Gr. 3 Pagdiwata - Silent Pretest

February 9, 2017 | Author: Mark Cua | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Philippine Informal Reading Inventory Phil-IRI for School Year 2014-2015 Filipino 3 Pretest Silent Reading Test Dep...

Description

Phil-IRI Form 1 – Silent Posttest

Pangalan: ________________________________________________________ Baitang at Pangkat: ______________________________________________ Nagugol na Oras sa Pagbasa: ________________ Iskor: ______________ (Reading Time in Seconds)

Panuto:

(Score)

Basahin nang tahimik ang seleksyon. Matapos magbasa, isulat ang oras na nagugol sa pagbasa. Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

PAGDIWATA Pagdiwata ang pistang pasasalamat ng mga minoryang Tagbanua ang dahil sa masaganang ani kanilang tinamasa. Matatagpuan ito sa Palawan. Pag-aalay ng inumin at pagkain sa mga pumanaw na kamag-anak ang paraan ng kanilang ritwal. Pinaniniwalan ng mga minoryaang Tagbanua na nababahaginan ang mga ispiritu ng namayapa. Pagkatapos ng anihan, nagtitipun-tipon sila sa bahay ng babaylan. Itinuturing nilang pinuno ang Babaylan. Sa saliw ng tugtog ng tambol, sasayaw ang Babaylan. Magsisimula sa banayad tungo sa marahas na pagsayaw sa paniniwalang naitataboy ang masamang ispiritu. Matapos itaboy ang masasamang ispiritu, sisimulan ng Babaylan ang ritwal. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng manok, alak-bigas ipinahihiwatig na mabubuting ispiritu ang kasama nila. Ang unang paglagok o pag-inom ng Babaylan ng alak-bigas ay hudyat ng kasiyahan na tinatanggap ng mabubuting ispiritu ang kanilang mga alay. (atm 2014) Gr. III Bilang nga mga Salita: 129

SY 2014-2015

Elementary Education Division, NCR – Filipino Area

Mga Tanong 1.

Ano ang tawag sa pistang isinasagawa ng mga minoryang Tagbanua? a. Pagdiwata b. Flores de Mayo c. Maytinis Festival d. Moriones

2.

Anu-ano ang iniaalay ng mga Tagbanua sa mga espiritu? a. bulaklak at kandila b. larawan ng babaylan c. pagkain at alak d. litsong tupa

3.

Saan nagtitipun-tipon ang mga Tagbanua pagkatapos ng anihan? a. sa bahay-bahay b. sa simbahan c. sa bukid d. sa bahay ng babaylan

4.

Bakit isinasagawa ang Pagdiwata? a. upang makapag-inuman b. upang mag- alay sa babaylan c. upang magpasalamat sa masaganang ani d. upang kausapin ang mga pumanaw na kaanak

5. Paano itinataboy ang mga masasamang espiritu ng Babaylan? a. sa pamamagitan ng pag-aalay ng manok at alak-bigas b. sa pamamagitan ng pagtanggap sa banal na espiritu c. sa pamamagitan ng pagtitipon d. sa pamamagitan ng kasiyahan

SY 2014-2015

Elementary Education Division, NCR – Filipino Area

6.

Dapat ba nating ipagpasalamat ang kasaganaang ating nakakamtan? a. Oo,sapagkat hindi lahat ng tao ay nagkakamit ng kasaganaan b. Oo, dahil ako’y napipilitan c. Hindi, dahil pinaghihirapan ko naman yon d. Hindi, dahil nakakaabala iyon

7.

Kung isa kang Tagbanua, makikiisa ka ba sa pagsasagawa ng Pagdiwata? a. Oo, upang makasama ako sa kasayahan b. Oo, sapagkat nararapat nating ipagmalaki ang ating sariling kultura c. Oo, baka magalit ang mga espiritu d. Oo, takot ako sa espiritu

SY 2014-2015

Elementary Education Division, NCR – Filipino Area

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF