Halimbawa Ng Liham Na Nag

September 7, 2017 | Author: Alvin Garcia Osorno | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Halimbawa Ng Liham Na Nag...

Description

.

Halimbawa ng Liham na Nag-Aaplay ng Trabaho.

509 Gen.Mascardo St.,Little Baguio Lungsod ng San Juan, Metro Manila Ika- 14 ng Oktubre, 2009

Kagalang -galang na Manuel Villar

Municipal Mayor

Lalawigan ng Bulacan

Malolos, Bulacan

Kagalang-galang na Mayor:

Isang magandang umaga po ang ipinaaabot ko sa inyo.

Ako po ay nagtapos ng high school noong nakaraang Marso sa Mount Carmel Academy. Wala na pong pangtustus ang aking mga magulang para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala pong trabahong permanente ang aking ama kaya po kami kinakapos sa buhay.

Sumulat po ako sa inyo upang mag-aplay ng trabahong kaswal sa inyong tanggapan. Gusto ko po sanang makapag-ipon para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Anuman pong trabaho ang maari nyong ibigay sa akin ay aking pagbubutihan at gagawin ang lahat ng aking makakaya.

Maraming salamat po sa anumang tulong na maibibigay ninyo sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob.

Sumasainyo,

Renz Domingo

1. Liham na kumukuha ng impormasyon tungkol sa isang bagay 506 Lakas St. Bacood, Sta.Mesa Ika-10 ng Setyembre,______ Ang Dekano Kolehiyo ng Businesss Administration Pamantasan ng Santo Tomas Ginoo: Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kalian at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa application form. Ipinaaabot kop o ang taos-puso kong pasasalamat. Magalang na sumasainyo, Luz Del Mundo

3. Liham na humihiling ng subskripsyon 1025 Balic-Balic Sampaloc, Maynila Oktubre 10,______ Ang Tagapamahala Liwayway Publishing, Inc. 2249 Pasong Tamo Lungsod ng Makati Mahal na Ginoo: Kalakip po nito ang halagang dalawang daan at walongpu't walong piso (P288.00) hiro postal bilang kabayaran sa amin na buwang suskrisyon ng magasing Liwayway. Lubos na sumasainyo, Susan delos Reyes 4.Liham na naghahandog ng tulong sa proyekto ng Barangay Chairman 109 G. Tuazon Sampaloc, Manila Agosto 25, _____ G. Clemente Molina Barangay Chairman, Bgy. 420 Sampaloc, Maynla Mahal na G. Molina: Nalaman ko pong naglunsad kayo ng isang proyekto tugngkol sa kalinisan at pagpapaganda ng ating barangay. Natutuwa po ako at magiging maganda ang pamayanan at hindi na natin ito ikakahiya. Bilang isang myembro ng Kabataang Barangay, nais ko pong makatulong sa pagpapaganda at pagpapanatiling malinis ng atng pamayanan. Bubuo po ako ng isang samahan ng mga kabataan na mangangasiwa sa kalinisan ng kalyeng aming

nasasakupan. Ito po'y isasakatuparan sa darating na Linggo. Nais po naming maging bahagi ng inyong mga proyekto. Matapat na sumasainyo, Rogelio dela Serna

1

:

8 | 11.1% AC

1LIHAM PAGTATANONG #000 Bauan, Batangas Setyembre 10, 2010 maric17 G. Nestor P. Gajete Unibersidad ng Pilipinas-Los Banos Los Banos, Laguna Atensiyon: Dekano, Kolehiyo ng Agham Pampolitika Mahal na G. Gajete: Nabalitaan ko po na ang inyong paaralan ay subok na sa pagtuturo sa kursong Agham Pampolitika. Tama naman pong magtatapos ako ng hayskul sa darating na Marso at naghahanap po ako ng paaralan na mayroon ng kursong nabanggit. Kaugnay po nito, nais ko pong malaman kung kailan at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagong magpapatalang mag-aaral. Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa application form. Ipinaaabot ko po ang taus-puso kong pasasalamat. Lubos na gumagalang, MARIC ALDRIN P. SILANG

2LIHAM-APLIKASYON #000 Bauan, Batangas Setyembre 10, 2010 G. Robert T. Garcia Q.C. Head, AG&P Batangas San Roque, Bauan, Batangas Mahal na G. Garcia: Sumulat po ako para mag-apply sa posisyon na Q.C. Manager na nakalathala sa Manila Bulletin. Ayon po sa hinihiling, nakapaloob po dito ang application form, bio-data, sertipikasyon, resume at tatlong tao na pwedeng sanggunian. Naniniwala po ako na ang aking kakayahang teknikal at edukasyon ang tutulong sa akin upang maging karapat-dapat ako sa posisyong ito. Ang susi po sa tagumpay para sa posisyong ito na aking tinataglay ay: nagsisikap ako para sa patuloy na pagkatuto, ibinabahagi ko ang aking mga taglay na kaalaman at matagumpay kong napaunlad ang aking kompanyang pinanggalingan. Nag-aral po ako ng Chemical Engineering sa Batangas State University (BSU) at naging Cum Laude. Naging pangsiyam din po ako sa Board Exam. Mayroon na po akong tatlong taon na karanasan sa trabahomg ito. Nakasulat po sa aking resume ang karagdagang impomasyon sa aking kasanayan. Maaari po akong matagpuan kahit kalian sa aking email address na [email protected] o sa telepono na may numerong 09392979481. Maraming salamat po sa inyong oras at pang-unawa. Sana po ay magkausap tayo sa susunod na mga araw. Lubos na gumagalang, MARIC ALDRIN P. SILANG

3 LIHAM PAGAANYAYA Akademya ng San Francisco Mabini, Batangas Setyembre 10, 2010 Gobernador Vilma Santos-Recto Punong Lalawigan Opisina ng Gobernador, Batangas Mahal na Gobernador: Taun-taon po kaming nagdadaos ng Commencement Exercise. Bilang estudyante sa ikaapat na taon, inaanyayahan po namin kayo sampu ng aking mga kasabay na magsisipagtapos upang maging panauhing tagapagsalita. Inagahan po namin ang pagpapadala ng liham kaya wala pong eksaktong petsa kung kailan ito gaganapin. Natitiyak po naming magiging ehemplo kayo at inspirasyon sa aming mga magsisipagtapos. Magpapadala po kami ng isa pang liham kung sakaling paunlakan ninyo ang aming imbitasyon na naglalaman ng eksaktong petsa kung kailan ito gaganapin. Inaasahan po namin ang inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon. Pauna po ang aming taus-pusong pasasalamat. Magalang na sumasainyo, MARIC ALDRIN P. SILANG

LIHAM KAHILINGAN 97-T F.C. Tuazon Street, Tabacalera Pateros, Metro Manila Pebrero 03,2012 Mahal naming Presidente,

Magandang araw! Marami ka ng nagawa para sa aming barangay, ngunit ngayon nais ulit naming humiling. Nais po sana naming maging maayos na ang aming barangay dahil nagkakasakit kami dahil sa polusyong dala ng masamang hangin. Ayaw na po naming mabawasan pa ang tao sa aming barangay dahil sa pagkamatay na dala ng polusyon. Sana po ay maintindihan mo ang kalagayan ng aming barabgay. Nagmamahal, Residente ng Brgy. Tabacalera

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF