Fil 3- Masining Na Pagpapahayag

February 28, 2017 | Author: Ron Aranas | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Fil 3- Masining Na Pagpapahayag...

Description

Sayusay o Retorika Lecture Mula ang salitang "retorika" sa salitang Latin na rhetor, na nangangahulugang "guro" o "mahusay na mananalumpati" Kahulugan 

    

isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagilagilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan. isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking abilidad na tumutugaygay sa pagsusulat o pagsasalita ng isang tao, bagay na humuhulma sa mga pangunahing kasanayan sa larangan ng komunikasyon. isang punla ng kahusayan ng isang nilalang sa pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. Kung kaya't ito ay isang epektibong paraan ng pakikipagdayalogo.

 Kasaysayan ng Retorika Panahon ng Klasikong Griyego -sa panahon ng klasikong Griyego, nagsimula ang pananaw nila sa retorika dahil sa kanilang buhay pulitika. -sa pulitika, umiikot sa retorika ang kanilang paraan ng pagpapahayag ng mga pilosopikal na ideya upang maiparating sa mga tao ang nais nilang ipahayag. -mahalaga ang retorika sa pagdukal ng katotohanan dahil nagbibigay ito ng pagkakataon sa isang tao upang maisaayos, mapadali at mapalinaw niya ang mga argumento. Ang mga sophist (tawag sa matatalinong tao) ang nagpalaganap sa paggamit ng retorika sa Gresya noong ika-5 dantaon BC kung saan nakilala sina Protagoras, Georgias (tinaguriang ama ng sistematikong pag-aaral ng retorika), at Socrates (magaling na guro ng retorika sa sinaunang panahon). *Aristotle -nakilala sa larangan ng retorika -the art of rhetoric—ang retorika ay kaakibat ng dialektik -naniniwala siyang kailangan ang pamamaraang dialektikal upang matuklasan ang katotohanan habang kailangan naman ang pamamarang retorikal upang maipahayag ito. 3 Uri ng Katibayang Retorikal 1.ethos-nakaiimpluwensya ang katangian ng tagapagsalita upang paniwalaan siya 2.pathos-paggamit ng emosyon 3.logos-paggamit ng wika sa pagbuo ng argument.

Panahon ng Klasikong Romano -kahalagahan ng retorika sa aspekto ng kanilang pampulitikang buhay.  Cicero -sikat na mananalumpati at pilosopo -ang adhikain ay dapat ibatay sa panlasa at pagpapasya ng mga mananalumpati. *nangangahulugan na dapat may malinaw na ugnayan ang paggamit ng retorika sa pamumuhay ng mananalumpati. #kung ang tatalakayin ay tungkol sa moralidad ,mas kapanipaniwala siya kung mabuti siyang tao.  Quintalian -propesor ng retorika na nagpasimuno ng kumpletong sistema ng edukasyong panretorikal  Rhodian-paaralang kung saan sininimula ang pagtuturo ng retorika. Panahong Medieval(pagitan ng 5-15 dantaon) -ginamit ang retorika sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga dating pagano  St. Augustine -guro ng retorikang Latin at nagging Kristiyano -de Doctrina Christiana,nagsilbing pundasyon sa retorika ng sermon Panahon ng Renaissance(14-17 dantaon) -retorika bilang sining ng pagsulat at sermon  Erasmus -iskolar na Dutch na muling nagbigay buhay sa retorika sa pamamagitan ng pagsulat ng aklat tungkol sa estilo at komposisyon.  Vives -nagtatatag ng pagkakaroon ng patern ng edukasyong panretorika sa iba’t ibang eskwelahan sa England. Moderno at kasalukuyang Panahon -binigyang diin ang paggamit ng retorika sa aspetong pagsulat. -ang kahalagahan ng wika at panghihikayat ay nagging palasak na Gawain tulad sa patalastas at sa midya. Debisyon ng retorika 1. Imbensyon-tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para sa isang talumpati na maaaring sa paraang induktibo o deduktibo Induktibo-pagbuo ng pangkalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pangangatwiran Deduktibo-tumutukoy sa pangangatwiran sa pamamagitan ng paggamit ng mga analohiya o mga impormal na anekdota 2. Pagsasaayos-proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o pagbabalangkas ng bahagi ng isang talumpati ayon sa ss: Introduksyon o panimula Narasyon/paglalahad ng mahahalagang punto Paghahain ng mga patunay sa kasong tinalakay Pagpapabulaan/tunggalian Konklusyon

3. Istilo-proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya. 4. Memorya-tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagang punto ng isang talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa harap ng publiko 5. Deliberasyon-tumutukoy sa aktwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan kinokontrol ang modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga angkop na kumpas sa isang talumpati

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF