Hari Ng Tondo
January 28, 2018 | Author: Kristine Rae Amoguis Arbelera | Category: N/A
Short Description
hihihi...
Description
Hari ng Tondo - Gloc-9 Feat. Denise
a. Pagsusuri sa Pamagat - Alam natin na ang Tondo ay isa sa mga lugar kung saan laganap ang maraming krimen at kilala natin ang tao roon ay mga basagulero, laging napapaaway at hirap sa buhay. Kaya't kapag naririnig natin ang "Hari ng Tondo" naiisip natin ang lider ng mga taong basagulero at laging nasasangkot sa mga gulo o krimen.
b. Pagkilala sa Awtor - Si Aristotle Pollisco o mas kilala natin sa pangalang "Gloc-9" ay ipinaganak noong Oktubre 18, 1977. Kilala siya sa kanyang mga pinasikat na kantang Lando, Upuan, Walang Natira, Hari ng Tondo, Sirena at mrami pang iba. Hinangaan natin siya sa kanyang talento sa pagsulat ng awit at sa bilis ng kanyang pagsasalita. Maraming humahanga sa kanyang mga awit dahil ito ay salamin sa buhay ng lahat.
c. Pagsusuri sa Tagpuan -Inilarawan niya ang Maynila na sa unang tingin animo'y isang mapayapang lugar ngunit sa likod nito, hindi natin napapansin ang mga pangyayari, krimen at iba't ibang transaksyon na na nagaganap dito at lingid sa kaalaman ng lahat lalo na ng pamahalaan.
d. Paglalarawan sa Tauhan - Inilalrawan niya ang mga taong takot sa mga may kapangyarihan at takot ilahadang mga nasasaksihang krimen dahil inaalala nila ang mga maaaring mangyari sa kanila at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ang mga taong inaabuso ang kapangyarihan at gumagawa ng masama sa lipunan at sa kapwa. At ang mga taong pinipiling gumawa ng masama at kumapit sa patalim kumita lamang ng pera at makaraos lamang sa isang araw.
e. Pagsusuri sa Paksa
- Ito ay tumutukoy sa naging buhay ni Asiong Salonga na naging buhay na rin ngayon ng bawat isa sa atin at naging daan upang ilahad din ang talamak na krimeng nagaganap dito sa ating pamahalaan.
f. Pagsulat ng Sariling Reaksyon - Ang kantang "Hari ng Tondo" ang kantang para sa atin ay hindi laging napapansin ngunit kung susuriin, ang mensahe nito ay tumutukoy sa realidad na hindi natin nakikita at naoobserbahan lalo na ng pamahalaan. Iminumulat nito ang ating mga mata na dapat pantay-pantay lamang ang pagtingin sa kapwa at dapat mas piliing gumawa ng tama at huwag ipagpapalit kailanman ang dignidad at prinsipyo para sa sariling pangangailangan.
Gloc-9 Lyrics Play "Hari Ng Tondo" "Hari Ng Tondo" (feat. Denise Barbacena)
[Denise:] Kahit sa patalim kumapit Isang tuka isang kahig Ang mga kamay na bahid ng galit Kasama sa buhay na minana Isang maling akala Na ang taliwas kung minsan ay tama Ang hari ng tondo hari ng tondo [2x]
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo hari ng tondo ohhh Baka mabansagan ka na hari ng tondo
[Gloc-9:] Minsan sa isang lugar sa maynila Maraming nangyayare ngunit takot ang dilang Sabihin ang lahat Animoy Kagat kagat Kahit itagoy di mo pedeng pigilin ang alamat Na umusbong, Kahit na madami ang ulupong At halos hindi iba ang laya sa pagkulong Sa kamay ng iilan umaubosong kikilan Ang lahat ng pumalag walang tanong ay kitilan, Ng buhay, hukay, nuhay magpapatunay Na kahit hindi makulay kailangang mag bigay pugay Sa kung sino ang lamang Mga bitukang Halang At kung wala kang alam ay yumuko ka nalang Hanggang sa may nag pasya na sumalungat sa agos Wasakin ang mga kadena na syang gumagapos Sa kwento na mas astig pa sa bagong tahi ng lonta Sabay sabay nating hawiin ng tabing na tolda
[Denise:] Kahit sa patalim kumapit Isang tuka isang kahig Ang mga kamay na bahid ng galit Kasama sa buhay na minana Isang maling akala Na ang taliwas kung minsan ay tama Ang hari ng tondo hari ng tondo [2x]
Baka mabansagan ka na hari ng tondo Hari ng tondo hari ng tondo ohhh Baka mabansagan ka na hari ng tondo
[Gloc-9:] Nilusong ang kanal na sa pangalan nyay tumawag Alang alang sa iba tsaka na muna ang paawat Sa mali na nagagawa na tila na nagiging tama At ang tunay na may kaylangan ang syang pinatatamasa Lahat silay takot nakakapaso ang iyong galit Mga bakal na may nag babagang tinga papalit palit Sa hangin na masangsang nakakapanga hina ang nana At Hindi mo matangal na parang bang sima ng pana Na nakulawit, subalit sa kabila ng lahat Ay ang halimuyak lamang ng iisang bulaklak
Ang syang tanging nag hahatid sa kanya sa katinuan At hindi ipagpapalit na kahit na sino man Ngunit ng dumating ang araw na gusto nya ng talikuran Ay huli na ang lahat at sa kamay ng kaibigan Ipinasok ang tinga tumulo ang dugo sa lonta Ngayon alam mo na ang kwento ni Asiong Salonga
[Denise:] Kahit sa patalim kumapit Isang tuka isang kahig Ang mga kamay na bahid ng galit Kasama sa buhay na minana Isang maling akala Na ang taliwas kung minsan ay tama Ang hari ng tondo hari ng tondo [2x]
Baka mabansagan ka na hari ng tondo Hari ng tondo hari ng tondo ohhh Baka mabansagan ka na hari ng tondo A. Pamantayang Pangnilalaman:Ang mag-aaral ay nakapagpapamalas ng kahusayan sa mapanuring pakikinig at pag- unawa sa napakinggan.B. Pamantayan sa Pagganap:Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng sariling interpretasyon at opinyon satekstong napakinggan.I. LAYUNIN:Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag- aaral ay inaasahang:a. Naipapamalas ang pagtangkilik sa awiting Pilipino b. Nasasagot ang mga katanungan batay sa kanilang sariling karanasan . Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa napapanahong isyu batay sanapakinggang awitin sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysayII. PA!"AN# A$ALIN:a. Paksa: %ari ng &on'o ni #lo ( b. "anggunian:
Panitikang Pilipino ), pahina **( . !agamitan:Laptop, kopya ng kantang +%ari ng &on'o , speakers III. YU#& N# PA#!A&U& : Unang Araw &uklasin/
1. PN1, Naipahahayag sa sariling pamamaraan ang mga napakinggan mensahePA1, Nakapag-uulat tungkol sa naobserbahanPB1, Natutukoy ang pagkakaiba ng mga uri ng diverbal na pakikipagkomunikasyonTA1, Nasusuri ang mahalagang detalyeng napanoodPU1, Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa epekto ng di-verbal na pakikipagkomunikasyonUNANG ARAWI. MGA TUNGUHIN a. Naillalahad ang mensaheng nais iparating sa pamamagitan ng di-verbal na pakikipagkomunikasyon b. Nagagamit ang mga di-verbal na palatandaan sa pakikipagkomunikasyon c. Nakikilala ang kahalagahan ng di-verbal na pakikipagkomunikasyon sa buhay ng taoII. PAKSANG ARALIN URI NG TEKSTO: PAGPAPAGAWA NG SURING PAPEL NG AWIT PAMAGAT: “Hari ng Tondo at Upuan “ ni Gloc 9 GAMIT NA WIKA: Di-Pasalitang PakikipagkomunikasyonIII. MGA KAGAMITAN a. Palabunutan b. Cartolina c. Mga Larawan d. ChalkIV. PAMAMARAAN A. INTRODUKSYON PAGLALARO NG CHARADE Narito ang maaring gawing palabunutanmga salitang may kaugnayan sa mga binasang awit: Hari pera Pagkain sasakyan Upuan bahay kusina banyo TANONG: 1. Ano ang mapapansin mo sa ginawang paglalaro?May naganap bang Komunikasyon?Ipaliwanag. 2. Ano ang komunikasyon? 2. 2. 3. Sa paanong paraan ipinahatid ang mensahe?Ano ang tawag natin dito?B. PRESENTASYON DI-VERBAL NA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON Ito ay hindi gumagamit ng salita bagkus naipapakita ang mensaheng nais iparating sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan o kahit anumang bagay na sumisimbolo sa napagkasunduang kahulugan. URI NG DI-VERBAL NA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON 1.Ekspresyon ng mukha- maaring maipakita ang iba’t ibang ekspresyon sa mukha tulad ng kalungkutan,kaligayahan atbp. 2. Kilos(Gestures)- pagkilos ng kamay,mukha, at iba pang bahagi ng katawan. 3. Paralinguistics- may kaugnayan sa tono ng tinig, impleksyon o pagtaas at pagbaba nito. 4. Body language/Posture- maaring magpahayag ng emosyon o damdamin ,saloobin ng isang indibidwal. 5. Proxemicas- (relasyon ng mga nag-uusap) may kaugnayan sa pag-aaral at paggamit ng espasyo at paano ito makatutulong upang makadama tayo ng kaginhawaan sa buhay- a. Physical Territory- tamang posisyon at pagaayos ng kapaligiran sa paghahatid ng komunikasyon b. Personal Territory- tamang distansya at pag-aayos ng mga taong naghahatid ng komunikasyon. 6. Paggalaw ng mga mata- ang tamang paggamit ng mga mata ay makakatulong sa paghahatid ng mensahe,hindi ka man magsalita. 7. Hapticspakikipagkomunikasyon gamit ang kamay sa pamamagitan ng paghawak (touch) 8. Kaanyuan- pagpili ng kulay, kasuotan at ayos o istilo ng buhok.C. PAGPAPAYAMAN Pagtalakay BAKIT MAGBIGAY NGANO ANG IBIG SABIHIN MAHALAGANG IBA PANGNG DI-PASALITANG MAGKAROON NG HALIMBAWAPAKIKIPAGKOMUNIKA- KAALAMAN DITO? NITO.SYON? 3. 3. D. PAGPAPALAWIG GAWAIN 1: PAGPAPAKITA NG TABLEAU. MGA SITWASYON: 1. Isang kahig,isang tukang pamumuhay 2. Paghahari-harian ng ilang personalidad 3. Pangingikil,pang-aabuso ng kapwa GAWAIN 2: Obserbahan ang kilos at pananamit ng mga propesyonal ,tulad ng guro,pulis ,pulis-trapiko, at manager sa bangko.Itala ang mga ipinahihiwatig ng kanilang kilos,pananamit,senyas,at iba pa.Iulat sa klase. GAWAIN 3: Sumulat isang sanaysay tungkol sa mga maaring epekto ng di-verbal na pkikipagkomunikasyon sa pangaraw-araw na buhay ng tao. GAWAIN 4: Pag-usapan ang isang napapanahong balita napakinggan sa radio o maging sa telebisyon .Iuulat ng isa ang napakinggang balita habang isasakilos naman ng kapareha ang balita sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na ekspresyon ng mukha at galaw o kilos ng katawan.E. SINTESIS
Isulat ang mga kasagutan batay sa hinihingi ng Organizer. URI NG DI- VERBAL NA PAKIKIPAG- KOMUNIKASYON 4. 4. F. PANGWAKAS NA PAGTATAYA Idikit ang mga larawan kung saan ito nabibilang na uri ng di-verbal na pakikipagkomunikasyon.Ipaliwanag. Uri ng Di-Verbal na MGA HALIMBAWANG LARAWAN PALIWANAGPakikipagkomunikasyon1.Ekspresyon ng Mukha2. Kilos(Gestures)3.Paralinguistics4.BodyLanguage/Posture5.Proxemicas6.Paggalaw ng mga mata7.Haptics8.Kaanyuan MGA LARAWAN: G. TAKDA 1. Magtala dalawampung iba’t ibang di-verbal na pakikipagkomunikasyon na iyong napapansin sa paligid ilagay ito sa isang buong papel at tukuyin kong anong mensahe ang nais iparating nito. 2. Basahin ang akdang “AMPALAYA(Ang Filipinas 50 taon makatapos ang bagong Milenyo)” ni Reuel Molina Aguila.
View more...
Comments