Heograpiya Ng Greece
August 10, 2017 | Author: John Clark Naparato | Category: N/A
Short Description
Heograpiya...
Description
HEOGRAPIYA NG GREECE Ang Gresya. isang bansa na matatagpuan sa Europa, tanyag at kilala dahil sa angking kultura. Ang mga nakikita sa kasalukuyan, sa larangan ng agham, pilosopiya, medisina at iba pa, ay may nakabinbin na kasaysayan. Sa bawat pagsibol ng bagong kasaysayan, panibagong daigdig ang nabubuo. Hangganan: Hilaga – Balkan Peninsula Kanluran – Karagatang Ionian Silangan – Karagatang Aegean Timog – Dagat Mediterranean Ang mabababang bundok na nakakalat sa kabuuan ng pulo ay nagsilbing panangga laban sa banta ng pananakop ng mga dayuhan at nagbigay din ito ng mga lambak sa pagitan ng mga bundok na nagsisilbing taniman ng mga ubas at oliba, Pinakinabangang mabuti ng mga Griyego ang dagat na nakapaligid sa buong peninsula. Ang Balkan Peninsula ay matatagpuan sa pagitan ng Dagat Aegean sa silangan at Dagat Ionian sa kanluran. Dahil sa sitwasyong ito, itinuturing ang Gresya, bilang kauna-unahang kabihasnang pandagat na naitatag sa mundo, Nakapagbibigay ag dagat ng pagkakataon sa ga Griyego na makapangisda at makipagkalakalan at makasalamuha rin ng mga taong may iba’t-ibang kultura na naggaling sa iba’t-ibang bansa. Mahalaga ang papel ng heograpiya sa buong kabihasnan ng Gresya . Ang Greece, na nasa timog bahagi ng Balkan Peninsula sa timog-silangang Europe. Mabundok ang Greece, kung kaya’t naging watak-watak ang mga lungsod-estado (city-estate) . Ang kabihasnang nalinang sa Gresya, ay hindi maaaring maihahalintulad sa mga kabihasnang umusbong sa Mesopotamia, Tsina at India na umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kung susuriin ang katangiang pisikal ng Gresya, ito ay nagtataglay ng ma mabababang bundok na nakakalat sa kabuuan ng pulo. ANG KABIHASNANG GRESYA
Polis – Sistematikong samahang pamupulitika sa Gresya Acropolis – Pinakamalakas na bahagi ng “polis” na nasa ibabaw ng isang burol Agora – Lugar ng pamilihanat pinagdadausan ng pampublikong pagpupulong. Metropolis – Ang metropolis ay isang siyudad sa isang bansa na nagsisilbing kapital na lugar nito.
SIBILISASYONG MINOAN May sarili silang sistema ng pagsusulat na tinatawag na Linear. Ayon sa pag-aaral, ang kabihasnang Griyego ay nagsimula noong 2500 B.C sa isla ng Crete. ito ay ang maalamat nasibilisasyong Minoan. na hango sa pangalan ng pinuno nito na si Haring Minos. ang pagkakatuklas sa sibilisasyong ito ay dahil sa arkeolohikong ingles na si Arthur Evans na nakatuklas ng isang gumuhong palasyo sa Crete. Ayon sa kanya, ang palasyong iyon ay pag-aari ni Haring Minos ng Crete. Ang kabisera nito ay Knossos, sa hilagang bahagi ng pulo.ng iba pang mahahalagang lugar ng kabihasnang Minoan sa Crete ay ang Phaistos, Gournia, Malia at Hagia Triadha Mahahalagang Pangyayari sa Sibilisasyong Minoan Pagpapagawa ng mga daan o aqueducts o mga kanal pagpipinta sa mga sariwang plaster. pag-uukit sa mga plorera o pigurin pagsusulat sa sariling wika. SIBILISASYONG MYCENEAN o AEGEAN nagsimula ito noong 1450 B,.C. Ang Mycenae ay isang lungsod na matatagpuan sa timog ng Gresya. ito ay tinatawag ring kabihasnang Aegean. Ang pinakamahalagang naiambag nito ay ang tholos na ginagamit ng mga maharlika, reyna at hari sa lahat ng sakop na lugar ng Mycenean. Nagwakas noong 1000 B.C. Ang Pamumuhay sa Sinaunang Gresya Relihiyon Ang mga Griyego ay naniniwala sa maraming diyos at diyosa. Itinuturing nila ang kanilang mga diyos na makapangyarihan at imortal na may itsurang mukhang tao. Pinaniniwalaan din nila na nakatira ang mga ito sa Bundok Olympus na pimumunuan ni Zeus. Ilan sa mga diyos at diyosa
Poseidon – kapatid ni Zeus, diyos ng karagatan Apollo – anak na lalaki ni Zeus at diyos ng araw, musika, at kagalingan. Hera – asawa ni Zeus at diyosa ng pag-aasawa Athena – diyosa ng karunungan
Palakasan Naniniwala ang mga Griyego na isang paraan ng pagbibigay-pugay sa kanilang mga diyos at diyosa ay ang pagpapaunlad ng kanilang mga sarl, isipan at katawan. Pinapahalagan nila ang kanilng mga katawan at nagdaraos sil ng mga patimpalak palakasan. Dito nagsimula ang Olympic Games, na pormal na nagsimula noong 770 B.C. Pamilya Ang pangunahing yunit panlipunan ng sinaunang Gresya ay ang pamilya na pinamumunuan ng mga kalalakihan. Inaasahang susundin ng mga kababaihan ang kanilang asawa, aalagaan ang mga anak at pangangasiwaan ang mga gawaing bahay. Hindi sila kabilang sa pagsisilbi sa lipunan; Ang Lungsod-Estado ng Athens ( Demokratikong Polis )
Bago pa man nalinang ang demokrasya sa Athens, ito muna ay isang monarkiya. Pinalitan ng mga aristokrata ang hari at pinamumunuan ang Athens ng siyam na archons o mga opisyal. Sa ilalim ng pamahalaang oligarkiya, unit-uniting tumaas ang populasyon.. at umunlad ang kalakalan. Ngunit sa kabila nito, maraming mga magsasaka ang hindi nakuntento sa pamamahala ng mga archons.Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens. Oligarchy – sentralisadong pamumuno sa pamamagitan ng pagtatag ng isang lupon ng mga dugong bughaw upang palitan ang hari.
Ilan sa mga nakilalang Athenian na nagsulong ng kapangyarihan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng demokrasya ay sina: a.) Draco – gumawa ng batas na nagbibigay ng malulupit na parusa sa mga magkakasala b.) Solon – pagtulong sa mga magsasakang nababaon sa utang c.) Pistratus – hinati-hati ang mga lupain ng mga mayayaman at ipinahag sa mga walang lupa d.) Cleisthenes – nagpahayag sa Gresya bilang kauna-unahang demokrasyang bansa sa buong mundo. ANG LUNGSOD_ESTADO NG SPARTA (Mandirigmang Polis)
Ang bawat lungsod-estado sa Gresya ay may kani-kaniyang kasaysayan, institusyong pampulitika, at kultura. Ito ang nangyari sa Athen at Sparta. Kung ang Athensa ay nakalinang ng isang pamahalaang demokratiko. kabaliktaran
naman ang nangyari sa Soarta. Nalinang nito ang isang uri ng pamahalaan, na kontrolado ang lahat ng aspeto ng buhay ng mga mamamayan nito. pagdating ng 500 B.C nakontrol ng Sparta ang kabuuan ng peninsula na tinawag nilang peloponnesus, Sila ay hinahagupit taon-taon upang subukan ang kanilanag kakayahang tiisin ang kanilang pisikal na paghihirap. Sa pagsapit ng ika-20 taong gulang, ang mga kalalakihan ay ganap ng mga sundalo.
Tatlong pangkat ng lipunan ng Sparta Maharlika – pinakamayayaman perioeci, (malalayong tao na naghahanapbuhay bilang mga mangangalakal o artisano) helots – pinakamababang uri ng lipunan DIGMAANG PERSYANO Ang pagsikat ng Athens at Sparta, humarap ang Gresya sa iba’t-ibang banta ng pananakop. Mula sa mga persyano. 550 B.C – itinatag ni Haring Cyrus ang kanilang Imperyo. 546 B.C – Sinakop ng mga Persyano, ang mga kolonya ng Gresya sa Inoia sa may Asia Minor 499 B.C – ang lungsod-estado ng Miletus ay nag-aklas laban sa mga Persyano. Nagpadala ng hukbong pandagat ang Athens subalit sila ay natalo sa pwersa ni Darius I. 490 B.C – muling naghanda ang mga Persyano upang sakupin sa Gresya na binubuo ng mahigit 200,000 na Persyano. ANG DIGMAANG GRAECO-PERSIA ( 499-479 B.C.E ) 490 B.C. – naganap ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens. Tinalo nila ang 10,000 na puwersa ng Persia. Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius, ang tangkang pagpapabagsak ng Athens. 480 B.C – isang madugong labanan ang naganap sa Thermophylae, isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ang silangang baybayin ngt Greece. 300 sa mga ito ay taga Sparta sa ilalaim ni leonidas laban kay Xerxes. Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ito ay makipot. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa mga ito ang Athens, Sparta, Corinth at Megara. Tatlong Mahahalagang Digmaan na naganap sa Pagitan ng Persia at Gresya.
Labanan sa Marathon ( Darius laban kay Miltiades ) Labanan sa Thermohylae ( Xerxes laban kay Leonidas ) Labanan sa Salamis ( Xerxes laban kay Themistocles ) GININTUANG PANAHAON NG ATHENS Naging mahalaga ang papel na ginampanan ng Athens sa pampulitika at kulturang Griyego matapos ang mga pakikidigma sa mga Persiyano. 461 – 429 B.C – Natamo ng Gresya ang iba’t-ibang tagumpay sa larangan ng kaisipan, agham, sining at literatura. Na siyang dahilan upang tawagin itong Ginituang panahon ng Athens. SIBILISASYONG HELENISTIKO Ang sibilisasyong ito ay umusbong mula noong 323 B.C. pagkatapos ng kamatayan ni Alexander the Great, Ang sibilisasyong ito ay ang pagsasama ng sibilisasyong Griyego at sibilisasyong Asyano. Pangunahing Sentro ng Sibilisasyong Helenistiko Alexandria Antioch Pergamum MGA NAIAMBAG NG SIBILISASYONG HELENISTIKO SA KASAYSAYAN. Pilosopiyang Epicureanism na itinatag ni Epicurus na may konsepto ng “Eat and be merry for tomorrow you shall die“. Sinasabi ng pilosopiyang ito na gawing maligaya ang araw-araw na pamumuhay at iwasan ang labis na pag-iisip. Ang pilosopiyang Stoicism ay itinatag ni Zeno noong 300 B.C. Ang pangunahing konsepto nito ay ang pagmamahal sa dignidad, at paggalang ng damdamin ng ibang tao. Astrolabe ni Hipparchus na ginagamit sa pagsisiyasat sa posisyon ng araw at bituin. Prinsipiyo ng lever at pulley ni Archimedes na malaking tulong sa industriya at imprastraktura. *PILOSOPIYANG GRIYEGO* Ang mga Griyego ang mga unang pangkat sa lipunang naghiwalay sa pag-aaral ng mga kaisipan at relihiyon. Mga Kilalang Pilosopo
Socrates – itinuturing niya ang mga tao na kilalanin ang kanilang mga sarili, at naniniwala siya na mauunawaan lamang ng tao ang kaniyang sarili. sa isang paraan ng pagtatamo ng kaalaman na nakilala bilang “Socratic Method”. Plato – naniniwla siya na ang lipunan ay kailangang pamahalaan ng mga taong taglay ang karunugan at hindi yaong mga mayayaman at tanyag lamag. Aristotle – nakilala sa agham at medisina
POLIS – isang maliit na lungsod ngunit malaya tulad ng isang estado may sarili itong depensa at patron sa simula, pinamumunuan ng isang na nakatira sa moog na nasa burol o mataas na bahagi ng lungsod na tinatawag na acropolis nahahati ang mga tribong Griyego sa maraming lungsod-estado na sadyang maliit ang karamihan ngunit malaya sa isat isa ATHENS: Pinakademokratikong Lungsod – Estado ng Gresya isa sa mga maraming lungsod ng Attica unang pinamunuan ng hari hanggang sa hawakan ng mga maharlika SPARTA: Ang Estadong Militar naiiba sa pamahalaan at paraan ng pamumuhay sa ibang lungsod-estado isang lungsod sa Laconia, timog Greece na siyang napiling tirahan ng mga Griyego mula sa lahi ng mga Dorian kasanayang militar ang mithiin ng isang Spartan kaya itinuon ng estado ang lakas at kakayahan ng lahat ng mamamayan sa layuning ito taon pito (7) hanggang animnapu (60) sa ay sumasailalim ang mga kalalakihan sa mahigpit na pamamahala ng estado at inaasahang kikilalanin ang layunin ng estado bilang pansariling kapakanan upanag mapangalagaan ang mga Spartan, pinagabwalang makipagkalakan sa ibang lungsod estado at pinagamit ng sariling salapi na walang halaga sa ibang estado tinataboy taun-taon ang mga dayuhan palayu sa lungsod ng estado hindi kailangang maghanapbuhay ang mga Spartan sapagkat sagot ng mga mahaharlikang angkan ang kanilang ikabubuhay helot – malaking bilang ng mga Spartan na mga aliping nagsasaka sa mga panginoong maylupa METROPOLIS: Ang metropolis ay isang siyudad sa isang bansa na nagsisilbing kapital na lugar nito. Ang lugar na may pinakamalaking populasyon ang karaniwang tinuturing na metropolis ng isang bansa. Kadalasan nakabase ang metropolis sa lugar kung saan ang sentro ng industriya at kabuhayan ng isang bansa.
RENNAISANCE
Pieta by Michelangelo
Monalisa by Leonardo da Vinci
The Transfiguration by Raphael
David by Donatello
BAROQUE
Conversion of St. Paul by Caravaggio
Ecstasy of St. Teresa by Bernini
Portrait of Helena Fourment by Rubons
Las Meninas by Velasquez
View more...
Comments