Different types of graphic organizers which are very useful in teaching :)...
Description
Five-Finger Facts
Ito ay graphic organizer na ginagamit upang maisulat ang limang mahahalagang pahayag na nagsasaad ng KATOTOHANAN na matatagpuan sa aklat na binasa.
JOURNAL PLAN ORGANIZER Ito ay graphic organizer na gagamitin upang maorganisa ng mag-aaral ang mga bagay na kanyang isusulat sa kanyang JOURNAL.
BRAINSTORM CLUSTERS Graphic organizer na ginagamit upang pagsamahin ang magkakahawig na ideya ng isang napag-usapang paksa.
NARROW THE TOPIC Organizer na ginagamit upang mapalawak ng mga magaaral ang kanilang ideya tungkol sa paksang tinalakay, mula sa pinakamababang detalye hanggang sa pinakamataas.
STICK TOGETHER Isang uri ng graphic organizer na parang Venn Diagram ang gamit. Sa dalawang magkatapat na papel ay isusulat ng mga mag-aaral ang dalawang magkaibang bagay at ang kani-kainalang mga katangian. Dito nila makikita kung saan sila nagkakaiba at nagkakapareho.
LISTEN UP CHART Ang chart na ito ay ginagamit upang itala ng mga mag-aaral sa kahong STORYTELLER ang mga mahahalagang pangyayari na ibinahagi ng nagbabasa ng kuwento, habang isusulat naman nila sa kahong LISTENER ang mga bagay na kanilang natutunan sa kuwento.
BOOK BUTTERFLY Isang masining na uri ng graphic organizer na ginagamit pagkatapos maipabasa sa mga mag-aaral ang isang kwento, itatala nila sa mga puwang ang mga hinihinging TAUHAN, BANGHAY atbp.
SUMMARY CIRCLES Ginagamit sa paglalagom/summary upang mapadali ang pagkilala sa mga elemento ng kwentong binasa.
ESSAY BURGER Ito ay isang uri ng graphic organizer na ginagamit upang ma-organisa ang mga ideyang isusulat sa isang gagawing sanaysay.
CAUSE AND EFFECT TREE Ginagamit upang matukoy ang mga SANHI at BUNGA ng mga pangyayari sa isang kuwentong binasa.
IBA’T IBANG URI NG MGA GRAPHIC ORGANIZERS AT ANG KANILANG GAMIT IPINASA NI: BERN LESLEIGH ANNE JAMERO OCHAVILLO
Thank you for interesting in our services. We are a non-profit group that run this website to share documents. We need your help to maintenance this website.