Si Rizal ang Dakilang Manunulat Ipinasa ni: Justine John San Felipe
Ipapasa kay: G. Dave Calpito
B13
Pluma: Si Rizal ang Dakilang Manunulat Ang Pluma ay isang docudrama na ginawa sa pagalala sa ating pambansang bayani Ito ay iniulat ni Howie Severino na isang magaling na manghahayag sa telebisyon at publiko. Si Rocco Nacino ang nagsabuhay ng buhay ni Rizal, kasama ang kanyang kakaibang abilidad at gawain. Ang Pluma ay isang makasaysayang dokumentaryo na pinapakita ang bawat kabanta sa buhay ni Rizal mula nang siya ay ilabas sa mundong ito hanggang sa kanyang huling hininga.
Siya si Jose Rizal. Si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o si “Pepe” ay isinilang sa Calamba, Laguna. Pang-pito sa labing-isang magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado de Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda de Quintos. Sa sarili niyang pluma isinulat niya ang kanyang “Memorias de un Estudyante de Manila” o ang “Memoirs of his Childhood”. Si Rizal ay nahilig sa paghuhulma ng putik, pagpinta at pagukit ngunit at pagsusulat ang pinaka humubog ng kanyang galing. Ang kanyang naging kauna-unahang guro ay ang kanyang ina si Teodora Alonzo. Unang tinuro sa kanya ay dasal, gabay sa buhay, paano maging isang mabuting mamamayan at kapatid. Naisulat niya ang tanyag na tulang “Sa Aking mga Kabata” kung saan unang nabanggit ang “ang taong hindi marunong mag mahal sa kanyang salita ay daig pa ang hayop at malansang isda…” Isa siyang matalinong bata, kapansin-pansin rin na sa mura niyang edad nakatungtong na siya sa kolehiyo at siya ay tumanggap nan g iba’tibang parangal.
Si Pepe bilang isang bayani at dakilang manunulat. Sa panahon na nasa ilalim tayo ng pamamalakad ng mga kastila si Rizal ay untiunting kumikilos upang makamit natin ang kalayaang ating minimithi sa pamamagitan ng pluma at papel. Ang kanyang mga nobelang “El Filibusterismo” at “Noli Me Tangere” ang naging daan upang kumilos ang bawat Pilipinong inaalipin at inaalipusta ng mga mapagsamantalang mga kastila at prayle noon. Nagsilbing “eye opener” ang kanyang nobela sa bawat isa naging daan upang maisakatuparan at mabawi ang kalayaang kinuha sa atin. Hindi lamang siya isang dakilang manunulat, siya rin ay isang bayani na kahit hindi niya dinaan sa dahas ang laban, ginamit niya ang pagsusulat upang maging matagumpay.
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.