Homogeneous Na Kalikasan Ng Wika

September 3, 2017 | Author: Erold Tarvina | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

FILIPINO...

Description

Homogeneous na Kalikasan ng Wika MGA KONSEPTONG PANGWIKA Lesson and questions Lesson Study notes Que st

Mga Layunin Pagkatapos ng araling ito, dapat na: 

natatalakay at nailalarawan mo ang homogeneous na kalikasan ng wika; at



naiuugnay mo ang kaalaman sa homogeneous na kalikasan ng wika sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon.



Ano-ano ang likas na pagkakatulad ng mga wika?

Alamin ang sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin! Homogeneous na Kalikasan ng Wika Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan. Mayroong mahigit sa 100 wika ang ginagamit sa 17 rehiyon sa Pilipinas. Bawat wika ay mayroong kani-kaniyang katangian. Gayunpaman, bilang behikulong ginagamit upang magkaunawaan ang mga tao, nagtataglay ang mga wikang ito ng mga pagkakatulad. Ito ang tinatawag na homogeneous na kalikasan ng wika. Ang kalikasang ito ay tumutukoy sa mga katangiang taglay ng lahat ng wika anuman ang pinagmulan at kultura ng pamayanang inusbungan.

Wika: Isang Masistemang Balangkas Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog na binibigkas sa isang wika. Morpema naman ang tawag sa makabuluhang yunit ng salita na nabuo mula sa mga tunog. Ang pag-aaral ng mga ponema ay tinatawag na ponolohiya, samantalang morpolohiyanaman ang pagaaral ng mga morpema.  Ang wika ay isang masistemang balangkas sapagkat pinagsasama-sama at isinasaayos ang mga salita upang makabuo ng pangungusap. Ang pagsasaayos na ito na nagtatakda ng mensahe ng pangungusap ay tinatawag na sintaks. Found a problem with the content?   

Pag-aralan Natin! Wika: Arbitraryo at Dinamiko

Lahat ng wika ay may mga katangiang arbitraryo at dinamiko.

Arbitraryo ang Wika Ang wika ay natututuhan sa lipunan, kung kaya kinakailangang makipag-ugnayan sa kapuwa upang mapag-aralan ang paggamit sa isang wika.  Ang wika ay pinagkakasunduan. Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga salita ang mga gumagamit nito kung kaya masasabing arbitraryo ang wika. Halimbawa: 

Dinamiko ang Wika 

Ang wika ay patuloy na nagbabago at umuunlad. Mayroong mga salitang nagbabago ang kahulugan o nagkakaroon ng dagdag na kahulugan sa paglipas ng panahon.

Nanghihiram din tayo ng salitang dayuhan at nagbibigay ng sariling kahulugan dito.

Pag-aralan Natin! Wika: Bahagi ng Kultura at May Sariling Kakanyahan Bukod sa pagiging arbitrary at dinamiko, ang wika ay sumasalamin din sa isang bahag ng kultura at may sariling kakanyahan.

Bahagi ng Kultura ang Wika 

Sinasalamin ng wika ang kulturang pinagmulan nito.

Halimbawa: Sa wikang Arabe ay mayroong iba’t ibang katawagan para sa mga uri ng kamelyo. Ang mga salitang ito ay wala sa ating wika dahil hindi bahagi ng kulturang Pilipino ang paggamit ng mga kamelyo. Kung gayon, hindi maisasalin sa Filipino ang mga salitang Arabe para sa salitang kamelyo dahil walang katumbas ang mga salitang ito sa ating wika.

May Sariling Kakaniyahan ang Wika 

Ang lahat ng wika ay may natatanging palatunugan, leksikon, at estrukturang panggramatika.

Halimbawa: Ang wikang Nihonggo ay sumusunod sa estrukturang "paksa-layon ng pandiwapandiwa" samantalang ang Ingles ay "paksa-pandiwa-layon ng pandiwa."

Mga Paalala 

Ang wika ay mahalagang kasangkapan sa pakikipagtalastasan at pagkakaunawaan.



May mga katangian ang lahat ng wika na siya ring halos ipinagkakatulad ng mga ito anuman ang pamayanang pinagmulan.

Mahahalagang Kaalaman 

Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad, ito ay tinatawag na homogeneous na kalikasan ng wika.



Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan: isang masistemang balangkas, arbitraryo, dinamiko, bahagi ng kultura, at may sariling kakanyahan.



Sa kabila ng pagiging arbitraryo at dinamiko ng wika ay mababakas pa rin ang likas na pagkakatulad ng wika.

Found a problem with the content?

QUESTION 1 Ano ang ginagamit upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan? MULTIPLE CHOICE QUESTION 2 Ilan ang wikang ginagamit sa Pilipinas? MULTIPLE CHOICE QUESTION 3 Ano ang ibig sabihin ng "homogeneous"? MULTIPLE CHOICE. QUESTION 4 Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog? MULTIPLE CHOICE. QUESTION 5 Ang wika ay patuloy na umuunlad at nagbabago sa pagdaan ng panahon. Anong katangian ito ng wika? MULTIPLE CHOICE QUESTION 6 Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang wika ay mahigpit na kaugnay ng kultura? MULTIPLE CHOICE QUESTION 7 Ang salitang "hugot" ay sikat sa kasalukuyan dahil sa panibagong kahulugan nito sa kabataang Pilipino. Anong katangian ng wika ang ipinakikita nito? QUESTION 8 Nahihirapan kang maunawaan ang isang wika dahil sa pagsasaayos ng mga salita na iba sa iyong kinasanayan. Alin sa mga ito ang kailangan mong pag-aralan? QUESTION 9 Sa pelikulang Dogtooth, inihiwalay ng mga magulang ang tatlo nilang anak sa lipunan. Hindi sila pinalalabas ng kanilang bakuran at tinuturuan ng mga salita sa pamamagitan ng isang tape recorder. Dagdag pa rito, iniba ng mga magulang ang pakahulugan sa mga salitang Ingles. Angexcursion halimbawa ay itinuro nila bilang isang matigas na bagay na ginagamit sa paggawa ng sahig. Alin sa mga katangian ng wika ang naglalarawan dito? QUESTION 10 Nais ni Claire na higit na matuto ng wikang Espanyol kaya’t tinanggap niya ang trabaho sa Madrid at doon nanirahan. Dahil dito ay madaling natuto si Claire ng wikang Espanyol. Aling katangian ng wika ang may kaugnayan dito? MULTIPLE CHOICE

We hide question answers, hints and explanations, to prevent students from cheating. To see this content you must verify your account by contacting our customer service department.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF