Handout(Impormatibo-Naratibo) (1)

December 10, 2017 | Author: Micah Dianne Dizon | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Handout(Impormatibo-Naratibo) (1).docx...

Description

“Lahat ng tagumpay ay pinaghihirapan, hindi mo makukuha kung lagi ka na lamang aasa sa IBA.”

Tekstong Impormatibo  Isang uri ng babasahing DI PIKSYON.  Hindi nakabatay sa sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.  Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa siya ng pananaliksik at pag-aaral ukol ditto.  Karaniwang makikita o mababasa sa pahayagan o balita, sa mga magasin, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang web site sa internet.  LAYUNIN: Magbigay impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tunkol sa iba’t ibang paksa.

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO 1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan 2. Pag-uulat Pang-impormasyon 3. Pagpapaliwanag

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO: 1. Layunin ng May-akda 2. Pangunahing Ideya- Dagliang inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong impormatibo di gaya sa tekstong naratibo. Ginagamit ang organizational markers na nakatutulong upang Makita agad at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. 3. Pantulong na Kaisipan 4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin: a. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon b. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto c. Pagsulat ng mga talasanggunian

Tekstong Deskriptibo  Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.  Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.

Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo o obhetibo.  Subhetibo – maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. Karaniwang nangyayari sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo.  Obhetibo – may pinagbatayang katotohanan.

Tandaan: Karaniwang bahagi lang ng ibang teksto ang tekstong deskriptibo – ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, tagpuan, damdamin, ang tono ng pagsasalaysay at iba pa. Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo Cohesive device -mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto. Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod: reperensiya reference, substitusyon substitution, ellipsis, pang-ugnay, at leksikal. 1. Reperensiya (Reference) – salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging Anapora o Katapora. Anapora - Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan. (Pangngalan – Panghalip) Katapora - Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag. (Panghalip – Pangngalan) 2. Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. 3. Ellipsis – may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita. 4. Pang-ugnay – Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. 5. Kohesyong Leksikal – mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. a. Reiterasyon – ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. (1) Pag-uulit o Repetisyon (2) Pag-iisa-isa (3) Pagbibigay Kahulugan

b. Kolokasyon – Karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.

Ilang Tekstong Deskriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto  Paglalarawan sa Tauhan – hindi lang sapat na mailarawan ang itsura ng mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan ditto.  Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon- Ito ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyangdiin dito’y ang kanyang damdamin o emosyong taglay. Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan.  Paglalarawan sa Tagpuan-Mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa mahusay na paglalarawan sa tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng akda.  Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay-Isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan.

TEKSTONG NARATIBO  Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyayari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan.  Ang maikling kwento, pabula, alamat at nobela ay ilan sa mga halimbawa ng tekstong naratibo.  Mayoon ding di piksyon na tekstong naratibo: hal. Na lamang nito kung kung ikaw ay nagbibigay ng impomasyon ukol sa iyong sarili at kung nagsasalaysay ka ng iyong karanasan.

MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO: 1.May iba’t ibang pananaw o Punto de Vista sa tekstong Naratibo- sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ay ginagamit ng manunulat sa paningin o pananaw sa pagsasalaysay.  Unang Panauhan- sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na AKO.  Ikalawang Panauhan- dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na KA at IKAW.  Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananawna ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan Kaya ang panghalip na ginagamit at SIYA.  Kombinasyong Pananaw o Paningin- dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.

2. May paraan ng pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo  Direktang o Tuwirang Pagpapahayag-Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direktang o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang saloobin, diyalogo, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng PANIPI.  Di Direktang o Di Tuwirang Pagpapahayag-Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng PANIPI.

May mga Elemento ang Tekstong Naratibo 1.Tauhan- ito ang mga taong gumaganap sa loob ng teksto/panitik. May dalawang paraan sa paglalarawang ng mga tauhan: una expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o naglalarawa sa pagkatao o tauhan at ikalawa dramatiko kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.  Pangunahing Tauhan- sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula sa simula hanggang sa katapusan. Iisa lamang ang pangunahing tauhan.  Katunggaling Tauhan- ang kataunggaling tauhan o kontarabida ay siyang sumasalunggat o kalaban ng pangunahing tauhan. Isa siya sa bumubuhay ng kuwento.  Kasamang Tauhan- gaya ng ipinahiwantig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.  Ang may-akda- sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay laging magkasama sa kabuan ng akda, sapagkat sa likod ng kwento ay nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyaring awtor. 2.Tagpuan at Panahon-Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganapa ng mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon(oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan, takot sanhi ng malakas ng hangin dala ng paparating na bagyo. 3.Banghay-Ito ang tagwag sa maayos na dalot o pagkakasunod-sunod ng gma pangyayari sa mga tekstong naratibo upang bigyang linaw ang temang taglay ng akda. Banghay ng Maikling Kwento: a. b. c.

Simula Tumitinding Galaw Kakalasan

d. e.

Kasukdulan Wakas

Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbenasyon na simula-gitna- wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa mga ganitong kalakaran at tinatawag silang ANACHRONY o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:  Analepsis(Flashback)- Dito ipinapasok ang gma pangyayaring naganap sa nakalipas.  Proplesis(Flash-Forward)- Dito nama’y ipinapasok ang gam pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.  Ellipsis- may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysayna tinanggal o hindi isinama. 4.Paksa at Tema- Ito ang sentral na ideya kung umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang iparating sa kanyang mambabasa. “Ang salitang MAHIRAP ay para lamang sa taong TAMAD ” Pag-ibig na walang hanggan? Pangakong walang iwanan? Mag-aral ka na lang para makapasa sa exam 

GODBLESS sa pagsusulit, mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan. Wag mong isiping mahirap, ang isipin mo KAYA mo kahit ano pa man ang mangyari .

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF