John Panitikan Ng Rehiyon III

November 3, 2018 | Author: Rafael Bornales II | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download John Panitikan Ng Rehiyon III...

Description

PANITIKAN NG REHIYON III Tulad ng ibang mga rehiyon, ang Rehiyon II ay may maipagmamalaki ring mga panitikan sa iba’t inang kaanyuan tulad ng karunungang bayan, mga awiting bayan, alamat, maikling kuwento, at iba pa. Mga Karuungang Bayan Bugtong Mataas kung nakaupo Mababa kung nakatayo

Sagot: aso

Ako’y o’y may isang katotong irog Saanman paro’y kasunod-sunod Mapatubig ay di nalulunod Mapaapoy ay di nasusunog

Sagot: anino

Salawikain at Kawikaan Ang sakit ng kalingkingan, Damdam ng buong katawan Ang taong nagigipit, Sa patalim kumakapit. Panunudyo Bata batuta Isang bao ang muta. Tiririt ng Maya, Tiririt ng ibon, Ibig mag – asawa Walang ipalamon. Ating Cu Pung Singsing (Pampanga) Atin cu pung singsing Metong yang timopucan Amana que iti, Ong indung ibatan; Sangcan queng sininup Ong metong acaban, Mewala ya iti, Ecu camalayan

King sukal ning lub ku, Sumukdul king banwa Pikurus kuing gamat, Babo ning lamesa;  Ninu mang manakit, King singsing kung mana, Kalulung pusu cu, Maging ya keca.

Alamat ANG ALAMAT NG BUNDOK NG PINATUBO (Zambales)

May isang bundok sa Sambales na ang pangalan ay Pinatubo. Siyang lalong mataas sa mga bundok doon. Ang dakong yaon ay isang nayon daw noong araw, a rang pangalan ay Pina. Ang mga tao sa pook ng Pina ay parang magkakapatid. Sila’y mababait. Ang mga tagaroon mga taong tahimik at nananahang tiwasay. Sumapit ang panahon na napunta roon ang isang nangangalang Tulyok. Ang tikas ni Tulyok ay mandirigma, at isang araw ay itinapon niya ang lahat niyang kampon at kanilang sasalakayin at saakupin ang mga kalapit nayon. Sinunod siya ng kanyang mga kampon at mula noon ay sinimulan nila ang pananalakay. Sinalakay nila ang mga liping tahimik na nanunog nga mga bahay at nang agaw ng mga babae. Mula ng mamuno si Tulyok ang mga taga Pina ay nagging mababagsik, manggagahasa at mga mapanganib. Si Tulyok ay may isang anak na lalaki na nangangalang Pinatubo. Sila’y makisig, matapang at mandirigma. Dinayo niya isang araw ang isang liping pinamumunuan ni Panday upang salakayin. Nang sumapit sila sa isang dakong malapit sa pook ni Panday ay may nasalubong silang isang magandang dalaga. Sinabi ni Pinatibo sa kanyang mga kampo na magpatuloy sila sa paglalakad at siya’y susunod na lamang. Samantala’y nakipagkilala siya sa magandang dalaga, sapagka’t naibigan niya ito.  Nabalitaan ni Tulyok na ang anak niya ay sasalakay sa pook nina Panday, at kanyang inihanda ang mga kampon upang suklolo. Hindi nga nagluwat at ang dalawang huykbo ay nasugapa. Kaginsa-ginsa ay may nakita si Tulyok na nakabulagta sa gitna ng labanan.  Nang kanyang lapitan ay nakilala niyang yaon ang bangkay ni Pinatubo na kanyang anak. Si Tulyok ay nagulumihan at napasigaw, tuloy napatigil ang labanan. Sa gayon ang dalawang liping yaon na magkalaban ay kapwa nag – isip ng mabuti pa’y sila magkasundo at mag – ibigan kaysa maglabanan at magpatayan.

Pagkatapos ng labanan ay tumaas nand tumaas ang dakong yaong kinasumpungan sa bangkay ni Pinatubo. Ang dakong yaon na tumaas ay nagging bundok, at upang alalahanin si Pinatubo ay siyang ipinangalan sa nabanggit na bundok na kilala ngayon sa  pamagat na “Bundok Pinatubo.” (Ramos 14)

Mga Manunulat ng Rehiyon III Ilan sa mga haligi ng Panitikang Pilipino ay nagmula sa Rehiyon III. Mababanggit ang ilan sa kanila: Anicelo dela Merced, Cirip H. Panganiban, Valeriano Hernandez Peña, Marcelo H. del Pilar, Virgilio S. Almario at ang Ama ng Panulaang Tagalog na si Francisco Balagtas.

Aniceto dela Merced Si padre Aniceto dela Merced ay isinilang sa Baliwang Bulacan. Isa siya sa mga unang sumulat ng Pasyon. Ang kanyang Pasyon na nasulat noong 1856 – 1858 ay may  pamagat na Pasyon de Nuestra Jesucristo. Kinakitaan ng kahusayan ng mga saknong at kadalisayan sa paggamit ng mga pananalita king kaya ipinalalagay na pinaka pampanitikan ito sa mga pasyong unang nasulat. Itinuturing ang Pasyon ni Padre Aniceto dela Merced na “Landmark of Tagalog Poetry”.

Cirio H. Panganiban (1896-1955) Maituturing na tunay at matibay na haligi ng Panitikang Pilipino sapagkat hindi lamang siya isang makata. Isa rin siyang mandudula, kwentista,mambabalarila at isang guro ng wika at panitikan. Isa sya sa mga nagging Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay kilala rin bilang Komisyon ng mga Wika sa Pilipinas. Nakasulat siya ng isang aklat pambalarila na ang pamagat ay Sariling Wika. Nakapag – ambag siya sa panulaang Pilipino ng isang katipan ng kanyang mga tulang nasulat na ipinalathala sa  pagsisikap ni Teodoro E. Gener nang mamatay si Cirio H. Panganiban. Ang aklat ay  pinamagatang Salamisim.  Nakilala si Panganiban bilang kwentista dahil sa kanyang kwentong Bunga ng Kasalanan na itinuturing na nagging palatandaan na nauunawaan na ng mga manunulat na Pilipino ang tunay na maikling kwento nang mailathala ito sa Taliba noong taong 1920. Sa larangan ng dula ay nakilala siya nang itanghal ang kanyang iisahing yugtong dula sa dulaang Zorilla, ang Veronidia. Gumanap ng mga pangunahing papel sa dula sina Jose Corazon de Jesus at Atang dela Rama. Ayon sa mga kritiko, ang Veronidia ay nagpasiglang muli sa dulang Tagalog. Ang “Sa kabukiran” ay isang dulanng – awit na sinulat din ni Panganiban.

Sa dulang Veronidia ginamit niya ang sagisag ni Crispin Pinagpala.

Valeriano Hernandez Peña (1858-1922) Kumita ng unang liwanag si Valeriano H. Peña sa San Jose, Bulacan noong Disyembre 12, 1858. Mula siya sa isang mahirap na pamilya, bunsong anak siya ng isang  platero. Una niyang natutunan ang alpabeto (kartilya) sa isang kapitbahay at natutong  bumasa at sumulat sa gulang na sampung taon. Naging manunulat siya ng pahayagang Muling Pagsilang. Sa kanyang pagsusulat ay ginamit niya an g sagisang na “Kinting Kulirat” sa kanyang kolum na “Buhay Maynila”. Marcelo del Pilar (1850-1896) Kinilalang mamahayag ng kanyang panahon dahil sa pagkakatagtag niya sa Diariong Tagalog noong 1892, at pagkakapamatnugot niya sa pahayagang La Solidaridad, nagging epektibong tagapamansag g kilusang propaganda noong panahon ng mga Kastila. Isang abogado si Del Pilar na nakilala sa sagisag na Plaridel. Mahayap at mapanudyo ang kanyang mga akdang tumuligsa sa mfa prayle na sa kanyang paniniwala aty siyang dahilan ng paghihirap ng bansang Pilipinas. Mula sa kanyang panulat ang “Dasalan at Tocsohan” na itinuring na isang klasikong pagpapatawa sapagkat paggagad sa mga pangungahing dasal para tudyuhin ang mga prayle; ang “Caiigat Cayo”, isang mapanudyong pagtuligsa sa akda ni Fr. Jose Rodriguez na ang pamagat ay “Caiingat Cayo” na bumabatikos sa Noli Me Tangere ni Rizal na ang “Sagot ng España na “Hibik  ng Pilipinas sa Ynang España”, isang tulang sinulat ng kanyang guro na si Herminigildo Flores. Sinalin niya sa Tagalog ang tula ni Rizal na “Amor Patrio” at binigyan ng  pamagat na “Pag – ibig sa Tinubuang Lupa\’. Ang “Pasiong Dapat Ipag – alab ng Puso ng Tanong Babasa”, isang tulang laban sa mga prayle ay sinulat din niya. Ang “

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF