag naiisip ko siya. Pagbalik ko kaya, papansinin niya na ako? Namimiss niya rin kaya ako? Naiisip niya rin kaya ako? Pero gaya ng sabi ni Jana, hinding-hindi na ulit ako maghahabol sa kanya. Tama na yung halos buong teenage-life ko'y siya lang yung laman... tama na yun. Kailangan ko na ng bagong pahina sa buhay ko. Yun namang wala na siya... Pagbalik ko sa bahay hanggang sa simula na naman ng pasukan sa susunod na semester, ganun parin ang trato niya sakin... parang hangin. Pakiramdam ko nga, lumala na ngayon kasi di niya na talaga ako tinitingnan. :( Masakit... syempre, yung taong pinakamamahal
mo binabalewala ka lang. Okay lang sana kung di mo siya kilala, eh eto bestfriend ko `to eh. Pagkalipas pa ng limang buwan, ganun parin. NAKAKABWISIT NA! Ang tagal naman naming magkabati! SHET NA MALAGKET! `Tong gag0ng `to, pinapahirapan ako ng todo!? Ilang buwan na lang eh mag-iisang taon na kaming nagde-deadmahan! "Sa tingin mo, Cel, babalik pa kaya yun si... Gianna?" Tanong ni Jana habang kumakain kami ng Mr. Chips sa isang bench. Natanong niya yun kasi naman, dumaan kanina yung idol niyong si Gabriel Soriano. "Hindi ko alam eh... Siguro..." Nga pala, umalis na si Gianna, bumalik ng Japan. Pitong buwan na rin ang nakalipas simula nung huli ko siyang nakita sa school. Nagui-guilty nga ako eh kasi hindi na kami nagkausap simula nun. :( "Hindi ka parin ba tinitingnan ni Gab?" Halos natatawang tanong ni Jana. "Oo..." Patingin-tingin sa malayo. Ano bah! Wala na akong pakialam. It`s like 7 months ago... wala na. "Charing!" Sabay kurot sa pisngi ko. "Edi ano ngayon, naka move-on ka na diba?" Tiningnan ko siya, "Mejo..." "Good! Ma-aacomplish na yung plano! Salamat naman at sa wakas..." Tumingin siya sa malayo. Kumuha ako sa Mr. Chips niya at tiningnan siya. "Sana nga lang... mag-cooperate ang lahat." "Huh?" Tiningnan niya ako with evil smile. "Magpapatuloy yang pagmo-move-on mo kung di ka papansinin ni Gab dahil di mo rin naman siya pinapansin... pero kung papansinin ka na niya..." Nagkibit-balikat siya. Napaisip din ako sa sinabi ni Jana... Pero kelan naman kaya mangyayari yun? Yung pansinin ulit ako ni Gab? Okay lang siguro kung ako yung papansin sa kanya, posible pa iyon, pero siya yung papansin sakin? Laugh out loud! Super taas ng pride nun. Siya yata yung may pinakamataas na pride sa balat ng lupa eh. Kakagising ko lang sa unang araw ng bakasyon ko... sembreak na naman at masakit mang aminin, wala akong patutunguhan ngayong bakasyong `to.
"12PM na pala..." Pero inaantok parin ako. Humiga lang ako at yinayakap ang unan. Pero ilang sandali ang nakalipas, kumalam ang tiyan ko. Sayang, ang sarap pang matulog pero ginugutom naman ako. Bumangon ako. *Tok-tok-tok* Pero bago ako makalabas ng kwarto, yun ang narinig ko. Sheyt, kala ko ba next week pa ang sembreak ng med school? Ba`t nandito na si Kuya Sky? Tsaka... si mama at papa nasa trabaho eh. "Teka~!" Napakamot ako sa ulo habang inaabot yung tsinelas kong nasa ilalim ng kama. *Tok-tok-tok-tok* Mas malakas na katok naman. Kinamot ko ang ulo ko tapos, "TEKA!" Pagkahawak ko sa doorknob, may dumaan sa utak kong ideya. Pero syempre, binalewala ko na lang kasi IMPOSSIBLE. Pero... "G-Gab?" Natigilan ako habang naaninaw ang mukha niya pagkabukas koi ng pinto. Tama pala yung ideyang dumaan sa utak ko. "B-Bakit k-" "Tinatawag ka ni tita... gumising ka na raw." K-kinakausap niya ako! OMG! Kahit na hindi naman siya makatingin sa mga mata ko, kinausap niya parin ako. Calm down, Cel! Nakamove-on ka na! Hayaan mo na yan! Act normal... "Ah..." Napakamot ako sa ulo. Shet na malagkit... hindi pa ako nagsusuklay. NAKU NAMAN! "Hindi pala sila pumasok sa trabaho..." Linagpasan ko siya para pumunta na sa living room...
Sumunod naman siya sakin. Wala naman pala sila sa sala, nasa kitchen sila kasama ang mama at papa ni Gabriel... "Oh sa wakas nagising ka na!" Sabi ni mama. Ba`t nandito sila? "Pasensya ka na Gab ah? Nahirapan ka bang gisingin siya?" "Hindi naman po... gising na yata siya pagdating ko dun." Tumango si Mama at ngumiti. Tapos pinagpatuloy na nila yung naputol nilang usapan dahil sa pagdating ko... "Sayang naman kung ganun..." Sabi ni mama sa mama ni Gab. "Ganun din kay Sky..." Nauuhaw ako at feeling ko mabaho pa ang hininga ko kaya kumuha ako ng baso at uminom ng tubig... "So, ano, si Cel at Gab lang ang madadala sa bakasyon?" Singit ng papa ni Gabriel. Muntik ko ng isuka yung tubig na ininom ko. Bakasyon? What bakasyon?
SEVENTYFOUR Celestine Herrera: Bakit, Gab?
Okay, Cel, kumalma ka lang muna diyan. Wa`g kang magpakita ng kahit anong reaksyon na makakapagpa-feeling sa Gab na yan. Umupo ulit ako sa table. Nakatingin lang si Gabriel sa akin at ang feeling niya namang hindi ko napapansin ang pagtitig niya sakin. Siguro binabantayan nito ang reaksyon ko. "Magbabakasyon po tayo? Saan?" Nakangiti pa ako at pinakita kong excited ako sa kanila.
"Sa Sortee... Kaya lang, hindi makakasama ang kuya mo dahil sa med school at si Nica naman nasa lola niya pa..." Sabi ni Papa. "Naku... sayang naman!" Sabi ko. Natahimik sila. "Etong si Gab naman... ayaw pa yatang sumama." Sabi ni tita. "Tinatamad ako..." "Ikaw talaga! Anong tinatamad ka, eh wala ka namang ginagawa sa bahay? Gusto mo bang mag paiwan?" Nakatingin ako kay Gab tapos sinulyapan niya ako. "Sasama ako! Kelan po ba?" Tanong ko kay tita. "Bukas." Ngiting-ngiti pa ako pero kinakabahan na pala. "Kita mo? Mabuti pa si Cel, sasama!" Sinulyapan ako ni Gab. "Bukas na po pala yun? Ma, pwede na bang mag impake?" "Oo sige, anak! HAHA. Excited ka ah? Okay lang ba sayo kahit hindi kasama si Gab?" Kung sasabihin kong, 'okay lang' baka iisipin ni Gabriel na may kung anong nararamdaman parin ako pag nandyan siya. Pwes, mali siya, dahil wala na! KAYA... "Gusto ko sanang sumama si Gab..." Sabay tingin sa kanya at ngiti. Nakatingin lang siya sakin with his emotionless face. BAHALA KA KUNG AYAW MONG NGUMITI~! Basta, I'm okay now, so you need to be okay too! "Pero kung ayaw niya... o baka may gagawin siya this break... okay lang din. Ako kasi, wala akong gagawin eh... Bored din ako dito sa bahay kaya sasama ako." "Oh really?" Sabi ni Gab. "O sige... sasama na rin ako." Ang lalaki ng mga ngiti ng mga magulang namin. Pinilit ko na ring ngumiti kahit na halos mabilaukan ako sa desisyon niyang pabigla-bigla! "Okay! Edi okay na ang lahat! Mag impake na tayo! We're going to Sortee tomorrow!" Shucks! Ayan tuloy, sumama pa si Gabriel. Pakiramdam ko tuloy alam niyang ayaw ko talagang makasama siya sa bakasyon kaya para mainis ako lalo, sasama siya. Ay ewan, Cel!
"Okay, sige... Cel, Gab, mag impake na kayo... Tsaka... kung gusto niyo, mamili na rin kayo ngayon..." "K-Kami?" "Oo." AYOKO NA! TAMA NA YUNG BAKASYON NA MAGKASAMA KAMI. Ayokong makisama sa kanya ngayon! Nahihirapan na nga akong magpaka-nice dito tapos magkakasama pa kami sa pamimili? HELL NO! "Wa'g na po... Si Jana na lang ang isasama ko. Baka kasi busy si Gab eh..." Pagkatapos kong sabihin yun, umakyat na ako sa kwarto para wala na silang masabi. "My gosh, Cel! Umayos ka..." Sabi ko sa sarili ko habang papasok sa loob. *tok-tok-tok* Kakapasok ko pa nga lang may kumakatok na? Ano `to, sinusundan ako? Binuksan ko ang pintuan. Si Gab na naman. Abah, nagiging hobby niya na ulit ang pansinin ako ah? "Bakit?" Ngiti pa, Cel! Nagkasalubong ang mga kilay niya. "Buti naisipan mong sumama... Kung iniisip mong magback-out ngayon dahil sasama ako, mas mabuti pang wa'g mo na lang gawin..." HUH? Ano ba `tong pinagsasabi niya. Seryosong mukha pa ang sinalubong niya sa ngiti kong pinaghirapan pa. "Bakit? Haha... Hindi ko naman yun iniisip eh. Talagang gusto ko lang magbakasyon. Sumama ka man o hindi, okay lang. Mas mabuti nga yung kasama ka, diba? Mas masaya..." "A-Anong ibig s-sabihin mo?" "Uhmmm, sasama ako sa vacation? Bakit? Ikaw?" "S-Sasama din..." "O yun naman pala eh, edi masaya!" Nagtititigan lang kami. ^-^ Halos ngumingiti pa nga ang reaksyon ko ngayon habang seryoso siya at mukhang nagtataka. "Bakit, Gab?" Ngiti pa ulit ako.
O ano ka ngayon? Alam kong pumarito ka para ipangalandakan saking nag-aaway parin tayo pero pasensya ka na pero wala na akong hinanakit sayo. I'm cool. And you should be cool to me too! Kung hindi mo man malimutan yung pagsisinungaling ko sayo, bahala ka na diyan sa buhay mo. Basta ako, nakalimutan ko na yung mga pang-aapi mo sakin. GANUN LANG YUN!
SEVENTYFIVE Celestine Herrera: Aray...
Walang imikan hanggang sa nakarating na kami sa Sortee. Si Papa ang nag di-drive, si tito ang nasa front seat, si Mama at tita ang nasa unahan, kami ni Gab ang nasa huli. Dinala kasi nila ang sasakyan nina Gab eh kaya heto kami't papunta sa Sortee Beach Club. Malayo pala yun sa pyer dito. Nakatingin ako sa labas habang pinapanood ang paglubog ng araw sa dagat. Excited na talaga akong mag beach dahil nakikita kong ang ganda-ganda ng lugar na `to! "Cel, Gab, may problema ba kayo?" Umupo ako ng maayos pagkatanong ng mama ni Gab samin nito. Tinanggal din ni Gab ang earphones niya. "Uhm... wala naman po." Sabi ko. "Kanina ko pa napapansing wala kayong imik diyan sa isa't-isa ah?" Walang imik? Baka si Gab lang ang walang imik diyan? Eh kanina pagbaba namin sa barko, kinuha ko pa ang bag niya tapos sinabi ko 'Eto na ang bag mo Gab', inisnaban ba naman ang byuti ko? Kinuha lang yung bag at di man lang tumingin sakin. Kaya sabihin niyo kung sinong gustong makipag-usap sa mokong na yan? "Ah hehe... sorry po, inaantok lang ako." Sabi ko sabay tingin kay Gab. "Tsaka, nakikinig din kasi ng iPod si Gab eh." Nginitian ko si Gab. At syempre, yung idol niyo emotionless parin hanggang dito. "Gab, pahiram ng kabilang earphone, gusto kong marinig yung mga pinapakinggan mo..."
"O..." Sabi niya pagkabigay ng kabilang earphone. Buti naman at nag-usap na ulit si mama at si tita kaya wala ng pumansin saming dalawa. Plastik talaga ng Gab na `to! Pakitang-tao lang yata yung ginagawa niya... "Nandito na tayo!" Sabi ni mama at dali-dali silang lumabas sa sasakyan. Lumabas na din kami ni Gab pero nakalimutan niya yatang nakakabit ang isang earphone sakin kaya hindi niya naman tinanggal sa ears ko. NAKALIMUTAN NIYA BA TALAGA O GANUN LANG SIYA KA-HARSH? Tapos hindi pa siya nag-offer na dalhin yung gamit ko kahit na mabigat `to. Hindi naman sa masyado akong nagfe-feeling-feelingan dito pero nakakainis lang tingnang mukhang ang gaan-gaan ng dala niya tapos mabigat `tong sakin. HAY NAKU! NAKAKAINIS TALAGA! "Hay ang bigat!" Sabay lapag ko sa gamit ko dun sa reception hall. "Kung ba`t ba kasi dinala ang buong bahay..." Sabi niya. KITA NIYO? Nakakainis ang halimaw na `to! Kagagaling lang namin sa byahe tapos ganito na siya makaasta. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong hindi umirap dito sa kawalan. "Tigtatatlo sa isang kwarto." Sabi ng papa ni Gab samin. "Magkatabi lang din ang mga kwarto kaya okay lang..." "Okay po..." Sabay ngiti ko. "O, Gab, byernesanto yata ang mukha mo? Bakit?" Hindi naman talaga pang-byernesanto yung mukha niya, talagang emotionless lang. "Inaantok lang talaga ako, pa." "Inaantok? O sige, ngayong gabi, matutulog ka para bukas papasyal na lang kayo ni Cel. Pero magdi-dinner muna tayo? Okay ba yun?" "Oo, mas mabuting ganun." "Buti pa tong si Cel, alive na alive parin." "Syempre naman po! Hindi naman kasi ako napilitan papunta dito eh." Sabi ko. "Anong ibig mong sabihin, napipilitan ako?" Sabi ni Gab. Naku naman oh! Sino bang linsyak na nagsabing ganun ang ibig kong sabihin? Eh tanga pala tong mokong na `to! Pasalamat ka at under therapy ako ngayon at hindi ako pwedeng magpalabas ng kahit maasim na mukha sa harapan mo para windangin ka! "Hindi ko naman sinasabi yun ah?" Hindi siya tumitingin sakin kaya binalewala ko na lang siya.
"Mamamasyal na rin ako ngayong gabi... mukhang masaya dito eh." Sabay tingin ko sa labas ng hotel. Mukhang masaya nga! Maraming tao sa labas eh. "Naku, Gab... you need to accompany Cel kung mamamasyal siya. She can't be alone." Sabi ng papa niya. "Huh? Ayoko!" Mokong ka!? AYOKO? Ang bilis pa ng sagot niya! Edi wa`g mo! Nakakainis na talaga huh? "Okay lang po... kaya ko namang mag-isa." "Huh? Hind-" "Tayo na!" Biglang singit ni papa. "Room 307 tayo, Cel. 308 naman kayo..." Sabi niya kay tito. "Iwan na natin yung mga baggage sa mga rooms." Tapos ang bilis naman makaalis ni tito at ni papa, tinulungan yata sina mama sa pagdadala ng mga baggage kahit marami namang room boy. Oo nga?! Marami namang room boy bakit walang tumutulong sakin dito? Siyet! Eh alam ko namang walang puso iyang si Gabriel na yan kaya di na ako aasa. May nakita akong isang roomboy na dumaan. Si Gabriel naman, nandun umupo sa sofa ng reception hall, tinatamad talaga yatang umalis. Ako na nga lang ang maghahanap-buhay dito. Hahanap ako ng roomboy para madala na tong bag na `to. Dinala ko ang mabigat na bag sa gitna ng reception hall with all my 'pitiful expression'. "Aray ang bigat..." I murmured. Syempre, ni-make sure kong may mga employee sa palagid para mapansin ako at kunin tong bagahe. Ayan na, may papalapit ng naka polo at mukhang employee o room boy dito. Habang papalapit siya, mas lalo pang tumindi ang pag-aacting ko. May pa hilot-hilot sa kamay effect pa. Pakiramdam ko tuloy sinasaniban na ako ng mga kabalbalan ni Jana kahit wala siya dito, masyado na akong maraming alam sa mga plano-planong ganito eh. "Aray..."
"Uhm, ma'am ako na lang po ang mag-" Kinuha naman ni Gabriel ang bag ko bago pa nakuha nung HOT room boy. Ngayon ko lang napansing hot yung roomboy na yun, lumapit kasi eh. Parang si Jacob Black? Ewan ko bah. Pero teka, may pumapapel dito oh! "Ako na..." Gamit niya ang malamig na boses niya. At malamig na tingin niya sakin. "Magkasama kaming dalawa..." Sabi niya kay Jacob Black-look alike. "Ah, sige sir..." Tapos umalis din naman yung roomboy. Nagsimulang maglakad si Gabriel bitbit ang bag niya at bag ko. Nakakaguilty tuloy. At nakakainis. Ba`t niya naman ginawa yun? Dapat hinayaan niya na lang ako diba? Masyadong pakitang-tao tong kurimaw na `to. NAKAKAINIS! DAPAT INIINIS NIYA NA LANG AKO EH! Ayan tuloy, wala akong clue kung paano re-react pag siya naman ang mukhang okay na.
SEVENTYSIX Celestine Herrera: Oo, mali yun.
"Gusto kong magstrolling." Sabi ko sa kanila pagkatapos naming kumain. "Ngayon? Eh gabi na..." Sabi ni mama. "Okay lang naman eh. Maraming tao dito. Tsaka, sasamahan naman siya ni Gab. Diba Gab?" Nakatingin kaming lahat kay Gab. "P-Pero, okay lang naman po kahit mag-isa lang ako..." Sinabi ko iyon dahil nakikita kong naguguluhan si Gabriel kung anong isasagot niya. "Ano? Oy, bakit parang... cold... yung treatment niyo sa isa't-isa? Huh? Nag-away ba kayo?"
Napaisip pati sina mama at papa sa sinabi ng mama ni Gab. "Ano? Hindi po ah! Talagang tinatamad lang ako." Sagot agad ni Gab. Hay naku, `tong mokong na `to! Takot talagang mabuking na nag-away kami dahil lang sa babae. Makatarungan naman siguro yun dahil pinsan ko naman yung pinag-awayan namin. Nakatingin parin sila kay Gab. "Ay halika na nga, Cel!" Biglang tumayo si Gab at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako patayo. Asus! Hindi niya naman kailangang pilitin ang sarili niya kung ayaw niya talaga eh. Hehe... pero mabuti na rin `to kasi alam kong galit at naiinis parin siya sakin. So kailangan friendly ako sa kanya para makonsensya ang kumag. LOL. Hindi naman sa nagpapakonsensya ako dito... Hinila niya ako palabas ng hotel. "O, saan mo gustong pumunta?" Umiling siya sabay bitiw niya sa kamay ko. "Uhm... Gab... kasi hindi mo naman kailangang sumama eh." "Ano bah, wa`g ka ngang magdrama diyan!" "Totoo naman eh. Alam kong..." Pataas na sana ang tono ng boses ko kaya hininaan ko. "Alam kong ayaw mo naman talagang sumama..." "Asus! Andami mo pang arte diyan! Saan mo ba gustong pumanta kasi?" Tumingin si Gab sa paligid. Kakainis naman. Ba`t mukhang hindi siya naiinis? Mukhang nagiging mabait pa siya ngayon... Ah alam ko na! Iniinis lang ako nito kasi napansin niyang nagiging friendly na rin ako. "Doon!" Sabay turo ko sa buhangin. "Huh? Dyan lang?" "Oo! Sabi ko naman diba, di ko na kailangan ng kasama. Tatambay lang naman ako dyan eh!" Naglakad siya at umupo kung saan ako tumuro. "Oo. Nandito na tayo." Ngumiti siya sakin. Ako naman, nakatayo lang at nakatingin sa kanya.
"Lika na!" Sabay lagay ng palad sa tabi. Para bang pinapaupo ako sa tabi niya. At si ako naman hindi alam kung anong ire-react. Para akong umaayaw na tumatango. Kaya imbis na ipakita ko sa kanya ang tuliro kong ekspresyon, lumapit na lang ako at umupo sa tabi niya. Okay, Cel! Again, wa'g kang aanga-anga diyan. Pa-cool lang yang si Gab, ang totoo inis na inis yan ngayon dahil kasama ka. Kaya wa'g kang magpaloko. Ipagpatuloy mo lang din yung pagiging cool mo dyan! "Hayyy, busog na busog ako." Sabi ko. "Ako rin!" Sabay buntong hininga niya at tingala sa mga tala. "Diba pagod kah?" "Oo." Nakatingala parin siya habang tinitingnan ko. "Uhm, kung napipilitan ka lang dito... okay lang naman na ako lang mag-isa eh." "Baka magduda pa ulit sila, dito na ako..." SABI NA NGA BAH EH! BWISIT TALAGA! Napailing ako at tumingin sa kawalan. O, Cel? Ba't ka parang nadidisappoint jan? "Uhh.. Wa`g kang mag-alala, ako na mismo ang hahanap ng palusot kung magduda man sila." Tiningnan niya ako. "Tinataboy mo ba ako?" Seryosong tanong niya. Umiling-iling naman ako at hindi ako makatingin sa kanya. "Nag aalala lang naman ako eh, b-baka kasi ayaw mo... K-Kasi nga diba, gaya ng sabi mo... baka magduda sila... eh kung napipilitan ka lang naman..." "O edi, hindi ako napipilitan... Happy now?" HARUUUUU! Ayun, Cel! Ganun ang hinihintay mo diba? Okay! Ayun! Lumabas ang tunay na kulay ng mokong... Tahimik na lang ako kasi baka masupalpal ko to dito. Ayoko namang makipag-away or anything sa kanya. Diba nga sabi ko magpapakabait na ako sa kanya?
Nakatingala parin siya at feel na feel niya pa talaga yata ang moment niya habang tinitingnan ang mga tala. Ako naman dito, tingin-tingin lang sa paligid. Maraming tao. Sa unahan naman may nakaupo ding gaya namin, kaya lang ready sila... may nakalatag na pagkain sa harapan nila. "Inggit ka ba? Asan na yung Dexter mo?" Ngyek! Nakita niya yatang tingin ako nang tingin dun sa magkasintahan sa unahan namin. "Huh? Hindi no!" Ayun tumaas ang boses ko. Asan na ba yung pagiging friendly jan? "Asus... kunwari ka pa! Hindi lang kita pinansin ng ilang buwan eh hindi ka na nagshishare sakin..." WHAT THE? Nakakabigla naman yung linya niya. Tsaka, mukha pang naiklian siya sa mga ILANG BUWAN niyang pang-aapi sa akin ah? And as if namang nagshi-share ako sa kanya tungkol samin ni Dexter. "Ano namang ishi-share ko? Tsss." "Yung lablayp mo, ano pa bah?" "At kelan ka naman naging concern sa lablayp ko?" Tumaas ang kilay ko. Nakita kong ngumiti siya. AFFFF? Bakit siya ngumingiti? Yung tipong ngayon ko lang nakita ulit after how many years. LOL "Ngayon lang..." Flashed another creepy smile. "Ano? Balita ko kayo na raw?" DUH! AS IN DUH! Sinong linoloko nito? At anong balita ang pinagsasabi niya? Saan ibinalita yan at kakasuhan ko ng libel ang istasyon at reporter! But then again, kailangan friendly ang tono ko. Di pwedeng mahalata niyang naiirita na ulit ako sa kanya. I got a feeling kasi na ganun ang gusto niyang mangyari kaya nangiinis to ngayon. PATAASAN NA NG PRIDE TOH! Tumawa ako. "Kung ano man yung balitang narinig mo..." O kung meron ngang usapusapan na ganun. At nagdududa akong gawa-gawa mo lang, Gab. "... hindi yan totoo. Hindi naging kami ever ni Dexter." "Huh? Panu yun? Binasted mo?"
"Uhmmm. Hindi naman sa ganun pero... naintindihan niya rin naman kasi ang sitwasyon ko nun eh." "Oh talaga?" Naka evil smile parin. "Mali pala yung narinig kong balita?" Kinikimkim ko na ang inis ko dito ah. "Oo, mali yun." Ngumiti na rin ako. Katahimikan. "Ikaw bah, kumusta ka na? Galit ka parin ba sakin?" O ano ka ngayon? Panlaban ko yan ah! Tingnan natin kung makakapag evil smile ka pa riyan. Tumingin siya sa likuran ko. Mukhang winawala yata ang usapan ah? Pagtingin ko sa likuran, may isang german sheperd na pakalat-kalat at sumisinghotsinghot sa buhok ko. "AHHHHHHHHHH!" Halos mapaos ako sa sigaw ko. Mukha pang nakawala ito kasi may tali pah. "Shoooo!" Sabay tayo ni Gab at hila sakin sa likuran niya. Kainis, ba`t may eksenang ganito palagi ang mga aso? At ang masaklap pa, naiwala ko yung tanong ko kay Gab! GRRRR...
SEVENTYSEVEN Celestine Herrera: Sandali nga!
Hindi parin nakakaalis ang aso. Singhot parin siya ng singhot sa tabi-tabi. Buhangin lang naman yung sinisinghot niya eh, ano bah! Lokong aso. Umayos kaming dalawa ni Gab. Tinitingnan ko parin ang asong singhot ng singhot. Pero ang totoo, naiilang ako kay Gab ngayon kaya tingin na lang ako ng tingin sa aso kesa makatingin ako kay Gab. Kung galit pa siya, okay fine. Pero kung okay na siya, magkahalo ang emosyon ko. Masaya, maninibago, maiilang... Syempre, kumapal ang mukha kong tratuhin siya ng
mabuti dahil alam kong galit siya sakin. At pag nalaman kong okay na siya, at tatratuhin ko siyang bait-baitan parin, nakakailang na. "Sa tingin mo ba makikipag-usap ako sa`yo kung galit pa ako sayo?" Biglang sinabi niya. Nagflashback lahit sakin yung mga beses na nagkagalit kami, nagalit siya sakin at nagaway kami. Tama! Hindi niya nga ako pinapansin o kinakausap nun. "Uhh..." Napatingin ako sa kanya. "Pickles! Bad dog!" May isang mukhang matipunong boses akong narinig galing sa likuran. Napaisip ako sandali pero ang mata ko'y kay Gab parin. Syempre, sino ba ang makakawala sa mga titig niya ngayon. Tagos sa puso. Kung sana hindi ko alam na mahal na mahal niya yung ex niya eh maiisip ko ng sakin talaga siya may gusto. "O! Bad! Lika na! What are you doing here... Tsss." Napatingin kami ni Gab sa nagsasalita sa likuran. Kanina pa kasi at mejo malakas ang boses kaya tiningnan namin kung sino. Ang pangalan pala nung asong singhot nang singhot ay Pickles. Tumambad sakin ang amo nitong ka height ni Gabriel. Mejo payat siya pero matipuno parin, makikita mo kasi ang hugis ng muscles ng braso niya. "Uhm... Nagulo ba kayo ng aso ko?" Tumingin siya sakin. LOADING... His face lightened up. "Celestine?!" Hindi ko maisip kung saan at kelan ko nakilala etong lalaking tumatawag sakin na nasa harap ko ngayon pero... ilang sandali... pagkatapos kong sumulyap sa mukha ni Gab na mukhang naiipit ang reaksyon... Nasabi ko ang pangalan niya. "Eiji?!" He flashed a smile. "Cel!"
Yinakap niya ako kahit hawak niya pa yung tali ng aso kaya hayun, singhot ng singhot ang aso sa legs ko. Masaya na sana ako dahil nagkita kami ni Eiji at yumayakap siya sakin, pero sana naman... please... sana walang aso sa picture. Biglang kinalas ni Gab ang pagkakayakap ni Eiji sakin at kinuha ako sa tabi niya. Nag-iba ang ekspresyon ni Eiji. "Sorry pare, pero takot kasi si Cel sa aso." Napatingin si Eiji sa aso niya. "Hi-Hindi naman sa... uhm... Eiji! IKaw na ba talaga yan?" Iniba ko ang usapan at ngiting-ngiti pa ako para lang ma distract sila. "Sorry, Cel. Hindi ko alam na takot ka pala sa aso." He smiled at me. "Ilang years din kasi akong hindi nakapag communicate sayo." Oh GAAH! Nakakaguilty naman talaga yung nangyari. Tumingin si Eiji kay Gabriel. At sa mukha naman ni Gabriel makikita mong masaya siya dahil napipikon `tong si Eiji. "Tong kayabangang `to... kilalang-kilala ko `to ah?" HALA! OH MAYYYY GOOLAY! Mortal na magkaaway pala `tong dalawang `to! "Cel... close na kayo nito?" "Uh-Uhmmm." Tinulak ni Gab si Eiji. Tinulak na rin ni Eiji si Gab buti na lang naisip kong pumagitna sa kanila. "Hoy! Hoy! Unang pagkikita natin `to after how many years! Wala namang ganyanan!" "Pagsabihan mo nga yang EX BESTFRIEND MO, Cel! Wala naman akoing ginagawa dito, tapos sabat siya ng sabat diyan!" Sigaw ni Gab. "Wow! Ex bestfriend? May ganun? Bakit? Sino ba yung present bestfriend niya?? IKAW GAB?" "Wowow~! Sandali nga! Ano ba yang pinag uusapan ninyo? My gahd!" "Ikaw sumusobra ka na talaga! Namimikon ka, pero pikon ka rin pala!" Tinuro-turo pa ni Gab si Eiji. OH MY GOSH! WHAT A MESS!
SEVENTYEIGHT Celestine Herrera: Good night nga lang ang tinext ko eh.
"Wow... ang tangkad mo na!" Sabi ko sabay measure ng height ni Eiji. Ngumiti siya at sumulyap kay Gab na nandun lang malapit sa door ng hotel nanonood samin. Malayo siya para makapag-usap kami ng maayos ng long lost bestfriend ko. "I mean... matangkad ka na noon, pero mas tumangkad ka ngayon." "Ikaw naman... parang di na tumangkad ah? HAHA" Nagtawanan kaming dalawa. "Nakuuu! Sobrang na miss kita! Buti naman marunong ka pang magtagalog! HAHA." "Oo naman. Si mama kasi naiinis pag ingles ako ng ingles kahit nasa bahay na at siya ang kausap ko." "Aww. Kaya naman pala!" Katahimikan. Eto yung pakiramdam pag matagal na kayong hindi nagkikita nung tao at hindi mo alam kung ganun parin ba ang dapat pagtrato mo sa kanya. Iba na kasi eh... iba na yung mga tingin niya. Mukhang maraming nagbago. "Namiss kita..." Yinakap niya ako. "Ramdam ko ang mga pagbabago sayo." Sabi niya. Nagkatitigan kami. "Makakahabol pa kaya ako?" Tanong niya. "Uhmmm... oo naman!" Kaya lang hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Anong mga istorya ba ang gusto niyang marinig? At ano naman ang sasabihin ko? Umupo kami sa inupuan namin ni Gabriel kanina. "Kamusta na?" "Eto, okay lang. Ikaw ba?" "Okay lang din. Ano ba yan, napaka broad naman ng okay... hehe."
"Yun din ang iniisip ko. Uhm... Saan ka nag-aaral?" "Sa Ireland parin. Katatapos ko lang ng highschool eh. Hindi ko pa alam kung saan ako mag co-college, dito ba o dun parin." "Cool." "Ikaw, kamusta ang pag-aaral mo?" "Okay lang. Mejo mahirap ang Business pero kaya din naman." "Nga pala," Sabay pakita sa cellphone niya. "Penge ng cell number mo." Binigay ko agad ang cell number ko. "May boyfriend ka na ba?" Tanong niya. "Wala." "Nagkaboyfriend?" "Hindi..." Tumawa ako. "Hindi nga?" "Wala talaga." Tinitigan niya ako. "Sa ganda mong yan?" "Asus bolero! Eh kung maganda ako, nagustuhan na sana ako ng taong gusto ko!" Umirap ako. "Huh? HAHA. Sino ba yung taong gusto mo at uupakan ko! Ang tanga naman niya, di ka niya makita!" Gusto? Wala nga ala akong gusto ngayon! Ano bah! Anong Gab? Walang Gab! "Wala... joke lang yun! Pero totoo, talagang wala pa akong boypren!" Tumaas ang boses ko. "Haha! Napaka imposible naman ng sinasabi mo. Ilang taon ang lumipas, ibang-iba ka na ngayon kaya yun ang una kong naisip... na siguro nagkaboypren kana kasi dalagangdalaga ka na at ang ganda-ganda mo pa. Imposibleng walang nabighani sayo. Nakakabighani ka eh!" Ows? Ibig sabihin nabighani kita? Asus! "Ikaw? Nagkagirlfriend ka na ba?" "Oo eh." "Whoaa! Ilang beses?" "Dalawa..." "HAHAHA. Talaga? Baka namang labing dalawa? Sa mukha mong yan! Marami kang mabibiktima riyan! HAHAHA." "HAHA! Ikaw talaga! Hindi naman ako ganun..." Nagtawanan kami.
"Pssst, Cel! Tulog na tayo!" Napatingin ako sa nagpapansing si Gab. "Huh?-" "Kayo lang dalawa ang magkasama?" Tanong ni Eiji. Ewan ko ba pero mukhang uminit ang pisngi ko sa tanong niya, "Hindi ah!" "Tayo na..." Lumapit na talaga si Gab. "Kasama namin sina mama at papa." Sabi ko kay Eiji. "Teka nga lang, Gab! Nag-uusap pa kami-" "Pare, sensya na. Kakarating lang namin dito eh. Bumyahe kami kanina. Pagod yata si Cel." "Huh? Eh di pa naman ako inaantok eh." Nagkatitigan si Eiji at Gab. "Ganun ba? Sige Cel... Magpahinga ka na lang muna." Lintik talagang Gab na to, kala mo kung sino. Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Sige Eiji, pasensya ka na ah. Bukas ulit." Tumayo na rin si Eiji, "Ok sure!" Yinakap niya ulit ako ng mahigpit. "Kung hindi ka makatulog, itext mo lang ako ah. HAHAHA." Sabi niya. "O sige!" Ngumiti ako. Pagkatapos nun ay naglakad na kami papasok ng hotel ni Gab. "Asus nagpaloko ka naman sa mambobolang yun?" Sabi niya. "Huh? Anong nagpaloko?" "Harutan kayo nang harutan kanina eh. Kala mo siguro di ko narinig." "Okay, edi narinig mo na... Anong problema dun?" Teka! Cel! Kala ko ba magpapakabait ka sa kanya? Pero, ano namang pwedeng baitbaitang reaksyon ang pwede kong sabihin sa kanya? Wala diba?! Umiling lang siya at pumasok sa elevator. Kaming dalawa lang ang tao. Kinuha ko ang cellphone ko at nag type ng 'good night, eiji!' para kay Eiji. "At ngayon, may textmate kana?" "Text mate ka diyan. Good night nga lang ang tinext ko eh."
Lumabas kami sa elevator at nakita ko ang sign na 3rd floor, nakarating naman ako agad sa room namin. "Tulog ka agad ah. Wag ka ng magtext ng text diyan... Mamamasyal pa tayo bukas." Nasa tapat ng room namin ang room nila. Kaya nakatunganga ako sa pintuan habang tinitingnan siyang papasok. "Good night, Gab!" Sabi ko. Tumigil sandali ang pagsasarado niya sa pintuan, akala ko may sasabihin siya, pero sinara niya na `to ng tuluyan. Pumasok na rin ako at nakita kong tulog an tulog na sina mama at papa. Humiga ako sa kama ko at nakita ang text ni Eiji. 'Sweet dreams, Cel. :)' Inayos ko ang kumot ko. Hindi ako makapaniwalang nagkita ulit kami ni Eiji after how many years. Pagpikit ng mga mata ko, naramdaman ko ang antok ko. Tama si Gab, pagod nga ako sa byahe... HAAAY. *Tiit-Tiiiit-tiiit* Eiji? "Good night, Cel..." Hindi `to si Eiji! Gabriel Soriano!
SEVENTYNINE Celestine Herrera: Sinong kasama mo?
"Bilis naman, Celestine!" "Oo na kasi Gabriel Isaac!" Tumakbo ako papunta kay Gab. Napatigil akong bigla, halos masobrahan kasi yung takbo ko... eh kasi naman itong si Gabriel, nang-aapura. Muntik na nga akong sumalpok sa dibdib niya sa kakatakbo ko eh.
Napatigil lang ako kasi topless yung mokong at ang kintab pa ng dibdib...abs... kala mo naman nabuhusan ng cooking oil! Halos matanggal ang mga eyeballs ko sa mga mata ko. "SUS! Ano ba naman yan! Magbihis ka nga dun!" "Huh?" Nadivert agad yung tingin ko galing sa abs niya patungo sa sarili ko. "Magbihis ka dun..." Sabi niya sabay hila sakin. Binitiwan ko ang kamay niya. "Ano bang problema mo? Eh ang ganda naman ng dress na `to!?" "Dress?" Tinuro niya yung cleavage... may ganun nga ba? "Hoy! OA ka huh? Hindi naman ganun ka kita at wala naman akong ganyan!" Nakakahiya naman oh! "May pa two-piece two-piece ka na jan, tanggalin mo nga yan!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya... "Ano? Huy wa`g ka ngang feeling jan! Di yan ang ibig kong sabihin! Mag bihis ka dun ng mas desente." "Hoy hoy hoy, Gabriel Isaac, nasa beach po tayo at anong iniexpect mo? Class A ang beach na `to, kaya kita mo yan?" Sabay turo ko sa mga babaeng kaedad ko rin namang nakatwopiece lang sa paligid. "Ganun dapat yung soot. Buti na nga lang at may dress pa sa ibabaw nitong cute na two piece ko no!" Inirapan ko siya. Natahimik siya. Kaya sinamantala ko na ang katahimikan niya, pinagnasaan ko na yung abs niya. Kelan ba siya nagkaroon ng ganyan at bakit parang di ko namalayan? Haller, Celestine girl, sa tuwing nagkikita ba kayo nag to-topless ba siya? "Oh see? Ikaw nga diyan, topless! Naka shorts ka lang tapos ako gusto mong balutin?!" Mukhang natauhan naman ang mokong kaya nagpatuloy sa paglalakad... "Halika na nga, nasasayang lang ang oras natin eh!" Sinabayan ko na siya sa paglalakad.
Grabe, ang ganda ng Sortee! Maraming tao ngayon, peak season ba? Siguro sem break din ng iba kaya maraming tao. "Iniwan mo ba ang cellphone mo?" Tanong ni Gab. "Oo, sabi mo eh. Bakit ba?" AHA! Alam ko kung bakit! Kanina ko pa yan iniisip eh. Siguro ayaw niyang ma text ko si Eiji or something! AYIEEE, Gab!!! Kaw ha!!! "Then, good! Mag bo-boating tayo!" Tinuro niya ang mga bangka at binilisan ang paglalakad. Lintik talaga ang kurimaw na `to oh, akala ko naman... hay naku! Cel naman kasi, don't overthink! OKAY? Sinundan ko na siya pagkatapos ko dinamdam ang kaonting kabiguang natamo ko dahil sa pagiging feeling... Sumakay na siya agad sa boat kaya sinundan ko na siya... "Dahan-dahan!" Kinuha niya ang kamay ko. Sa mga sandaling iyon, may naramdaman akong kakaiba. bago. Ewan ko kung bakit bago. Hindi ko maisip kung paano naging bago at bakit... "Dito..." Sabay lahad ng palad sa upuang katabi niya. Wala akong masabi sa kanya at di ako makatingin sa mukha niya. Bago talaga `tong nararamdaman ko. Fresh like summer breeze... pero ayoko ng isipin, ieenjoy ko na lang `to, baka kasi sa isang iglap ulit, magbabago ang lahat at papangit na ulit ang samahan namin. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sakin. Bago talaga. Pagkaandar ng bangka... glass boat... naamoy ko ang simoy ng hangin. At naamoy ko pagbabago sa kanya - na sana di ko na lang naamoy kasi... ang pitong buwan kong paghihirap, nauwi lang sa wala... "Dolphins!" Sabay turo niya sa mukhang nagsasayawang dolphins sa paligid. Malayu-layo na rin pala ang inabot namin, di ko namalayan. "WOW!" Bigla niyang kinuha ang camera at picture lang ng picture. "SMILE!" Sabi niya sakin.
Nakasimangot ako habang tinitingnan siya. "Ano bah!" Saka lang ako ngumiti. "Akala ko ba di tayo magdadala ng gadgets? Dala mo siguro yung cellphone mo no?" "Di ah! Camera lang ang dala ko!" Tinapat niya ang camera saming dalawa kaya ngumiti ako. "Ayan, may picture na tayo!" Masaya yung boating! Ang dami kong isdang nakita at mga corals! "Nakakagutom naman, kain muna tayo?" "Sige dun tayo!" Sabay turo niya sa isang seafood restaurant. Pagkatapos naming kumain, saka ko lang naisip sina mama at papa. "Gab! Patay! alam ba nina mama at papa na nandito tayo? Wala tayong mga cellphone ah, baka hinahanap na tayo?!" "Alam nila noh, tsaka hayaan mo na nga yung matatanda, andun silang apat sa spa. Abala ang mga iyon." Tumango ako. Nagbanana boating din kami ni Gabriel, iniwan niya nga yung camera niya eh kasi baka mabasa lang. Pati Kayaking eh natry na rin namin. Nakakatuwa nga eh kasi papalubog na ang araw nung nag kayak kami... "At ngayon, saan naman tayo magdi-dinner?" "Uhhmmmm, dun!" Sabay turo sa isang seafood restaurant na nasa gitna ng dagat. "Ako manglilibre!" Nag volunteer na talaga akong manlibre kasi kanina pa siya libre ng libre sakin, yung Kayaking, banana boat, lunch, glass boat siya ang gumastos, pati yung ice cream binili ko kanyang pera parin. "O sige!" Tinahak namin ang daan patungo dun sa napili kong restaurant na nasa gitna ng dagat... ilang sandali, nakaramdam ako ng ilang.
"Uhmmm... hehe... tama kaya na dito?" Tanong ko kay Gab nang nakita kong puro magkasintahan ang mga pumapasok sa restaurant. Papalapit na kami nang nakita kong hugis puso ang pintuan at ang dami pang mga romantic lights sa tabi-tabi... "Wow! Ano toh..." Tumawa siya. "Happy valentine's day? HAHA" "Tumatawa ka diyan eh naiilang ako." "Asus!" Inakbayan niya ako. GABRIEL, seriously, tama na please... :( "Eh ano naman ngayon? Alam ba nila na hindi tayo, hindi naman diba? Bahala sila kung anong iisipin nila. Tsaka... wala namang nakakakilala sa atin dito eh." Celestine, go with the flow, okay?! "Uhmm, okay!" Pumasok kami sa loob at kumuha ng table. Pang apatan yung nakuha namin kasi halos ubos na ang pang dalawa... Pagkatapos naming umorder... "Cel!" "Uy, Eiji! Sinong kasama mo?" Narinig ko ang buntong-hininga ni Gabriel. "Wala eh... Would you mind if I?" Sabay turo sa upuan. Tiningnan ko si Gab... pero naisip kong kahit ayaw ni Gab na nandito si Eiji, it would be rude if I refuse... "Sure sure..." "Text ako ng text sayo, di ka nagrereply. Iimbitahan ko sana kayong mag jetski eh..." Tiningnan ko si Gab na nakatingin lang sa labas. Sana naman batiin niya si Eiji noh, nakakapressure kasi.
EIGHTY Celestine Herrera: makapagkita naman tayo pag-uwi...
Dumating na ang order namin, sumunod din naman yung order ni Eiji. "Okay ka lang ba, Gab?" Inum kasi ng inom si Gab ng tubig kaya natanong tuloy siya ni Eiji. "Okay lang naman." Halatang sarcastic na sagot niya. Kumain na rin kami ilang sandali ang nakalipas... "Nga pala, sabi ni mama, baka mag stay muna kami dito sa Pinas." Ngumiti si Eiji. "Talaga? Edi maganda! Ibig sabihin dito ka mag-aaral?" "Uhm, hindi ko pa alam pero gusto ko sanang dito na lang mag-aral. Tsaka sa skul niyo na lang ako mag-aaral..." "Oo nga! Masaya yun, magkikita na tayo araw-araw! Tulad ng dati..." Nginitian ko rin siya. "Oo nga eh. I want to make up to you. Ang tagal nating hindi nagkita at hindi nag-usap... gusto kong bumalik sa dati..." Natahimik ako at napatingin ulit kay Gab na patuloy sa pagkain kahit halata namang walang gana at naiinis pa yung mukha. "Alam niyo, sa totoo lang, nabigla ako nang nakita ko kayong magkasama..." Napatingin si Gab kay Eiji. "I didn't mean anything, Gab. Don't get me wrong. Hindi ko kasi akalaing magkakasundo kayong dalawa..." "As friends?" Tanong ni Gab kay Eiji. Tumango si Eiji, "Oo..." "Ahh hindi ko nga rin alam panu kami nagkalapit nitong si Gab eh. Siguro dahil magkapitbahay naman kami at lagi kaming magkaklase." "Kaya naman pala... siguro kung nandito pa ako noon, baka tayo yung close na close ano?" Hindi ko alam kung tumigil si Gab sa pagkain o talagang tapos na siya. "Oo nga eh..." Napabuntong hininga ako habang nakatingin kay Gab tapos kay Eiji ulit. Nakatitig lang si Eiji sakin... "Simula nung umalis ka, andami ng nagbago."
Ngumiti si Eiji at dumungaw sa pagkain niya, sumulyap din siya kay Gab bago tumingin ulit sakin. "Kung di kaya ako umalis sa tingin mo ba, ganun parin ang mga pagbabago?" Nagkibit balikat na lang ako. Hanggang sa paglabas namin sa restaurant, ganun parin ang eksena. Nag-uusap kami ni Eiji samantalang walang imik naman `tong si Gab. "Kelan kayo uuwi?" Tanong ni Eiji. "Uhm... Gab, kelan nga ba tayo uuwi?" Tinanong ko si Gab para naman at least may masabi siya. "Ewan ko..." TSK! Gab naman eh, bakit ganun sagot mo? "Uhm, siguro mga tatlong araw lang kami dito eh... kaya... siguro sa makalawa... Kayo?" "Kami kasi bukas na eh, isang linggo din kami dito. Kaya bukas, uuwi na kami." "Huh? Bukas agad?" "Oo, bukas ng umaga... Kaya nga gusto ko sanang makasama ka today eh... kaya lang hindi kita nacontact kanina..." Naglalakad-lakad na kami sa tabi ng dagat pabalik ng hotel. Si Gab naman tingin nang tingin sa mga party sa tabi-tabi. Gabi na at masyadong malamig ang simoy ng hangin. "Naku... sayang na man. Di bale, meron pa naman tayong ngayon eh." Ngumiti ako. "Oi, Celestine. Bored na bored na ako dito. Kayo na nga lang munang dalawa. Aalis ako." Hindi ko nagustuhan ang hirit ni Gab. "Ano? Saan ka pupunta?" "Diyan lang..." Sabay turo sa isang beach party... Malapit din naman sa kinatatayuan namin. "Huh? Ano namang gagawin mo diyan?" Nagseselos siguro `to... "Ano pa, edi magpaparty... Napapanis yung laway ko sa kakasama sa inyo eh." Bigla siyang may kinawayan galing dun sa party. "May mga kakilala din ako dun..." "Huh? Sino naman?" Tiningnan ko yung mga kinawayan niya. Halos babae lahat eh... Tsaka, di ko kilala ah. Sino naman ang mga iyon? "Mga kaibigan ko sa States..." "Ahh. O-O sige..."
Tiningnan niya ako. "Wa'g kayong lumayo. Dito ka lang. Dito lang kayo mag-usap. Ayokong nawawala ka sa paningin ko kahit nandun ako..." Umalis siya. Wala akong nasabi. Masyado kong dinama yung sinabi niya sakin. Akala ko namang may mas malalim pang kahulugan yun, wala eh noh! Pwede bah, wa'g nga tayong ilusyunada Celestine! "Wow..." Saka ko binaling ang tingin ko kay Eiji. "Napansin kong iba yung trato ni Gab sa`yo ah." "I-Iba? Hindi naman ah..." "May something ba sa inyo?" "Wala naman..." Napatingin ako sa buhangin... wish ko lang! Tumango si Eiji. "Nung nakita ko kayo kanina sa restaurant, kung hindi ko kayo kilala siguro maiisipan kong magboypren kayo..." "Hehe... kasi mejo romantic yung restaurant eh kaya siguro ganun." Tumango lang si Eiji. Marami kaming napag-usapan. Syempre, interesado ako sa mga nangyari sa kanya dun sa Ireland. Kung sino ang mga naging kaibigan at naging girlfriend niya dun; kung paano mamuhay dun; at kung maganda ba ang lugar. Tingin ako nang tingin sa beach party na sinalihan ni Gab. Kasi naman, yung idol niyo may dalawang babaeng katabi. Isang babae sa magkabilang sides. Tawanan pa sila ng tawanan habang umiinom. "Nga pala, may pinsan akong sa school niyo nag-aaral. Baka kilala mo." "Hmm? Anong pangalan?" Napatingin ako kay Eiji. "Dexter... Dexter Salvador." Nanlaki ang mga mata ko pagkasabi niya. "Kilala ko siya!" "Whoa... really?" "Oo! Uhmmm, kaibigan ko siya!" "Wow. Talaga..." Ewan ko parang namangha ako sa nalaman ko kaya di ko maalis ang mata ko kay Eiji. "Oh, ba`t ganyan ka makatingin?" Ngumiti siya. "Don't tell me... you..." "HAHA Wala, eh namangha lang ako. It's a small world!" "Oo nga eh. Hmm, hindi kami masyadong nag uusap nung pinsan ko kaya di kita naitanong sa kanya..."
Nakatingin parin ako kay Eiji at iniisip ko kung bakit di ko naisip na magpinsan sila ngayong parehong Salvador ang apelyido nila. "Ba't di ko napansin yun! Palagi kaming magkasama ni Dexter pero ni minsan di ko naisip na magpinsan kayo..." Tumawa siya. "Kaya pala mejo hawig kayo." Napahawak ako sa pisngi niya at natawa sa sarili ko. "Mata at ilong! My gosh... ang tanga ko! Tapos, Salvador pa kayong pareho." Napasulyap ulit ako sa beach party... pero wala na si Gab dun. Ilang sandali ang nakalipas, nagpasya akong bumalik na sa hotel kasi hindi ko na talaga makita si Gab at nag-aalala na ako. "Uhm, Eiji... Hindi ko na makita si Gab eh... Kaya pwedeng punta muna ako sa hotel?" "Oh sure. Gabi na rin naman eh. Baka hinahanap ka na ng parents mo..." Hinanap namin si Gab sa buong party, pero wala siya kaya hinatid na ako ni Eiji sa Hotel. "Cel, thanks for tonight!" Sabi ni Eiji nang nasa harapan na kami ng hotel. "Thanks din! So ano, text text na lang para makapagkita naman tayo pag-uwi..." "Okay sige..." Nagngitian pa kami bago ako pumasok sa loob. Pagkapasok ko naman, halos magtatakbo ako patungo sa room nina Gab para lang tingnan kung nandon na ba siya. Syempre, nagaalala ako noh! "Gab?" Iniwasan kong sumigaw habang binubuksan ang pintuan ng kwarto nila. Nabigla ako dahil wala pa ang mama at papa ni Gab. Siya lang mag-isa at nakahiga sa kama.
EIGHTYONE Celestine Herrera: Halata ang alin?
"Gab, loko ka talaga. Bigla ka na lang umalis ng hindi nagpapaalam!" Linapitan ko siya. Nakahiga parin at walang imik.
"Hoy!" Pinalo ko yung braso niya. "Hmmmm?" Dumilat siya at ngumiti sakin. "Andito ka na pala..." Pagkasabi niya nun, naamoy ko ang alak galing sabibig niya. "Lasing ka?!" "Di ah..." Bumangon siya at umupo sa kanyang kama. Dumistansya naman ako, kasi naramdaman kong lasing na nga siya. "Oh... ba't ganyan ka?" Binalik ko sa dating distansya. Ngumiti siya at ginulo niya ang kanyang buhok. "Lika nga rito..." Ngumiti pa siya. "H-Huh?" "Asan na yung Eiji mo?" "Eiji ko? Anong pinagsasabi mo diyan!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa kama. Ayan tuloy, napaupo ako. "Ano... ano ba, Gab!" SOOS GINOO! Ano ba `tong ginagawa niya? "Sos akala mo namang dadami na kaming mga lalaki mo dahil bumalik na si Eiji ano?" Halata sa boses niyang hindi na siya normal. SYEMPRE NGA, LASING NA! Pero teka, ano yung sinasabi niya? "Anong dadami KAYONG lalaki ko? Wala akong lalaki noh!" Halos di ako makatingin sa kanya. Nakahawak parin siya sa braso ko. Half smiling na nakatitig sakin. Leche! Linalandi yata ako ni Gab eh! Hinawakan niya ang pisngi ko. Tapos nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "Hindi mo ba nakikitang nagseselos ako? Tapos, lalandi-landi ka pa sa lalaking yun? Grabe ka naman!" HALA! Bakit biglang ganito ang mga pinagsasabi niya? Totoo kaya ito? Ay naku, Cel! Lasing yan! Lasing na lasing!
"Ano ba, Gab. Tigilan mo nga yan, lasing ka lang!" Humiga siya ulit. Pero nakahawak na yung kamay niya sa kamay ko. Hinawakan ko na rin ang kamay niya. Hehe, nananamantala na talaga eh... Cel, baka ma carried-away ka! Wa`g ka masyadong magpapaniwala diyan kay Gabriel. Alam mo naman yan, maganda ang trato ngayon, bukas masama na... Wa`g na wa`g kang mahuhulog ulit sa mga bitag niya, mahirap na! Ikaw din! Eto nalang ang isipin mo. WALA KAYONG PAG-ASANG DALAWA! HANGGANG DIYAN NA LANG TALAGA KAYO! Tapos! "Cel," "Gab?" Naks naman... parang may something lang eh. Kuminang bigla yung abs niya kaya tinabunan ko na ng kumot. Baka kasi bigla ko na lang himasin yun ng hindi namamalayan. Baka pagkagising nito pakakasuhan ako ng sexual harrasment, alam niyo naman kung gano ka swapang ang lalaking ito. "Nakakainis ka!" His voice was still soft. "Ha?" Katahimikan. "Hindi mo ba nahahalata?" "Halata ang alin?" NAKU CEL! AYAN NA! AYAN NA! Alam ko `to eh. Katahimikan parin... "Halata ang alin, Gab?" Katahimikan. Nakadikit na ang lolo niyo kaya siguro tulog na `to. KAINIS NAMAN OH! Namfutsa! Yun na sana yun eh! Ngek! Cel, wa`g ka kasing feeling! Baka naman 'Hindi mo ba nahahalatang antok na ako?' yung sasabihin niya. Naku! Naku! Naku! Buti na lang di ako masyadong umasa kahit masakit isiping na excite ako dun. HAY! Hindi naman ito ang unang pagkakataon kaya dapat sanay na ako... Tinitigan ko ang mukha niya... Ay alam ko na, Cel! Naiintindihan na kita... sobra... Naiintindihan ko na kung bakit patay na patay ka sa kumag na yan, kita mo mukha niya, ang gwapo gwapo gwapo ng mokong!
Matangos ang ilong, mapupulang labi... pero kung gwapo lang naman yan bakit nagpapakatanga kang talaga? Well, kaya nga nagmo-move-on na diba? Kasi di na worth it... Tama na nga `to, bago ko aminin sa sarili kong di na lang ako mag-mo-move on eh aalis na ako dito. Tatanggalin ko na ang kamay ko, Gab... Wala ka ba talagang sasabihin? Kahit lasing ka gusto ko paring marinig... ay gaga ka talaga! Tatanggalin ko na sana ang kamay ko ng biglang... "Mahal na yata kita eh..." Napatingin ako sa mukha niya. Nakapikit naman siya... "MAY I BEG YOUR PARDON?" Nanginig ang buong katawan ko sa narinig ko. "Mahal na mahal na yata kita..." Halos mangiyak-ngiyak ako sa sinabi niya. DIYOS KO! Anong meron ang lalaking ito at bakit hinayaan mo siyang makaapekto sakin ng ganito ka grabe? Simpleng 'Mahal na yata kita' sobra sobra na ang kaligayahang naramdaman ko. Tsaka, isipin mo, LASING PA YAN AH... Hindi na siya nagsalita ulit. "Gab," Hindi ko alam na talagang kinurot ang puso ko sa sinabi niya kaya napahikbi ako. Leche! Sige na nga! Tutal lasing ka rin naman! Sasabihin ko na sayo lahat ng hinanakit ko... "Gab, bawiin mo yun!" Walang imik! Leche! Tulog na yata eh. "Gab, bawiin mo yun!" May lumandas na luha sa pisngi ko. Hindi ako makapagsalita dahil pinipigilan ko ang pag-iyak ko.
Sa totoo lang? I can't picture myself falling in love, crying, being stupid for someone else. Sa kanya lang talaga... Ayoko mang aminin, siguradong sigurado akong hindi niya man ako mahalin, pipili man ako ng iba, may konting parte parin sa puso kong hindi siya kayang bitiwan. Kaya sana naman, kung di niya sinasadya yung sinasabi niya... sana naman wa'g niya ng sabihin... :.( "Gab, I'm moving on. I wan't to move on. Kung kaibigan talaga kita... please let me... Wa`g ka namang mag-iwan ng mga salitang ganyan, pwede? Please? Katahimikan. I suppressed my tears... and my feelings. Ganito na lang ba palagi? Gusto ko ng pagbabago kaya, pakiusap lang... "Yeah I know. Baka hindi para sakin yung sinabi mo, you might be dreaming someone else... Okay okay!" Sinampal ko ang sarili ko. LANGYA! Para na akong lukaret dito eh. Nagsasalitang mag-isa. "Okay! Okay!" Huming ako ng malalim at sinubukan ulit tanggalin ang kamay niya sa kamay ko. "Cel, wa`g mo kong iwan... Ayokong iniiwan mo ko." Natigilan ako. Ang galing! May 'Cel' nah! "Ayokong nakikita kang may kasamang iba... Ayokong nagmamahal ka ng iba. Gusto ko, sakin parin. Gusto ko ako parin yung mahal mo. Gusto ko sakin parin yung puso mo..." Napalunok ako sa mga sinabi niya. "Gusto ko sakin ka lang. Gusto ko, tayong dalawa..." Wala akong masabi. "Cel, mahal na mahal na kita. Nakakainis! Bakit ganito! Di ako pwedeng ma inlove sayo! Best friends tayo! Di ako pwedeng mainlove sayo, pagtatawanan mo ko eh, tulad ng ginawa ko sayo noon... sorry." LINSYAKAHDKAJDGYHWJGAJ! Narinig niyo yun? Ampowtek, men! Parang hinulog lahat ni Lord Jesus lahat ng grasya pabalik sakin. "Cel, gusto ko sakin ka lang magmamahal." Gab, sa`yo lang ako magmamahal. Sana nga lang totoo `to. :'(
EIGHTYTWO Celestine Herrera: Nagseselos ka ba?
Halos buong gabing dilat na dilat ang mga mata ko kahit nakahiga na ako sa kama. Nakawala lang ako kay Gab pagkatapos niyang magdiliryo at nung dumating na ang kanyang mama at papa. Lagot ka talaga sakin, Gab kung di totoo yung sinabi mo! Hindi ako nakatulog eh... PPero... paano ko nga pala siya haharapin? Ewan ko bah! Ba't ako ang nag-iisip nito eh siya naman yung nagtapat. Eh siya dapat yung na momroblema diyan! HMP! Nakaupo na ako sa restaurant ng hotel habang nakatingin sa pool. Dito kasi kami magbbreakfast. Kumakain na nga kami kahit wala pa si Gabriel. Ang tagal kasi ng mokong, kaya mejo matagal din akong kinakabahan... "Gab, lika na dito!" Tinawag si Gab ng papa niya. Bigla niyang ginulo ang buhok ko, ngumiti at umupo sa tabi ko. Nagpatuloy ako sa pagkain. Pati rin naman sila. Mejo tumunganga pa si Gab sa harapan ng mesa tapos tiningnan ang kinakain ko. Ayun kumuha siya ng isang pirasong fish fillet sa plato ko saka kumuha ng sariling pagkain sa harapan. "Ang sakit ng ulo ko... nasobraan yata ng margarita. Hayy... Ang tagal ko ng hindi umiinom eh." Natigil ako sa pagkain at tiningnan siyang sumusubo. "Kaya mo ko iniwan kagabi?" "Hmmm. Sorry. Eh talagang nag iba na ang paningin ko. Tsaka, di na rin kita nakita dun sa kinatatayuan niyo ni Eiji..." Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. WALA SIYANG NAALALA? Ano na `to? Tatanungin ko ba o hahayaan na?
"Pumunta ka sa kwarto kagabi?" Tanong niya. HALA! Naalala niya?! "Oo.. Lasing na lasing ka na nun eh. Kung anong mga pinagsasabi mo." "Huh? Anong pinagsasabi ko?" "Mamaya na nga..." Sabay tingin ko sa mga parents namin. "Okay..." Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad ulit kami ni Gab sa tabing dagat. Dumarami na nga ang tao... "Ano ba yung mga pinagsasabi ko kagabi??" Hay naku, hindi maalala. :( sabi na nga ba ganito mangyayari dito eh. "Ay yun ba? Hmmm, nakalimutan ko na rin eh... Hmp." "Talaga? Eh kanina lang sinabi mo sakin na sasabihin mo ngayon, tapos nakalimutan mo agad?" "Oo eh..." Pinakita kong nag-isip ako ng mabuti. "Wala talaga akong maalala eh." "Ahh... Baka hindi importante kaya di mo maalala?" "Uh..." Ouch. "Siguro nga." Katahimikan... Sige na nga! Talo na naman ako! Sige na! Wala na nga lang yung mga sinabi niya kagabi. Kala ko pa naman may laman na yun, yun naman pala wala parin... "Inuuhaw ako. Ang init naman kasi." Sabi niya. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong fruit shake stand. Si Gab naman, picture ng picture sa horizon. "Bilhan kita ng shake? Libre ko!" "O sige!" Kaya pumunta na ako agad dun sa Fruit Shake stand. Maraming bumibili... Tiningnan ko si Gab habang naghihintay ng order ko. Ayun, picture parin ng picture sa dagat. "Ang init no?" May biglang kumausap sakin na lalaki, kaedad ko lang. "Oo nga eh. Nakakauhaw pa..." Ngumiti ako. Nginitian niya rin ako. "Taga rito ka?" "Hindi... nagbabakasyon lang. Bakit, ikaw?" "Uhm hindi naman talaga taga rito pero madalas ako dito." "Ah, ako kasi first time ko-"
"Asan na ba yung fruit shake na sinasabi mo?" Biglang napunta dito si Gab. Nandun na pala sa harapan ko ang fruit shake... binigay ko agad sa kanya at kinuha yung akin. "Tayo na nga! Nandito na pala eh..." Sabay akbay sakin. Napatingin agad ako sa kanya, ayun titig na titig dun sa kausap ko kanina. "Lika na..." Tapos lumakad na kami. Di man lang ako nakapagpaalam dun sa kausap ko. HMP! Napalayo na kami nang nakita ko ang laki ng ngisi niya. "T-Teka nga..." Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Ano ka ba?" "Ano?" Nakangisi parin siya habang umiinom ng shake. "Kita mong may kausap yung tao, ayan tuloy akala pa nun bastos ako..." "May kausap ka pala?" Sabay sipsip ulit sa shake. Binatukan ko na! "Hoy ikaw, Gab! Wa`g ka ngang pilosopo diyan. Alam kong nakita mong nag-uusap kami. Sabat ka ng sabat diyan ayan tuloy! Nakuuuu!" "Oh bakit, galit ka? Para lang sa lalaking yun? Bakit sino ba yun, ha?" "Wala... nakausap ko lang." "O nakausap mo lang pala yun tapos nagagalit ka sakin ng ganyan..." "Eh sa nagmukha akong bastos sa kanya eh-" "Bakit mahalaga ba siya sayo ha? Sino bang mas mahalaga ako o siya?" LOKO KA! Eh sino pa ba edi ikaw? Nagkatinginan kami. Gusto kong magalit ng todo sa kanya pero hindi eh. Imbis na magalit ako, parang natutuwa at kinikilig pa. Sinikap kong sumimangot habang nakatingin sa kanya, pero ang mokong pa cute ng pacute tapos di pa maalis sa isip ko na baka... BAKA... nagseselos siya. Umirap ako. "Oy... sige na nga. Ako na ang mali. Wa'g kanang magtampo diyan. Para dun lang sa di mo naman kilala, magtatampo ka sakin ng ganyan..." Nauna akong maglakad, sumunod naman siya sakin nanunuyo. "Cel naman eh..." Bigla ko siyang hinarap...
"Nagseselos ka ba?" "H-Hindi ah!" HMMMMMMMMMMP! Aray ko po... mali ba ako o ano? MALI AKO? Cel kasi wa`g masyadong assuming!
EIGHTYTHREE Celestine Herrera: Hoy! Anong ginagawa mo?!
And so, ok fine, hindi na nga yun nagseselos! Wa'g ka na nga kasing assuming, ikaw talaga! "Okay!" At hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung paano niya nagawang palampasin iyon. Na para bang walang nangyari at wala akong tinanong sa kanyang ganun. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa naubos namin ang fruitshake. Pagkatapos nun, narealize kong baka magkamali ulit ako. Baka iba ulit yung isipin ko... binalewala ko na lahat ng pahiwatig at kakaonting senyales na may nararamdaman siya sa akin. Kahit yung iba dun, hindi ko maiwasang hindi isipin pero nakapagdesisyon akong limutin na lang ang mga iyon. "Hayyy! Mamimiss ko talaga ang resort na to!" Sabay akbay niya sakin. Natigilan ako pero naisip kong isa na naman to dun sa mga obstacles para sa pag momove on ko kaya binalewala ko na. Nakapag impkae na kami at uuwi na rin, ilang araw na lang kasi enrollment na ulit para sa second semester. "Mamimiss ko lahat ng mga nangyari dito!" Sabay langhap sa simoy ng hangin. Nakatitig kaming dalawa sa dagat habang hinihintay lumabas ang mga magulang namin sa hotel.
"Hindi ko makakalimutan yun lahat." "Asus ang drama mo naman..." Tumawa ako. Tumingin siya sakin habang nakatingin parin ako sa dagat. "Eh di mo naman naalala ang lahat eh." "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Saka lang ako tumingin sa kanya. "Wa'g na! Di mo rin naman naaalala eh." "Ang alin?" "Basta!" Kinuha ko ang bagahe tapos umalis na. Pumunta na ako sa sasakyan. Sumunod din naman siya agad pero hindi ko na siya pinansin. Tumingin lang ako sa labas habang hinihintay ang mga magulang naming dumating. "Galit ka bah?" "Hindi..." HAY! Ano na naman ba tong mga reaksyon ko? Bakit ganito na naman? Eh wala na nga kasing kaso yun sakin pero hindi ko alam kung bakit ganito ako makareact. "Inaantok ako." Sabi ko. Nagpapaantok-antukan pa ako para makatotohanan. Para maiba naman ang usapan. Pinikit ko ang mata ko habang hinihiga ang ulo ko sa upuan. Wala naman akong imik na narinig sa kanya. Inimagine ko na lang na baka linagay niya na yung earphones niya sa tenga niya at nakikinig na siya sa iPod kaya siguro wala ng nangungulit ngayon. Kaya lang, ilang sandali. May naramdaman akong kakaiba. May hangin akong nararamdaman malapit sa pisngi ko...malapit sa ilong ko. Agad kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa mukha ko...ngumiti siya. "Hoy! Anong ginagawa mo?!" Napaatras ako. "HAHAHA Nanlaki ang mga mata mo. O ano ka ngayon? Inaantok ka pa ba?" Tumawa pa siya ng tumawa kaya sinapak ko. Sinapak ko ulit, nakakainis kasi at nahihiya ako. Pero napigilan niya ang pangalawang sapak ko.
Linapit niya ulit ang mukha niya sakin... seryoso. "Gab, ano bah! Hindi ka na nakakatuwa!" TALAGANG HINDI! Alam niya namang may gusto ako sa kanya, ba`t niya pa ginagawa ito? I swear... namumula na ang pisngi ko. "Mahal na yata kita." HAYON! LINTIK! Sinasabi ko na nga ba! Naalala niya ang gabing yuneh!
EIGHTYFOUR Celestine Herrera: Good night, Cel.
"Anong sabi mo?" Umirap ang mokong! Parang bading lang eh, tapos linagay yung earphones niya sa tenga niya. "Huy!" Umiling siya. Parang galit yata `to. "Gab?" Asus, Celestine. Ilang taon na nga ba yang feelings mo? LOKO KA! At ilang ulit ka na ring nag espect at nabigo. Hindi ka pa rin ba natututo? JOKE LANG YAN! Joke lang! Promise, wa`g mong seyosohin! "G-" "Haaay, uuwi na tayo... trabaho na naman." Sabi ni tito habang inaayos ang gamit nila sa sasakyan.
Dumating na rin si tita kasama si mama at papa. Hindi ko na kinulit si Gab kasi baka mapikon, eh parang galit na yung ekspresyon niya eh. Ilang sandali, umalis na rin kami doon. Ang nakakasindak eh yung pagiging tahimik ko sa sasakyan at pagtulog naman ni Gabriel. Nagawa niya pang matulog pagkatapos niya sinabi sakin yun? Eh inaantok na sana ako kanina pero ngayon hindi na ako madapuan ng antok dahil yun na lang ang lamat ng isip ko. Hanggang sa barko eh natulog parin siya. Tinitingnan ko lang siya habang natutulog at iniisip kong totoo kaya yang pagtulog niya o baka nagtutulog-tulogan lang siya? Napabuntong-hininga ako. "Cel, ba't di ka na lang muna matulog hija? Si Gab oh, tulog na tulog siguro napagod yan." "Ah.. Opo tita. Sige po, matutulog na rin po ako." Sana ganun ka dali tulad dun sa sinabi ko. Eh sa talagang hindi ako makatulog eh. Umaga kami bumyahe kaya hindi rin nakapagtataka na hindi ako makatulog. Hanggang sa makarating na lang talaga kami sa bahay, hindi ko na nakausap si Gabriel. Paano ba naman kasi, tulog ng tulog! EH AKO, kahit isang idlip hindi ko nagawa. Nakahiga ako sa kama ko, nakapatay ang ilaw. Nakakapagod ang byahe. Maraming nangyari sa ilang araw lang naming pagbabakasyon sa isla. Sa kokonting oras lang na yon, ilang ulit kong narinig kay Gab ang mga katagang 'mahal na yata kita.' Ang tanong, totoo naman kaya yun? Maniniwala ba ako dun? Hindi ba ako maniniwala dun? Ipaparamdam ko ba sa kanya na naniniwala ako o hindi ako naniniwala? NANINIWALA BA AKO? Paano ko sasagutin ang mga naunang tanong kung yung mismong huling tanong eh di ko masagot? HAY, BUHAY! *ting-tingggg* May nag text! Jana: Enrolment bukas, wa'g kang ma late para di tayo ma late. ok? Hay, pasukan ulit! Miss ko tuloy si Jana. Ilang araw din kaming di nagkikita at di nag titext eh.
