Handouts - El Filibusterismo(2)

February 25, 2017 | Author: Nestor Lavin | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Handouts - El Filibusterismo(2)...

Description

El Filibusterismo Kabanata 1 – Sa Kubyerta Tauhan: Donya Victorina Kapitan Don Custodio Ben-Zayb Padre Irene Simoun Padre Camorra Padre Sybila Padre Salvi Pangyayari: Sa Bapor Tabo na sumasalunga sa Ilog Pasig ay nakasakay ang ilang mga katauhan na mahalaga sa kwento. Sila’y ipinakilala at isinalaysay din ang tungkol sa nangyaring pagtakas ni Don Tiburcio kay Don Victorina dahil sa takot nang sinaktan niya ito. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga padre ukol sa pagpapalalim ng ilog. Ito raw ay ipatuwid ng ayos; nagbigay si Simoun, ang mag-aalahas, ng isang lunas: humukay ng matuwid na kanal, sarhan ang dating Ilog Pasig gamit ang lupa at mapapaikli pa ang paglalakbay. Nakipagtalo si Don Custodio ukol dito dahil wala silang salapi na maibabayad sa mga manggagawa. Ayon naman kay Simoun ay hayaan ang sapilitang paggawa nang walang bayad. Nag-aalala ang padre sa maaaring paghihimagsik. Ayon kay Simoun, ang mga maggagawa naman sa Ehipto at Romana ay hindi naghihimagsik. Sinabi naman ni Don Custodio na maaaring mag-alaga ng itik o pato na makakakain din ng lupa. Si Donya Victorina naman ay nandiri na lamang at tumutol. Kaugaliang Pilipino: Pagbibigay halaga sa mga dayuhan Sakit ng Lipunan: Sa pagkakaroon ng dalawang lugar ng mga tao sa kubyerta – ang mga makakapangyarihan sa itaas, at indyo, instik at iba pa sa ibaba – ipinapakita ang kalagayan ng pamahalaan kung saan mas binibigyang halaga ang mga kastila, mayayaman at prayle. Ang pagpapanggap ng pamahalaan ng kalinisan nito (simbolismo ng puting pintura) ngunit mayroong mga kadumihan at kaharasan sa likuran nito. Ang mabagal na pag-unlad dala ng kahinaan ng pamahalaan. Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta Tauhan: Kapitan Basilio Basilio Isagani Simoun Padre Florentino Pangyayari: Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang karamihan ng mga tao – kasama ng mga makina, bulwak na tubig na nakahalo, at walang tigil na paswit ng bapor – mayroong mga intsik, mga kabataan, mga mag-aaral at indyo. Ipinakilala si Basilio, isang mag-aaral ng medisina, at si Isagani at isinalaysay ang kalagayan ni Kapitan Tiyago na siyang nasubsob sa paghithit ng apyan. Pinag-usapan nila kasama ni Kapitan Basilio ang ukol sa panukala nila ukol sa Akademya ng wikang Kastila. Dumating si Simoun at sila’y nagtalo ukol sa pag-inom ng alak, na sabi ni Isagani ay sana’y makabubuti sa lahat at magtatangumpay sila. Matapos umalis ni Simoun ay inisinalaysay ang buhay ng padreng kumupkop kay Isagani, si Padre Florentino, at sinabihang anak na huwag magpapakita sa kapitan upang hindi ito anyayahing umakyat. Kaugaliang Pilipino: Paniniwalang ang bata ay may kinabukasan pa; pagnanais sa pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa kaunlaran; pagsang-ayon ng anak sa mga kagustuhan ng magulang, labag man ito sa kalooban niya;

kalagayan ng pag-iisip muna sa balakid bago ang kabutihan kaya’t hindi natutupad ang mga balak.

Sakit ng Lipunan: Ang pag-inom ng serbesa o alak at paghithit ng payan na silang nakakasira ng mga tao; pagtanggi ng pamahalaan na bigyan ng sapat na edukasyon ang kabataan, lalo na sa wikang Kastila Kabanata 3 – Mga Alamat Tauhan: Padre Florentino Padre Sybila Padre Irene Padre Camorra Padre Salvi Simoun Pangyayari: Ang pangkat na nasa ibabaw ng kubyerta ay nagbibiruan at nagsasayahan. Pinag-uusapan nila ang kalagayan ng kalakalan ng mga indyo at intsik na tila lumalagpak at ang mga kahirapan nito. Nagsimula silang magkwento ukol sa mga iba’t ibang alamat – ang Malapad-na-Bato na tinitirhan ng espiritu bago pa dumating ang mga Kastila; ang tungkol kay Donya Geronima na ang kasintahang nangakong siya’y pakakasalan ay nag-arsobispo; si Simoun at nakipagtalo ukol sa ginawa kay Donya Geronima na kinulong sa isang kweba; ang pagsaklolo ng isang Intsik sa Panginoong hindi nya pinaniwalaan dahil sa paglabas ng isang demonyong buwaya; ang huli’y tungkol sa isang Ibarra na siyang tumalon sa lawa, siya’y binaril at nagkaroon ng kulay dugo ang lawa’t hindi na siya muling nakita. Kaugaliang Pilipino: Pananampalataya sa Panginoon; paniniwala sa mga espiritu; paniniwalang ang arsobispo ay laging tama; pagtigil sa paniniwala sa pamahiin at espiritu dala ng mga Kastila, lalo na sa Kristiyanismo. Sakit ng Lipunan: Pagpapatapon sa isang mabuting tao sa kulungan para lamang matahimik ito; pagtutugis sa taong walang sala Kabanata 4 – Kabesang Tales Tauhan: Kabesang Tales Tandang Selo Lucia Tano Juli Pangyayari: Dahil sa paghihirap nila ay inangkan nila ang isang pook sa may gubat, at dahil dito’y namatay ang asawa’t panganay na anak ni Tales. Ipinagpatuloy pa rin ang pagsisikap na pag-ani sa lupaing ito, at siya’y umunlad – dahil dito’y sinakop sila ng mga kastila. Naging masagana ang ani ni Tales, at tumataas pa lalo ang buwis na sinisingil sa kanya. Siya’y ginawang Cabeza de Barangay sapagkat siya ang pinakamasipag – nang dahil dito’y dumadami ang babayarin ni Tales. Hindi na nakapag-aral ang kanyang mga anak. Dahil sa pang-aapi ng mga prayle at makakapangyarihan, siya’y nalublob sa utang, at naghimagsik; hindi na siya nagbabayad, at ibibigay nya lamang ang lupa sa taong didiligan muna ito ng dugo ng kanyang asawa’t anak. Patuloy ang pagbabantay ni Tales sa lupa na may hawak na baril. Si Tano ay naging gwardya sibil. Nadakip din si Tales ng mga tulisan; naiwan si Tandang Selo at Juli na may mga utang, at si Juli ay namasukan bilang katulong ng isang matandang pumayag na pautangin sila ng salaping kailangan para sa pagpapalaya ni Tales. Kaugaliang Pilipino:

Katamaran ng mga Pilipino (at dahil dito’y iba ang nananagutan); paniniwalang gaganda ang kinabukasan at magkakaroon ng mirakulo sa pamamagitan ng pag-aalay ng alahas at kayamana sa imahen Sakit ng Lipunan: Pang-aapi at panglilinlang sa mga indyo dahil lamang sila’y mapagkikitaan nga mga Kastila; ang hindi pagbayad ng buwis ng mamamayan kaya’t ang Cabeza de Barangay ang kailangang magbayad mula sa sariling bulsa; pagsanay sa mga Pilipino na magtiis na lamang sa halip na ipaglaban ang sariling kabutihan at kung may nanga-iba rito’y malalagot sila. Kabanata 5 – Ang Bisperas ng Pasko sa Isang Kutsero Tauhan: Basilio Kutsero Kapitan Basilio Simoun Alperes Pangyayari: Umuwi na si Basilio sa kanyang tahanan sa San Diego, kung kalian mayroong mga pista at sila’y naabala sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula at kinailangang bugbugin pa ito ng gwardya sibil. Mayroong inilalakad na prusisyon ng mga imahin ng dalawang Kastila, taltong Haring mago, birhen at mga batang may dalang parol. Nabugbog nanaman ang kutsero dahil wala itong ilaw. Nabatid ni Basilio ang usapan sa loob ng bahay ni Kapitan Basilio, kasama ng alperes at ni Simoun. Tila sila lamang ang may masayang kalagayan sa bayan at sila’y nagdaraos ng kalakalan sa mga alahas ni Simoun; pagkadating sa bahay ni Kapitan Tiyago ay ginagalang si Basilio habang siya’y binibigyan ng mga ulat ng katiwala sa mga nakaraang pangyayari nang ito’y nasa ibang lugar. Nabalitaan niya ang nangyari kay Kabesang Tales. Kaugaliang Pilipino: Pagsasagawa ng mga prusisyon at pagpapalakad ng mga imahen na ginagalang tuwing pista at bisperas ng Pasok Sakit ng Lipunan: Pagbubugbog sa mga taong hindi sumusunod sa tradisyon o batas sa halip na sila’y bigyan ng patas at maayos na parusa Kabanata 6 – Si Basilio Tauhan: Basilio Simoun Kapitan Tiyago Pangyayari: Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Basilio kaya’y siya’y nagtungo sa kagubatang dati’y pagmamay-ari ng mga Ibarra, at patuloy siya sa paglalakad sa loob nito hanggang sa marating niya ang isang bunton ng bato kung saan nakalibing ang kanyang ina. Siya’y nag-isip at naalala ang kanyang nakaraan. Marami siyang mga paghihirap na dinaanan: pagtakas sa Maynila, paghihiling na sana ay masagasaan na siya ng mga kabayo, hangggang sa siya’y kupkupin nila Kapitan Tiyago. Siya’y nagsimulang magsikap sa pagaaral, kahit na siya’y hindi pinapansin ng mga guro kaya naman siya’y laging nakapapasa. Unti-unting bumubuti ang kanyang kapalaran sa pag-aaral at siya’y inilipat sa Ateneo mula sa San Juan de Letran hanggang sa siya’y magtapos at kumuha ng kurso sa Medisina. Sa kanyang pag-unlad ay sinikap niyang kalimutan ang paghihirap ng nakaraan at ipagpatuloy na lamang ang pagsisikap. Kaugaliang Pilipino: Pagpapawalang-halaga sa pag-aaral ng mga ibang mag-aaral, lalo na sa mga mayayaman; katamaran sa pag-aaral; Sakit ng Lipunan:

Pag-diskriminasyon sa mga Indyo, lalo na’t kung iuukol sa kadamitang suot; ang pagpasok ng mga magaaral hindi para matuto, kundi upang makapasa lamang sa mga pagsusulit; ang pangangailangan ng maraming kaibigan at koneksyon sa mga makakapangyarihan upang manalo sa pagtatanggol ng mga abogado sa halip na umasa sa kakayahan nito; miski ang mga guro ay tamad din magturo; dami ng magaaral sa isang klase’t kaya mahirap matuto; hindi pantay na pag-unlad at kaibahan ng paaralan ng Ateneo at San Juan de Letran Kabanata 7 – Si Simoun Tauhan: Simoun Basilio Pangyayari: Habang si Basilio ay nasa gubat, nakarinig siya ng mga yapak ng isang tao sa kagubatan at nang siyang nagmasid, nakita niyang ito ay si Simoun. Dahil hindi nito suot ang kanyang salamin, nakilala ni Basilio ang mag-aalahas na siya palang si Crisostomo Ibarra na tumulong din kay Basilio na ilibing ang kanyang mahal na ina. Tinutukan siya ng baril ni Simoun, at ipinaliwanag naman ni Basilio na si Ibarra ay isang taong mahal sa kanya, dahil sa pagliligtas at pagtulong sa paglilibing ng kanyang ina. Sabi ni Simoun ay dapat silang magtulungan dahil pareho silang uhaw sa katarungan. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang paglalakbay sa mundo upang magpayaman, at nanumbalik upang maghimagsik at makitang muli si Maria Clara. Tutol si Simoun sa pagpapatayo ng mga kabataan ng isang paaralan para matuto ng Kastila sapagkat isang paraan daw ito upang makalimutan ang sariling wika, humina ang nasyonalismo. Ang wika ang pag-iisip ng isang bayan at kanyang kalayaan. Pinagtanggol naman ni Basilio na ito’y paraan upang maunawaan, mapaunlad ang pamamahala ng mga Kastila. Ayon kay Simoun, dapat ay sumama siya sa paghihimagsik sapagkat pareho silang tinaksil ng sariling bayan at dumanas ng napakasakit na mga karanasan. Nabatid ni Simoun na hindi niya nakukumbinse si Basilio. Sinabi na lamang niyang kung magbago ang isip ni Basilio at kailanganin ang tulong niya, mayroon siyang bahay sa Escolta. Nagpasalamant si Basilio at umalis. Si Simoun naman, na punung-puno ng kamuhian at paghihimagsik, ay naalala ang kanyang mga pinagdaanan, sina Elias, Don Rafael at Maria Clara. Kaugaliang Pilipino: Pagdadalaw sa mahal na yumao na at pagbibigay galang at dasal dito; pagpapahalaga sa utang na loob. Sakit ng Lipunan: Ang pagpapaalipin ng Pilipinas sa wikang Kastila, pati sa mga dayuhan; ang pagtanggi sa karapat-dapat na edukasyon. Kabanata 8 – Maligayang Pasko Tauhan: Tandang Selo Juli Pangyayari: Paggising ni Juli ay nabatid niyang walang nangyaring himala at dalawang daa’t limampung piso na dapat ibabayad para sa kalayaan ni Kabesang Tales. Kakailanganin niyang magpa-alila at naghanda na siya upang tumungo sa bahay ng amo. Siya’y umalis na habang si Tandang Selo ay nanatiling napakalungkot kahit na pasko na. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi ang matanda! Kaugaliang Pilipino: Pagbati ng “Maligayang Pasko” sa araw na iyon; pagtuturing sa araw na ito na araw ng mga bata at pagdaraos ng misa kasama sila; ang iba’y tumatanggap ng mga aginaldo Sakit ng Lipunan: Ang pagdaraos at pagdiriwang ng Pasko nang hindi abot sa puso o kaya’y pilit lamang

Kabanata 9 – Ang Mga Pilato Tauhan: Mga nag-uusap-usap Hermana Penchang Pangyayari: Naging usap-usapan ang nangyari kay Tandang Selo at ang karamihan ay walang pakialam. Pinagchismisan nila ang mga nangyari at maaaring nangyari kung hindi lamang umalis ng bahay si Kabesang Tales. Pinagbintangan naman ni Hermana Penchang, ang bagong amo ni Juli, na parusa raw ito dahil sa kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo nito kay Juli nang maayos. Sinabi rin niyang si Basilio ay isang demonyong nagbabalatkayong demonyo. Si Kabesang Tales ay nakauwi na rin, ngunit nang nakita ang kalagayan ng tahanan ay naupo na lamang sa isang sulok nang walang kibo. Kaugaliang Pilipino: Pagchichismis ukol sa mga pangyayari nang hindi inaalam ang katotohanan; paniniwala sa kaparusahan dala ng hindi pagdadasal Sakit ng Lipunan: Ang kakulangan sa awa at pagtulong sa mga mahihirap; paghahatol sa tao, pagpaparusa, at matapos ay aasal na parang wala siyang kasalanan.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF