EsP10 - LE Pagmamahal Sa Diyos

February 6, 2024 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download EsP10 - LE Pagmamahal Sa Diyos...

Description

Republic of the Philippines Department of Education REGION IV-A SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE TANZA NATIONAL COMPREHESINVE HIGH SCHOOL Daang Amaya II, Tanza, Cavite

Edukasyon sa Pagpapakatao Department S.Y. 2022 - 2023

PIVOT 4A LESSON EXEMPLARS USING THE IDEA INSTRUCTIONAL PROCESS LESSON EXEMPLAR

Tanza National Comprehensive HighSchool

Paaralan

10

Baitang

Guro

Maria Eloisa L. Montablan

Asignatur a

Edukasyon sa Pagpapakatao

Petsa

February 13-24, 2023

Markahan

Ikatlong Markahan

Oras

(See teacher’s schedule)

Bilang ng Araw

Apat na Araw

I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagmamahal ng Diyos.

B. Pamantayan sa Pagganap

Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)

Pagkatapos ng aralin ay inaasahan na: a. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos b. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongretong pangyayari sa buhay c. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa d. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos

D. Pagpapaganang Kasanayan

Act the heart; Hugot Salita; Kanta Suri

E. Pagpapayamang Kasanayan

Pagmamahal sa Diyos

II. NILALAMAN III. KAGAMITAN PANTURO A. Mga Sanggunian a.

Mga Pahina sa Gabay ng Guro

 

b.

Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral

Learner’s Material (Learner’s Packet) PIVOT 4A

c.

Mga Pahina saTeksbuk

pp.238-249

d.

Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource

canva.com

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

Laptop/ LED TV/projector Self-learning module (PIVOT)

IV. PAMAMARAAN Pedagogical Approaches (2C-2I-1R): _CONSTRUCTIVIST, COLLABORATIVE, & REFLECTIVE _ A. Panimula (INTRODUCTION) 1. Alamin - Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto (MELC) -Mga Patakaran sa oras ng klase (Class Rules)

  

 

Panalangin Pagbati Pagbibigay paalala tungkol sa mga safety protocols at tuntunin na dapat sundin habang nagkaklase Pagkakaroon ng ‘Pagsusuri ng Kalusugan’ o ‘Health Check’ Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin

INDICATOR______________ _ 2. Suriin -Maikling Pagtalakay INDICATOR______________ _

B. Pagpapaunlad (DEVELOPMENT) 1. Subukin -Paunang Pagtataya (opsyonal) INDICATOR______________ _

Gawain: Hugot Salita Instruksyon: Ang kahon na hawak ng guro ay iikot sa buong klase habang ang guro ay magpapatugtog ng musika tungkol sa pag-ibig. Kung sino man ang may hawak nito sa pagtigil ng musika ang syang huhugot ng papel at babasahin ang salita. Magbibigay ng sariling interpretasyon ang mga magaaral dito. Pagkatapos ay muling susuriin ang mga Hugot Salita at ihahambing ito sa “Pagmamahal ng Diyos”. Mga Hugot Salita: 1. Ang pag-big ko sa ‘yo ay parang pahinga. Bakit ko ititigil kung alam kong hindi ko kaya? 2. Pag-ibig ‘yan! Hindi weight o height kaya dapat walang sukatan, walang bilangan. 3. Mabuti pa ang pandikit malakas ang kapit! Samantalang ikaw, kaunting pagkukulang lang ay bumitiw na sa noon ay hawak na mahigpit. 4. Sana ang pagmamahal mo ay parang hugasin sa bahay, hindi nauubos. 5. Ang hirap talaga kapag may kulang. Katulad ng bahay na walang ilaw, pakbet na walang sitaw, magsasaka na walang kalabaw, at ako kapag walang ikaw. Gawain: Personal na Pagtataya Panuto: Tayahin ang iyong gawain sa araw-araw. Itaas ang dalawang kamay kung palaging ginagawa ang babanggitin ng guro, isang kamay kung paminsan-minsan lamang ito ginagawa, at i-form ng ekis ang kamay kung hindi ito ginagawa. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain Pagdarasal bago matulog at pagkagising sa umaga Pagbabasa ng bibliya/pag-aaral ng Salita ng Diyos Pagsisimba/pagsamba Pananahimik o personal na pagninilay Gabay na tanong: 1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa

ang gawain? 2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong sagot? Bakit? 3. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag. 2. Tuklasin -Pagpapakilala sa Bagong Aralin – (kanta-suri, larawan, o sitwasyon) INDICATOR______________ _

Panuto: Pakinggan ang awiting pinamagatang “Hiwaga” at mula rito ay tuklasin ang esensya ng “Pagmamahal sa Diyos”. Gawing gabay ang mga mahahalagang tanong sa ibaba upang maunawaan ang aralin. (Mula rito ay mapangangatwiranan ng mag-aaral na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa)

Mga gabay na tanong:

3. Pagyamanin -Mga Gawain – (Malayang Pagsasanay 1-4)

Gawain: 4 Kinds of Love Panuto: Suriin ang iba’t ibang uri ng pag-ibig ayon kay C.S. Lewis

INDICATOR______________ _

C. Pakikipagpalihan (ENGAGEMENT) 1. Isagawa -Pagsalin ng bagong kaalaman sa reyalidad ng

Pangkatang Gawain Instruksyon: Mula sa mga konkretong pangyayari sa inyong buhay, lumikha ng isang awitin na nagpapakita ng “Pagmamahal sa Diyos” at ibahagi ito sa klase.

buhay INDICATOR______________ _

Kraytirya sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain:  Nilalaman - 3 puntos  Pag-awit - 3 puntos  Kabuuang Pagtatanghal - 3 puntos  Kooperasyon - 3 puntos  Takdang Oras - 3 puntos

2. Linangin -Pagyamanin/Pagbibigaydiin sa punto ng modyul INDICATOR______________ _

3. Iangkop -Karagdagan o Bagong Gawain

Gawain: Gumawa ng isang personal daily log na nagpapakita ng mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos. Gawin ito sa iyong kwaderno.

INDICATOR______________ _

D. Paglalapat (ASSIMILATION) 1. Isaisip -Pagproseso ng Natutunan mula sa aralin INDICATOR______________ _

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot. 1. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao. a. espiritwalidad b. pananampalataya c. panalangin d. pag-ibig 2. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito? a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos c. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmmaahal ng Diyos d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos 3. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay? a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga salita 4. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban sa: a. kumikilala at nagmamahal sa Diyos b. naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos c. Nagmamahal at tumutulong sa kapwa d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa

5. “Ang nagsasabing iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapwa ay sinungaling.” Ang pahayag ay ______. a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa b. Mali, dahil maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsimba c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipapakita sa mabuting ugnayan sa Diyos d. Tama, dahil maipapakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapwa

2. Tayahin -Gawain para matasa o masukat ang pagkatuto INDICATOR______________ _

Gawain: Mula sa iyong natutunan sa aralin, buuin ang pahayag sa ibaba. Ang ___________________ ay hindi maaaring lumago kung hindi ________________ para sa kapakanan ng kapuwa. Naipapahayag ng tao ang kaniyang pananampalataya sa __________________ sa pamamagitan ng aktuwal na _____________________ nito. Ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos. Sikapin natin na ______________ ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal natin sa ______________ na Lumikha.

V. PAGNINILAY (Nabatid at naunawaan sa aralin)

Paano mo mapalalago at mapalalalim ang iyong pagmamahal sa Diyos at pakikipag-ugnayan sa kapuwa gamit ang iyong bagong kaalaman at reyalisasyon na iyong natutuhan?

Teacher’s Reflection: (Sa bahaging ito, pagninilayan ng guro kung nakamit ba niya ang layunin para sa nakatakdang araw, itatala ang mga gawaing hindi naipagawa, ang dahilan kung bakit, at ang plano para sa gawaing hindi naipagawa) Inihanda ni:

Iniwasto ni:

Maria Eloisa L. Montablan Teacher I – EsP Department Teacher’s Schedule:

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF