Graciano Lopez Jaena
September 12, 2017 | Author: Kevin Collin Colitoy | Category: N/A
Short Description
Graciano Lopez Jaena...
Description
Graciano Lopez Jaena - (1856 - 1896) Siya ang Dakilang Mananalumpati, Prince of Filipino Orators, Nagtatag ng La Solidaridad. Isinilang siya noong December 20, 1856 sa Jaro, Iloilo siya ay anak nina Placido Lopez at Maria Jacoba Jaena. Si Padre Francisco Jayme ang personal na nagturo kay Graciano nung anim na taon plang siya, nag-aral siya ng Teolohiya at Pilosopiya sa Seminaryo ng San Vicente. Nagtrabaho siya sa Hospital ng San Juan de Dios. Nag punta ng Espanya si Graciano upang umiwas sa pang-uusig ng mga kastila dahil sa mga sinulat niya, nag-aral siya sa Unibersidad ng Valencia ng medisina. Dahil marami ding Kastila na Lopez nag pasya itong idagdag ang Lopez sa kanyang pangalan, kayat naging Graciano Lopez Jaena ang buong pangalan niya. Kasapi din siya sa Propaganda isang samahan ng mga Pilipino sa Espanya. Itinatag niya ang La Solidaridad, kinilala ang kanyang kahusayan sa pag tatalumpati. Namatay si Graciano na pulubi sa Barcelona noong Enero 20, 1896.
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pangaabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at
hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
Isinilang noong ika-30 ng Agosto 1850, sa Bulacan, Bulacan sa sampung anak nina Don Julian Del Pilar, naging "Governadorcillo" ng kanilang bayan at Dona Blasa Gatmaitan, kabilang sa isang mayamang pamilya. Ang kanyang asawa ay kilala sa tawag na "Tsansay" at hindi batid ang apelyido sa pagkadalaga. Ang kanyang mga naging anak ay sina Sofia at Anita. Noong taong 1849, alinsunod sa kautusan ni Gobernador Heneral Claveria ang kanilang apelyidong Hilario ay isina-kastila. Mamamhayag ng Kilusang Propaganda at manunula sa ilalim ng taguring "Plaridel".
Si Mariano Ponce ay ipinanganak sa Baliwag, Bulacan noong ika-22 ng Marso 1863 sa mga magulang na Mariano Ponce at Maria Collantes delos Santos. Siya ay nakilala bilang propagandista, manunulat, manggagamot, at tanyag na repormista. Siya ay unang nag aral sa kanyang sariling bayan at nakapagtapos ng mataas na paaralan sa isang pribadong paaralan na pag aari nina Juan Evangelista, Hugo Ilagan at Escolastico Salandanan. Siya ay nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Colegio de San Juan de Letran at nagpatuloy pa rin siya sa pag-aaral sa Unibersidad Central de Madrid kung saan siya ay nagtapos ng kursong medisina. Noong siya ay nasa Espanya sumali siya sa kilusan ng propaganda bilang isang tagapatnugot na La Solidaridad at naging kasapi ng Association Hispano-Filipino. Nakapaglakbay siya sa Canton, Handow, Hongkong, kung saan nakaharap niya si Hen. Emilio Aguinaldo, sa Indo-China at Shanghai, kung saan naman nakilala niya si Sun YatSen, ang nagtatag at Unang Pangulo ng Republika ng Tsina. Noong 1898 ng Hulyo, ipinadala siya sa bansang Hapon upang makipag-ugnayan sa mga opisyales ng bansang Hapon. Dito napangasawa niya si Akiyo Udangawa at nagkaroon sila ng apat na anak. Siya ay nagsilbi bilang isang mambabatas sa ikadalawang distrito ng Bulacan simula 1908 hanggan 1912. Siya ay namatay sa sakit na tuberculosis noong ika-23 ng Mayo 1918.
Isinilang noong ika-29 ng Oktubre 1866 sa Binondo, Maynila. Pinakabatang anak nina Joaquin Luna at Laureana Novicio Ancheta. Ang mga kapatid ay sina Benedicto, ang guro; Jose, ang Siruhano at mediko opisyal sa hukbong Pilipino; Juan ang dakilang pintor; Manuel, ang Birtusong manunugtog ng violin at kondukor ng orchestra; Joaquin, ang senador; at Teodorico, ang pinunong rebolusyonaryo ng sangay ng Baler ng Katipunan.
View more...
Comments