Ako: di ako mali-late. pramis. uhm... Jana: nakita ko si eiji kahapon!!! WHOA! Ako: Nagkita kami sa Sortee! Jana: Talaga? WOW! dito siya mag-aaral? Ako: Di ko alam eh. Napabuntong hininga akong humiga ulit sa kama pagkatapos kong maligo, kumain at magmuni-muni. Tiningnan ko ang cellphone ko, hindi ako masyadong nakakatanggap ng text kay Gab ah? Hindi rin naman kasi siya yung tipong nag ti-text talaga. Nung sila kaya ni Gianna, gabigabi ba sila kung mag text? Tinaype ko: Good night! Ilang beses ko rin yang tinaype at dinelete. Pero sa huli, nasend ko parin kay Gabriel Soriano. :( Wala lang! Hindi kasi siya maalis saking isipan. OH NO!!! Eto na naman ULIT ako! Ibinaon ko ang ulo ko sa unan. "Hindi siya magrereply eh! Alam ko naman yun! DUH!" Ano naman ngayon kung di siya magrereply? Gusto ko lang namang mag goodnight! Isang oras akong tumunganga sa kama ko, pero walang Gab na nagreply. Ilang message din ang binasa kong galing sa iba't-ibang taong hindi ko naman rineplyan. Pinalampas ko ang 'Goodnight, Cel!' ni Eiji at iba't-ibang good night message na na recieve ko. Ako: Jana... SEND. Jana: Whut? Magchika ka nga sa sortee?! Ako: Wala akong masabi eh. Jana: Why? Ako: Sabi ni Gab, 'mahal na yata kita'. anong ibig sabihin nun? Jana: WHAT!? WTF!? HAHAHAHA Ako: Hindi ako naniniwala. Jana: DAPAT LANG! >:D HUMANDA YANG PINSAN KONG HAYUP NA YAN!
Nakakatakot naman `tong si Jana, di na nga lang ako magrereply. Jana: Ichika mo sakin ang whole story bukas ah!? HAHAHA I'm excited! Goodnight. Ilinayo ko ang cellphone ko sakin at nakatulog na rin.
Nagising akong bigla, wala namang gumigising sakin at hindi naman maingay pero nagising ako. Bakit kaya? Umaga na, kailangan ng bumangon, pero inaantok pa ako eh. Umidlip ulit ako habang iniimagine ang mukha ni Jana na galit na galit dahil di ko siya sinipot sa enrolment. *ting-tinggggg* I reached for my phone. 8 messages recieved. Si Jana ang unang nag text... tapos... "GABRIEL SORIANO!" Napaupo ako sa kama habang binubuksan ang mensahe. "Good night, Cel." Ang oras? 1AM!? Gising pa siya sa ganyang oras? Napangiti ako sa di malamang kadahilanan. Ano ba naman... wala namang i love you diyan pero ba`t ang saya? Errr.
EIGHTYFIVE Celestine Herrera: Lika na nga Jana!
"Totoo kaya yung sinabi nung Gab na yun?" Tanong ni Jana sakin. "Abah ewan ko." May kakaiba na naman siyang tingin na ibinibigay sakin. Ano na naman kayang nasa isip nito?
"Pagkatapos nun, wala na siyang sinabi?" "Oo." "Hay naku. Loko talaga yung mga lalaking yan. Sana naman kung may sasabihin sila, totoo na talaga. At kung wala naman, eh mas mabuting wa`g na lang silang magsalita!" Umiling siya. Enrolment, kaya maraming tao sa eskwelahan. Enrolled na rin kami ni Jana kaya sinamantala ko na ang libreng oras namin para makapag chika sa kanya. "Hanapin na lang kaya natin si Gab?" "Huh? Bakit??" "Ay naku! EWAN KO TALAGA SA LALAKING YUN!" Napabuntong hininga siya habang nakatingin sakin. "Alam mo, eto na talaga ang pinaka huling pagkakataon! Pag sinaktan ka pa nun? Ewan ko na lang, isusumbong ko na siya sa mama at papa niya! Bwisit naman kasi yung lalaking yuneh." Katahimikan. "Ilang buwan ka nga niyang di pinansin? At ilang beses ka niyang sinaktan?" Hindi ako sumagot. "Yun ang isipin mo. Para maiwasan mo na yung kagaguhan nung lalaking yun." Nagkibit-balikat na lang ako. Kitang-kita kay Jana na naguguluhan siya sa mga nangyayari. "Hi!" Biglang sumulpot si Gabriel. "Patingin ng sched niyo." Kinuha niya agad yung schedule namin ni Jana. Nagkatinginan na lang kami ni Jana hanggang sa naramdaman kong may plano na naman siyang naiisip. "Uy teka, si Dexter ba yun?" Sabay turo sa likuran ko. "O-Oo." "Classmate din kaya natin siya this sem?" "Uhm... ewan ko." Nakita kong napatingin si Dexter sakin kaya ngumiti ako, pero hindi niya naman talaga yata niya ako nakita kasi di naman siya ngumiti. "Lapitan natin!" Sabay hila ni Jana sakin. Kinindatan niya ako na para bang totoong may plano talaga siya.
"Hoy hoy, Jana. Tigilan mo nga yang pagiging bad influence kay Celestine. Ikaw naman Cel, ang cheap cheap mo talaga. Ganyan mo ba talaga ka crush yang kutong-lupa na yan. Hindi naman yan gwapo. Panis pa sa basketball." "Pssht, huy Gab! Ang feeling mo naman jan. eh anong pake mo kung lalapitan namin si Dexter. Kung ayaw mo kay Dexter, edi lumayo ka." Umirap si Jana at nagpatuloy sa paghila sakin papunta kay Dexter. "O diba, may pa selos-selos na siya." Bulong ni Jana sakin. Nakita ko ulit na tumingin si Dexter sakin pero di niya na naman naabutan ang ngiti ko kaya tinawag ko na ng di naman ako mapahiya. "Dexter!" Hindi niya yata ako narinig. "Dexter!" Wow ang dami niya naman kasing kasama eh. "Dex-" Nakita kong may kumapit sa braso niya. "...ter." "Pssst, Cid!" Biglang hinila ni Jana si Cid galing kung saan. Tuluyan ng umalis si Dexter kasama yung iba niya pang kasama at yung babaeng kumakapit sa braso niya. "Hindi niya ba ako narinig?" Parang kinabahan ako sa nangyari ah. "Anong problema ni Dexter?" Tanong ni Jana kay Cid. "Uhm... k-kasi..." "Ano?" "Mukhang nasaktan kasi talaga siya kay Cel eh..." "Tapos? Ganun di niya papansinin si Cel?" Nagkibit-balikat si Cid, "Hindi ko alam eh." Hindi ko naman masisisi si Dexter. :( Tama lang siguro to sakin. Hindi ko naman ginusto yung nangyari eh. Pero ayoko namang ganito kami ni Dexter. "Oy..oy ano yung nakita ko? Loko din yung mokong na yun ah? Di ka pinansin? Kala niya naman kung sino siyang gwapo eh hindi naman. Tsaka, crush na crush mo ba talaga yun ha, Cel?" Ito namang si Gabriel nakakainis ang pagmumukha. Eh kasi naman, tono niya lang ang mukhang concerned, pero kung makatingin siya parang nagwagi siya sa isang pakontest tapos nakangiti pa.
"Hayaan mo na yun. Ang pangit nun! Eh ba't di ka na lang kaya sakin mag kagusto? Sigurado pang di ka masasaktan?" Napatingin ako sa mukha ni Gab na naka evil-smile at tinitingnan ang magiging reaksyon ko. Umirap na lang ako at, "Lika na nga Jana!" Iniwan namin siya. Hindi sasaktan? Asa ka pa! Mukha niya! Eh ilang beses na akong nasaktan sa kanya tapos ganyan siya makaasta ngayon? Loko siya! Hinding-hindi ako maniniwala. Kahit alam kong maaring magbago ang lahat, I will never believe in anything again. You can't just walk back in. Not now, not after I worked so hard to forget you. *PAKKKK* "Aray!" Napahawak ako sa balikat ko pagkatapos kong makabunggo. Ang dami naman kasing tao tapos di ako makapagfocus sa dinadaanan ko dahil sa iniisip kong magulo. "Celestine..." May ibang accent yung nagsalita. Lumingon-lingon ako at nakita kong yung nabunggo ko pala ang tumawag sakin. "Si Eiji!" Naunahan pa ako ni Jana.
EIGHTYSIX Celestine Herrera: Eiji, tama na!
"found you, finally!" Sabi niya habang hawak-hawak ang magkabilang balikat ko. "E-Eiji!" Ngumiti si Eiji. Pero nawala ang ngiti niya nang nakatingin na siya sa likuran ko.
Lumingon ako sa likuran at nakita kong paalis si Gab kasama ang mga kaibigan niya. Bahala na yung lokong yun! Buti nga`t wala siya dito kasi nag-aalburoto ako sa mga sinasabi niya eh. Pagpapawisan lang ako ng malamig nun. "Dito ka ba mag-aaral?" "Unfortunately, hindi." "Oww. I see..." Napansin niya si Jana. "Uy Jana!" "Eiji! Hahah. Nabigla ako't nandito ka." Nagpatuloy kami sa paglalakad habang kasama si Eiji. "Pumunta ako dito para hanapin ka, Cel." "Oww." Napatingin ako kay Jana na kumindat naman sakin. Nakita ko pang siniko ni Jana si Cid at parang may utang na pagpapaliwanag kung sino si Eiji. "Bored kasi ako sa bahay at wala naman akong masyadong kilala dito kaya ayun..." "Ahh. Eh nandito rin si Dexter eh, nagkita ba kayo?" "Hindi pa." Ngumiti siya. "Ganun ba..." Hindi ko maintindihan kung bakit pumasok ulit sa utak ko ang sinabi ni Cid. Siguro dahil hindi ako sanay na may kaibigan akong galit sa akin. Kung may nagagalit man sakin eh si Gab na yun - iba na man yung kay Gab. Ngayong si Dexter na ang galit sakin, parang nalulungkot ako. Kasi gusto ko siyang kaibigan. Pero wala akong magagawa kasi nasaktan ko siya. I feel so guilty. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Cel, Eiji... aalis lang muna kami ni Cid ah? Pupunta kami ng cafeteria." "O sige..." Kumaway lang ako kay Jana. Masyado ko kasing iniisip si Dexter. Nalulungkot lang talaga ako. "Cel? Okay ka lang ba?" Tanong ni Eiji sakin. Napatingin ako sa mukha niyang nag-aalala sakin. "Uh oo. Okay lang ako, may iniisip lang kasi ako eh." Naglakad-lakad kami sa school habang nagku-kwentuhan. Pero natigilan ako nung nagkasalubong kami ni Dexter. Parang siya rin eh natigilan sa nakita niya.
"Dexter!" Tawag ni Eiji sa pinsan niya. Hindi ko alam kung babatiin ko siya o hindi. Iba kasi ang ekspresyon sa mukha niya habang nakatingin samin. Hindi madapuan ng ngiti kahit ngiting-ngiti si Eiji. "Magkakilala kayo?" Tanong niya kay Eiji. Hindi parin makangiti. "Oo!" Inakbayan ako ni Eiji. "Long lost friend. A special friend." Nakatingin ako kay Dexter. Kinakabahan ako kasi hindi talaga siya ngumingiti kahit ngiting-ngiti na rin ako sa kanya. Tinitigan niya ang kamay ni Eiji na nakaakbay sa akin. "Special friend?" Nagkasalubong ang kilay niya habang tiningnang mabuti si Eiji. "Oo. Ikaw, diba magkaibigan kayo?" Tiningnan ako ni Dexter, seryoso. Para bang kakain siya ng tao... "Oo." At umalis din agad. "Anong problema nun?" Tanong ni Eiji habang nakatingin kay Dexter palayo sa amin. "Well, whatever." Ngumiti siya sa akin. I'm really bothered. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gagawin ko. Should I confront him? Or not? Hindi ko naman siya masisisi eh kaso hindi ko alam na ganito kaming dalawa. Ok lang sana kung si Gabriel yung hindi pumapansin sakin, hinding-hindi ako ma gui-guilty, kaso hindi eh... si Dexter. Si Dexter na mabait sa akin. :( Nakarating kami ni Eiji sa cafeteria kung saan naroon din sina Jana at Cid. Hindi parin ako mapakali sa nangyayari samin ni Dexter kaya tulala ako habang nag-uusap sila. "Sayang naman, sana dito ka na mag-aral Eiji." "Ewan ko. Kasi baka babalik kami ng Ireland some time kaya mas mabuting wa'g na lang muna." "Ahhh." "Si Dexter ba yun?" Sabay turo ni Jana sa malayo. Si Dexter kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumayo at pumunta sa kay Dexter ng hindi nag-iisip. "Cel!" Tinawag ako ni Jana pero hindi na ako lumingon. "Dexter..." Naku kinakabahan ako ng todo. Halos mabasag na ang boses ko sa kabang nararamdaman. "Galit ka ba sakin?"
Kagagaling niya sa tawanan nang napatingin siya sakin, napawi ang ngiti niya sa mukha. Hindi siya makasagot habang tumingin sa kawalan. "Can we talk?" Gusto ko lang sanang sabihin sa kanya na naiintindihan ko siya kung ganyan ang trato niya sakin. Pero gusto ko ring malaman niya na gusto ko siyang maging kaibigan at ayokong ganito kaming dalawa ngayon. May biglang tumulak sa akin kaya tumilapon ako. Buti na lang hindi ako nadapa pero nabigla ako sa nangyari. "Ano pa bang pag-uusapan niyo? I don't get you. Just leave him alone!" Sabi nung babaeng kasama niya kanina. Habang nakatingin ako sa babaeng tumulak sakin, nakita kong may sumuntok kay Dexter at natamaan siya sa mukha. "Dexter!" Nagkagulo ang ang mga kaibigan ni Dexter. "Ano bang problema mo kay Celestine!?" Si Eiji pala ang sumuntok kay Dexter. "Bakit mo siya ginaganyan?" "Eiji, tama na!" Inawat ko siya. PATAY! "Wa`g kang makealam! Wala kang alam dito!" Sigaw ni Dexter. "May pakealam ako coz I care for her!" Lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Dexter.
"Hay naku... Hayaan mo na lang nga yan, Celestine. Wa'g mo ng ipilit ang sarili mo. Kung hindi ka pinapansin ng crush mo, edi hayaan mo na. Lika na nga! Kukunin na kita..." Sabay hila ni Gabriel sakin. Pabigla-biglang sumusulpot ang mokong at sa mga pinakapangit na sitwasyon pa. Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa paghila niya sa akin palayo kay Dexter at Eiji. Nakatingin ang mga tao pero agad kaming nakaalis ni Gabriel dun ng magkahawakkamay.
EIGHTYSEVEN Celestine Herrera: Ang hirap naman...
"Gab, nag-aalala ako kay Eiji at kay Dexter!" "Wa'g ka na ngang mag alala sa mga yun, kasalanan nilang dalawa." "Huh? Bakit?" "Kita mo ba si Eiji, bigla lang nanununtok. Napaka warshock. Eto namang si Dexter, nagpapakipot pa. Asus!" Ewan ko kung anong nasa kokote ni Gab. Kinabahan ako sa nangyari. Halos hindi ko na nga tinitingnan ang cellphone ko kasi natatakot ako sa mga text ng kahit na sino sa kanilang dalawa. Kahit nakakagaan ng loob ang ginawa ni Gab, mali parin `to kasi iniwan ko sa ere si Eiji at Dexter. "We're home!" Para akong nabunutan ng tinik pagkasabi ni Gabriel nun. Pero kung ano man yung iniisip ko, hindi ko na lang siguro iisipin. Alam kong mapapahamak na naman ako sa mga iniisip ko eh. "Wa'g ka na lang masyadong mag paapekto. Away lalaki lang yan." Sabi niya pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay namin. "Pero kahit na... Ako ang dahilan ng lahat ng ito!" Nakatingin ako sa labas. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Eiji o kay Dexter. Mag pinsan sila, tapos nag aaway... dahil sakin? Napaka walang-kwenta talaga. "Kung bakit ba kasi wala ka paring boyfriend hanggang ngayon." Bulong ni Gab. "Anong sabi mo?" Narinig ko, pero hindi ako sigurado kung tama nga ba yung narinig ko. "Liligawan na nga lang kita." KAINIS NAMAN TONG SI GAB! Liligawan na nga LANG kita?! "Dahil wala ka pang boyfriend, yung ibang lalaki tuloy akala nila may pag-asa sila sayo kaya ayan... nag aaway-away na!"
Umirap na lang ako. This is ridiculous! Tong lalaking `to talaga. Nakakainis! Naiinis ako kasi hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano! Oo na, sige alam ko na. Halatang biro lang yan! Kung bakit ba kasi ganitong lalaki pa ang nagustuhan ko?! "O sige! Simula ngayon! Liligawan na kita!" "HUH?!" "Anong 'huh?'? Hindi mo ba ako narinig?!" "Bakit mo ako liligawan?" Aminin mo, Cel... Nagpapauto ka na naman sa mokong na yan! Umiling siya, "Kahit kailangan talaga, ang tanga mo no?" "HUH? Anong tanga!" Sinapak ko si Gab. Ano ba naman?! "Ikaw talaga! Ikaw na nga yung nang-iinis diyan, tatawagin mo pa akong tanga!?" "Eh kasi naman... hay... ewan ko sayo!!" "Kasi ano?" "Bahala ka! Ewan ko sayo!" "Whatever!" Umirap ulit ako at umambang lalabas na sa sasakyan pero hinawakan niya ang braso ko. "Ano?" "Basta, liligawan kita!" Umiling ako dahil hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi niya. "Bakit mo nga kasi ako liligawan?" "Eh kasi..." Binitawan niya ang braso ko at hindi siya makatingin sakin. "Ano?" Namula siya. "Ano..." Hindi talaga siya makatingin. "EWAN KO SAYO!" Tumakbo ako papasok ng bahay hanggang sa kwarto. Ba't di niya masabi?! Grabe, domoble ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi lang dahil sa pagtakbo ko, pati na rin sa sinabi ni Gab. Sandali nga?! Bakit di niya masagot ang tanong ko? Kung bakit niya ako liligawan? Baka hindi niya talaga ako liligawan? EWAN KOOOOO! OMG! Naguguluhan ako. Bakit pag tungkol kay Gabriel parang nakakalimutan ko na ang lahat ng mga nangyayari? Siguro ganun na talaga ako ka gaga sa kanya. "Hayyy naku, Jana! Ano nang gagawin ko ngayon?" Sabi ko kay Jana sa telepono. Nakahiga na ako sa kama at iniistorbo parin si Jana kahit dis oras na ng gabi. Hindi kasi ako makatulog.
"May nag text!!!" Bigla kong sinabi bago pa siya makapagsalita. Gabriel: Magkita tayo bukas, 3pm, sa Garden. Be there! "Magkita daw kami sa Garden bukas! Anoooo?" "Huh? Garden, malayo yung restaurant na yun ah? Tsaka, bakit magkikita kayo? Hindi ba pwedeng kukunin ka niya sa bahay niyo? hmmm. Ano kayang plano ng mokong na yun?" "Ewan ko..." "At ikaw, naniniwala ka ba sa pinagsasabi niya?" "Hi-Hindi no! Syempre!" "Syempre ka jan... Sigurado ka ba? Ilang beses ka ng nauto nun eh. Hindi naman kita masisisi, kasi mahal mo." "Hindi ko na siya mahal!!!" "Echoos! Hindi mahal, ako pa ang bibiktimahin mo eh ilang beses ko ng narinig yan. Hay naku Celestine ka!" "Jana, anong gagawin ko?" "Hmm, ganito na lang. Pumunta ka bukas, pero magpalate ka! Okay?" "Late?" "Oo, late... mga 30 minutes lang naman." "Paano kung magalit siya?" "Heller, tapos maiinis siya sayo? Ibig sabihin lang nun, talagang hindi siya seryoso sayo. Kung papatawarin ka niya dahil late ka, edi mabuti!" "Paano kung umalis na siya pagkatapos ng 30 minutes?" "Hayy, edi mas hindi siya worth it!" "Ang hirap naman..." "Mahirap, pero kailangan mong gawin. Alam kong ayaw mo siyang mawala sa`yo. Pero mas ayaw ko namang masaktan ka ulit dahil hindi pala siya sigurado sa nararamdaman niya. Kaya kung totoo man yung mga pinagsasabi niya, paninindigan niya yan at kahit anong gawin mo, walang makakapagbago ng isip niya. Diba?" Tama si Jana. At siguro, natatakot lang ako ngayon. Natatakot akong baka pag may mali akong gawin, magbago ang isip ni Gabriel. Pero hindi pwedeng ganyan diba? Kasi kung totoong mahal ka ng tao, walang makakapagbago sa isip niya. Pero hindi niya masabing mahal niya ako eh... baka hindi naman talaga totoo? EWAN KO!
EIGHTYEIGHT Celestine Herrera: wala po...
3:00PM!
Hingang malalim, Cel! Pabalikbalik akong naglalakad sa kwarto ko. Kanina pa ako nakabihis pero hindi parin ako umaalis, late daw ng thirty minutes diba? Pwede na sigurong umalis ngayon. 30 minutes na byahe naman siguro papunta dun? O sige, last 5 minutes. 3:05, aalis na ako. TIKTOKTIKTOK 3:03PM. Hindi na kaya! Aalis na talaga ako. Gigil kong kinuha ang bag ko pagkatapos kong magdesisyong aalis na. Grabe, para akong hinahabol ng kung ano papaalis ng bahay. Napag-isipan kong mag ta-taxi ako dahil baka mas lalo akong ma trapik kung jeep lang ang sasakyan eh. Pagkalabas ko ng bahay, nabigla ako dahil may sasakyang kakapark lang din. "Cel!" Lumabas si Eiji sa sasakyan. "Eiji, ba't ka nandito?" Hinila niya agad ako papasok sa sasakyan. "May lakad ka? I cancel mo na lang muna!" "HUH?" "Kasi gusto kang makita ni mama. Sinabi ko sa kanya, susunduin kita. Nag text ako sa`yo, di mo ba nabasa?" Pagkapasok niya, pinaandar niya agad at umalis na. "P-Pero, Eiji... kasi may lakad ako..." "Importante bah?" "Oo eh." "O sige, ihahatid kita sa lakad mo. Saan ba yun?" Hmmm, kung ihahatid niya ako, edi mas mabilis akong darating dun sa place na sinabi ni Gabriel? Okay lang naman siguro. May 30 minutes pa naman ako. "Tsaka, anong oras?" "Uhm, 3:30... Sa Garden?" "Malapit lang pala yun sa bahay! I'll drop you there... so ano?" Tumingin siya sakin. "O..O sige. Excited na rin naman akong makita ulit si Tita eh..." Pagkatapos ng napakagulong pag-iisip ko... "Nga pala... Sorry kahapon ah? Okay ka lang ba? Okay lang ba kayo ni Dexter? Guiltyng-guilty ako."
"Ahh. Okay lang yun. He deserves it. Ba't ka niya hinayaang awayin ng kaibigan niya ng wala siyang ginagawa. Kahit hindi ko alam ang buong storya, nakita ko paring mali yung ginawa niya." "Uh... Kasi di niya naman kasalanan yun eh." Nasaktan ko siya kaya may karapatan siyang magalit sa akin. Yun ang katangiang sana'y meron ako. :( Sana sa tuwing masasaktan ako, kaya kong magalit sa taong pinakamamahal ko. Pero hindi eh. Mas lalo ko pa yatang minamahal. "Pero mali parin yung nangyari... Tayo na!" Nakarating na pala kami sa bahay nina Eiji. Dun parin ang bahay nila pero mukhang na renovate na. Pumasok kami sa loob. "Ang ganda!" Namangha ako sa mga paintings sa loob. "Dun tayo..." Sabay turo niya sa isang dining table malapit sa garden. "Celestine!!! Hija! Ikaw na ba yan?! Naku ang laki mo na!" Bati ng mama ni Eiji. Yinakap niya ako. "Hi Tita! Long time no see!" "Oo nga! Mabuti naman at nakapunta ka. Lika dito." Sabay paupo sa akin malapit sa upuan niya. "Kumain tayo at magkwentuhan." Umupo si Eiji sa harapan ko at agad naman hinanda sa hapag ang pagkain ng mga maid nila. "Kamusta ka na? Dalagang-dalaga ka na! May boyfriend ka na siguro no?" "Uh, wala po..." Ngumiti ako. "WALA?" Nakakabigla ba talaga yung sagot ko? Tumingin pa siya kay Eiji saka bumalik ulit ang tingin niya sa akin. "Actually ma, mukhang may 'something' sila ni Dexter." "Dexter?" "Opo." Naku... anong something? Nakakahiya naman! "You mean, Dex Terence? really?" "Uh... Wala po-"
"Dexter is a great guy!" Para bang ipinagkakanulo na ako ni tita kay Dexter sa tunog ng pagkakasabi niya. "Dexter... is not really great, Mom!" Singit ni Eiji.
EIGHTYNINE Celestine Herrera: Wala akong pakealam!
"Tapos ka na ba, hija? Naku, siguro nag da-diet ka ano?" Nabitawan ko ang kutsara nang umalan at narealize na masyado na akong nagtatagal dito. "Anong problema, Cel?" Tanong ni Eiji. "Uhm... Kasi... Uhm... Tita, may lakad pa kasi akong importante." "Oo nga pala..." Sabi ni Eiji. "O sige sige. Saan ba yung lakad mo?" "Uhm sa Garden poh." "Eiji, ihatid mo si, Cel." Agad tumayo si Eiji. "Yun naman po talaga ang plano ko." Nagmadali akong lumabas at pumunta sa sasakyan ni Eiji. Nakita ko ang bag ko sa front seat. Saka ko pa lang nakita ang ilang tawag ni Gabriel na hindi ko nasagot. Naku! Galit na kaya yun? HUHU Isang oras na akong late eh. "Alis na kami, tita! Salamat!" Ngumiti ako at kumaway ang mama ni Eiji samin ng papalabas na kaming gate. Tingin ako ng tingin sa phone ko. "Sino ba ang pupuntahan mo sa Garden, Cel?" Tanong ni Eiji. Pero wala ako sa mood para sagutin ang tanong niya. Pinagpapawisan na ako ng todo at hindi na ako mapakali dahil kay Gabriel. Umulan pa ng malakas! Buti may payong ako! *Kring-Kring* "Hello?" Bahagyang tumingin si Eiji sakin pagkasagot ko sa celphone ko.
"Cel, ano ka ba? Nasan ka ba?" Si Jana! "Uhm... Papunta na ako-" "Naku! Naku! isa't kalahating oras kang late ah!? Text ng text sina Jude, Jake at iba pang teammates ni Gab sakin kasi hanggang ngayon daw hindi ka pa dumarating. Nasaan ka ba? Galit na daw si Gab!" "Huh?" Napalunok ako. "Papunta pa lang ako. K-Kasi dumaan muna ako kina Eiji para makita ang mama niya." "Naku! Tapos? Asan ka ngayon? Ang lakas lakas ng ulan!" "Traffic. Tsk tsk tsk." Narinig ko ang bulong ni Eiji sa kawalan. Traffic nga dito. Mejo malayu-layo pa yung Garden dito. Tapos umuulan pa! Paano na? "Traffic... Nandoon parin ba siya?" Tanong ko, hopeless. Sa ugali ni Gab, malamang wala na yun dun. Ang taas ng pride nun kaya hindi niya kayang mag hintay kahit kanino. Alam ko yun. Pero sana...sana lang... makaya niyang maghintay sakin. kahit isa at kalahating oras lang. Kasi ako, taon-taon na ang nasayang ko sa paghihintay sa kanya eh. "Hindi ko alam, Cel." "Di bale na, pupuntahan ko parin siya." Binaba ko ang phone. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Eiji nang nakita niyang kinuha ko ang payong sa loob ng bag at binuksan ang pintuan sa sasakyan niya. "Eiji, thank you! Pero importante lang talaga toh! Lalakarin ko na patungong Garden. Hindi na naman masyadong malayo eh. Thank you!" "Pero, Cel-" Hindi pa siya natatapos magsalita, sinarado ko na ang pintuan ng sasakyan niya at tumakbo sa ulan saka binuksan ang payong. "Cel?!" Natigilan ako. "Jude!" Nakita ko ang teammates ni Gabriel sa kabilang lane. Ang sama nilang makatingin pero hindi ko na pinansin. "Asan si Gabriel?" "Kung ako sayo, di na ako pupunta ng Gardens..." "Bakit?" Umiling sila, "mag-aaway lang kayo nun." Sabay tingin ni Jude sa sasakyan ni Eiji na hindi parin natatanggal sa kinalalagyan niya kanina nang umalis ako. "Wala akong pakealam!" Tumakbo ulit ako hawak-hawak ang payong. Ang lakas ng ulan, mahangin pa. Sa tingin ko nga useless na ang payong ko kasi nababasa din naman ako. Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit sobra na ang paghingal ko. Hindi ko na mahabol ang hininga ko pero hindi parin ako tumigil.
Nakarating din ako sa wakas! Ibang kalseng saya ang naramdaman ko nang nakita ko ang Garden Restaurant. Pero ibang kaba din ang naramdaman ko pagkapasok ko. Umuulan kaya wala masyadong tao, o wala talagang tao, sa mga table nila... kahit sa gazebo. Umihip ang napakalamig na hangin sa leeg ko at naramdaman ko ang patak ng ulan sa braso ng kamay kong nakahawak sa payong. Sa Gazebo, hindi ako makapaniwala, naroon si Gabriel. Ang gwapo gwapo niya talaga... noon pa... Kapag nakikita ko siyang nagbabasketball, pakiramdam ko kumikinang ang pawis niya at mas lalo siyang gumugwapo kahit pawis na pawis. Ngayon, kumikinang din siya... Pero parang kinurot ang puso ko. Dahil basang-basa siya sa ulan habang hinihintay...ako.
NINETY Celestine Herrera: Mahal parin kita kahit suplado ka...
Magsasalita na sana ako, kaso napansin ko ang table, puno ng flowers na parang pinaghandaan talaga ang design. Napalunok ako. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Baka naman hindi naman talaga ako yung hinihintay dito? Ang feeling feeling ko naman talaga kung iisipin ko pang para sakin ang lahat ng nakahanda dito... Pero ang sarap kong sapakin dahil naiisip ko pang hindi ako yung hinihintay dito, eh kaya nga ako hinahanap diba kasi ako yung hinihintay? PARA SA AKIN TO! PARA SA AKIN NA TALAGA TO! "G-Gab, I'm sorry. K-Kasi..." Lumakas ang ulan. Pinayungan ko siya. Nakaupo lang siya tapos nakatingin sa kawalan. "...pwedeng sumilong muna tayo dun?" Sabay turo sa may bubong na parte ng restaurant. "Gab.." Hinawakan ko ang kamay niya pero binawi niya. "Sorry na..." Galit siya. :(
"Sorry ha?" Tiningnan niya ako. "Sorry kasi naistorbo ko yung date niyo ng bestfriend mo." "Huh? Date? Hindi, Gab... Gusto kasi akong makita ng mama niya-" "Sa bagay, mas importante nga naman siya sakin. Syempre, siya yung bestfriend mo diba? Yung tunay? Tapos...ako? Proxy lang? Ganun ba yun? Kaya mas importante siya... hindi pwedeng ipagpaliban siya, ako okay lang? Ganun yun!" Habang dirediretso ang pagsasalita niya sa mga salitang yun, parang kinukurot ang puso ko. Naiinis ako kasi hindi niya makuha ang noon ko pang pinaparamdam sa kanya. Siya ang pinakaimportante para sa akin...YUN ANG TOTOO. YUN ANG MATAGAL KO NG PINARARAMDAM SA KANYA. Pero hanggang ngayon, nakakadisappoint, hindi niya maramdaman at makita. "Gab, tama na nga yan! WALA KANG ALAM!" "Anong hindi ko alam? Alam ko, Cel! Nung nawala si Eiji noon, alam kong kaya ako pumasok sa buhay mo para punuan ang kawalan niya! Ngayong nandito na siya...tapos na! Wala na ako para sayo!" MY GOSH! Ganun ba talaga ang tingin niya? Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sampalin siya, pero nagawa ko! Oo, nasampal ko siya... malakas. "Sige! Kung yan ang tingin mo! Sige, bahala ka Gab! Ang tanga mo talaga... ang tanga tanga! Sa sobrang tanga mo...nasasaktan ako. Noon pa, ang sakit sakit na... at lalong sumasakit sa paglipas ng panahon." Umiyak na ako habang nakikita siyang nabigla sa sampal ko. Basang-basa na talaga siya sa ulan. Kung ako ang nasa pwesto niya, manginginig na talaga ako, pero wala akong nakitang ganun sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil gustong gusto ko ng umalis, pero ayaw gumalaw ng paa ko. Nanghihinayang ako sa pagkakataon, sa mga salitang maaring hindi niya pa nasasabi at hindi ko pa naririnig. Nanghihinayang ako sa mga salitang noon ko pa sinasabi at hindi niya pinapakinggan. Dahil alam ko sa sarili ko, at sigurado ako, na sa oras na umalis ako dito... mawawala na ng tuluyan ang pagkakataon. "Ang tanga mo! Yun lang ang masasabi ko! Dahil kahit anong sabihin ko ngayon dito... walang magbabago, tanga ka parin!" Pinunasan ko ang mga luha ko, pero no use. Tuloytuloy ang daloy nito sa mga pisngi ko. "Ewan ko kung ano talaga ang nasa isip mo, Gab! Hindi kita mabasa... Kahit kelan... hindi. Hindi ko na pipilitin ang sarili kong intindihin ka, kasi sigurado akong masasaktan lang ako! Ganun lang naman talaga diba? Sabi mo nga noon, hanggang dito lang talaga tayo. Kahit anong pilit kong gawin, wala akong magawa... kasi hanggang dito lang talaga tayo."
Tinalikuran ko siya... Pero sa loob ko, gusto ko pang magsalita... 'Gab, wala ka bang sasabihin? Gab, bakit mo ko pinapunta dito? Gab, mahal mo ba ako? Gab, please!' Pero wala na... naglakad na ako palayo.
"I don't wanna be your bestfriend... I want to be your man." Sinundan ako ni Gab, yinakap, at binulong sakin ito. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Pero mas lalo akong hindi makapaniwala sa sarili ko...kasi siguradong sigurado parin ako sa kanya hanggang ngayon. Sa lahat ng nangyari, OO parin ang sagot! OO PARIN! Kahit nasaktan na ako, at maaring masaktan pa ako ng mas masakit pa. "Mahal na mahal kita, Cel! Ayokong mawala ka sakin... Nagseselos ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang narealize na nasa harapan ko lang ang taong pinakamamahal ko. Naiinis ako dahil nasasaktan kita... nahihiya ako sayo kasi noong nalaman kong gusto mo ako, sinaktan kita dahil ayokong maging tayo! Dahil alam kong nagkalapit lang tayo dahil nawala si Eiji. Alam kong lumapit ka lang sakin, kasi mapupunuan ko ang kawalan niya..." Hinalikan niya ako. Ang tamis ng halik niya, yun lang ang naisip ko. "Nakakahiyang umamin na mahal mo ang isang taong sinasaktan mo." Sabi niya. "Hindi ko masabi sa harapan mo dahil sa tuwing iniisip ko yan, naiisip ko ang mga maling nagawa ko nung bata pa tayo... pati ang pagpapatulong ko sayo sa panliligaw ko sa pinsan mo. Sa lahat ng mga nangyari... At ngayon, sasabihin ko na. Wala akong pakealam kung magagalit ka sakin, ibabasted mo ako, sasaktan mo ako at iiwan..." Wala akong masabi. MAHAL NA MAHAL KITA GAB! JUSKO! GASGAS NA ANG LINYA KONG `TO! "Pero, Cel... Gusto kong malaman mo na hindi ko kaya kung iiwan mo ako. Kahit anong gawin mong pag iwan sakin, susundan at susundan kita." Ikaw naman yung nang-iiwan sakin eh. :( EWAN KO, OKAY? Hindi ko alam. Kasalanan ko ba kung ang tanging nararamdaman ko ay takot? Takot na baka umasa akong totoo `tong lahat pero sa isang iglap guguho at ako na naman ang maiiwang nasasaktan at nagdurusa. Kasalanan ko ba kung takot ako ngayon? Kasalanan ko ba kung mahal ko siya pero takot ako. TAKOT AKO PERO SIGURADO AKONG KAYA KONG TALUNIN ANG TAKOT KO PARA LANG MAHALIN SIYA? Magulo na ang utak ko.
"Kung natatakot ka na baka iwan kita dahil nandyan na ang bestfriend ko, wa`g kang mag alala, hindi kita iiwan." Katahimikan. Yun lang ba ang gusto mo Gab? "I'm not here to be assured about that, Celestine!" Seryosong sabi niya. "GOD! Bakit di mo ma gets? Mahal kita! I'm so in love with you! Naririnig mo ba ako? This has nothing to do with Eiji..." "Ano ba kasi ang gusto mong marinig?" Mas lalong lumakas ang ulan. May bagyo nga pala! "Mahal na mahal kita, hindi mo ba nakikita?" Lumayo siya sakin. Nagpaulan siya. He spread his arms and looked at the sky. "Gabriel, ano bah! Magkakasakit ka niyan!" "Sagutin mo na ako!" Sabi niya. Nakakainis naman! Ang lalim lalim ng pinag usapan namin kanina tapos back to kababawan na naman kami? Sagutin mong mukha mo! GRRR! Pero nakakatuwa ang mokong. Kinakabahan nga lang ako kasi sigurado akong magkakasakit talaga siya sa ginagawa niya. Linapitan ko siya para payungan, pero lumalayo siya sakin. Hinubad niya ang soot niyang jacket. Mas lalo siyang manlalamig niyan. "HOY GABRIEL! Ano bah!? Are you threatening me?" Gusto yata nitong sagutin ko siya dahil kung hindi, magpapakamatay siya. GRRRR. Hinabol ko siya para payungan pero lumalayo talaga ang mokong! "Ano bah! Lumapit ka nga, may sasabihin ako!" "ANO?" "MAY SASABIHIN AKO!" "ANONG SASABIHIN MO?" "HINDI MO MARIRINIG KAPAG MALAYO KA KASI ANG INGAY NG ULAN!" "ISIGAW MO NA LANG!" "AYAW MO!? SIGE IWAN NA LANG KITA DITO!"
Naglakad ako palayo sa kanya pero hinabol niya ako. "Umalis na tayo." Bulong ko sa kanya. :P "Yun na yun?" "Oo! May hindi pa ba ako nasasabi sayo?" "OO!" "Ano?" "IKAW NAMAN KASI YUNG DAPAT MAGSABI NUN TAPOS AKO ANG TINATANONG MO. Tsss." Ang arte talaga ng mokong na `to. May alam pang pa suplado-effect. "Nasabi ko na naman lahat ah?" Nagsuplado na talaga siya. "Mahal parin kita kahit suplado ka..." Sabi ko. Tumingin siya sakin with a creepy smile. Parang sinasabi ng kanyang mata na... "Dalawa na tayong nahulog sa bitag ng isa't-isa."
NINETYONE Celestine Herrera: Sa Gardens...
2:00AM Hindi ako makatulog! Kanina ko pa pinipikit ang mga mata ko pero ayaw talagang matulog ng utak ko. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Hindi maabsorb ng utak ko ang mga sinabi ni Gabriel! Totoo kaya yun? Yung nangyari? Parang panaginip eh... Ilang beses kong inisip na magtatapat siya sa akin pero kahit kailan di ko naisip na magkakatotoo din pala yun. Sobrang saya ng pakiramdam ngayong totoo na talaga siya! SOBRA! *Ting-ting-tiiiing* Message galing kay Gabriel!
Gab: Can't sleep. :) Good night! I love you... HEHEHE. Kinikilig naman ako!!! Ako: Can't sleep too... :) Tulog ka na... Gab: Kita tayo bukas ah? Ako: Sure! Gab: Tulog na tayo... :) Ako: Okay. Good night! Gab: I love you... Ako: I love you too. :) GRABEEE! Hindi ako makapaniwala! Nakita niyo yung last message na nisend ko? I LOVE YOU TOOOOO! Hindi ko kailanman inisip na makakapag i love you TOO ako kay Gabriel! Naku naman!!! Nakatulog ako na si Gab parin ang iniisip. Hindi na bago sakin yan... Halos ilang taon akong ganyan gabi-gabi pero mas masaya nga lang ngayon kasi ngiting-ngiti ako habang iniisip siya. Nakangiti ako hindi dahil nakakakilig ang iniisip ko, kundi dahil nakakakilig ang nangyayari. "Celestine, hoy! Gumising ka nga diyan! Tanghali na..." Naaninaw ko ang mukha ni Kuya. Worms eye view pa talaga. "Bakit, kuya?" I rubbed my eyes. "Gumising ka na! Alas dos na ng hapon. Hindi ka ba kakain?" "Whaat? Alas dos?" "Oo! Ang sarap yata ng tulog mo?" "Ang tagal ko kasing nakatulog kagabi..." Bumangon ako. May hawak pa siyang kape habang malaya siyang tumitingin-tingin sa mga gamit ko. "Kuya? Sinong nagsabing pwede kang pumasok dito?" Sabay hagis ko ng unan sa kanya. Hinagis niya pabalik at bull's eye naman sa mukha ko. "Aray!" "Magbihis ka na diyan! Hindi mo ba alam? Na ospital si Gab! Pumunta na si mama at papa kanina sa ospital. Bilin nila sakin na gisingin na daw kita nang madalaw mo si Gab kasi hinahanap ka daw niya! "Na ospital si Gabbb?" "Oo! Bingi ka ba?" OMG! Siguro dahil masyado siyang nag paulan!
"Wa'g kang mag alala, simpleng ubo at sipon lang...pero mataas ang lagnat niya." Sabay higop sa kape. Agad akong umalis ng kwarto para makaligo na at pumunta sa ospital. Si Kuya Sky naman, sunod nang sunod. "Magkasama daw kayo kahapon..." Sabi niya na mukhang tanong na rin. "O-Oo." "San ba kayo pumunta?" "Uhmmm..." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Kinuha ko ang tuwalya at pumasok agad sa banyo... "Sa Gardens..." Pagkatapos nun, agad kong binuksan ang shower para kung may tanong pa siya eh hindi ko na marinig. At kung marinig ko man, may alibi akong hindi ko narinig dahil sa shower diba? Pero teka nga... kami na ba talaga ni Gabriel? UHMMMM... Kami na ba? Wala naman siyang sinabing kami na? Hindi niya rin naman sinabing girlfriend niya na ako o boyfriend ko na siya? Paano nga ba yun? Kasi naman, hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya hindi ako sigurado kung kami na nga talaga. Nagmadali akong pumunta sa ospital na sinabi ni Kuya... Nakakabanas nga eh kasi hindi nag rereply si Gabriel sa mga text ko. Siguro malala? OHHH WA'G NAMAN SANA! Mas lalo akong nag aalala nyan eh. Ako pa naman yung dahilan. Naghintay akong magbukas ang elevator. Napansin ko agad ang amoy ng gamot sa paligid. Hay ang tagal namang maka baba ng elevator, nasa ika-pitong palapag pa naman si Gab. Pagpapawisan ako ng walang preno dito eh. Tsaka, sino kaya ang nagbabantay sa kanya? Hay naku... Siguro ang mama at papa niya. Natigil ako sa pag iisip ng kung anu-ano nang nag bago ang simoy ng hangin sa kinatatayuan ko. Paglingon ko naman sa naging katabi ko, napansin ko agad ang dala dala niyang mga rosas. Ah, kaya pala nagka amoy-bulaklak dito. Nakita ko ang maputi at kulot na babaeng may hawak-hawak nito. Kakulay pa ng kuko at labi niya ang mga rosas na dala-dala. Seryoso siyang nakatingin sa kabubukas lang na elevator habang ako'y napanganga. *TING!* "Oh, ba't parang nakakita ka ng multo?"
NINETYTWO Celestine Herrera: E-Excuse me.
Pumasok kaming dalawa sa elevator. "Bibisitahin ko si Gabriel. Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ni Kuya Sky tulog ka pa. Tsaka wala si Gab sa bahay nila, may sakit daw. Kaya, I'm here." Tingnan niya ako gamit ang maarte niyang mga mata. "Ano?" Nihead-to-foot niya ako. "By any chance, are you also visiting him?" HALLER? Obyus ba? alangan naman magpapa ospital din ako? Ang rason na nagkita kami dito ngayon eh dahil may isang taong malapit sa amin na naospital! "Oo." "La ka man lang dala?" *TING!* OH MY GOSH! She stepped out. Diridiretso naman ang lakad niya habang sinusundan ko lang siya. Hindi ko tuloy alam kung tama pa ba ang pag punta ko dito o baka dapat umalis na lang ako? Ano sa tingin niyo? HINDI! BAHALA SIYA! Pupunta ako! Ngayon pa ba ako susuko na narinig ko na kay Gabriel na ako ang mahal niya? HINDI! Ipaglalaban ko `to! "Celestine..." "Huh?" Tumigil siya sa harap ng pintuan.
"Can you open the door for me?" Sabi niya habang ipinapakita ang mga kamay na nakahawak sa flowers. "O-okay." Una akong pumasok. Nakita ko agad ang ngiti ni Gab sa higaan niya. Masigla naman ang mukha niya kaya napangiti na rin ako. Pero nawala din agad ang ngiti ko nang pumasok na si Gianna. Siya lang mag isa sa room, siguro nakaalis na ang mama at papa niya. "Bakit ka nandito?" Tanong ni Gabriel. Naunsa si Gianna, tapos lumingon siya sakin. ??? "Oo nga Cel. Why are you here?" Napanganga ako nang tinanong ako ni Gianna nun. At one point, naisipan ko ring baka ako nga ang tinatanong ni Gabriel. "Hindi si Cel ang tinatanong ko. Ikaw, Gianna." "Oh..." linagay niya ang bulaklak sa table. C'mon Gabriel! Why don't you tell her na boyfriend na kita? O girlfriend mo na ako?! "Can't you see? I'm visiting you?" Umupo siya sa upuan malapit kay Gab. Nakatingin parin si Gabriel sa kanya. Habang ako, nakatayo parin dito. Ang ganda ni Gianna ngayon. :( SOBRA! Mas lalo pa yata siyang gumanda.. dulot siguro ng clima sa Japan. Mag iisang taon na siyang nawala ah. Ba't pa siya bumalik? Hindi man lang makatingin si Gabriel sakin. Kay Gianna lang talaga siya nakatutok at hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon ang nasa mukha niya ngayon. "Ano ba kasing nangyari? Why are you-" "Why are you here?" "Why? I said I'm visiting you!" "Tapos? May gana ka pang magpakita sakin?" Galit na galit ang boses ni Gab. Parang ako yung naapektuhan sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan. Nasasaktan. Minahal niya si Gianna. At maaring mahal niya parin si Gianna hanggang ngayon. Pero sinabi niya ng mahal niya ako diba? At naniniwala ako sa kanya.
Kaya lang...ewan ko. Ba't ibang iba ang naramdaman ko nang marinig ko ang huling sinabi niya? "Okay, I was wrong Gab! Sorry! I'm apologizing for all the hurts I've caused you..." Tahimik lang si Gab habang nakatingin sa kawalan. Tiningnan ako ni Gianna habang nakatayo parin ako sa kinatatayuan ko. Ewan ko pero bakit parang kailangan kong umalis dito? "It's too late." Sabi ni Gabriel. "Gab, I love you... I still do..." Umiyak si Gianna sa harapan ni Gabriel. Celestine, ano pa bang ginagawa mo diyan? "Bakit ngayon pa, Gianna?" Hindi ko ulit alam pero bakit ako nasasaktan? Nasasaktan ako sa sinabi ni Gab. Bakit ngayon pa? Bakit, Gab? Kung sana kahapon niya yun sinabi sa'yo, edi pwede pa sana? :( "E-Excuse me." Tumingin silang dalawa sakin. Tumunganga pa ako ng ilang segundo bago tuluyang lumabas. Hinintay kong sabihin ni Gab ang mga gusto kong marinig, hinintay kong ipaglaban niya ang pagmamahal niya sakin, pero walang dumating.
NINETYTHREE Celestine Herrera: I'm out of the picture
Nakapangalumbaba ako sa harap ni Jana pagkatapos kong sabihin ang lahat ng nangyari na yun sa kanya. "Tapos? Hanggang ngayon, di pa rin siya nag ti-text?"
"Oo." Wala na akong lakas. Pag uwi ko ng bahay kahapon, kahit luha wala na akong mailabas. Nawalan na ako ng lakas. At natatakot ako. Natatakot dahil hindi ko lubos maisip na ganito na lang kung makaapekto si Gab sa buhay ko. Ayaw ko siyang mawala kaya kahit kaibigan na lang sana, okay lang. Ayaw na ayaw ko siyang mawala na kahit kaaway, okay na rin! At ngayong umasa ako at naniwala...hindi ko na alam. Gab, bakit ka ganyan? "May mga bagay na dapat noon ko pa ginagawa, pero hindi ko ma gawa gawa. Naiinis ako sa sarili ko!" Linagay ko ang mga palad ko sa mukha ko. Umiiling naman si Jana. Na discharge na si Gab sa araw ding iyon. Pagkatapos nun, hindi siya nagpakita. Ayaw ko rin naman siyang makita eh. Hindi ako ready sa mga sasabihin ko. At alam kong pati siya eh hindi ready. "Sa tingin mo Jana, mahal niya pa si Gianna?" Umiling si Gianna. "Kung totoong hindi niya na mahal si Gianna, sana hindi naman siya galit." "Ano ang ibig mong sabihin?" "Na... pakiramdam ko, hindi niya naman talaga mahal si Gianna. Pero sana naman, wa'g na siyang magalit sa pinsan mo." Hindi ko makuha. Siguro ang ibig niyang sabihin ay siguro MAHAL NIYA PA SI GIANNA, KASI KUNG HINDI NIYA NA `TO MAHAL, DAPAT HINDI SIYA GALIT! "Ahhh! Huli na `to! Promise! Huli na yun!" sabi ko. "Kailangan niyo lang mag usap, Cel." "Nakita ko, Jana!" Grabe, desperadang desperada na ang tono ng boses ko. "MAHAL PA NI GIANNA SI GAB! inamin niya sa harapan ko! At si Gab, galit parin hanggang ngayon sa ginawa ni Gianna sa kanya noon!" "Calm down-" "Isa lang ang ibig sabihin non! I'm out of the picture. They probably are together now, and there's nothing I can do about it... Wala akong magawa kasi mahal ko LANG siya......" Ngayon pa ulit tumulo ang luha ko pagkatapos ng mga nangyari!
Pinunasan ko agad ang bawat luhang lumandas sa pisngi ko. "Ganun lang yun, Jana? Pag wala yung una, ako muna. At ngayong nagbalik na siya, echepwera?" Si Jana, umiyak na rin sa harapan ko habang tinatahan ako. Patay na! Nagdadramahan na kami! Nasa loob pa naman kami ng cafeteria. Ilang sandali, tumahan din naman ako. Pero tulala parin. BAKIT BA GANITO!? Ang unfair naman! "Kung may balak siyang kausapin ako, ba't di kahapon? Ba't di ngayon? Hindi naman kami malayo ah? Kapit-bahay, bestfriends, schoolmates, classmates. WALA!" "Hey!" Inayos ko ang sarili ko nang biglang dumating si Eiji. "What's wrong?" Pero nakita niya parin yata ang namumugtong mga mata ko. "Saw Gab a while ago. May GF na ba siya?" Tahimik lang kami ni Jana. "Ganda kasi ng kasama niya kanina!" OH GREAT! That was probably Gianna! NANDITO SIYA SA LOOB NG SCHOOL? WHAT THE HECK? "Excuse me..." Kumaripas ako sa paglalakad. I need to get outta here! PLEASE?! Ang bilis ng lakad ko palabas ng gate. Gusto ko lang umuwi, magkulong sa kwarto, at i-isolate ang sarili sa kahit kanino. Papaliko ako ng gate na aksidente kong nakita silang dalawa, magkasama... ANG SAKIT!!! "Cel?" Linagpasan ko si Dexter. Pinansin niya na sana ako... pero wala pa sa timing! Ayokong kumausap ng kahit kanino ngayon. Kasi kung paaminin pa ako kung bakit ako malungkot, wala lang din akong masabi at maipakita kundi ang luha ko.
"Cel!" Linagay ni Dexter ang kamay niya sa balikat ko. "I'm sorry." Hinarap niya ako pero hindi ako tumingin sa kanya. "Okay..okay na... Okay lang yun." Sabi ko sa pag-aakalang makakaalis din naman agad. "Are you okay?" Tiningnan niya ang mga mata ko. "It's about Gab again?" Hindi ko parin matingnan ang mga mata niya. "Gab, again?" Tiningnan niya ako ng mas mabuti at nakahawak na ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko. Wala akong nagawa kundi pumiglas, dahil kung hindi... baka bumuhos ulit ang luha ko. Umalis na ako, diridiretso ang pagmartsa papalabas. Baka hindi talaga para sa akin `to. :'(
NINETYFOUR Celestine Herrera: in the midst of thinking about how to win me back
Humiga lang ako sa kama at gusto lang matulog. Maaga pa, pero wala na akong gana. Kanina pa ring nang ring ang cellphone ko pero hindi ko sinasagot. Hindi ko rin binabasa ang mga mensahe. Ayoko ng umiyak. Sawang-sawa na ako. eto na talaga... hindi na biro. SAWA NA AKO! MAHAL NA MAHAL ko parin si Gabriel hanggang ngayon pero sawang-sawa na ako sa pagmamahal kong yun. TAMA NA, CEL! Ayaw mo paring tumigil, pero tama na. Nakatulog ako sa kwarto dahil sa pagod sa kakaiyak. Gumising lang ako ng kumatok si Kuya sa pintuan habang sumisigaw... “Cel? Cel? Nandito si Jana...” Ang cellphone ko naman, ring parin nang ring. Bakit nandito si Jana? Pagtingin ko sa orasan, 7pm na ah? Pinapasok ko si Jana sa kwarto. Halatang mejo nagpapanic siya pero hindi na ako makapagpanic ng katulad niya, wala na akong lakas.
Umupo ako sa kama habang siya nakatayo at tinitingnan ako. “Cel, alam kong nasaktan ka masyado...sobra!” Nakuha ng cellphone ko ang atensyon niya. “Hindi mo sinasagot ang mga tawag namin...” “Pagod na ako, Jana...” sabi ko. “Alam ko, kaya nga inisip ko pang mabuti kung pupuntahan pa kita o hindi eh. Kaya lang, napagdesisyonan kong pumunta na lang talaga, para wala akong pagsisisihan kung ano man ang mangyari sa inyong dalawa.” Tiningnan ko si Jana. “Cel, naospital ulit si Gab.” “Huh? ano...bakit daw? Bumalik yung sakit niya?” Tanong ko with the i-don't-care tone. “Cel... pag alis mo kanina, nagkita si Gab at si Dexter, nagsuntukan sila... tapos sumali pa si Eiji! silang dalawa laban kay Gab! Si Gab, hindi lumalaban!!!” “WHAT?” I mean... what? “Oo! Nabugbog siya, sobra!” NAG AALALA AKO! Linsyak! Totoo! Pero ayoko na! Ba't di siya lumaban? Siguro dahil guilty siya! “Pupunta ako ng ospital...” Walang pag aalinlangan na sinabi ko yun. “Sigurado ka?” “Oo. Pero tapos na ang lahat. Pupunta ako dun dahil alam ko...alam kong ako ang dahilan ng lahat ng `to. Pero tama na... Ayoko na! Sobra sobra na akong nasasaktan.” Hindi niyo siguro ako naiintindihan ano? Kasi sawa na ako, kaya lang may gana pa akong pumunta kay Gab sa ospital. Totoo. Mahal ko parin siya kahit sinaktan niya ako. Naawa ako sa kanya dahil naospital ulit siya. Concern parin ako sa kanya. Naiinis ako sa kanya... At totoo... na hindi na tama. ayoko na! Kasama pala ni Jana si Cid kaya siya ang nagdrive para samin papuntang ospital. “Nakakapagtaka talaga, hindi rin nakarating sa pamilya ni Gab na sina Salvador ang sumuntok sa kanya.”
“Hayaan mo na, Cid. Siguro dahil alam niyang siya yung may kasalanan. Guilty eh... kaya hindi niya na lang sinabi.” Nakita kong siniko ni Jana si Cid. Pagkatapos nun eh tahimik na lang silang dalawa hanggang sa nakarating kami sa ospital. Pagdating namin sa labas ng room, nakita kong tumayo si Gianna. “Anong ginagawa mo dito?” Mangiyak-ngiyak na sabi niya. BWISIT! Wa'g mo kong tanungin ng ganyan! Wala ako sa mood at dahil yun sa inyong dalawa ni Gab tapos ipapakita mo sakin ang pagmumukhang yan! Pasensya na, inis na inis ako! sobra! “Ate, Cel!” sabay yakap sakin ng kakalabas lang sa room ni Gab na si Nica. “Nica, kamusta si Gab?” “Uhh... He wants to talk to you...” Sabi niya sakin. Lumabas na rin ang mga magulang ni Gab. Ganun din ang sinabi nila sa akin. Sobrang kabado ako... oo, eto na ang katapusan ng lahat! Alam ko, Gab! Di mo na ako kailangang takutin ng ganito, dahil pati ako, gusto ko ng matapos. Pumasok ako sa loob. Nakita ko agad ang mukha niya. May pasa pero bwisit, hanggang ngayon hindi ko parin ma deny na ang guwapo niya......Cel, wala ka na sa lugar! TAMA NA!! PLEASE! KAHIT ANONG GWAPO NG MUKHA NIYA, kung masasaktan ka rin lang...wa`g na! “I'm sorry.” Yun ang sabi niya. “shhh” Sabi ko. “Tama na... alam ko. Hindi mo na kailangang mag sorry.” “Pero galit ka ra-” “Gab pwede ako na lang muna ang magsasalita sa ngayon?” “Pero andami kong gustong sabihin sa'yo-” “Please?” Natahimik siya. Umupo ako sa kama niya. “Gab... You know how much I love you...” Inumpisahan ko sapinaka root cause ng lahat ng to. “I was wrong coz from the very beginning, we are just friends...nothing more. Mali akong hiningi ang hindi mo kayang ibigay.” “Cel, I love you, too...-” “If that was true... why did you let me slip away?” “Gusto ko lang mag kaayos kaming dalawa ni Gianna. Kasi pinsan mo siya. somehow, ayokong may di kami pagkakaunawaan ng kahit na sinong malapit sa'yo.” No, that's not enough!
“Gab, bakit mo ako hinayaang umalis na lang nung na ospital ka? Ni hindi mo man lang inexplain sakin kung bakit... ni hindi mo man lang ako tinext, hindi mo ako tinawagan! HINDI KA NAGPARAMDAM!” “Kasi alam kong galit ka! I was thinking of the best way to get you back after that hospital-incident, Cel!” “Tapos??? Magkasama kayo ni Gianna, in the midst of thinking about how to win me back after that incident?” Gusto kong maiyak, kaso mas galit ako ngayon kesa nasasaktan. “I know... I'm stupid!” sabi niya. “Sinabi ni Gianna sakin na tutulungan niya ako sa'yo. Tinutulungan niya ako, Cel. To get you back!!!” Umiyak siya. “To get me back? Asan na? Bakit ang sagwa ng mukha niya sa labas, huh Gab? Bakit galit siya na nandito ako?” No, this is not right! Panu ako maniniwala? I CAN'T BELIEVE IN HIM ANYMORE! THAT WAS TOO MUCH! “Gab... I'm tired. I'm wrong to love someone who doesn't even give a d@mn!” “Cel, no I'm not letting you go...” Hinawakan niya ang kamay ko. “Gab, mahal na mahal kita! Pero sa tuwing nasasaktan ako, nanghihina ako. Ayoko ang feeling na sa tuwing binibitin mo ako, sinasaktan, at iniiwan sa ereng nag-iisa, eh para akong namamatay at nawawalan ng lakas. I don't like how crippled I am with you gone. Gab, tama na! Nakakapagod na... sige na... you're free...” Tumayo ako. Alam kong may pagkakataong pagsisisihan ko 'to. Kaya lang, ang tanging gusto kong mangyari na lang ngayon ay ang pakawalan siya para makawala na rin ako. Gusto kong matutong wala siya. “Cel, hindi lang ikaw ang pagod!” sabi niya. I walked away. “Pagod na rin akong nakikita kang nasasaktan! Please!!!!!!!” Sinarado ko ang pintuan. For the first time in my life, I think I'm being brave! Nakita ko si Nica, Gianna, si Jana at Cid sa labas naghihintay. Tumayo si Gianna... masama parin ang tingin niya sakin. “Can we talk?”
NINETYFIVE Celestine Herrera: I know, I'll surely regret this, couz...
Pumayag akong makipag-usap kay Gianna. Pero nagkasundo na kami ng sarili ko, na kahit anong sabihin niya, hinding hindi na magbabago ang isip ko. Lumabas kami ng ospital at nagpunta sa pinakamalapit na Starbucks. "Mahal ko si Gab." Yun ang panimula ni Gianna. "Kung tungkol diyan ang pag uusapan natin, then go ahead. Love him." "Ang kapal mo talaga!" Bigla niyang sinabi. Uminit yung dugo ko. >:( Bakit? Anong makapal sa sinabi ko? "Hindi mo ba nakikita? Ikaw ang mahal niya ngayon!" Hindi ako umimik. "Mahal ko siya, totoo! Pero hindi na ako ang mahal niya ngayon, Cel... Ikaw na... Sinubukan kong makipagbalikan sa kanya, pero ikaw na ang sigaw ng puso niya! Di mo ba naiintindihan yun. Hindi ko nga maintindihan. Weird kasi para kay Gianna na sabihin sakin lahat ng to. Sa pagkakaalam ko kasi, selfish itong isang `to. Kung hindi man lang din mapupunta sa kanya ang gusto niya, edi wa`g na sa iba...lalong lalo na sakin. "I tried, Cel but he didn't accept my love anymore! Pero bago ko pa lang sinubukan, naghanda na ako sa mga mangyayari. Pinagsisisihan ko, totoo, na pinakawalan ko pa siya noon. Kaya eto ako ngayon, pinagbabayaran ang mga kasalanan ko." Nakatingin lang ako sa kapeng inorder ko, di ako makatingin sa kay Gianna. Galit ako sa kanya... sa kanyang mga sinasabi. Galit ako sa lahat. *SLAP!* Bigla akong sinampal ni Gianna. Hindi ko alam kung para san yun.
Napatingin ako sa mukha niya, mangiyak-ngiyak siya at ang pula-pula ng pisngi. Nabigla ako sa sampal niya kaya nasa pisngi ko parin ang palad ko. Para san yun? "Cel! Nakakainis ka! Di mo ba nakikita? Mahal ka ni Gab! Pero anong ginawa nung dalawang Knight in Shining Armor mo? HA? Muntik ng mamatay si Gab sa ginawa nila eh! Tapos, hinayaan mo lang na ganun? Ano ha masaya ka na? Sa isang linggo, dalawang ulit naospital si Gab dahil sayo? Masaya ka na, hah, Cel? Eto na ba yung gusto mo?" Humikbi siya. Hindi ko alam kung bakit may isang parte saking umiiyak din. Umiiyak, pero hindi lumalabas sa mata. "Tinulungan ko pa siya sa`yo dahil iniisip kong ikaw na nga talaga siguro ang para sa kanya dahil simula pa noon ay alam ko ng mahal na mahal mo siya at ginagawa mo ang lahat para sa kanya... pero ngayon, look at you?! I don't know what you told him during your visit... But I want you to know all these." Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong masabi... WALA. Nasaktan ako kaya di niyo ako masisisi. At ngayon, alam ko ring marami akong nasaktan. Si Gianna, Dexter... si Gab. "Alam mo kung bakit? Coz I think you deserve him! Alam kong galit ka sa amin! Yes! Nakita mo kaming dalawang magkasama, ang totoo, nag p=prepare kami ng surpresa para sayo tapos papalpak lahat dahil dito? GOD! Now, Cel...you need to decide. You need to forgive him. You should make Gab happy." May luhang lumandas sa pisngi niya. "Please. You're the only person who can do that. Bumalik ka sa ospital ngayon, and tell him that you love him!" Ewan ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa lahat ng mga taong `to na all my life, sinalo ko lahat ng sakit para sa taong mahal ko. Ngayon lang ako natauhan, kaya sana pakiusap, wag nila akong pangunahan sa desisyon ko kasi wala silang alam...hindi sila ang sumalo sa lahat ng sakit na yun sa mahabang panahon. Alam ko rin na eto na naman, kumakatok na sa pintuan ko ang lahat ng bagay na gusto kong mangyari sa buhay ko pero ayaw kong sa tuwing nawawala ang lahat ng `to ay halos mamatay-matay ako. I don't like the feeling of how crippled I am when he's gone. I don't like to think that I depend too much on him. And it's all true. There's nothing I can do about it because that's the sad truth. I need him so much in my life that it scares me. I CAN'T IMAGINE LIFE WITHOUT HIM. BUT WHAT IF MY LIFE SHOULD BE SPENT WITHOUT HIM, then what will happen to me?
Tumayo ako. "If he really wants me in his life, he'll make that happen. No one can make that happen for him, not even you." Sumimangot ang mukha niya at mas lalong pumula ang ilong. "I know, I'll surely regret this, couz..." Then I walked away. Paano kung... Paano kung pumunta ako kay Gab at nakipag ayos ako? Paano kung masaya na ako ngayon at masaya na rin si Gab? Ganun lang sana kadali ang lahat eh kung makikipag ayos ako. Anong pumasok sa isipan ko na umalis ako at hinayaan ang lahat na ganito? Hindi ko rin alam. Nagsisisi ako. Maraming pumasok sa isipan kong mga "What if..." What-ifs. But I really don't know why I think its the right decision. Hindi ko alam kung bakit kahit alam kong magsisisi ako ginawa ko parin. If he really wants me in his life, he'll make that happen. No one can make that happen for him, not even you. Nagsorry si Eiji at Dexter sa akin hindi ko alam kung bakit sakin sila nag so-sorry. Kay Gab dapat sila magsosorry eh. "Cel, sabay na tayo for the next subject!" sabi ni Jana sakin. "O bah!" I smiled. Isang linggo ng absent si Gab. Ang huling banggit ko sa pangalan niya ay yung nagsorry si Eiji at Dexter sakin last week. Ang alam ko, nagsorry din sila kay Gab pagkatapos nilang magsorry sakin. Huminga akong malalim. Lumiko kami ni Jana sa huling corridor papuntang classroom.
NINETYSIX Celestine Herrera: Gab may group work pa ako eh.
"Uy, si Gab... Hala!" Sabi ni Jana sakin pagkapasok namin ng classroom. Nandun nga siya sa silyang inuupuan niya noon pa. Okay na pala siya. Maaliwalas ang kanyang mukha. Noong isang linggo pa siya nakalabas ng ospital, pero ngayon lang siya nakapasok ng school ulit. Umupo ako sa silyang dati ko ring inuupuan ng biglang may tumabi sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko, oo, kinabahan ako. Sinong hindi kakabahan niyan eh si Gabriel ang tumabi sakin. Hinayupak! Eh ngayon lang ulit kami nagkita pagkatapos ng major major na desisyon ko. Anong ginagawa niya dito sa tabi ko? "Sabay tayo uwi ah?" Ngumiti siya sakin. Nga pala! PATAY! Hindi ko pa naiisip o napaplanuhan man lang kung anong magiging reaksyon ko kung ganito. Siguro hindi ko naisip na magiging magkaibigan ulit kami pag katapos ng nangyari, hindi ko naisip na papansinin parin niya pala ako. Hindi niya ba ako naintindihan? "Uh kasi, Gab may group work pa ako eh." Sabi ko. Hindi ko man lang siya tiningnan sa mga mata. Nakakahiya kasi, titig na titig siya sakin. "Talaga? Edi, hintayin na kita." "Gagabihin yata eh." "Hihintayin nga kita." "Uhm. So sige, ikaw bahala." Sabi ko nang matigil na siya.
Sa whiteboard lang ako nakatingin kahit napapansin kong titig na titig parin siya sakin. Sinisiko na nga ako ni Jana pero binalewala ko na. "Bagay sa`yo ang maiksing buhok." Sabi niya. Tama! Pinutulan ko ang buhok ko. Maiksi na siya ngayon. Kahit kailan, hindi ko naranasang magkabuhok ng maiksi, ngayon lang. At kung naging maiksi man ang buhok ko noong bata pa ako, sigurado ako wala pa akong malay nun. Ginawa ko `to para may maramdaman akong pagbabago. At totoo, epektibo. Nakaramdam ako ng pagbabago, sa sarili ko, sa isipan ko, sa puso ko... "Salamat." Buti na lang at dumating na ang professor namin at nagsimula siyang mag lecture. Dalawa at kalahating oras siyang naglecture at ang pantapos niya ng session namin ay isang pop quiz. "Pass your papers to the front." Mejo napaisip ako kung nasagutan kaya ni Gabriel ang ibang tanong. Kasi naman, halos kalahati ng mga tanong ng prof namin ay galing pa sa mga unang discussions niya. Sinulyapan ko ang papel niya, puno naman at puro tama pa ang sagot! May sinagot nga siyang nakalimutan ko eh. Ipinasa ko ang papel ko, kinuha niya naman agad at may isang saglit na nagkadikit ang kamay namin tapos nakita ko siyang ngumiti. Anong problema ng mokong na `to? Halos matawa nga ako sa ngiti niya pero ayaw kong makita niyang okay lang. Sunod siya nang sunod sa akin kahit saan man ako magpunta. Hindi ko naman siya kinakausap kasi busy ako at hindi rin naman siya ganun ka matanong. Tingin nang tingin ang mga kilala namin at mga kaklase. Halos madapa nga sa kakatingin si Stacey kahit kasama niya yung rumored boyfriend niya eh. Nginuso ni Jana si Gab at tinaasan ako ng kilay. Nagkibit-balikat na lang ako. "Gab, sigurado ka bang hihintayin mo ako?" Sa wakas, tinanong ko rin ito nang nag alas syete na ng gabi at papunta na kami dun sa meeting place ng kagrupo ko. "Oo naman..." Ngumiti siya. WEIRDO! Bakit ganito siya?
"Wala ka bang gagawin? Kamusta na ang proposal niyo? Yung grupo niyo? may grupo ka na ba?" "Ah. Oo, bukas pa naman kami mag memeeting eh. Tsaka nag brainstorming narin kami kaya mejo okay na." Did I sound concern? GRRR. Bakit kaya yung pagiging concern ko sa kanya eh bigla na lang sumusulpot naturally. "Ah ganun ba, edi mabuti." Tumigil ako sa harapan ng AVR 1. Napakamot ako sa ulo. "Uhm Gab, closed door kasi `tong meeting namin. Grupo lang ang pwede dito..." Sabay tingin ko sa loob at nakita ang naghihintay kong mga kagrupo. "Okay lang! Maghihintay ako dito." sabay kuha ng silya. Sa`n ba yun nakasungkit ng silya dito? LOL. "Uhm... Gab... Look, you don't have to do this." Umupo siya sa silya. "Yes, I don't HAVE to do this." "Kung gusto mo talagang maghintay, pwede namang sa loob na lang ng sasakyan mo o sa labas ng school na lang, sa isang fast food, sa Starbucks or somewhere. Wa`g dito." Tumingin ako sa paligid at naramdaman ko ang presence ng mga lamok. "Pwede ka rin dun sa cafeteria... wa`g dito." "Sige na, okay na ako dito." Ngumiti ulit siya. "Alam mo kasi, matatagalan kami. This might take two hours..." "Ang tagal naman! Pero di bali. Sige na..." Ngumiti siya. NAG REKLAMO BA SIYA DUN? Okay! Fine! Mabuti na rin ang magreklamo siya kasi kung di siya magreklamo, talagang sasapakin ko na siya at maiisipan kong pinagpaplastikan na niya ako. Agad akong pumasok kasi nawala ang lahat ng pagka concern ko nung nag reklamo siya. Sinarado ko ang pintuan at nagsimula ng makipagmeeting sa mga kagrupo ko. Isang oras ang nakalipas, sumakit na ang ulo ko sa mga pinag uusapan namin. Ang hirap naman ng proposal namin. Pinaglaruan ko ang ballpen.
"Cel, wa`g mo sabihing naghihintay si Gab sa`yo?" Sabi nung isang kaklase ko. "Uh... Oo." "Naku! Lakas ng tama nun sa`yo no? Kaninang umaga ko pa yun binabantayan at nanibago talaga ako sa inyong dalawa." Sabi ng isa. "Kayo na ba?" "Hindi no..." "Ows? nanliligaw sa`yo?" "Hindi rin!" "Eh ano yang tawag niyo sa ganyan? Friends with benefits?" nagtawanan sila. "Hindi no... Kaibigan lang kami at ewan ko ba dun." Napangiti ako at naisipang sumilip sa labas para lang makitang wala na siya dun sa silya. LINTIK NA GAB! Kita niyo? Umalis din? "Uy ano? Papasukin mo na lang kaya?" Tanong ng isa. "Ay ewan. Umalis na. Napagod siguro sa kakahintay. "Naku, Cel! Wa`g mo naman kasi masyadong alipinin yan o paghintayin... tsk tsk. Napapagod din kaming mga lalaki kaya kusa na lang kaming umaalis." Sabi nung lalaki. "Hindi ko naman siya pinapaghintay o inaalipin eh. Hinahayaan ko lang..." Tapos nun, nagsimula ulit kaming mag usap tungkol sa proposal. Ewan ko kung bakit mejo galit ako ngayon at uminit ang ulo ko. Dala siguro `to ng inis ko sa pag alis ni Gab. Sinulyapan ko ang cellphone ko, wala man lang text na galing sa kanya! Di man lang nagpaalam! "Tapos na tayo sa ngayon!" Sabi ng leader namin. Dalawang oras at kalahati din namin yun ginawa pero di parin kami natatapos. Kumakalam na ang sikmura ko. HUHU Hindi ko kasi naisip bumili ng pagkain kanina bago nagsimula ang meeting kaya yan tuloy. Inayos ko ang mga librong dadalhin ko. Ang dami ko pang dalang libro tapos gutom pa ako! Mag tataxi na lang ako pauwi... huhu "Ako na magdadala." Biglang kinuha ni Gab ang mga libro kong kung pagpapatung-patungin mo ay lalagpas ulo sa dami. "G-Gab? Akala ko umalis ka na?" Tanong ko. "Hindi pa, nandito pa nga ako diba?" Pilospo! "Nung sumilip ako sa labas kanina, wala ka." Napangiti siya.
Ewan ko kung bakit uminit ang pisngi ko nung tumingin siya sakin. "Ah yun bah? Umalis ako, binilhan kita ng pagkain, baka kasi gutom ka pagkatapos ng meeting niyo." "Uyyy!-Shhhhhh!" Bigla kong napansin na may nakikinig at nakatingin pala saming mga kaklase ko. Ipinakita ni Gab ang Nitake-out niyang pagkain para sakin. WOW! Gutom ako kaya agad akong naglaway dun sa pagkain. "Wow? Talaga, Salamat!" Yung pagkain ang kinuha ko at si Gab...siya ang nagdala ng sandamukal kong libro. Kumain ako sa loob ng sasakyan niya. Hindi niya muna pinaandar kasi kumakain ako. ?"Eh ikaw Gab? Kumain ka na ba?" "Oo eh. Sana nga nagkasabay na lang tayong kumain, kaso ginutom na rin ako at alam kong gutom ka na kaya nagbakasakali akong pwede kong ihatid sa loob ng AVR yung pagkain kaso huli na nung narealize kong hindi pala pwede ang pagkain dun." Tumango ako. "Salamat!" Tapos na akong kumain. "Busog ka na?" "SOBRA!" Pinaandar niya na ang sasakyan. "Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang naghintay ka nga." Sabi ko nang hawakan niya ang manibela at nakita ko ang dami ng kagat ng lamok sa braso niya. Sobrang dami! "Kung sasabihin kong maghihintay ako, maghihintay ako." Nakatingin siya sa daanan nang sinabi niya yun. Hindi na ako sumagot. "At kung sasabihin kong mahal kita, mahal na talaga kita."
NINETYSEVEN
Celestine Herrera: joke lang yun.
Mali kaya `tong ginagawa ko? Nakapagdesisyon na ako at pinili ko ang sarili ko. Pero ngayong ayan na naman siya, sa tingin niyo okay lang `to? "Cel, sabay tayo uwi ah?" Sabi ni Gab sabay ngiti. "O.. Okay." Nginitian ko na rin siya. Nasa AVR 1 ulit yung meeting ng grupo, tapos ang meeting naman ng grupo nila, nasa AVR 2 na katabi lang ng AVR 1. Pumasok na ako sa loob ng AVR 1. Pumasok na rin siguro siya sa AVR 2 para makapagmeeting na sa proposal nila. Matagal nagstart ang meeting kaya lumabas muna ako para tingnan kung nandun ba si Gab, kaya lang wala na siya. "Hoy, Cel!" Tinawag ako ni Jana. "Ano na?" Hinila niya ako palayong AVR 1. "Anong ano na?" "Si Gab?" Tumingin siya sa paligid. "Don't tell me umuwi na yun?" "Hindi. Nasa AVR 2 lang. May meeting din sila." Tumingin siya sa relo. "Gagabihin ulit kayo? Sabay ba kayo uuwi?" "Oo." May kung ano sa ekspresyon ng mukha niya, hindi ko mabasa. Naku naku! Itong si Jana, baka kung anong malisya na namana ang binibigay niya. "Ano ba, wala lang `to noh!" "Asus wala!" "Wala na nga diba? Nakapag desisyon na ako." "Oo. Tapos? If you love someone set him free, and if he comes back he's really yours. If he doesn't he never was." Sabi ni Jana na nakangiti na. "You can never own a person. Kung anong desisyon niya, rerespetuhin ko. Kung anong desisyon ko, respetuhin niya."
Wow! Ang tigas ng sinabi ko ah! Pati ako nabigla. Hindi nga lang ako sigurado kung ganun din ba katigas ang puso ko. "O siya, sige na nga! Alas syete na at mukhang uulan pah! Alis na ako. Ingat kayo ha! Itext mo ako kung may something." Ayan na naman yung evil-look ni Jana. "Ge na. Go!" Umalis din naman siya at pagkatapos ay nag simula na ang meeting. Maaga kaming natapos, 15 minutes nga lang yun eh kasi mejo okay nadaw yung proposal namin. Nag assign na lang yung leader ng kanya-kanyang trabaho na sa bahay na gagawin. Nasa labas ako ng AVR 2. After 15 minutes, nilamok na ako ng todo. Nakakalurkey! Ako na naman ang maghihintay kay Gab! Tiningnan ko ang phone ko, tapos wala namang message na galing sa kanya. Ayaw ko namang mag text bigla. Grrr. 30 minutes na at naiinip na ako. Wala pang upuan! Bakit ko nga pala `to ginagawa? Ayoko na nga! Makaalis na nga lang. Ititext ko na lang siya kapag nakauwi na ako sa bahay, aalis na ako kasi ginugutom na ako at naiinip na. Yun ang totoo. Oo kaya ko pang maghintay, pero sabi ng logic ko, wa`g ng maghintay. Tinahak ko ang daan palabas ng school pagkatapos biglang umulan. Dali-dali kong kinuha ang payong ko. Kaya lang sa lakas ng ulan, eh hindi na nakaya. Kailangan ng sumilong. Sumilong nga ako at hinintay na humupa ang ulan. Sana pala hinintay ko na si Gab. Grrr. Lumakas lalo ang ulan at may kasamang kulog at kidlat pa ito. Another 30 minutes akong nakatayo sa waiting shed sa labas ng school. 1 hour. Ang lakas talaga ng ulan. Tapos na kaya sina Gab? Yun lang ang pabalik-balik sa utak ko. Hindi ko pa naman nakikita ang sasakyan niyang dumadaan eh kaya malamang hindi pa.
May payong kaya si Gab? Naku, kawawa naman kung mauulanan siya. Hmm, may payong naman siguro yung mga kasama niya kaya baka makikisilong siya hanggang sa dumating siya kung saan niya nipark ang sasakyan niya. *Ting-tititing-tititing-ting-ting* Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nakita ang 27 missed calls, 34 messages. GALING KAY GAB! Tapos ngayon ko lang namalayan `to! *TING-TITITING-TITITING-TING-TING* "Cel!" "Hello, Gab?" "Asan ka ba!" Mejo nagalit ako ng bahagya sa pagkakasabi niya nun, para kasing nagagalit siya na basta! "Pauwi na ako..." Lumakas lalo ang buhos ng ulan. "Nakakainip eh." Long pause. Narinig ko rin ang ulan sa background niya. "Ha? Asan ka na? Nakauwi na o pauwi pa?" "Pauwi... uhm... malapit na ako sa bahay." Pumikit ako pagkasabi ko nito at kinagat ang labi. "Nakauwi na." Bakit ako nagsinungaling? Ego? "Ah. Akala k-ko hihintayin mo ako." Hintayin ka jan... tsss. "Umuwi ka na, Gab." Naguilty naman ako agad! Nakakainis! Ganun ako kabilis ma guilty sa taong sinaktan ako ng todo! NAKAKAINIS! SERYOSO! NAKAKAINIS! "A-Asan ka na?" "Nasa school pa." "Asan?" "Nasa tapat ng Humanities building." Agad kong ginamit ang payong ko at pumasok ng school.
"Uhm... Uh... Sige-" "Sandali lang!" "Huh?" Kahit malakas ang ulan, kinaya ko paring gamitin ang payong ko papunta sa tapat ng building na sinasabi ni Gab. ang building kung nasaan ang AVR 1 at 2. TAPAT NG HUMANITIES? Nag lowbat ako kaya nawala siya sa linya. Nakita ko si Gab, basang-basa sa ulan at nagsisikap na sumilong pero sa lakas ng ulan hindi parin sapat ang sinisilungan niya. Nakita ko ang bigla sa mukha niya nang nakita ako. Pinayungan ko siya. "Uwi na tayo." Long pause. Nakatunganga siya sa mukha ko. Habang dinidistract ko ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid at sa ulan. Oo, basang-basa siya at guiltyng-guilty ako, awang-awa ako, kinukurot ang puso ko. Bigla niya akong yinakap. "G-Gab?" "Akala ko umalis ka na! Akala ko iniwan mo ako! Akala ko hindi na talaga ako mahalaga sa`yo!" "G-Gab..." Bumitiw siya at hinarap ako. Hindi ko alam pero... Sa ngiti niya ngayon. Ngiting pati ang kanyang mata ay makikita mong ngitng-ngiti talaga. Kumikislap siya sa kasiyahan. Hindi ko alam pero... Ang pinuhunan ko sa pag tatayo ng matatayog na pader sa paligid ng aking puso ay nawalang halaga. Gumuho ang pader sa ngiti niya. Nawala ang lahat. Na reset ang puso. Nakalimutan ang sakit. Wala na akong pakealam. Mahal ko lang talaga siya.
Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti ako sa sarili ko. "Umuwi na tayo. Sabi ko." Kinuha niya ang payong ko at linagay niya ang kamay niya sa kabilang braso ko. Yinakap niya ako at pinayungan habang papunta kami sa sasakyan niya, at umuwi. "Salamat!" Humupa ang ulan pagkauwi namin. "Sabi mo kanina nasa bahay ka na?" "Uh.. hehe joke lang yun." Sabi ko na parang wala lang. "Joke?! Hindi magandang joke yun! Nasaktan ako..." Nagkatinginan kami. Seryoso siya. Binuksan ko ang pintoan ng sasakyan niya. "Thanks again, Gab!" Ngumiti siya. "I love you, Celestine." I love you, Gab. Kumaway na lang ako at binuksan ang gate. Hindi ko masabi sa kanya... siguro dahil talagang hindi ko dapat sabihin.
NINETYEIGHT Celestine Herrera: Bawas pogi points yun!!!
"Hindi talaga pumasok si Gab." Sabi ni Jana habang kumakain ng chippy at papunta kami sa last subject namin. Ano naman kayang nangyari dun? Di kaya nagkasakit ulit yun? Tinitigan ako ni Jana. Weird look. "Ano?" "I can sense something." "Ano?"
"Worried ka ano?" Hindi ako sumagot. Ngiting-ngiti siya at tinukso akong lalo. "Ano naman kung worried ako? Syempre worried din, kahit papanu kaibigan ko din naman yun. tsss." "Alam mo, Cel. Kung gusto mo siyang sagutin, edi sagutin mo! Hindi naman siguro yun tatagal ng ganito pag di yun seryoso." "Bakit? Bakit ko siya sasagutin? Nanliligaw ba? Di naman ah?" "Sus naman! Alam kong nagpakatanga ka noon, pero wag ka namang maging manhid ngayon!" "Hindi naman sa ganun. Kasi nga diba, nakapag desisyon na ako. Kailangan kong panindigan yun." "Hay... O sige na nga, ikaw na ang bahala. Alam ko namang gusto mo parin siya kahit nasaktan ka. La namang masama dun eh." Nagkibit-balikat ako. Totoo. Wala ngang masama dun kaso natatakot na ako. Kaya ko naman pala ng wala siya eh at ngayong gusto niyang pumasok ulit sa buhay ko, baka sa susunod na mawala ulit siya, di ko na talaga kakayanin. Ginagawa ko lang ito para ipakita sa sarili ko na kahit anong mangyari, magiging okay din ako. Sa last subject namin, wala parin si Gab. Pagkalabas ko ng classroom, nakasalubong ko si Eiji! "Cel!" Ngumiti siya. "O, Eiji." Simula nung naospital si Gab dahil sa nabugbog ni Eiji at Dexter, hindi na kami masyadong nagkikita. Nagkita kami ni Dexter at nagkausap nung hindi pa bumabalik si Gab at sabi niya makikipagbalikan daw siya kay Krizzy na ex niya. Natuwa naman ako sa desisyon niya. Humingi ulit siya ng tawad sa nagawa niya, at syempre okay na yun sa akin. Kasi siguro naman kung hindi nangyari itong lahat, hindi ko magagawa ang mga importanteng desisyon ko. "Hindi ka ba ihahatid ni Gab sa bahay niyo?" Tanong niya na para bang alam ng lahat ng tao na si Gab na talaga ang naghahatid sa akin. "Uh, wala siya ngayon." "Bakit?" "Ewan ko, di naman nag text eh."
"Ahh. Pwede bang ako ang maghatid sa`yo ngayon?" "Syempre naman! Nakakahiya nga eh. Sigurado ka?" "Oo, sinadya ko talagang hanapin ka ngayon kasi gusto kong makipag usap sa`yo." Hanggang ngayon, hindi parin ako binalitaan ni Gab kung ano na ang nangyari sa kanya. Naisipan ko ngang pumunta sa kanila mamayang gabi pag uwi ko para malaman kung napanu siya. Hindi naman kasi nag titext yung mokong kaya nagdududa tuloy ako kung may care ba talaga siya sa akin. "Mag ice cream muna tayoPumasok kami n?" Pumasok kami ni Eiji sa isang ice cream shop at nagpalipas oras, nagkwentuhan at kung anu-ano pa. "Ma mi miss ko talaga `to." Sabi niya. "Hmm?" Sabay subo ko ng stick-o na nasa ice cream ko. "Babalik na kaming Ireland next week eh. Aalis na ako ulit." Nabigla ako sa sinabi niya. All this time, akala ko dito na siya sa Pinas! "Huh? Ang bilis naman!" "Oo. Nagbakasyon lang kasi kami ni Mama dito. Kaya nga hindi ako enrolled sa skul niyo kasi sa Ireland talaga ako mag aaral." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I missed Eiji. Noon, close na close kaming dalawa. Parang magkapatid na. Pero simula nung nawala siya, nagbago ang lahat. Ngayon bumalik siya, kahit na magkaibigan parin kami at kilalang kilala ang isa't-isa marami paring nagbago. Gusto ko sanang humabol sa mga nawalang panahon pero aalis na ulit siya. "Pwede ba tayong lumabas this saturday?" Tanong niya. "Syempre naman!" "For the last time while I'm here." Ngumiti siya. "Sana di magalit si Gab." "Huh? Ba`t naman yun magagalit? Tsk." "Hindi ko na siya kakalabanin sa puso mo. Alam ko namang siya. I just want to be your best friend..." "Ano ka ba! Ba`t ba nasali si Gab dito?" "Sinagot mo na ba siya?" "Sinagot? Di naman yun nangliligaw." "Hay naku Cel, I'm starting to think you're already mastering a very useless skill... selfdeception. Well, bagay din naman kay Gab ang pahirapan! Pahirapan mo yun ah." Hindi ulit ako nag comment sa sinabi niya. *slaps her face*
Sige na! Tama na nga... este... huhu. Sige na nga, totoo. Na fifeel kong nanliligaw si Gab sa akin. Feel ko mahal niya talaga ako pero may something sa akin na dinideny kung ano yung nararamdaman ko. Hinatid ako ni Eiji sa bahay. Nabigla ako nang nakita si Gab sa labas ng gate namin, nakatayo. "Gab?" Lumabas ako sa sasakyan. Seryoso ang mukha niya at kitang-kita ko na galit siya. Kilala ko si Gab, pag ganito ang ekspresyon niya, naiirita yan. "Gab, pare, hinatid ko lang si Cel." Lumabas din si Eiji sa sasakyan. "Uh, Eiji, gusto mo pumasok muna sa bahay?" Tanong ko. "Wa`g na Cel." Ngumiti siya sakin at tumingin ulit kay Gab. "Uuwi na rin naman ako eh." "Sigurado ka?" "Oo." "Sige." Umalis din naman si Eiji. Pero si Gabriel naroon parin sa tapat ng gate namin. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko. "Oo. Saan ka galing?" "Huh? Uhm, sa skul, hinatid lang ako ni Eiji dito." "Kanina pa ako tawag ng tawag, out of coverage area." Hinanap ko ang phone ko at nakita kong lowbat ito. Pinakita ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok sa bahay namin. "Gab? Ba`t ka pumapasok sa bahay namin?" Bakit kaya!? "Nawala lang ako ng isang araw, may ibang kasama ka na agad. Kaya siguro di na ako importante sa`yo kasi nung nawala ako ng ilang linggo iba-iba yung kasama mo." Bulong niya. Narinig ko pero hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Anong sabi mo?" "Wala! Pumasok na tayo sa bahay niyo! Pag magalit ako ngayon, masisira ang diskarte ko." Dumiretso siya sa dining area at nakita ko si Nica, si Mama at Papa, at ang kanyang mama at papa na nakaupo sa parihabang dining table namin. Nagtatawanan silang apat at tumigil lang ang usapan nila nang dumating kami. "Eto na siya." Sabi ni Gab at pinaupo ako sa upuang katabi ng sa kanya. "Saan ka ba galing Cel? Dapat pala sinundo ka na lang ni Gab. Tapos di ka pa macontact." Sabi ni Papa.
"Huh? uh-" "Ah kasi po sumama siya sa isa pang manliligaw niya." Sabi ni Gab. Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Naku naku... Kaya naman pala dumiretso na talaga si Gab sa amin para siguradong seryoso." Sabi ni mama at nagtawanan silang apat. Nginitian din ako ni Nica at nag thumbs up pa. "Ano ba `tong ginagawa mo Gab?" Binulong ko kay Gab. "Di mo ba nakikita? Nanliligaw ako sa`yo! Umaakyat ako ng ligaw kaya sinabi ko sa mama at papa mo." Ngumiti siya sa akin. Nakita ko sina mama at papa na nakikipagkwentuhan ulit sa mama at papa ni Gab habang kumakain. "Para malaya na akong makakalabas pasok sa bahay niyo as your boyfriend..." Tumaas ang kilay ko. "Kung sakali lang naman. he he he." "Ahh." ANG WAIS NA GAB NA `TO! "Cel, kumain ka na! Ang sarap palang mag luto ni Gabriel! Naku." Sabi ni Mama. Luto ni Gab? "Panalong panalo na siya samin ng papa mo!" "Oo nga naman! Mas mabuti nga sanang sila ang magkatuloyan diba at least alam natin na nasa mabuting kamay ang anak natin." Sabi ng mama ni Gab. Nagtawanan ulit silang apat at nagkwentuhan ulit. Nakita ko sa harap ng table ang luto ni Gab, caldereta at adobo. Dalawa sa mga paborito ko. Grrrr! "Kumain ka na..." Tapos linagyan niya ang plato ko ng pagkain. May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman. "Ano? Susubuan pa kita?" Sabi niya na para bang tatawa na dahil sa pagkakasalubong ng mga kilay ko at masamang tingin ko sa kanya.
Kinuha niya ang kutsara at umambang susubuan ako. Binawi ko agad `to at pinandilatan siya. In fairness, masarap ang caldereta at adobo niya! Sobra! Sa sobrang sarap eh naubos ko agad yung linagay niya sa plato. Siya naman, nakangiti lang at nakatingin sa akin. Kinikilabutan tuloy ako. Totoo na ba `tong nangyayari sa akin? Malamang! Eh talagang umakyat na siya ng ligaw sa bahay niyo at nagdala pa ng pamilya para maipakitang totoo at seryoso siya! Linsyak! Di talaga ako makapaniwala! "Ano, Cel?" Nakaupo na kami sa sofa pagkatapos kumain. Magkatabi kaming dalawa habang si mama at papa nasa dining area parin at nag iinuman ng wine. "Pwede na ba akong maging boyfriend mo? Mahal na mahal kasi kita eh at hinding hindi na kita pakakawalan." Tumawa ako ng napakalakas! Hindi ko alam kung bakit basta natawa ako sa sinabi niya. Natuwa ako, hindi ako makapaniwala, at na kornihan ng sobra! HAHAHA! Bigla ba naman akong hinalikan! Natahimik tuloy ako at napatingin ako sa paligid. "Ano ka ba!" Uminit ang pisngi ko at sinapak ko siya. Siya naman ang tumatawa ngayon. "Di pa nga nagiging ta`yo, hinahalikan mo na ako! Bawas pogi points yun!!!" Sinabunutan ko ang tuwang-tuwa na si Gab. At sa huling sinabi ko, yun ang tanda na tinatanggap ko na ang panliligaw niya. Finally.
NINETYNINE Celestine Herrera: Follow the red petals.
"Cel, Date naman tayo this Saturday oh?" "Huh? Saturday..." Natigilan ako. "Hindi pwede, may lakad kami ni Eiji eh." Nawala ang ngiti sa mga labi ni Gab pagkasabi ko nun. "Saan kayo pupunta?" "Uh, sa mall lang naman eh." "Anong gagawin niyo dun?" "Uh, kain?" Nakita kong tumaas ang kilay niya. "Pasyal?" He crossed his arms. "Sine?" "SINE?" "Oo? Bakit?" Masama ang tingin niya sa akin. Masama rin ang tingin ko sa kanya! Pero wala siyang magagawa. Aalis na si Eiji at gusto kong magkasama kami bago siya umalis. Kahit halatang tutol si Gabriel, sasama parin ako. "Ano ba yan? Nanliligaw ba yan sa`yo o ano?" Tanong niya pagdating ng Saturday. Ang aga-aga nasa bahay na si Gab at ang kulit, tanong nang tanong ng kung anu-ano. "Hindi..." "Bakit may pa-date date pa kayong nalalaman?" "Hello? Di ba pwedeng lumabas ang mga magkaibigan?" Sabi ko. Nasa tapat na kami ng gate at hinihintay kong dumating si Eiji para kunin ako. "Pwede ba akong sumama?" Tanong niya. Napatawa ako sa tanong niya. "Hindi pwede!" "Bakit? Kaibigan niyo rin naman ako ah?" Masama na naman ang tingin ko sa nag pa-puppy eyes na si Gab.
Dumating naman agad si Eiji. Nakangiti siya sa tapat ng gate namin at hinihintay akong lumabas. "Eiji!" Kumaway ako at kinuha na ang bag ko para umalis. Sumunod si Gab sa akin. "Gab, see ya later?" Sabi ko pagkapasok sa sasakyan ni Eiji. "Don't worry, Gab. I'll take care of her." Sabi ni Eiji pagkasakay niya. "Siguraduhin mo lang..." Umalis din naman kami agad ni Eiji. Tiningnan ko si Gab nung papaalis na kami, akala ko hihintayin niyang mawala kami ng tuluyan sa paningin niya pero nagmadali siyang pumasok sa bahay nila eh. Napabuntonghininga ako. "Hindi mo parin sinasagot?" Tanong ni Eiji sakin. "Huh?" "Sagutin mo na yun. Mahal mo diba?" Hindi ako sumagot. Mahal nga, Eiji. Pero hindi ganun kadali ang lahat. Namasyal kami ni Eiji. At tulad ng sinabi ko kay Gab, nanood din kami ng sine, kumain, naglaro, at kung anu-ano pa. Eiji is my long time bestfriend now. Masaya ako dahil nakita ko ulit siya sa hinaba-haba ng panahon na hindi kami nagkita. "Hay! Ang saya ko!" Sabi ni Eiji. "Ako rin!" Ngiting-ngiti ako habang hawak-hawak ang teddy bear na ibinigay niya sa akin. "Pero ginugutom na ulit ako. Kain ulit tayo? Dinner?" "Sige!" Syempre, pag pagkain, hindi ako tatanggi! Linagay niya ang kamay niya sa braso ko habang papunta kami sa isang exclusibong restaurant. Sa may terrace kami pumwesto at kami lang dalawa ang naroon. Gabi na rin kaya kitangkita ko ang mga bituin sa langit. "Ang ganda dito!" "Sobra!" Dumating ang waiter dala-dala ang leather bound na menu.
Umorder kami agad kasi gutom na rin ako. Pagkaalis ng waiter, hinawakan ni Eiji ang kamay ko na nasa mesa. "I'm going to miss you." Sabi niya. "Ako rin." May narinig akong nag va-violin sa gitna ng restaurant. Pamilyar ang music pero hindi ko matandaan kung anu. Ilang sandali, naisipan naming tumayo ni Eiji at dumungaw sa labas. Nasa ikalawang palapag kasi kami ng restaurant at ang ganda ng view sa labas. Tumawa ng marahan si Eiji kahit wala naman kaming pinag uusapan. "Sigurado ako di ka makakakain ng mabuti." Tiningnan niya ako habang at ngumingiti pa. "Huh? Ba't naman? Gutom ako kaya mas marami akong kakainin!" Umiling siya. Ngayon ko lang napansin na may something sa kanya ngayon. "Oo, kaya nga kakain tayo ngayon diba?" Humarap namin ang table namin sa loob pero nakatayo parin kami doon. Para akong may malaking question mark sa mga mata pagkasabi niya nun. Anong ibig nyang sabihin? "Alam mo, kung sasagutin mo si Gab, sigurado ako wala ng makakapagpalayo pa sa inyong dalawa." "Uh," Mejo tutol ako sa sinabi niya. Ewan ko ba. Mukhang impossible. "You can't be sure of that." "Sigurado ako." May kung ano sa pagkakasabi niya na parang siguradong-sigurado siya at willing siyang makipagpustahan nun kahit kanino. "That makes me...your only bestfriend forever... because he'll be your man." Yinakap niya ako ng mahigpit. I embraced him. May biglang umubo sa paligid kaya napatingin ako sa umubo. "Ang galing mo rin naman talaga Eiji, ano? Sinasabi ko na nga ba! Diba sabi ko dumiretso ka na! Buti na lang sinundan ko-" "Gab! Shut up! Okay, chill!?"
Halos matawa si Eiji nang biglang nagsalita si Gab ng walang preno. "Anong chill?!" Pulang-pula ang pisngi ni Gab habang papalapit sa amin. "Gab? Ba't nandito ka?" Napatingin ako sa kagwapuhan niya ngayong gabi. Bakit iba siya ngayon? Kahit mainit ang ulo niya nang nakita ko siyang bigla sa hindi inaasahang lugar, bakit may kung ano sa kanya ngayong gabi? What's the occasion? Bihis na bihis kasi ang mokong. "B-bihis na bihis ka ah? Uh, are you stalking us?" Tanong ko. Tumawa ng napakalakas si Eiji habang masama parin ang tingin ni Gab sa kanya. "Chill! Hindi ko inaagaw si Cel sa`yo. I was embracing her because I'm saying goodbye!" ?? "Cel, umupo ka muna dito." Umupo din naman ako dun sa table namin. Pinagmasdan ko silang lumayo sakin at parang may pinag usapan. Sigurado ako! Kanina pa sunod nang sunod si Gab sa amin ni Eiji! Kaya pala may kakaiba akong nafi-feel! Kaya pala hindi niya hinintay na mawala kami sa paningin niya kanina kasi sinundan niya kami! Ang mokong na yun?! Seloso! Napaka paranoid talaga! Napangiti ako nang naalala ko ang kagwapuhan niya ngayong gabi. At ang gwapong yun, he's drawn to me. :) Nagtatalo parin sila sa malayo. Gusto ko sanang lumapit kasi natatakot akong mag away ulit ang dalawa o baka magsuntukan dito. Ilang sandali, umalis si Gab at bumalik si Eiji sa table namin nang naserve na ang pagkain. A part of me broke when he went out the resto. Parang na disappoint? Bakit? "Anong sabi ni Gab?" Tanong ko. "Wala naman." Ngumiti si Eiji habang umiiling at tumitingin sa pagkain. "Wala?" I was confused. There's really something here.
"Kumain na tayo?" Kumain na rin ako ng tahimik. Kalahati sa utak ko nag-iisip sa nangyari at sa nakakapagtakang sagot ni Eiji at kalahati nito iniisip ang pagkain. "You still think something can tear Gab and you apart?" Bigla niyang tinanong sakin yun. "Mejo." Naisip ko agad ang pinsan kong si Gianna. "Ano naman kaya ang makakapagpalayo sa inyo?" Tumingin si Eiji sa paligid. "O sino?" Napabuntong hininga ako. "His ex?" Ngumiti siya at tumango. "Let's see about that." Pagkatapos naming kumain, yinaya niya akong umuwi na. Patingin tingin parin ako sa paligid kasi umaasa akong nandun lang si Gab. "You think yung ex lang ni Gab ang pwedeng makakasira sa inyo? What if someone comes along. For you. Someone better. Someone who loves you more. And someone, you'll love more." Tumindig ang balahibo ko pagkasabi ni Eiji nun. "I can't imagine myself falling in love for someone else." Tumango siya. "Si Gab na ang mahal ko, as far as I can remember. And I don't think it'll ever change in time." Pinaandar niya ang sasakyan pagkatapos kong sabihin yun. At first, pauwi na talaga yung dinadaanan namin. Pero ilang sandali ang nakalipas, hindi na. Parang papunta kami Somewhere. Tumigil siya sa harap ng isang mas exklusibong restaurant na overlooking pa ang buong syudad. Pinagbuksan ako ni Eiji ng pintuan. "Ba't nandito tayo? Tapos na tayong kumain ah?" Nakangiti siyang nakatingin sa clueless kong mukha. "Ibang klase talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa mga egoistic at selfish na mga tao." Umiling siya. I was like, 'huh?' Kanina pa `tong si Eiji ah? May kung anong hindi ko talaga alam.
May binigay siya sa aking sulat with a heart sticker. Binuksan ko agad. "Follow the red petals." Ang nakasabi. Tumingin ako sa stairs at nakita ko ang mga red petals ng roses sa bawat palapag papunta sa loob ng restaurant. Suddenly, my heart was beating so fast. I know this! But I'm not sure! Ayokong mag assume! Tumingin ako kay Eiji at linahad niya ang kamay niya sa harap ng stairs. "Follow your heart." He smiled.
ONEHUNDRED Celestine Herrera: Sinagot ko na siya!
Tinahak ang ang daanang puno ng rose petals. Habang naglalakad ako, kinakabahan ako. Sa loob ng restaurant, kandila lang ang ilaw. Hindi ko mabilang kung ilang kandila ang naroon. Bawat table, may tig tatatlong kandila. Scented candles to be exact. May mga bulaklak din sa bawat mesa at sa dinadaanan ko. Madilim pero I can sense a bunch of people around. I'm not sure if I know them, but I can sense them. I can see their shadows. Alam ko. Hindi na ako pwedeng mag maang maangan! This is Gab's doings! Siya ang may pakana ng lahat ng `to! Kaya bihis na bihis siya kanina at ngayon ko lang nakuha ang ibig sabihin ng narinig kong pinag usapan nina Eiji kanina! I knew it! Napangiti ako habang ini-enjoy ang bawat kandila. May nakita akong table sa harap ko. May isang malaking kandila na pinalibutan ng red roses. Halatang pinagplanuhang mabuti ang lahat. Sa venue, sa mga bulaklak, sa mga kandila, ang lahat!--pinagplanuhang mabuti.
Naaninaw ko ang mukha ni Gab, as handsome as ever! Nakangiti siya. Kuminang ang ngiti niya dahil sa mga kandila sa paligid. Napangiti ako. I really think this is absurd... hahaha ang cheesy. Pero... God! I can't believe this! Yung nandoon nga kami sa gazebo, akala ko panaginip lang yun! Eh eto pa kaya! This is more than everything! How could I hate this guy?! I would never be able to hate his red lips, painfully striking smile, tantalizing eyes, his whole being. From the very start, I knew I was meant for him as he was for me. But what did keep us from being together? May unti-unti akong narinig na music sa paligid. Sigurado ako, someone was playing that music live. Somewhere in this dark room. Pero ayokong tumingin sa paligid, gusto ko lang tumingin sa kanyang mga mata. Pamilyar ang music. Isang pinoy band ang kumanta nito. Gusto ko nga ang tugtog na `to, pero ngayon mas lalo ko siyang nagustuhan. Pag pinapatugtog ito, lagi kong iniisip na may kasayaw ako habang ipinapatugtog ito, at buong buhay ko, isang tao lang ang gustong makasayaw ko sa tugtog na `to. Linahad niya ang kamay niya sa harap ko. Ibinigay ko naman ang kamay ko sa kanya. It was like entrusting my heart, fully, to him. With no doubts. With no hesitations. It was what I was waiting for all my life. Fearlessly entrusting my new heart to my old love. *Ikaw na ang may sabi, na akoy mahal mo rin.* He wrapped his arms around my waist as I wrapped mine around his neck. "Gotcha!" He winked. *At sinabi mo, ang pag-ibig moy di mag babago...* Napangiti ako. Hindi ko kailan man naisip na mangyayari ang sandaling ito. Mas lalo akong napapangiti dahil kaharap ko siya.
"Hindi ko alam gusto mo yung kantang yan." Sabi ko. *Na ako'y sayo, at ikay akin lamang...* "Mmmm. Inisip ko yang mabuti. It means something like eternal love." "Eternal love?" halos matawa ako sa sinabi niya. Oh Gab! Eternal love! Sana nga!!! Kasi ako? Ilang years na `to... at kahit kailan hindi nabawasan. Nasaktan man ako, pero wala pa rin! Mahal na mahal kita at bahala na! "Sorry. Nasaktan kita. Maraming beses na diba? Simula nung una kitang sinayaw? Sorry. I'm so afraid of losing you. Sa tuwing nakikita kita as more than a friend noon, lagi kong pinipigilan ang sarili ko. At nung sinabi mong mahal mo rin ako, I don't want to believe. We were too young to be inlove. At alam kong mas magiging mahirap ang lahat kung imbes na maging magkaibigan lang tayo eh magiging mas higit pa ang turing natin sa isa't-isa. I'm so, so sorry. I left you alone that time. Masyado akong ma pride para maisipan pang ayaw pala kitang mawala. At nung bumalik ako, mas lalo pa kitang nasaktan. I didn't know how can you still stay by my side. I didn't know how you got here. I didn't know how you still ended up dancing with me right now. Kahit na sa simpleng mga pagseselos ko at galit ko naiiwan kita, pero ikaw, kahit ang sakit sakit na, nandyan ka parin. And I want you to stay the same forever. I want you to be beside me forever. Because from now on, I will, too." May mga luhang nagbabantang bumuhos sa kanyang mata. Pero wala lang yun sa mga luhang bumuhos na sa pisngi ko. Tears of joy. He was holding back his tears. And I wasn't able to hold mine. "I can't promise you I won't hurt you..." Nagflashback sa akin ang unang beses na na isayaw ko siya. Nung highschool. Prom night noon at malinaw pa sa akin ang sinabi niyang bumasag sa puso ko. That was my first broken heart from my first love. And here I am again, trying to risk everything, all the new things inside me for that same person. For my first, only, and true love. Hindi siya dumiretso sa akin. Ang dami niya pang fantasies kung kanikanino noon. He even fell for my cousin and it was heartbreaking. Hindi ko talaga alam kung bakit may gana pang mag mahal ang puso ko. At hanggang ngayon siya parin, wala ng iba. Right now, he's here in front of me asking for my heart. He didn't know that my heart had always been with him all this time.
Hindi ko man sabihin sa kanya, pero kahit hindi ko na pinaramdam sa kanyang mahal ko siya this past few weeks, mahal ko parin siya. Siya parin at siya lang ang may kakayahang basagin ang puso ko. At siya lang rin ang makakabuo nito. Oo, I know my worth. I know that I deserve someone who can't hurt me. Not him. He's telling me that he might hurt me, right? "But I will never give you up. I will never let you slip away. I will never let you go. Ever. Again." Yinakap niya ako. But its up for me to decide who's worth it. It's all up to me. Kung hindi ako magtitiwala sa kanya ngayon, kanino pa ako magtitiwala? Kung hindi siya ang mamahalin ko? Sino? Wala ng iba. Kasi hindi mo mapipilit ang puso mo kung sino ang gusto mong mahalin niya. It was inevitable. We we're friends. Bestfriends. Greatest enemies. Strangers, even. Just That most of the time. But right now, he's asking me to love him. To be even more of Just That. Alam ko kung anong magiging sagot ko. Natapos ang kanta. At biglang dumilim. Nawala ang kokonting ilaw galing sa mga kandila. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. No! Don't Gab! I want you to embrace me forever! Pero bago ko pa yun naisip, umilaw sa buong lugar. Pero hindi parin full lights! The lights were still dim. May mapuputing series lights sa paligid. Kung titingnan mo sa malayo, parang waterfalls ang mga ito. It also reminded me of the 'stars'. Nung sinabi niya noong si Gianna ang Sun ng buhay niya at ako ang stars. Gianna was there in every bright day, and stars were left on the darkest hours. Sa umaga, may mga stars, pero hindi nakikita dahil masyadong maliwanag ang araw. Hindi din naman ganun ka liwanag ang stars sa gabi, pero tinutupad nila ang mga hiling mo. I saw Gab kneeling in front of me.
There was a ring! RING! SINGSING! "Will you be my girlfriend?" Ngumiti siya. His brightest smile ever. Nakita ko ang mga hindi inaasahang tao sa likod ni Gab. Jude Torres was holding the letter S. Cid Lacson was holding the letter A. Jana Soriano was holding the letter Y. Stacey Enriquez was holding the letter Y. Dexter Salvador was holding the letter E. And Gianna, she was holding the last letter, S. S-A-Y Y-E-S Lahat sila ngiting-ngiti sa akin. Ako naman, napanganga. Tumango ako habang lumalandas ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko masabi ang 'oo'! Buti na lang at naramdaman niya ang panginginig ng kamay ko. Sinuot ni Gab ang singsing sa akin. Kahit na 'Will you be my girlfriend?' ang sinabi niya, feeling ko pakakasalan niya na ako sa ginagawa niya. Then he hugged me. Everyone was clapping. Nakita ko rin si Eiji sa tabi ni Dexter ng naka palakpak. Nandun din si Krizzy, at iba pang mga kaklase namin! Ang saya saya ko! Sobrang saya! MASAYANG MASAYA! Hinaplos niya ang pisngi ko. "I love you so much!" Sabi niya. "I love you, more!" Hahalikan na sana ako ni Gab nang.... "Ehe-ehem!" Napatingin kaming lahat sa bumasag sa palakpakan.
Pumapalakpak din siya sa tabi habang kumakain ng apple. Kinuha niya yata sa isang table na mukhang may buffet na mga pagkain. Pinaghandaan talaga yata ni Gabriel ito. "Bakit hindi ako inimbitahan dito?" Nakangisi si Kuya Sky habang kumakain ng apple. "Kuya? Kelan ka lang umuwi?" Si Kuya kasi nasa Med school, at nitong nakaraang linggo hindi siya umuuwi dahil sa tindi ng schedule niya. At ngayon, nandito siya? Hindi ko masisisi kung di siya inimbita ni Gab, kasi naman nung 'namanhikan' si Gab, wala si kuya sa bahay. "Nung narinig kong nanliligaw daw si Gab." "Bakit Sky? Di ba pwede?!" Nabigla ako nang biglang sumabat si Gab. Halatang tense siya. Mas tense pa nung hinarap niya sina mama at papa. "Sinagot ko na siya!" Sabi ko kay Kuya. Behlat! "You didn't say yes!" Nakangisi parin siya. Hinawakan ko ang kamay ni Gab. "Kuya Sky! Wa`g ka ngang epal!" Sigaw ni Gianna. "Oo nga! Hayaan mo na nga sila!" Dagdag ni Jana. Umiling si Kuya habang linalapitan si Gab. Nag high five silang dalawa at tinapik niya ang balikat ni Gab. "You haven't won yet, Gab." Ngumiti siya. "Do you love her?" "I love her." Buo ang pagkakasabi ni Gab nun. Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kanyang kamay. Nagkibit-balikat si kuya Sky, "I guess I have no choice. You take care of her." Nagtawanan ang lahat at nagpalakpakan muli. Feeling ko tuloy ikakasal na kami ni Gab sometime soon. Pero ayoko ng isipin yun, ang importante ngayon. Mahal na namin ang isa't-isa.
ENDING Celestine Herrera
"Panahon na yata na malaman mong kahit kailan, hindi kita magugustuhan! Sa masahol mong ugali? Wala nang magkakagusto sa`yo!Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa mga babaeng nagkakandarapa sa`yo! Dahil ang totoo, wala ka namang laman kundi yung puro yabang mo sa katawan!" "Ganun ba?Bakit? Sa tingin mo ba ang ganda-ganda mo rin para magustuhan ka ng kung sinu-sino diyan? Kala mo rin ba ang bait-bait mo? HAH! Magkalimutan na lang tayo!" Hindi ko alam na hanggang ngayon, memorize parin ni Gab ang sinabi ko sa kanya nung highschool pa kami. Nabigla din siguro siya ng sinabi ko ng walang labis at walang kulang ang sagot niya sa sinabi ko. Pero ang mas nakakabigla... Naisaulo lahat yan ni Kuya Sky at sinabi niyang hindi niya kailanman makakalimutan ang mga sinabi namin sa isa't-isa. *thunderclaps!* Halos tumindig ang lahat ng balahibo ko sa lakas ng kulog na narinig ko. Nagmadali akong mag hanap ng payong habang suotsuot ang jacket ko. Pagkagising ko, masama na ang panahon. Umalis agad ako ng bahay para puntahan si Gabriel at Kuya sa basketball court kung saan sila dati'y nagsuntukan dahil sa akin. Tumakbo ako kahit halos di ko na mahabol ang hininga ko. Hindi pa naman umuulan pero ang dilim dilim na ng langit. "Kuya!!! Gab!!! Tigilan niyo na yan!!!" Sigaw ko nang naaninaw ko ang court. Silang dalawa. Nagbabasketball. One-on-one. Pawis na pawis.
"Tumigil ka Cel! Wa`g kang makealam dito!" Sigaw ni Kuya. Nakatayo lang ako sa gutter. Habang tinitingnan si Gab na mejo nahihirapan sa pagshoot ng bola dahil sa depensa ni Kuya. Nahihirapan din siyang dumipensa dahil sa galing ni Kuya sa pagbabasketball. "Kuya! Uulan! Tama na nga yan!" Sabi niya kasi, hindi siya papayag na magiging kami ni Gab. Naaangasan siya at ayaw niyang manalo ito sa kahit anong laban. "Mananalo ako, Cel! Wa`g kang mag alala!" Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Masakit lang talaga ang puso ko. Parang may pumipigil sa paghinga ko pero ang saya-saya ko! "Kuya, wala ka ng magagawa." Nakashoot si Gab ng tatlong beses. Naka shoot si Kuya ng lima. Pawis na pawis na silang dalawa. Parehong magagaling. Nagsimula ng umulan. "Kuya! Magkakasakit kayo!" Wala akong narinig na kahit ano galing sa kanilang dalawa. "SH*T~!" Sigaw ni Kuya ng nakawala si Gab at nakashoot. Napapalakpak ako. Kaya tumingin si Kuya sakin habang humihingal. Pero nabawi niya naman agad `to ng naka shoot siya ng tatlong beses ulit. Binuksan ko na ang payong ko dahil nakakabasa na ang ulan. Nag-aalala ako. Baka magkasakit ulit si Gab. "Tama na!" Sigaw ko. "Umuwi ka na dun!" Sigaw ni Kuya. Basang basa na silang dalawa. Alam kong konti lang ang chansa na manalo si Gab. Si Kuya ang isa sa pinaka magaling na player dito kaya imposible. "Sky, mahal ko si Cel! Bakit kailangan mo pang balikan ang nakaraan?"
"Alam ko." Nag dunk si Kuya. PATAY! Matatalo si Gab nito! Buti naka shoot siya ng tatlo ulit. "Hindi ko lang matanggap na mahal ka niya." Na kay Gab ang bola habang nasa depensa si Kuya. Na i-lay-up ni Gabriel dahil tumigil si Kuya sa depensa niya. Tumakbo ako papunta sa kanilang dalawa dahil alam ko it's cease fire. :) Yinakap ko si Kuya kahit basang-basa siya sa ulan. Kumalas na rin ako kasi nahihirapan ako sa pagyakap dahil sa payong na dala ko. He tapped Gab's shoulders. "Pag nagkasakit yan, lagot ka sakin." Sabi ni Kuya kay Gab then he walked away. "Wa'g kang mag-alala, Sky. Magkasakit na ako wa'g lang siya." Natawa ako sa sinabi niya. HAHAHAHA! "EWW! Ang korni mo naman!" Sabi ko. Umalis na ng tuluyan si Kuya. "Lika na! Umuwi na tayo! Magkakasakit ka na naman." Sabi ko habang hinihila siya. Pero ang tigas niya, di ko mahila. Ako ang hinila niya papalapit sa kanya. Pinulupot niya ang braso niya sa balikat ko. That smirk. That---smile! Nakakainis! Alam ko! Nanghihina ako sa tuwing ngumingiti siya, sa tuwing tinitingnan niya ako ng tagos sa puso, sa tuwing ganito siya kalapit. He's my weakness and my strength. "Gab, mahal na mahal kita." Bigla kong nasabi habang nagtititigan kaming dalawa. Nguminti siya lalo.
Nakita ko na siyang nabasa sa ulan, maraming beses na. Pero mas gwapo siya ngayon. Dahil nakangiti siya sakin at dahil kumikislap ang mga mata niya. He put his hand under my skin and he kissed me. Matamis at marahan ang halik niya. Then the next moment, he was smiling at me. His sweetest and most striking smile. "Na inlove na ako noon, pero hindi kailanman naging ganito ka lakas ang naramdaman ko." Napangiti ang puso ko. Linagay niya ang kamayu niya sa pisngi ko. "I love you, more."
View more...
Comments