IYCF Counselling Card - FINAL - Dec 3 PDF

October 12, 2022 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download IYCF Counselling Card - FINAL - Dec 3 PDF...

Description

Gabay sa Pagpapasuso at Pagpapakain ng Sanggol at Bata

(Infant and Young Child Feeding)

1

IYCF counselling card_december3.indd 1

12/3/2015 3:53:26 PM

IYCF counselling card_december3.indd 2

12/3/2015 3:53:26 PM

This material is an adaptation of the original version produced by UNICEF New York and University Research Co., LLC (URC/CHS)  Any part of this publication may be printed, reproduced, and adapted for local needs, needs, with proper acknowledgment. acknowledgment. Copyright 2012 Department of Health, San Lazaro Compound, Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila, Philippines National Nutrition Council, 2332 Chino Roces Avenue Extension, Taguig City, Philippines United Nations Children’s Fund, 31/F Yuchengco Tower RCBC Plaza, 6819 Ayala Ave., Makati City, Philippines Produced Spain through MDG-F 2030: Producedwith withassistance assistancefrom fromthe theEuropean EuropeanUnion Unionand andGovernment MDGF-2030 of joint programme for nutrition Ensuring Food Security and Nutrition for Children 0-24 Months in the Philippines.

3

IYCF counselling card_december3.indd 3

12/3/2015 3:53:26 PM

4

IYCF counselling card december3.indd 4

12/3/2015 3:53:26 PM

IYCF counselling card_december3.indd 4

12/3/2015 3:53:26 PM

Gabay sa Tamang Pagpapayo Ang mga tarheta (counselling cards) na ito ay ginawa upang gabayan kayo sa pagpapayo ng mga ina at tagapag-alaga ng bata ukol sa wastong pagpapasuso at pagpapakain sa mga sanggol at maliliit na bata. Mahalaga ang mga kasanayang ito upang matagumpay ang pagpapayo. Pakikinig at pakikitungo sa pinapayuhan: • Sabayan ang pagsasalita ng kumpas   o galaw upang higit kang maintindihan. • Tiyaking magkalebel ang pagkakaupo ninyo ng iyong pinapayuhan. • Bigyang pansin ang mga sinasabi ng kausap. • Iwasang magkaroon ng mga bagay sa   pagitan ninyo. • Maglaan ng sapat na oras. • Hawakan ang pinapayuhan kung nararapat lamang. • Gumamit ng mga tanong na di lamang   nasasagot ng “oo” o “hindi”. • Ipakitang interesado ka sa iyong kausap. • Balikan ang mga sinabi ng kausap bilang gabay sa pagpapatuloy ng talakayan. • Iwasang gumamit ng mga salitang   mapanghusga. Pagsuporta at pagpapalakas ng loob 1. Bukas loob na tanggapin ang mga pananaw at saloobin ng kausap. Hayaang ihayag niya ang mga ito bago iwasto ang mga maaaring maling ideya o kaalaman niya. 2. Makinig nang mabuti sa mga agam-agam niya. 3. Purihin ang mga wastong ginagawa niya. niya. 4. Magbigay ng praktikal na payo. 5. Magbigay ng mga detalye nang paunti-unti at hindi sa bay-sabay bay-sabay.. 6. Gumamit ng mga salitang naiintindihan naiintindihan niya. 7. Magbigay ng isa isa o dalawang mungkahi at   hindi pautos.

5

 

Tatlong Hakbang sa Pagpapayo 1. Alamin: magtanong, makinig, magmasid  • Batiin ang papayuhan sa pamamagitan ng paggamit ng magigiliw na pananalita o galaw. • Magbigay ng mga paunang tanong na   maghihikayat sa kanya na magsalita. • Makinig sa kanyang mga sinasabi.   Magmasid. Alamin ang paraan ng   pagpapasuso o pagpapakain na angkop sa edad ng sanggol o bata at ang kondisyon nito, maging ng kanyang ina. 2. Suriin: kilalanin kilalanin ang problema;   kung higit sa isa, bunuin mula sa   pinakamabigat  • Tiyakin kung ang pagpapasuso o   pagpapakain sa sanggol o bata ay   naaangkop sa edad nito; tiyakin din kung ang kalusugan ng sanggol o bata at ina o tagapag-alaga ay mabuti. • Kung walang problema, purihin ang ina o tagapag-alaga; ituon ang pansin sa mga kaalamang magagamit niya sa •

susunod na yugto ng paglaki ng bata. Kung mayroong isa o higit pang problema ukol sa pagpapakain o sa

kalusugan ng bata o ina (o tagapagalaga), bigyang prayoridad ang higit na   mabigat na problema. • Sagutin ang anumang tanong. 3. Kumilos: pag-usapan, magbigay ng ilang naaangkop na mungkahi, magkasundo sa mga kakayaning gawin • Batay sa inyong pag-uusap, piliin ang   ilang naaangkop na impormasyon na   maaring ipamahagi sa kanya. • Piliin din ang naaangkop na tarheta para sa pagpapaliwanag. • Purihin siya sa mga wastong ginagawa niya. • Magmungkahi ng mga bagay na madaling gawin upang lutasin ang problema.   Ipaalam kung kailan dapat gawin ang   mga ito, halimbawa, sa mga susunod na araw, o (ilang) linggo. • Gabayan siya sa pagpili ng nais at kaya niyang gawin upang malutas ang problema. • Imungkahi kung saan pa maaaring makahanap ng karagdagang gabay o impormasyon. Ituro siya sa

  •   •

pinakamalapit na klinik, center o ospital kung naaayon. Hikayatin din siyang sumali sa mga seminar o dumulog sa mga support group ukol sa usaping ito sa kanilang komunidad. Tiyaking alam niya kung paano makipag-ugnayan sa mga health volunteer o worker sa kanilang komunidad. Pasalamatan ang pinapayuhan sa panahong inilaan sa pagdulog sa inyo. Magkasundo kung kailan kayo muling

 

magkikita, kung kinakailangan.

      •

IYCF counselling card_december3.indd 5

12/3/2015 3:53:27 PM

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF