Heneral Luna

April 11, 2022 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Heneral Luna...

Description

HENERAL LUNA Heneral Luna ay isang pelikula na bungang-isip na base sa tunay na pangyayari sa ating kasaysayan noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano matapos ang mahigit na tatlong daang taon na pananakop ng mga kastila sa ating inang bayan - ang Republika ng Pilipinas. Hinango ng direktor na si Jerrold Tarog ang Heneral Luna mula sa sulat ni Dr. Vivencio Jose na ang pamagat ay " The Rise and Fall of Antonio Luna" na nagtatalakay sa mga pambihirang katangian ni Heneral Luna. Ang mga pangunahing gumanap sa pelikulang Heneral Luna ay mga sumusunod: Heneral Antonio Luna : John Arcilla President Aguinaldo : Mon Confiado Apolinario Mabini : Epy Quizon Joven Hernando : Aaron Villafor Capt. Eduardo Rusca : Archie Alemania Col. Paco Roman : Joem Bascon Gen. Jose Alejandrino : Alvin Anson Felipe Buencamino : Nonie Buencamino Gen. Gregorio "Goyong" Del Pilar : Paulo Avelino Capt. Jose Bernal : Alex Medina Isabel : Mylene Dizon Capt. Janolino : Ketchup Eusebio Doña Laureana Luna : Bing Pimentel Col. Manuel Bernal : Art Acuña Pedro Paterno : Leo Martinez Gen. Tomas Mascardo : Lorenz Martinez Lt. Quezon : Ben Alves

Ang Buod Ang pangyayari sa pelikula ay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika. Sa panahong iyon, may isang Heneral na magagalitin na nagngangalang Antonio Luna na may mas matinding kalaban na hinarap higit pa sa mga Amerikano - ang kanyang traidor na mga kababayan. Noong 1898, si Heneral Luna (sa katauhan ng aktor na si John Arcilla) ay kumander ng rebolusyonaryong hukbong sandatahan laban sa pamamahala ng mga Amerikano. Matapos na ang Pilipinas ay sakupin ng mga Kastila ng higit pa sa tatlong daang taon, ang Republika ng Pilipinas ay napunta naman sa kamay ng mga dayuhan - ang mga Amerikano. Si Heneral Luna ay nais lamang ipaglaban ang kalayaan ng Republika ng Pilipinas na ayon sa kanya, ay siya rin pilit na ipinaglaban ng mga Amerikano sa kanilang bansa. Mungkahi

ni Heneral Luna ay may karapatan din ang mga Filipino na mabuhay ng malaya sa sariling nitong bansa gaya lang din ng mga Amerikano na ipinaglaban ang sariling nilang kalayaan. Noong panahon na nagpupulong ang mga miyembro ng mga gabinete sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Aguinaldo (na ginampanan ng aktor na si Mon Confiado) ukol sa usapin na magpapailalim ba o hindi ang Republika ng Pilipinas sa mga Amerikano ay iba-iba ang kanilang ninanais. Si Felipe Buencamino (Nonie Buencamino) na noon ay Minister of Development at si Pedro Paterno (Leo Martinez) na noon ay ulo ng gabinete ay isinulong ang mungkahi na magpasakop na lamang sa mga Amerikano sa kadahilanang dahil sa paglaban sa mga Amerikano, maraming inosenteng mamamayang Filipino na ang nawalan ng buhay. Isa din na dahilan ay ang potensiyal na pagunlad ng ekonimiya sa pamamagitan ng pakikipagkalakal sa mga Amerikano. Isa pang dahilan ng dalawang miyembro ng gabinete ay kulang na sa makinarya ang Republika ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang pakikipagdigma sa mga Amerikano. Itong mungkahing ito ay lubos na tinutulan ni Heneral Luna sa kadahilanang ayon sa kanya, ito ay isang pagtataksil sa inang bayan. Ang pakikipagkalakal ay isang pansariling interes lamang at hindi para sa bayan. Ayon kay Heneral Luna, ang mas mahalaga ay ang kalayaan ng bayan higit pa sa pansiriling kagustuhan. Iniutos din niya na ipahuli at ipakulong si Paterno at Buencamino noong kasalukuyang sila ay nagpupulong dahil sa kanilang kataksilan. Inaatang na din ni Pangulong Aguinaldo kay Heneral Luna na pamunuan ang hukbong sandatahan sa pakikipaglaban sa mga Amerikano. Sa kabila ng kapangyarihan na ibinigay ni Pangulong Aguinaldo kay Heneral Luna na pamunuan ang rebolusyonaryong hukbong sandatahan ay marami parin sundalo ang hindi sumunod kabilang na ang kumandante ng Pampangga na si Gen. Tomas Mascardo (Lorenz Martinez). Nanindigan si Gen. Mascardo na hindi siya kabilang sa hukbong sandatahan na nasa ilalim ng pamumuno ni Heneral Luna dahil sila ay parehas lamang ng ranggo. Umabot na sa sukdulan ang kanilang alitan hanggang sa lusubin na ni Heneral Luna sa Guagua si Heneral Mascardo dala ang utos ng Pangulo ng Pilipinas na sumuko na si Gen. Mascardo. Noong kasalukuyang hinuhuli si Gen. Mascardo ay nilulusob naman ang mga naiwan ni Heneral Luna sa Bagbag at gayundin sa kampo ni Gen. Goyong Del Pilar (Paulo Avelino). Maraming sundalo ang namatay sa paglusob ng mga Amerikano dahil sa hindi pagsunod ng ilang miyembro ng hukbong sandatahan na nagdulot ng pagpapasya ni Heneral Luna na magbitiw sa pwesto. Hindi ito tinanggap ni Pangulong Aguinaldo na sinegundahan naman ni Apolinario Mabini (Epy Quizon) na siyang unang Prime Minister noong panahon na iyon. Ayon kay Aguinaldo at Mabini, hindi maaring magbitiw sa pwesto si Heneral Luna dahil siya lamang ang pinakamagaling na pwedeng mamuno dito. Isang kondisyon ang hiningi ni Heneral Luna, na hayaan siya ni Aguinaldo na pamunuuan ang hukbong sandatahan at bigyan siya ng panibagong kampo sa Norte at nakuha niya ang Pangasinan.

Humingi ng komento ukol kay Heneral Luna si Pangulong Aguinaldo kay Paterno at Buencamino na lihim na nagtatago sa opisina ni Aguinaldo noong panahon na nagpahayag ng pagbitiw sa pwesto si Heneral Luna gayundin kay Gen. Mascardo. Ayon kay Mascardo ay narinig niya si Heneral Luna na nagpapahayag ng isang pagbabanta. Si Heneral Luna, ayon kay Mascardo ay nagbanta na kung sino man ang traidor ay papatayin niya kahit pa ang Presidente ng Pilipinas. Ayon naman kay Paterno at Buencamino, may sabi sabi na nagmula sa ibang opisyales ng gabinete na nagbabalak si Heneral Luna na iluklok ang sarili bilang diktador. Ito naman ay pinabulaanan ni Mabini at ipinagtanggol si Heneral Luna. Isang araw, nakatanggap si Heneral Luna ng sulat mula kay Pangulong Aguinaldo na nakasaad dito ay ang pagtatayo ng panibagong gabinete at si Heneral Luna ang inaatasang mamuno dito. Hiniling din ng Pangulo na magtungo si Heneral Luna sa Cabanatuan upang pagusapang ang tungkol sa bagay na iyon. Lingid sa kalaman ni Heneral Luna ay dito na pala siya babawian ng buhay. Noong araw na patungo si Heneral Luna sa Cabanatuan sampu ng kanyang sundalo ay nagkaproblema ang marami dito sa pagtawid sa ilog na nagdulot naman ng pagpapasya ni Heneral Luna na mauna na sa Cabanatuan kasama ang dalawa niyang tauhan na si Capt. Eduardo Rusca (Archie Alemania) at Col. Paco Roman (Joem Bascon). Nang sila ay dumating sa himpilan ng Pangulo sa Cabanatuan, nagulat at nagtaka si Heneral Luna ng madatnan niya si Buencamino na nakaupo sa mesa ng Pangulo at hindi mismong si Pangulong Aguinaldo. Habang nasa opisina si Heneral Luna at Buencamino na nagtatalo, may nagpaputok sa baba ng himpilan na siya namang agad pinuntahan ni Heneral Luna na galit na galit. Nadatnan niya ang mga sundalo at biglang lumabas ang Kapitan na noon ay kanyang pinakulong na si Capt. Janolino (Ketchup Eusebio) dahil sa hindi pagsunod sa kanyang utos. Dito na siya inumpisahang barilin at tagain ng mga sundalo hanggang sa siya ay mawalan ng buhay sabay ng pagkamatay ni Col. Roman habang si Capt. Rusca ay nakapagtago at nabuhay. Sina Buencamino at Aguinaldo ay hugas kamay sa pagkamatay ni Heneral Luna. Ayon kay Aguinaldo, hindi niya pinadalhan ng sulat si Heneral Luna at katunayan pa ay siya ang nagpadala ng liham sa Pangulo. Si Buencamino ay mariing itinanggi na siya ay may kinalaman sa pagpapatay kay Heneral Luna ngunit sinabi niya na ang pagkamatay ni Heneral Luna ay isang paglilinis ng kasayasayan at ito ay makatarungan sa kadahilanang si Heneral Luna ayon kay Buencamino ay malupit at marahas na heneral. Hanggang sa huli ay hindi na nalaman ang tunay na pumatay kay Heneral Luna. Sa kabila na si Pangulong Aguinaldo ang itinuturo ng mga Amerikano na may kinalaman sa pagkamatay ni Heneral Luna.

Ang Aking Reaksyon

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF