Ginto ang kayumangging lupa

October 10, 2017 | Author: Charlotte Albez Malinao | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

: I hope that it can help you guys.. :)...

Description

I. Pagkilala sa May-Akda Napakarami ng kwento ang iyong nabasa sa mga aklat at pahayagan, napakinggan sa radyo at napanood sa pelikula tungkol sa tema ng storyang nilikha ni Dominador B. Mirasol, ang may-akda ng “Ginto ang Kayumangging Lupa” subalit natatangi ang kwentong ito dahil nabigyan ng may-akda ng kakaibang haplos ang kabuuan ng istorya. Nakalikha siya ng mga tauhan na hahangaan mo dahil sa kanilang katatagan na lumaban sa harap ng maraming pagsubok. Ang mga katotohanan ng buhay at ang pananalig sa Diyos, ito ang nais ng may-akda na ibahagi sa mga mambabasa at siya ring nag-udyok sa kanya upang malikha ang kwento. II. Uri ng Panitikan Ang akdang “Ginto ang Kayumangging Lupa” ay isang uri ng panitikan na napapasailalim ng maikling kwento. Ang istorya ay hango sa bungang-isip ng may akda subalit ang kwento ay hango sa isang buhay na tunay na nangyayari noon, nagaganap ngayon at magaganap sa hinaharap. Ang akda ay may katangian na maaari mong basahin sa isang upuan lamang. May mga tagpo na nakakapukaw ng damdamin, makikidalamhati ka sa kanilang kalungkutan at ipagmamalaki mo ang katatagan ng kanilang loob. Madadala ka sa daloy ng kwento at ang kaganapan ng mga pangyayari ay tuloy-tuloy mula simula hanggang sa kalutasan ng mga suliranin patungo sa isang may pag-asang katapusan. Ang lahat ng ito ay mga katangian ng isang maikling kwento. III. Layunin ng Akda Ang akda ay sinulat hindi para ipamukha sa mga mambabasa ang katotohanan ng buhay kung saan ang mahihirap ay palaging api at talunan. Layunin ng akda na hikayatin ang mga mambabasa na huwag mawalan ng pag-asa sa kahit na anong pagsubok na darating sa buhay. Dapat maging matatag, matiyaga at may pangarap dahil ito ay makatutulong sa pagkakamit ng tagumpay. Ang magagandang layuning ito ng akda ang dahilan kung bakit naging maganda at makabuluhan ang kwento. IV. Tema o Paksa ng Akda Ang tema o paksa ng “Ginto ang Kayumangging Lupa” ay makabuluhan dahil naipakita dito kung paano unti-unting nalampasan ng mga pangunahing tauhan ang mga balakid sa buhay. Ang tema ay napapanahon dahil tulad ng akda, noon pa man hanggang sa ngayon ay suliranin pa rin ng maraming kababayan natin ang usapin sa lupain. Ang paksa ay makatotohanan dahil sa labanan ng mga mahihirap at ng mga makapangyarihang ganid na kung saan ang mga maralita ang laging talunan. Ito ang dilat na katotohanan na mahirap masolusyonan at siyang tutugon sa sensibilidad ng mga mambabasa. V. Mga Tauhan / Karakter sa Akda Ang mga karakter sa kwento ay nalikha dahil na rin sa kapaligiran na kanilang ginagalawan. Sila ang mga tauhang nabigyang buhay at nagbigay kulay para maging makatotohanan ang ating kwento/akda. 

Moises

Siya ang masipag, matapang at maarugang padre de pamilya. Siya ay sinawimpalad na maaksidente at hindi na muling nakalakad, subalit siya ang isang uri ng taong hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay at malaki ang pananalig sa Diyos. 

Tinay Siya ay ang mabait na asawa ni Moises. Siya rin ang katulong ni Moises upang mapalaki ng maayos ang tatlo nilang anak.



Tante

Si Tante ang panganay na anak ni Moises. Siya ay masipag, maaasahan at ang siyang umako sa mga tungkulin ng ama nang ito ay mabaldado subalit wala siyang hilig sa pag-aaral. 

Mira Si Mira ang bunsong anak ni Moises. Siya rin ay masipag, mabait, mapagmahal na anak at mapagparayang kapatid.



Mang Pio

Isang matandang manghihilot na ang kaingin ay karatig ng lupa ni Moises. Si Mang Pio ang gumamot at tumulong kay Moises nang mahampas ng buntot ng sawa ang balakang ni Moises. 

Francisco

Siya ang pinakamatalino at may ambisyon na makatapos ng pag-aaral sa tatlong anak ni Moises. Si Francisco rin ang inaasahan ng pamilya na mag-aahon sa kanila sa kahirapan. 

Mando Ang taong nagpasimula ng pagtutol at paglaban sa makapangyarihang ganid na Senyor na kumakamkam sa kanilang mga

lupain. VI. Tagpuan / Panahon Ang tagpuan halos sa kabuuan ng kwento ay nangyari sa isang liblib na kagubatan sa nayon ng Mauwak kung saan ang ikinabubuhay ng mga pangunahing tauhan ay ang pagkakaingin at pagtatanim. Dumating sila sa lugar na iyon, nagsipaghawan sa lupain, dito na nagkaasawa, nagkaanak at binuo ang kanilang mga pangarap. Ang mga pangyayari sa kwento ay naganap noong panahon na ang mga makapangyarihang ganid at masasalapi ang nagmamay-ari ng maraming mga lupain at nag-aangkin pati na rin ang mga liblib na kagubatan. Angkop ang panahon at tagpuan sa mga pangyayari sa kwento kaya’t maganda ang kinalabasan ng istorya ng akda. VII. Nilalaman / Balangkas ng mga Pangyayari Ang mga pangyayari sa kwento ay dati na nating naririnig, napanonood at nababasa. Ito ay tungkol sa mga mayayaman na umaangkin sa lupain ng mga mahihirap. Ganoon pa man ay nabigyan naman ng panibagong bihis ang kwento. Naipakita rito ang tunggalian ng tao laban sa kanyang kapwa at sa kanyang kapaligiran Ang pagtanggap ng tao sa kanyang pagkatalo subalit nangangarap pa rin ng tagumpay sa banding huli. Maayos na nailahad ang balangkas ng mga pangyayaring nagsimula sa isang aksidenteng naganap sa pangunahing tauhan. Ang pagtulong at pakikiramay ng mga kanayon, pati na rin ang pagmamahalan at pagkakaisa ng pamilya sa oras ng matinding pagsubok ay may kaisahan naman at maayos na maibalangkas ang mga pangyayari simula sa umpisa hanggang sa wakas. Sa pangkalahatan, nais ipabatid ng akda na habang may buhay ay may nananatiling pag-asa basta’t manalig sa Diyos at matutong maghintay dahil ang kahirapan ay hindi sagabal sa tagumpay.

VIII. Mga Kaisipan / Ideyang Taglay ng Akda May mga mahahalagang kaisipang makikita sa akda na nailahad ng maayos upang mas rumikit ang mga pangyayari sa kwento. Ang pagtutulungan at pagdadamayan ng mga kanayon sa oras ng pangangailangan ay naipakita nang maaksidente ang pangunahing tauhan sa kwento. Ang pagmamahalan at walang kapagurang pag-aaruga ng bawat bahagi ng pamilya, ang walang iringan at pagbibigayan ng magkakapatid, ang pag-ako ng panganay na anak sa naiwang tungkulin ng magulang at ang patuloy na pag-aaral upang lumawak ang kaalaman ay ilan lamang sa mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino. Mayroon ding bahagi sa kwentong kinakailangang lumaban, makisama, umasa, at mangarap na magtatagumpay din balang araw. Isa pang kaisipan na nakapaloob sa akda ay tunay na ang tao, gaano man kaganda ang pangarap at layunin sa buhay kung minsa’y hindi ito maisasakatuparan dahil sa kapaligiran at sa mga tao na ring nagsisilbing balakid at katunggali sa pagtamo sa pangarap na tagumpay. Subalit ang pinakamagandang ideya na nakapaloob sa kuwento ay ang patuloy na pananalig sa Diyos. IX. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Tuloy-tuloy ang ginawang paglalahad sa kwento. Madali mong maiintindihan ang takbo ng istorya dahil sunod-sunod ang pagkakasulat sa mahalagang pangyayari. Masining ang pagkakagawa sa akda dahil may ilang mga pahayag na ginamit sa kwento subalit madali mo naman maintindihan ang kahulugan ng mga ito dahil maayos na nailapat ito sa mga pangungusap. Ang halaga ng mga bagay-bagay na binibigyang-diin ng may akda sa kabanata ay tumutugon sa panlasa ng mga mambabasa, kaya’t lumabas na kawili-wili at makapukaw damdamin ang naging pangkalahatang epekto nito sa mga mambabasa.

X. Buod Tanghaling tapat na ng magising si Moises. Hinang-hina siya, uhaw na uhaw at ‘di maigalaw ang kalahati ng katawan pababa. Noon niya naalala ang buong pangyayari. Malakas ang pagkakahampas ng buntot ng sawa sa kanyang balakang, nalinsad ang buto nito at naipitan siya ng malaking ugat. Sa tulong ng mga taga-Mauwak ay nailigtas siya at sa kaalaman ni Mang Pio sa panghihilot ay binalot ng kawayan ang kanyang balakang. Sa loob ng dalawang buwan ay hindi siya makagalaw at wala pa ring kasiguraduhan kung muli pa siyang makalalakad. Napagpasiyahan ng kanyang asawang si Tinay at nang tatlo pang anak na si Tante na muna ang gagawa sa tungkulin ng ama. Tutulungan siya ni Francisco habang sina Tante at Mira ay titigil muna sa pag-aaral. Si Francisco, na pinakamatalino sa tatlo naman ang magtutuloy ng pag-aaral sa hayskul. Isang gabi ay dinalaw siya ni Mando, ang kanayon na nagpasimula ng pagtutol sa ganid na Senyor na siyang nagmamayari daw ng kanilang mga lupain. Napag-alaman niya rito na wala na talagang pag-asang mapasakanya pa ang lupang matagal ding panahong binungkal. Gayunpaman ay ‘di pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Hindi na nga muli pang makalakad si Moises. Nagtulong-tulong ang mag-iina sa mga gawain sa lupain. Nakatapos ng hayskul si Francisco at makalipas pa ang dalawang taon ay nagpaalam ito na luluwas ng Maynila. Magsisikap makapag-aral sa kolehiyo at nangako siya sa ama na siya ay uuwing tagumpay. “Patnubayan ka nawa ng Diyos”, sambit na lamang ni Moises para sa anak at si Francisco ay lumuwas na ng Maynila na punong-puno ng pag-asa. XI. Teoryang Pampanitikan 

Klasisismo •

Nasusuri ang pagkamarangal ng mga tauhan sa akda sa tulong ng mga tiyak na dayalogo.

- Nagpayara ang magkapatid na Mira at Tante para kay Francisco. Si Francisco na lamang ang magpapatuloy ng pag-aaral samantalang si Tante ang gagampan sa tungkulin ng ama. • Napipili ang mga kaisipan at pahayag na naglalahad ng pagkamakapangyarihan ng Diyos at epekto nito sa tao. - Naniniwala si Tinay na maaawa sa kanila ang Diyos at makakalakad muli si Moises. Naniniwala naman si Moises na papatnubayan ng Diyos si Francisco at makakatapos ito ng pag-aaral sa kolehiyo.



Humanismo •

Natutukoy ang mga bahagi ng akda na naglalahad ng kagalingan ng tao.

-Si Mando ang nagpasimula ng pagtutol sa makapangyarihang ganid na Senyor. - Iginapang nina Moises ang pag-aaral ng mga anak para mapakinabangan ang karunungan nila pagdating ng araw. - Luluwas ng Maynila si Francisco upang mag-aral at alam niyang magtatagumpay siya. •

Natutukoy ang mga kaisipang naglalahad ng pagkamamamayan.

Sinabi ni Mando na balewala sa kanya ang kamatayan, ang mahalaga’y lumaya ang bayan upang kamtin ng naaapi ang biyaya. 

Markismo • Nababatid ang paglalahad ng tunggalian ng malakas o makapangyarihan sa mahina o ‘dimakapangyarihan.

Mabiyaya ang lupain para sa pamilya ni Moises, Subalit dumating isang araw ang isang makapangyarihang ganid at sinabing sila ang may-ari ng lupa. Mahirap sila at walang laban. Ngayon nga’y nanganganib nang mawala ang kayumangging lupa kina Moises na magdadala sana sa pamilya niya ng magandang kapalaran.

Ang May-akda Si Dominador Mirasol ay isang premyadong manunulat at likas siyang tahimik. Matimpi at makapangyarihan ang bawat akda

ni

Mirasol

tulad

ng

tula.

Maraming naisulat niya tulad ng Mga Aso sa Lagarian, Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak, Mga Agos ng Disyerto at Maligno. Si Ka Domeng ay isa sa mga magigiting na may-akda ng "Mga Agos sa Disyerto" (kasama sina Efren Abueg, Rogelio Ordoñez, Rogelio Sikat, at Edgardo Reyes). Ang kalipunan ng mga akdang nagpatunay na sa sariling wika higit na malalasap ang hapdi ng pang-aapi at pangbubusabos; ang pagiging aba ng pagiging mahirap; at ang talas ng mga salita sa mga nagbibingibingihan at nagkukunwaring makatao. Ang may-akda ng "Mga Aso sa Lagarian (1964)," at "Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak (1970)," na kapwa nagtamo ng unang gantimpala sa pagsulat ng maikling kwento sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Maging sa pagsulat ng nobela ay ginawaran rin siya ng Liwayway ng Ikalawang Gantimpala para sa "Apoy sa Madaling Araw," na kasama niyang may-akda ang isa ring premyadong manunulat na si Rogelio Ordoñez. (Perla S. Carpio, Agosto 2009)

Maikling Kasaysayan ng Nobela Ang nobela ni Mirasol ay unang lumabas bilang isang serye sa Magasing SAGISAG ng Department of Public Information (DPI) noong 1979 at nalimbag bilang isang bahagi ng aklat na Panitikan at Kritisismo na inedit ni Rosario Torres-Yu. At bukod pa rito’y nagwagi ng Tanging Gantimpala sa Timpalak sa Nobela Tagalog ng CCP o Cultural Center of the Philippines.

NILALAMAN

Pagsusuri ng Tagpuan (Setting Analysis) Ang mga tauhan sa kwento lalo ang mga magsasakang taga-Mauwak, sa simula pa lamang ay hindi na nakatikim ng mapayapang pamumuhay mula noong sila’y may lupa pang sinasaka hangang sa makaalis roon at naghanap ng panibagong simula. Mahigpit ang pagkakaugnay ng mga tauhan sa lupa. Bagaman nagpakalayu-layo ang mga taga-Mauwak at napadpad sa Gitnang Luzon, di nawala ang kanilang pagmamahal sa lupa, lalung lalo na si Moises Dimasupil. Pinagyaman n’ya ang natuklasan lugar sa isang kagubatan habang nagtatrabaho sa isang lagarian at di nagtagal pinatira ang buong mag-anak. Ang kagubatang ito na parte lamang ng isa sa mga kabundukan sa Sierra Madre ay siyang naging daan upang unti-unti mabuo ang mga pangarap ng kanilang mga anak. Bagaman payak ang pamumuhay, nagsilbi itong mahalagang ari-arian nila. Ito rin ang lugar kung saan nagkaisa ang mga taga nayon ni Moises at kapwa n’ya kaingero na lumaban para sa kanilang lupain. Ginamit nilang kasangkapan ang kagubatan na tila akmang –akma ang mga yaman ng kalikasan sa paggawa nila ng mga munting armas at patibong upang mapagtagumpayan ang mga nagtatangkang magpalayas sa kanilang lupain. Ngunit hindi lamang iyon ang ginampanan ng lupaing iyon samakatwid ang

pagiging mahiwaga nito sa pamamagitan ng mga tanawing nababanggit sa nobela ang s’yang nagpapaganda sa kwento at dahil sa ilalim ng lupa na rin sinasabing nakabaon ang gintong pinag-ugatan ng ganid ng alkalde at dalawang Amerikano.

Pagsusuri ng mga Tauhan (Character Analysis)



Moises Dimasupil – ang pangunahing tauhan sa kwento, mapagtimpi at mahinahon at s’ya ang magsisilbing tagapagligtas ng kanilang nayon



Tinay Dimasupil – ang asawa ni Moises at magiging kaagapay niya sa pagtatanggol sa kanilang lupain at mag-anak



Tante Dimasupil – s’ya ang nagparaya sa kapatid na si Francisco na mag-aral sa Maynila at s’yang pumalit sa ama ng ito’y maparalisa



Francisco Dimasupil – s’ya ang pinakamatalino sa magkakapatid, ninais na magkapagtapos sa Maynila kung kaya’t umalis at nakipagsapalaran doon ngunit sa lupit ng tadhana sa kanya ay napilitang isuko ang pangarap at sumapi sa HUKBALAHAP



Senyor de Salazar – mula sa angkang de Salazar na umano’y nagsimula ang lahi sa Pilipinas noong lihim na nagkarelasyon sa Prayleng Dominikano sa isang Espanyola, naging malupit at di pataas sa kita sa lupaing sinasaka ng mga taga-Mauwak

Mga Taga-Mauwak



Tata Berong, Ka Asyas at Ba Islaw – ang 3 ama ng kabataang pinaghinalaang nagsipagnakaw sa konohan ng Senyor, sila ang nagpasiklab ng damdamin ng mga kabataan upang mapatay ang Senyor



Pastor – kababata’t matalik na kaibigan ni Moises at sa huli’y di iniwan nito hanggang sa nakamit nila ang tagumpay



Mando – Pinuno ng mga kabataang lumaban sa Senyor at di naglaoy naging isang miyembro ng isang kilusang laban sa pamahalaan



Lucas – isa sa mga kababaryo ni Moises ngunit di nagtiwala kung kaya’t nasawi sa engkwentro ng mga taga nayon laban sa pangkat ng alkalde.



Goryo – kaibigan ng pamilya ni Pastor na isang atsero sa lagarian sa dakong Sierra Madre at nagsilbing pag-asa ng mga taga-nayon upang magsimula muli sa bagong lupain



Mang Pio – isang matandang kaingero na nagbunyag kay Moises sa lihim ng alkade at katuwang niya sa pamumuno sa pagtatanggol sa kanilang lupain



Alkalde – kasalukuyang namumuno sa bayan ng Quezon,ang utak sa likod ng pagpapalayas sa pamilyang Dimasupil sa kanilang lupain



Sundalong Pilipino – ang nagpangggap na baliw at s’yang nakaka-alam kung nasaan naroon ang bare-baretang ginto.

Bawat isa sa mga tauhan ay magkakaugnay dahil sa kani-kanilang pagkaka-ugat sa lupa- ang lupang nagtataglay ng ginto. Bawat isa’y may mahalagang tungkuling ginampanan upang mapatingkad ang nobela.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF